Kukuha na sana si Czarina ng pagkain niya nang maalala niya si Tyrone. Nilingon niya ang pwesto nito at ang akala niya ay umalis na ito kanina pa pero nananatili siyang nakaupo sa pwesto niya.“Ang haba rin ng pasensya niyang maghintay ah,” ani ni Czarina saka niya ito nilapitan.“Hindi ka pa ba nagugutom? May mga pagkain nang inihatid ang staff ng hotel para sa mga nag-aasikaso dito. Sumabay ka na sa amin kumain kung gusto mo.” Tumayo naman kaagad si Tyrone at tila batang sumunod kay Czarina. Nauuna nang maglakad si Czarina para lumapit sa mga kasamahan nilang kumakain na.“Kain na po tayo,” pag-aaya sa kanila ng mga kasama nila sa function hall. Ngumiti at tumango lang naman si Czarina. Nanguha na siya ng dalawang pinggan saka nilagyan ng pagkain ang mga ito. Nakaupo naman na si Tyrone at salubong pa rin ang mga kilay niya. Napapairap na lang si Czarina dahil ginawa pa siyang katulong ni Tyrone.“Ano ba kasing ginagawa niya rito? Wala ba siyang gagawin?” aniya sa sarili niya. Nang m
Tahimik lang si Czarina habang kaharap nila si Chairmain Fuentes. Mariing nakatitig si Chairman Fuentes kay Czarina at ganun din si Owen. Hindi akalain ni Owen na ang babaeng nakita niya sa labas ng conference room ay ang magiging asawa ng pinsan niya. Napapangisi at napapailing na lang siya. Iisa lang talaga ang taste nila sa isang babae. Simula high school pa lang sila ay sa iisang babae sila nahuhumaling.“Ikaw ang panganay na anak ni Mateo?” tanong ni Chairman.“Opo, ako po si Czarina Jimenez, Chairman.” Magalang na sagot ni Czarina. Nagsimula naman nang kumain si Chairman at patuloy pa rin ang pagtatanong nito kay Czarina habang tahimik lang naman si Tyrone.“Hindi ba at ikaw dapat ang bride ni Austin Gomez? Tapos na sana ngayong buwan ang kasal niyo pero umatras ka, why? Dahil ba sa nalaman mong ang kapatid mo ang magiging bride ng apo ko?” seryosong tanong ni Chairman. Napalunok naman si Czarina. Ramdam niya ang pang-iinit ng mga pisngi niya dahil sa hiya. Hindi niya akalain na
“Alam kong pinuntahan niyo si Chairman at ikaw ang nagsabi sa kaniya ng tungkol sa amin ni Austin. Hindi ba at mas ikahihiya ng mga Fuentes na ipakasal ang anak o apo nila sa isang anak lang naman sa labas?” naikuyom ni Natalia ang kamao niya at nagngitngit ang mga ngipin niya.“What did you say? Sinusubukan mo ba talaga ang pasensya ko, Czarina? Alam mo kung ano ang kaya kong gawin.”“Alam ko na, lahat kaya mong gawin. Handa ka ring pumatay ng tao para lang makuha mo ang gusto mo pero ikaw ba? Alam mo ba kung ano ang kaya kong gawin? Hindi mo pa alam.” Buong tapang niyang sagot. “Nagsisimula pa lang ako,” anas pa niya saka niya ito tinalikuran.“Mali ka ng kinalaban Czarina. Hinayaan na kitang mabuhay ng maraming taon at ngayong pinili mo akong kalabanin, maaga mong makakasama ang Mommy mo. Kung pinili mo na lang sanang manahimik at sumunod sa akin, baka nakasundo pa kita.” Mahinang usal ni Natalia habang nakasunod ang tingin niya kay Czarina hanggang sa makapasok na ito sa kwarto ni
Natapos na ang seremonya para sa kasal nilang dalawa. Isa-isa nang tinatawag ang pamilya, kaibigan at kamag-anak ng groom at bride for picture taking. Napalunok si Czarina nang hawakan siya ni Tyrone sa bewang para lalo siyang lumapit dito. Tipid siyang ngumiti sa camera, hindi komportable sa kamay ni Tyrone na nasa bewang niya.“Smile, Czarina,” mahinang saad ni Tyrone dahil alam niyang tipid lang ang ngiti nito. Nilakihan naman na ni Czarina ang ngiti niya at inalis na lang sa isip niya ang kamay ni Tyrone sa bewang niya.“Family of the bride, please, come here.” Tawag ng photographer. Una namang lumapit si Natalie, nawala ang ngiti ni Czarina ng makita niya ang suot ni Natalie. Hindi naman ito nakawhite gown kanina pero ngayon pareho na silang nakawhite gown.“Smile, my beautiful sister!” wika ni Natalie, nakatingin na rin sa kanila ang mga bisita ganun na rin ang pamilya ni Tyrone.“Look at him, I know he’s enjoying this. Pinag-aagawan ng dalawang babae,” nakangising saad ni Owen.
Nang matapos maligo si Czarina ay sumunod na rin siyang pumasok ng bathroom. Pinapatuyo na ni Czarina ang mga buhok niya at nang matapos siya ay nahiga na siya sa kama. Nang marealize niyang iisa lang ang kwarto ng hotel room nila ay napapiglas siyang umupo.“Matutulog ba kami ng magkatabi?” mahina niyang usal sa sarili niya. Tiningnan niya ang kama, malawak naman ito kaya pwede silang matulog sa parehong dulo. Kahit na may nangyari na sa kanila, natulog ng magkatabi hindi pa rin siya komportable. Naglagay ng unan sa gitna si Czarina saka siya nahiga at ipinikit na ang mga mata niya. Siguradong lalabas na sa bathroom si Tyrone anumang oras.Nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan ay mariin niyang ipinikit ang mga mata niya. Inaantok na rin siya pero hindi niya magawang matulog dahil may kasama siyang lalaki sa kwarto. Nang umakyat sa kama si Tyrone ay kita niya ang unan na nasa gitna. Napapailing na lang siya saka niya tiningnan si Czarina. Nakapikit na ang mga mata nito pero gumaga
Umuwi si Czarina sa bahay nila para makausap ang kaniyang ama. Tapos na ang kasal nila ni Tyrone. Magsisimula na rin ang agreement ng mga pamilya nila tungkol sa business. Siya naman ngayon ang hihingi ng pabor. Limang taon na simula nang tanggalin siya sa kompanya dahil sa pagkakamali niya noon, ng dahil lang sa nabuntis siya ng lalaking hindi niya kilala. Limang taon din siyang ginamit ng stepmom at kapatid niya at ayaw niya na ulit magpagamit. Ayaw niya ng maging mahina.“Czarina, iha? Ang bilis mo namang bumisita. Kahapon ka lang ikinasal, hindi ba?” natutuwang wika ni yaya Beth nang makita niya si Czarina. Ngumiti naman si Czarina.“Nandyan po ba si Daddy? Gusto ko lang sana siyang makausap.” Anas niya.“Ang alam ko ay nasa office siya, kanina pa siya hindi lumalabas dun.” Sagot naman ni yaya Beth. Pumasok na si Czarina sa loob ng bahay, bahay na naging kulungan niya. “Alam mo, masaya ako para sayo anak. Nakawala ka rin sa bahay na ‘to. Mamimiss ka namin pero masaya kaming umalis
Gusto niya itong sampalin at sabunutan para makaganti sa pang-aagaw sa kaniya kay Tyrone.“Czarina!” sigaw ni Natalie, nilingon naman siya ni Czarina pero sumakay din siya kaagad sa sasakyan niya at mabilis itong pinatakbo. “You bitch! Kakalbuhin talaga kita!” umiiyak pa rin niyang saad. Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin siya at nagpapakalasing dahil hindi siya ang naging bride ni Tyrone.Nakahinga naman ng maluwag si Czarina nang makaalis na siya. Kakaibang feeling ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niyang nagagalit at naaasar sa kaniya ang stepmom at kapatid niya. Kung sana noon pa niya ito ginawa hindi aabot ng limang taon ang pagpapahirap sa kaniya.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Gusto niya na ring makuha ang mga anak niya pero hindi pa sa ngayon. Masyado pang magulo ang lahat at ayaw niyang madamay ang mga anak niya sa galit ng stepmom niya. Umaasa naman siyang hindi sasaktan ni Natalia ang mga bata habang hawak niya ang mga ito dahil oras na may nan
Maaga pa lamang ay nagluluto na si Tyrone para sa umagahan nila ni Czarina habang si Czarina naman ay mahimbing pang natutulog. Nalaman ni Tyrone na ngayon din ang balik ni Czarina sa kompanya nila habang siya naman ay papasok sa kompanya ng lolo nila.“What are you doing?” salubong ang mga kilay na wika ni Melanie nang maabutan niyang nagluluto ang anak niya. Hinarap ni Tyrone ang kaniyang ina. “Nasaan ang asawa mo? Bakit ikaw ang nagluluto ng kakainin niyo?! Ginagawa ka ba niyang katulong dito?” sigaw ni Melanie. Nag-iisang anak ni Melanie si Tyrone kaya hindi niya ito hinahayaan na magluto o gumawa ng gawaing bahay.“Mom, ang aga mo namang bumisita rito? Anong kailangan mo?” tanong ni Tyrone. Ibinaba naman ni Melanie ang hawak niyang bag at pinaalis sa kusina si Tyrone. “Mom what are you doing? Nagluluto pa ako.” Anas niya saka siya bumalik sa niluluto niya.“Hindi kita hinayaan na magpakasal sa babae na yun para lang gawin ka niyang katulong! Anak, bakit mo hinahayaan na ikaw ang
“You’re doing good, nandito lang ako hindi kita iiwan, okay?” patuloy na pagpapakalma ni Owen. “Calm down, huminga ka lang ng dahan-dahan. Wala tayong hangin dito at kapag patuloy na malalim ang bawat paghinga mo baka tuluyan kang mawalan ng malay. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo rito so save your energy.” Tumango-tango naman si Czarina at pinilit na pakalmahin ang sarili.Niyakap ni Owen si Czarina. Gusto niya sanang subukan pang buksan ang elevator at tumawag baka sakaling may makarinig sa kanya sa labas pero hindi niya naman magawang iwan si Czarina. Wala ring signal ang cellphone niya dahil kulong na kulong sa loob ng elevator kaya wala silang magagawa kundi ang maghintay kung kailan bubukas ang elevator.Samantala naman, kanina pa tawag nang tawag si Natalie kay Owen pero hindi ito sumasagot. Balak sanang magpasama ni Natalie kay Owen para mamili nang maisusuot niya ngayong gabi para sa birthday party ni Chairman Fuentes. Gusto niya sana na couple ang isusuot nila.“Na
Ngayong araw na ang birthday ni Chairman Fuentes. Imbitado ang buong pamilya ni Czarina at marami ring mga business tycoon ang dadalo. Tiningnan ni Czarina ang painting na inorder pa niya mula sa Espanya. Hindi niya alam kung magugustuhan ba ito ni Chairman lalo na at hindi naman masyadong mamahalin pero ang mahalaga may maibibigay siyang regalo rito kesa wala. Nahihiya kasi siyang wala man lang maibigay bilang asawa ni Tyrone.“Pakibalot na lang, salamat.” Utos ni Czarina. Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Wala naman siyang ibang gagawin kundi ang tumayo at kumain lang sa birthday party ng Chairman. Nang makuha niya na ang painting na pinaorder niya sa isang art gallery ay bumalik na siya ng kompanya.Pasarado na sana ang elevator nang may biglang humarang dito. Tiningnan ni Czarina si Owen na siyang makakasama niya sa loob ng elevator. Hindi na lang pinansin ni Czarina si Owen. Simula nang magkita sila sa dinner ay hindi pa sila
“Aalis na ako kaya bitiwan mo ako.” Ani ni Czarina. Hinila naman siya ni Tyrone hanggang sa mapahiga siya sa kama. “Ano bang ginagawa mo? Nakainom ka na naman. Ano bang nangyari sa meeting niyo ng client mo para mag-inom ka? Is everything okay?” tanong niya, hindi na siya komportable sa paraan ng pagtitig ni Tyrone sa kaniya.“Nag-aalala ka ba?” napataas ang kilay ni Czarina pero sumagot pa rin siya.“Oo naman, you’re my husband, paano kung mawala ka na naman sa katinuan at hindi mo makontrol ang sarili mo? Mabuti naman at nagawa mo pang umuwi—hmmmm.” Natigil sa pagsasalita si Czarina nang halikan siya ni Tyrone. Pilit na ipinasok ni Tyrone ang dila niya sa loob ng bibig ni Czarina at nang magtagumpay siya ay nalalasahan na ni Czarina ang matapang na alak na ininom ni Tyrone.Iniharang ni Czarina ang mga kamay niya at buong lakas na inilayo si Tyrone pero nananatiling nakaibabaw si Tyrone kay Czarina.“Matulog ka na, lasing ka lang.” wika ni Czarina nang maghiwalay ang mga labi nila.
Bumalik na si Czarina sa hardin. Hindi niya akalain na mga magulang pala ni Owen ang nakausap niya kanina. Tiningnan ni Czarina ang stepmom niya na masayang nakikipag-usap sa ina ni Owen. Palihim siyang natawa, kunot noo namang nakatingin sa kaniya si Owen.Si Owen at Tyrone ang magkalaban sa posisyon ng pagiging CEO ng Fuentes Corporation. Kailangan na talagang mahanap ni Czarina ang mga dokumento na sa kaniya nakapangalan ang shares na hawak ng pamilya nila sa Fuentes Corporation. Siguradong kinakalaban siya ng stepmom niya. Hindi niya akalain na si Owen ang mapipili nila para maging asawa ni Natalie.Napahilot si Czarina sa sintido niya. Malaking gulo ito sa pamilya ng mga Fuentes kapag nagkataon. Nang magsimula silang kumain ay tahimik lang si Czarina habang malalim ang iniisip niya. Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw nilang imbitahan si Tyrone?“Czarina, iha, masyado kang tahimik. How are you? May asawa ka na ba o boyfriend?” nabalik sa wisyo si Czarina nang mabaling sa kaniya an
Nang matapos maggayak si Czarina ay nagpahatid na siya kay Ronald. Sinalubong siya kaagad ng ngiti ng mga security guard nila nang makarating siya. Siguradong wala pa ang bisita nila dahil maaga pa.“Czarina, iha, mabuti at naisipan mong bumisita.” Natutuwang saad ni yaya Beth ng makita niya si Czarina. Niyakap naman ito ni Czarina.“Dad invites me here po, yaya. Kumusta po kayo rito? Hindi naman po ba kayo pinapahirapan sa mga trabaho?”“Okay naman kami dito, iha. Nalulungkot dahil wala ka na pero masaya rin dahil nakaalis ka sa ganitong lugar. Ito na ang naging kulungan at nagsilbing impyerno mo sa nakalipas na mga taon kaya kung pwede nga lang na huwag ka ng bumalik dito para hindi mo naaalala ang mga ginawa sayo ni Natalia.” Tipid namang ngumiti si Czarina. Natutuwa siyang pinapahalagahan pa rin siya ng mga katulong nila kahit na marami ng nangyari.“Huwag ka pong mag-alala, yaya Beth. Okay na po ako at saka may tao na rin akong masasabi kong kakampi ko.”“Mabuti naman kung ganun
Iniwas ni Czarina ang paningin niya saka siya tumikhim. Kinuha niya ang tubig niya saka niya iyun ininom. Hindi niya alam kung anong isasagot niya kay Tyrone. Masyado siyang nabibigla sa mga sinasabi ni Tyrone. Is he serious? Ang usapan lang nila ay tutulungan nila ang isa’t isa at maghihiwalay din kapag nakuha na nila ang mga gusto nila pero bakit biglang nagbago ang isip ni Tyrone?“Masyado bang padalos-dalos ang desisyon ko? Hindi naman kita pipilitin, hindi mo rin kailangang sagutin ang tanong ko ngayon. Maybe, I’m just confused, or I just pity you.” Casual na saad ni Tyrone saka niya pinagpatuloy ang pagkain niya. Nanatili namang tahimik si Czarina pero ang puso niya, hindi niya na maintindihan. Pakiramdam niya ay nakikipag-unahan na ito sa marathon.Muli siyang kumain pero hindi niya na magawang tingnan si Tyrone. Totoo ba ang mga narinig niya? Hindi ba siya nabibingi? Katatapos lang ng heartbreak niya at hanggang ngayon ay masakit pa rin yun sa kaniya dahil minahal niya rin ng
“Masaya ba ang maging isang Fuentes? Kunwari ka pang wala kang gusto kay Tyrone, sa itsura at ngiti mo pa lang halatang may gusto ka sa kaniya. Ginamit mo pa kami ni Austin para lang pagtakpan ang kataksilan mo.” Mapait na saad ni Natalie kaya napangisi si Czarina. Kung sa tingin ni Natalie ay magpapaapi pa si Czarina sa kaniya ngayon, nagkakamali siya. Wala na siyang panahon na makipagplastikan pa at sawang-sawa na rin siyang maging alipin at walang magawa kundi ang kaawaan ang sarili.“Sa lahat ng ginawa mo, nagpapasalamat talaga ako sayo sa pang-aagaw mo kay Austin. Halos ibigay ko kay Austin ang mundo noon, sa kaniya na lang umiikot ang oras ko. Akala ko hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin pero may mas maganda pa lang buhay na naghihintay sa akin. You’re a blessing in disguise.” Nakangiting saad ni Czarina saka niya kinindatan si Natalie. Umismid lang naman si Natalie.“Gusto ni Daddy na sumama ka sa family dinner bukas. Kung ako lang ang masusunod, ayaw kong sumama ka pa
Humugot ng malalim na buntong hininga si Czarina saka niya lakas loob na sinalubong ang galit na mga mata ng byenan niya. Akala niya okay na ang lahat pero hindi pa pala. Sigurado siyang may taong sumira sa kaniya para magalit ng ganito ang byenan niya. Bahagya siyang ngumiti na ikinainis ni Melanie na tila ba nakikipagbiruan siya.“Mrs. Fuentes, hindi ko alam kung anong nakarating sa inyo pero walang katotohanan ang sinasabi nila tungkol sa akin at kay Owen. Alam niyo naman po siguro ang dahilan kung bakit palaging nasa kompanya namin si Owen. Wala kaming ginagawa ni Owen. Ano po bang nakarating sa inyo para magalit sa akin? Wala po akong planong mahalin ang sino man sa dalawang Fuentes.” Matapang niyang sagot. Naguluhan naman si Melanie pero nanatiling salubong ang mga kilay niya.Humugot ng malalim na buntong hininga si Czarina saka siya nanguha ng tissue at pinunasan ang sarili niya. Kinuha naman ni Melanie ang cellphone niya saka niya ipinakita kay Czarina ang mga picture nila ni
Kanina pa nakatitig si Czarina kay Tyrone at napapansin naman yun ni Tyrone kaya hindi siya makapagfocus sa ginagawa niya.“May gusto ka bang sabihin?” tanong ni Tyrone sa kaniya. Napabuntong hininga naman si Czarina saka niya iniwas ang paningin niya.“Sa susunod na linggo na ang birthday ni Chairman. May ireregalo ka na ba sa kaniya?” tanong niya na dahil ilang araw na itong gumugulo sa isipan niya. Nahihiya naman siyang pumunta sa birthday ni Chairman Fuentes ng wala man lang dalang regalo.“Hindi mahilig sa regalo si Chairman kaya huwag ka ng mag-aksaya ng oras na mag-isip ng ireregalo sa kaniya.” Sagot ni Tyrone habang nakatuon ang paningin niya sa laptop.“Pero nakakahiya naman kung pupunta tayo ng wala man lang dala. Alam mo ba kung saan siya mahilig?” napabuntong hininga si Tyrone saka niya inisip kung saan ba mahilig ang Chairman.“Wala akong masyadong alam kay Chairman pero isa lang ang sigurado ako. Mahilig siya sa paintings,” sagot na ni Tyrone para hindi na siya tanungin