Nakahiga ako ngayon sa malambot kong kama habang nakatalukbong sa comforter. I have two feather lampshades besides me na nagsisilbing liwanag sa buong bedroom ko.
Hindi ako kumain ng hapunan. Idinahilan ko na lang sa kanila na busog pa ako. Pero sa totoo lang, nakakawalang gana. Kahit yata pag-inom ng tubig ay nakakatamad.
Huminga ako nang malalim at tiningnan ang perpektong nail polish ko.
Kung gaano ako katamad kumilos, kabaliktaran naman n'on ang utak ko. Ang dami kong iniisip na walang ibang ginawa kundi manakit ng puso.
Sa totoo lang, kaya kong tiisin ang mga paninira sa akin sa social media, pero ang mga pananalita sa akin ng pamilya ko? Hindi ko kaya.
I tried to please them ever since Lola Lou said what my fate is gonna be. Magmula kasi noong bata pa ako pagkatapos sabihin ang tungkol sa ka-red string ko, parang hindi na ako belong sa family ko.
We have the same blood running through our veins and we shared the same surname, but our desires and thoughts are far different than each other. Lagi kong ramdam na mag-isa lang ako kapag kasama ko sila. Ang mga pinsan ko ay hindi ko ka-close, pero si Maximo naman ay sobrang kadikit nila palagi. At kapag tinitingnan ako ng mga tito at tita ko, kahit hindi sila magsalita ay ramdam ko sa kaloob-looban ko ang pangungutya at pagkainis nila sa akin.
Simula kasi noong aminin ni Lolo Alfonso sa kanila na farmer ang ka-red string ko ay mabilis na nag-switch ang pakikitungo nila sa akin. Kahit wala pa naman akong nagagawang kasalanan noon ay sinasabihan na nila akong black sheep. I've always tried to prove them wrong, pero never nilang in-acknowledge ang actions ko. Kaya naman ito ang nangyayari sa akin ngayon. I've become what they've always say and think about me.
They always made me feel like I'm the worst person in our family. Kaya naman ito ang realidad ko ngayon.
Tumagilid ako ng higa. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay lumitaw sa isipan ko ang magandang mukha niya. Bumilis ang tibok ang puso ko. Parang mali.
Kinuha ko ang iPhone ko at may id-in-ial na number. Dalawang beses itong nag-ring bago sagutin. I needed him as my love advisor, don't get me wrong.
"Hello?" Maganda at malalim ang boses niya. Pumikit ako. Nakaramdam kaagad ako ng kapayapaan sa isang salita lang niya. "Sino 'to?"
Siguro, kung magkakaroon kami ng mahabang usapan ay baka makalimutan ko kahit saglit ang problema ko. Nakamamangha kasi talaga ang boses niya.
"Onalisa Gwen." Wala akong responde na narinig. Tiningnan ko pa ang screen ng iPhone ko para matiyak kung may kausap pa ba ako o wala na. "Hello? Si Seth ba 'to?" I wanted to make sure. Baka pinagti-trip-an lang niya ako noong ibinigay niya ang number niya.
"Yes. Bakit ka . . . napatawag?"
Napalunok ako. Tangina, bakit ako kinakabahan? Wala namang mali sa pagtawag ko, a?
Fine. Medyo nahihiya ako. Pero slight lang naman. "Sabi mo, tawagan kita kapag kailangan ko ng love advice. Well, I need you right now." Napakagat ako sa ibabang labi ko. Nagiging conscious ako sa sarili ko ngayon. Feeling ko, pangit ang tone of voice ko.
"Patungkol ba 'to sa boyfriend mo ngayon?" aniya.
Aba, ano ba'ng akala niya sa akin, papalit-palit ng lalaki? "Yes, sa 'min ni Sandro."
"Wait lang, lalabas ako. Bakit kasi 1 a.m. ka pa tumawag?"
"At bakit naman gising ka pa?" nakangising sabi ko kahit hindi naman niya nakikita.
"I can't sleep."
"Same here."
Tumayo na rin ako at lumabas din sa may balcony. Narinig ko pa ang pagtahol ng mga aso sa kabilang linya. So, marami siyang dogs? Ano kaya'ng breed?
"Ano'ng itatanong mo?"
Umupo ako sa wooden stool na naroon at tumingala sa mga bituin. Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa di-maipaliwanag na dahilan. "Naalala mo 'yong huli nating pag-uusap? Tinanong mo ako kung na-meet ko na ang parents niya."
"I remember that."
"For two years of being in a relationship with him, my answer is no. Kaya naman niyaya ko siya sa theatre para makilala niya ang mga pinsan at tito ko. Pumayag siya, pero agad ding nagbago ang isip." Nilamig ako sa pagkakaupo ko kaya pumasok akong muli sa kuwarto at kumuha ng shawl para ibalot sa katawan. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa sobrang lamig. "And now, I've realized why."
"Why?"
Dalawang oras kaming nag-usap. Hindi ko ine-expect na marami akong makukuwento. Akala ko nga, mabo-bore siya. Pero habang tumatagal, parami nang parami ang tanong niya. Halatang interesado siya. At gusto ko rin ang mga advice.
Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Nakalimutan ko saglit ang problema ko.
"Salamat, Seth."
"You're welcome, ma'am."
***
ALAS-kuwatro ng madaling-araw nang magising ako dahil sa masamang panaginip. Nalipat ang atensiyon ko sa malaking picture frame na nakadikit sa tapat ng kama ko.
Isang babaeng may misteryosong mukha at may ngiting nagbabago. Kapag masaya ka, masaya ang ngiti nito. Kapag malungkot ka, malungkot din ito. Nag-iiba ang ngiti depende kung paano mo ito gustong tingnan. And she was just like my reflection.
Mona Lisa is one of the famous paintings in the universe. At sa painting na ito nakuha ni Daddy ang pangalan kong
Onalisa.At kung tatanungin kung anong ngiti ang nakikita ko sa kanya? Naka-fake smile siya. Masaya siya sa panlabas na anyo, pero puno ng dark clouds ang puso.
Masaya naman ako sa pag-uusap namin ni Seth kanina, pero bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko?
"Ma'am Onalisa!"
Agad akong napabalikwas sa aking pagkakahiga dahil sa sigaw ng aming katulong. Umiiyak siya habang nakahawak banda sa puso dahil sa paghahabol ng hininga. Mukhang tumakbo pa siya paakyat ng floor.
"Si CEO—" Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin dahil sa pag-iyak.
"Ano'ng meron kay Daddy?"
"Bumagsak ang eroplanong sinakyan niya." Bigla itong lumuhod. "Sorry, ma'am, wala na po ang daddy mo. Wala na po si CEO Christopher."
***
Nasa isang island kami kung saan ay siyam na oras ang biyahe mula sa Manila. Nakaupo ako sa buhanginan habang nakatulala sa alon ng tubig. Maingay ang paligid dahil maraming search-and-rescue team at pulis na nag-iimbestiga. Pahirapang makilala ang mga bangkay dahil sunog na ang mga ito at lumobo pa ang katawan dahil sa tubig.
One hundred eight ang sakay ng eroplano at twenty-five pa lang ang nahahanap. Sa ilalim ng dagat kasi ito bumagsak kaya naman delikado kung lulusungin pa.
Malakas ang alon at may bagyong paparating ayon sa weather forecast kaya naman ay umaasa na lang kami sa mga lulutang na katawan.
"You should take a rest." Mainit ang kamay ni Sandro na lumapat sa likuran ko. "Pinapalit ko ang room mo sa mas malaking suite."
Bigla akong napatayo nang may makitang katawan sa dagat. "May bangkay sa malaking bato!" sigaw ko sabay turo sa gawing iyon. Isang rescue team agad ang pumunta roon gamit ang maliit na bangka. Marami rin ang pumunta sa gilid ng dagat para salubungin sila.
"Ona, it's been two weeks. You should take your rest, please."
Huminga ako nang malalim. "Malaki na ako. Hayaan mo ako sa buhay ko." Hindi ko alam bakit pa niya ako bine-baby. Hindi naman siya ang magulang ko para mangialam nang ganito. At hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa niya rito. Si Tita Susane at si Maximo nga, tatlong araw lang nag-stay sa island.
"Hindi gusto ni CEO na magkasakit ka."
Tumalim ang tingin ko sa kanya. Magkahalong galit at kirot ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko siyang maglaho sa paningin ko. "Hindi mo alam ang gusto niya para sa 'kin."
"I know what he wanted for you. He wanted you safe."
Tumingin na lamang ako sa dagat. Wala akong ibang masisisi sa pagkamatay ni Daddy kundi ang pilot na nagpabagsak ng eroplano—at ang lalaking nasa gilid ko ngayon. Dahil siya ang dahilan kung bakit nangibang bansa si Daddy. Tiyak akong nandito lang siya dahil nagi-guilty siya sa nangyari.
"Onalisa . . ." Hinawakan niya ang kamay ko. Bigla akong nangilabot. Galit lamang ang namumuo sa puso ko.
"Let's break up, Sandro." Inalis ko ang kamay niya sa akin. Ilang linggo ko ring pinag-isipan ito.
Umiling lamang siya. "I won't let you decide while you're in this situation. You're just mad." He let out a sigh. "Babalik na ako sa hotel." Tinalikuran na niya ako at lumakad na palayo.
Aba! Walkout lang? Duwag talaga siya kahit kailan! Kainis!
"Kung si Daddy, nagawa mong gamitin para sa ikakayaman mo; puwes ako, hindi!" Kung naririnig lang kami ni Seth, siguradong proud siya para sa akin dahil ang dami kong na-realize sa mga advice niya.
Tumigil siya sa paglakad. May isang metro pa lang ang layo namin kaya tumakbo ako palapit at humarang ako sa harapan niya. "Wala na si Daddy kaya wala na akong silbi sa 'yo! I can't help you build your business empire so it's better for us to part ways!"
"You're not getting it, Onalisa. It's not about the money."
"Talaga? Samantalang hindi naman maaaksidente si Daddy sa eroplano kung hindi lang niya ginustong tulungan ka sa business mo!"
"Walang kinalaman ang daddy mo at ang business sa relasyon natin." Mahina ang boses niya at mabagal na parang nahihirapang magsalita. I saw him gulped.
Hindi ko mabasa ang ibig sabihin ng mga mata niya. Para bang puno ng misteryo.
"Nagkakamali ka, Sandro. Malaki ang kinalaman ng dalawa kung bakit naging tayo," sagot ko. May namumuo nang luha sa mga mata niya. Kung gaano siya nasasaktan sa mga sinasabi ko ay ganoon naman ako kasabik na magpakatotoo. "Kung hindi dahil kay Daddy at sa business . . . malamang na walang tayo, tandaan mo 'yan!"
Umiling siya. I could see the ghost of pity and sadness in his eyes no matter how he denied it. "You're just mad about what happened to your father. Clouded lang ang utak mo ngayon because you're mourning about what happened."
"Sandro, we never celebrated monthsary and anniversary. You never bought jewelry or heels for me. And you never invited me to watch cinemas or go to romantic places. You're so plain and boring. Tell me . . . how can I like you?
Huh? Did you ever treat me like a . . . princess?"Seth, nasaan ka na ba? Bakit ang bilis kong natuto sa mga lesson mo sa akin?
"Hindi mo naman hiniling ang mga 'yan," was his lame excuse.
"Hindi ka lang pala plain and boring. Wala ka rin palang common sense." I sighed. "Si Daddy lang talaga ang dahilan kaya naging tayo."
"Ona . . . alam kong minahal mo ako."
"Kung totoo man, bakit wala akong maramdaman dito?" Sabay hawak ko banda sa puso. "My heart is empty for two years because of you, Sandro. Never kong naramdamang minahal kita kasi never mo akong binigyan ng dahilan para mahalin ka. You know what? Mag-focus ka na lang sa mga pangarap mo. I hope this will be our last talk. Thanks for not-so-memorable memories with you. I will never regret breaking up with you."
Umalis na ako. Binilisan ko ang pagtakbo para matiyak na hindi niya ako masusundan. At tama nga—hindi niya ako pinigilan. Pinatunayan lang niya lalo na wala akong halaga.
Nagtago ako sa malaking puno at doon umiyak. Dahil sa mataas na pangarap ni Sandro ay napahamak si Daddy. Bakit ba kasi ang pursigido niyang mag-business? Bakit gusto niyang maging successful nang sobra? He is still young. Hindi ba niya na-realize na pansamantala lang ang kayamanan sa mundong ito?
Kung iibig ako ulit, gusto ko iyong lalaking may simpleng pangarap lang pero mahal ako nang husto.
Seth was right. There's someone half-openbetter for me. Someone who will treat me like a princess.
Kinuha ko ang iPhone ko at id-in-ial ang number niya. Wala pang limang segundo ay sinagot na niya.
"Seth . . ."
NAGBALIK ako sa baybay-dagat para magtanong kung ano na ang balita. Lumakad ako kung saan nagkukumpulan ang mga tao. Pinilit kong i-divert ang atensiyon ko sa ibang bagay at naging matagumpay naman ako. Isang batang lalaki ang nahanap nilang bangkay ngayon. Halos bumaligtad ang sikmura ko dahil pipi ang ulo at bukas ang bituka. "Anak ko! Hindi maaari! Hindi!" Nanginginig ang ina ng bata habang pinakakalma siya ng mga awtoridad. Halos lahat ng tao rito ay naluluha na rin dahil sa nasaksihan. Tumaas ang balahibo ko dahil sa pangingilabot. Ayokong makita si Daddy sa ganitong estado. Hindi ko siya hahawakan o titingnan man lang kung ganito lang din. Naka-black suit and red tie si Daddy noong huling nakita ko siya. Maganda ang ngiti niya at hinalikan ako bago kami maghiwalay ng sasakyan. Ito ang huling memorya na gusto kong makita. I didn't want to see his dead body kung lasog-lasog lang din naman. I just can't. Napapunas ako sa gilid ng mata ko at lumakad na palayo. Tinanaw ko ang ka
NASA canteen na kami ni Liam at kusang pumutol ang mahabang pila nang dumaan ako kaya nakapag-order kami kaagad. Umupo agad kami sa pandalawahang upuan after naming makuha ang lunch namin. Bumaba ang tingin ko sa food na nasa tray. Isang roasted chicken and side dish pasta, and crackers for appetizer. Gusto ko rin sanang mag-alcohol kaso bawal ang liquor dito sa loob.Susubo pa lang ako nang may mag-ring dahil sa isang call. Pagtingin ko sa harap, sinagot na ni Liam ang tawag sa kanya."Yes po, sir? Hmm, sige po." Ibinaba na niya ang tawag at malungkot na tumingin sa akin. "Ten minutes lang. Babalik din ako kaagad."I rolled my eyes. "Fine."Tumakbo siya na naging dahilan ng pagkabangga niya sa isang upuan. Nasubsob tuloy siya sa sahig. Agad naman siyang tinulungan n'ong lalaking dumaan. "Salamat, bro."Nanliit ang mga mata ko sa lalaking tumulong kay Liam. Oh my God. Akalain mo iyon, dito pa talaga kami magkikita.Naka-side view lang siya pero ang lakas ng sex appeal. Matangkad, kayum
PUMUNTA kami sa isang luxury condominium para samahan si Van na mag-check-in para sa pansamantala niyang titirhan. Uuwi na rin ako kaagad pagtapos nito. Nasa grand lobby siya habang nakapila sa reception area. Saglit ko muna siyang iniwan at nag-ikot-ikot sa entry hall. Mataas ang dingding, nasa fifteen feet siguro, at may malaking chandelier. Sa center view, may fountain at pinaiikutan ng golden statue na dove bird habang tinututukan ng spotlights.Nagtungo naman ako sa outdoor area dahil ang daming tao roon kahit gabi na. Meron silang tatlong swimming pool at gazeebo. Feeling ko, mas kailangan kong mag-stay rito dahil ang presko ng ambience. Humiga ako sa poolside lounger at nilanghap ang masarap na simoy ng hangin.Kaso lang, hindi ako makapag-relax nang maigi dahil maraming distraction sa paligid. May mga magkakaibigang nag-aasaran, mga couple na naghahabulan, at mga pamilyang nagtatawanan.Nag-flash ang alaala ko kay Daddy na kung saan ay kompleto pa kami at masaya."Daddy, I want
TAAS-NOO ako habang naglalakad. Nakasuot ako ng mahabang blue T-shirt na hanggang puwetan ang laylayan at pajama na kulay black. Ngayon lang ako nakapagsuot ng ganito ka-baduy na damit. Mabuti na lang ay may nahiraman ako, at mabuti na lang din ay mahusay ako pagdating sa fashion.I was wearing a four-inch heels, black necklace, and earrings. I also put light makeup. And tiniklop ko rin ang dulong bahagi ng pajama ko para mas umigsi. Kung hindi ko gagawin ito, magmumukha akong manang.Pagkababa ko ng elevator ay marami na kaagad nakakilala sa akin. Tinuturo nila ako sa kasama nila at may ibang kumuha sa akin ng larawan. Mabuti na lang ay kakaunti pa ang tao dahil alas-siyete pa lang ng umaga. Sana hindi maulit ngayon ang nangyari sa akin kahapon sa Robinson. Medyo nakakadismaya, ang daming nawalang gamit sa akin. Hindi ko alam kung ninakaw o nahulog lang.Umupo ako sa pang-isahang stool. Ang dalawang bodyguard ko ay nasa malayo at pasimpleng tinitingnan ako. Twelve years old pa lang ak
KAKATOK pa lang ako sa pintuan nang bigla itong bumukas. Napahawak ako banda sa puso ko at umatras nang ilang hakbang. Ewan ko ba, napakamagugulatin ko kahit kailan."Ona, 9 a.m. pa lang," aniya, masungit ang boses.Tumango ako. Tama, super aga pa. "I'm hungry na. Hindi kasi nakapagluto si Vanilyn ng breakfast."Bumaba ang tingin niya sa suot ko. He seemed satisfied sa simpleng suot ko—maluwag na T-shirt at pajamas. For the past few weeks ay naging uniform ko na ito. Pinalaki niya ang espasyo ng pinto para makapasok ako.It was my first time na pumunta nang ganito kaaga sa condo niya. Madalas kasi ay tanghali ako nanggugulo.Pinagmasdan ko ang malinis niyang room. Naka-arrange ang lahat ng unan na ginulo ko kahapon. Pati ang mga plastic ng chichirya na pinagtatapon ko sa sahig, malinis na, kaya parang ang sarap ulit binyagan. Umupo ako sa sofa at kinuha ang remote control."Anong breakfast ang gusto mo?" aniya. Bukod sa mahusay siyang maglinis ng kinalatan ko, kaya rin niyang magluto n
Review"10 am pa lang," sabi ni Seth gamit ang masungit na boses. Nakasout siya ng terno na pangtulog at nakabukas pa ang dalawang botones sa itaas. Magulo rin ang buhok niya. But he smells so nice kahit hindi siya mag-perfume. Mukhang dumikit na sa katawan niya 'yong ginagamit na shower gel.
Bodyguard"Seth, may Facebook ka ba?"Nakasout siya ngayon ng apron at sa loob nun ay may sandong puti. Nandito kami ngayon sa kusina at pinapanood ko siyang mag-bake ng bread. Ang dami talaga niyang talent. Kaya niya gumawa ng meal and pasta. Tapos ngayong bread? Mukhang mabubuhay na ako kahit siya lang ang kasama. "Huwag mo na akong i-add." Pinindot niya yung timer no'ng oven."E sige na! Para naman—dumami friends ko sa Facebook." Shit, wala pala akong Facebook. "Wala akong Facebook," aniya. Parehas pala kami! No doubt, kaya bagay kami. "Gano'n ba. Hmmm, puwede ba akong magtanong about sayo." Kailangan ko siya makilala ng lubusan. Last day na niya rito sa 5-star hotel. Kahit address o contact number man lang gusto ko malaman. "Ano 'yon?""Ilan kayong magkakapatid, anong trabaho ng magulang mo, at taga-saan ka?" Sa kada lapit ko ay siya namang pag-iwas niya. Pumasok naman siya ngayon sa kwarto. Nagdadalawang isip ako kung susundan ko pa rin siya, at dahil wala namang kaming masam
Truth"ALAM mo Onalisa, napanaginipan ko siya." Tinutukoy na naman ni Vanilyn 'yong bodyguard niya. Para siyang sirang plaka dahil 24hours niya 'to nasaisip. Hindi na ako magtataka kung pati sa panaginip niya nandoon 'y
EngagementISANG INVITATION ang natanggap namin mula kay Lolo Alfonso. Nasa hapag kainan kami ng i-abot sa 'min ng katulong ang envelope na may expensive na design.
NapunitSI SETH ANG driver ko ngayon papunta sa Solaire Resort. Napagod 'yong dalawang bodyguard ko sa pag-drive nila ng ilang oras sa Baguio kagabi kaya binigyan ko muna sila ng whole day rest. At isa pa, gusto ko rin talaga
PaintingNapag-pasyahan naming bumyahe pauwi dahil masyadong malayo ang Baguio sa Manila. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit dito ko pa naisipang mag dinner date namin ni Lolo, kitang matanda na 'yong tao at mabilis mabagot s
Red stringNag-set ako ng dinner date namin Lolo Alfonso para humingi ng tulong. Kinontact naman ako ng secretary niya at pumayag daw 'to. Kaya agad akong nag-ayos. Sinuot ko ang pink open shoulder maxi floral dress, naka pon
MysteriousDITO kami nagkita ni Liam sa bahay para less gastos at walang media na makasunod sa akin.
Industrial EspionageNandito kami ngayon sa isang chapel home na may 20ft na taas at 75square meter. Gold ang naka-engrave sa pader at may mataas na kulay pulang kurtina ang nakasabit sa bawat silid. Mayroon din fountai
KissedPagkalabas ni Sandro sa pintuan ay agad ko 'tong ni-lock. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan tumingin sa likod kung sa'n umaakyat si Seth sa railings ng balcony. Aatakihin ako sa puso sa ginagawa niya, paano kung bi
Unconditional love"MA'AM, pinapatanong po ni Seth kung nasa'n ka?" sabi ni Ugi habang nagda-drive.
Last Will and TestamentKA-VIDEO call ko si Vanilyn. Na sa airport siya at mamaya na 'yong flight nila pauwi ng Pilipinas.