Galit na galit si Natalia nang malaman niyang hindi nagbago ang isip ni Tyrone, desidido na talaga itong pakasalan si Czarina. Galit na binasag ni Natalia ang vase na nasa center table.
“This can’t be! Hindi pwedeng sirain ng babaeng yun ang lahat ng mga plano ko! Why are you so stubborn, Czarina!” malakas niyang sigaw na halos marinig ng lahat ng mga katulong sa bahay nila. Narinig din yun ni Yaya Beth at natatakot na naman siya para kay Czarina. Masaya na si Yaya Beth na nagkaroon na ng kalayaan si Czarina pero mukhang ibabalik na naman siya sa atic kahit na magaling naman na si Czarina.
“Czarina!” malakas na tawag ni Natalia pero hindi lumabas si Czarina sa kwarto niya. Lahat ng mga katulong ay mabilis na bumalik sa mga ginagawa nila kahit na tapos na nila itong gawin, natatakot silang mapagalitan ni Natalia lalo na at alam nilang galit na galit tal
Naalala niya naman ang nangyari noong dinner nila, nalate si Czarina at para bang may kinalaman ang stepmom nito kung bakit siya nalate kaya napagpasyahan na ni Tyrone na puntahan si Czarina sa bahay nila.Pinapasok siya kaagad ng katulong dahil kilala naman na siya.“Where’s Czarina?” tanong niya kaagad dito. Hindi naman sumagot ang katulong at mabilis na umalis. Walang may gustong makialam sa problema ng pamilya ng mga Jimenez.“Tyrone, iho, what are you doing here?” gulat na tanong ni Natalia na pababa pa lang ng hagdan. Nilapitan niya si Tyrone at pinaupo ito sa sofa. Nilingon pa niya ang kwarto ni Czarina at nakahinga naman siya ng maluwag dahil kanina pa hindi gumagawa ng ingay si Czarina.“I came here to see, Czarina. Where is she?” blangkong tanong ni Tyrone.
Binantayan ni Tyrone si Czarina kahit na paulit-ulit na siyang tinatawagan ng kaniyang ina. Sa inis niya ay pinatay niya ang cellphone niya para hindi na muna siya matawagan. Inilagay niya na sa mini table ang mga pagkain na binili pa niya sa labas.“Alam kong marami ka pang gagawin, pwede mo na akong iwan dito.” Ani ni Czarina dahil kita niya ang pagpatay ni Tyrone sa cellphone niya para makaiwas sa mga taong naghahanap sa kaniya.“Paano kita iiwan ng mag-isa dito? May pamilya ka ba na pupunta rito to stay here with you? Kung meron, saka ako aalis.” Masungit na sagot ni Tyrone. Hindi niya maintindihan kung bakit sinasayang niya ang oras niya kay Czarina gayong may kasunduan lang naman silang dalawa. Kailangan lang nila ang isa’t isa.“My friend Hailey will come here para samahan ako.” Sagot ni Czarina,
“Ang sabi ng doctor wala naman po siyang natamong serious injury. Kailangan niya lang magpahinga at bukas madidischarge na rin po siya.” Sagot ni Hailey. Nilapitan ni Mateo ang anak niya, naaawa siya sa kalagayan nito pero wala naman siyang magawa dahil matigas din ang ulo ni Czarina.Dahan-dahan na iminulat ni Czarina ang mga mata niya at bahagya pa siyang nagulat ng makita niya ang kaniyang ama. Mabilis siyang naupo at sumandal sa headrest.“Dad,” mahina niyang saad.“Bakit ka na naman tumakas? Ang sabi ng Tita Natalia mo ay nagwawala ka na naman kaya ka niya ikinulong sa kwarto mo. Ano ba talagang gusto mong mangyari Czarina? Pakiramdam mo ba binabalewala kita? After this, makikipagkita ka kay Doc. Irish para macheck ka niya. Gusto mo bang bumalik na naman sa mental—”
Nang makauwi si Tyrone ay hinarap ni Natalia si Czarina at nanggagalaiti na naman siya sa galit.“Sinasadya mo ba talagang ipahiya ang pamilya mo, Czarina?! Nagsumbong ka kay Tyrone at sa kwento mo, kami pa ang masama?!” galit niyang sigaw. Napapahilot naman si Mateo sa sintido niya saka niya tiningnan ang anak niyang walang emosyon ang mukha.“That’s enough, Natalia. Tyrone is right, hindi tamang ikulong natin si Czarina unless sinabi ng doctor niya na kailangan natin siyang ikulong.” wika ni Mateo, nanlilisik naman ang mga mata ni Natalia na tiningnan si Czarina.“Ipinapahiya mo ang Daddy mo, wala na bang ginawang tama sayo ang Daddy mo para si Tyrone ang gawin mong guardian? Nababaliw ka na ba?!” halos magwala si Natalia. Kung wala lang siguro sa harap nila si Mateo, kanina pa niya nahila ang buhok ni
“Marami pa kayong hindi nalalaman sa pamilya ko lalo na sa stepmom ko, Mrs. Fuentes. Sa akin nakapangalan ang shares ng kompanya pero inangkin iyun ng witch stepmom ko at itinago ang nagpapatunay na sa akin nakapangalan ang shares dahil bago mamatay si Mommy, inilipat niya sa pangalan ko ang hawak niyang mga shares sa kompanya niyo at sa kompanya namin.” Pagpapaliwanag ni Czarina na lalong ikinakunot ng noo ni Melanie.“Sinasabi mo bang inaangkin ni Natalia ang mga shares na hawak mo?” kuryosong tanong ni Melanie na ikinatango ni Czarina. Natahimik si Melanie at napatikhim.“Tama kayo, Mrs. Fuentes. Sinasabi niyo na hindi ako ang taong makakatulong sa anak niyo kapag dumating ang araw na mamimili ng CEO ang Chairman ng kompanya niyo? Sa tingin niyo ba talaga, hindi ako ang taong hinahanap niyo? Ang shares na hawak ng pamilya namin sa kompanya niyo ay s
Masayang nakangiti si Natalie, tiningnan niya si Czarina pero bahagya lang itong nakayuko. Sigurado siyang kinakabahan na si Czarina. Hindi na siya makapaghintay na mapahiya si Czarina pagkatapos ng dinner.“Kumusta naman ang trabaho mo, iha?” tanong ni Melanie kay Natalie habang kumakain sila.“Okay lang naman po, Tita. Nakakapagod minsan, nakakagawa ng mga pagkakamali at mas lalo ko pang pinag-aaralan ang lahat lalo na ang pagpapatakbo sa kompanya.” Nakangiti niyang sagot na ikinatango naman ni Melanie.“Ang balita ko ay marami ka ng successful project, I’m happy for you. Ang mga katulad mo ang dapat na pinagkakatiwalaan sa kompanya.” Pagpupuri pa ni Melanie na ikinangiti ng mag-ina. Tiningnan ni Natalie si Tyrone pero nawala ang ngiti niya dahil na kay Czarina ang paningin nito. Naiinis na naman si Na
Bahagya namang natawa si Natalia.“What do you mean, Melanie?” tanong niya rito. Sumeryoso ang mukha ni Melanie saka niya tiningnan si Czarina na kalmado pa rin kahit na marami ng nasabi sa kaniya ang mag-ina na hindi karapat-dapat.“Well, para hindi na magkagulo at hindi na lumaki pa ang bangayan ng magkapatid. Hahayaan na namin si Tyrone na magdesisyon for himself. Siya naman ang makikisama sa magiging asawa niya at hindi kami. Kung sa tingin ni Tyrone si Czarina ang makakabuti para sa kaniya then we will let him decide. Gusto ko na ring matapos ang gulo na ‘to at magkaroon man lang tayo ng tahimik at payapang dinner.” Ani ni Melanie, natawa na lang si Natalia at hindi makapaniwala sa biglaang desisyon ni Melanie. “Don't laugh at other people's trauma because you don't know the pain they're feeling. So, iho, tell us, sigurado ka na bang si Czar
Naging abala na si Czarina para sa magiging kasal nila ni Tyrone. Minamadali na nila ang dapat nilang ayusin. Nasa boutique na siya ngayon at namimili na ng magiging wedding gown niya. Natapos niya naman ng ibigay ang theme ng kasal nila.“Look, who’s here,” wika ni Olivia nang makita niya si Czarina. Boses pa lang ay kilala na ni Czarina kung sino ang nasa harapan niya pero hindi niya ito tiningnan. Nandito siya para mamili ng magiging wedding gown at hindi para patulan pa ang mga taong hindi matanggap ang nangyari sa kanila ni Austin.Galit na inagaw ni Olivia ang magazine na hawak ni Czarina saka niya ito inihagis sa sahig. Nanatili namang kalmado si Czarina saka niya blangkong tiningnan si Olivia.“Ano bang kailangan niyo, Mrs. Gomez? Alam niyong ginagamit ko pa ang magazine tapos itatapon niyo?” kalmado niyang
Hello po, pasensya na po kung hindi ako makakapag-update ng ilang araw o linggo. Naadmit po kasi ako sa hospital at wala pong kasiguraduhan kung kailan makakalabas. Kailangan ko rin po magpahinga dahil hindi po ako makakapagsulat after po ng operation ko. Kapag naging okay na po ako mag-update po ako agad. Pasensya na po talaga dahil hindi ko naman po inaasahan na maooperahan ako. Salamat po sa pang-unawa
“Wala akong pakialam sa dumi ng pag-iisip mo, Natalie. Bagay na bagay kayong dalawa, masyadong makitid ang utak. Marumi maglaro para lang makuha ang gusto.” Aniya at masamang tiningnan si Natalie. Inalis na rin ni Czarina ang pagkakahawak ni Owen sa kaniya saka niya tinalikuran ang mga ito.Napapahilamos na lang sa mukha si Owen.“Mahilig ka ba talagang makisawsaw sa usapan ng iba? Palagi ka na lang sumisingit sa usapan namin ni Czarina kahit na hindi ka naman dapat kasali. Pumasok ka sa usapan kapag tinawag o kinausap ka.” May diin na saad ni Owen. Inirapan naman siya ni Natalie.“Sino pa bang magiging kakampi mo? Ipinagtatanggol lang naman kita sa kaniya. Wala siyang karapatan na magalit sayo. I’m your fiancee, sa akin ka pa nagagalit?”“Hindi ko naman hinilin
Tulalang nakatingin si Tyrone kay Czarina. Sabay silang kumakain ng umagahan pero pareho silang tahimik. Hindi alam kung paano kakausapin ang isa’t isa lalo na at nalaman nilang ang isa’t isa pala ang nakasama nila sa isang hotel pagkatapos nila sa bar. Hindi pa rin nagsisink in sa utak ni Czarina na may kinalaman ang mga anak niya sa mga Fuentes. Ni minsan ay hindi niya hinangad na mahanap ang ama ng mga anak niya. Hindi pumasok sa isip niya na hanapin ito pero hindi niya akalain na ang lalaking pinakasalan niya ay ang posibleng ama ng mga ito.Ramdam ni Czarina ang bawat titig ni Tyrone sa kaniya pero hindi niya ito magawang tingnan. Hindi niya alam kung ano bang sasabihin niya, may dapat ba silang pag-usapan? Maniniwala ba ang pamilya ni Tyrone na siya ang posibleng ama ng mga anak niya? Paano kung ipagtabuyan sila ng mga Fuentes?Mariing naipikit ni Czarina ang mga
“Saan naman sana ako kukuha ng video na yan? Hindi ko nga alam na magkakilala na pala dati pa si Tyrone at ng Czarina yan.” May diin ding saad ni Natalia. Natutuwa na sila noong una dahil sa pag-aakalang may sex scandal si Tyrone pero hindi nila akalain na si Czarina pala ang kasama nito.Inalis na rin ni Owen ang USB saka niya iyun sinira at itinapon sa basurahan. Hindi naman umalis ang mga bisita pagkatapos ng nangyari. Maayos na rin ang kalagayan ni Chairman.Hila-hila pa rin ni Tyrone si Czarina hanggang sa makalabas sila ng mansion. Tulala lang si Czarina dahil para bang nahihirapan siyang iproseso sa isip niya ang lahat. Posible bang nahanap niya na ang ama ng kambal niya? Is it really, Tyrone Fuentes? Napailing siya, para bang nahihirapan siyang paniwalaan na si Tyrone ang ama ng mga anak niya.“Are you okay?” tanong ni Tyrone kay Czarina. Blangko namang tiningnan ni Czarina si Tyrone.“Who did that?” mahina niyang tanong. Nang-iinit ang mga pisngi ni Czarina dahil sa kahihiyan
Tutok na tutok ang atensyon ni Czarina sa video. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil para bang pamilyar siya at kilala niya ang babaeng nasa video.“Stop it!” sigaw ni Tyrone. Tahimik lang naman ang lahat ng bisita nila. Nakatingin na rin si Natalie sa video at napangisi. Natutuwa siyang makita ang sex video ni Tyrone. Hinanap ng mga mata niya si Czarina at kitang kita niya ang gulat sa mga mata ng kapatid niya.“Mukhang umaayon sa akin ang panahon. Hindi man lang ako nagpagod para masira ang relasyon niyong dalawa. Kung sino man ang naglabas ng video na yan, salamat sa kaniya.” Mahinang saad ni Natalie.Pinanuod pa ni Czarina ang video at habang tumatagal ay napapalunok na lang siya. Hindi siya pwedeng magkamali dahil siya ang babaeng nasa video kahit na hindi pa niya malinaw na nakikita ang mukha niya.
Busy ang lahat sa pakikipag-usap sa mga kapwa nila business owners. Tahimik lang naman si Czarina habang nakamasid sa paligid niya. Hindi niya makita ang kaniyang ama, baka nalate lang ang mga ito.Samantala naman ay kunot noong nilingon ni Owen angh lumingkis sa kaniya. Napapabuntong hininga na lang siya ng makita niya si Natalie na matamis na nakangiti sa kaniya.“Bakit ganiyan ang itsura mo? Para kang binagsakan ng langit at lupa. Are you okay?” tanong Natalie. Nilingon naman ni Owen si Czarina na kasama ngayon si Tyrone.“Ano bang pakialam mo? Wala ka bang ibang pwedeng makausap para lubayan mo ako?” masungit niyang sagot. Napanguso naman si Natalie dahil sa pagiging masungit ni Owen, daig pa ang babaeng may dalaw.“Sino pa ba ang gusto mong makasama at makausap ko? Gusto mo bang makipag-usap ako sa mga binata na nandiyan lang sa paligid?”“Bakit hindi mo gawin para naman matahimik kahit ngayong gabi lang ang buhay ko?” inis na inalis ni Natalie ang pagkakalingkis niya kay Owen. M
Salubong ang mga kilay ni Tyrone na nakatingin kay Czarina. Tulala pa rin ito pero mas maayos na kesa kanina. Inis na sinuklay ni Tyrone ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. Naiinis pa rin siya sa tuwing naalala niya ang posisyon ni Owen at ni Czarina kanina. Pwede namang i-comfort ni Owen si Czarina pero bakit kailangan nakayakap.Inis na hinampas ni Tyrone ang manubela niya. Nasa loob pa rin sila ng sasakyan kahit na nakarating na sila sa bahay nila.“I’m sorry,” iyun lang ang lumabas sa bibig ni Czarina. Alam niya naman kung anong ikinagagalit ni Tyrone. Hindi niya naman ginusto na makulong sa loob ng elevator kasama si Owen. Kung wala siyang kasama kanina, hindi niya alam kung maaabutan pa ba nila siyangh humihinga lalo na at walang hangin sa loob na mas lalong magpapahirap sa kaniya.Alam niyang galit si Tyrone pero gusto pa rin niyang pasalamatan si Owen sa pagpapakalma sa kaniya kanina.Napabuntong hininga na lang si Tyrone, wala naman na siyang magagawa dahil nangyari na.
“You’re doing good, nandito lang ako hindi kita iiwan, okay?” patuloy na pagpapakalma ni Owen. “Calm down, huminga ka lang ng dahan-dahan. Wala tayong hangin dito at kapag patuloy na malalim ang bawat paghinga mo baka tuluyan kang mawalan ng malay. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo rito so save your energy.” Tumango-tango naman si Czarina at pinilit na pakalmahin ang sarili.Niyakap ni Owen si Czarina. Gusto niya sanang subukan pang buksan ang elevator at tumawag baka sakaling may makarinig sa kanya sa labas pero hindi niya naman magawang iwan si Czarina. Wala ring signal ang cellphone niya dahil kulong na kulong sa loob ng elevator kaya wala silang magagawa kundi ang maghintay kung kailan bubukas ang elevator.Samantala naman, kanina pa tawag nang tawag si Natalie kay Owen pero hindi ito sumasagot. Balak sanang magpasama ni Natalie kay Owen para mamili nang maisusuot niya ngayong gabi para sa birthday party ni Chairman Fuentes. Gusto niya sana na couple ang isusuot nila.“Na
Ngayong araw na ang birthday ni Chairman Fuentes. Imbitado ang buong pamilya ni Czarina at marami ring mga business tycoon ang dadalo. Tiningnan ni Czarina ang painting na inorder pa niya mula sa Espanya. Hindi niya alam kung magugustuhan ba ito ni Chairman lalo na at hindi naman masyadong mamahalin pero ang mahalaga may maibibigay siyang regalo rito kesa wala. Nahihiya kasi siyang wala man lang maibigay bilang asawa ni Tyrone.“Pakibalot na lang, salamat.” Utos ni Czarina. Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Wala naman siyang ibang gagawin kundi ang tumayo at kumain lang sa birthday party ng Chairman. Nang makuha niya na ang painting na pinaorder niya sa isang art gallery ay bumalik na siya ng kompanya.Pasarado na sana ang elevator nang may biglang humarang dito. Tiningnan ni Czarina si Owen na siyang makakasama niya sa loob ng elevator. Hindi na lang pinansin ni Czarina si Owen. Simula nang magkita sila sa dinner ay hindi pa sila