“Headmistress, kinumpirma na ng secretarya ni Master William na naka-alis na ang private jet papuntang Russia.” Narinig ni Gabriel na ibinalita ng isang katulong kay Agatha.
“Matagal na namang makakabalik si Master William, siguraduhin ninyo ang securidad ng paligid.”
Naibaba ni Gabriel ang kanyang librong binabasa at tahimik na napabuntong-hininga. Napatitig sa labas ng bintana at ang malagintong sinag ng araw ang sumalubong sa kanyang paningin.
Noong bata siya hindi niya maunawaan kung bakit laging umaalis ang kanyang ama lalo na labas pasok ito ng bansa. Sa tuwina napakalayo ng mga lugar ang pinupuntahan nito. Halos nga hinahabol nito ang oras. At hindi maintindihan kung para saan itong ginagawa ng kanyang ama.
Hangang sa natuklasan niya ang sistema kung paano umiikot ang pera sa mundong ito.
Palaging naiiwan si Gabriel sa Aquinas Manor, napakalaking bahay ngunit halos lahat ng sulok ay mayroong mga nakabantay o hindi kaya mga kamera. Para ito sa kanyang securidad, na tila ba isa siyang mahalagang kayamanan at mamahalin na hiyas na kailangan ingatan sa pamamahay na iyon.
Tahimik na bata si Gabriel.
Ang sabi nakuha niya ito sa kanyang mga magulang. Ang maging tahimik at pilitin na unawain na lamang ang kanyang paligid. Kaya naman lumaki ng tahimik si Gabriel. Ni minsan hindi niya nagawang magreklamo sa kanyang ama.
Sa buong maghapon, kapag ginusto niya at walang interest na pumunta kung saan, halos nanatili siya sa kanyang silid at nagbabasa ng mga librong akala niya doon niya matatagpuan ang tunay na mundo.
Sa tuwina sa bintana niya hinahatid sa pamagitan ng mga mata ang kanyang ama kapag umaalis ito. Alam niya buwan ang papalipasin para muli niya ito makita.
At sa bintana rin niya sinasalubong ang kanyang ama sa tuwing dumarating ito.
Dumarating na pagod at wala nang oras upang puntahan ang kanyang anak sa silid nito. Hindi naman niya ito maaring salubungin para na rin sa kalusugan niya.
Pagod ang kanyang ama. At nauunawaan yun kaagad ni Gabriel.
Kahit nga ganito ang naging sitwasyon ng kanyang ama, kahit kailan hindi siya nagtanim ng pagtatampo dito.
Tutorial ang naging edukasyon ni Gabriel. Ang mga nagtuturo sa kanya ay mga professor na dumaan sa matinding pagkikilatis. Hindi ang kanyang ama ang gumawa noon para sa kanya, kundi ang matalik nitong mga kaibigan na si Oxford at Seneca.
Ang paboritong gawin ni Gabriel ay ang mangabayo. Sakay ng puting kabayo na sinasabing anak ng kabayo nang kanyang ina ang kabayo niya. Iniikot ni Gariel ang buong kapatagan at kabundukan na siyang kinakasakupan ng pribadong lupain ng pamilyang Aquinas.
Napakalawak noon.
At kapag nangangabayo si Gabriel, mahigpit parin ang sinasagawang securidad para sa munting tagapagmana ng pamilyang Aquinas.
Isang araw, habang nangangabayo si Gabriel may narinig itong tawanan ng mga bata hindi kalayuan sa kinakalagyan niya. Napalingon siya sa direksyon kung saan ito nangagaling. Ang mga tauhan naman na nakasunod sa kanya ay biglang na-alerto ngunit sinenyasan niya itong walang dapat na ikabahala.
Pinuntahan nila ang lugar at lihim na pinagmamasdan ang mga batang masayang namimingwit sa ilog. Nalaman niya sa kanyang mga tauhan na mga anak ito ng ilang katulong sa Manor.
Nilakasan ni Gabriel ang loob niya na magpakita dito. Agad siyang nakilala ng mga ito at hindi man niya nagustuhan ang paraan ng ilang bata na bumubulong sa kasamahan nito, wala naman siyang dapat na ika-protesta.
Pinilit niyang makipag-kaibigan sa mga ito. Nalaman niya na nakatira ito sa hindi kalayuan na Maid’s Quarter. Dahil bawal ngang pumunta ng Manor ang mga batang iyon.
Kapalit ng pagtuturo ng mga bata sa kanya kung paano mamingwit ay tuturuan din niya ito kung paano mangabayo.
Masaya si Gabriel na matutong mamingwit. At ang mga tauhan na nakasunod sa kanya ay gumagaan ang pakiramdam kapag nakikita nila itong ngumingiti at nakikipagtawanan sa mga bata.
Nang siya naman itong magturo kung paano mangabayo.
Noong una ipinaliwanag ni Gabriel na kailangan muna amuhin ang kabayo, bago ito sakyan. Sinubukan ng mga bata, pero ang kabayo ni Gabriel ay siya lang ang kinikilala nito.
Ilang bata ang kamuntikan nang masaktan kung hindi lang dahil sa mga tauhan na nakaalalay sa kanila.
Ngunit sinadya man o hindi may batang gumanti sa kanya na siyang ikinahulog ni Gabriel sa kabayo nito. Yun din ang dahilan kung bakit halos isang buwan siya hindi nakabangon sa higaan.
Nang bumalik siya sa ilog, wala na siyang makita ni isang batang naglalaro roon. Nalaman na lang niya na pinagbawalan ang mga ito na makipaglaro sa kanya. Kung hindi mawawalan ng trabaho ang kanilang mga magulang at walang tahanan na masisilungan.
Agad naman naunawaan ni Gabriel ang kahihinatnan ng nangyari.
Napagtanto niya na mailalagay lang niya sa alanganin ang mga ito kapag nagpumilit siyang makipagkaibigan sa mga ito.
Kaya naman mag-isang namingwit si Gabriel.
Ang batang napakalungkot pagmasdan.
Hangang sa nasanay nga siyang maglaro at matuto mag-isa. Mag-isang ginagawa ang mga bagay na naisin niya.
Isang araw, habang binibisita niya ang ilang kahoy na tulay kung saan magandang mamingwit, gumitla sa kanya ang boses ng kanyang ama.
“Tama nga sila, ang aking anak na sinasabing maiiwan mag-isa sa mundo ay laging nag-iisa.” Bumaba ito sa kabayo, at inabot dito ang dalang pamingwit ng tauhan sa kanya.
Simpleng ngiti ang binigay na pambati ni Gabriel sa kanya.
Nang makalapit ang kanyang ama, inabot nito ang isang pamingwit sa kanya. Naupo sila sa tulay na yari sa kahoy at lubid.
“Hindi mo ba itatangi iho? Sa tingin mo ba ito ang mas makakabuti sayo?” Tanong ng kanyang ama na hindi nakatitig sa kanya, kundi inaayos na ang pamingwit nito.
Hindi tumugon si Gabriel ginaya na lamang niya ang ginagawa ng kanyang ama.
“Hindi ko nais na lumaki ka ng ganyan, Gabriel. Lalo na iiwan ko sa'yo ang napakalaking responsibilidad. Ang ating pamilya at kompanya.” Saka hinagis nito ang pain sa ilog.
“Kasing edad mo rin ako noon ng matuto akong mamingwit. Mag-isa para makahuli ng marami.” Saka naman hinagis ni Gabriel ang kanya.
“Noon kasi parang naging kompentensya sa aming magkakapatid ang pamimingwit. Mag-isa ako dahil, lagi kasi akong kawawa kapag kasama ko ang tatlo kong kapatid. Ano ang magagawa ng isang bunsong kagaya ko noon? Hindi ba matatalo ako at pagtatawanan?”
Nakatitig lamang ang kanyang ama kung saan na direksyon nito hinagis ang pain.
“Dahil parati akong mag-isa noon, marami akong namimingwit. Masaya akong umuwi dala ang mga isda upang ipakita sa mga kapatid ko.”
Bahagyang lumingon ito sa kanyang anak.
Ngumiti.
Isang malungkot na ngiti.
“Ngunit hindi ko inaasahan na may masamang pangyayari akong madadaratnan. Siguradong alam mo ang tungkol roon. And dahilan kung bakit tayong dalawa na lamang ang naiiwan sa mundong ito.”
Tinutukoy ng kanyang ama ang masalimuot na Aquinas Massacre.
Hindi nga ito lihim kay Gabriel. Alam na alam niya sapagkat maraming libro ang lumathala tungkol sa nangyari.
“Ang pinagmulan natin, ay hindi ko maitatangi kung bakit nila ginawa yun, ay tuloy parang mga naging mamatay tao ang ilang myembro ng pamilya natin. Boung angkan ng Aquinas ay nagpatayan. Nang makita ako ng lolo ko noon daling-dali niya ako itinakas. Wala siyang paliwanag sa akin hangang hindi pa ako sumasapit sa tamang edad na maunawaan ko ang bagay na yon.”
Ngumisi si William.
“Palagi akong umiiyak sa kanya noon, hinahanap ang aking mga magulang at kapatid. At ng kaya ko nang maunawaan ang lahat dinala niya ako sa harapan ng mga puntod na may mga kaparehong araw kung kailan sila namatay.”
Matalino nga si Gabriel ngunit musmus parin ang kanyang kaisipan upang ikwento na nga ni William ito sa kanya.
“Alam mo ba ang sinabi sa akin ng matandang Aquinas? Ang dahilan kung bakit nangyari yun sa pamilya natin ay bunga lamang ng pagiging ganid. Makapangyarihan ang pamilyang Aquinas. Pinsan, tiyuhin, tiyahin, pamangkin, apo… dumadaloy sa dugo natin ang pagiging ganid. Isa-isahin ang lahi ng Aquinas hangang kunti na lang ang matira. Ang nangyari parang labanan ng matira at matibay. Sa panahon na iyon si Granpa ang pinakamatandang Aquinas noon, makapangyarihan, at siya ang tumapos ng gulong iyon. Siya ang utak kung bakit nangyari ang massacre dahil yun na ang naging pamamaraan para mawala ang pagiging ganid ng bawat isa. Kaya ngayon para tuloy tayong mga especial na nilalang dito sa mundo. Species na balang araw mabubura na sa mundong ito. Yung massacre na yun, masyado naman nilang ginalingan.”
Huminga na lamang ng malalim si William.
“Kahit ang autoridad walang nagawa sa pagpapasya ni Granpa. Kahit ngayon wala parin silang magawa kung anong klaseng digmaan ang kinakaharap ng mga nakakaangat sa lipunan.”
Umangat ang paningin ni Gabriel sa kanyang ama. Hinaplos ang ulo niya. Ang mga inosente niyang mata, nakatitig sa mga mata ng kanyang ama na parang marami nga ang pinagdaanan sa talaan ng buhay niya.
“Noon. Kasing gulang mo lang ako. Napaka-inosente pa. Wala pa akong kaalam-alam tungkol sa kakayanan ng pamilya natin. Kaya naman dahil ako ang pinakabata noon, ginawa ni Granpa ang lahat para protektahan ako. At ng lumisan si Grandpa sa mundong ito, lahat ng ari-arian ng pamilya natin, sa akin nakapangalan. Walang kahati katulad na lamang ng pangalan ng ating pamilya. Ngunit kalakip nito ang dalawang habilin ni Grandpa.”
Muli napabuntong-hininga si William.
“At gagawin mo rin itong habilin ko kapag lumisan na rin ako sa mundong ito Gabriel. Sa ayaw mo man o hindi.”
May pagbabanta sa tono ng boses ng kanyang ama.
Hindi maisip ni Gabriel kung bakit sa tuwing kinakausap siya ni William parang palagi itong nagpapaalam sa kanya. Palaging pinapaalala sa kanya ang tungkol sa sitwasyon nila. Na kahit hindi niya maunawaan ay pilit na inunawa at umayon sa sinabi nito.
“Ang kompanya at pamilya natin. Ikaw ang mamahala ng lahat. Ang masasabi ko lang mahirap magpatakbo ng kompanya lalo na kapag mag-isa ka lang at napakaraming bumabanga sayo. Alam kong mauunawaan mo lang ang sinasabi kong ito kapag nasa sitwasyon ka na. Isipin mo na lang na binibigyan lang kita ng ideya para hindi ka magulat sa magiging papel mo balang araw.”
Napatango na lamang si Gabriel sa sinabi ng kanyang ama.
“Masaya ako na nariyan ang mga matalik kong kaibigan na si Seneca at Oxford, kaya naman kung maari wag mong ilayo ang loob mo sa kanila. Maasahan sila. Tapat sila sa pamilya natin. At kung sakali man dumating ang panahon na kailangan mong lumabas sa lugar na ito, sana makahanap ka ng kagaya nila. Mahirap ang buhay kapag mag-isa, ngunit kapag may mga kaibigan ka, kahit paano nariyan sila para makinig sayo. Ngunit hindi naman tayo yung tipo ng mga taong nagrereklamo sa mga kinakaharap nating problema, ngunit sa mundong ito kailanga parin natin ng kaibigan, Gabriel.”
@DeathWish
[HER RETURN 2024]
Nang makaramdam si Gabriel na may humihila ng kanyang pain, agad naman nakita ng kanyang ama na mayroon na siyang mahuhuli.Ngumiti ito para sa kanya, at kaagad na hinila ni Gabriel ang kanyang pamingwit.Isang isda na may kalakihan upang ngumiti si Gabriel at masaya siyang tinulungan ng kanyang ama.Kumikislot ang isda at madulas ito sa kamay kaya dali-daling dinala ng isa sa tauhan na kasama nila ang pagsisidlan.“Naunahan mo pa akong makahuli, Gabriel.” Ani ng kanyang ama. “Natutuwa ako para sayo.”Sa oras na yun, parang kung anong tagumpay ang nakamit ni Gabriel dahil lang sa sinabi ng kanyang ama. Iyon ang una niyang pagkakataon na marinig na tila ba ipinagmalaki siya ng kanyang ama. Ang araw na iyon ay hindi niya nakakalimutan.Muling hinagis ni Gabriel ang pain sa ilog. At ang kanyang ama nagpatuloy sa ikinukwento nito sa kanya. Tahimik lang siyang nakikinig ngunit kung may ano sa kanya na nais niyang makahuli ulit ng isda bago pa man makahuli ang kanyang ama.“Katulad ng pang
At ngayon nasa harapan na ni Gabriel ang kanyang ama. Kung dati rati ang likuran nito ang palagi niyang nakikitang tumatalikod sa kanya, nitong mga nakalipas na taon naman siya ang palaging umiiwas sa kanyang ama.Umiiwas dahil sa pait na kanyang nararamdaman dahil sa sitwasyon na nakikita nito sa kanyang ama.Ito rin ba ang nararamdaman ng kanyang ama kung bakit siya nito iniiwasan noon?Hindi.Magkaibang-magkaiba sila ng sitwasyon.Kalaban ni Gabriel ang sundong kamatayan ng kanyang ama.At sa tingin ngayon ng binata, matagal na siyang nagsisinungaling sa kanyang sarili. Umaasa na balang araw may magandang balitang darating sa kanya. Iyon ay ang magkamalay ang kanyang ama.Sa sitwasyon nito may kung ano sa kanya na pilit niya pinipigilan na hindi tangapin na hindi na nga ito magkakamalay pa.Natatakot siya. Takot na hindi niya maintindihan kung para saan. Sa buong buhay nito parang ilang oras lang sila nagkasama. Minsan lang mag-usap at minsan lang maging magulang sa kanya.Kaya
Alam na ni Gabriel ang sasalubong sa kanya kung sa main exit siya dadaan. Kaya mula sa VIP area ng hospital dumaan siya sa VIP hallway papunta sa basement. Ngunit kahit sa basement may mga taga-media na nakaabang pero dahil sa presensya ng mga tauhan ni Gabriel hindi ito makalapit sa kanya.Kailan man hindi sini-sekreto ng gobyerno at mga ka-kompetensya ang mga nangyayari sa pamilya ng Aquinas. Aktibo nilang sinusubaybayan ang buhay nila lalo na siya bilang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng pamilya. Kung may pagkakataon na may mahuthot sila ay gagawin nila yun. Palaging mayroong kinakaharap na kaso at hindi na yun bago kay Gabriel. Dahil wala naman napapatunayan sa mga kasong yun.Karamihan ng kalaban ng pamilyang Aquinas ang nais nila ang makapaghanap ng butas sa pamilyang Aquinas, ngunit nabibigo sila parati.At simula nang lumabas ang mukha ni Gabriel sa publiko siya na ang paboritong pinupuntirya ngayon.Matapos ma-comatose ang kanyang ama, saan man siya magpunta di siya nakak
Yung gabing iyon…Naalala ng dalaga…Ang isang gabi na kamutikan na siyang sumuko sa buhay. Sa maari naman tumakas diba? At bahala na yung maiiwan niya?Ngunit hindi… Hindi siya hinayaan ng Maylikha na gumawa ng hindi maganda sa sarili niya sa pamagitan nga ni Sister Agnes.At sa katayuan nga ni Serena, sino naman ang di aayaw sa buhay kung ang buhay ay palaging hinahamon ng problema?Napangiti ang dalaga ng maalala niya iyon.Napadpad siya mismo sa kinalalagyan ng sasakyan ngayon.Mismo sa sidewalk na yun.Naupo siya roon na parang isang baliw na wala na ngang pag-asang natitira sa kanya noon.Pero hangang ngayon marami parin siyang problema, ngunit sa awa ng diyos nabibilang pa naman sa kanyang mga kamay.‘Tiwala lang, at wag susuko. Lahat mayroong hanganan, at kapag tumigil ka, natural na hindi matatapos ang problema.’Dati rati maganda pa ang buhay nila kung hindi lang talaga sila hinamon ng buhay.Paralizado ang masipag niyang ama.Dalawa silang magkapatid sa unang asawa ng kanya
Kahit mahinang kislot kaagad iyon maririnig ni Gabriel, kaya ng may narinig siya na parang may bumagsak, kaagad na umangat ang paningin niya. Paglingon niya sa bintana, isang babae…Nadulas ito malapit sa kanyang sasakyan…At biglang hindi niya nahuli ang kanyang sarili dahil binuksan niya ang sasakyan at sa kanyang isipan kailangan niyang tulungan ang babae.Ngunit natigilan siya dahil nakatayo na ang babae.Hindi naman makapaniwala si Gabriel sa ikinilos niya.Ang dalaga naman nagmadaling pinulot ang mga dala niya.Babalik na sana si Gabriel sa loob ng sasakyan ng napansin niyang mayroong lalaking napatitig sa dalaga. Kaagad na kinutuban si Gabriel na parang hindi ito kilala ng dalaga. Para sa binata hindi naman kagandahan ang dalaga para pagnasaan ito ng isang lalaki. Ngunit yung lalaki kasi halata niya na isa itong manyak. Yung shirt pa naman ng babae masyado maluwag kaya habang pinupulot ang mga gamit nito kung sisilipin talaga nakikita ang cleavage nito.Wala nang nagawa si Gabr
“Paabot nga sa akin ng bag ko.” Utos ni Serena dahil iniwan nga niya iyon sa tabi ni Gabriel.Tinitigan ng binata ang bag saka tinitigan ulit ang dalaga.Inuutusan ba siya nito?“Kuya ang sabi ko ibigay mo sa akin ang bag ko.” Saka binaling ulit ng babae ang paningin sa inaayos niyang tatlong tangkay na bulaklak.Walang nagawa si Gabriel kundi sumunod sa sinabi nito. Kinuha ang bag nito at lumapit sa kanya para ilapag sa mesa ang bag.“Thank you.”Hindi na nagawang bumalik ni Gabriel sa inuupuan niya kanina, kundi pinagmasdan niya ang paligid. Luma na nga ang simbahan kahit ang straktura nito. Ngunit biglang tumama ang paningin niya sa isang lalaki na parang pinagmamasdan talaga ang babae kanina pa.Ang ginawa ni Gabriel hinuli niya ang titig nito at ng magtama ang paningin ng lalaki sa kanya, agad din na umalis ito.Sino nga ba ang hindi matatakot sa napakatalim na titig ni Gabriel?“Pagkatapos nito saan ka na pupunta?” Biglang naitanong ni Gabriel sa dalaga. May hindi kasi siya maga
Di niya alam kung bakit nakahinga siya para sa dalaga ng malaman niya sa kanyang mga tauhan na nahuli na iyong manyak at wala na siyang dapat na ipag-alala sa kaligtasan nito.Napa-iling na lamang siya sa kanyang sarili.Bakit niya iyon kailangan gawin sa babaing hindi niya alam kung muli pa ba mag-ku-kross ang landas nila? Ngunit ang pinagtataka niya ay kung bakit hindi man lamang niya iniwasan ang presesya ng dalaga.Umangat ang kanyang paningin sa altar. Maraming tanong ang umiikot sa kanyang isipan ngunit hindi niya iyon mabuo, lalo na sa nangyari ngayon sa kanya.Hangang sa dumako ang paningin niya sa tatlong tangkay ng puting bulaklak ng rosas. Ang bulaklak na ibibigay sa kanya sana ng dalaga.Ang bulaklak na alam niya makakakita siya noon pagbalik niya ng Aquinas manor.Tumayo siya at lumapit sa vase. Naguguluhan man kung bakit, ngunit kinuha niya ang isang tangkay. Sa buong buhay ni Gabriel kung tatangapin niya ang bulaklak, iyon ang una niyang pagkakataon na makakatangap siya
“Si Gabriel nakabalik na ba riyan?” Nang sagutin ni Miss Agatha ang tawag ni Seneca.“Wala parin siya. Alam kong ginagawa niyo ang lahat ni Oxford para mahanap siya, ngunit sa sitwasyon na ito nauunawaan ko na kailangan niyang mapag-isa, pero hindi sana sa lugar na maaring may masamang mangyari sa kanya.”“Wag kang masyadong mag-alala Agatha, mamaya lang babalik din siya. Kailangan niya ng sariwang hangin.” Saka nalaman ni Agatha na nagawa ni Gabriel pirmahan ang health care ng kanyang ama.“Kung wala pa siya riyan sa loob ng isang oras, ipapahanap ko na siya sa mga tauhan.”Napabuntong hininga na lamang ito at tahimik na ipinagdasal ang dating namamahala ng Aquinas Manor.Maya-maya lang tumatakbong nilapitan siya ng isang utusan at sinabing parating na si Gabriel. Kaagad na pumunta sa kanilang mga pwesto ang mga utusan upang salubungin nga ang binata.Ngunit hindi makakaila ni Agatha na bakas parin sa mukha ng binata ang kalungkutan nito simula nang may mangyaring masama kay William.
Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um
Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da
Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang
Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala
Chapter 186 His Dare “Sige.” may kasamang tango na tinangap ni Serena ang hamon ni Gabriel. “Maglalaro tayo ulit.”“But not now.” tumayo na si Gabriel. “Kailangan ko pumunta ng kompanya. Make sure you behave yourself or alam mo ang mangyayari ulit sayo. Anyway, may ginising ka sa pagkatao ko na hindi ko kontrolado, brace with it.”Kindat ni Gabriel at naglakad palayo sa harapan ni Serena. Hindi maunawaan ng dalaga ang sinabi nito… Ngunit ng maging klaro sa kanyang isipan kaagad nanlaki ang mga mata niya…Siya ba talaga ang may kasalanan kung bakit… may nangyayari sa kanila ni Gabriel?“Hindi ko yun kasalanan?!”“Eat your breakfast at kapag hindi mo ginalaw ang pagkain mo after ko magshower… Baka may gawin na naman ako sayo.”“…” hindi na lamang makapagsalita si Serena.Dahil nga natatakot siya sa pagbabanta ni Gabriel, kumain siya. Saka kailangan niya kumain dahil sa paghahamon sa kanya nito. Kailangan niya matuto kung paano laruin ang chess…Tiwala lang ang kailangan niyang makuha k
Chapter 185 His Words Kinabukasan ng magising si Serena, ewan ba pero maganda yung tulog niya. Napaunat ng kamay at sinamyo ang sariwang hangin na pumasok dahil nakabukas ang bintana at terrace na malapit lamang sa kama.“Magandang umaga Miss Serena.” si Agatha na nakangiti sa kanya.“Magandang umaga rin po.” tugon niya na may ngiti rin sa labi saka bumangon nga siya.Nang biglang sa pagbangon niya kaagad na napayakap sa sarili dahil nakasleeping robe lamang siya.At parang kidlat na naalala niya kagabi kung paano nga siya pinatulog ni Gabriel. Kaagad naman napalingon sa sahig si Serena at nakita niyang pinulot ng katulong yung damit na nagkalat.Nanlaki ang mga mata niya dahil totoo ang nangyari at may ginawa na naman sa kanya si Gabriel.Halos biglang gumuho ang mundo niya.Napaupo sa kama ulit…“Miss Serena?” may pagtataka sa mukha ni Agatha.“Si… Si Gabriel po?”“Nasa study room niya Miss Serena.”Nakahinga siya dahil akala niya tinakasan na naman siya nito. Muli siyang tumayo at
Chapter 184 Realization Sa tuwing may nangyayari sa pagitan nila ni Serena at walang nagagawa ito kundi magpa-ubaya…Agad naman nakakatulog si Serena.Kaya ng maramdaman ni Gabriel na mahimbing ang tulog nito napa-upo bangon na siya. Tinitigan saglit ang katabi niya… Maaliwalas ang mukha at siguro dahil halos isang buwan na ito sa Mansion at ilang beses na rin may nangyari sa kanila…Napapikit siya…Nakasanayan na ni Serena…Ngunit…Magkakaroon pa ba ng bunga ang ginagawa niyang ito? O sadyang pinapahirapan lamang niya ang kalooban lalo na nga si Serena?Hawak ni Seneca ang resulta kung ano ang kundisyon ng pagkalalaki niya. Masaya siya sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Serena ngunit naroon ang pangamba na para saan pa ba iyon?Kung si Serena nakakatulog ng maayos kaagad…Siya naman nakakaramdam ng frustration na hindi niya maunawaan. Kaya naman bumangon siya at nagpakuha ng alak sa isang tauhan saka tumungo sa kanyang study room.Habang nasa terrace at hawak niya ang isang wine
Chapter 183 Consequences was Served.“Natulog na ba siya?” tanong ni Gabriel kay Agatha na hinatiran siya nito ng tsaa sa kanyang study room. Tambak na mga papelis ang nasa harapan niya at iniwan nga niya si Serena kanina para makapagpahinga ulit ito. “Hindi parin Master Gabriel.”Tinignan niya ang oras at napatayo siya.“Anong gusto ng babaing yun.”Dahil halos maghahating-gabi na naman.Pinuntahan niya si Serena sa silid at nadatnan niyang natatawa ito dahil sa pinapanood. “Hindi ka pa matutulog?”“Hi-hindi pa ako puyat.”“Tsk.” lapit ni Gabriel dito pinatay kung ano man ang pinapanood nito.“Ang killjoy mo talaga.”“Tss. Hindi ka makatulog?” saka naupo sa tabi ni Serena at aalis sana ito ng hinila niya ang kamay nito paupo ulit.“Baka nakakalimutan mo ang tungkol sa kasunduan natin kaninang umaga.”“Hindi ah. Ang sabi hindi mo rin ako nahanap sa loob ng sampung minuto kaya patas lang tayo. Dapat nga ako ang panalo. Tungkol nga roon kailan ulit ang laro nating dalawa? Bukas? Sige
Chapter 182 His Relatives Kaagad na kinapa ni Gabriel ang tinutukoy na bukol ni Serena. Hinayaan naman siya nito… At hindi nga maikakaila ang sinabi nito.“Tsk. Kailangan nila ito makita Serena.”Hindi na niya napigilan si Gabriel dahil halata naman sa mukha nito ang biglaan at labis na pag-aalala sa kanya.Bumalik ang mga doktor at tinignan ang bukol niya.“Nauntog po ba ang ulo niyo Miss Serena?”“Nauntog?” ulit niya.“Tumama sa matigas na bagay?”Si Gabriel nakikinig at tahimik na naghihintay sa kumpirmasyon ng dalaga. Ngunit ng wala silang makuhang sagot dito… Lumabas siya ng silid. Dumiretso siya sa may footage record room ng biglang may katulong na nagmamadali dahilan upang mabundol siya nito. Hindi siya natinag ngunit ang babae bago pa man ito bumagsak nahila na niya ang kamay nito.“Ma-master Gabriel hi-hindi ko po sina—.” kaagad naman niyang binitiwan ito.Hindi katulong kundi… Ito ang kinuhang tutor ni Agatha para kay Serena.“Tsk.” tumalikod si Gabriel na ang pakialam niy