String of Marriage (tagalog)

String of Marriage (tagalog)

last updateLast Updated : 2020-11-25
By:   C.K  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
23Chapters
31.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Lou Wisesun ay may kakayahan na makita ang future marriage ng isang tao. Kaya nitong tuklasin ang buong pangalan ng taong mapapangasawa mo at taon kung kailan mismo kayo maikakasal. Handa ka bang magbayad para makilala si “The One”? Ngunit anong gagawin mo kung nakita sa’yo na ikakasal ka sa isang mahirap na farmer? Sa isang lalaki na may limang kapatid at walang ibang ginawa ang buong pamilya niya kundi ang magtanim ng palay sa kanilang bukiran. Kaya mo nga bang baguhin ang takbo ng tadhana mo? This is the story of Onalisa Gwen. She has a mission. A mission to stop marrying her future Husband in order to protect her family reputation.

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

Onalisa Gwen's Point of View "TEN minutes left and you need to pass your papers!" sigaw ng prof namin. Hanggang one hundred items ang questionnaires na sasagutan. Maraming almost tapos na pero simula nang maupo ako ay hindi ko man lang nagawang kumuha ng ball pen sa bag. Para saan pa kung hindi pa naman ako magsasagot? Ayoko kasing nangangalay ang kamay ko. Tinaasan ko ng kilay ang katabi ko dahil tumingin siya sa walang sulat kong papel. "Onalisa, mangopya ka na lang. Midterm exam 'to. Hindi puwedeng zero ka." Bumaba ang tingin ko sa test paper niya na tapos na. "Don't worry. Hindi ka babagsak sa sagot ko." She gave me an assurance. She was the vice president and the Top 1 in our class kaya alam kong hindi nga ako babagsak kapag nangopya. Tinakpan ko na lang ang papel ko. "No, thanks." "Pero . . . wala ka pang sagot." "Meron. Naduling ka lang." "Eh?" Tumayo na ako at lumapit sa prof. "Ma'am, 'punta lang po ako sa restroom." Tumango lamang siya at hindi man lang ako tiningnan...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Christine Mataac
Support this story guys :)
2020-11-25 20:47:28
1
user avatar
mel vill
update ka naman na author..
2020-11-07 20:23:25
1
23 Chapters
Prologue
Onalisa Gwen's Point of View "TEN minutes left and you need to pass your papers!" sigaw ng prof namin. Hanggang one hundred items ang questionnaires na sasagutan. Maraming almost tapos na pero simula nang maupo ako ay hindi ko man lang nagawang kumuha ng ball pen sa bag. Para saan pa kung hindi pa naman ako magsasagot? Ayoko kasing nangangalay ang kamay ko. Tinaasan ko ng kilay ang katabi ko dahil tumingin siya sa walang sulat kong papel. "Onalisa, mangopya ka na lang. Midterm exam 'to. Hindi puwedeng zero ka." Bumaba ang tingin ko sa test paper niya na tapos na. "Don't worry. Hindi ka babagsak sa sagot ko." She gave me an assurance. She was the vice president and the Top 1 in our class kaya alam kong hindi nga ako babagsak kapag nangopya. Tinakpan ko na lang ang papel ko. "No, thanks." "Pero . . . wala ka pang sagot." "Meron. Naduling ka lang." "Eh?" Tumayo na ako at lumapit sa prof. "Ma'am, 'punta lang po ako sa restroom." Tumango lamang siya at hindi man lang ako tiningnan
last updateLast Updated : 2020-08-12
Read more
Kabanata 1
Two years later . . .NAKAUPO ako sa isang round table with six chairs na may nakasulat na VIP sa isang papel.Pinanonood ko sa malayo ang isang lalaking pinalilibutan ng mga babae. He was wearing a white button-up shirt with black trouser and sunglasses."Onalisa!" sigaw ni Vanilyn, ang best friend ko. Lumalim ang ngiti ko nang mapansing suot niya ang rejected gown na ginawa ko noon. It was a blue ballgown na may nakapaikot na Christmas lights. It was really funny to wear, I swear."Ikaw lang mag-isa? Nasa'n 'yung boyfriend mo?" she asked.Ngumuso ako patungo sa lalaking pinanonood ko kanina lang. "Busy sa pagpo-promote ng new business niya sa Eastwood.""Oh? Ano'ng bago niyang business?" Umupo siya sa tabi ko."Restobar." Lumingon sa direksyon namin si Sandro at kumaway siya kay Vanilyn. Nagpaalam siya sa mga kausap niyang girls para lumapit dito. Tinanggal niya ang salamin at lumabas ang mala-buwan niyang mga mata."Sandro was my ideal man, but there's something off about him," I co
last updateLast Updated : 2020-08-12
Read more
Kabanata 2
NASA loob kami ng isang sedan stretch limousine na kayang mag-accommodate ng walong tao. Pa-letter C ang sofa at mayroong flat screen TV at bar station. Personal car ito ni Daddy—gamit niya kapag pumupunta sa airport. Ginamit lang namin ito ngayon dahil naglambing si Tita Susane. Overexposed na raw kasi sa camera ang ibang cars namin kaya mas mainam kung may bagong maipakita sa media.Si Maximo naman ay kanina pang tulala sa bintana. He is eighteen years old and I'm six months older than him. 5'8" ang height niya, mapayat, tisoy, at malalim ang mga mata. Tahimik siya at masunuring bata. Never siyang nag-break ng rules sa bahay. Hindi siya kilala sa social media kaya hindi niya kailangan ng bodyguard hindi gaya ko.Parehas lang naman kami ng tinitirhan pero sobrang layo ng status ko sa buhay niya. Ganoon ba talaga kapag magkaiba ng mommy?"Maximo, kagabi ka pang tulala. May problema ba?" tanong ni Tita Susane."Wala, Mama." Umayos na ito ng pagkakaupo at ch-in-eck muli ang phone."May p
last updateLast Updated : 2020-08-12
Read more
Kabanata 3
Nakahiga ako ngayon sa malambot kong kama habang nakatalukbong sa comforter. I have two feather lampshades besides me na nagsisilbing liwanag sa buong bedroom ko.Hindi ako kumain ng hapunan. Idinahilan ko na lang sa kanila na busog pa ako. Pero sa totoo lang, nakakawalang gana. Kahit yata pag-inom ng tubig ay nakakatamad.Huminga ako nang malalim at tiningnan ang perpektong nail polish ko.Kung gaano ako katamad kumilos, kabaliktaran naman n'on ang utak ko. Ang dami kong iniisip na walang ibang ginawa kundi manakit ng puso.Sa totoo lang, kaya kong tiisin ang mga paninira sa akin sa social media, pero ang mga pananalita sa akin ng pamilya ko? Hindi ko kaya.I tried to please them ever since Lola Lou said what my fate is gonna be. Magmula kasi noong bata pa ako pagkatapos sabihin ang tungkol sa ka-red string ko, parang hindi na ako belong sa family ko.We have the same blood running through our veins and we shared the same surname, but our desires and thoughts are far different than ea
last updateLast Updated : 2020-08-12
Read more
Kabanata 4
NAGBALIK ako sa baybay-dagat para magtanong kung ano na ang balita. Lumakad ako kung saan nagkukumpulan ang mga tao. Pinilit kong i-divert ang atensiyon ko sa ibang bagay at naging matagumpay naman ako. Isang batang lalaki ang nahanap nilang bangkay ngayon. Halos bumaligtad ang sikmura ko dahil pipi ang ulo at bukas ang bituka. "Anak ko! Hindi maaari! Hindi!" Nanginginig ang ina ng bata habang pinakakalma siya ng mga awtoridad. Halos lahat ng tao rito ay naluluha na rin dahil sa nasaksihan. Tumaas ang balahibo ko dahil sa pangingilabot. Ayokong makita si Daddy sa ganitong estado. Hindi ko siya hahawakan o titingnan man lang kung ganito lang din. Naka-black suit and red tie si Daddy noong huling nakita ko siya. Maganda ang ngiti niya at hinalikan ako bago kami maghiwalay ng sasakyan. Ito ang huling memorya na gusto kong makita. I didn't want to see his dead body kung lasog-lasog lang din naman. I just can't. Napapunas ako sa gilid ng mata ko at lumakad na palayo. Tinanaw ko ang ka
last updateLast Updated : 2020-08-19
Read more
Kabanata 5
NASA canteen na kami ni Liam at kusang pumutol ang mahabang pila nang dumaan ako kaya nakapag-order kami kaagad. Umupo agad kami sa pandalawahang upuan after naming makuha ang lunch namin. Bumaba ang tingin ko sa food na nasa tray. Isang roasted chicken and side dish pasta, and crackers for appetizer. Gusto ko rin sanang mag-alcohol kaso bawal ang liquor dito sa loob.Susubo pa lang ako nang may mag-ring dahil sa isang call. Pagtingin ko sa harap, sinagot na ni Liam ang tawag sa kanya."Yes po, sir? Hmm, sige po." Ibinaba na niya ang tawag at malungkot na tumingin sa akin. "Ten minutes lang. Babalik din ako kaagad."I rolled my eyes. "Fine."Tumakbo siya na naging dahilan ng pagkabangga niya sa isang upuan. Nasubsob tuloy siya sa sahig. Agad naman siyang tinulungan n'ong lalaking dumaan. "Salamat, bro."Nanliit ang mga mata ko sa lalaking tumulong kay Liam. Oh my God. Akalain mo iyon, dito pa talaga kami magkikita.Naka-side view lang siya pero ang lakas ng sex appeal. Matangkad, kayum
last updateLast Updated : 2020-08-19
Read more
Kabanata 6
PUMUNTA kami sa isang luxury condominium para samahan si Van na mag-check-in para sa pansamantala niyang titirhan. Uuwi na rin ako kaagad pagtapos nito. Nasa grand lobby siya habang nakapila sa reception area. Saglit ko muna siyang iniwan at nag-ikot-ikot sa entry hall. Mataas ang dingding, nasa fifteen feet siguro, at may malaking chandelier. Sa center view, may fountain at pinaiikutan ng golden statue na dove bird habang tinututukan ng spotlights.Nagtungo naman ako sa outdoor area dahil ang daming tao roon kahit gabi na. Meron silang tatlong swimming pool at gazeebo. Feeling ko, mas kailangan kong mag-stay rito dahil ang presko ng ambience. Humiga ako sa poolside lounger at nilanghap ang masarap na simoy ng hangin.Kaso lang, hindi ako makapag-relax nang maigi dahil maraming distraction sa paligid. May mga magkakaibigang nag-aasaran, mga couple na naghahabulan, at mga pamilyang nagtatawanan.Nag-flash ang alaala ko kay Daddy na kung saan ay kompleto pa kami at masaya."Daddy, I want
last updateLast Updated : 2020-08-19
Read more
Kabanata 7
TAAS-NOO ako habang naglalakad. Nakasuot ako ng mahabang blue T-shirt na hanggang puwetan ang laylayan at pajama na kulay black. Ngayon lang ako nakapagsuot ng ganito ka-baduy na damit. Mabuti na lang ay may nahiraman ako, at mabuti na lang din ay mahusay ako pagdating sa fashion.I was wearing a four-inch heels, black necklace, and earrings. I also put light makeup. And tiniklop ko rin ang dulong bahagi ng pajama ko para mas umigsi. Kung hindi ko gagawin ito, magmumukha akong manang.Pagkababa ko ng elevator ay marami na kaagad nakakilala sa akin. Tinuturo nila ako sa kasama nila at may ibang kumuha sa akin ng larawan. Mabuti na lang ay kakaunti pa ang tao dahil alas-siyete pa lang ng umaga. Sana hindi maulit ngayon ang nangyari sa akin kahapon sa Robinson. Medyo nakakadismaya, ang daming nawalang gamit sa akin. Hindi ko alam kung ninakaw o nahulog lang.Umupo ako sa pang-isahang stool. Ang dalawang bodyguard ko ay nasa malayo at pasimpleng tinitingnan ako. Twelve years old pa lang ak
last updateLast Updated : 2020-08-30
Read more
Kabanata 8
KAKATOK pa lang ako sa pintuan nang bigla itong bumukas. Napahawak ako banda sa puso ko at umatras nang ilang hakbang. Ewan ko ba, napakamagugulatin ko kahit kailan."Ona, 9 a.m. pa lang," aniya, masungit ang boses.Tumango ako. Tama, super aga pa. "I'm hungry na. Hindi kasi nakapagluto si Vanilyn ng breakfast."Bumaba ang tingin niya sa suot ko. He seemed satisfied sa simpleng suot ko—maluwag na T-shirt at pajamas. For the past few weeks ay naging uniform ko na ito. Pinalaki niya ang espasyo ng pinto para makapasok ako.It was my first time na pumunta nang ganito kaaga sa condo niya. Madalas kasi ay tanghali ako nanggugulo.Pinagmasdan ko ang malinis niyang room. Naka-arrange ang lahat ng unan na ginulo ko kahapon. Pati ang mga plastic ng chichirya na pinagtatapon ko sa sahig, malinis na, kaya parang ang sarap ulit binyagan. Umupo ako sa sofa at kinuha ang remote control."Anong breakfast ang gusto mo?" aniya. Bukod sa mahusay siyang maglinis ng kinalatan ko, kaya rin niyang magluto n
last updateLast Updated : 2020-08-30
Read more
Kabanata 9
Review "10 am pa lang," sabi ni Seth gamit ang masungit na boses. Nakasout siya ng terno na pangtulog at nakabukas pa ang dalawang  botones sa itaas. Magulo rin ang buhok niya. But he smells so nice kahit hindi siya mag-perfume. Mukhang dumikit na sa katawan niya 'yong ginagamit na shower gel. 
last updateLast Updated : 2020-08-30
Read more
DMCA.com Protection Status