Dala ng wala nang iba pang solusyon sa sitwasyon ng nag-iisang tagapagmana ng Multi-billionaryong kompanya, si Gabriel Aquinas, nagawa ng kanyang dalawang ama-amahan na gawin ang isang bagay na labag sa kalooban ng dalaga na si Serena Madison ang dalhin nito ang kanyang anak. Ang dalaga lamang ang nag-iisang babae na malapit kay Gabriel dahil pihikan ang binata na makipag-usap o makipagkilala man lamang sa mga babae. Sa una hindi malinaw kay Gabriel kung bakit napakagaan ng loob niya sa dalaga na kahit problema niya sinasabi niya dito kahit nga nililihim niya ang pagkatao sa dalaga. Ngunit ng may mangyari sa kanilang dalawa kaagad naman luminaw ang lahat kay Gabriel. Simula ng may mangyari sa kanila hindi na hinayaan pa ng binata na makalayo sa kanya ang dalaga lalo na nagbunga ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Ngunit ano na nga lang ba ang mangyayari kung wala namang nararamdaman sa kanya ang dalaga at hindi nito nagustuhan ang ginawa niya sa kanya? Paano na kung ang nangyari sa kanila ang dahilan upang mawala ng tuluyan ang tiwala ni Serena kay Gabriel? At paano na rin kung ang matagal nang hinahanap na kahinaan at butas ni Gabriel ng kanyang mga kalaban ay ang dalaga na naging malinaw na nga sa lahat? Paano ba niya mabibigyan ng proteksyon ang dalagang nagalit sa kanya sa likod ng maraming maaring manakit dito? At paano niya mapapatunayan sa dalaga na mahal niya ito? TAMING THE SUNSHINE @DeathWish [HER RETURN 2024]
View MoreChapter 208 Her Thought “Kaya uuwi ako bukas.” proklama ni Serena.Natahimik na lamang si Gabriel. Nais niya itong tangihan sa kagustuhan nito ngunit halata sa mga mata ng kausap niya na mauuwi naman ito sa away. Dalawang buwan na din naman ang nakakalipas halatang-halata na din naman na nangungulila na ito ng husto.Masayang kumain si Serena ng hapunan dahil nga walang angal si Gabriel sa nais niyang mangyari. Maaga din siyang natulog at habang ang binata pumunta ng kompanya dahil nga sa mga kailangan sana niyang gawin kaninang umaga ngunit ng dahil nga sa kinikilos ni Serena… Hindi siya mapakali.Kailan ba natahimik ang isipan niya simula ng dumating sa buhay niya si Serena.Napa-iling na lamang si Gabriel.“Sir?” nagtataka si Atlas dahil tinatangihan ba ni Gabriel ang magandang proyekto na naisip ng Innovative team nila?“… No. The project is fine to execute and for now let’s adjourn this consultation.”Napapalakpak ang mga tao sa loob ng conference room dahil isa nga iyong tagump
Chapter 207 The Two Grim “Bakit ayaw mo magpatingin sa kanila?” sa kakatakbo nga ni Serena napilitan si Gabriel na utusan ang mga tauhan niya na tuluyan itong harangin.Ngayon nasa sala sila…Ang napakalaking sala ng Aquinas Manor.Nasa likuran ni Serena ang mga doktor… At talagang ayaw nitong magpatingin sa kanila.“Ayoko nga Gabriel. At saka wag na wag kang magkakamali na kunan ako ng dugo kapag natutulog ako. Kundi… Baka sa kabilang buhay tayo magkikita.”Pagbabanta ni Serena…Nangangamba na tuluyang mawala ang kalayaan niya.Naglalaro sa isipan ang mga salitang hindi siya buntis…At wag na wag iyon mangyayari.Napaismid naman si Gabriel bilang tugon. Titig na titig siya sa mga mata ng dalaga.“Seryoso ako.”“May tinatago ka ba sa akin?” tanong ni Gabriel na parang bo
Chapter 206 No One Should Know “Thank you naman at hindi mo ako pina-asa.”At dahil sa katahimikan ni Gabriel napagtanto ni Serena ang ginawa niyang pagyakap dito…“Ay…”Ngunit pinigilan siya ni Gabriel at niyakap siya pabalik.Biglang naramdaman ni Serena ang kabog ng puso niya… At kung gaano nga din tumitibok ang puso ng binata…Yung pakiramdam na yun…Pakiramdam na…Para bang mahihirapan siya na malayo sa taong ito…Taong hindi niya makita sa ngayon… dahil nga sa kalayaan na inaasam niya.Pero hindi naman pala masama na hayaan ka na lang din mahalin ng isang taong… Handa ka naman talaga mahalin.At dahil sa bagay na iyon, medyo nga napaluha si Serena. Ewan, napaka-emosyonal niya lalo na sa mga oras na yon. Kanina lang ang lungkot niya… Saka masaya dahil sa sinabi ni Gabriel&hellip
Chapter 205 Her Happiness Kakarating pa lamang ni Gabriel sa kompanya at pinag-uusapan nila ni Atlas ang mga kailangan na ipriority ng biglang may tumawag sa kanya. Nang malaman niya na si Agatha kaagad niyang sinagot ito ng walang alinlangan.“Master Gabriel… Si Miss Serena nagkukulong sa banyo.”Kaagad na kumunot ang noo ng binata.“Hindi niya kami pinagbubuksan.”Hindi maunawaan ni Gabriel kung anong hangin na naman ba ang humihip sa Manor para magkaganoon ulit ang dalaga. Kung minsan talaga hindi na niya maunawaan si Serena… Ngunit ang puso niya palaging kailangan niya siguraduhin na maayos ang lagay ng dalaga kung hindi… Hindi mananahimik ang puso niya.Yun ang priority niya nang hindi nga niya namamalayan na yun na din ang nangyayari sa buhay niya.Tinitigan niya si Atlas…“Uuwi ako ngayon din.”Sa mukha
Chapter 204 Her SilenceDahil hindi nga nagsalita si Gabriel at hinayaan lamang niya si Serena na umiyak… Hangang sa marinig niyang humihikbi na lamang ito… Mahinang tapik ang binibigay niya sa likuran ng dalaga.Hangang sa sumulpot nga si Venus na nakapagbihis na…Magsasalita sana ito ng biglang umiling si Gabriel…Dahil nakatulog na si Serena.Ang mga mata ni Venus nagtatanong kung tutuloy pa ba sila at sayang naman yung outfit niya.Muli napa-iling si Gabriel.Nakatulog nga si Serena kaya maingat na binuhat ito ni Gabriel. Ini-akyat sa silid nila at hiniga ng maayos sa kama. Sumunod sa kanya si Agatha at binilin si Serena sa mayordoma.Sa pagbaba ni Gabriel tinawagan siya ni Atlas dahil kinabukasan may kailangan silang puntahan na mahalagang pagtitipon sa ibang bansa. At yun ay hindi niya maaring isawalang bahala.Magdadapit-hapon na ng magising si Serena. Nagtataka man kung bakit nasa higaan siya saka naman naalala niya na hinayaan na siya ni Gabriel na makalabas at yung pangako n
Chapter 203 Emotionally Invested Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ni Gabriel at Serena, hangang sa hinila ng binata ang kamay ni Serena pahiga sa kanya. Gulat na nakakandong si Serena sa binata, ngunit niyakap ito ni Gabriel. Magtatangka sanang kumawala si Serena ngunit hindi ito hinayaan ng binata.“Mas magandang ganito na lang hindi ba Serena? Ang manatili ka sa tabi ko?”“Bitiwan mo nga ako.”“Shhh… Wag ka nang pumalag. Hinding-hindi kita bibitawan.”“Pero sinabi mo ngayon ako aalis diba?” kaya mas hinayaan nga ni Serena na manatiling kayakap siya ni Gabriel. Ewan din niya pero ang puso niya parang nasanay na din sa pinapakitang kalandian nito sa kanya.At bilang sagot nito sa kanya, hinalikan siya nito sa ulo.“Gabriel naman…”“Hanggang ngayon ba nahihilo ka parin ba?”Tanong na bigla ngang magbabago ang usapan nilang dalawa.“Ha?”Tinitigan ni Gabriel ang mga mata ni Serena. At nakikita ngayon ng dalaga sa mga mata niya kung gaano kahalaga siya sa binata.“Sabihin mo sa akin…
Chapter 202: The Warning “…”Ipinikit na lamang ni Gabriel ang kanyang mga mata at napahilot ng sintido.“Infairness ha, curious ako kung sino si Girl.”At malayo pa nga si Serena dinig na ni Gabriel ang boses nito para maimulat ang kanyang mga mata.“Ga-Gabrielllllll!”at parehong napaligon si Venus at Gabriel sa pinangalingan ng boses.Ang ngiti ni Serena hangang tenga nito at labis ngang namamangha sa nakikita nito.“Hmmm… teka lang… Pamiliar siya sa akin?” titig ni Venus pabalik kay Gabriel. “Hindi ba siya ang pinakilalang fiancei ni Liam noong—.”“Tsk. Hindi na ngayon.”Na kaagad na nanlaki ang mga mata ni Venus.Nakalapit na si Serena bago pa man nga makapagsalita ulit si Venus.“Sobra… Ang laki pala ng bahay ninyo.” Nakasunod kay Serena ang ilang utusan at si Agatha.Tinapik ni Gabriel ang pwesto sa tabi niya at yun ang paraan nito para nga yayain na maupo si Serena.Naupo naman ang dalaga at medyo natahimik ng makita nga si Venus. Pareho silang nagkatitigan… Hangang sa nanlak
Chapter 201 To Guard Her “Aba naman. Long time no see Prince Charming.” Isang babae na napalingon nang naupo ito sa sofa. May mapaklang ngiti dahil alam na nito ang pinunta at medyo nga nagtataka din sa sinabi ng… “Tumawag ang little brother ko. Kailangan mo na naman ang service ko.”“Tsk.” Yun ang itinugon ni Gabriel sa kanya saka naupo ito sa harapan ng bisita niya.“Well, ang sasabihin ko lang naman, alam mo bang nakakaabala ka sa akin? Wala akong pakialam kung napakalaki ng network mo dahil hindi ako masaya sa pinapagawa mo sa akin.”“May sinabi na sayo si Atlas hindi ba?”“Ipagyayabang mo na naman yung tungkol sa triple kong pera na makukuha kesa sa sahod ko sa banda namin? Eww. Nakakadiri ka.”Napa-ismid si Gabriel.“Anong gusto mo burahin ko ang lahat ng detalye tungkol sa banda mo?”“Aba naman, nakakainis din talaga kung bakit natali ang pamilya namin sa mayabang na kagaya mo. Kasalanan talaga ‘to ni Atlas. Haist kung hindi ko lang talaga mahal ang little brother ko hindi ko
Chapter 200 Her Monthly “Dinalaw?” naitanong ni Gabriel na hindi niya maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng doktor.Nang biglang pinagtawanan siya ng kanyang dalawang ama-amahan.“Pagdating talaga sa mga babae wala kang alam no?” dagdag na panunuya sa kanya ni Seneca. “Sabagay hindi ko din nabantayan ang tungkol sa bagay na yan.”Tinignan ng doktor ang isang utusan. “Maari mo bang ipatawag si Agatha.”Kaagad naman kumilos ang utusan at tumalikod sa kanila.“Ano ba kasi ang sinasabi ninyo?”“Oxford gusto mo bang ikaw ang magpaliwanag sa batang to ang gusto ko sa kanyang sabihin?”Napa-iling na lamang ang abogado dahil medyo napangiti nga siya sa ideya na walang alam talaga si Gabriel tungkol sa isang babae.Lumipat ulit ang paningin ni Gabriel kay Seneca. Seryoso ang mukha nito. “Maari mo naman ata sa akin ipaliwanag ng walang paligoy-ligoy, hindi ba?”Dahil ang ayaw ni Gabriel yung tipong pinaglalaruan siya sa simpleng mga bagay na hindi niya alam. Oo na, wala nga siyang alam pagdat
Musika nang kuliglig ang maririnig sa napakagandang gabi.Napakakalmado ng paligid.Nagniningning ang mga butuin sa kalangitan.At ang paghigop ng tsaa ang siyang magsisilbing patunay na kahit sa paghihintay ay maari kumalma kahit nga nasa kalagitnaan ng tension. Kung ito bang hinihintay nila ay magtatagumpay sila sa kanilang pinaplano o mapupunta lang ang lahat sa wala.Ngunit napakapositibo ng paligid.Lalo na ang pananaw ng isang tanyag na abogadong si August Oxford. Kasama nito sa pagtsa-tsaa ang batikan sa larangan ng mangagamot, si Seneca Tan.Naghihintay lang naman silang dalawa sa tawag ng kanilang mga kanya-kanyang tauhan habang nasa balkonahe ng Aquinas Manor.Naubos na ang kanilang maaaring pag-usapan, kaya naman walang sino man ang may nais magsalita. Kapag nagkakasalubungan ang kanilang paningin napapangisi na lamang sila sa isat’isa. Siyang musika nga ng kuliglig ang tanging umaaliw sa kanilang mga tenga.Nang ipinatong ni August ang kanyang tasa ay siya naman biglang tu...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments