Nag-aatubiling sagutin ni Anastasia ang kanyang cellphone nang malaman niya kung sino ang tumatawag. Ngunit wala siyang nagawa sa utos na rin ng kanyang ina. "Marga?"Napaarko ang kanyang kilay ng marinig ang pagsinghot nito sa wari niya ito'y umiiyak. "Anastasia, si Mr. Enriquez." pabitin nitong sagot. Hindi niya napigilan ang biglang pagdagundong nang kaba sa kanyang dibdib. Kagabi lang ay walang tigil ang pagtawag nito sa kanya. Hinayaan niya lang na tumunog nang tumunog ang kanyang cellphone. Nanginginig ang boses na sinagot niya ito. "W-What h-happened?" "I'm sorry to say this. B-But you need to see him now. Nasa ICU siya ngayon nag-aagaw buhay. Naaksidente siya kaninang umaga." garalgal ang boses na sagot nito sa kanya na labis niyang ikinabigla. Pakiramdam ni Anastasia ng mga oras na iyon para siyang kandila na unti-unting natutunaw. Ang cellphone na kanina'y nasa kanyang tainga nakadikit ay bigla nalang nahulog sa sahig. Naalarma naman ang kanyang ina sa nakita. Ag
Matagal na natulala si Anastasia habang nakatitig sa lalaking may hawak ng silver diamond ring. Hindi pa rin siya makapaniwala na ganito ang madatnan niya rito. "So... Prank lang ang lahat ng ito?" nagtatampo niyang tanong sa lalaking nakaupo sa harapan niya. Ngumiti si Vance sa kanya. "Sweetheart, answer me first, please?! Will you marry me?" muli nitong tanong sa kanya nang hindi niya ito pinansin. Umirap siya saka binigyan ito ng matalim na tingin. "Dito? Agad-agad?" patuloy niyang salungat kay Vance. Sa totoo lang kunti nalang at bibigay na ang tuhod ni Anastasia dahil sa sobrang hiya. Maraming tao ang nakapaligid sa kanila. May ilang mga senior doctor, nurses at ang iba hindi niya kilala. Habang pinasadahan niya nang tingin ang buong kwarto saka niya na-realize na mukhang marriage proposal nga talaga ang balak ng lalaking 'to! Bigla siyang napatingin kay Vance saka bumusangot. "May pa-surprise ka pang nalalaman. Tapos sa ganitong sitwasyon pa. Hindi mo ba alam kung
20 years laterNapabalikwas ng bangon si Ashton dahil sa naramdamang pagkauhaw. Napalingon siya sa kanyang tabi, nakita n'ya ang bakanteng higaan sa kanyang tabi. "D*mn! Mabuti nalang at mukhang panaginip lang iyon." sambit niya saka napahilamos sa kanyang mga palad. Naparami ata s'ya ng inom kagabi sa party ng nilang magkaibigan, naramdaman kasi n'ya ang matinding kirot sa kanyang sintido. Mabigat ang katawan na iwinaksi niya papuntang paanan ang malaking quilts na nakatabon sa kanyang kahubdan ng biglang may umagaw sa kanyang atensyon. Red mark! Wait wala siya sa kanyang kwarto? Napatingin s'ya sa kanyang paligid, nakilala niya kaagad ang design ng kanilang hotel. "Fvck!" bigla siyang napatayo nang ma-realize ang lahat. Hindi iyon panaginip? Muling dumako ang kanyang tingin sa pulang marka sa higaan. And she's still a virgin? Naguguluhang humakbang s'ya patungo sa malaking banyo na lutang ang isipan dahil ni isang idea sa mga nangyari sa kanila nang gabi ay wala s'yang maalala.
Chapter 02Napamulagat nalang si Anastasia habang nakaharap sa kanyang asawa na nakangiti at kampanteng nakaupo sa upuang yari sa rattan. Biniro kasi s'ya ni Vance na ipagkasundo nila sa isang kasalan ang kanilang anak na si Ashton sa anak ni Rex na kaibigan nito. Ngunit tutol s'ya sa usaping iyon dahil ayaw niyang pangunahan ang kanilang anak sa mga desisyon nito lalo na't may kasintahan ito. Nahihiwagaan siya dahil biglang sumeryoso ang mukha ni Vance saka humigop ng tsaa. "Hon, may problema ba?" tanong n'ya rito saka umupo sa tabi nito. Tumingin si Vance sa kanya at bumuntong-hininga. "Gusto ko kasing mag-merge ang kompanya natin kila Rex para mas lumawak ang connection ni Ashton." "Dahil ba ito kay, Ariston?" nag-aalalang tanong ni Anastasia. "Probably yes! Nakumbinsi n'ya kasi si Dad na ilipat ang anak n'ya sa headquarters. Alam kong may binabalak sila kagaya ng ginawa nila sa akin noon. Ashton is the new President of VM Group now kaya mainit sa mga mata nila ang posisy
Chapter 3Gabi ng awards night. Hindi maintindihan ni Julianna kung bakit parang ang gaan ng kanyang pakiramdam. Dati kinakabahan na s'ya sa mga ganitong oras, natatakot kasi siya na baka wala siyang matanggap na award at mapapahiya ang kanyang nobyo maging ang Eries Entertainment. Mula kasi noong nagkaedad na si Marga Sevilla s'ya na ang pumalit dito sa spotlight. Naalala niya noon, nagbebenta lang s'ya ng gulay sa palengke nang may nakadiskubre sa kanya na isang assistant manager ng Eries. Sa una ay ayaw n'ya ngunit nang hindi s'ya tinigilan ng mga ito kakabalik sa palengke, wala s'yang nagawa kundi sumang-ayon at sumubok. Ayun naman kasi sa mga ito modeling lang daw. Nag-umpisa siya sa pa-model-model ng ilang brand na hindi masyadong sikat hanggang sa pinasubok sa kanya na mag-audition sa isang short story but sentimental dahil relatable s'ya sa role na kanyang gaganapan. Iyon ang umpisa ng kanyang karera sa entertainment industry. Hanggang sa lalo siyang pinasikat ng kanyang mana
Chapter 4Parang biglang tumigil ang mundo sa pag-ikot. Ang buong showbiz industry ay walang tigil sa pagtatalakay sa isang topic. Julianna's death and the killer. Tulala. Hindi makausap. Galit. Ito ang makikita mo sa isang Ashton Enriquez. Isang gabi na nagdulot sa kanya ng labis na pagsisisi at bangungot. Ngayon ay nakaupo siya sa isang silya at nakaharap sa ataol ng kanyang pinakamamahal na nobya. Pakiramdam niya para lang iyong isang panaginip sa loob ng isang drama sa television na pinagbibidahan nila at sa anumang oras ay babangon si Julianna pagsabi ng director nang 'CUT'. Ngunit… Ang realidad ay masakit dahil kailanman ay hindi na babangon mula sa kanyang kinahihigaan si Julianna. Maraming tao ang bumibisita araw-araw. Dahil walang pamilya si Julianna kaya walang mag-aasikaso sa burol nito kundi siya. Alam niya na hanggang ngayon ay hinahanap pa rin nito ang kanyang pamilya. Ngunit hanggang ngayon kahit ni isa ay wala itong natagpuan. "Son, pwede bang umuwi ka muna? Ma
Hindi maiwasan ni Ashton ang kabahan sa unang beses niyang makipagkita sa babaeng pumatay sa kanyang pinakamamahal na nobya. Habang naglalakad papasok ng police station kung saan nakakulong ang babae, nakaramdam s'ya ng kunting habag. Hindi n'ya maintindihan kung bakit parang natatakot siya at nalulungkot. Kasama n'ya si Luis ang kanyang assistant. "Good afternoon, Mr. Enriquez." bati sa kanya ng hepe. Si Mr. Melchor Reyes. Tumango lang s'ya. "Nais po namin siyang makita, Hepe." sabi ni Luis. "Okay, sumunod kayo sa akin." tugon naman ng hepe at iginiya sila papasok. Hindi mabasa ang expression sa mukha ni Ashton habang naglalakad sa pasilyo. Mayamaya at nakarating na sila sa isang kwarto. Pinaupo sila sa dalawang bakanteng upuan sa harap ng mesa. Ilang sandali lang ay pumasok ang nakaposas na babae. Matamlay ang mukha nito at namumutla. Halos dalawang linggo na ito sa loob ng kulungan. Ngayong muli niya itong nakaharap walang salitang lumabas sa bibig ni Ashton. Nanatili siy
5 years laterGinising si Amber ng isang yugyog sa balikat. Dahan-dahan siyang napamulat kahit na antok na antok pa ang kanyang pakiramdam. Madaling araw na kasi siya nakatulog dahil sa sakit ng kanyang ngipin. "Jaypee, anong kailangan mo?" inaantok niyang tanong sa kapatid. "A-ate g-gutom po a-ako, p-please." utal-utal na pakiusap ni Jaypee ang may kapansanang kapatid ni Amber. Mabilis siyang bumangon saka sinulyapan ang orasan sa dingding. Alas singko palang ng umaga. Inaasahan na ito ni Amber dahil kagabi hindi raw kumain ng hapunan si Jaypee dahil busog daw ito sa kinaing tinapay nang gabi na pinasalubong ng kanyang kaibigan na si Jessie galing sa kabilang Bayan. "Okay, ipaghahanda kita. Maupo ka na muna, okay?" utos niya sa kapatid at agad naman itong tumalima dahil alam niyang food is life talaga ito. Kahit gaano ka hirap ang kumita ng pera pero pinipilit ni Amber na matustusan ang lahat ng pangangailangan nilang magkapatid maging ng kanyang anak. Oo isa siyang dalagan