"Bumalik ka na sa akin, Chantal.. pangako, walang anumang namamagitan sa amin ni Laurice.. kababata ko lang siya, isang kliyente.." nagsusumamo si Calvin kay Chantal. "Ano bang akala mo, Calvin? hiniwalayan kita ng dahil lang diyan? hindi siya ang problema, ikaw! ang pagtakas mo sa ating mga alitan at ang pag ignore mo sa akin sa tuwing nagagalit ka, ang pagiging malamig mo, iyan ang problema ko sayo! Ikaw ang nagmulat sa akin, kung gaano kapangit magpakasal, kaya ngayon, natatakot na akong magmahal!" saka nagmamadaling hinila niya ang kanyang kamay palayo sa lalaki. Nanatiling nakaluhod si Calvin. Ang kanyang malamig na emosyon ay napalitan ng lungkot.. umagos ang luha sa kanyang mga mata. Sa loob ng maraming taon.. ngayon lang niya ulit naranasang lumuha. Alam na niya kung saan siya nagkasala, kaya susubukan niyang bumawi, upang muling bumalik ang pagmamahal sa kanya, ng kanyang dating asawa.. Kailangan niyang lumaban, dahil may ibang lalaki na na nagpapakita ng interes dito, at mukhang tagilid ang kanyang lagay.
Lihat lebih banyak'Bakit narito si Joaquin?' tanong niya sa isip. Ang kanyang noo ay nakakunotb na tila ba may isang bangungot na paparating."Ikaw nga?" halos ang mga mata ni Joaquin ay magliwanag at tuluyang lapitan siya.Nakabuka ang mga kamay nito na tila ba yayakapin siya, ngunit hindi siya makakilos. Agad humarang si Calvin sa harapan ni Chantal, itinaas ang kanyang kanang kamay, at pinigilang makalapit ang lalaki sa pamamagitan ng paghawak niya sa mukha nito na parang bola.Napatigil ang lalaki at biglang umatras. Naiinis itong tumingin kay Shawn."Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Joaquin na madilim ang mga mata."Natural, nag aaral dito ang anak ko, kaya narito ako ngayon," mapanuyang tugon ni Shawn."Tingnan mo nga naman ang pagkakataon," napapailing si Joaquin, "narito din ang pamangkin ko. Mukhang pinaglalapit tayo ng tadhana, Chantal!"Napangiwi si Chantal matapos marinig ang nakakabinging mga sinabi ni Joaquin. Anong feeling nito? itinadhana sila?"Chantal, nais lang kitang makausap, maa
"SIYA ba ang daddy mo, Gab?" tanong ni Atasha, ang kaibigan ni Gab sa paaralan.Ngayon ay ang Parent-Child talent show."Oo, siya ang daddy ko," mayabang na sagot ni Gab."Ang gwapo naman ng daddy mo, bakit ngayon ko lang siya nakita?""Abala siya sa trabaho, isa siyang lawyer.."Agad na napalingon ang ibang mga magulang matapos marinig ang sinabi ni Gab. Nananatili namang kaswal ang hitsura ni Calvin, na parang normal na lang na pinagtitinginan ng mga tao.Marami ang mga matang humahanga sa kanyang ama.Agad nakadama ng kakaiba si Chantal. Napakayabang ng taong ito. Hindi man lang binabati ang mga taong nagpupugay sa kanya.Matapos magperform ng kanyang anak at ni Calvin, marami ang pumalakpak.Hindi niya akalaing susuportahan nng mga tao ang kalokohan ng mag ama. Halata namang may daya ang mga magic tricks nila, subalit ang mga taong naroroon ay tila natutuwa sa kanilang napanood.Isang babae ang lumapit kay Calvin, ina ng kaklase ni Gab, "Attorney, napakagaling niyo naman.." halata
"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" maaga pa lang, ay bumungad na si Calvin sa kanya. Nakasuot ito ng isang gray na polo. Ang coat nito ay nakasabit sa rack."Dinadalaw ko ang anak ko.." mahinahong sagot ng lalaki."Siguraduhin mo lang na si Gab lang ang gusto mong dalawin, at hindi mo ako pepestehin!" inis na bunsol niya dito."Chantal, naisip ko, sa sinabi mo kagabi, na dapat nga sigurong huwag na kitang gambalain pa. Kung ayaw mong makipagbalikan sa akin, wala naman akong magagawa," nakatingin ito sa kanya, habangh nagsasalita."Eh di mabuti!" inis niyang sagot dito, "mas maganda kung wala ka ngang pakialam sakin, tutal, nakakainis ka naman," saka niya ito iniwang mag isa.Eksaktong narinig niya ang boses ni Gab na lumabas ng kwarto, "Daddy! halos araw araw mo na akong diinadalaw!" nakangiting sabi ng bata sa ama."Hmm, siyempre, parte ako ng buhay mo, kaya hanggang kakayanin ko, hindi ako lalayo sayo, at mananatiling nasa tabi mo lalo na kung kinakailangan," masayang sagot ni Cal
Sa kabila ng matigas niyang paninindigan, hindi maitatanggi ni Chantal ang kilabot na dumaloy sa kanyang katawan nang marinig ang malalim na halakhak ni Calvin. Parang isang malupit na laro ang ginagawa nito sa kanya—isang larong siya lamang ang natatalo.Paano nito nagagawang maging panatag, gayung ang pinagdaanan niya dito ay kasing saklap ng sa isang babaeng namatayan ng asawa?Habang kumakain si Calvin kasama si Gab, pilit niyang ipinako ang tingin sa kanyang plato. Hindi siya maaaring mahulog muli. Hindi siya maaaring magpatalo sa init ng damdaming muli na namang bumabalot sa kanya. Ngunit paano kung hindi niya ito matakasan? Paano kung sa kabila ng lahat ng kanyang pagtataboy, hindi siya kayang iwan ni Calvin? hindi nito siya layuan?Limang taon na magmula ng mangyari ang hiwalayan nila, subalit ang lalaki ay nananatiling multo na sumusulpot sa kanilang tahanan.Pagkatapos nilang kumain, agad niyang iniligpit ang mesa habang si Gab naman ay masayang nakikipaglaro sa ama nito sa
Napalunok si Chantal. Ang init ng hininga ni Calvin ay dumampi sa kanyang pisngi, at ang paraan ng paghawak nito sa kanya ay nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kanyang dibdib. Pilit niyang itinulak ang lalaki, ngunit tila ba mas lalo lamang nitong hinihigpitan ang hawak sa kanyang baywang. Parang ayaw ng lumayo ng lalaki sa kanya."Calvin, lumayo ka!" madiin niyang sabi, ngunit sa halip na lumayo, ay mas lalo pa itong yumuko at inilapit ang labi nito sa kanyang tenga."Sabihin mo muna, Chantal," bulong nito sa isang mapang-akit na tinig, "bakit ka galit sa akin? Bakit mo ako tinutulak palayo?"Hindi siya makasagot. Dahil ba sa mga nangyari kagabi? Dahil ba sa mga damdaming pilit niyang tinatago? O dahil natatakot siyang mahulog muli sa lalaking ilang beses nang sinaktan ang kanyang puso?Nakabawi siya ng kaunting lakas ng loob at itinulak siya ni Chantal nang may puwersa. "Dahil hindi kita kailangan sa buhay ko, Calvin! Hindi mo ba naiintindihan? Tapos na tayo!"Napakurap ang lalaki,
"Sorry anak, napasarap ang tulog ni mommy," nilapitan niya si Gab saka hinalikan sa noo."Tara na po at kumain," masiglang bati ng bata."Maliligo muna si mommy, okay?" hinimas niya ang pisngi ng kanyang anak."Daddy, saan ka natulog kagabi? bakit ka nga ba narito?" tanong ng bata."Diayn ako natulog--" magsasalita na sana si Calvin subalit mabilis niya itong tinapos."Diyan sa sofa! diyan natulog ang daddy mo!" nanginginig ang kanyang mga labi, habang sinasabi iyon. Pinandilatan niya ng mata ang lalaki na tila ba sinasabi niya, 'wag kang magkakamaling umamin'."Oo, anak, dito ako nakatulog," nakangising sagot nito, "ang sarap matulog dito, ang lambot." saka nakangising tumingin kay Chantal.Inirapan naman niya ang lalaki."Ha? kawawa naman si daddy kung dito lang natulog?" lumapit ang bata kay Caleb."Sanay na naman si daddy anak," saka nito kinindatan ang bata.Napalingon si Gab kay Chantal, at agad na naningkit ang mga mata at nagmamadaling lumapit sa ina."Mommy, ano pong nangyari
HABANG nasa sasakyan....Unti-unting kumakalat sa katawan ni Chantal ang gamot na nainom niya, at ramdam na niya ang epekto nito.Nasa kandungan siya ni Calvin, at sa mga sandaling iyon, pilit niyang pinipigil ang init na bumabalot sa kanyang katawan. Ang kanyang malikot na kilos ay unti-unting gumigising sa ‘demon side’ ni Calvin.Sa harapan, si Globe, ang assistant ni Calvin, ang nagmamaneho. Napatingin siya sa rearview mirror at halos lumuwa ang mata nang makita ang kaakit-akit na babaeng nasa kandungan ng kanyang boss—halos hubad na ito!Agad itong napansin ni Calvin. Mahigpit niyang niyakap si Chantal bago madilim na tumingin kay Globe."Itataas mo ang divider," malamig niyang utos.Agad namang sumunod si Globe.Samantala, hindi makapaniwala si Calvin sa nangyayari kay Chantal. Nanunuyo na ang kanyang lalamunan dahil sa kalikutang ginagawa nito."Ano bang nangyayari sa’yo, Chantal?" tanong niya, paos ang tinig.Naiiyak na si Chantal, tila nagsusumbong. "Mainit… napakainit! Ayoko
Masaya ang naging kasal nina Skye at Reynold—maraming bisita, masaganang handaan, at walang tigil na kasiyahan.Dahil sa sunod-sunod na tagay ng alak, nalasing si Chantal. Halos wala na siyang maalala. Ang buong gabi ay tila isang malabong panaginip, at hindi niya alam kung ano ang tunay na nangyari.Kinabukasan...Dahan-dahang iminulat ni Chantal ang kanyang malalaking mga mata. Iginala niya ang paningin sa paligid. Ang kisame, ang bintana, pati na ang kulay ng dingding—lahat ay pamilyar.Nakauwi ako sa sarili kong bahay?Kung ganoon, hindi totoo ang nangyari kagabi? Panaginip lang ba na may kahalikan siyang isang lalaki?Bahagyang lumuwag ang kanyang pagkakangiti nang maisip iyon.Ngunit…Bakit parang totoong-totoo ang lahat?Ramdam pa rin niya ang mainit na yakap ni Calvin, ang malambot nitong mga kamay na dumadama sa kanyang balat, at ang maiinit nitong halik sa kanyang punong tainga. Napapikit siya sa matinding pagkailang.Napabalikwas siya ng bangon—agad niyang naramdaman ang pa
Noon pa man, napapansin na ni Chantal na tuwing may hindi sila pagkakasunduan ni Calvin, mas pinipili nitong umalis at umiwas. Subalit, ayaw niya ng ganoong paraan ng pakikitungo sa problema.Kapag nagtampo ito, hindi na nito papansinin ang kanyang mga tawag at mensahe. At kapag umuuwi naman, nagiging malamig ito sa kanya—parang hindi siya nakikita. Matapos ang isang linggong panlalamig, bigla na lamang siyang lalapitan nito na parang walang nangyari.Ayaw ni Calvin na pag-usapan ang mga bagay-bagay. Wala rin itong ipinapakitang emosyon.Noong magkasakit ang kanilang anak, ilang beses niyang sinubukang tawagan si Calvin. Pakiramdam niya, hindi niya kakayanin mag-isa. Malayo ang kanyang ina, at napakabata pa niya para harapin ito nang mag-isa.Ngunit ni minsan, hindi sinagot ng lalaki ang kanyang mga tawag—marahil dahil naiinis ito sa kanya. Kaya sa sobrang panghihinayang at sama ng loob, binlock na lang niya ito."Nais mo bang tawagan ko ang asawa mo?" tanong ni Enzo, ang pinsan ni Ca
"MAGHIWALAY NA TAYO, Calvin."Iyon lang ang tanging nasabi ni Chantal sa lalaki. "Wala ka nang dapat alalahanin sa anak natin. Puntahan mo siya kung nais mo, hindi kita pipigilan."Malamig ang tingin ni Calvin sa kanya, tila sinusukat kung gaano siya kaseryoso. Ngunit sa kabila nito, walang bahid ng pagsisisi sa mukha ni Chantal. Matatag ang kanyang tingin, walang mabasang emosyon sa kanyang ekspresyon."Babasahin ko muna. Ipapadala ko na lang sa’yo kapag napirmahan ko na," sagot ni Calvin, walang halong emosyon. Para bang handa na rin siyang bitiwan siya.Kahit siya ang nagpasimuno ng paghihiwalay, lihim pa rin siyang umaasa na tatanggi ito—na magmamakaawa, hihingi ng tawad, o kahit papaano’y ipaglaban siya. Ngunit hindi iyon nangyari. Sa halip, para pa siyang itinataboy ng lalaki.Wala talagang pagmamahal si Calvin para sa kanya.Ngunit hindi niya maaaring ipakita ang sakit at pait na nadarama, kaya agad siyang tumalikod at iniwan ito.Pagkarating sa kanyang sasakyan, doon niya tulu...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen