Olive Perez is known as the lousy b*tch troublemaker. She comes from a wealthy family and can easily obtain anything she wishes. Though Olive is often seen as a "troublemaker" due to her rebellious nature, she was a kindhearted and sweet young woman. She had a strong sense of justice and was never afraid to stand up for what she believed in. She was also generous and treated people with respect, regardless of their social status. Pero paano kung ang katulad ni Olive na walang kinakatakutan at inaatrasan ay biglang manlumo nang makita mismo ng dalawang niyang mga mata kung paano binawian ng buhay ang kanyang mga magulang na walang kalaban-laban? It was a traumatizing and emotionally draining experience for her, and she's never been able to get over it. Sino ang magiging sandalan niya? Sino ang mananatili sa tabi niya para damayan siya? Aragon Hudson, a handsome and clever guy, who hates troublemakers like her showed up in her life amid her tragic life. Ang binatang ito ang magiging balikat niya sa sandaling paghihinagpis niya sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Ngunit paano kung ang inakala niyang mananatili sa tabi niya kahit pa ano ang mangyari ay iwan rin siya sa kadahilanang isa siyang troublemaker? What could be the destined faith waiting for the both of them? Would it be love, hate, or destruction in each other's lives?
View More"Olive." Tawag pansin ni Ninang sa akin. Nilingon ko si Ninang. "Bakit po?"Nararamdaman ko na parang may gustong sabihin sa akin si Ninang. It's Sunday and I'm here in the garden, with Ninang Cherry. She invited me to have breakfast here in the garden. We are sitting at a small table, in the middle of the garden, enjoying our breakfast. May pag-aalinlangan siya, kaya naman ngumiti ako para ma-assure na okay lang sa akin na magsabi siya ng kung ano man ang gusto niyang sabihin at iparating sa akin. “Ninang, ano po ang gusto ninyong sabihin?” Ninang inhaled deeply. "I suggest that you consult a medical professional for advice and treatment. Gusto ko maayos ang nararamdaman mong bigat. Alam kong mabigat pa ang pakiramdam mo at may trauma ka sa nangyari sa mga magulang mo. Napag-usapan namin na baka makakabuti kung may titingin sa’yo para maging maayos ang pakiramdam mo." Hindi ako nakapagsalita kaagad. Alam kong kaya niyaya ako Ninang ay dahil sa gusto nila akong ipa-check up. Narin
DUMAAN ang sabado, Linggo at ngayon, Lunes. Ngayong araw, hindi ako ginulo ni Luna at ng mga aliporis niya. Mabuti naman at tahimik ang buhay ko ngayon. Ngayong araw ang Birthday ko, pero wala akong balak na mag-celebrate. Nakatanggap lang ako ng message mula kay Tita Doris, binati niya ako ng Happy Birthday. Kaya lang wala pa akong natatanggap na pagbati mula kay Aragon. Buti pa si Ninang At Ninong, maaga pa lang binati na ako, samantalang siya, wala pa. Kainis! Si Aragon ang gusto kong unang bumati sa akin. Siya pa ang nagpapaalala sa akin na malapit na ang Birthday ko, tapos siya pa itong hindi ako binati simula kaninang umaga? May amnesia ba siya? Umuwi na kami’t lahat, nandito na kami sa bahay, ngunit wala pa rin akong natanggap na pagbati mula sa kanya. "Ninang, nasaan po si Kuya Aragon?" Tanong ko kay Ninang na busy sa pagluluto ng spaghetti. Lumingo si Ninang sa gawi ko. "Nako, nagpaalam kanina sa akin. May lakad daw sila ng mga kaibigan niya." Sumimangot ako. "Ganoon p
ISINABAY ulit ako ni Aragon at pareho kaming tahimik. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko kapag hindi kami nakakapag-usap. Pakiramdam ko, kulang ang araw ko kapag hindi ko nasisilayan ang ngiti sa mga labi niya at kapag hindi niya ako kinikibo. Aragon's expression was completely blank. Sumobra ba ako kagabi? "Kuya Aragon–" "Olive," he cut me off, “malapit na mag-bell, pumasok ka na sa loob at baka ma-late ka." I took a deep breath, then spoke. "Alright."Iniiwasan niya ba akong kausapin? Ni hindi niya ako matingnan. Argh! Ano ba kasing pinagsasabi ko kahapon? Kainis! Walang preno ang bibig ko! Hindi pa man ako nakakarating sa loob ng campus may mga humarang na sa akin. Jusko, nasa ground floor pa lang ako malapit sa stage, naghahanap agad ng away si Kiana?"Anong problema mo?" Mataray kong tanong. She flipped her hair before giving a laugh. "Well, ako wala, pero sila?” Gumilid si Kiana at bumungad ang mga lalaki na nasa likuran niya. Tatlong lalaki ang may dala
KASALUKUYAN akong nasa loob ng kotse at hinihintay si Aragon na nasa loob pa ng bahay, daig pa ang babae mag-ayos. Sabay kaming papasok ni Aragon kaya hindi ako kakabahan sa unang klase. Ang sabi ko dati, hindi ako magkokolehiyo pero dahil nangako ako sa mga magulang ko na aayusin ko ang buhay ko, kailangan ko iyon tuparin para maging proud sila sa akin. Ayokong nasa langit na lang sila’t lahat, inaalala pa rin nila ang magiging future ko. Alam kong nagpupursige sila sa pagtatrabaho para sa akin, malaki ang naipon nila sa bangko at lahat iyon under my name. Nasa tamang edad na daw ako to take over the family business, but I lacked the knowledge necessary to do so. I will strive to learn everything I need to in order to preserve my parents' legacy. Itutuon ko muna ang atensyon ko sa pangarap na gusto ng mga magulang ko para sa akin. “Kinakabahan ka na ba?” Pinukaw ni Aragon ang nangangarap kong diwa. Sumakay na pala siya, hindi ko napansin. Sila ang kabahan sa akin. Choss! “Baki
“OLIVE?” “Olive?!” Biglang may umakbay sa akin kaya muntikan na akong mapasigaw sa gulat. Kunot-noo kong inalam kung sino ang pangahas na katabi ko. Bigla akong natauhan nang makitang si Christian iyon. Akala ko guni-guni ko lang na may tumatawag sa akin. Nakita ko na naman ang playboy na ‘to. Hays. “Anong ginagawa mo dito? Panira ka ng moment.” Pagrereklamo ko. Magkasama kami ni Aragon kanina pero nagpaalam siya na may pupuntahan lang daw siya saglit. Namamasyal kami ngayon sa malawak na dagat na malapit lang rin sa bahay nila Aragon. Ang sabi niya gagawa daw kami ng kubo at manonood ng fireworks para mag-celebrate ng Niyugyugan Festival at ang venue ay sa dagat. “Kailan mo ba ako sasagutin?” Mapang-asar na tanong nito. Hindi ko pinansin ang sinabi ng mokong na ‘to. Napairap ako sa hangin. “Ano ba! Ang bigat-bigat ng braso mo! Alisin mo nga iyan!” Malakas na ipiniksi ko ang braso niya na naka-akbay sa balikat ko at naiinis na naglakad palapit sa tubig. “Hindi mo ba tatanung
Nasaan sila? Ibig sabihin, hindi sila umuwi kagabi? “Baka po sinusulit nila ang pagdalaw sa Maynila-” “Hi, Mom.” Napatigil ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Aragon... Lumapit si Aragon kay Ninang at nagmano siya. Automatikong napaharap siya sa akin. Shit! Bakit ba ako nakakaramdam ng kaba? Haler, si Aragon lang naman ‘to! “Oh, Anak. Nasaan ang mga kaibigan mo?” Kapagkuwan ay tanong ni Ninang kay Aragon kaya naalis ang tingin nito sa akin. Buti naman, akala ko matutunaw na ako, e! Ako naman ang tumingin sa kanya habang nagpapaliwanag kay Ninang. Pinakinggan ko talaga ang mga sasabihin niya, subukan lang niyang sabihin kay Ninang ang nangyari kagabi at sa akin niya isisi lahat. Hmp! Magkakasubukan kami. “Olive?” “Olive?!” “Po?” Napakurap-kurap ako nang lumakas ang pagtawag ni Ninang sa akin. “Are you okay?” Nakakunot ang noong tanong ni Ninang. “A-ayos lang po ako.” Umiling-iling si Ninang. “Hindi ka maayos. Palagi kang tulala.” Nginitian ko si Ni
WALA sa sarili at panay ang tango ko lang habang nagkukwentuhan si Aragon at ang mga kaibigan niya. Sinasakyan ko na lang iyon sa pamamagitan nang pagtango-tango ko at pag-ngiti ko ng peke sa kanila. Hindi kasi talaga ako sanay na maraming kasama at maingay. Hindi ko na rin gustong kumilala ng iba. Nadala na kasi ako sa mga naging kaibigan ko noon. Sa una lang masaya, sa una lang sila concern sa’yo pero ang totoo, iiwan ka rin nila sa huli kapag nakuha na nila ang loob mo. Walang totoong kaibigan, si Aragon lang ang kilala kong may malasakit sa akin at nanatili sa tabi ko. Mas okay sana kung si Aragon lang ang dumating. Siya lang naman ang gusto kong kasama at kausap. Bakit kasama pa si Luna? Nakasalampak na upo kami sa sahig na nakabilog sa center table at kumakain ng mga prutas na hiniwa-hiwa nila sa maliliit na pieces. Panay ang sulyap ko kay Luna, panay rin kasi ang dikit niya kay Aragon. Si Aragon naman parang ayos lang sa kanya, parang gustong-gusto pa niyang dumidikit si Lun
I LAZILY got up from my bed when I heard someone knocking and calling me at the door. Balak ko sanang baliwalain na lang iyong kumakatok at pilitin ang sariling matulog pero alam kong hindi rin naman ako tatantanan nito kahit magbingi-bingihan pa ako. Mas lalo lang nila akong kukulitin. Binuksan ko ang pinto ng silid na inuukupa ko at bumungad ang nakangiting mukha ni Ninang Cherry sa akin. Pinalitan ko iyon ng pilit na ngiti. Kahit alam ko sa sarili kong hindi ko pa kayang maging masaya pero kailangan. “Good morning, Ninang.” Bati ko sa kalmadong boses habang sinusuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri ko at umaaktong kagigising lang. “Olive. Sumabay ka na sa amin mag-breakfast sa baba.” Bakas ang pag-aalala sa boses ni Ninang. “Kahit ngayon lang. Sabayan mo kami kumain.” “Salamat, Ninang. Pero hindi pa ako gutom. Gusto ko pa matulog-” “You're not sleeping. You've been up all night.” Pigil ni Ninang sa sasabihin ko. “Ang sabi mo sa amin last time, maayos ka na. Pero ba
Ikatlong araw na ngayon at kahit pa paano ay may pagbabago sa kalagayan ni Mom. Responsive na siya dahil sa tuwing kakausapin ko siya iginagalaw niya ang kanyang daliri. Si Dad naman, wala pa rin sa sarili niya. Mas napuruhan siguro sa aksidenteng nangyari kaya ganoon. Dumating ang mga pulis at sinabing normal na aksidente lang daw ang nangyari. Nawalan ng preno ang sasakyan at ibinangga ni Dad sa poste para walang ibang madamay. Kaya lubos akong humahanga sa mga magulang ko, e. In the end, they still care about other people. “Olive.” Nilingon ko ang taong tumawag sa akin mula sa likuran. “Tita. Kayo po pala.” Ngumiti si Tita Doris at nilapitan ako sabay hawi ng buhok ko na parang naglalambing sa akin. “How are your parents doing?” She asked in calm, comforting tones. Pinalitan ko nang matamis na ngiti iyon at sumagot. “Ayos lang po. Ang sabi ng Doktor magiging maayos sila after ilang days.” Sagot ko kay Tita. “Nasaan po pala si Tito Nelson? Bakit hindi mo siya kasama?” Kapagk
“YOU'RE going to be a father, Aragon!” May tumiling babae at hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang-kilala ko ang matinis na boses na iyon. Si Luna nga ang tumitili, mukhang masayang-masaya siya habang may ina-annouce sa lahat. Ayoko sana makibalita pero dakilang chismosa ako, e. Kahit inaayos ko ang kabinet, kailangan ko maki-chismis. “What?!” Parang hindi makapaniwala si Aragon. “I'm pregnant, Aragon, and you're the father." Masayang balita ni Luna sa lahat. Bago pa makapag-react ang lahat sa announcement ni Luna, sumabog na ang puso ko. My chest is tightening and I can't seem to take a deep breath. It's like there's a heavy load on me and I'm unable to inhale. Despite the situation, I don't feel joyous. I should be happy for them, but I'm not. I should be relieved na hindi ko na kailangan mag-isip sa kinikilos ni Aragon lately. Lalong hindi na niya guguluhin ang buhay ko. Titigilan na niya ang larong gusto niya. “Then, I’m going to be a grandmother!” Makikita sa mga mata ni
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments