Share

Kabanata 10.1

Author: Rhea mae
last update Huling Na-update: 2025-01-12 10:23:39

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Czarina habang nakatingin siya sa kawalan. Pagkatapos ng nangyari sa dinner hindi pa niya nakakausap si Tyrone. Naiintindihan niya naman kung aatras na si Tyrone sa usapan nila dahil valid naman ang reason nito. Sino bang tatanggap sa kaniya gayong may kambal na siyang anak. Iniisip niya rin ang mga anak niya, dalawang taon niya ng hindi nakikita at nakakasama ang mga ito ng dahil sa stepmom niya.

Hawak ni Natalia ang mga anak ni Czarina para mahawakan ni Natalia sa leeg si Czarina pero kailangan niyang lumaban, ayaw niyang kontrolin na lang ni Natalia ang buhay niya habang buhay.

Muling nagbuga ng hangin si Czarina bago siya naupo sa duyan. Blangko niya namang tiningnan si Natalie na hindi niya namalayan na nasa likod niya na pala ito kanina. Gusto niyang magpahangin sa hardin pero dumating ang masamang hangin.

“Natatakot ka na bang hindi ka na pakakasalan ni Tyrone? Kung nakinig ka na lang sana kay Mommy, kung inayos mo na lang sa
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • My Contract Marriage    Kabanata 10.2

    “Hindi ko kilala!” sagot kaagad ni Czarina na ikinakunot ng noo ni Tyrone. “Hindi ko kilala ang ama ng mga anak ko dahil nabuo lang naman sila dahil sa isang ka-one night stand ko noon. Lasing na lasing ako at hindi ko na alam ang ginagawa ko. Hindi ko maalala kung paano ko nakilala yung lalaki, kung paano kami napunta sa isang kwarto at mangyari ang hindi dapat mangyari sa amin. Pero gusto ko lang linawin sayo na hindi ako katulad ng babaeng iniisip mo, nagpakalasing ako nun dahil hindi ko pa rin matanggap ang pagkamatay ng Mommy ko at ang pag-uwi ni Daddy sa kabit at anak niya sa bahay namin.” Sapilitang pagkwekwento ni Czarina. Ayaw niya na sanang maalala ang nangyari sa nakaraan pero kailangan niyang linisin ang pangalan niya.“Ilang taon na ang mga anak mo?” blangko pa ring tanong ni Tyrone.“4 years old, nangyari 5 years ago ang pakikipagtalik ko sa lalaking hindi ko kilala at ngayon dalawang taon ko na silang hindi nakikita. Kung iniisip mo ring ibinigay ko kay Austin ang saril

    Huling Na-update : 2025-01-12
  • My Contract Marriage    Kabanata 11.1

    Mariing nakatitig si Mateo sa asawa niya at hinihintay ang isasagot nito. Ngumiti naman si Natalia saka niya nilapitan si Mateo at iniangkla ang kamay nito sa braso ni Mateo. Kinuha niya na rin ang suitcase ni Mateo saka ito pinaupo sa sofa.“Magpahinga ka muna hon, masama sayo ang pagod at nagagalit.” Pag-iiba ni Natalia nang usapan.“Answer me, Natalia. Anong ginagawa mo sa mga anak ni Czarina?” seryoso pa ring tanong ni Mateo.“Kung ayaw niyang sagutin, ako ang sasagot.” Sabat ni Czarina, masama naman siyang tiningnan ni Natalia pero hindi nagpatinag si Czarina at hindi nagpakita ng takot. “She’s hurting my twins and starves them kapag hindi ko sinusunod ang mga gusto niya. Ang naging successful na project ni Natalie sa kompanya ay ako ang gumawa ng plano nun, everything, dahil kapag hindi ko ginawa ang mga gusto nila, mga anak ko ang magdudusa. Kapag may nangyari sa mga anak ko, ikaw ang sisisihin ko Daddy. Pamilya mo pa rin sila, mga apo mo pa rin sila, at kapag nagutom ang mga a

    Huling Na-update : 2025-01-13
  • My Contract Marriage    Kabanata 11.2

    “Ikinukulong ka na naman ba ng stepmom mo?” tanong ulit ni Hailey. Umiling lang naman si Czarina saka siya tipid na ngumiti. Kinuha ni Czarina ang isang unan saka niya iyun niyakap at itinaas ang mga paa niya. “Pagkatapos mong i-cancel ang kasal niyo ni Austin, hindi ka na nagparamdam sa akin. Ngayon ka na lang ulit bumisita rito, ano ba talagang nangyari sayo? Nalilink ka rin kay Tyrone Fuentes, pwede mo bang ipaliwanag kung anong nangyayari?”“Austin cheated on me and Natalie is the another woman while Tyrone, he is Natalie’s future husband but I asked him to marry me instead.” Diretsong sagot ni Czarina, napaawang na lang ang labi ni Hailey sa gulat. Umayos pa siya ng upo bago siya muling nagsalita.“Are you serious? Ipinahiya mo ang pamilya ni Austin dahil kinansel mo ang kasal niyo na dapat ay tapos na ngayon tapos inalok mo ng kasal si Tyrone Fuentes? You’re unbelievable. Sa ginawa mo, ikukulong ka na naman ng stepmom mo sa atic, nababaliw ka na ba?” nag-aalalang wika ni Hailey

    Huling Na-update : 2025-01-13
  • My Contract Marriage    Kabanata 12.1

    Galit na galit si Natalia nang malaman niyang hindi nagbago ang isip ni Tyrone, desidido na talaga itong pakasalan si Czarina. Galit na binasag ni Natalia ang vase na nasa center table.“This can’t be! Hindi pwedeng sirain ng babaeng yun ang lahat ng mga plano ko! Why are you so stubborn, Czarina!” malakas niyang sigaw na halos marinig ng lahat ng mga katulong sa bahay nila. Narinig din yun ni Yaya Beth at natatakot na naman siya para kay Czarina. Masaya na si Yaya Beth na nagkaroon na ng kalayaan si Czarina pero mukhang ibabalik na naman siya sa atic kahit na magaling naman na si Czarina.“Czarina!” malakas na tawag ni Natalia pero hindi lumabas si Czarina sa kwarto niya. Lahat ng mga katulong ay mabilis na bumalik sa mga ginagawa nila kahit na tapos na nila itong gawin, natatakot silang mapagalitan ni Natalia lalo na at alam nilang galit na galit tal

    Huling Na-update : 2025-01-14
  • My Contract Marriage    Kabanata 12.2

    Naalala niya naman ang nangyari noong dinner nila, nalate si Czarina at para bang may kinalaman ang stepmom nito kung bakit siya nalate kaya napagpasyahan na ni Tyrone na puntahan si Czarina sa bahay nila.Pinapasok siya kaagad ng katulong dahil kilala naman na siya.“Where’s Czarina?” tanong niya kaagad dito. Hindi naman sumagot ang katulong at mabilis na umalis. Walang may gustong makialam sa problema ng pamilya ng mga Jimenez.“Tyrone, iho, what are you doing here?” gulat na tanong ni Natalia na pababa pa lang ng hagdan. Nilapitan niya si Tyrone at pinaupo ito sa sofa. Nilingon pa niya ang kwarto ni Czarina at nakahinga naman siya ng maluwag dahil kanina pa hindi gumagawa ng ingay si Czarina.“I came here to see, Czarina. Where is she?” blangkong tanong ni Tyrone.

    Huling Na-update : 2025-01-15
  • My Contract Marriage    Kabanata 13.1

    Binantayan ni Tyrone si Czarina kahit na paulit-ulit na siyang tinatawagan ng kaniyang ina. Sa inis niya ay pinatay niya ang cellphone niya para hindi na muna siya matawagan. Inilagay niya na sa mini table ang mga pagkain na binili pa niya sa labas.“Alam kong marami ka pang gagawin, pwede mo na akong iwan dito.” Ani ni Czarina dahil kita niya ang pagpatay ni Tyrone sa cellphone niya para makaiwas sa mga taong naghahanap sa kaniya.“Paano kita iiwan ng mag-isa dito? May pamilya ka ba na pupunta rito to stay here with you? Kung meron, saka ako aalis.” Masungit na sagot ni Tyrone. Hindi niya maintindihan kung bakit sinasayang niya ang oras niya kay Czarina gayong may kasunduan lang naman silang dalawa. Kailangan lang nila ang isa’t isa.“My friend Hailey will come here para samahan ako.” Sagot ni Czarina,

    Huling Na-update : 2025-01-15
  • My Contract Marriage    Kabanata 13.2

    “Ang sabi ng doctor wala naman po siyang natamong serious injury. Kailangan niya lang magpahinga at bukas madidischarge na rin po siya.” Sagot ni Hailey. Nilapitan ni Mateo ang anak niya, naaawa siya sa kalagayan nito pero wala naman siyang magawa dahil matigas din ang ulo ni Czarina.Dahan-dahan na iminulat ni Czarina ang mga mata niya at bahagya pa siyang nagulat ng makita niya ang kaniyang ama. Mabilis siyang naupo at sumandal sa headrest.“Dad,” mahina niyang saad.“Bakit ka na naman tumakas? Ang sabi ng Tita Natalia mo ay nagwawala ka na naman kaya ka niya ikinulong sa kwarto mo. Ano ba talagang gusto mong mangyari Czarina? Pakiramdam mo ba binabalewala kita? After this, makikipagkita ka kay Doc. Irish para macheck ka niya. Gusto mo bang bumalik na naman sa mental—”

    Huling Na-update : 2025-01-16
  • My Contract Marriage    Kabanata 14.1

    Nang makauwi si Tyrone ay hinarap ni Natalia si Czarina at nanggagalaiti na naman siya sa galit.“Sinasadya mo ba talagang ipahiya ang pamilya mo, Czarina?! Nagsumbong ka kay Tyrone at sa kwento mo, kami pa ang masama?!” galit niyang sigaw. Napapahilot naman si Mateo sa sintido niya saka niya tiningnan ang anak niyang walang emosyon ang mukha.“That’s enough, Natalia. Tyrone is right, hindi tamang ikulong natin si Czarina unless sinabi ng doctor niya na kailangan natin siyang ikulong.” wika ni Mateo, nanlilisik naman ang mga mata ni Natalia na tiningnan si Czarina.“Ipinapahiya mo ang Daddy mo, wala na bang ginawang tama sayo ang Daddy mo para si Tyrone ang gawin mong guardian? Nababaliw ka na ba?!” halos magwala si Natalia. Kung wala lang siguro sa harap nila si Mateo, kanina pa niya nahila ang buhok ni

    Huling Na-update : 2025-01-16

Pinakabagong kabanata

  • My Contract Marriage    Kabanata 36.2

    Nilagyan ni Czarina ng wine ang dalawang baso saka niya ibinigay ang isa kay Tyrone. Pareho na silang naupo sa gilid ng pool habang nakatampisaw ang mga paa nila sa tubig.“Sa nakalipas na mga taon, wala akong maalala na nagkaroon ako ng ganitong kalayaan. Nakakalanghap ng sariwang hangin at walang masyadong iniisip. Ikaw? Anong ginagawa mo nitong mga nakalipas na taon?” tanong ni Czarina saka siya sumimsim ng alak. Ininom naman muna lahat ni Tyrone ang alak na nasa baso niya bago siya sumagot.“Hindi ko alam, wala akong ginawa kundi ang maglustay lang ng pera ng mga magulang ko. Walang patutunguhan ang buhay ko nun. All I want is to be free. Wala pa nga sana akong balak bumalik sa kompanya, walang balak na magpakasal kahit kanino kung hindi lang nila ako tinakot na puputulin nila lahat ng atm card ko. Ang gago ko diba?” natatawa pa niyang saad.Muling nilagyan ni Tyrone ng wine ang baso niya saka siya kumain ng mga pagkain na kinuha ni Czarina.“Ako naman, akala ko nahanap ko na ang

  • My Contract Marriage    Kabanata 36.1

    Busy si Tyrone sa paggawa ng mga plano niya na ipepresent niya na naman sa susunod na linggo. Ibinubuhos niya ang oras at atensyon niya para maperfect niya ang paper works niya. Napatingin siya sa kapeng ibinaba sa kape niya saka niya tiningala si Czarina.“Magkape ka muna, masyadong salubong na salubong ang mga kilay mo habang nakatingin ka sa laptop mo. May dalawang araw ka pa naman para matapos yan.” Ani ni Czarina. Pareho silang walang pasok ngayon kaya nasa loob lang sila ng bahay.“Hindi ka umalis? Ang akala ko ba ay lalabas kayo ng kaibigan mo.” Wika ni Tyrone saka niya kinuha ang kape at uminom dun.“Hindi natuloy dahil may biglang tumawag kay Hailey. May kailangan daw silang ayusin sa business nila kaya magsstay na lang ako dito. Wala naman na akong ibang kaibigan maliban sa kaniya.” Napatango na lang si Tyrone. “Pwede ko bang basahin yung ginagawa mo, baka may maitulong lang.” wika niya, muling tumango lang si Tyrone.Naupo naman na si Czarina sa tabi ni Tyrone at binasa ang

  • My Contract Marriage    Kabanata 35.2

    “Excuse me,” malamig na saad ni Owen saka siya tumayo. Sinundan naman siya ng tingin ni Natalie. “Mag-usap tayo,” aniya pa kay Natalie saka niya ito hinila. Nagmamadali namang sumunod si Natalie sa kaniya hanggang sa makalabas sila ng restaurant.“You’re hurting me, kung gusto mo akong makausap pwede mo namang sabihin. Hindi yung hihilain mo pa ako.” Reklamo niya saka niya hinaplos ang kamay niya na may bakas ng kamay ni Owen.“What is that? You know about this arrange marriage? Hindi mo nakuha si Tyrone kaya ako naman ngayon ang gusto mong pakasalan? Nauubusan ka ba ng lalaki sa buhay, Natalie?” inis na saad ni Owen. Isang malakas na sampal naman ang iginawad ni Natalie sa kaniya.“Kung makapagsalita ka parang ako lang ang may plano sa kasal na ‘to. Hindi ka ba nasabihan ng mga magulang mo na pinag-usapan nila ang magiging kasal nating dalawa? This is about business, Owen pero kung pagbintangan mo ako para bang pinilit ko ang mga magulang mo na ipakasal ka sa akin.”“Dahil hindi ko n

  • My Contract Marriage    Kabanata 35.1

    Halos mataranta si Natalie habang naghahanap siya ng maisusuot niya ngayong gabi. Inilabas niya na ang lahat ng mga damit niya sa closet at isa-isa itong tinitingnan sa salamin kung bagay ba sa kaniya.“Hindi ka pa ba tapos diyan?” nababagot na tanong ni Natalia dahil kanina pa naghahanap nang maisusuot ang anak niya.“Hindi ko alam kung anong isusuot ko.” Reklamo niya sa kaniyang ina. Napapairap na lang si Natalia dahil napakaraming damit ng anak niya pero wala itong makita na magandang maisusuot.“Just choose a simple dress o kung saan ka komportable. Nakakahiya naman kay Amelia at Levi kung sila pa ang maghihintay sa atin.” Pagalit nang saad ni Natalia, kanina pa siya tapos magbihis habang si Natalie ay nahihirapan pang maghanap nang maisusuot. Isinarado na ni Natalia ang pintuan. Muling naghanap si Natalie nang maisusuot niya. Lalo siyang natataranta dahil sa oras.Nang makahanap na siya ng maisusuot niya ay lumabas na siya. Hinila naman na siya ng kaniyang ina na makasakay sa sas

  • My Contract Marriage    Kabanata 34.2

    ***Nang magkaroon ng oras si Tyrone ay nakipagkita siya sa mga kaibigan niya. Mabilis na inilayo ni Aries ang alak kay Tyrone dahil baka mag-inom na naman ito malasing. Instead of alcohol, kape ang ibinigay ni Matthew. Hindi naman nagreklamo si Tyrone at ininom ang kape.“Kumusta ang trabaho mo sa kompanya ng lolo mo? Itutuloy pa ba natin ang itatayo nating business?” tanong ni Matthew.“Of course, ituloy pa rin natin. Ayaw niyo na bang ituloy?” kunot noo niyang tanong sa mga ito.“Hindi naman sa ganun. Isa ka sa magiging tagapagmana ng kompanya ng lolo mo. Ayaw mo bang ituloy ang legacy ng lolo mo? Ibibigay mo na lang ba ang lahat kay Owen?” ani ni Matthew. Napaisip naman si Tyrone. Kapag ibinigay niya ang kompanya kay Owen siguradong magagalit sa kaniya ang mga magulang niya.“Hindi sa ganun, ayaw ko lang makipag-agawan kay Owen sa posisyon na CEO. He can be the CEO of the Fuentes Corporation pero mananatiling may karapatan ako sa kompanya. Pwede niyang patakbuhin ang kompanya ng m

  • My Contract Marriage    Kabanata 34.1

    Napasabunot na lang si Czarina sa buhok niya habang naghihintay sila sa waiting area. Maayos naman silang nakiusap pero bakit kailangang mauwi pa sa ganito ang kagustuhan niya lang naman na makuha ang mga anak niya. Hinaplos ni Tyrone ang likod ni Czarina habang naghihintay sila ng doctor na lalabas sa kwarto ng kaniyang ama.“Thank you, doc.” Wika ni Natalia. Nang marinig yun ni Czarina ay mabilis siyang tumayo at nilapitan ang doctor ng kaniyang ama.“How’s my dad, doc? What happened to him?” nag-aalala niyang tanong. Wala siyang matandaan na may sakit ang kaniyang ama dahil malakas pa naman ito.“He’s fine now, mataas ang presyon ng dugo niya kaya nakaramdam siya ng pagkahilo at nawalan ng malay. Kailangan niya lang inumin ang mga gamot na ibibigay ko sa kaniya kasama na rin ng mga vitamins niya.” sagot ng doctor kay Czarina. Nakahinga naman ng maluwag si Czarina dahil walang malalang sakit ang kaniyang ama.“Pero ano pong dahilan ng pagbaba ng timbang niya?” tanong niya. Napapaism

  • My Contract Marriage    Kabanata 33.2

    “Maaga akong natapos sa mga trabaho ko. Didiretso na ba tayo sa bahay niyo o uuwi muna tayo?”“Nakausap mo talaga si Daddy? Pumayag ba siyang dun tayo magdidinner?” tanong ni Czarina saka sila naglakad palabas ng kompanya at sumakay na sa sasakyan.“Yeah, he’s in the company lately. Sinabi ko sa kaniya na gusto ko siyang makausap.” Napatingin si Czarina kay Tyrone. Nagtataka kung ano bang gustong sabihin ni Tyrone sa kaniyang ama.“Is it about the business? Anong sasabihin mo sa kaniya?” kuryoso niyang tanong.“Gusto mong makuha ang mga anak mo diba? Kakausapin ko siyang ibigay na sayo ang mga anak mo para makasama mo na rin sila.” Biglang gumapang ang pinaghalong excitement at kaba sa dibdib ni Czarina. She really wants to meet her twins again dahil dalawang taon niya na itong hindi mga nakikita. Pansin ni Tyrone na biglang natahimik si Czarina.“Are you okay? This is what you want, right? Ang sabi mo ay ginagamit ng stepmom mo sayo ang mga anak mo para makontrol at mapasunod ka? Han

  • My Contract Marriage    Kabanata 33.1

    Pumasok na si Czarina sa kompanya. Dumiretso na siya sa production room, makakapagfocus na siya sa pagdedesign ng mga gowns at habang ginagawa niya yun palihim niya nang iimbestigahan ang stepmom niya. Kailangan niyang maghanap ng magiging butas nito para mapaalis niya ito sa pwesto.Pagpasok ni Czarina sa production room ay ibinaba niya na kaagad ang bag niya para masimulan na niya ang trabaho niya. Kunot noo niyang tiningnan si Owen na nakasandal sa lamesa habang nakabulsa ang mga kamay niya.“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya saka niya kinuha ang mga materyales na kailangan niya.“Kumusta na pakiramdam mo? Ayos ka na ba?”“Ano bang pakialam mo? Wala naman na sigurong dahilan para mag-usap pa tayo. Nasabi na sa akin na hindi na ako kasama sa project. Maling kwarto yata ang napuntahan mo.” Pagsusungit ni Czarina. Hindi niya natatapos ang mga trabaho niya dahil sa panggugulo ni Owen.“I just want to say sorry, gusto ko na ring malaman personally kung okay ka na ba. Bakit hindi mo s

  • My Contract Marriage    Kabanata 32.2

    “Nagpahangin lang ako,” pagdadahilan niya pero tila ba ayaw maniwala ni Czarina.“May ginawa ka ba kay Owen?” inis na tiningnan ni Tyrone si Czarina.“Nag-aalala ka sa kupal na yun?”“It’s not like that, sayo ako nag-aalala dahil baka makulong ka kapag napatay mo siya.” Anas niya, napaiwas naman ng tingin si Tyrone. Hindi niya alam kung bakit tila tumalon ang puso niya. Dahil ba sa gulat o sa tuwa?“Are you okay now? Mainit ka pa ba?” Pag-iiba na lang ni Tyrone ng usapan dahil tila ba na-awkward siya sa sinabi ni Czarina.“Medyo okay na ako, thank you for taking care of me.” Tumango na lang si Tyrone saka ito nagpaalam na sa labas na muna siya. Malamig naman sa kwarto ni Czarina pero tila ba biglang uminit ang pakiramdam ni Tyrone. Nakatitig naman si Czarina sa pintuan kung saan lumabas si Tyrone. Hindi niya alam kung paano niya mapapasalamatan si Tyrone sa mga kabutihan nito sa kaniya. Sana lang ay makahanap na rin si Tyrone ng makakapagpasaya sa kaniya.Napabuntong hininga si Czarin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status