“Sit down, Czarina. Masyado mo ng ipinapahiya ang pamilya natin.” Kalmadong saad sa kaniya ng kaniyang ama pero mararamdaman mong kinokontrol lang niya ang galit niya. Napangisi naman si Tyrone, ngayon naiintindihan niya na kung bakit gustong tumakas at makawala ni Czarina sa pamilya nila dahil hindi pantay ang trato sa kaniya.
Nanghihinang naupo si Czarina sa upuan niya dahil wala man lang naniniwala sa kaniya kahit na nagpakita na siya ng ebidensya. Mapait na lang siyang ngumiti saka siya nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
“Pasensya na sa gulo, Tyrone, iho. Hindi sana mag-iba ang pagtingin mo sa anak ko.” Hinging paumanhin ni Natalia kay Tyrone na kanina pa tahimik.
“Well, I came here to ask your daughter to marry me.” Anas naman ni Tyrone na ikinatuwa ni Mateo at Natalia dahil kahit narinig ni Tyron
Nakaalis na si Tyrone, tahimik silang lahat na nasa sala. Hindi rin alam ni Czarina kung ano bang ipapaliwanag niya sa kaniyang ama. Ito naman talaga ang plano niya, ang sirain ang kasal ng kaniyang kapatid pero bakit nabablangko ang isip niya? Para bang wala siyang maisip na sasabihin.“This is bullshit!” pangbabasag na ni Natalia sa katahimikan nila. Nakauwi na lahat ng bisita nila at pakiramdam nila ay sasabog ang mga ulo nila dahil sa mga nangyari. Nanlilisik ang mga mata ni Natalia na tiningnan si Czarina. “This is all your fault! You slut bitch! Alam mo ba kung gaano kalaking gulo ang ginawa mo? Seriously, Czarina? Sinisira mo ang magagandang plano namin ng Daddy mo para sa pamilyang ‘to. Ikakasal ka na kay Austin at mayaman din ang pamilya niya, sa susunod na taon naman si Natalie at Tyrone pero bakit mo inakit ang mapapangasawa ng kapatid mo?! Czarina Jimenez, answer me! Ipaliwanag mo s
“Hindi ko hahayaan na magtatagumpay siya sa pinaplano niya. Hindi siya legal wife at hindi ako makakapayag na makukuha niya lang ang kompanya at lahat ng ari-arian namin.” Pagmamatigas pa rin ni Czarina. Napabuntong hininga na lang si Raoul dahil wala na siyang magagawa para kumbinsihin si Czarina na huwag na nitong piliting lumaban. Tiningnan ni Czarina si Raoul na nakatayo pa rin malapit sa pintuan. “Tauhan ka ni Tita Natalia, ikaw ang palaging nagkukulong sa akin sa lugar na ‘to, ikaw ang palaging nagbabantay sa akin para hindi ako makatakas. Bakit kita susundin? Bakit ko pakikinggan ang mga sinasabi mo?” may diin niyang saad. Hindi naman na nagsalita pa si Raoul at muli niyang hinila ang pintuan para lumabas.Mapait na lang ngumiti si Czarina, tiningnan niya ang mga pagkain na iniwan para sa kaniya. Nilapitan niya iyun at nagsimula siyang kumain kahit na wala siyang gana. Kailangan ng
Tahimik lang na nakaupo si Tyrone sa sofa habang nasa harap niya ang kaniyang ama at ina. Hinihilot ni Melanie ang sintido niya, ang ina ni Tyrone. Hindi niya makapaniwalang tiningnan ang anak niya.“Nahihibang ka na ba talaga? Anong ginawa mo sa bahay ng mga Jimenez? Gumawa ka lang ng gulo? Hindi ba malinaw ang sinabi ko sayo? Alam kong dalawang babae ang anak ni Mateo pero isa lang sa kanila ang pakakasalan mo at walang iba yun kundi si Natalie! Paano mo ba nakilala ang isa pang anak ni Mateo? Bakit ba gulo na lang ang palaging dinadala mo sa pamilyang ‘to, Tyrone?! Kapag nalaman na naman ito ng lolo mo siguradong lalong magagalit yun sayo.” Sumasakit ang ulong wika ni Melanie sa anak niya. Hindi niya na alam ang gagawin niya rito.Blangko lang naman ang mukha ni Tyrone. Salubong din ang kilay ng kaniyang ama, gusto na nitong suntukin ang anak niya pero pinipigi
Nang maramdaman ni Czarina na may malamig na hangin na yumakap sa kaniya ay napatingin siya sa paligid niya, nagbabakasakaling makita ang kaniyang ina kahit saglit lang.“Mom, is that you?” hindi niya mapigilang hindi maiyak dahil ngayon niya na lang ulit naramdaman ang kaniyang ina. Hindi man naniniwala sa mga ganitong bagay ang ibang tao wala siyang pakialam, gusto niyang paniwalaan na nakakasama pa rin niya ang kaniyang ina kahit na wala na ito. Tipid na ngumiti si Czarina, saka niya niyakap ang sarili niya.“Gagawin ko ang huling ibinilin mo sa akin. Hindi ako makakapayag na makukuha lang ni Tita Natalia ang mga ari-arian natin. Susubukan ko ring maghanap ng ebidensya para patunayan na siya ang may gawa ng nangyaring aksidente sa atin noon. I will do my best and please, help me.” Mahina niyang saad.Nang magring ang c
“Ginagawa mo talaga ang lahat ‘no para maakit si Tyrone at ikaw ang piliin niyang pakasalan. Hindi ka ba nahihiya? Pinapapunta mo siya rito kapag ikaw lang ang tao sa bahay? Anong ginawa niya rito?!” galit na namang saad sa kaniya ni Natalie. Hindi naman siya tinitingnan ni Czarina.“Gusto mo bang gayahin ko ang technique mo? Ang makipagkita sa hotel, ganun ba Natalie?”“Nagagalit ka pa rin ba? Hindi ba at ikaw naman ang pakakasalan ni Austin? Ikaw pa rin ang pinili niya kaya bakit inaakit mo pa rin si Tyrone?! Bakit mo ba ‘to ginagawa? Gusto mong maghiganti? Czarina, this is too much!” hilaw namang natawa si Czarina saka niya tiningnan si Natalie na tila ba stress na stress na sa buhay. Sa itsura niya para bang siya ang nasasaktan ng sobra, para bang siya ang niloko at inagawan.“Galit na ga
“Gusto ko lang naman na tanungin kung ano ng balita sa inyo ni Czarina. Nakumbinsi mo na ba siyang ituloy ang kasal niyo?” hilaw na natawa si Austin saka siya napapailing. Hindi niya na rin alam kung ano bang gulo ang pinasok niya. Bakit ba siya nagkagusto sa magkapatid?“Hindi ko alam kung makukumbinsi ko pa siya, hindi ko na alam kung anong dapat ko pang sabihin sa kaniya para lang makumbinsi siyang ituloy ang kasal namin pero mukhang desidido na siya sa desisyon niya. Kung ayaw niya akong pakasalan, bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal sa akin? Naging masaya ka naman sa affair natin diba? Natalie, hindi maliit na pera ang inilabas ng pamilya ko para sa kasal namin ni Czarina. Bakit hindi mo na lang siya hayaan na magpakasal kay Tyrone at tayong dalawa na lang ang ikasal?”“Nahihibang ka na ba?” hindi makapaniwalang saad ni Natalie. “P
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Czarina habang nakatingin siya sa kawalan. Pagkatapos ng nangyari sa dinner hindi pa niya nakakausap si Tyrone. Naiintindihan niya naman kung aatras na si Tyrone sa usapan nila dahil valid naman ang reason nito. Sino bang tatanggap sa kaniya gayong may kambal na siyang anak. Iniisip niya rin ang mga anak niya, dalawang taon niya ng hindi nakikita at nakakasama ang mga ito ng dahil sa stepmom niya.Hawak ni Natalia ang mga anak ni Czarina para mahawakan ni Natalia sa leeg si Czarina pero kailangan niyang lumaban, ayaw niyang kontrolin na lang ni Natalia ang buhay niya habang buhay.Muling nagbuga ng hangin si Czarina bago siya naupo sa duyan. Blangko niya namang tiningnan si Natalie na hindi niya namalayan na nasa likod niya na pala ito kanina. Gusto niyang magpahangin sa hardin pero dumating ang masamang hangin.“Natatakot ka na bang hindi ka na pakakasalan ni Tyrone? Kung nakinig ka na lang sana kay Mommy, kung inayos mo na lang sa
“Hindi ko kilala!” sagot kaagad ni Czarina na ikinakunot ng noo ni Tyrone. “Hindi ko kilala ang ama ng mga anak ko dahil nabuo lang naman sila dahil sa isang ka-one night stand ko noon. Lasing na lasing ako at hindi ko na alam ang ginagawa ko. Hindi ko maalala kung paano ko nakilala yung lalaki, kung paano kami napunta sa isang kwarto at mangyari ang hindi dapat mangyari sa amin. Pero gusto ko lang linawin sayo na hindi ako katulad ng babaeng iniisip mo, nagpakalasing ako nun dahil hindi ko pa rin matanggap ang pagkamatay ng Mommy ko at ang pag-uwi ni Daddy sa kabit at anak niya sa bahay namin.” Sapilitang pagkwekwento ni Czarina. Ayaw niya na sanang maalala ang nangyari sa nakaraan pero kailangan niyang linisin ang pangalan niya.“Ilang taon na ang mga anak mo?” blangko pa ring tanong ni Tyrone.“4 years old, nangyari 5 years ago ang pakikipagtalik ko sa lalaking hindi ko kilala at ngayon dalawang taon ko na silang hindi nakikita. Kung iniisip mo ring ibinigay ko kay Austin ang saril
Nang makasakay si Czarina sa sasakyan niya ay tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. Napasubsob na lang siya sa manubela niya. Ang sikip sikip ng dibdib niya, ramdam pa rin niya ang bigat ng kamay ng kaniyang ama sa pisngi niya dahil sa sampal pero mas nangingibabaw ang kirot na nararamdaman niya sa puso niya.Napabuga siya ng hangin saka tipid na ngumiti. Nasasaktan man siya dahil ayaw siyang paniwalaan ng kaniyang ama, wala na siyang magagawa. Tuluyan na talagang nalason ni Natalia ang isip nito dahil wala na siyang ibang pinaniniwalaan kundi si Natalia lang.“Czarina, open the door.” Rinig ni Czarina sa boses ni Tyrone. Tumingin siya sa bintana at nakita niya naman si Tyrone na bakas ang sobrang pag-aalala sa mukha nito. Binuksan niya na ang pintuan at lumabas ng sasakyan. “Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?” nag-aalalang tanong ni Tyrone. Hindi sumagot si Czarina, niyakap niya lang si Tyrone. Nagpapasalamat siya dahil nandyan si Tyrone para sa kaniya, ang tanging taong may paki
Hindi makapaniwala si Czarina sa mga sinasabi sa kaniya ng kaniyang ama. Hilaw siyang natawa, talagang napaghandaan na ni Natalia ang mga sinabi nito laban sa kaniya. Ano pa bang mga nasabi ni Natalia para magalit ng ganito sa kaniya ang kaniyang ama? Pinakalma ni Czarina ang sarili niya para hindi bumagsak ang mga luha niya at hindi mauna ang paghagulgol niya kesa masabi ang mga gusto niya.“Hanggang ngayon pa rin ba si Tita Natalia pa rin ang pinaniniwalaan niyo? Simula nang dumating siya sa buhay natin, hindi niyo na ako nagawang paniwalaan. I’m your daughter, Dad. Mas matagal mo akong nakasama kesa sa kaniya unless palagi ka ring umuuwi sa kanilang mag-ina kahit na buhay pa si Mommy.” Matapang niyang wika. Iniwas naman ni Mateo ang paningin niya.“Minahal ko ang Mommy mo. Hindi magagawa ng Tita Natalia mo ang patayin ako para lang sa kompanya dahil marami na rin siyang naitulong sa akin simula nang makasama natin siya. Bakit mo ba siya gustong gustong mawala sa buhay natin? Naging
Nang tumawag si Tyrone sa kaniya ay hindi niya ito masagot dahil natatakot siyang bitiwan ang manubela.“Oh God, please protect me.” Anas niya, napalunok siya. Sa bilis nang pagpapatakbo niya ay para na siyang nakikipagkarerahan. Makalipas ang ilang minuto ay muli siyang tumingin sa likod niya ng marinig niya ang tunog ng mga siren. Kita niya ang mga police car na nakabuntot na sa kaniya. Mabilis siyang nilampasan ng isang police car at sumenyas ito na magslow down siya.“They want me to stop? Oh no, please, not now.” Anas niya dahil sa pag-aakalang baka hinuhuli na siya dahil over speeding na siya. Pinantayan na rin siya sa magkabilang gilid niya, may tatlo pang nakabuntot sa kaniya.Nakita niyang tumatawag si Tyrone, mabilis niyang sinagot ito.“Please help me, may mga pulis nang pinapahinto ako. I’m scared to stop, Tyrone.” Natataranta niyang saad.“Slow down, Czarina. They come to help you, please slow down.” Sagot ni Tyrone. Nakahinga naman ng maluwag si Czarina kaya dahan-dahan
Lumipas ang dalawang linggo, nagtataka na si Czarina dahil hindi pa niya nakikita si Natalie. Hindi ito pumapasok sa kompanya kaya naiipon na ang mga gagawin niya.“Michelle, wala ka pa rin bang balita kay Natalie kung nasaan na siya?” tanong ni Czarina sa secretary ni Natalie.“Wala pa rin po ma’am Czarina. Maraming beses ko na siyang tinawagan pero hanggang ngayon hindi pa rin siya sumasagot.” Sagot nito. Napapaisip si Czarina kung anong nangyari kay Natalie, kung bakit bigla itong nawala.‘Is she planning her wedding?’ usal niya sa sarili niya. Naipilig niya ang ulo niya, kung nagpaplano na sila para sa kasal nila bakit hindi alam ito ng secretary niya? Nahihirapan si Czarina na malaman kung ano ang pinaplano ng mag-ina.Patungo na sana si Czarina sa production department nang madaanan niya ang office ni Natalia. May kaunti itong awang kaya dahan-dahan siyang naglakad papunta dun. Sinilip niya kung sino na ang nasa loob. Nang makita niyang walang tao ay inilibot niya ang paningin n
Tulalang nagtungo ng kompanya si Czarina. Sana lang ay gumana ang pananakot niya sa mga ito para hindi matuloy ang mga binabalak nila sa kaniyang ama. Hindi man naging mabuting ama sa kaniya sa nakalipas na mga taon si Mateo, hindi pa rin niya kayang mawala ito dahil sa mga taong walang halang ang bituka. Wala siyang nagawa noon sa kaniyang ina, para siyang batang naligaw ng landas at hindi alam ang gagawin at ayaw niya namang mangyari ulit yun. Ayaw niya namang mawala silang pamilya sa mga kamay ni Natalia.Nang may tumawag sa cellphone niya ay sinagot niya yun ng hindi na tinitingnan kung sino ang caller.“Yes?” walang gana niyang sagot.“What happened? Maililipat ba natin ang Daddy mo? Narequest ko na ang ambulance, may mga doctor na rin na sasama para sunduin siya. Can we transfer him now?” wika ni Doc Apalla. Napabuntong hininga naman si Czarina at narinig yun ni Doc Apalla. Sa buntong hininga pa lang ni Czarina, alam na ni Doc Apalla kung anong nangyari. “Hindi pumayag si Natali
Nang makabalik si Doc Santos sa office niya ay nandun pa rin si Czarina na naghihintay sa kaniya. Naupo na muna si Doc Santos saka niya nginitian si Czarina.“So, can we tranfer him now? Ako na ang bahala sa ambulance dahil nakausap ko naman na rin si Doc Apalla na ililipat sa hospital nila ang Daddy ko.” Aniya.“I’m sorry, Miss Jimenez, but I think we can’t transfer your father. May mga machine na hindi pwedeng tanggalin sa katawan niya ngayon at kung pipilitin naman natin siyang ilipat baka pagsisihan lang natin sa huli. Ayaw ko naman na may mangyaring masama sa pasyente ko.” Wika nito. Nagsalubong ang mga kilay ni Czarina, naguguluhan dahil bakit hindi pwedeng ilipat ang Daddy niya? Meron ba silang hindi sinasabi sa kaniya? Akala niya ba ay okay ang Daddy niya, na hindi naman malubha ang natamo nitong sugat sa ulo.Mariing nakatitig si Czarina kay Doc Santos. Ramdam naman ni Doc Santos ang matatalim na titig sa kaniya ni Czarina kaya hindi ito makatingin ng diretso.“Tell me, Doc S
Sinimulan naman na ni Czarina ang pag-aayos ng mga gamit sa closet nila. Sa laki ng mansion ng mga Fuentes ay siguradong pagpapawisan ka sa paglalakad kung wala itong aircon sa bawat sulok ng bahay.Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Czarina makalipas ang ilang oras na pag-aayos niya sa mga gamit nila. Aayusin niya rin ang mga gamit ng mga anak niya. Nang makaramdam siya ng pagkauhaw ay bumaba na muna siya. Inililibot niya ang paningin niya. Talagang nagsusumigaw ng karangyaan ang mga gamit sa mansion lalo na ang naglalakihan na mga chandelier. Ang mga vase na tila ba antigo na pero talagang babayaran mo ito ng million kapag nakabasag ka ng isa.Marami ring mga katulong nagkalat sa loob ng mansion at lahat sila ay may mga nakatokang gawain.“Excuse me, saan dito ang kitchen?” tanong niya dahil maraming pintuan pero hindi niya alam kung saan siya papasok.“Dun po ma’am, diretso lang po kayo.” Nakangiti namang sagot ng katulong. Nagpasalamat na si Czarina saka siya nagtungo sa
Palalim na nang palalim ang gabi pero pansin ni Tyrone na malalim pa rin ang iniisip ni Czarina. Nakatambay ito sa veranda at nakamasid lang sa madilim na paligid. Bumangon ng higaan si Tyrone saka niya nilapitan si Czarina. Pinagmasdan niya lang din ang madilim na kalangitan. Yumakap pa sa kaniya ang hanging panggabi.“Is something bothering you?” tanong niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago sumagot si Czarina. Hindi na nawala sa isip niya ang sinabi ng doctor sa kaniya. Paano niya mapipigilan ang stepmom niya? Paano kung mahuli na ang lahat para sa kaniyang ama? Paano kung magtagumpay ito sa mga plano niya?“The doctor called me lately. Yung gamot na pinatest ko sa kaniya it’s not a vitamins. Alam kong pinapainom yun ni Tita Natalia kay Daddy dahil may sarili namang doctor si Daddy pero sa halip na gumanda ang kalusugan niya lalo siyang nanghihina dahil sa gamot na pinapainom ni Tita Natalia. Hindi ko alam kung paano ako makakakuha ng ebidensya na pinapalitan niya ang mga gamot ni
"Nandun lang ba si Chairman sa office niya? I need to talk to him kasi. Ako ang pinapunta ni Daddy sa meeting at kailangan ko ring makausap si Chairman Fuentes dahil may gustong ipasabi si--""Just see if he's there." Masungit na pagpuputol ni Tyrone sa sasabihin sana ni Rhianne. Napapanguso na lang si Rhianne dahil sa pagiging masungit ni Tyrone sa kaniya. Totoo pala talaga ang mga naririnig niya tungkol kay Tyrone, masungit nga ito at tila ba walang interes sa mga babae. "Bakla ka ba?" Lakas loob na saad ni Rhianne. Hindi makapaniwalang nilingon ni Tyrone si Rhianne saka siya napapailing. "Kung sa tingin mo hahalikan kita para maniwala ka, hindi ko gagawin yun." Masungit pa rin niyang sagot. "Kung ganun, bakit parang ang layo layo ng loob mo sa mga babae? Baka lalaki rin ang tipo mo? Sayang naman ang lahi mo." Tila pang-aasar pang wika ni Rhianne. Humugot ng malalim na buntong hininga si Tyrone para kalmahin ang sarili niya. Wala siya sa mood para patulan pa ang