“Kapag nalaman ng stepmom ko na nakatakas ako, sigurado akong ikukulong niya na naman ako sa atic ng bahay. Ayaw ko nang bumalik sa lugar na yun, ayaw ko ng makulong ulit.” Nakikiusap niyang wika, lumambot naman ang expression ng mukha ni Tyrone. Tinitigan niya si Czarina dahil tila ba hindi siya makapaniwalang may karahasan itong nararanasan. Ayaw niyang maniwala pero sa nakikita niyang mukha ni Czarina at takot na takot, sino siya para hindi paniwalaan ang kwento nito?
Muli niyang pinaandar ang sasakyan at dumiretso sila sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Tyrone.
“Dito ka na muna magstay hanggang gusto mo.” Anas ni Tyrone nang makapasok sila sa loob ng kwarto.
“Pero wala akong pambayad sayo. Lahat ng mga card at cash ko naiwan ko sa bahay.”
“Don’t worry about that, ako na ang bahala sa lahat.” Sagot naman ni Tyrone, nakahinga ng maluwag si Czarina. Napahawak na lang siya sa tiyan niya ng marinig nila itong nagrereklamo. Lumayo naman na muna si Tyrone saka siya tumawag sa front desk para magpadeliver ng pagkain sa room nila. Habang naghihintay sila sa pagkain ay nakatingin lang si Tyrone kay Czarina.
“Thank you for helping me today, ang akala ko ay hindi mo ako pupuntahan. Pasensya na kung naabala ba kita.” Anas ni Czarina.
“Sa tingin mo ba walang kapalit ang mga ginagawa ko sayo? Pinag-iisipan ko pa rin ang alok mo at kung wala kang maipapalit sa tulong na hinihingi mo sa akin, I’m sorry but I will marry your sister instead.” Napatingin si Czarina kay Tyrone.
“Ang akala ko ba ay wala kang balak na magpakasal sa kahit kanino sa aming dalawa ni Natalie? Bakit biglang nagbago ang isip mo?”
“Alam mong hindi ko matatakasan ang kasunduang kasal para sa akin, diba? Bakit nagtataka ka pa?” masungit na sagot ni Tyrone. Nang may kumatok sa pintuan ay si Tyrone na ang lumapit saka niya ito binuksan. Dumating naman na ang mga pagkain na inorder niya. Inilagay niya iyun sa lamesa at nang maayos niya ay tinawag niya si Czarina. Nahihiya man si Czarina ay lumapit na siya dahil nagugutom na rin siya.
Pinanuod lang siya ni Tyrone habang kumakain. Napapailing na lang si Tyrone dahil alam niyang mayaman din ang pamilya ni Czarina pero para bang wala itong nakakain.
“Pasensya ka na ha? Hindi kasi ako nakakain ng maayos kagabi, wala rin akong ganang kumain nung umaga at wala pa akong kinakain simula nung tanghali.” Wika niya kahit na punong puno pa ang bibig niya.
“Ganiyan ka ba talaga kahina?” hindi mapigilang tanong ni Tyrone, ang pinakaayaw niya sa lahat ay yung para bang matutumba na ang isang tao kapag pinitik mo. Nilunok naman na muna ni Czarina ang laman ng bibig niya bago nagsalita.
“Ano bang laban ko sa kanilang lahat? I’m too afraid to fight against them.” Sagot niya na ikinangisi ni Tyrone.
“Ayaw mo silang kalabanin pero sinusubukan mo akong kumbinsihin na pakasalan ka? Interesting.” Natatawang wika ni Tyrone. Uminom na muna ng tubig si Czarina saka niya tiningnan si Tyrone na nakangisi pa rin.
“Kaya kong tiisin ang pagpapahirap nila sa akin pero ayaw kong pati ang sarili kong kaligayahan ay kontrolin pa rin nila. Oo, mahina ako pero ginagawa ko ang makakaya ko para tumayo sa sarili kong mga paa. Ikaw na lang ang pag-asang meron ako, nagawa na akong traydurin ng lalaking akala ko ay magiging kakampi ko. They can’t control you at umaasa akong kapag pumayag kang pakasalan ako at maging kakampi ko, hindi na nila ako kayang galawin pa.” seryosong saad ni Czarina. Kunot noo lang naman siyang tinitigan ni Tyrone na tila ba binabasa niya ang isip ni Czarina.
Ramdam ni Tyrone na gusto nang makawala ni Czarina sa kulungang kinalalagyan niya. Ano ba talagang nangyayari sa loob ng bahay nila? Anong pamilya meron si Czarina para katakutan at maging kalaban niya ang mga ito?
Bakit pa nga ba niya iniisip ang problema ng ibang tao? Wala na siyang pakialam kung ano bang problema nila, ang gusto niya lang ay makatakas sa kasunduang kasal para sa kaniya dahil wala siyang balak magpakasal kahit kanino. Kailangan niyang makaisip ng paraan para matakasan ang kasal na yun.
Nanatili si Czarina sa loob hotel habang si Tyrone naman ay umalis nang may tumawag sa kaniya. Nagtungo sa bathroom si Czarina saka siya naghilamos at pinagmasdan ang sarili niya sa salamin.
‘Kailan ba ako magkakaroon ng lakas? Hahayaan ko na lang ba talagang ganito ang buhay ko? Czarina, please, do something for yourself. Huwag mo na sanang hayaan na bumalik ka pa sa madilim na atic na yun, walang kasama, walang kausap at walang ibang makita kundi ang liwanag na nagmumula sa lampara.’ Naaawang wika ni Czarina sa sarili niya. Ayaw niya ng maging tuta ng pamilya niya habang buhay.
Nang matapos siyang kumain ng dinner ay tumambay na muna siya sa balcony at pinagmasdan ang city lights. Bumalik naman si Tyrone sa hotel room ni Czarina pero naabutan niyang mahimbing na itong natutulog. Yakap-yakap ni Czarina ang isang unan, napapailing na lang si Tyrone dahil napakaamo ng mukha ni Czarina. Para siyang anghel na natutulog, para bang napakapeaceful ng buhay niya kapag tulog ito pero kabaliktaran ang nangyayari kapag nagising na siya.
Samantala naman, galit na galit pa rin si Natalia dahil sa pagtakas ni Czarina. Lalo pa siyang nag-usok sa galit ng malaman niya kung sino ang kasama nito.
“Mom, anong gagawin natin? Bakit kilala ni Czarina si Tyrone? He’s my fiance!” galit na sigaw ni Natalie. Inis na rin siyang napasabunot sa sarili niya, hindi siya makakapayag na sisirain siya ni Czarina sa magiging asawa niya.
“Don’t worry, honey, ako na ang bahala kay Czarina. She can’t ruin our plan, ikakasal siya kay Austin at ikakasal ka kay Tyrone.”
“Paano kung siniraan niya na ako kay Tyrone? Paano kung umatras sa kasal si Tyrone? Mom, anong gagawin ko?”
“Just trust me! Walang magagawa ang pag-iyak mo, ako na ang bahala sa lahat. Alam mo kung anong kaya kong gawin, hawak ko rin ang alas para mapasunod pa rin natin si Czarina. Kung hindi ka rin kasi tanga, bakit ka ba nakipagrelasyon kay Austin? Ikaw ang sumisira sa mga plano ko, Natalie.” Nasstress na saad ni Natalia sa anak niya.
Samantala naman, nilapitan ni Tyrone si Czarina saka niya inalis ang hibla ng mga buhok na nakaharang sa mukha ni Czarina. Inayos niya rin ang kumot nito dahil mukhang nilalamig na si Czarina.
“Why are you so familiar to me?” mahinang wika ni Tyrone habang nakatitig siya sa mukha ni Czarina. Nang gumalaw si Czarina ay mabilis siyang umalis at naupo sa sofa. Ramdam niya ang pagtalon ng puso niya dahil sa gulat. Napapailing na lang siya sa sarili niya.
Nang magising si Czarina ay inilibot niya ang paningin niya, naalala niya namang sa hotel siya natulog. Bababa na sana siya ng kama para maghilamos sa cr nang makita niya si Tyrone na mahimbing na natutulog sa sofa. Hindi niya akalain na hindi pala ito umalis kagabi.Halos tumalon ang puso ni Czarina sa gulat nang magring ang cellphone niya. Mabilis niya iyung kinuha sa side table at papatayin sana ang tawag nang aksidente niya itong nasagot. Napalunok siya dahil Daddy niya ang tumatawag sa kaniya.“Where are you?” seryosong tanong nito. Hindi sana kakausapin ni Czarina ang kaniyang ama pero wala na siyang choice dahil nasagot niya ang tawag. Dahan-dahan na bumaba ng kama si Czarina saka siya nagtungo sa balcony. “Czarina, answer me, where the hell are you?!” galit na sigaw sa kaniya ng kaniyang ama.“Bakit gusto niyo pa rin akong hanapin, Dad? Alam niyo kung anong ginagawa sa akin ni Tita Natalia pero wala kayong ginagawa para sa akin. Hinahayaan niyo akong ikulong niya sa madilim na
“Enough with your lies, Czarina!” galit na sigaw na rin sa kaniya ng stepmom niya. “Honey, what’s wrong?” nag-aalalang saad ni Natalia nang biglang mahilo ang kaniyang asawa. Inalalayan niya itong maupo sa sofa para hindi ito bumagsak sa sahig kung sakali mang mawalan siya ng balanse.“Look what you did, hindi ka pa ba nagsasawa sa panggugulo sa pamilya natin? Palagi mo na lang binibigyan ng sakit ng ulo ang Daddy mo. Hindi ka ba naaawa sa kalagayan ng ‘yong ama, Czarina? Itigil mo na ang pagsisinungaling mo at paninira sa kapatid mo. Hihingi tayo ng sorry sa pamilya ni Austin dahil malaking gulo at kahihiyan ang ginawa mo. Handa na ang lahat para sa kasal ninyo at wala kang magagawa kundi ang ituloy ang kasal.” Umiling si Czarina dahil kahit anong mangyari, hinding hindi na siya magpapakasal kay Austin.“No,” matigas na sagot ni Czarina na lalong ikinakulo ng dugo ni Natalia habang umiiyak pa rin si Natalie. Hindi pa nakakausap ni Natalie ng personal si Tyrone pero si Czarina, nakasa
Halos dalawang oras na lang ay darating na ang bisita ng pamilya nila. Nag-iisip pa rin si Czarina kung anong gagawin niya. Hindi niya alam kung pakikinggan niya na lang ba ang kaniyang ama at ang stepmom niya. Itutuloy niya ba talaga ang kasal kahit na alam niyang masasaktan lang siya dahil hindi naman siya ang mahal ng lalaking mapapangasawa niya?“Saan ka pupunta? Hindi ka pinapayagan na makalabas.” Wika ng lalaking palaging nagbabantay sa labas ng kwarto ni Czarina.“Hindi pa ba nasasabi sayo na may dinner kami ngayon kasama ng pamilya ng fiance ko? Gusto mo bang ikulong ako rito hanggang matapos ang dinner?” blangkong saad ni Czarina, nang dumating naman si Natalia ay tinanguan niya ang lalaking nagbabantay kay Czarina. Nilampasan na ni Czarina ang lalaki saka siya bumaba ng hagdan. Dumiretso si Czarina sa pool area. Maliwanag pa ang paligid at may oras
Tipid namang ngumiti si Czarina nang hindi nagsalita si Tyrone. Mukhang ito na nga ang huli nilang pagkikita at pag-uusap.“Kung ganun, wala akong magagawa kung ayaw mo. We have a family dinner tonight kasama ng mga magulang ni Austin. Kung wala akong matatakbuhan, wala akong magagawa kundi ang ituloy ang kasal. Gusto ko naman talagang pakasalan si Austin dahil siya ang dahilan kung bakit nakawala ako sa atic at sa sarili kong kwarto noong mga panahon na ikinukulong ako ng stepmom ko. Ang akala ko ay magiging kakampi ko na siya sa lahat ng bagay, inisip ko na siya ang magiging dahilan para makawala ako sa bahay namin pero hawak din pala siya ni Tita Natalia sa leeg. Hindi ako pwedeng magdesisyon para sa sarili ko, kontrolado nila ang buhay ko at wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanila dahil ayaw ko namang sa basurahan ako pupulutin.” Pagkwekwento pa niya pero nanatiling tahimik si Tyrone.
Tahimik silang lahat sa hapag kainan. Dumating na ang mga bisita nila at walang nagsasalita sa kanila kaya napatikhim na si Mateo. Hindi niya alam kung sino ang una niyang kakausapin dahil kaharap nila ang mga magulang ni Austin habang mag-isa lang naman ni Tyrone na dumating. Matamis na nakangiti si Natalie habang nakatingin kay Tyrone pero hindi naman nakatingin sa kaniya si Tyrone.“Nandito na rin naman na tayong lahat, pag-usapan na natin ang tungkol sa kasal ng mga bata. Next week na ito, Czarina, Austin, okay na ba ang lahat para sa kasal niyo? Wala na ba kayong kailangang ayusin?” pangbabasag ni Mateo sa katahimikan nilang lahat. Napataas naman ang kilay ng ina ni Austin dahil nalaman nila ang pakikipagkita ni Czarina kay Tyrone sa isang hotel.“Don’t worry about it, Tito. Okay na po ang lahat, araw na lang ng kasal namin ni Czarina ang hinihintay.&rd
“Sit down, Czarina. Masyado mo ng ipinapahiya ang pamilya natin.” Kalmadong saad sa kaniya ng kaniyang ama pero mararamdaman mong kinokontrol lang niya ang galit niya. Napangisi naman si Tyrone, ngayon naiintindihan niya na kung bakit gustong tumakas at makawala ni Czarina sa pamilya nila dahil hindi pantay ang trato sa kaniya.Nanghihinang naupo si Czarina sa upuan niya dahil wala man lang naniniwala sa kaniya kahit na nagpakita na siya ng ebidensya. Mapait na lang siyang ngumiti saka siya nagpakawala ng malalim na buntong hininga.“Pasensya na sa gulo, Tyrone, iho. Hindi sana mag-iba ang pagtingin mo sa anak ko.” Hinging paumanhin ni Natalia kay Tyrone na kanina pa tahimik.“Well, I came here to ask your daughter to marry me.” Anas naman ni Tyrone na ikinatuwa ni Mateo at Natalia dahil kahit narinig ni Tyron
Nakaalis na si Tyrone, tahimik silang lahat na nasa sala. Hindi rin alam ni Czarina kung ano bang ipapaliwanag niya sa kaniyang ama. Ito naman talaga ang plano niya, ang sirain ang kasal ng kaniyang kapatid pero bakit nabablangko ang isip niya? Para bang wala siyang maisip na sasabihin.“This is bullshit!” pangbabasag na ni Natalia sa katahimikan nila. Nakauwi na lahat ng bisita nila at pakiramdam nila ay sasabog ang mga ulo nila dahil sa mga nangyari. Nanlilisik ang mga mata ni Natalia na tiningnan si Czarina. “This is all your fault! You slut bitch! Alam mo ba kung gaano kalaking gulo ang ginawa mo? Seriously, Czarina? Sinisira mo ang magagandang plano namin ng Daddy mo para sa pamilyang ‘to. Ikakasal ka na kay Austin at mayaman din ang pamilya niya, sa susunod na taon naman si Natalie at Tyrone pero bakit mo inakit ang mapapangasawa ng kapatid mo?! Czarina Jimenez, answer me! Ipaliwanag mo s
“Hindi ko hahayaan na magtatagumpay siya sa pinaplano niya. Hindi siya legal wife at hindi ako makakapayag na makukuha niya lang ang kompanya at lahat ng ari-arian namin.” Pagmamatigas pa rin ni Czarina. Napabuntong hininga na lang si Raoul dahil wala na siyang magagawa para kumbinsihin si Czarina na huwag na nitong piliting lumaban. Tiningnan ni Czarina si Raoul na nakatayo pa rin malapit sa pintuan. “Tauhan ka ni Tita Natalia, ikaw ang palaging nagkukulong sa akin sa lugar na ‘to, ikaw ang palaging nagbabantay sa akin para hindi ako makatakas. Bakit kita susundin? Bakit ko pakikinggan ang mga sinasabi mo?” may diin niyang saad. Hindi naman na nagsalita pa si Raoul at muli niyang hinila ang pintuan para lumabas.Mapait na lang ngumiti si Czarina, tiningnan niya ang mga pagkain na iniwan para sa kaniya. Nilapitan niya iyun at nagsimula siyang kumain kahit na wala siyang gana. Kailangan ng
“Sir, please, huwag niyo po kaming tatanggalan ng trabaho. Kailangang kailangan po namin ‘to,” pakiusap ng isang babae at lumuhod na sa harap ni Tyrone pero hindi nagpakita ng awa si Tyrone.“What is happening here?” tanong ng isang babaeng kadarating lang. Nang makita niya si Tyrone ay mabilis itong yumuko. “Mr. Fuentes, nandito pala kayo. Rush po ba ang ipapagawa niyong wedding gown?” magalang niyang tanong.“Fire them all or else I’ll destroy your business.” Malamig na wika ni Tyrone saka niya hinila palabas ng boutique si Czarina. Naiwan namang nakatulala ang may-ari ng boutique at galit na tinanong ang mga staff niya kung anong ginawa ng mga ito para magalit si Tyrone.“Bakit kailangan mo pang gawin yun? Paano matatapos kaagad ang wedding gown ko kung aalisin mo sila sa mga t
Naging abala na si Czarina para sa magiging kasal nila ni Tyrone. Minamadali na nila ang dapat nilang ayusin. Nasa boutique na siya ngayon at namimili na ng magiging wedding gown niya. Natapos niya naman ng ibigay ang theme ng kasal nila.“Look, who’s here,” wika ni Olivia nang makita niya si Czarina. Boses pa lang ay kilala na ni Czarina kung sino ang nasa harapan niya pero hindi niya ito tiningnan. Nandito siya para mamili ng magiging wedding gown at hindi para patulan pa ang mga taong hindi matanggap ang nangyari sa kanila ni Austin.Galit na inagaw ni Olivia ang magazine na hawak ni Czarina saka niya ito inihagis sa sahig. Nanatili namang kalmado si Czarina saka niya blangkong tiningnan si Olivia.“Ano bang kailangan niyo, Mrs. Gomez? Alam niyong ginagamit ko pa ang magazine tapos itatapon niyo?” kalmado niyang
Bahagya namang natawa si Natalia.“What do you mean, Melanie?” tanong niya rito. Sumeryoso ang mukha ni Melanie saka niya tiningnan si Czarina na kalmado pa rin kahit na marami ng nasabi sa kaniya ang mag-ina na hindi karapat-dapat.“Well, para hindi na magkagulo at hindi na lumaki pa ang bangayan ng magkapatid. Hahayaan na namin si Tyrone na magdesisyon for himself. Siya naman ang makikisama sa magiging asawa niya at hindi kami. Kung sa tingin ni Tyrone si Czarina ang makakabuti para sa kaniya then we will let him decide. Gusto ko na ring matapos ang gulo na ‘to at magkaroon man lang tayo ng tahimik at payapang dinner.” Ani ni Melanie, natawa na lang si Natalia at hindi makapaniwala sa biglaang desisyon ni Melanie. “Don't laugh at other people's trauma because you don't know the pain they're feeling. So, iho, tell us, sigurado ka na bang si Czar
Masayang nakangiti si Natalie, tiningnan niya si Czarina pero bahagya lang itong nakayuko. Sigurado siyang kinakabahan na si Czarina. Hindi na siya makapaghintay na mapahiya si Czarina pagkatapos ng dinner.“Kumusta naman ang trabaho mo, iha?” tanong ni Melanie kay Natalie habang kumakain sila.“Okay lang naman po, Tita. Nakakapagod minsan, nakakagawa ng mga pagkakamali at mas lalo ko pang pinag-aaralan ang lahat lalo na ang pagpapatakbo sa kompanya.” Nakangiti niyang sagot na ikinatango naman ni Melanie.“Ang balita ko ay marami ka ng successful project, I’m happy for you. Ang mga katulad mo ang dapat na pinagkakatiwalaan sa kompanya.” Pagpupuri pa ni Melanie na ikinangiti ng mag-ina. Tiningnan ni Natalie si Tyrone pero nawala ang ngiti niya dahil na kay Czarina ang paningin nito. Naiinis na naman si Na
“Marami pa kayong hindi nalalaman sa pamilya ko lalo na sa stepmom ko, Mrs. Fuentes. Sa akin nakapangalan ang shares ng kompanya pero inangkin iyun ng witch stepmom ko at itinago ang nagpapatunay na sa akin nakapangalan ang shares dahil bago mamatay si Mommy, inilipat niya sa pangalan ko ang hawak niyang mga shares sa kompanya niyo at sa kompanya namin.” Pagpapaliwanag ni Czarina na lalong ikinakunot ng noo ni Melanie.“Sinasabi mo bang inaangkin ni Natalia ang mga shares na hawak mo?” kuryosong tanong ni Melanie na ikinatango ni Czarina. Natahimik si Melanie at napatikhim.“Tama kayo, Mrs. Fuentes. Sinasabi niyo na hindi ako ang taong makakatulong sa anak niyo kapag dumating ang araw na mamimili ng CEO ang Chairman ng kompanya niyo? Sa tingin niyo ba talaga, hindi ako ang taong hinahanap niyo? Ang shares na hawak ng pamilya namin sa kompanya niyo ay s
Nang makauwi si Tyrone ay hinarap ni Natalia si Czarina at nanggagalaiti na naman siya sa galit.“Sinasadya mo ba talagang ipahiya ang pamilya mo, Czarina?! Nagsumbong ka kay Tyrone at sa kwento mo, kami pa ang masama?!” galit niyang sigaw. Napapahilot naman si Mateo sa sintido niya saka niya tiningnan ang anak niyang walang emosyon ang mukha.“That’s enough, Natalia. Tyrone is right, hindi tamang ikulong natin si Czarina unless sinabi ng doctor niya na kailangan natin siyang ikulong.” wika ni Mateo, nanlilisik naman ang mga mata ni Natalia na tiningnan si Czarina.“Ipinapahiya mo ang Daddy mo, wala na bang ginawang tama sayo ang Daddy mo para si Tyrone ang gawin mong guardian? Nababaliw ka na ba?!” halos magwala si Natalia. Kung wala lang siguro sa harap nila si Mateo, kanina pa niya nahila ang buhok ni
“Ang sabi ng doctor wala naman po siyang natamong serious injury. Kailangan niya lang magpahinga at bukas madidischarge na rin po siya.” Sagot ni Hailey. Nilapitan ni Mateo ang anak niya, naaawa siya sa kalagayan nito pero wala naman siyang magawa dahil matigas din ang ulo ni Czarina.Dahan-dahan na iminulat ni Czarina ang mga mata niya at bahagya pa siyang nagulat ng makita niya ang kaniyang ama. Mabilis siyang naupo at sumandal sa headrest.“Dad,” mahina niyang saad.“Bakit ka na naman tumakas? Ang sabi ng Tita Natalia mo ay nagwawala ka na naman kaya ka niya ikinulong sa kwarto mo. Ano ba talagang gusto mong mangyari Czarina? Pakiramdam mo ba binabalewala kita? After this, makikipagkita ka kay Doc. Irish para macheck ka niya. Gusto mo bang bumalik na naman sa mental—”
Binantayan ni Tyrone si Czarina kahit na paulit-ulit na siyang tinatawagan ng kaniyang ina. Sa inis niya ay pinatay niya ang cellphone niya para hindi na muna siya matawagan. Inilagay niya na sa mini table ang mga pagkain na binili pa niya sa labas.“Alam kong marami ka pang gagawin, pwede mo na akong iwan dito.” Ani ni Czarina dahil kita niya ang pagpatay ni Tyrone sa cellphone niya para makaiwas sa mga taong naghahanap sa kaniya.“Paano kita iiwan ng mag-isa dito? May pamilya ka ba na pupunta rito to stay here with you? Kung meron, saka ako aalis.” Masungit na sagot ni Tyrone. Hindi niya maintindihan kung bakit sinasayang niya ang oras niya kay Czarina gayong may kasunduan lang naman silang dalawa. Kailangan lang nila ang isa’t isa.“My friend Hailey will come here para samahan ako.” Sagot ni Czarina,
Naalala niya naman ang nangyari noong dinner nila, nalate si Czarina at para bang may kinalaman ang stepmom nito kung bakit siya nalate kaya napagpasyahan na ni Tyrone na puntahan si Czarina sa bahay nila.Pinapasok siya kaagad ng katulong dahil kilala naman na siya.“Where’s Czarina?” tanong niya kaagad dito. Hindi naman sumagot ang katulong at mabilis na umalis. Walang may gustong makialam sa problema ng pamilya ng mga Jimenez.“Tyrone, iho, what are you doing here?” gulat na tanong ni Natalia na pababa pa lang ng hagdan. Nilapitan niya si Tyrone at pinaupo ito sa sofa. Nilingon pa niya ang kwarto ni Czarina at nakahinga naman siya ng maluwag dahil kanina pa hindi gumagawa ng ingay si Czarina.“I came here to see, Czarina. Where is she?” blangkong tanong ni Tyrone.