NASA loob kami ng isang sedan stretch limousine na kayang mag-accommodate ng walong tao. Pa-letter C ang sofa at mayroong flat screen TV at bar station. Personal car ito ni Daddy—gamit niya kapag pumupunta sa airport. Ginamit lang namin ito ngayon dahil naglambing si Tita Susane. Overexposed na raw kasi sa camera ang ibang cars namin kaya mas mainam kung may bagong maipakita sa media.
Si Maximo naman ay kanina pang tulala sa bintana. He is eighteen years old and I'm six months older than him. 5'8" ang height niya, mapayat, tisoy, at malalim ang mga mata. Tahimik siya at masunuring bata. Never siyang nag-break ng rules sa bahay. Hindi siya kilala sa social media kaya hindi niya kailangan ng bodyguard hindi gaya ko.
Parehas lang naman kami ng tinitirhan pero sobrang layo ng status ko sa buhay niya. Ganoon ba talaga kapag magkaiba ng mommy?
"Maximo, kagabi ka pang tulala. May problema ba?" tanong ni Tita Susane.
"Wala, Mama." Umayos na ito ng pagkakaupo at ch-in-eck muli ang phone.
"May problema ba kayo ni Cherry?" Max didn't respond.
Nagtagpo ang tingin namin ni Tita Susane. Mabilis na umiiba ang ekspresyon niya kapag napapatingin sa akin. Tila ba ay may lumilitaw na sungay sa ulo niya.
"Did you tell Sandro about the invitation?" she asked.
"Mamaya na lang po—"
"Anong mamaya? Dapat nga, last week mo pa sinabi 'yan. Wala lang ba sa 'yo ang pagpunta sa mansion? Ten years ago pa kayo huling nagkita ni Chairman Alfonso. Kailangan mong maging presentable. At kailangang mapatunayan ni Sandro na worth it siya dahil 'yang unang pasok niya sa mansion ay baka huli na!"
Matipid akong ngumit kasi sinesermunan na naman niya ako. "I'm confident naman po. I know him really well."
Tumaas ang kilay niya. Nayabangan yata sa sagot ko. "And besides, si Jonas nga, anim na beses nagdala ng babae, hindi lahat pumasa kay Chairman. Kapag babae ang dadalhin, dapat mahinhin at mala-Maria Clara ang standard. Kapag lalaki, dapat kayang magparami ng business, hindi magparami ng lahi."
"Mama, magaling si Sandro sa business. You don't have to worry," segunda ni Maximo. Bahagya akong ngumiti. Kaya nga confident ako.
"Okay, fine, son! I'll keep quiet."
Kinuha ko ang iPhone ko sa hand bag at nagtipa sa screen.
To Sandro;
Where are you?
From Sandro;
Kakatapos ko lang sa work.
Susunduin ko si Mama pagtapos dederetso na kami diyan.
From Sandro;
Why? May ipapabili ka ba? Or what?
To Sandro;
I just want to check if you're really coming.
Ibinalik ko na ang iPhone ko sa lalagyan nito. Sumilip na lamang ako sa bintana kung saan halos hindi na makaabante pa ang mga sasakyan dahil sa traffic.
First time kong makikilala ang mother ni Sandro. At first time rin niyang makikita sa personal ang mga pinsan, tito, at tita ko.
Thanks to Mr. Love Expert—ch-in-allenge niya ako. Na-realize kong kailangan nga talagang magkakilala ang mga magulang namin.
***
Nasa harapan na kami ng Kia Theater sa Cubao. Nakadikit ang isang malaking poster na may nakalagay na 'Featuring the Stars from Magic Ballet. Allesandra Gwen and Jonas Gwen. Accompanied by the Youth Dreamers' at may standee na larawan ng kambal habang nakasuot na pam-ballet.
Pagkababa namin ng sasakyan ay sinalubong kaagad ako ng mga camera. Bumalandara ang mahaba kong black off-shoulder dress na may ostrich feathers. May extension ang straight kong buhok na umabot hanggang puwetan. Naka-heavy makeup ako with brown eyeshadow and violet lipstick. Mas pumayat akong tingnan at mas na-highlight ang cheekbones ko dahil sa contour.
Napanganga ko na naman ang mga photographer dahil sa outfit of the day ko. Nag-stay kasi ako sa bahay nang ilang araw kaya hayun, I tried to be productive. I made my DIY dress.
Naunang lumakad si Tita Susane sa loob ng theater. Nakasuot siya ng navy blue dress. Si Maximo naman ang nasa likuran niya na mukhang wala pa rin sa mood.
"Ms. Gwen, may we interview you? From Most Likely to Asks' Magazine po." Mga tatlong reporter pa ang lumapit sa akin at apat na photographer.
Hindi ako familiar sa name ng magazine nila but I have time naman to entertain them.
I gave them my brightest smile. "Sa'n ba may magandang lightings and couch? Please. Gusto kong maupo while you're interviewing me." Mas suportado ko ang small and local entertainment kaya mag-i-invest ako ng time for them.
Pinaupo nila ako sa isang single lobby chair at may dalawang stand light na nakatutok sa akin. Nakapila ang mga reporter na mag-i-interview sa akin. Lahat sila ay may dalang ID ng company at nakasuot ng office attire.
"Ms. Onalisa, how's your day before you arrive here?"
"I feel good! The weather is in favor of me right now." Lahat sila ay tumawa.
"As a part of the Gwen family, how close are you with Allesandra and Jonas?" another reporter asked.
Itinaas ko ang wedding finger at middle finger ko nang sabay. "This two finger is the hardest to separate among the other fingers. That's how I define my relationship with them. We're inseparable cousins." I demonstrated kung gaano kahirap paghiwalayin ang dalawa. "See?" May mga gumaya sa akin at halos lahat ay tumango at may ilang tumawa.
Marami pa silang mga itinanong na may kinalaman sa concert. They asked how often I watch ballet, if I've watched Allesandra and Jonas doing their practices, etcetera. Hanggang sa maupo ang isang reporter na unang nag-approach sa akin kanina from Most Likely to Asks' Magazine.
"Bale, ma'am, ito pong mga itatanong ko ay most searched questions po sa 'yo. Kinuha po namin ito mula sa iba't ibang platform, like G****e, F******k, Twitter, and Survery po."
"Wow, go." Pilit ang ngiti ko.
"Pumili po kami ng top ten questions. If hindi po kayo makasagot within five seconds, we will proceed to the next questions. You may give us short and honest explanation."
"No problem," nagkibit-balikat na sagot ko.
Binuksan nito ang hawak na tablet. "Top one on the list: Who is your boyfriend?"
"Sandro Cecilio," mabilis kong sagot.
"How rich are you?"
"Rich enough to be interviewed by you." Ayokong magbigay ng information regarding sa financial status namin, it attracts enemies.
"Who is your father?" ang pangatlong tanong.
"Really?" di-makapaniwalang tanong ko. "Hindi ba nila kilala si Christopher Gwen?"
Napansin ko ring pumasok na sina Allesandra at Jonas. Pinasadahan nila ako ng tingin. Tumaas ang kilay ni Allesandra sa akin at si Jonas naman ay may bahid ng disappointment. Hindi ko alam kung bakit ganyan sila makatingin, nakaupo lang naman ako rito. Wala naman akong ginagawang masama, a?
"Do you kiss in public?"
Nangunot ang noo ko. Bakit naman ise-search ng mga tao iyan?
"Okay, next question," sabi ng interviewer. Naka-five seconds na pala ako.
"I've never kiss anyone . . . on the lips," sagot ko pa rin kahit tapos na ang tanong.
Napa-O ang mga bibig nila. Kahit isang tao lang ang nagtatanong sa akin ay nagsusulat na rin sa notes ang ibang reporter.
"Do you have I*******m?"
"Onalisa dot Gwen."
"Have you met your real mother?"
Hindi ako nakasagot agad. Natahimik ako.
Lumampas na naman nang five seconds.
"Okay, next question—"
"No," mabigat na sagot ko habang nakatitig sa sahig. "But I wanted to meet her soon."
Pag-angat ko ng tingin, nakita kong tumango ang karamihan.
"Hey!" Sumingit ang isang teenager na nanonood sa akin. "Kapag ba na-in love ka sa mahirap ay hihiwalayan mo rin katulad ng ginawa ni CEO sa mama mo?" Hindi siya reporter katulad ng iba kaya masyadong bastos ang boses.
I want to say 'yes' to her answer pero pinigil ko lang ang sarili ko dahil isang salita ko lang ay makakaabot na ito sa libo-libong mga tao.
Ngumiti ako nang sobrang pilit sa kanya at sa ibang may hawak ng camera.
"Siyempre, hindi," nakangiting sagot ko.
"Tsk, plastic."
Biglang naglaho ang ngiti ko at sinubukang huwag magtaray kahit pa kusa nang tumataas ang kilay ko sa narinig kong sagot ng intrimitidang iyon.
"Don't mind her," sabi ko na lang sa mga interviewer.
Umalis na rin naman iyon. Medyo nag-init ang pisngi ko dahil sa sandaling kahihiyan. Bakit ba kasi sinagot ko pa, hindi naman siya valid para magtanong sa akin?
"Ma'am, last question na lang po," sabi ng reporter.
"Yes?" Punit na ang pagkakangiti ko. Handang-handa na talaga akong tumayo sa pagkakaupo ko dahil sa pagkairita.
"Is it true that you almost killed your classmate?"
Nanlaki ang mga mata ko. Dumoble ang tibok ng puso ko at parang nag-flashback sa akin ang nangyari sa school that time.
"Nasa'n na ang salamin ko? Nasa'n na!"
"Hanapin mo mag-isa. Buti nga sa 'yo."
"Fuck you! Ang layo ng ugali mo sa daddy at kapatid mo! Ampon ka yata, e!"
Sa sobrang kaba, hindi ko namalayang tinutuktok ko na ang aking mga daliri sa hita ko.
"H-hindi ko alam 'yan," nag-aalinlangang sagot ko.
"May kumakalat pong article na dumugo ang ulo ng kaklase mo nang itulak siya sa hagdanan."
Tumawa ako nang malakas sa kahibangang iyon. Isang tawa na may kasamang pait. "Ilong ang dumugo sa kanya at hindi ulo! At hindi ko siya itinulak sa hagdanan—isang suntok lang ang nagpataob sa kanya. Next time, paki-research nang mabuti ang sinasabi n'yo, ha?" I corrected them.
Katahimikan ang bumalot sa buong lobby. Unti-unti, na-realize kong maling nagpaliwanag pa ako.
"Bakit mo po sinuntok?" tanong ng isa pang reporter. "Ibig sabihin, totoong muntik ka nang makapatay?"
Napalunok ako. Parang tinahi ang bibig ko dahil ayaw na nitong bumuka pa. Ang hirap mag-explain sa mga tao na ang gusto lang mangyari ay bumagsak ka. Dahil kahit ano'ng sabihin mo, papaikot-ikutin lang nila ang kuwento hanggang sa lumabas na ikaw pa rin ang mali.
Ramdam ko ang pamimigat ng ulap sa puso ko. Kaunti na lang ay sasabog na ito.
Isang kamay ang humila sa pupulsuhan ko.
"Daddy . . ." napaos kong sabi. Hinila niya ako hanggang sa makapasok na kami sa loob ng theater. Mabuti na lang at hindi na nakasunod sa amin ang mga reporter. Baka magkaroon pa ako ng heart attack kapag nangyari iyon.
I sniffed and tried to prevent my tears from falling.
"I'm trying to explain my side pero mali pa rin ako!" sabi ko at hindi ko napansing napataas pala ako ng boses.
Tumigil kami ni Daddy sa gilid. May nakamasid sa aming dalawang bodyguard na dalawang metro ang layo sa amin.
"They just want money, they don't care about the facts. Mas pipiliin nila kung ano ang controversial dahil mas malaki ang makukuhang pera doon," paliwanag ni Daddy. "Hindi mo kailangang magpaliwanag sa kanila, Onalisa, naiintindihan mo?"
Oo, hindi ako artista, pero interesado ang maraming tao sa kung paano ako mamuhay. Kaya nga pinagkakakitaan ako ng mga reporter. Ang nakakainis pa ay madalas OA ang mga kuwento nila.
Kumain lang ako noon sa fast food resto, ang labas naman sa Internet ay sa karinderya ako kumain. May kasabay lang ako sa pagtawid na lalaki, ang labas naman sa Internet ay may ka-holding hands akong guwapong lalaki.
Kaya naman ang nangyari na interview kanina ay hindi na talaga bago sa akin. Iyong tipong ilong ang dumugo kay Danica pero ulo ang dumugo na nag-trending. Sinuntok ko lang siya sa pisngi, pero ang dating, itinulak sa hagdan. I know, dapat nasanay na ako, but I don't get why they want me to be the bad person here?
Sa panahon ngayon, mas mabilis kumalat ang fake news kaysa sa katotohanan dahil sinusuportahan ng mga tao kung ano ang masarap sa pandinig nila, mabuti man ito o masama. Pero bakit palaging nasa masama ang image ko?
"Kaya, baby, from now on, ayokong haharap ka sa mga small company. Hindi kawalan sa kanila ang mawalan ng lisensya. Kaya nga kahit ano lang ang itatanong basta kumita," dugtong pa ni Daddy.
"Sorry, Dad. Nadamay pa si Mommy . . . dahil sa akin."
Hindi siya sumagot bagkus ay niyakap lamang niya ako at hinaplos ang mahabang buhok ko.
"Dad, bakit ka pala nandito? Di ba, may flight ka mamaya?" I changed the topic. I felt guilty whenever I mention mommy to him. "Hindi ka na po ba tutuloy sa Europe?"
"I will go there after this event." Gumuhit ang lungkot sa aking labi. Sayang, akala ko pa naman, makakasama siya mamaya sa dinner.
"My representative failed to persuade our big-time investors. I need to be there personally."
"Dad, okay naman tayo rito sa Pilipinas. Why do we need to push ourselves to them if you're already successful here?" Mayaman na kami at mayaman ang buong Gwen. Kapag pinasobra sa yaman, baka naman sambahin na kami ng marami.
"It's your boyfriend's deal, not really mine. He wants to have a partnership with the first-world countries. I'm just here to help you two for your future. It's for your own good din, baby."
I rolled my eyes. Si Sandro na naman pala.
It was Sandro's fault kung bakit nahihirapan si Daddy sa ganitong trabaho. Kasalanan niya talaga ito.
Nahati sa gitna ang malaking pulang kurtina. Bumungad ang mahigit sampung katao sa stage. Pumosisyon silang lahat at naka-freeze na parang statue. Merong naka-costume as a gothic bride, a gothic witch, a gothic unicorn, and a gothic mummy in a gothic fairy tale. Horror ang kabuoan ng theme kahit malayo pa naman ang Holloween.
Lumabas si Jonas Gwen nang may fierce na mukha. Suot niya ang isang black net sheer shirt kaya obvious ang namumutok niyang katawan. Nakapangingilabot din ng balahibo dahil matalim ang mga mata niya. Kaya niyang makipagpatayan gamit lamang ang titig. Sunod na lumabas ang kakambal niyang si Allesandra Gwen. Napasimangot ako dahil parehas kami ng suot na may black feathers.
Tumingin ako sa bandang kanan ko. May aviator shades si Daddy, pero alam kong paraan lang niya iyon para matago ang nakapikit niyang mga mata. Si Tita Susane naman ay may hawak na camera, bini-video-han ang kambal. Si Maximo, nasa dulo nakaupo, seryoso ang mga mata sa panonood.
Inilipat ko naman ang tingin ko sa left side. Dalawa ang bakanteng upuan. Wala pa rin si Sandro pati ang mommy niya.
Kinuha ko ang iPhone ko at saktong may text naman.
From Sandro:
Hey, Ona, I'm really sorry. May biglaang emergency. Hindi kami makakapunta ni mama.
To Sandro:
Anong emergency?
From Sandro:
Nagkaroon ng urgent meeting sa company namin.
Sabi ko na nga ba, hindi siya sisipot. Kunwari pa siyang may emergency. Ayaw lang talaga niya. I know him too well.
***
"TITO Christopher! Thank you po sa pagdalo," masiglang sabi ni Allesandra. Nakipagbeso sila kay Dad pati kay Tita Susane. Inabot naman ni Maximo sa kanila ang regalo naming bulaklak.
"Congratulations. Naalala ko pa kung paano ko kayo sinamahang mag-enroll sa ballet school. Pinagalitan pa ako ni Eliseo," sabi ni Tita Susane. Nagtawanan lamang sila. Close talaga siya sa kambal.
"Nabanggit po pala sa 'kin ni Papa na pinangarap n'yo raw pong maging ballerina before?" Allesandra asked.
"Yes, until now," nahihiyang tugon nito.
"May chance naman po. May kakilala akong kasing-age n'yo rin na nag-aaral ng ballet lesson for health purposes. Try mo po. Pwede ring isama si Maximo."
Pinag-ekis ni Max ang mga braso niya at para siyang masusuka sa idea. "Sorry, counsin, but no."
Nag-usap pa sila ng related about school stuff. At tuwing magtatagpo ang mga mata namin ni Allesandra ay tinatarayan niya ako. Kanina ko pa napapansin na ang init ng ulo niya sa akin. Ano na naman ba'ng nagawa ko?
Lumipas ang ilang minuto ay lumapit na rin ang ilan pang miyembro ng Gwen family. Para silang mga respetadong ambassador na may sariling convoy at personal security guard.
Si Doc Danielo Gwen, ang panganay na anak ni Lolo Alfonso. Sa likuran naman niya ay si Mrs. Fresa. Nagmamay-ari sila ng isang malaking hospital dito sa NCR. Unfortunately, wala silang anak. Medyo late na rin kasing nagpakasal.
Sumunod namang lumakad ang bunsong anak ni Lolo Alfonso. Si Eliseo Gwen, ang magulang nina Allesandra at Jonas. Kamukhang-kamukha niya si Lolo. Nakakatakot ang mga mata at halatang malalim ang iniisip, parang si Jonas lang. Marami siyang business pero hindi ganoon kalalaki.
It's pretty obvious that my dad is the most successful among them.
"Nagpaunlak ng dinner si Chairman sa mansion. Sabay-sabay na tayo, may dala akong limousine," anyaya ni Tito Eliseo matapos i-congratulate ang dalawang anak.
"That's nice! I-inform ko na rin ang driver namin na iuwi ang sasakyan sa bahay," sagot ni Tita Susane.
Ayoko na sanang makisali sa usapan kasi baka pagalitan ako. Nag-cause pa naman ako ng eksena kanina sa interview. Kinutkot ko na lang ang bagong nail polish ko para makaiwas sa kanila nang bigla nila akong pagtuunan ng pansin.
"I thought you would bring your boyfriend here, Onalisa," ani Doc Danielo.
I sighed and smiled a bit. "May emergency po sa work—I mean, sa sarili niyang kompanya."
Hindi naging maganda ang ekspresyon ni Doc nang sabihin kong may company ang boyfriend ko. Siguro ine-expect nila na isang farmer ang ipakikilala ko gaya ng sabi sa hula sa akin. Well, nagkakamali sila. Masyado akong cautious sa mga nakakasama ko. And I have my private investigator to check all of my friend's financial status kaya wala akong mahirap na kasa-kasama. Wala akong boyfriend na farmer at wala akong magiging boyfriend na farmer ever."
Mapang-asar na tumawa si Mrs. Fresa. "Emergency? That's only his excuse, hija. We should know better."
"What do you mean?" my father asked.
"Kumalat na po kasi sa social media ang interview ni Onalisa na isa siyang killer," segunda ni Allesandra. "Kaya siguro hindi sumipot ang mayaman niyang boyfriend dahil takot na ma-involve sa issues niya." At talagang in-emphasize nito ang salitang mayaman.
"Precisely, darling!" Marahang kinalabit ni Mrs. Fresa si Allesandra sa balikat. "Kapag tycoon kasi, mahalaga ang reputasyong iniingatan. No offense, Christopher and Susane, pero maging si Chairman Alfonso ay takot sa anak ninyo. Kaya nga sampung taon na silang hindi nagkikita, di ba?"
Isinarado ko ang dalawang kamao ko habang nakayuko.
Parang bumalik ang lahat sa akin. Ang mga pag-iwas ni Sandro, mga times na parang nahihiya siyang ipakilala ako. Parang isang malaking katanungan sa akin ang ngayon ay nasagot na. Kaya siguro mas gusto ni Sandro na low-key lang ang relationship namin dahil takot siyang masangkot sa mga past scandal ko. Kaya hindi niya ako ipinakikilala sa magulang niya ay dahil hindi pa siya sigurado sa akin.
Ngayon, malinaw na ang lahat.
"And I remember last month, we lost investors dahil lumabas sa article na gumagamit siya ng drugs," paalala ni Mrs. Fresa. "Is it true ba? Na drug user siya?"
"It's fake news," sagot ni Dad.
"How can you say, Chris, if you're not there?"
"Na-frame up lang siya. We have a lot of evidences na set-up lang iyon para manira. Ipakakausap ko sa iyo ang lawyer namin para masagot ang mga tanong mo."
"Talaga ba, Chris? But you know she is the black sheep of Gwens, so hindi masama kung aamin siya. And besides, we're family. No secrets."
Umiling lamang si Daddy, halatang dismayado sa mga sinasabi ni Mrs. Fresa.
"Drug user 'yan si Ona! Nakita kong gumamit siya ng drugs sa party!" sabad ni Allesandra na agad namang sinampal ni Tito Eliseo sa pisngi kaya natigil.
"Shut up, Sandra! Huwag kang mangialam dito!"
Napahawak agad si Allesandra sa pisnging nasaktan. "Dad . . . b-bakit mo ako sinampal?" Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata niya. "Ang daming nanonood, Dad. Pinapahiya mo ako—"
"Umuwi ka na. Hindi ka sasama sa mansion."
"What? I hate you! Pinagtatanggol mo si Ona, e kung alam mo lang kung paano 'yan mang-agaw ng spotlight ko!"
Nangunot ang noo ko. Anong spotlight ang ibig niyang sabihin? I don't get it. Wala akong inaagaw sa kanya!
"Umalis na tayo rito," bulong ni Jonas habang hinihila ang kamay ng kakambal.
"Hey, ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko bago pa sila makaalis. Hindi ako makakatulog nito kapag hindi niya sinabi ang patungkol sa spotlight. As far as I remember, never akong nang-agaw because I don't need to. I already have everything. Ano pa'ng aagawin ko?
Tinaasan niya ako ng kilay. Halata namang papaiyak na siya, pinipigilan lang. "I invited a lot of reporter here, but not a single person mind to interview me because of you. Why? Dahil hindi naman kasi ako kasingganda at kasingsikat katulad mo!"
What?
Umawang ang bibig ko. Hindi ko alam na ganito pala ang takbo ng utak niya.
Bakit siya sa akin nagagalit? Dapat doon sa mga reporter na binayaran niya!
What now? Ibig bang sabihin, may mali talaga ako? Oh.
Kung sinimplehan ko lang siguro ang suot, baka hindi nangyari ito. Okay, it was my fault.I gulped and swallowed my pride kung talaga ngang fault ko kaya siya nagagalit. "I'm sorry, Allesandra."
She looked at me from head to toe at inirapan ako. "I don't need your apology. Mabilis naman ang karma." Nag-walkout siya at agad namang sinundan ni Jonas.
Ang lalim ng paghugot ko ng aking hininga. Humawak ako banda sa puso ko. Parang naninikip ito. That wasn't my intention. Wala akong kaalam-alam na iyon pala ang dahilan ng pagtataray niya sa akin. Bakit nga ba hindi ko napansin iyon? Siya nga pala ang bida rito. Concert niya ito, pero ako ang trending sa Twitter.
Bakit ba lahat na lang ng ginagawa ko para sa pamilyang ito, palaging mali?
"Kakausapin ko lang ang anak ko. Pasensiya na sa ugali niya. Kahit sa bahay, sumasagot din siya," sabi ni Tito Eliseo sa amin habang palipat-lipat ang tingin sa aming lahat. "Next time na lang kami bibisita sa mansion. Regards na lang kay Chairman." Yumuko ito bago umalis.
Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Wala na akong lakas ng loob na tumingin pa sa mga mata nila. Alam kong lahat sila, sinisisi ako. Mula pa kanina sa interview, hanggang dito ba naman?
Kung maibabalik ko lang ang oras, mas pipiliin ko na lang na magkulong sa kuwarto para hindi na ako nakakapanggulo pa.
Lalo lang magagalit sa akin si Lolo Alfonso kapag nalamang hindi dadalo sina Tito Eliseo dahil sa akin. Matagal na siyang umiiwas na makita ako. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Sirang-sira na ang imahen ko sa pamilya namin.
"I hope you understand, hija, that everyday is not your show kaya huwag masyadong magpapansin." Umalis na rin si Mrs. Fresa at sumunod ang tatlong personal guard niya.
Pabawas na kami nang pabawas dito. Siguro, ako na dapat ang umalis.
"Sorry, Christopher, hindi na rin kami matutuloy sa mansion. May urgent meeting kami sa office. Tatlong investors ang gustong mag-end ng contract sa amin," sabi ni Doc Danielo matapos niyang magbasa ng text message.
"Tatlo?" Dad asked.
"Yes. Siguradong may kinalaman ito sa nangyaring interview kanina ni Onalisa."
"Pasensiya na po," nakayukong sabi ko.
"Okay lang, Onalisa. Gusto ka ng mga tao kaya natural lang na maraming manira sa 'yo. Oo nga pala, ako na ang bahalang maghanap ng IT company para ipa-block ang lahat ng fake articles patungkol sa 'yo," aniya bago umalis.
Kinuha ni Daddy ang phone niya at may tinawagan. "Jane, akala ko ba, nagawan mo ng paraan 'yon? Bakit kumakalat pa rin sa social media?" Napapahilot si Daddy sa sentido niya, halatang stress. "Ano! Kunin mo lahat ng info ng mga nag-interview. Kailangang malaman ko kung sino ang nagse-send ng private article na 'yan!" Ibinaba na ni Dad ang tawag. Nag-request siya ng tubig sa assistant namin at agad na uminom.
"Ano'ng sabi?" tanong ni Tita Susane. Kanina pa kami nasa loob ng theatre nakaupo. Nabawasan na lang kami nang nabawasan. May sampung bodyguard pa kami rito na pirming nakatayo lang at kunwaring walang naririnig.
"Private article, pinagse-send sa lahat ng investors ng Gwen."
"Dad, mawawalan din po ba tayo ng investor?" nag-aalalang tanong ko dahil mukhang kakalat na ang ginawa ko sa publiko.
Tumingin sa akin si Daddy at tumango. "Ayos lang, baby. Kung maniwala sila sa article na 'yon, ako mismo ang magwi-withdraw ng contract para sa kanila."
Umiling ako. Hindi pwede. Dahil sa akin, maraming aalis na investor? Paano na ang company? Paano kung ma-bankrupt kami?
***
NANGANGATOG ang mga binti ko habang nakatayo. Monsters are not real, but they're living in my heart. They always wanted to eat my soul until I could no longer breathe.
Nasa comfort room ako. Kakaunti na rin ang mga tao dahil kanina pa natapos ang concert. Hinihintay ako nina Daddy sa labas. Sabi ko kasi, magbibihis lang ako, pero hindi nila alam, ilalabas ko lang ang sama ng loob ko.
Ang daming revelations na nangyari ngayon. Ang daming may galit sa akin. Ang dami kong na-realize. Ito na yata ang worst day ng buhay ko.
Kung hindi lang ako pumunta ngayon, siguradong nakasakay na sila sa limousine at masayang nagba-bonding.
Panira lang naman ako. Black sheep nga, di ba?
Kinuskos ko nang maigi ang mukha ko. At halos sampalin ko na ang sarili dahil sa inis. Namumula ang mga mata ko. Kahit lunurin ko ang mukha ko sa tubig ay hindi nito magawang alisin ang eyeliner na kumalat sa gilid ng mga mata ko. Ito na ang pinakapangit kong version na nakita ko. I looked like a loser.
Nasa loob kami ng isang sedan stretch limousine na kayang mag-accommodate ng walong tao. Pa-letter C ang sofa at mayroong flat screen TV at bar station. Personal car ito ni Daddy—gamit niya kapag pumupunta sa airport. Ginamit lang namin ito ngayon dahil naglambing si Tita Susane. Overexposed na raw kasi sa camera ang ibang cars namin kaya mas mainam kung may bagong maipakita sa media.

Nakahiga ako ngayon sa malambot kong kama habang nakatalukbong sa comforter. I have two feather lampshades besides me na nagsisilbing liwanag sa buong bedroom ko.Hindi ako kumain ng hapunan. Idinahilan ko na lang sa kanila na busog pa ako. Pero sa totoo lang, nakakawalang gana. Kahit yata pag-inom ng tubig ay nakakatamad.Huminga ako nang malalim at tiningnan ang perpektong nail polish ko.Kung gaano ako katamad kumilos, kabaliktaran naman n'on ang utak ko. Ang dami kong iniisip na walang ibang ginawa kundi manakit ng puso.Sa totoo lang, kaya kong tiisin ang mga paninira sa akin sa social media, pero ang mga pananalita sa akin ng pamilya ko? Hindi ko kaya.I tried to please them ever since Lola Lou said what my fate is gonna be. Magmula kasi noong bata pa ako pagkatapos sabihin ang tungkol sa ka-red string ko, parang hindi na ako belong sa family ko.We have the same blood running through our veins and we shared the same surname, but our desires and thoughts are far different than ea
NAGBALIK ako sa baybay-dagat para magtanong kung ano na ang balita. Lumakad ako kung saan nagkukumpulan ang mga tao. Pinilit kong i-divert ang atensiyon ko sa ibang bagay at naging matagumpay naman ako. Isang batang lalaki ang nahanap nilang bangkay ngayon. Halos bumaligtad ang sikmura ko dahil pipi ang ulo at bukas ang bituka. "Anak ko! Hindi maaari! Hindi!" Nanginginig ang ina ng bata habang pinakakalma siya ng mga awtoridad. Halos lahat ng tao rito ay naluluha na rin dahil sa nasaksihan. Tumaas ang balahibo ko dahil sa pangingilabot. Ayokong makita si Daddy sa ganitong estado. Hindi ko siya hahawakan o titingnan man lang kung ganito lang din. Naka-black suit and red tie si Daddy noong huling nakita ko siya. Maganda ang ngiti niya at hinalikan ako bago kami maghiwalay ng sasakyan. Ito ang huling memorya na gusto kong makita. I didn't want to see his dead body kung lasog-lasog lang din naman. I just can't. Napapunas ako sa gilid ng mata ko at lumakad na palayo. Tinanaw ko ang ka
NASA canteen na kami ni Liam at kusang pumutol ang mahabang pila nang dumaan ako kaya nakapag-order kami kaagad. Umupo agad kami sa pandalawahang upuan after naming makuha ang lunch namin. Bumaba ang tingin ko sa food na nasa tray. Isang roasted chicken and side dish pasta, and crackers for appetizer. Gusto ko rin sanang mag-alcohol kaso bawal ang liquor dito sa loob.Susubo pa lang ako nang may mag-ring dahil sa isang call. Pagtingin ko sa harap, sinagot na ni Liam ang tawag sa kanya."Yes po, sir? Hmm, sige po." Ibinaba na niya ang tawag at malungkot na tumingin sa akin. "Ten minutes lang. Babalik din ako kaagad."I rolled my eyes. "Fine."Tumakbo siya na naging dahilan ng pagkabangga niya sa isang upuan. Nasubsob tuloy siya sa sahig. Agad naman siyang tinulungan n'ong lalaking dumaan. "Salamat, bro."Nanliit ang mga mata ko sa lalaking tumulong kay Liam. Oh my God. Akalain mo iyon, dito pa talaga kami magkikita.Naka-side view lang siya pero ang lakas ng sex appeal. Matangkad, kayum
PUMUNTA kami sa isang luxury condominium para samahan si Van na mag-check-in para sa pansamantala niyang titirhan. Uuwi na rin ako kaagad pagtapos nito. Nasa grand lobby siya habang nakapila sa reception area. Saglit ko muna siyang iniwan at nag-ikot-ikot sa entry hall. Mataas ang dingding, nasa fifteen feet siguro, at may malaking chandelier. Sa center view, may fountain at pinaiikutan ng golden statue na dove bird habang tinututukan ng spotlights.Nagtungo naman ako sa outdoor area dahil ang daming tao roon kahit gabi na. Meron silang tatlong swimming pool at gazeebo. Feeling ko, mas kailangan kong mag-stay rito dahil ang presko ng ambience. Humiga ako sa poolside lounger at nilanghap ang masarap na simoy ng hangin.Kaso lang, hindi ako makapag-relax nang maigi dahil maraming distraction sa paligid. May mga magkakaibigang nag-aasaran, mga couple na naghahabulan, at mga pamilyang nagtatawanan.Nag-flash ang alaala ko kay Daddy na kung saan ay kompleto pa kami at masaya."Daddy, I want
TAAS-NOO ako habang naglalakad. Nakasuot ako ng mahabang blue T-shirt na hanggang puwetan ang laylayan at pajama na kulay black. Ngayon lang ako nakapagsuot ng ganito ka-baduy na damit. Mabuti na lang ay may nahiraman ako, at mabuti na lang din ay mahusay ako pagdating sa fashion.I was wearing a four-inch heels, black necklace, and earrings. I also put light makeup. And tiniklop ko rin ang dulong bahagi ng pajama ko para mas umigsi. Kung hindi ko gagawin ito, magmumukha akong manang.Pagkababa ko ng elevator ay marami na kaagad nakakilala sa akin. Tinuturo nila ako sa kasama nila at may ibang kumuha sa akin ng larawan. Mabuti na lang ay kakaunti pa ang tao dahil alas-siyete pa lang ng umaga. Sana hindi maulit ngayon ang nangyari sa akin kahapon sa Robinson. Medyo nakakadismaya, ang daming nawalang gamit sa akin. Hindi ko alam kung ninakaw o nahulog lang.Umupo ako sa pang-isahang stool. Ang dalawang bodyguard ko ay nasa malayo at pasimpleng tinitingnan ako. Twelve years old pa lang ak
KAKATOK pa lang ako sa pintuan nang bigla itong bumukas. Napahawak ako banda sa puso ko at umatras nang ilang hakbang. Ewan ko ba, napakamagugulatin ko kahit kailan."Ona, 9 a.m. pa lang," aniya, masungit ang boses.Tumango ako. Tama, super aga pa. "I'm hungry na. Hindi kasi nakapagluto si Vanilyn ng breakfast."Bumaba ang tingin niya sa suot ko. He seemed satisfied sa simpleng suot ko—maluwag na T-shirt at pajamas. For the past few weeks ay naging uniform ko na ito. Pinalaki niya ang espasyo ng pinto para makapasok ako.It was my first time na pumunta nang ganito kaaga sa condo niya. Madalas kasi ay tanghali ako nanggugulo.Pinagmasdan ko ang malinis niyang room. Naka-arrange ang lahat ng unan na ginulo ko kahapon. Pati ang mga plastic ng chichirya na pinagtatapon ko sa sahig, malinis na, kaya parang ang sarap ulit binyagan. Umupo ako sa sofa at kinuha ang remote control."Anong breakfast ang gusto mo?" aniya. Bukod sa mahusay siyang maglinis ng kinalatan ko, kaya rin niyang magluto n
Review"10 am pa lang," sabi ni Seth gamit ang masungit na boses. Nakasout siya ng terno na pangtulog at nakabukas pa ang dalawang botones sa itaas. Magulo rin ang buhok niya. But he smells so nice kahit hindi siya mag-perfume. Mukhang dumikit na sa katawan niya 'yong ginagamit na shower gel.
Bodyguard"Seth, may Facebook ka ba?"Nakasout siya ngayon ng apron at sa loob nun ay may sandong puti. Nandito kami ngayon sa kusina at pinapanood ko siyang mag-bake ng bread. Ang dami talaga niyang talent. Kaya niya gumawa ng meal and pasta. Tapos ngayong bread? Mukhang mabubuhay na ako kahit siya lang ang kasama. "Huwag mo na akong i-add." Pinindot niya yung timer no'ng oven."E sige na! Para naman—dumami friends ko sa Facebook." Shit, wala pala akong Facebook. "Wala akong Facebook," aniya. Parehas pala kami! No doubt, kaya bagay kami. "Gano'n ba. Hmmm, puwede ba akong magtanong about sayo." Kailangan ko siya makilala ng lubusan. Last day na niya rito sa 5-star hotel. Kahit address o contact number man lang gusto ko malaman. "Ano 'yon?""Ilan kayong magkakapatid, anong trabaho ng magulang mo, at taga-saan ka?" Sa kada lapit ko ay siya namang pag-iwas niya. Pumasok naman siya ngayon sa kwarto. Nagdadalawang isip ako kung susundan ko pa rin siya, at dahil wala namang kaming masam
EngagementISANG INVITATION ang natanggap namin mula kay Lolo Alfonso. Nasa hapag kainan kami ng i-abot sa 'min ng katulong ang envelope na may expensive na design.
NapunitSI SETH ANG driver ko ngayon papunta sa Solaire Resort. Napagod 'yong dalawang bodyguard ko sa pag-drive nila ng ilang oras sa Baguio kagabi kaya binigyan ko muna sila ng whole day rest. At isa pa, gusto ko rin talaga
PaintingNapag-pasyahan naming bumyahe pauwi dahil masyadong malayo ang Baguio sa Manila. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit dito ko pa naisipang mag dinner date namin ni Lolo, kitang matanda na 'yong tao at mabilis mabagot s
Red stringNag-set ako ng dinner date namin Lolo Alfonso para humingi ng tulong. Kinontact naman ako ng secretary niya at pumayag daw 'to. Kaya agad akong nag-ayos. Sinuot ko ang pink open shoulder maxi floral dress, naka pon
MysteriousDITO kami nagkita ni Liam sa bahay para less gastos at walang media na makasunod sa akin.
Industrial EspionageNandito kami ngayon sa isang chapel home na may 20ft na taas at 75square meter. Gold ang naka-engrave sa pader at may mataas na kulay pulang kurtina ang nakasabit sa bawat silid. Mayroon din fountai
KissedPagkalabas ni Sandro sa pintuan ay agad ko 'tong ni-lock. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan tumingin sa likod kung sa'n umaakyat si Seth sa railings ng balcony. Aatakihin ako sa puso sa ginagawa niya, paano kung bi
Unconditional love"MA'AM, pinapatanong po ni Seth kung nasa'n ka?" sabi ni Ugi habang nagda-drive.
Last Will and TestamentKA-VIDEO call ko si Vanilyn. Na sa airport siya at mamaya na 'yong flight nila pauwi ng Pilipinas.