Naalala niya naman ang nangyari noong dinner nila, nalate si Czarina at para bang may kinalaman ang stepmom nito kung bakit siya nalate kaya napagpasyahan na ni Tyrone na puntahan si Czarina sa bahay nila.
Pinapasok siya kaagad ng katulong dahil kilala naman na siya.
“Where’s Czarina?” tanong niya kaagad dito. Hindi naman sumagot ang katulong at mabilis na umalis. Walang may gustong makialam sa problema ng pamilya ng mga Jimenez.
“Tyrone, iho, what are you doing here?” gulat na tanong ni Natalia na pababa pa lang ng hagdan. Nilapitan niya si Tyrone at pinaupo ito sa sofa. Nilingon pa niya ang kwarto ni Czarina at nakahinga naman siya ng maluwag dahil kanina pa hindi gumagawa ng ingay si Czarina.
“I came here to see, Czarina. Where is she?” blangkong tanong ni Tyrone.
Binantayan ni Tyrone si Czarina kahit na paulit-ulit na siyang tinatawagan ng kaniyang ina. Sa inis niya ay pinatay niya ang cellphone niya para hindi na muna siya matawagan. Inilagay niya na sa mini table ang mga pagkain na binili pa niya sa labas.“Alam kong marami ka pang gagawin, pwede mo na akong iwan dito.” Ani ni Czarina dahil kita niya ang pagpatay ni Tyrone sa cellphone niya para makaiwas sa mga taong naghahanap sa kaniya.“Paano kita iiwan ng mag-isa dito? May pamilya ka ba na pupunta rito to stay here with you? Kung meron, saka ako aalis.” Masungit na sagot ni Tyrone. Hindi niya maintindihan kung bakit sinasayang niya ang oras niya kay Czarina gayong may kasunduan lang naman silang dalawa. Kailangan lang nila ang isa’t isa.“My friend Hailey will come here para samahan ako.” Sagot ni Czarina,
“Ang sabi ng doctor wala naman po siyang natamong serious injury. Kailangan niya lang magpahinga at bukas madidischarge na rin po siya.” Sagot ni Hailey. Nilapitan ni Mateo ang anak niya, naaawa siya sa kalagayan nito pero wala naman siyang magawa dahil matigas din ang ulo ni Czarina.Dahan-dahan na iminulat ni Czarina ang mga mata niya at bahagya pa siyang nagulat ng makita niya ang kaniyang ama. Mabilis siyang naupo at sumandal sa headrest.“Dad,” mahina niyang saad.“Bakit ka na naman tumakas? Ang sabi ng Tita Natalia mo ay nagwawala ka na naman kaya ka niya ikinulong sa kwarto mo. Ano ba talagang gusto mong mangyari Czarina? Pakiramdam mo ba binabalewala kita? After this, makikipagkita ka kay Doc. Irish para macheck ka niya. Gusto mo bang bumalik na naman sa mental—”
Nang makauwi si Tyrone ay hinarap ni Natalia si Czarina at nanggagalaiti na naman siya sa galit.“Sinasadya mo ba talagang ipahiya ang pamilya mo, Czarina?! Nagsumbong ka kay Tyrone at sa kwento mo, kami pa ang masama?!” galit niyang sigaw. Napapahilot naman si Mateo sa sintido niya saka niya tiningnan ang anak niyang walang emosyon ang mukha.“That’s enough, Natalia. Tyrone is right, hindi tamang ikulong natin si Czarina unless sinabi ng doctor niya na kailangan natin siyang ikulong.” wika ni Mateo, nanlilisik naman ang mga mata ni Natalia na tiningnan si Czarina.“Ipinapahiya mo ang Daddy mo, wala na bang ginawang tama sayo ang Daddy mo para si Tyrone ang gawin mong guardian? Nababaliw ka na ba?!” halos magwala si Natalia. Kung wala lang siguro sa harap nila si Mateo, kanina pa niya nahila ang buhok ni
“Marami pa kayong hindi nalalaman sa pamilya ko lalo na sa stepmom ko, Mrs. Fuentes. Sa akin nakapangalan ang shares ng kompanya pero inangkin iyun ng witch stepmom ko at itinago ang nagpapatunay na sa akin nakapangalan ang shares dahil bago mamatay si Mommy, inilipat niya sa pangalan ko ang hawak niyang mga shares sa kompanya niyo at sa kompanya namin.” Pagpapaliwanag ni Czarina na lalong ikinakunot ng noo ni Melanie.“Sinasabi mo bang inaangkin ni Natalia ang mga shares na hawak mo?” kuryosong tanong ni Melanie na ikinatango ni Czarina. Natahimik si Melanie at napatikhim.“Tama kayo, Mrs. Fuentes. Sinasabi niyo na hindi ako ang taong makakatulong sa anak niyo kapag dumating ang araw na mamimili ng CEO ang Chairman ng kompanya niyo? Sa tingin niyo ba talaga, hindi ako ang taong hinahanap niyo? Ang shares na hawak ng pamilya namin sa kompanya niyo ay s
Masayang nakangiti si Natalie, tiningnan niya si Czarina pero bahagya lang itong nakayuko. Sigurado siyang kinakabahan na si Czarina. Hindi na siya makapaghintay na mapahiya si Czarina pagkatapos ng dinner.“Kumusta naman ang trabaho mo, iha?” tanong ni Melanie kay Natalie habang kumakain sila.“Okay lang naman po, Tita. Nakakapagod minsan, nakakagawa ng mga pagkakamali at mas lalo ko pang pinag-aaralan ang lahat lalo na ang pagpapatakbo sa kompanya.” Nakangiti niyang sagot na ikinatango naman ni Melanie.“Ang balita ko ay marami ka ng successful project, I’m happy for you. Ang mga katulad mo ang dapat na pinagkakatiwalaan sa kompanya.” Pagpupuri pa ni Melanie na ikinangiti ng mag-ina. Tiningnan ni Natalie si Tyrone pero nawala ang ngiti niya dahil na kay Czarina ang paningin nito. Naiinis na naman si Na
Bahagya namang natawa si Natalia.“What do you mean, Melanie?” tanong niya rito. Sumeryoso ang mukha ni Melanie saka niya tiningnan si Czarina na kalmado pa rin kahit na marami ng nasabi sa kaniya ang mag-ina na hindi karapat-dapat.“Well, para hindi na magkagulo at hindi na lumaki pa ang bangayan ng magkapatid. Hahayaan na namin si Tyrone na magdesisyon for himself. Siya naman ang makikisama sa magiging asawa niya at hindi kami. Kung sa tingin ni Tyrone si Czarina ang makakabuti para sa kaniya then we will let him decide. Gusto ko na ring matapos ang gulo na ‘to at magkaroon man lang tayo ng tahimik at payapang dinner.” Ani ni Melanie, natawa na lang si Natalia at hindi makapaniwala sa biglaang desisyon ni Melanie. “Don't laugh at other people's trauma because you don't know the pain they're feeling. So, iho, tell us, sigurado ka na bang si Czar
Naging abala na si Czarina para sa magiging kasal nila ni Tyrone. Minamadali na nila ang dapat nilang ayusin. Nasa boutique na siya ngayon at namimili na ng magiging wedding gown niya. Natapos niya naman ng ibigay ang theme ng kasal nila.“Look, who’s here,” wika ni Olivia nang makita niya si Czarina. Boses pa lang ay kilala na ni Czarina kung sino ang nasa harapan niya pero hindi niya ito tiningnan. Nandito siya para mamili ng magiging wedding gown at hindi para patulan pa ang mga taong hindi matanggap ang nangyari sa kanila ni Austin.Galit na inagaw ni Olivia ang magazine na hawak ni Czarina saka niya ito inihagis sa sahig. Nanatili namang kalmado si Czarina saka niya blangkong tiningnan si Olivia.“Ano bang kailangan niyo, Mrs. Gomez? Alam niyong ginagamit ko pa ang magazine tapos itatapon niyo?” kalmado niyang
“Sir, please, huwag niyo po kaming tatanggalan ng trabaho. Kailangang kailangan po namin ‘to,” pakiusap ng isang babae at lumuhod na sa harap ni Tyrone pero hindi nagpakita ng awa si Tyrone.“What is happening here?” tanong ng isang babaeng kadarating lang. Nang makita niya si Tyrone ay mabilis itong yumuko. “Mr. Fuentes, nandito pala kayo. Rush po ba ang ipapagawa niyong wedding gown?” magalang niyang tanong.“Fire them all or else I’ll destroy your business.” Malamig na wika ni Tyrone saka niya hinila palabas ng boutique si Czarina. Naiwan namang nakatulala ang may-ari ng boutique at galit na tinanong ang mga staff niya kung anong ginawa ng mga ito para magalit si Tyrone.“Bakit kailangan mo pang gawin yun? Paano matatapos kaagad ang wedding gown ko kung aalisin mo sila sa mga t
Stress na stress na pumasok si Natalia sa kompanya. Ipinatawag niya kaagad si Manager Cruz. Habang naghihintay siya ay pabalik-balik siyang naglalakad sa harap ng malaki niyang bintana.Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Manager Cruz.“Ipinatawag mo raw ako?” ani nito. Mabilis naman siyang hinarap ni Natalia.“Nagawa mo na ba ang ipinagawa ko sayo?” tanong niya kaagad. Prente namang naupo sa sofa si Manager Cruz.“Of course, don’t worry malinis ang lahat ng trinabaho ko.” Kalmado nitong saad. Nabawasan naman ang galit ni Natalia kaya kumalma na siya at naupo na rin.“Mabuti naman kung ganun,” anas niya. Tumayo si Manager Cruz para magtimpla ng kape nilang dalawa ni Natalia. Alam kasi nito na problemado na naman ng boss niya.“What happened? Pinagbabantaan ka na ba ni Czarina?” tanong niya habang nagtitimpla ng kape.“Hindi ko pa siya nakakausap pero malaki ang pagbabago ni Mateo. Alam mo naman na hindi ko hawak ang dokumento na si Czarina ang tunay na shareholders ng kompany
Isang linggo nang naghihintay si Natalia kay Officer Fernando pero tila ba iniiwasan siya nito. Hindi niya na rin matawagan ang number niya. Sa inis ni Natalia ay itinapon niya ang hawak niyang cellphone saka niya hinilot ang sintido niya. Pinapakalma ang sarili.Nang makita niya si Mateo na nilampasan lang siya ay hinabol niya ito.“Mateo,” tawag niya dito pero hindi siya nilingon ni Mateo. Dire-diretsong pumasok si Mateo sa office niya. Sumunod naman sa kaniya si Natalia na hindi pa rin maipinta ang mukha dahil sa pinaghalong galit at inis “Dalawang gabi kang hindi umuwi tapos lalampasan mo lang ako na para bang wala kang ginawa? Saan ka nanggaling? Hindi ka man lang sumasagot sa mga tawag ko. Hindi mo rin sinasabi sa akin ang mga plano mo. Ano bang nangyayari sayo?” sunod-sunod na tanong ni Natalia. Tila pagod namang naupo si Mateo saka niya blangkong tiningnan si Natalia na tila bulkan na puputok na sa galit.“Pagod ako Natalia. Pwede bang bigyan mo muna ako ng oras para magpahing
“Plan to buy this company,” tipid niyang sagot. Nagkatinginan na lang si Aries at Matthew. Napapailing na lang si Matthew. Hindi talaga nila magawang basahin ang kaibigan nilang si Tyrone.“Ibang klase ka talaga. Kaya pala parang wala kang pakialam plano mo palang bilhin ang kompanyang ‘to. Paano mo yun magagawa kung mas malaki ang kompanya ng lolo mo kesa sa kompanya natin?” kuryosong tanong ni Aries.“Pwede ko namang isa-isahin na bilhin ang shares ng mga board of directors. Czarina is one of the major shareholders too. Minsan kong nakita ang dokumento na nagpapatunay na siya ang may hawak ng shareholders ng namatay niyang ina. I can buy that too.” Anas pa niya.“Is that the reason kung bakit mas pinili mong mahalin siya para makuha mo ang gusto mo sa kaniya?” seryosong tanong ni Matthew. “Do you really love her or you just love her because you need her?” dagdag pa ni Matthew. Sinamaan ni Tyrone ng tingin si Matthew.“I love my wife, you jerk. Of course, at first, I just need her be
Malalim pa rin ang iniisip ni Czarina. Nag-iisip siya ng paraan kung paano niya ba i-eexpose ang kasinungalingan ni Natalie. She needs a clear proof para mapatunayan na totoo ang sasabihin niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Itutuon niya na sana ang atensyon niya sa laptop niya nang may pumasok sa office niya.“Hi, how are you pretty lady?” nakangiting wika ni Hailey. Napangiti naman si Czarina nang makita niya na naman ang kaibigan niya.“Ginagawa mong kapitbahay ang iba’t ibang bansa ah? Kumusta ka?” anas niya saka niya nilapitan si Hailey at nakipagbeso.“Ito busy pa rin sa dami ng ginagawa ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi man lang ako binigyan ng kapatid ng mga magulang ko. Akala ba nila nakakatuwa ang only child lang? Nakakaboring at nakakapagod. Wala man lang akong kasama para i-manage ang kompanya.” pagrereklamo niya saka sila naupo sa sofa. Bahagya na lang na natatawa si Czarina.“Depende rin siguro ang pagkakaroon ng kapatid. Binigyan
Humugot ng malalim na buntong hininga si Czarina saka niya hinila si Tyrone papunta sa veranda para dun mag-usap.“Pumasok na naman si Isabella sa kwarto ni Natalie.” anas niya.“Did she hurt my daughter?” kunot noong tanong ni Tyrone na ikinailing naman ni Czarina.“Nakuha ni Isabella ang isang fake pregnant belly sa kwarto ni Natalie. I think Natalie is faking her pregnancy para pakasalan siya ni Owen at maging parte ng pamilya niyo.” Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Tyrone pero hindi na siya nagugulat sa mga ginagawa ni Natalie. Mabuti na lamang pala at pumayag siya sa offer ni Czarina noon dahil kung hindi baka siya ang nababaliw ngayon dahil kay Natalie.“So, you’re thinking to expose her secret? Don’t do it now. Kung sasabihin mo kay Natalie ang nalaman mo pwede ka niyang baliktarin. Pwede niyang sabihin na binili mo lang ang fake pregnant belly or worst she will plan to kill you para manahimik ka. Let’s gather evidence against her first. Huwag kang kikilos ng mag-isa mo lang
Pag-uwi ni Czarina ay sinalubong siya kaagad ng kambal niya. Masayang niyakap ni Czarina ang mga anak niya.“Nagmeryenda na ba kayo?” nakangiti niyang tanong sa mga ito.“Opo, nagmeryenda na po kami kanina.” Masaya namang sagot ni Isabella. Unti-unti ng nawawala ang takot at trauma ni Isabella, nasasanay na rin ito sa maraming tao dahil sa palagi silang ipinapasyal ni Melanie sa public place.“Let’s go to the pool—” hindi natuloy ni Czarina ang sasabihin niya ng makita niya si Natalie na palabas ng pool area kausap ang dalawang babae at isang bakla. Rinig na rinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito at talagang inaasikaso na ni Natalie ang para sa kasal nila ni Owen. Hindi niya na lang inaya ang mga anak niya sa pool.Pumasok na silang tatlo sa kwarto. Magbibihis na sana si Czarina ng may makita siya sa sahig. Pinulot niya ito at tiningnan, napakunot na lang ang noo niya ng makita niya kung para saan ang nakakalat sa kwarto nila.“Riley, Isabella, sino sa inyong dalawa ang naglagay nito
Nagsalubong ang mga kilay ni Czarina. Parang kailan lang ay hindi siya pinaniniwalaan ng kaniyang ama sa lahat ng mga sinasabi niya pero bakit ngayon pasekreto niya itong pinaiimbestigahan?Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Mateo dahil bakas na bakas sa mukha ni Czarina ang pagtataka.“Mas naramdaman kong naging okay ang pakiramdam nang itigil ko ang pag-inom sa mga gamot na ibinibigay sa akin ni Natalia. Give me more time, anak. Alam kong may ginagawa ka na rin para mapatunayan ang lahat ng mga hinala mo. Napakalaki ng kasalanan ko sayo, Czarina. Hinayaan kitang saktan ni Natalia, hinayaan kong makuha ni Natalia ang mga anak mo. Kung mapatunayan man natin na may kinalaman nga si Natalia sa pagkamatay ng Mommy mo, hindi ko alam kung paano kita haharapin at ang Mommy mo. Hiyang hiya ako sayo, Czarina. Naniwala ako na baka hallucinations mo lang lahat ng mga sinasabi mo noon. Nahihiya ako dahil mas pinaniwalaan ko pa si Natalia kesa sayo na sarili kong anak. I’m really sorry,
Pagpasok ni Czarina sa kompanya nila ay dumiretso siya sa office ng kaniyang ama. Hawak-hawak niya ang mga dokumento na nakita niya sa storage room sa bahay nila. Gusto niya ng kunin kung ano ang nararapat sa kaniya. Walang puwang sa kompanya ang mag-ina lalo na si Natalia. Kung binigyan man ng kaniyang ama ang kapatid niyang si Natalie hindi pa rin yun sapat para angkinin nila ang buong kompanya.Hindi na kumatok si Czarina, dire-diretso siyang pumasok sa loob ng opisina ng kaniyang ama. Naabutan pa niyang nandun si Natalia.“What are you doing here?” Kunot noong tanong ni Natalia. Blangko lang naman siyang tiningnan ni Czarina.“Can we talk Dad?” anas niya ng hindi sinasagot ang tanong ni Natalia. Hilaw namang natawa sa inis si Natalia dahil tila ba nabastos siya sa ginawa ni Czarina.“Iwan mo muna kami, Natalia.” Ani ni Mateo.“No! Kung ano man ang pag-uusapan niyong dalawa I need to hear it. Mag-usap lang kayong dalawa don’t mind me here.” Sagot ni Natalia. Napapailing na lang s
“Sandali, ano ba!” galit na sagot ni Natalie saka niya binuksan ang pintuan. Nawala naman ang inis niya ng si Owen ang makita niya. Galit na pumasok si Owen sa kwarto ni Natalie.“Anong ginawa mo sa bata? Bakit mo pinaiyak? Hindi ka na bata Natalie para patulan mo ang batang yun!” may diing sigaw ni Owen.“Wala naman akong ginawa sa kaniya. Nagulat lang siya sa sigaw ko dahil nagulat lang din ako na makita ko siyang sumisilip sa kwarto ko. I didn’t mean to scare her,” pagtatanggol niya sa sarili niya pero hindi nabawasan ang inis at galit ni Owen.“You can talk to her nicely. Pwede mo ring isarado nang hindi malakas ang pintuan pero sa ginawa mo paanong hindi matatakot yung bata? Sa tingin mo ba kapag si Chairman ang nakakita ng ginawa mo sisikatan ka pa ng araw dito bukas? Hindi na, Natalie, pero