Pasado alas-nuwebe nang gabi. Balisa si Anastasia sa kanyang higaan dahil hindi pa nakauwi si Vance. Nag-umpisa na siyang kabahan. Paano kung ito na ang simula ng sinasabi ni Merideth. Bulong ng isang bahagi ng kanyang isipan. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo dahil malaki ang tiwala niya rito. Bumangon siya mula sa kama at pumasok sa banyo upang umihi. Paglabas niya mula sa banyo ay saglit siyang nag-inat-inat upang antukin. Naglakad-lakad siyang muli sa loob ng kwarto hanggang sa nakita niya ang kahon na nakapatong sa cabinet. Dahil sa curiosity noong nakaraang araw nais niya sana itong silipin kung ano ang laman. Binuhat niya ito at dinala sa malaking kama upang doon buksan. Mayamaya tumambad sa kanya ang mga lumang litrato. Inisa-isa niya iyon. Mga larawan ng ina ni Vance at mga kaibigan ng kanyang ina. Sa bandang ilalim nakita niya ang isang maliit na korona. Parang pamilyar sa kanya iyon. Sinipat-sipat niya ang bawat gilid hanggang sa nakita niya ang FEM. Kahit batang-bata pa siy
Nakatitig sa kawalan si Vance habang nasa loob ng kanyang opisina. Paggising niya kanina sobrang sakit ng kanyang ulo. Hinilot-hilot niya ang kanyang sintido habang nakapikit ang kanyang mga mata. Kanina pagbaba niya, kanyang naabutan si Anastasia na tumutulong sa paghahanda ng agahan. Ngumiti ito sa kanya at humalik sa kanyang pisngi. Ngunit may napansin siyang kalungkutan sa mga mata nito. Dagdag pa ang namumugtong mga mata. Napatingin siya kay Tim. Parang may mali. Dahil kahit ito ay sobrang tahimik. Pilit niyang inaalala ang mga nangyari kagabi. Biglang rumehistro sa kanyang isipan ang kanyang pagwawala sa tuwing may hahawak sa kanya kapag nalasing siya. Ibig sabihin kagabi.... "Fvck!" Napatingin si Tim sa kanya nang bigla siyang magmura. "Tim! What happened last night?" tanong niya rito. Bumuntong-hininga si Tim. "Hindi mo naalala? Ibang-iba ka sa Vance na nakilala ko kagabi. Para kang kabayo na nakawala sa pagkakatali. Alalahanin mo kung anong ginawa mo kagabi at kung
Blangko ang isipan na pinaharurot ni Vance ang kanyang itim na BMW sa kahabaan ng highway. Hindi niya alam kung saan ang kanyang direksiyon. Mayamaya natagpuan niya ang kanyang sarili na papasok sa Infinite Club. Nais niyang lunurin ang kanyang sarili sa alak kahit ngayon araw man lang. Napatingin siya sa kanyang wrist watch. Pasado alas-siyete nang gabi. Magbubukas palang ang club kaya wala pa masyadong costumer. Naglakad siya sa mahabang pasilyo na kulay lila. Sa dulo ang kinaroroonan ng private room na lagi niyang inuukopa noong naririto pa si Anastasia. Pasalampak siyang naupo sa malapad na couch doon saka nagsalin ng whiskey sa baso at mabilis na tinungga. Hindi siya tumigil sa pagsalin hangga't hindi niya naramdaman ang epekto ng alak sa kanyang katawan. Nasa ganoong sitwasyon siya nang bumukas ang pintuan ng kwarto. "Good evening, Sir." mabining bati ng sexy na babaeng pumasok. Hindi niya ito pinansin kahit familiar sa kanya ang boses nito. Patuloy siya sa pagsalin ng ala
Nailing si Vance sa kakulitan ni Tim. Alam niya na pinapasaya lamang siya nito kaya sobrang na-appreciate niya ang ginawa nito. Masarap magkaroon ng kaibigan na kilala ka mula ulo hanggang talampakan. Yung tipong alam nito ang gagawin sa tuwing may unos na dumating sa iyong buhay at hindi ka basta-basta iwanan.Pinukaw nang tunog ng cellphone ang kanyang atensyon. Napakunot ang kanyang noo nang makita ang numero na rumehistro sa kanyang screen. Numero iyon ng isa sa katulong niya sa bahay. May problema na naman ba kaya siya? Bulong ng kanyang isipan. Kinakabahang sinagot niya iyon. "Is there a problem?" diretsong bungad niya sa tumawag. "Ah-ee... Wala naman po sir. May ipapasabi lang po sana si, Madam." Kinakabahang sagot nito. "Say it." "Sabi niya po kasi na, pagkatapos daw po ng trabaho ninyo. Pumunta raw po kayo doon sa lugar na it-text niya po sa inyo." paliwanag nito na ikinangiti niya. "Okay," Nang matapos ang tawag ay lihim siyang napangiti. Mukhang siya pa ata
Parang saglit na gumuho ang mundo ni Anastasia. Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa dalawang tao sa kanyang harapan. May dapat ba siyang malaman? Napatingin siya kay Vance nangungusap ang mga mata nito. Mayamaya hindi siya nakatiis. Bigla siyang tumayo at pumalakpak. "Ang saya-saya naman. May unexpected guest pala tayo, Mr. Enriquez? Baka naman pwedeng paki-explain kasi wala naman akong inimbita na iba." napangisi siya. Kailangang ipakita niya na hindi siya talunan lalo na sa harap ni Marga. "May dapat ba akong malaman, Marga?" nakaarko ang isang kilay niyang tanong. Hinarap siya ni Marga. Kahit naka-heels man ito, maliit pa rin itong tingnan kompara sa kanya. "Bakit Anastasia, hindi ba nai-kuwento ni Michael saiyo ang nangyari sa amin kagabi dito? Ayaw niya pa nga sanang umuwi eh! Gusto niya pa akong makasama. Kaso dumating ang asungot niyang assistant. Kaya ayun nabitin kaming dalawa." walang katakot-takot nitong sagot sa harapan pa mismo ni Vance. Halos nanliit naman an
"Are you gone mad?" galit na sigaw ni Vance kay Marga. Kasalukuyang magkaharap sila sa kanyang opisina. "Sinabi ko saiyo na humingi ka nang tawad sa kanya. Pero ano ang ginawa mo? Mas lalo mo akong pinahamak, Marga! Hindi iyon ang napagkasunduan natin!" nanggigil sa galit na halos dudurugin niya ito ng pino. Nakabusangot naman na hinarap siya ni, Marga. "Paano kasi ang sarap niyang paglaruan. Prank lang naman sana iyong sa akin. Pero hindi ko inaasahan na magre-react siya ng ganoon. At saka kasalanan mo rin naman iyon dahil bakit mo siya sinabihan ng gano'n! Sinong babae ang hindi sasama ang loob kapag makarinig nang ganoon? Tapos ngayon isisi mo ang lahat sa akin?" parang batang nagmamaktol na sagot ni, Marga. "Prank? Alam mo bang dahil sa mga kalokohang ginawa mo mas lalo pang lumala ang problema?" muli niyang sabi rito. "Bakit? Nagustuhan mo rin naman ang halik ko ah! Tingnan mo inilihim mo nga sa kanya!" muli nitong hirit sa kanya na ikinainit ng kanyang ulo lalo.
Mula noong nagsagutan si Vance at ama nito ay hindi na niya ito nakausap maging si Vincent na kasalukuyan nitong kasama. Hindi mawala sa kanya ang pag-aalala. Sa kabila ng mga nangyari, ama pa rin nila ito. Masakit man ang mga nangyari sa nakaraan ngunit wala na silang magagawa roon dahil tapos na iyon nang matagal na panahon. Para na siyang nabunutan ng tinik nang mailabas niya ang lahat ng mga nakatago sa kanyang dibdib. Kampante na siya dahil kahit papaano ay nalaman ng kanilang ama ang saloobin ng kanilang ina. Iyan ang na-realized niya sa bawat katagang binitawan ni Anastasia. Katulad rin kasi siya ng kanyang ama na manhid. Walang pakialam sa nararamdaman ng kanilang kapareha. Kaya ang nangyari, kahit magkasama man sila sa iisang bubong para ring may malaking pader na nakaharang sa kanila. Sa lalim ng kanyang iniisip. Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Ang tawag na kanina pa niya hinihintay. "How is he?" Narinig niya ang malalim na buntong-hiningang pinakawalan ni Vincen
Nag-aatubiling sagutin ni Anastasia ang kanyang cellphone nang malaman niya kung sino ang tumatawag. Ngunit wala siyang nagawa sa utos na rin ng kanyang ina. "Marga?"Napaarko ang kanyang kilay ng marinig ang pagsinghot nito sa wari niya ito'y umiiyak. "Anastasia, si Mr. Enriquez." pabitin nitong sagot. Hindi niya napigilan ang biglang pagdagundong nang kaba sa kanyang dibdib. Kagabi lang ay walang tigil ang pagtawag nito sa kanya. Hinayaan niya lang na tumunog nang tumunog ang kanyang cellphone. Nanginginig ang boses na sinagot niya ito. "W-What h-happened?" "I'm sorry to say this. B-But you need to see him now. Nasa ICU siya ngayon nag-aagaw buhay. Naaksidente siya kaninang umaga." garalgal ang boses na sagot nito sa kanya na labis niyang ikinabigla. Pakiramdam ni Anastasia ng mga oras na iyon para siyang kandila na unti-unting natutunaw. Ang cellphone na kanina'y nasa kanyang tainga nakadikit ay bigla nalang nahulog sa sahig. Naalarma naman ang kanyang ina sa nakita. Ag