“Sir, please, huwag niyo po kaming tatanggalan ng trabaho. Kailangang kailangan po namin ‘to,” pakiusap ng isang babae at lumuhod na sa harap ni Tyrone pero hindi nagpakita ng awa si Tyrone.
“What is happening here?” tanong ng isang babaeng kadarating lang. Nang makita niya si Tyrone ay mabilis itong yumuko. “Mr. Fuentes, nandito pala kayo. Rush po ba ang ipapagawa niyong wedding gown?” magalang niyang tanong.
“Fire them all or else I’ll destroy your business.” Malamig na wika ni Tyrone saka niya hinila palabas ng boutique si Czarina. Naiwan namang nakatulala ang may-ari ng boutique at galit na tinanong ang mga staff niya kung anong ginawa ng mga ito para magalit si Tyrone.
“Bakit kailangan mo pang gawin yun? Paano matatapos kaagad ang wedding gown ko kung aalisin mo sila sa mga t
Magkakrus ang mga kamay ni Natalie sa dibdib niya habang nakatingin siya kay Czarina kasama ang mga organizer, wedding planner at designer niya sa sala. Siya dapat ang masaya ngayon, siya dapat ang abala sa kasal nila ni Tyrone pero ng dahil kay Czarina, napalitan siya bilang bride.Ilang beses nang umiikot ang mga mata ni Natalie habang nakikinig siya sa usapan nina Czarina.“Ang piniling function hall ni Mr. Fuentes ay ang pinakamalaking function hall ng hotel nila. Sisimulan na rin bukas ang pagdedesign dun at paglalagay ng mga upuan at lamesa.” Wika ng isang babae na ikinatango ni Czarina. Tumayo na si Czarina para makuha na ang sukat ng katawan niya para sa wedding gown at reception dress niya.Nilingon ni Czarina si Natalie na hindi na naman maipinta ang mukha. Nang magsalubong ang mga mata nila ay inirapan siya nito na hindi na pinansin pa ni Czarina.“Ano bang ginagawa mo rito? Wala ka bang trabaho na kailangan mong gawin?” tanong ni Czarina sa kaniya.“Pagkatapos ng ginawa mo
“May hinihintay lang ako,” sagot niya at iniwas na ang paningin. Wala siyang oras makipag-usap sa mga taong hindi niya kilala.“Nagtatrabaho ka rito?” tanong pa ni Owen saka siya naupo sa dulong bahagi ng bench. Kunot noo naman siyang tiningnan ni Czarina dahil hindi naman sila magkakilala para mag-usap.“Hindi,” tipid niyang sagot. Muling nilingon ni Czarina ang conference room. Kanina pa nagsilabasan ang mga kasama ni Tyrone sa meeting pero hanggang ngayon hindi pa rin niya nakikita si Tyrone.“So, sinong hinihintay mo rito?”“Excuse me sir, but we don't know each other well enough to be having this conversation.” Diretsong wika ni Czarina na ikinangisi ni Owen. Hindi ba sapat ang charisma niya para mapaamo niya ang babaeng kasama niya ngayon? Sumandal si Owen sa upuan at pinagkrus ang mga binti niya. Tinitingnan naman siya ni Czarina sa gilid ng mga mata niya.“Hindi mo ako kilala?” ani pa ni Owen. Naiinis na si Czarina pero ayaw niya namang maging bastos kung paaalisin niya na si
Ngayon ang araw na pormal na makikilala ni Czarina ang pamilya ni Tyrone dahil iniimbitahan siya ng mga ito ng dinner. Sa susunod na linggo na rin ang kasal nila dahil halos nakaready na ang lahat. Tiningnan ni Czarina ang sarili niya sa salamin, kaunti na lang ay makakapasok na siya sa kompanya nila at makakapagtrabaho na dun. Walang magagawa ang stepmom niya kundi ang payagan siyang bumalik sa kompanya dahil malaki ang kailangan nila sa mga Fuentes.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Czarina. Alam niyang mas magiging magulo ang pamilya nila oras na sinimulan niya na ang plano niyang pagbawi sa kompanya. Sigurado siyang hindi papayag si Natalia at si Natalie na makuha sa kanila ang kompanya. They will do everything para lang magawa nila at makuha nila ang mga gusto nila.“No, let me go! I want to talk to her!” rinig ni Czarina sa malakas na sigaw ni Natalia. Hindi pa man niya nakikita ang stepmom niya pero ramdam niya na kaagad ang galit nito. Lumabas na ng kwarto si
Nang makainom ng maraming alak si Tyrone ay sunod-sunod na ang pagsinok nito. Kilala siya ng mga kaibigan niya, kapag sunod-sunod na siyang sinisinok alam nilang lasing na ito.“That’s enough! Tutunawin mo ba ang baga mo sa alak?” pagpipigil ni Matthew dahil humihirit pa ng alak si Tyrone.“Let me go,” nakikipagmatigasan pa si Tyrone nang kunin ni Matthew sa kaniya ang hawak niyang baso.“Kung ano man ‘yang problema mo, hindi solusyon ang alak. Hindi ka namin pipigilang mag-inom pero kung lulunurin mo naman ang sarili mo sa alak, mabuti pang matulog ka na lang.” sinamaan ng tingin ni Tyrone si Aries dahil sa pangingialam nito.“Kaya ko ang sarili ko,” wika ni Tyrone na ikinatawa naman ni Aries.“Kaya mo ang sarili mo? Baka magising ka na lang na may kasama na namang babae sa kama—” hindi pa man natatapos si Aries sa sasabihin niya nang bumagsak na si Tyrone sa counter. Napapailing na lang sa kaniya ang mga kaibigan niya.“Iuuwi na ba natin ‘to?” tanong ni Matthew. Uminom naman muna ng
Gustong kumawala ni Czarina sa pagkakahawak sa kaniya ni Tyrone pero lalo siyang nahihilo. Nalalasahan niya na ang alak sa bibig ni Tyrone sa tuwing hinahalikan siya nito. Ipinilig ni Czarina ang ulo niya dahil sa kakaibang init na nararamdaman niya. Tumigil si Tyrone sa paghahalik sa kaniya kaya tiningnan niya ito. Salubong ang mga kilay ni Tyrone habang nakatingin kay Czarina. Hindi maipaliwanag ni Czarina ang nararamdaman niya, there’s something inside her, she wants more pero gusto niyang pigilan ang sarili niya dahil alam niyang pagsisisihan niya ito kapag nasa tamang pag-iisip na siya.“I’m sorry,” ani ni Tyrone ng tila ba nagising na siya. Hinilot ni Tyrone ang sintido niya at akma na sanang aalis sa ibabaw ni Czarina nang hilain siya ni Czarina at siilin nang halik. Bahagyang nagulat si Tyrone sa ginawa ni Czarina pero hindi kalaunan ay sinagot niya na ang bawat halik ni Czarina sa kaniya.Hinawakan na ni Tyrone sa batok si Czarina at lalong idiniin ang bawat halik niya dito.
“May nakakita sa kaniya na nasa bar siya kanina pagkatapos ay inihatid siya ng mga kaibigan niya sa condo niya. Tungkol naman kay Miss Jimenez, maaga pa lang ay umalis na siya ng bahay nila pero dumiretso siya sa condo ni Sir Tyrone.” Wika ng isang lalaki. Nagngitngit ang mga ngipin ni Melanie. Magkasama naman pala ang anak niya at si Czarina pero bakit hindi pumunta ang mga ito sa family dinner? Siguradong galit na galit na naman si Chairman dahil sa ginawa ng anak niya. Kapag nagpatuloy ang galit ni Chairman sa anak niya, siguradong tuluyan ng mawawalan ng mana si Tyrone.Hinilot ni Melanie ang sintido niya at naupo sa sofa dahil pakiramdam niya ay mawawalan siya ng balanse.Alas dyes na ng gabi pero sumasakit pa rin ang ulo ni Melanie dahil sa anak niya. Ginagawa niya ang lahat para lang magkaroon ng magandang buhay ang anak niya pero tila ba binabalewala ng anak niya ang lahat ng effort na ginagawa niya.“Saan ka pupunta?” tanong ni Jamesonn sa asawa niya nang akma sanang aalis it
Itinuon ni Czarina ang oras at atensyon niya sa pag-aasikaso sa kasal nila ni Tyrone. Pakiramdam niya ay mababaliw siya kapag nasa loob lang siya ng bahay at naaalala ang nangyari sa kanila. Nasa hotel na si Czarina ngayon para i-check kung okay na ba ang lahat, kung kompleto na ba ang mga upuan at lamesa.“Czarina,” tawag ni Tyrone dito. Napalunok si Czarina saka siya mabilis na lumapit sa wedding organizer nila at kinausap ito.“Make sure na walang mabilis na masusunog sa kisame kapag sinindihan na ang indoor fireworks para maiwasan nating magkaroon ng sunog.” Wika ni Czarina.“Yes Miss Jimenez. We will make sure everything is fine,” sagot naman nito.“Czarina!” inis na tawag ni Tyrone, hindi naman nilingon ni Czarina si Tyrone pero napatigil siya sa paglalakad nang hawakan siya ni Tyrone sa braso. “Iniiwasan mo ba ako?” kunot noo niyang tanong dito.“No, Tyrone, I’m just busy.” Sagot ni Czarina nang hindi na naman tinitingnan si Tyrone. Nahihiya siya sa nangyari, ano na lang ang ii
Kukuha na sana si Czarina ng pagkain niya nang maalala niya si Tyrone. Nilingon niya ang pwesto nito at ang akala niya ay umalis na ito kanina pa pero nananatili siyang nakaupo sa pwesto niya.“Ang haba rin ng pasensya niyang maghintay ah,” ani ni Czarina saka niya ito nilapitan.“Hindi ka pa ba nagugutom? May mga pagkain nang inihatid ang staff ng hotel para sa mga nag-aasikaso dito. Sumabay ka na sa amin kumain kung gusto mo.” Tumayo naman kaagad si Tyrone at tila batang sumunod kay Czarina. Nauuna nang maglakad si Czarina para lumapit sa mga kasamahan nilang kumakain na.“Kain na po tayo,” pag-aaya sa kanila ng mga kasama nila sa function hall. Ngumiti at tumango lang naman si Czarina. Nanguha na siya ng dalawang pinggan saka nilagyan ng pagkain ang mga ito. Nakaupo naman na si Tyrone at salubong pa rin ang mga kilay niya. Napapairap na lang si Czarina dahil ginawa pa siyang katulong ni Tyrone.“Ano ba kasing ginagawa niya rito? Wala ba siyang gagawin?” aniya sa sarili niya. Nang m
Nang makasakay si Czarina sa sasakyan niya ay tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. Napasubsob na lang siya sa manubela niya. Ang sikip sikip ng dibdib niya, ramdam pa rin niya ang bigat ng kamay ng kaniyang ama sa pisngi niya dahil sa sampal pero mas nangingibabaw ang kirot na nararamdaman niya sa puso niya.Napabuga siya ng hangin saka tipid na ngumiti. Nasasaktan man siya dahil ayaw siyang paniwalaan ng kaniyang ama, wala na siyang magagawa. Tuluyan na talagang nalason ni Natalia ang isip nito dahil wala na siyang ibang pinaniniwalaan kundi si Natalia lang.“Czarina, open the door.” Rinig ni Czarina sa boses ni Tyrone. Tumingin siya sa bintana at nakita niya naman si Tyrone na bakas ang sobrang pag-aalala sa mukha nito. Binuksan niya na ang pintuan at lumabas ng sasakyan. “Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?” nag-aalalang tanong ni Tyrone. Hindi sumagot si Czarina, niyakap niya lang si Tyrone. Nagpapasalamat siya dahil nandyan si Tyrone para sa kaniya, ang tanging taong may paki
Hindi makapaniwala si Czarina sa mga sinasabi sa kaniya ng kaniyang ama. Hilaw siyang natawa, talagang napaghandaan na ni Natalia ang mga sinabi nito laban sa kaniya. Ano pa bang mga nasabi ni Natalia para magalit ng ganito sa kaniya ang kaniyang ama? Pinakalma ni Czarina ang sarili niya para hindi bumagsak ang mga luha niya at hindi mauna ang paghagulgol niya kesa masabi ang mga gusto niya.“Hanggang ngayon pa rin ba si Tita Natalia pa rin ang pinaniniwalaan niyo? Simula nang dumating siya sa buhay natin, hindi niyo na ako nagawang paniwalaan. I’m your daughter, Dad. Mas matagal mo akong nakasama kesa sa kaniya unless palagi ka ring umuuwi sa kanilang mag-ina kahit na buhay pa si Mommy.” Matapang niyang wika. Iniwas naman ni Mateo ang paningin niya.“Minahal ko ang Mommy mo. Hindi magagawa ng Tita Natalia mo ang patayin ako para lang sa kompanya dahil marami na rin siyang naitulong sa akin simula nang makasama natin siya. Bakit mo ba siya gustong gustong mawala sa buhay natin? Naging
Nang tumawag si Tyrone sa kaniya ay hindi niya ito masagot dahil natatakot siyang bitiwan ang manubela.“Oh God, please protect me.” Anas niya, napalunok siya. Sa bilis nang pagpapatakbo niya ay para na siyang nakikipagkarerahan. Makalipas ang ilang minuto ay muli siyang tumingin sa likod niya ng marinig niya ang tunog ng mga siren. Kita niya ang mga police car na nakabuntot na sa kaniya. Mabilis siyang nilampasan ng isang police car at sumenyas ito na magslow down siya.“They want me to stop? Oh no, please, not now.” Anas niya dahil sa pag-aakalang baka hinuhuli na siya dahil over speeding na siya. Pinantayan na rin siya sa magkabilang gilid niya, may tatlo pang nakabuntot sa kaniya.Nakita niyang tumatawag si Tyrone, mabilis niyang sinagot ito.“Please help me, may mga pulis nang pinapahinto ako. I’m scared to stop, Tyrone.” Natataranta niyang saad.“Slow down, Czarina. They come to help you, please slow down.” Sagot ni Tyrone. Nakahinga naman ng maluwag si Czarina kaya dahan-dahan
Lumipas ang dalawang linggo, nagtataka na si Czarina dahil hindi pa niya nakikita si Natalie. Hindi ito pumapasok sa kompanya kaya naiipon na ang mga gagawin niya.“Michelle, wala ka pa rin bang balita kay Natalie kung nasaan na siya?” tanong ni Czarina sa secretary ni Natalie.“Wala pa rin po ma’am Czarina. Maraming beses ko na siyang tinawagan pero hanggang ngayon hindi pa rin siya sumasagot.” Sagot nito. Napapaisip si Czarina kung anong nangyari kay Natalie, kung bakit bigla itong nawala.‘Is she planning her wedding?’ usal niya sa sarili niya. Naipilig niya ang ulo niya, kung nagpaplano na sila para sa kasal nila bakit hindi alam ito ng secretary niya? Nahihirapan si Czarina na malaman kung ano ang pinaplano ng mag-ina.Patungo na sana si Czarina sa production department nang madaanan niya ang office ni Natalia. May kaunti itong awang kaya dahan-dahan siyang naglakad papunta dun. Sinilip niya kung sino na ang nasa loob. Nang makita niyang walang tao ay inilibot niya ang paningin n
Tulalang nagtungo ng kompanya si Czarina. Sana lang ay gumana ang pananakot niya sa mga ito para hindi matuloy ang mga binabalak nila sa kaniyang ama. Hindi man naging mabuting ama sa kaniya sa nakalipas na mga taon si Mateo, hindi pa rin niya kayang mawala ito dahil sa mga taong walang halang ang bituka. Wala siyang nagawa noon sa kaniyang ina, para siyang batang naligaw ng landas at hindi alam ang gagawin at ayaw niya namang mangyari ulit yun. Ayaw niya namang mawala silang pamilya sa mga kamay ni Natalia.Nang may tumawag sa cellphone niya ay sinagot niya yun ng hindi na tinitingnan kung sino ang caller.“Yes?” walang gana niyang sagot.“What happened? Maililipat ba natin ang Daddy mo? Narequest ko na ang ambulance, may mga doctor na rin na sasama para sunduin siya. Can we transfer him now?” wika ni Doc Apalla. Napabuntong hininga naman si Czarina at narinig yun ni Doc Apalla. Sa buntong hininga pa lang ni Czarina, alam na ni Doc Apalla kung anong nangyari. “Hindi pumayag si Natali
Nang makabalik si Doc Santos sa office niya ay nandun pa rin si Czarina na naghihintay sa kaniya. Naupo na muna si Doc Santos saka niya nginitian si Czarina.“So, can we tranfer him now? Ako na ang bahala sa ambulance dahil nakausap ko naman na rin si Doc Apalla na ililipat sa hospital nila ang Daddy ko.” Aniya.“I’m sorry, Miss Jimenez, but I think we can’t transfer your father. May mga machine na hindi pwedeng tanggalin sa katawan niya ngayon at kung pipilitin naman natin siyang ilipat baka pagsisihan lang natin sa huli. Ayaw ko naman na may mangyaring masama sa pasyente ko.” Wika nito. Nagsalubong ang mga kilay ni Czarina, naguguluhan dahil bakit hindi pwedeng ilipat ang Daddy niya? Meron ba silang hindi sinasabi sa kaniya? Akala niya ba ay okay ang Daddy niya, na hindi naman malubha ang natamo nitong sugat sa ulo.Mariing nakatitig si Czarina kay Doc Santos. Ramdam naman ni Doc Santos ang matatalim na titig sa kaniya ni Czarina kaya hindi ito makatingin ng diretso.“Tell me, Doc S
Sinimulan naman na ni Czarina ang pag-aayos ng mga gamit sa closet nila. Sa laki ng mansion ng mga Fuentes ay siguradong pagpapawisan ka sa paglalakad kung wala itong aircon sa bawat sulok ng bahay.Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Czarina makalipas ang ilang oras na pag-aayos niya sa mga gamit nila. Aayusin niya rin ang mga gamit ng mga anak niya. Nang makaramdam siya ng pagkauhaw ay bumaba na muna siya. Inililibot niya ang paningin niya. Talagang nagsusumigaw ng karangyaan ang mga gamit sa mansion lalo na ang naglalakihan na mga chandelier. Ang mga vase na tila ba antigo na pero talagang babayaran mo ito ng million kapag nakabasag ka ng isa.Marami ring mga katulong nagkalat sa loob ng mansion at lahat sila ay may mga nakatokang gawain.“Excuse me, saan dito ang kitchen?” tanong niya dahil maraming pintuan pero hindi niya alam kung saan siya papasok.“Dun po ma’am, diretso lang po kayo.” Nakangiti namang sagot ng katulong. Nagpasalamat na si Czarina saka siya nagtungo sa
Palalim na nang palalim ang gabi pero pansin ni Tyrone na malalim pa rin ang iniisip ni Czarina. Nakatambay ito sa veranda at nakamasid lang sa madilim na paligid. Bumangon ng higaan si Tyrone saka niya nilapitan si Czarina. Pinagmasdan niya lang din ang madilim na kalangitan. Yumakap pa sa kaniya ang hanging panggabi.“Is something bothering you?” tanong niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago sumagot si Czarina. Hindi na nawala sa isip niya ang sinabi ng doctor sa kaniya. Paano niya mapipigilan ang stepmom niya? Paano kung mahuli na ang lahat para sa kaniyang ama? Paano kung magtagumpay ito sa mga plano niya?“The doctor called me lately. Yung gamot na pinatest ko sa kaniya it’s not a vitamins. Alam kong pinapainom yun ni Tita Natalia kay Daddy dahil may sarili namang doctor si Daddy pero sa halip na gumanda ang kalusugan niya lalo siyang nanghihina dahil sa gamot na pinapainom ni Tita Natalia. Hindi ko alam kung paano ako makakakuha ng ebidensya na pinapalitan niya ang mga gamot ni
"Nandun lang ba si Chairman sa office niya? I need to talk to him kasi. Ako ang pinapunta ni Daddy sa meeting at kailangan ko ring makausap si Chairman Fuentes dahil may gustong ipasabi si--""Just see if he's there." Masungit na pagpuputol ni Tyrone sa sasabihin sana ni Rhianne. Napapanguso na lang si Rhianne dahil sa pagiging masungit ni Tyrone sa kaniya. Totoo pala talaga ang mga naririnig niya tungkol kay Tyrone, masungit nga ito at tila ba walang interes sa mga babae. "Bakla ka ba?" Lakas loob na saad ni Rhianne. Hindi makapaniwalang nilingon ni Tyrone si Rhianne saka siya napapailing. "Kung sa tingin mo hahalikan kita para maniwala ka, hindi ko gagawin yun." Masungit pa rin niyang sagot. "Kung ganun, bakit parang ang layo layo ng loob mo sa mga babae? Baka lalaki rin ang tipo mo? Sayang naman ang lahi mo." Tila pang-aasar pang wika ni Rhianne. Humugot ng malalim na buntong hininga si Tyrone para kalmahin ang sarili niya. Wala siya sa mood para patulan pa ang