Pagkauwi nila mula sa ospital, hindi na muling nagsalita si Chantal at Calvin. Tahimik ang biyahe. Tila ba kapwa nila nararamdaman na kahit anong sabihin ay hindi sapat para punan ang lamat sa pagitan nila—isang lamat na unti-unting pinalalim ng mga tanong na wala pang kasagutan.Pagkarating sa kanilang tahanan, sinalubong agad sila ni Gab, bitbit ang laruan at naka-ngiting tila walang anumang mabigat na nangyayari sa mundo. Niyakap siya ni Chantal ng mahigpit, pinilit ang ngiting walang kasamang alinlangan."Mommy, ba’t ka ngayon lang?" tanong ng bata."Sorry, anak... may inalagaan lang si Mommy," sagot niya.Tahimik lamang si Calvin sa isang sulok, pinapanood ang dalawa. Sa loob-loob niya, mas lalo niyang naisip kung gaano kahalaga ang anak nila—at kung gaano kalaki ang responsibilidad na nakaatang sa kanya para maprotektahan sila, lalo na kung mapatunayang may masama nga sa likod ng biglaang paglitaw ni Roberto.KINABUKASAN....Kinabukasan, maagang umalis si Calvin. Hindi siya puma
Hindi pa siya nakaka move on sa nangyari kay Robert, at ito.. may panibago na naman siyang bisita.."Anong ginagawa mo dito?" nakasimangot niyang tanong kay Joaquin. May dala itong bulaklak at mamahaling chocolate na paborito niya."Dinadalaw ka.. napakailap mo kasi sa akin. Ilang beses na kitang inaabangan sa paaralan ng anak mo, hindi ka dumarating," hindi napapawi ang ngiti ng lalaki habang nakatingin sa mataray niyang mukha."Walang may sakit dito o patay, para dalahan mo ng bulaklak. Isa pa, hindi ako kumakain ng chocolate." sagot niya sa lalakii. Ipinaparamdam niya dito ang kanyang pag ayaw. Nasusuklam siya sa lalaking ito na sumira ng kanyang pangarap na magkaroon ng mala fairy tale na kasal."Ano yang balat na yan sa basurahan?" nakita ni Joaquin ang balat ng chocolate na kagaya ng dala dala niya."Hindi ako ang kumain niyan," tanggi niya."Sino? si Skye ba? opisina mo ito, dadayo pa ba siya dito para magtapon ng basura?" naupo ito sa upuan sa harapan niya saka inilapag ang da
"MAGHIWALAY NA TAYO, Calvin."Iyon lang ang tanging nasabi ni Chantal sa lalaki. "Wala ka nang dapat alalahanin sa anak natin. Puntahan mo siya kung nais mo, hindi kita pipigilan."Malamig ang tingin ni Calvin sa kanya, tila sinusukat kung gaano siya kaseryoso. Ngunit sa kabila nito, walang bahid ng pagsisisi sa mukha ni Chantal. Matatag ang kanyang tingin, walang mabasang emosyon sa kanyang ekspresyon."Babasahin ko muna. Ipapadala ko na lang sa’yo kapag napirmahan ko na," sagot ni Calvin, walang halong emosyon. Para bang handa na rin siyang bitiwan siya.Kahit siya ang nagpasimuno ng paghihiwalay, lihim pa rin siyang umaasa na tatanggi ito—na magmamakaawa, hihingi ng tawad, o kahit papaano’y ipaglaban siya. Ngunit hindi iyon nangyari. Sa halip, para pa siyang itinataboy ng lalaki.Wala talagang pagmamahal si Calvin para sa kanya.Ngunit hindi niya maaaring ipakita ang sakit at pait na nadarama, kaya agad siyang tumalikod at iniwan ito.Pagkarating sa kanyang sasakyan, doon niya tulu
Mga mararahas na katok ang gumising sa kanya nang umagang iyon. Masakit ang kanyang katawan, waring binugbog siya ng isang dosenang tao. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at napagtanto na nasa isang mataas na lugar siya."A-Anong ginagawa ko dito?" mahina niyang bulong habang hinawakan ang kanyang ulo at pilit bumangon.Nang malaglag ang kumot na nakatabing sa kanyang katawan, nanlaki ang kanyang mga mata. Mabilis siyang napatingin sa salamin—at doon niya nakita ang nakakagulat na tanawin.Puno ng kiss marks ang kanyang katawan, partikular sa kanyang leeg. Ang buhok niya’y gusot-gusot, at nanginginig pa rin ang kanyang mga hita. Napansin niya ang pulang mantsa sa bed sheet—isang patunay ng kanyang pagkabirhen na nawala noong gabing iyon!Biglang sumakit ang kanyang ulo. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang sentido, pilit inaalala ang nangyari."Anong nangyari, Chantal?" tanong niya sa sarili.At noon, unti-unting bumalik sa kanyang alaala ang mga naganap.Siya! Siya mi
HILONG hilo siya noong araw na iyon, ayaw niyang bumangon mula sa kama. Ang sakit ng kanyang ulo.Biglang dumapo ang kanyang paningin sa dispenser ng kanyang mga napkin, at bigla siyang kinabahan.Sa sobrang pagkaabala niya, hindi na niya napansin ang kanyang buwanang dalaw.Dapat, dalawa o tatlong pack na lang ang natitira roon, pero ngayon, ni hindi pa nababawasan ang laman nito simula nang bilhin niya—dalawang buwan na ang nakalipas!Mabilis tumakbo ang kanyang isip. Kumabog ang kanyang puso."Hindi... Stress lang ito!" pilit niyang isiniksik sa kanyang isipan.Ngunit bago pa siya tuluyang makumbinsi, bigla siyang nakaramdam ng pangangasim ng sikmura, dahilan upang magmamadali siyang tumakbo sa banyo."Acid reflux!" pangangatwiran niya sa sarili.Matapos niyang ayusin ang sarili, naligo siya at naghanda para pumasok sa opisina. Ngunit hindi siya mapakali. Hindi niya kayang ipagwalang-bahala ang kutob na mayroon siya.Kaya’t tinawagan niya ang kanyang kaibigan."Hello, Skye, hindi m
LIMANG TAON ANG LUMIPAS...Nasa loob ng ospital sina Chantal at ang anak niyang si Gab. Napilitan siyang umuwi ng Pilipinas dahil lumala ang kalagayan ng kanyang anak. Ayon sa doktor, mahina ito sa malamig na temperatura.Bukod pa roon, napansin niyang naging bugnutin si Gab at hindi ito palasalita. Kapag ayaw niyang magsalita, walang makakapilit sa kanya. Mas gusto niyang gugulin ang oras sa pagguhit at paglalaro ng mga puzzle kaysa makihalubilo.Biglang sumilip sa pinto si Skye. Nang makita siya nito, napangiti ito at agad siyang niyakap."Kailan ka pa dumating?" tanong ni Skye, halatang sabik siyang makita."Kagabi lang. Sinundo kami ni Calvin," nakangiting sagot ni Chantal.Lumapit si Skye sa bata at ngumiti. "Oh, ito na ba ang inaanak ko?"Pinilit niyang makuha ang atensyon ni Gab. "Hi, Gab! Ako ang ninang Skye mo..."Ngunit walang tugon mula sa bata. Ni hindi siya tinapunan ng tingin.Napakunot-noo si Skye. "Bakit ganyan siya? May sakit ba siya bukod sa pneumonia?" tanong niya k
"Ikakasal na nga pala ulit ako," pagbabalita ni Skye kay Chantal."Oh? Congrats! Buti ikakasal ka habang nandito na ako!" Masayang niyakap ni Chantal ang kanyang kaibigan."Kaya nga... Malaki na kasi ang anak ko, kaya kailangan niya ng tatay," nakangiting sabi ni Skye.Natigilan si Chantal. Nauunawaan niya ang hangarin ni Skye—gusto nitong magkaroon ng buong pamilya ang anak nito. Pero siya? Hindi niya kayang ibigay iyon sa anak niya."Kung maaayos mo pa ang sa inyo ni Calvin… ayusin mo. Ang bata kasi ang mahihirapan sa huli," nakangiting payo ni Skye sa kanya.Nahulog siya sa malalim na pag-iisip.Magiging masaya ba talaga ang kaibigan niya? O nagpapakasal lang ito para bigyan ng buong pamilya ang anak nito?Tama ba ang desisyon nito?"Bakit ka magpapakasal?" Iyon na lang ang tanging tanong na naibigay niya."Dahil sa pag-ibig," maiksi ngunit makabuluhang sagot ni Skye. "Magpapakasal kami dahil nagmamahalan kami. Iyon ang dahilan niyon."Bigla siyang nalungkot.Siya at si Calvin… nag
Noon pa man, napapansin na ni Chantal na tuwing may hindi sila pagkakasunduan ni Calvin, mas pinipili nitong umalis at umiwas. Subalit, ayaw niya ng ganoong paraan ng pakikitungo sa problema.Kapag nagtampo ito, hindi na nito papansinin ang kanyang mga tawag at mensahe. At kapag umuuwi naman, nagiging malamig ito sa kanya—parang hindi siya nakikita. Matapos ang isang linggong panlalamig, bigla na lamang siyang lalapitan nito na parang walang nangyari.Ayaw ni Calvin na pag-usapan ang mga bagay-bagay. Wala rin itong ipinapakitang emosyon.Noong magkasakit ang kanilang anak, ilang beses niyang sinubukang tawagan si Calvin. Pakiramdam niya, hindi niya kakayanin mag-isa. Malayo ang kanyang ina, at napakabata pa niya para harapin ito nang mag-isa.Ngunit ni minsan, hindi sinagot ng lalaki ang kanyang mga tawag—marahil dahil naiinis ito sa kanya. Kaya sa sobrang panghihinayang at sama ng loob, binlock na lang niya ito."Nais mo bang tawagan ko ang asawa mo?" tanong ni Enzo, ang pinsan ni Ca
Hindi pa siya nakaka move on sa nangyari kay Robert, at ito.. may panibago na naman siyang bisita.."Anong ginagawa mo dito?" nakasimangot niyang tanong kay Joaquin. May dala itong bulaklak at mamahaling chocolate na paborito niya."Dinadalaw ka.. napakailap mo kasi sa akin. Ilang beses na kitang inaabangan sa paaralan ng anak mo, hindi ka dumarating," hindi napapawi ang ngiti ng lalaki habang nakatingin sa mataray niyang mukha."Walang may sakit dito o patay, para dalahan mo ng bulaklak. Isa pa, hindi ako kumakain ng chocolate." sagot niya sa lalakii. Ipinaparamdam niya dito ang kanyang pag ayaw. Nasusuklam siya sa lalaking ito na sumira ng kanyang pangarap na magkaroon ng mala fairy tale na kasal."Ano yang balat na yan sa basurahan?" nakita ni Joaquin ang balat ng chocolate na kagaya ng dala dala niya."Hindi ako ang kumain niyan," tanggi niya."Sino? si Skye ba? opisina mo ito, dadayo pa ba siya dito para magtapon ng basura?" naupo ito sa upuan sa harapan niya saka inilapag ang da
Pagkauwi nila mula sa ospital, hindi na muling nagsalita si Chantal at Calvin. Tahimik ang biyahe. Tila ba kapwa nila nararamdaman na kahit anong sabihin ay hindi sapat para punan ang lamat sa pagitan nila—isang lamat na unti-unting pinalalim ng mga tanong na wala pang kasagutan.Pagkarating sa kanilang tahanan, sinalubong agad sila ni Gab, bitbit ang laruan at naka-ngiting tila walang anumang mabigat na nangyayari sa mundo. Niyakap siya ni Chantal ng mahigpit, pinilit ang ngiting walang kasamang alinlangan."Mommy, ba’t ka ngayon lang?" tanong ng bata."Sorry, anak... may inalagaan lang si Mommy," sagot niya.Tahimik lamang si Calvin sa isang sulok, pinapanood ang dalawa. Sa loob-loob niya, mas lalo niyang naisip kung gaano kahalaga ang anak nila—at kung gaano kalaki ang responsibilidad na nakaatang sa kanya para maprotektahan sila, lalo na kung mapatunayang may masama nga sa likod ng biglaang paglitaw ni Roberto.KINABUKASAN....Kinabukasan, maagang umalis si Calvin. Hindi siya puma
Tahimik si Calvin sa kinatatayuan niya. Hindi niya makuhang umalis. Hindi niya mawari, kung bakit nasisikil siya ng babae sa kabila ng kanyang mga ginagawa para dito. Taos puso ang kanyang pagtulong subalit para kay Chantal, isa lamang iyong 'tamang gawain'.Hindi niya nais magmahal ng iba.. dahil si Chantal lang ang nag iisang babae para sa kanya.SA loob ng kwarto, habang tahimik na pinapalitan ni Chantal ang malamig na bimpo sa noo ni Roberto, hindi rin niya maiwasang maguluhan. Totoo, malaki ang utang na loob niya sa lalaki. Kung hindi ito dumating, baka ibang-iba ang kinalabasan ng gabing iyon. Pero sa puso niya, may bumabagabag—hindi lang kung bakit ito nandoon sa mismong oras ng insidente, kundi kung bakit tila may bumabalik sa kanya mula sa mga panahong nakalipas na."Hindi mo ako kailangang bantayan , Chantal," mahinang sabi ni Roberto. "Okay na ako. Magpahinga ka na.""Sinuong mo ang panganib para sa akin. Hayaan mong ako naman ang magbantay ngayon," sagot ni Chantal, pinipi
Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas si Chantal mula sa silid ni Roberto. Maputla pa rin siya, pero may bahagyang ngiti sa kanyang labi. Napansin ni Calvin iyon, at bagaman gusto niyang matahimik para sa babae, may kurot pa ring hatid sa dibdib niya ang eksenang iyon."Kamusta siya?" tanong ni Calvin habang tumayo mula sa pagkakaupo sa bench ng hallway."Mayos na siya. Matigas ang ulo, pero okay na naman," sagot ni Chantal, pilit ang ngiti. "Sabi niya, babawi raw siya sa mga sinayang na oras."Napakunot ang noo ni Calvin. "Anong ibig sabihin niyon?"Umiling si Chantal. "Wala. Huwag mo nang palalimin pa. Hindi ko rin sigurado kung ano ang gusto niyang sabihin." Yumuko siya."Ano ba ang ginagawa niya sa lugar na iyon kagabi?" hindi maiwasang tanong ni Calvin sa babae."Pupuntahan niya daw sana ako. Narinig niya lang na may kumosyon sa parking kaya siya napatigil.. at iyon nga ako ang kanyang nakita.""Pero-- napaka co- incidence, di ba?" parang napaisip bigla si Enzo, "sa mismong araw na
Nanginginig pa rin si Chantal habang mahigpit ang pagkakahawak sa sugatang si Roberto. Namumugto ang kanyang mga mata sa takot at pagod, at nanginginig ang kanyang katawan sa malamig na semento ng parking area. Nakatayo naman si Calvin, ilang hakbang lamang mula sa kanila, ngunit tila ba hindi makalapit."Calvin…" mahinang usal ni Chantal, ngunit hindi ito narinig ng lalaki. Ang mga tauhan niya ang unang lumapit, sinuri ang kalagayan ni Roberto at tinawagan ang ambulansya.“May pumutok na ugat sa kaliwang braso, pero buhay. Mukhang nasaksak siya sir,” sabi ng isa sa mga tauhan ni Calvin.Hindi pa rin makakibo si Calvin. Nanlalaki ang kanyang mga mata, pilit inuunawa ang nasasaksihang tagpo. Bakit si Roberto? Ano'ng kinalaman niya rito? At bakit nasa ganoong ayos si Chantal—takot na takot, at nakayakap sa lalaking ito?“Chantal, ano’ng nangyari?” sa wakas ay naitanong ni Calvin, lumapit siya sa dalawa, ngunit halatang pinipigil ang galit at pagkalito sa kanyang tinig.Napatingin si Cha
Basta binuksan ni Chantal ang kanyang call button ng hindi na tinitingnan kung sino ang kanyang tinatawagan. Masyado na siyang natatakot.. ayaw man niyang mag isip ng masama, subalit kinakabahan talaga siya.Hindi niya alam kung sino ang maglalakas loob na gumawa ng ganitong kalokohan sa kanya.Nagmamadali siyang naghanap ng maaaring takbuhan. Biglang nahubad ang isa niyang sapatos, ngunit hindi na niya iyon mabalikan.."Diyos ko.. iligtas mo po ako.. pakiusap.." dasal niya, "magpapakabait na ako.. hindi na ako---" nanlaki ang kanyang mga mata, ng may biglang tumakip sa kanyang bibig, saka siya hinila nito sa gilid..***********Nagulat si Enzo sa biglaang pagkilos ni Calvin. Hindi na ito nag-aksaya ng oras at agad ring tumayo, kinuha ang tablet at phone niya, at tinawagan ang isa sa kanilang bodyguard. "Magpadala ng mga tao sa parking area ng condo ni Chantal. I-check niyo agad ang paligid. Posibleng may banta sa buhay ni Chantal ngayon," utos niya. Sa likod ng kanyang tinig ay may n
"Doon ako curious sa sinasabi mong yumaman.. paano siya magiging ganoo kayaman, kung legal ang kanyang mga ginagawa?" napahawak sa baba si Calvin."Tama.. yan din ang iniisip ko eh. Isa pa, walang masyadong may alam tungkol sa kanyang negosyo.." tugon ni Enzo, "alam mo, pakiramdam ko, magpapalit na ako ng career.. magiging imbestigador na lang ako.. palagay ko, mas kikita ako ng malaki dito.""Maging doctor ka na lang. Gusto mo lang mambabae sa labas," saway ni Calvin sa pinsan."Alam mo, masama ang ugali mo.." nakangusong sabi ni Enzo na may himig pagtatampo, "lahat ng ginagawa ko para sayo ay wala man lang kapalit, tapos parang iniinsulto mo pa ko.. Ganyan ka ba tumanaw ng utang na loob, Calvin?"Binigyan lang ng walang emosyong tingin ni Calvin si Enzo at tila hindi apektado ng pagdadrama nito."Mag artista ka kaya.. masyado kang madrama.." naiiling niyang sabi, sabay tinging muli sa hawak na larawan. "Sa palagay mo na, makkakuha ka agad ng impormasyon tungkol dito?""Hindi. Mang g
Masakit ang ulo ni Calvin, matapos niyang maalimpungatan ng may magbukas ng kurtina ng bintana at sumilip sa siwang ang liwanag ng araw."Ano ba? natutulog pa yung tao.." nakasimangot siyang nagtalukbong ng kumot at walang balak tumayo. Ang araw na ito ay gagawin niyang pahinga. Madalang siyang mag rest day kahit weekends, pero dahil burn out, pinili niyang wag magtrabaho ng dalawang araw."Kamahalan, kung hindi niyo natatandaan, ang silid na ito ay sa akin. Sa kabilang silid ako natulog, dahil ungol ka ng ungol kagabi. Paano kung bigla mo akong bembangin, eh magpinsan tayo?" may pangungonsensiya ang tinig ni Enzo.Bigla siyang nagtanggal ng talukbong, saka sinilip ang lalaking nakatayo sa harapan niya, "inuna mo pang inisip ang pagiging magpinsa natin, kesa parehas tayong lalaki? wag mong sabihing kung hinidi tayo magpinsa, papayag kang makipagbembangan sakin?""Lumipad na naman ang isip mo, attorney! hindi ako bakla no." pagtatanggol ni Enzo sa sarili."Ano bang oras na?" tanong niy
"IKAW ba, mahal mo ba si Chantal?" naiiling na tanong ni Enzo sa kanya."Ina siya ng anak ko, at pinakasalan ko siya," sagot ni Calvin sa pinsan niya na biglang napatitig sa kanya."Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit yung simpleng tanong lang naman sayo, parang nahihirapan kang sagutin," naiiling na sabi ni Enzo sa kanya."Sinagot ko na ang tanong mo, hindi ba?" uminom ng beer si Calvin, nilagok lang iyon ng limang lagok, saka napangiwi matapos iyon dahil sa pait."Ano naman ang isinagot mo, aber? ano? tinatanong kita kung mahal mo siya, pero ang sagot mo, parang tanga! sa bagay, ganyan talaga ang mga abogado.." humigop din ng beer si Enzo, saka napatingin sa madilim na kapaligiran sa labas."Sino nga yung sinasabi mong bagong kaharutan ni Chantal?" nakakunot ang noo ng lalaki ng maalala ang sinabi ni Calvin."Ewan ko.. hindi ko na nga natanong ng maayos, sinampal nga ako, hindi ba?""Baka naman kasi ang klase ng pagtatanong mo ay parang nag iinterrogate? minsan, abnormal ka ri