Ikakasal na dapat si Czarina sa long time boyfriend niya pero bago pa man ang kasal nila nahuli niya itong niloloko lang pala siya at ang babaeng kasama nito ay walang iba kundi ang sariling kapatid ni Czarina. Pinili niyang manahimik, hindi siya gumawa ng gulo. Nang malaman niyang ipinagkasundo ang kapatid niyang si Natalie kay Tyrone Fuentes, isa sa mga apo ng pinakamayamang pamilya sa bansa ay pinuntahan niya ito para makipagkasundo. Inalok niya ng kasal si Tyrone Fuentes dahil alam niya kung gaano kainteresado si Natalie rito. Sinira ng kapatid niya ang relasyon niya kaya sisiguraduhin din niyang sisirain niya ang pangarap nitong maging Mrs. Fuentes. Subalit, paano kung may malaman si Tyrone na sekreto ni Czarina? Will he stay or will he divorce, Czarina?
View More"Natalie is your sister too, anak din ng Daddy mo. Hindi lang ikaw ang nag-iisang Jimenez." Kalmadong sagot ni Natalia. Hinarap ni Czarina ang stepmom niya saka niya ito nginitian. "Kayang kaya kong paalisin ang anak mo sa kompanya. Ang shares ni Mommy ay sa akin na nakapangalan bago pa man siya mawala. Hatiin man ni Daddy ang hawak niyang shares para ibigay sa amin ni Natalie, hindi pa rin mapapantayan ni Natalie ang shares na meron ako. Ikaw, ilang percent ng shares ba ang hawak mo? Sa pagkakaalam ko ay wala." Nakangising saad ni Czarina. Hindi na maipinta ang mukha ni Natalia pero hindi niya magawang hilain ang buhok ni Czarina. "Malakas na ba ang loob mo niyan dahil nasa likod mo si Tyrone Fuentes? Sa tingin mo ba talaga mapapabagsak mo na ako? Kung sa tingin mo maipapakulong mo ako nagkakamali ka. Hanggang ngayon pa rin ba ay pinagbibintangan mo akong pumatay sa Mommy mo? Yun ba ang dahilan kung bakit kinausap mo ulit si Chief Romero?" Napaigting ang panga ni Czarina.
Papunta na sana ng hospital si Czarina at Tyrone nang makatanggap ng tawag si Tyrone kaya sinagot na muna niya ito habang inilalabas niya ang sasakyan nila ni Czarina. "Ngayon na?" Tanong ni Tyrone sa kausap niya. Napatingin si Tyrone kay Czarina. Nagdadalawang isip siya kung iiwan niya ba si Czarina para pumunta kaagad sa kompanya nila. Napabuntong na lang siya dahil tila ba wala siyang magagawa. "Okay, pupunta na ako." Sagot niya saka niya ibinaba ang tawag. "Sinong tumawag?" Tanong ni Czarina. "Secretary ko. Maaga akong pinapapunta ni Chairman sa kompanya. Pwede bang sa susunod na lang tayo pumunta ng hospital? Hindi kita masasamahan ngayon.""No, it's okay. Pumasok ka na, ako na lang ang pupunta.""No," mabilis na pagtanggi ni Tyrone. "Tatawagan ko na lang si Chairman na male-late ako. Sasamahan na kita.""Wala namang mangyayari sa akin. Don't worry, mag-iingat na ako sa lahat ng kilos ko. Huwag mong paghintayin si Chairman. Siguradong hindi natin
Nang makauwi sila ay nauna nang bumaba si Czarina. Naging padalos-dalos ang naging desisyon niya. Paano nga ba kapag nahuli siya ng stepmom niya? Hindi man lang siya nag-isip, hindi man lang niya pinag-isipang mabuti ang plano niya. Kung hindi niya narinig ang malakas na sinabi ni Yaya Beth baka posibleng nahuli na siya. Aakyat na sana si Czarina sa kwarto ng maalala niya ang sinet-up ni Tyrone na dinner nilang dalawa. Siguradong malamig na ang mga pagkain na inihanda niya. Nahihiya siyang hinarap si Tyrone na nakatingin lang din sa kaniya. "I'm sorry, hindi ako naging maingat. I'm sorry if I left you too earlier. Can we start our dinner date now?" Nakangiting saad ni Czarina. Napapabuntong hininga na lang si Tyrone. Hindi niya alam kung bakit nawawala kaagad ang galit niya kapag si Czarina ang kaharap niya."Ipapainit ko lang yung mga pagkain." Tanging sagot niya saka siya nagtungo sa kusina at inutusan ang mga katulong nila na ipainit ang mga niluto niya kanina. "Kumain na ba yu
Nagtungo kaagad si Czarina sa bahay nila dahil alam niyang walang ibang tao dun kundi ang mga katulong nila. Hindi niya na ipinasok sa subdivision nila ang kotse niya. Papasok na sana siya sa gate nang hilain siya ni Tyrone. "Can you tell me what is happening?" Seryoso niyang tanong. Bahagya pang nagulat si Czarina kaya napabuga na lang siya ng hangin. "May kailangan lang akong hanapin." Sagot niya saka siya pumasok sa loob ng bahay. Sinalubong siya kaagad ni Yaya Beth. "Hindi pa sila umuuwi hanggang ngayon pero iha sigurado ka ba sa gagawin mo? Ang alam ko ay hindi uuwi ngayon ang stepmom mo, si Natalie naman pansamantalang nakatuloy sa hotel." Kinakabahan na saad ng Yaya Beth niya. Habang nasa byahe si Czarina ay kinausap niya na kaagad sa cellphone ang Yaya Beth niya. "Bukas na ba yung pintuan ng kwarto nila?""Oo, pinabuksan ko na kanina. Bilisan mo lang iha. Ang alam ko naman ay hindi siya uuwi ngayon." Ani pa ni Yaya Beth. Dumiretso na si Czarina sa kwarto ng kaniyang ama at
Lumipas ang mga araw. Maaga pa lamang ay nagreready na si Tyrone para sa dinner date nila ni Czarina. Gusto niyang mapalapit pa sila ni Czarina sa isa't isa ng sa ganun ay hindi sila naiilang sa harap ng mga anak nila. He wants to court her kahit na kasal na silang dalawa. Napangiti siya nang mapick-up niya na ang isang bouquet ng Juliet Rose. One of the most expensive rose in the world. Inamoy niya ang mabangong amoy nito. Hindi man siya sigurado kung mahilig ba sa ganitong bagay ang asawa niya pero gusto niyang iparanas ang mga bagay na hindi niya nagawa dahil nakuha niya lang naman si Czarina dahil sa business. Dumaan na rin siya sa supermarket para mamili ng mga ingredients na gagamitin niya para sa pagluluto. Inabot din siya ng isang oras sa pamimili at nang matapos siya ay dumiretso na siyang umuwi. "Hi Daddy!" Masiglang bati ni Isabella nang makita niya ang kaniyang ama. Sumalubong ito sa kaniya at yumakap. Napapangiti na lang si Tyrone sa tuwing sinasalubong siya nang yakap
Abalang kumakain sa pantry si Tyrone nang lapitan siya ni Owen na may dala ring pagkain. Silang dalawa lang ang laman ng pantry dahil hiwalay ang pantry at canteen ng mga empleyado. Patuloy pa ring kumakain si Tyrone at hindi tiningnan si Owen na naupo na sa harapan niya. "Sa pagkakaalam ko ay dalawa lang tayo na nandito. Marami namang available table diyan. We're not close para sumabay ka sa akin na kumain." Blangkong wika ni Tyrone. Ngumisi lang naman si Owen sa kaniya. "You're still mad at me?""Kalaban ang tingin mo sa akin. Ano sa tingin mo ang gusto mong isipin ko? Do you want us to pretend to be close for a while? Walang tao rito kundi tayong dalawa lang for you to do that." Masungit pa ring wika ni Tyrone. Bahagya namang natawa si Owen kaya kunot noo siyang tiningnan ni Tyrone. Ano bang nakakatawa? May tama ba ngayon sa ulo ang pinsan niya? Dalawa lang silang magpinsan pero kalaban pa ang tingin nila sa isa't isa ng dahil lang sa kompanya. "You're lucky to have a wife like
Nang makarating si Czarina sa hospital ay nandun si Natalia at Natalie. Kausap ang doctor. Hingal na hingal pa si Czarina sa kakamadali na makarating sa kwarto ng kaniyang ama. "Kailangan niyong ipainom sa kaniya ang mga gamot niya sa tamang oras. Mabuti na lamang at hindi malala ang pagkakauntog ng ulo niya kaya wala tayong masyadong alalahanin. Maayos din naman anh result ng x-ray niya." Wika ng doctor. Nakahinga naman ng maluwag si Natalia dahil sa pag-aakalang napuruhan si Mateo. Kung mamamatay man si Mateo kailangan sa malinis na paraan. Gagamitin niya ang sakit ni Mateo at gusto niyang mamatay si Mateo dahil sa sakit nito. "I'm glad to hear that doc, thank you so much." Ani ni Natalia. "Posible bang magising siya ngayong gabi doc? Paano nangyaring nawalan siya ng malay? He's not stress, he's healthy too at malakas naman siya." Singit ni Czarina dahil masyado siyang nagtataka kung bakit biglang nanghina ang kaniyang ama. Nakikita niya naman na unti-unting nakakabawi ang katawa
Papasok na sana si Czarina ng kompanya ng makita niya si Owen na papalabas. Hinintay na muna ni Czarina na makaalis si Tyrone. Nang masiguro niyang nakalayo na ito ay saka niya sinundan si Owen. Pumasok ito sa coffee shop na katabi lang ng kompanya. Hindi man lang siya nakapagpasalamat ng maayos kagabi. Nakapagpasalamat man siya pero tulala pa siya. Nakapila na sa counter si Owen. "One hot coffee please, ako na rin magbabayad ng order niya." Pagtutukoy niya kay Owen. Nilingon naman siya ni Owen. Nang magsalubong ang mga mata nila ay nginitian siya ni Czarina. "Alam kong kulang pa yan para pasalamatan ka. Pasensya ka na kagabi. Marami lang akong iniisip. Salamat nga pala." Anas niya. "Gusto mong bumawi?" Tanong ni Owen na ikinatango naman ni Czarina. Bahagya na lang na natawa si Owen. "Kung sasabihin ko ba sayo kung paano ka makakabawi, ibibigay mo ba?" Kunot noong nilingon ni Czarina si Owen. Iniisip kung ano bang gustong hilingin ni Owen sa kaniya. Tumawa na lang si Czarina dahil
"Ano bang ginagawa mo? Sinabi ko namang uuwi na ako." Inis na inalis ni Czarina ang pagkakahawak ni Owen sa kaniya. "Gusto mo pa rin bang magdrive pagkatapos ng muntik mangyari sayo? Ihahatid na kita. Ipapahatid ko na lang sa iba ang sasakyan mo.""I can drive," makulit pa ring saad ni Czarina. "Ihahatid na kita. Huwag kang makulit dahil konsensya ko pa kapag may nangyari sayo." Sapilitan nang isinakay ni Owen si Czarina sa sasakyan niya. Hindi na lang nagpumiglas si Czarina. Nakapark ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada at naiwan din ang susi nito sa loob. Nag-utos naman kaagad si Owen ng tao para kunin ang sasakyan ni Czarina. Tahimik lang si Czarina habang nasa byahe sila. Nililingon naman siya paminsan-minsan ni Owen. "Saan ka ba talaga galing? Natutulog ka ba habang nagdadrive?" Pangbabasag ni Owen sa katahimikan nilang dalawa. "Hindi, hinahanap ko lang yung cellphone ko sa bag ko." Tipid niyang sagot."Mabuti naman at nagawa mo pang kabigin an
Blangkong tiningnan ni Czarina ang half sister niya at ang long time boyfriend niya na sabay pumasok sa isang hotel room. Ngayong nakompirma niya nang niloloko lang siya ng fiancee niya, hindi na siya magbubulag-bulagan. Hindi niya akalain na ang babaeng lihim na minamahal pala ng fiancee niya ay ang sarili niyang half sister. Hindi niya maintindihan kung bakit palagi niyang kahati ang kapatid niya sa lahat ng bagay. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan siya saka siya umuwi. Masakit man sa kaniya na niloloko siya ng fiancee niya lalo na at malapit na silang ikasal, ayaw niya namang magmakaawa rito dahil may natitira pa siyang respeto para sa sarili niya.Nang sumapit ang gabi ay sabay-sabay silang nagdinner. Tahimik lang si Czarina, nakauwi na rin ang kapatid niyang si Natalie.“Dahil ikakasal na si Czarina at Austin ngayong buwan, sa susunod na taon ka naman Natalie. Naipagkasundo na kita sa anak ng mga Fuentes na si Tyrone Fuentes. Siya ang magiging asawa mo,” wika ni Ma...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments