"Sorry anak, napasarap ang tulog ni mommy," nilapitan niya si Gab saka hinalikan sa noo."Tara na po at kumain," masiglang bati ng bata."Maliligo muna si mommy, okay?" hinimas niya ang pisngi ng kanyang anak."Daddy, saan ka natulog kagabi? bakit ka nga ba narito?" tanong ng bata."Diayn ako natulog--" magsasalita na sana si Calvin subalit mabilis niya itong tinapos."Diyan sa sofa! diyan natulog ang daddy mo!" nanginginig ang kanyang mga labi, habang sinasabi iyon. Pinandilatan niya ng mata ang lalaki na tila ba sinasabi niya, 'wag kang magkakamaling umamin'."Oo, anak, dito ako nakatulog," nakangising sagot nito, "ang sarap matulog dito, ang lambot." saka nakangising tumingin kay Chantal.Inirapan naman niya ang lalaki."Ha? kawawa naman si daddy kung dito lang natulog?" lumapit ang bata kay Caleb."Sanay na naman si daddy anak," saka nito kinindatan ang bata.Napalingon si Gab kay Chantal, at agad na naningkit ang mga mata at nagmamadaling lumapit sa ina."Mommy, ano pong nangyari
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-23 อ่านเพิ่มเติม