LIMANG TAON ANG LUMIPAS...
Nasa loob ng ospital sina Chantal at ang anak niyang si Gab. Napilitan siyang umuwi ng Pilipinas dahil lumala ang kalagayan ng kanyang anak. Ayon sa doktor, mahina ito sa malamig na temperatura. Bukod pa roon, napansin niyang naging bugnutin si Gab at hindi ito palasalita. Kapag ayaw niyang magsalita, walang makakapilit sa kanya. Mas gusto niyang gugulin ang oras sa pagguhit at paglalaro ng mga puzzle kaysa makihalubilo. Biglang sumilip sa pinto si Skye. Nang makita siya nito, napangiti ito at agad siyang niyakap. "Kailan ka pa dumating?" tanong ni Skye, halatang sabik siyang makita. "Kagabi lang. Sinundo kami ni Calvin," nakangiting sagot ni Chantal. Lumapit si Skye sa bata at ngumiti. "Oh, ito na ba ang inaanak ko?" Pinilit niyang makuha ang atensyon ni Gab. "Hi, Gab! Ako ang ninang Skye mo..." Ngunit walang tugon mula sa bata. Ni hindi siya tinapunan ng tingin. Napakunot-noo si Skye. "Bakit ganyan siya? May sakit ba siya bukod sa pneumonia?" tanong niya kay Chantal. "Sabi ng psychologist, maaaring ito raw ay isang uri ng depresyon sa mga bata," sagot ni Chantal. "May mga batang may malalalim na iniisip pero hindi nila alam kung paano ito ipahayag." "Pero... limang taon pa lang siya, hindi ba?" nagtatakang tanong ni Skye. "Wala ba siyang—" "Autism?" Napangiti si Chantal. Alam na niyang iyon ang susunod na sasabihin ni Skye. Noong una, iyon din ang naisip niya. Ngunit mismong doktor ang nagsabi sa kanya na wala sa spectrum si Gab. Saglit na natahimik si Skye bago muling nagtanong. "Okay na ba kayo ni Calvin? Paano niya kayo nasundo?" "Last month, dumalaw siya sa bahay at napansin niyang maputla si Gab. Noon kasi, umuulan ng snow. Bigla siyang hindi makahinga, tapos inubo nang walang plema. Ayon sa doktor, hindi niya kinakaya ang sobrang lamig. Kaya pala tuwing taglamig sa ibang bansa, palagi siyang nagkakasakit," paliwanag ni Chantal. "Kaya napagdesisyunan namin ng tatay niya na iuwi muna siya rito para magpagaling." "Yung una kong tanong, hindi mo pa sinasagot," natatawang sabi ni Skye. "Okay ba kayo ni Calvin?" "Hmm, okay lang," kaswal na sagot ni Chantal. Napatingin si Skye sa kanya, halatang hindi naniniwala. Ngunit hindi na lang siya nag-usisa pa. Kilala niya si Chantal—kapag ayaw nitong magsalita, lalo lang siyang magagalit kung pipilitin. Hindi rin niya mapigilang itanong ang matagal na niyang gustong malaman. "Bakit nga ba kayo naghiwalay ni Calvin? Naalala ko pa noon, parang hindi siya mapakali kapag wala ka. Kulang na lang, subuan ka niya ng pagkain. Pero bakit nauwi kayo sa ganito?" Baby pa lang si Gab nang malaman nilang naghiwalay ang dalawa. Pinili ni Chantal na lumayo, at iginalang iyon ni Skye. Sinabi na lang niya sa sarili na isang araw, kapag nagkita silang muli, saka niya itatanong ang lahat. Napabuntong-hininga si Chantal bago ngumiti. "Mahabang kwento. Kapag handa na ako, sasabihin ko sa’yo ang lahat." Tahimik nilang pinagmasdan si Gab habang naglalaro. Wari bang wala siyang pakialam sa paligid—hanggang sa biglang bumukas ang pinto. "Oh, Skye..." pumasok si Calvin, may dalang paper bag mula sa isang restaurant. "Kanina ka pa?" "Medyo," sagot ni Skye. "Ikaw, kararating mo lang?" "Umuwi lang ako sandali para maligo. Bumili na rin ako ng pagkain. Kumain na kayo. Chantal, kain ka na," alok ni Calvin. Ngunit tumayo si Chantal at hinila si Skye. "Alagaan mo muna si Gab. Sa labas na lang kami kakain." Bahagyang nagdilim ang mukha ni Calvin. "Pero bumili ako ng pagkain!" Wari bang gusto niyang pigilan sila, pero hindi niya alam kung paano. "Sino’ng—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil biglang bumagsak ang pinto. Napabuntong-hininga siya, malalim. Matagal na niya itong iniisip. Pakiramdam niya, galit sa kanya ang dati niyang asawa. Pero bakit? Kahit anong anggulo niya tingnan, hindi niya mawari kung saan nanggagaling ang galit nito. Noon, pakiramdam niya ay masaya sila. Lagi niya itong binibilhan ng pasalubong. Lagi rin siyang tinatawag nitong "mahal." Kapag may gusto ito, malambing na lalapit sa kanya. "Mahal ko, ibili mo naman ako ng pagkain. Parang gusto ko ng shawarma..." Inalagaan niya ito noong buntis ito. Iginagalang niya at ibinigay ang lahat ng kaya niyang ibigay. Pero bakit—sa kabila ng lahat—iniwan pa rin siya ni Chantal? Isang araw, bigla na lang itong dumating sa opisina niya, may dalang mga papel. Papers for annulment. Nagulat siya, pero hindi siya nagtanong. Bilang isang taong hindi irasyunal, alam niyang hindi niya maaaring pilitin ang isang taong ayaw na. Gumawa na lang siya ng agreement at ipinanonotaryo ito. Hindi na siya umangal pa. At noon ngang dumating si Chantal para dalhin ang papeles sa kanya, paalis na rin pala ito patungong Amerika. Hinayaan na lang niya ito. Sinubaybayan niya ang mag-ina kahit mula sa malayo. Subalit hanggang ngayon, hindi pa rin niya maintindihan— Bakit galit si Chantal sa kanya, gayong siya naman ang piniling umalis?"Ikakasal na nga pala ulit ako," pagbabalita ni Skye kay Chantal."Oh? Congrats! Buti ikakasal ka habang nandito na ako!" Masayang niyakap ni Chantal ang kanyang kaibigan."Kaya nga... Malaki na kasi ang anak ko, kaya kailangan niya ng tatay," nakangiting sabi ni Skye.Natigilan si Chantal. Nauunawaan niya ang hangarin ni Skye—gusto nitong magkaroon ng buong pamilya ang anak nito. Pero siya? Hindi niya kayang ibigay iyon sa anak niya."Kung maaayos mo pa ang sa inyo ni Calvin… ayusin mo. Ang bata kasi ang mahihirapan sa huli," nakangiting payo ni Skye sa kanya.Nahulog siya sa malalim na pag-iisip.Magiging masaya ba talaga ang kaibigan niya? O nagpapakasal lang ito para bigyan ng buong pamilya ang anak nito?Tama ba ang desisyon nito?"Bakit ka magpapakasal?" Iyon na lang ang tanging tanong na naibigay niya."Dahil sa pag-ibig," maiksi ngunit makabuluhang sagot ni Skye. "Magpapakasal kami dahil nagmamahalan kami. Iyon ang dahilan niyon."Bigla siyang nalungkot.Siya at si Calvin… nag
Noon pa man, napapansin na ni Chantal na tuwing may hindi sila pagkakasunduan ni Calvin, mas pinipili nitong umalis at umiwas. Subalit, ayaw niya ng ganoong paraan ng pakikitungo sa problema.Kapag nagtampo ito, hindi na nito papansinin ang kanyang mga tawag at mensahe. At kapag umuuwi naman, nagiging malamig ito sa kanya—parang hindi siya nakikita. Matapos ang isang linggong panlalamig, bigla na lamang siyang lalapitan nito na parang walang nangyari.Ayaw ni Calvin na pag-usapan ang mga bagay-bagay. Wala rin itong ipinapakitang emosyon.Noong magkasakit ang kanilang anak, ilang beses niyang sinubukang tawagan si Calvin. Pakiramdam niya, hindi niya kakayanin mag-isa. Malayo ang kanyang ina, at napakabata pa niya para harapin ito nang mag-isa.Ngunit ni minsan, hindi sinagot ng lalaki ang kanyang mga tawag—marahil dahil naiinis ito sa kanya. Kaya sa sobrang panghihinayang at sama ng loob, binlock na lang niya ito."Nais mo bang tawagan ko ang asawa mo?" tanong ni Enzo, ang pinsan ni Ca
Masaya ang naging kasal nina Skye at Reynold—maraming bisita, masaganang handaan, at walang tigil na kasiyahan.Dahil sa sunod-sunod na tagay ng alak, nalasing si Chantal. Halos wala na siyang maalala. Ang buong gabi ay tila isang malabong panaginip, at hindi niya alam kung ano ang tunay na nangyari.Kinabukasan...Dahan-dahang iminulat ni Chantal ang kanyang malalaking mga mata. Iginala niya ang paningin sa paligid. Ang kisame, ang bintana, pati na ang kulay ng dingding—lahat ay pamilyar.Nakauwi ako sa sarili kong bahay?Kung ganoon, hindi totoo ang nangyari kagabi? Panaginip lang ba na may kahalikan siyang isang lalaki?Bahagyang lumuwag ang kanyang pagkakangiti nang maisip iyon.Ngunit…Bakit parang totoong-totoo ang lahat?Ramdam pa rin niya ang mainit na yakap ni Calvin, ang malambot nitong mga kamay na dumadama sa kanyang balat, at ang maiinit nitong halik sa kanyang punong tainga. Napapikit siya sa matinding pagkailang.Napabalikwas siya ng bangon—agad niyang naramdaman ang pa
HABANG nasa sasakyan....Unti-unting kumakalat sa katawan ni Chantal ang gamot na nainom niya, at ramdam na niya ang epekto nito.Nasa kandungan siya ni Calvin, at sa mga sandaling iyon, pilit niyang pinipigil ang init na bumabalot sa kanyang katawan. Ang kanyang malikot na kilos ay unti-unting gumigising sa ‘demon side’ ni Calvin.Sa harapan, si Globe, ang assistant ni Calvin, ang nagmamaneho. Napatingin siya sa rearview mirror at halos lumuwa ang mata nang makita ang kaakit-akit na babaeng nasa kandungan ng kanyang boss—halos hubad na ito!Agad itong napansin ni Calvin. Mahigpit niyang niyakap si Chantal bago madilim na tumingin kay Globe."Itataas mo ang divider," malamig niyang utos.Agad namang sumunod si Globe.Samantala, hindi makapaniwala si Calvin sa nangyayari kay Chantal. Nanunuyo na ang kanyang lalamunan dahil sa kalikutang ginagawa nito."Ano bang nangyayari sa’yo, Chantal?" tanong niya, paos ang tinig.Naiiyak na si Chantal, tila nagsusumbong. "Mainit… napakainit! Ayoko
"Sorry anak, napasarap ang tulog ni mommy," nilapitan niya si Gab saka hinalikan sa noo."Tara na po at kumain," masiglang bati ng bata."Maliligo muna si mommy, okay?" hinimas niya ang pisngi ng kanyang anak."Daddy, saan ka natulog kagabi? bakit ka nga ba narito?" tanong ng bata."Diayn ako natulog--" magsasalita na sana si Calvin subalit mabilis niya itong tinapos."Diyan sa sofa! diyan natulog ang daddy mo!" nanginginig ang kanyang mga labi, habang sinasabi iyon. Pinandilatan niya ng mata ang lalaki na tila ba sinasabi niya, 'wag kang magkakamaling umamin'."Oo, anak, dito ako nakatulog," nakangising sagot nito, "ang sarap matulog dito, ang lambot." saka nakangising tumingin kay Chantal.Inirapan naman niya ang lalaki."Ha? kawawa naman si daddy kung dito lang natulog?" lumapit ang bata kay Caleb."Sanay na naman si daddy anak," saka nito kinindatan ang bata.Napalingon si Gab kay Chantal, at agad na naningkit ang mga mata at nagmamadaling lumapit sa ina."Mommy, ano pong nangyari
Napalunok si Chantal. Ang init ng hininga ni Calvin ay dumampi sa kanyang pisngi, at ang paraan ng paghawak nito sa kanya ay nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kanyang dibdib. Pilit niyang itinulak ang lalaki, ngunit tila ba mas lalo lamang nitong hinihigpitan ang hawak sa kanyang baywang. Parang ayaw ng lumayo ng lalaki sa kanya."Calvin, lumayo ka!" madiin niyang sabi, ngunit sa halip na lumayo, ay mas lalo pa itong yumuko at inilapit ang labi nito sa kanyang tenga."Sabihin mo muna, Chantal," bulong nito sa isang mapang-akit na tinig, "bakit ka galit sa akin? Bakit mo ako tinutulak palayo?"Hindi siya makasagot. Dahil ba sa mga nangyari kagabi? Dahil ba sa mga damdaming pilit niyang tinatago? O dahil natatakot siyang mahulog muli sa lalaking ilang beses nang sinaktan ang kanyang puso?Nakabawi siya ng kaunting lakas ng loob at itinulak siya ni Chantal nang may puwersa. "Dahil hindi kita kailangan sa buhay ko, Calvin! Hindi mo ba naiintindihan? Tapos na tayo!"Napakurap ang lalaki,
Sa kabila ng matigas niyang paninindigan, hindi maitatanggi ni Chantal ang kilabot na dumaloy sa kanyang katawan nang marinig ang malalim na halakhak ni Calvin. Parang isang malupit na laro ang ginagawa nito sa kanya—isang larong siya lamang ang natatalo.Paano nito nagagawang maging panatag, gayung ang pinagdaanan niya dito ay kasing saklap ng sa isang babaeng namatayan ng asawa?Habang kumakain si Calvin kasama si Gab, pilit niyang ipinako ang tingin sa kanyang plato. Hindi siya maaaring mahulog muli. Hindi siya maaaring magpatalo sa init ng damdaming muli na namang bumabalot sa kanya. Ngunit paano kung hindi niya ito matakasan? Paano kung sa kabila ng lahat ng kanyang pagtataboy, hindi siya kayang iwan ni Calvin? hindi nito siya layuan?Limang taon na magmula ng mangyari ang hiwalayan nila, subalit ang lalaki ay nananatiling multo na sumusulpot sa kanilang tahanan.Pagkatapos nilang kumain, agad niyang iniligpit ang mesa habang si Gab naman ay masayang nakikipaglaro sa ama nito sa
"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" maaga pa lang, ay bumungad na si Calvin sa kanya. Nakasuot ito ng isang gray na polo. Ang coat nito ay nakasabit sa rack."Dinadalaw ko ang anak ko.." mahinahong sagot ng lalaki."Siguraduhin mo lang na si Gab lang ang gusto mong dalawin, at hindi mo ako pepestehin!" inis na bunsol niya dito."Chantal, naisip ko, sa sinabi mo kagabi, na dapat nga sigurong huwag na kitang gambalain pa. Kung ayaw mong makipagbalikan sa akin, wala naman akong magagawa," nakatingin ito sa kanya, habangh nagsasalita."Eh di mabuti!" inis niyang sagot dito, "mas maganda kung wala ka ngang pakialam sakin, tutal, nakakainis ka naman," saka niya ito iniwang mag isa.Eksaktong narinig niya ang boses ni Gab na lumabas ng kwarto, "Daddy! halos araw araw mo na akong diinadalaw!" nakangiting sabi ng bata sa ama."Hmm, siyempre, parte ako ng buhay mo, kaya hanggang kakayanin ko, hindi ako lalayo sayo, at mananatiling nasa tabi mo lalo na kung kinakailangan," masayang sagot ni Cal
"Ano bang ikinakagalit mo?" tanong ni Enzo kay Calvin, "ano naman kung may ibang lalaking umaaligid sa ex wife mo, eh di ba, hiwalay na kayo?""Pero para sa anak namin ang ipinaglalaban ko. Paano kung magkaanak siya ng iba, paano na ang anak namin?" sagot ni Calvin."Sa anak mo, o sayo?" nakangising tanong ni Enzo, "wag ka ng magdahilan, para sayo kaya ka nagagalit.""Hindi no. Ayoko lang na mapabayaan niya ang anak namin. Isa pa, mag aasawa din naman siya, bakit hindi pa ako?" katwiran niya."See? sa bibig mo na mismo nanggaling? kung mag aasawa, bakit hindi ikaw?" naiiling na sagot ni Enzo."Hindi ko kasi malaman, kung bakit ayaw niyang sabihin sa akin, kung sino si Aaron!" napabuga ng hangin si Calvin.Tahimik na tinitigan ni Enzo ang pinsan niyang halatang balisa. Hindi man sabihin ni Calvin nang direkta, halata sa kanya ang pagseselos."Bakit ba kasi hindi mo na lang hayaan? Kung gusto niyang magpakasal, desisyon niya 'yon. Kahit maghanap ka ng sagot, hindi mo rin mapipigilan kun
Naging maayos naman ang ilang araw sa buhay nina Chantal at Gab..Ngayong umaga, inihatid ito ni Lucinda sa paaralan. Siya naman ay naghahanda na, upang pumasok sa trabaho.Hindi pa makakapasok si Skye, dahil nasa honeymoon pa ito.Matapos maligo, narinig niya ang tunog ng pintuan. Pagsilip niya, nakita niya si Calvin na pumasok at may dalang mga supot.Inayos iyon sa ref, mga prutas at gulay. Wala na itong ibang ginawa, saka naglakad patungo sa pinto. Hindi siya gumagalaw, at pinapanood lang ang lalaki.Napansin ni Calvin na nakaawang ang kanyang pinto, kaya inilang hakbang lang ng lalaki iyon, at agad na itinulak."Ano ka ba!" angil niya."Bakit hindi ka lumalabas, kita mo g dumating ako?" malamig na tanong nito sa kanya."Bakit? sino ka ba? hari ka ba para salubungin ko? maghahanda ba ako ng red carpet para sayo?" tanong niya na nakangisi, "isa pa, paano mo nalaman ang passcode ko?""Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Isa pa, hindi mo pa sinasagot hanggang ngayon, kung sino s
Nanatili si Calvin sa tabi ni Chantal habang si Gab ay masayang nakikipag-usap kay Aaron. Matalim ang tingin ni Calvin sa lalaki, halatang hindi siya natutuwa sa presensya nito."Sino ka?" malamig na tanong ni Calvin kay Aaron.Ngumiti lamang si Aaron, tila hindi alintana ang malamig na pagtanggap sa kanya. Binalingan niya si Chantal, "Dumaan lang ako para bisitahin si Gab. Matagal na kaming hindi nagkikita, hindi ba, bunso?"Tumango naman ang bata, halatang tuwang-tuwa sa muling pagkikita nila ng tiyuhin. "Tito Aaron, ang tagal nating hindi nagkita! Saan ka galing?""May inayos lang akong negosyo sa Singapore, pero ngayong nandito na ako, makakasama na kita," sagot ni Aaron habang hinihimas ang ulo ng bata. Pagkatapos, bumaling siya kay Chantal. "Dito ako kakain!""Oo ba," masayang wika ni Chantal saka niyakap ang lalaki, "namiss kita."Nakatingin lang si Calvin sa kanila, at biglang nangunot ang noo ng marinig ang huling sinabi ni Chantal. 'namiss kita'. Sino ba ang lalaking ito par
'Bakit narito si Joaquin?' tanong niya sa isip. Ang kanyang noo ay nakakunotb na tila ba may isang bangungot na paparating."Ikaw nga?" halos ang mga mata ni Joaquin ay magliwanag at tuluyang lapitan siya.Nakabuka ang mga kamay nito na tila ba yayakapin siya, ngunit hindi siya makakilos. Agad humarang si Calvin sa harapan ni Chantal, itinaas ang kanyang kanang kamay, at pinigilang makalapit ang lalaki sa pamamagitan ng paghawak niya sa mukha nito na parang bola.Napatigil ang lalaki at biglang umatras. Naiinis itong tumingin kay Shawn."Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Joaquin na madilim ang mga mata."Natural, nag aaral dito ang anak ko, kaya narito ako ngayon," mapanuyang tugon ni Shawn."Tingnan mo nga naman ang pagkakataon," napapailing si Joaquin, "narito din ang pamangkin ko. Mukhang pinaglalapit tayo ng tadhana, Chantal!"Napangiwi si Chantal matapos marinig ang nakakabinging mga sinabi ni Joaquin. Anong feeling nito? itinadhana sila?"Chantal, nais lang kitang makausap, maa
"SIYA ba ang daddy mo, Gab?" tanong ni Atasha, ang kaibigan ni Gab sa paaralan.Ngayon ay ang Parent-Child talent show."Oo, siya ang daddy ko," mayabang na sagot ni Gab."Ang gwapo naman ng daddy mo, bakit ngayon ko lang siya nakita?""Abala siya sa trabaho, isa siyang lawyer.."Agad na napalingon ang ibang mga magulang matapos marinig ang sinabi ni Gab. Nananatili namang kaswal ang hitsura ni Calvin, na parang normal na lang na pinagtitinginan ng mga tao.Marami ang mga matang humahanga sa kanyang ama.Agad nakadama ng kakaiba si Chantal. Napakayabang ng taong ito. Hindi man lang binabati ang mga taong nagpupugay sa kanya.Matapos magperform ng kanyang anak at ni Calvin, marami ang pumalakpak.Hindi niya akalaing susuportahan nng mga tao ang kalokohan ng mag ama. Halata namang may daya ang mga magic tricks nila, subalit ang mga taong naroroon ay tila natutuwa sa kanilang napanood.Isang babae ang lumapit kay Calvin, ina ng kaklase ni Gab, "Attorney, napakagaling niyo naman.." halata