Mga mararahas na katok ang gumising sa kanya nang umagang iyon. Masakit ang kanyang katawan, waring binugbog siya ng isang dosenang tao. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at napagtanto na nasa isang mataas na lugar siya.
"A-Anong ginagawa ko dito?" mahina niyang bulong habang hinawakan ang kanyang ulo at pilit bumangon. Nang malaglag ang kumot na nakatabing sa kanyang katawan, nanlaki ang kanyang mga mata. Mabilis siyang napatingin sa salamin—at doon niya nakita ang nakakagulat na tanawin. Puno ng kiss marks ang kanyang katawan, partikular sa kanyang leeg. Ang buhok niya’y gusot-gusot, at nanginginig pa rin ang kanyang mga hita. Napansin niya ang pulang mantsa sa bed sheet—isang patunay ng kanyang pagkabirhen na nawala noong gabing iyon! Biglang sumakit ang kanyang ulo. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang sentido, pilit inaalala ang nangyari. "Anong nangyari, Chantal?" tanong niya sa sarili. At noon, unti-unting bumalik sa kanyang alaala ang mga naganap. Siya! Siya mismo ang nag-anyaya kay Calvin na halikan siya! Siya ang nagbigay ng motibo! Ano bang naisipan niya at nagawa niya ang bagay na iyon? Muling lumakas ang pagkatok sa pinto—halos wasakin ito ng nasa labas. Napilitan siyang tumayo, isuot ang robe, at buksan iyon. Si Skye! "Cha-Chantal?" Halata ang pagkagulat sa mukha ng kaibigan. "Anong nangyari?" Nauna na itong pumasok sa loob, hinayaan siyang isara ang pinto. "Hinahanap ka namin kagabi pa! Bakit hindi ka dumating?" tanong nito sa kanya. "Paano mo nalaman na narito ako?" balik-tanong niya. "Sinabi sa akin ng asawa ko. Ayon sa kanya, sinabi ni Calvin na nandito ka. Siya ba ang kasama mo buong magdamag?" Kumunot ang noo ni Skye habang tinititigan siya. "Mukhang sa hitsura mo... parang—" "Niloko niya ako..." mahina niyang bulong. Tuyo na ang kanyang luha. Wala na siyang mailabas pa. "Si Calvin?" tanong ni Skye. Umiling siya. "Ni Joaquin..." "Paano?" At doon, isinalaysay niya ang lahat... Naglalakad siya sa pasilyo, pilit hinahanap ang daan palabas. Subalit ang pasikot-sikot na lugar na iyon ay tila ba sinadyang iligaw siya. Hanggang sa may marinig siyang mga halinghing mula sa isang silid. Bahagyang nakabukas ang pinto—at mula roon, narinig niya ang tinig ng dalawang taong nag-uusap. "Hindi mo ba mahal si Ate?" tanong ng isang pamilyar na boses—si Janina, ang kanyang nakababatang kapatid. "Hmm... hindi na iyon mahalaga. Ikaw ang mahalaga sa akin... uhhm..." kasabay ng tunog ng kanilang maalab na halikan. Nasaksihan niya ang isang eksenang kailanman ay hindi niya inakalang mangyayari. "Sino ang mas magaling—ako ba, o siya?" malanding tanong ni Janina. "Siyempre ikaw..." sagot ni Joaquin. "Ayaw namang magpahalik ng ate mo. Ang boring niya! Kahit smack kiss lang, ipinagdadamot pa. Lagi niyang sinasabi, 'I reserve myself for the big day.' Halik lang, ipinagkakait pa! Pero lalaki ako, may pisikal akong pangangailangan... at ikaw lang ang nakapagbibigay niyon." "Ohh!" ungol ni Janina habang gumagalaw sa ibabaw ng lalaking dapat sana’y para kay Chantal. "Uuugh... ang galing mo..." Halos masuka si Chantal sa eksenang nasaksihan niya. Napakababoy! Nakakadiri! Hindi niya akalaing magagawa ito ng kanyang half-sister—ang mismong taong kinupkop at ipinaglaban niya sa kanilang ama! Trinaydor siya nito nang walang pakundangan! Sa dami ng lalaki sa mundo, bakit kailangang agawin pa nito ang kanya? Napatulala si Skye matapos marinig ang lahat. Dahan-dahan siyang lumapit at niyakap si Chantal, hinahagod ang kanyang likod. "Okay ka lang ba?" tanong niya nang kumalas sa yakap. "Malamang hindi," mapait ang ngiti ni Chantal. "Pero kailangan kong maging okay." "Bakit si Calvin ang kasama mo ngayon?" muling tanong ni Skye. "Siya lang ang nakita ko..." Mahina ang tinig ni Chantal. "Hindi ko rin alam kung bakit, pero maaaring tadhana na rin ang nagtulak sa akin papunta sa kanya." Natahimik si Skye. Ilang saglit bago siya muling nagsalita. "Sa bagay... tama ka rin. Pero—anong plano mo ngayon?" Saglit na katahimikan. At sa wakas, sumagot si Chantal. "Wala."HILONG hilo siya noong araw na iyon, ayaw niyang bumangon mula sa kama. Ang sakit ng kanyang ulo.Biglang dumapo ang kanyang paningin sa dispenser ng kanyang mga napkin, at bigla siyang kinabahan.Sa sobrang pagkaabala niya, hindi na niya napansin ang kanyang buwanang dalaw.Dapat, dalawa o tatlong pack na lang ang natitira roon, pero ngayon, ni hindi pa nababawasan ang laman nito simula nang bilhin niya—dalawang buwan na ang nakalipas!Mabilis tumakbo ang kanyang isip. Kumabog ang kanyang puso."Hindi... Stress lang ito!" pilit niyang isiniksik sa kanyang isipan.Ngunit bago pa siya tuluyang makumbinsi, bigla siyang nakaramdam ng pangangasim ng sikmura, dahilan upang magmamadali siyang tumakbo sa banyo."Acid reflux!" pangangatwiran niya sa sarili.Matapos niyang ayusin ang sarili, naligo siya at naghanda para pumasok sa opisina. Ngunit hindi siya mapakali. Hindi niya kayang ipagwalang-bahala ang kutob na mayroon siya.Kaya’t tinawagan niya ang kanyang kaibigan."Hello, Skye, hindi m
LIMANG TAON ANG LUMIPAS...Nasa loob ng ospital sina Chantal at ang anak niyang si Gab. Napilitan siyang umuwi ng Pilipinas dahil lumala ang kalagayan ng kanyang anak. Ayon sa doktor, mahina ito sa malamig na temperatura.Bukod pa roon, napansin niyang naging bugnutin si Gab at hindi ito palasalita. Kapag ayaw niyang magsalita, walang makakapilit sa kanya. Mas gusto niyang gugulin ang oras sa pagguhit at paglalaro ng mga puzzle kaysa makihalubilo.Biglang sumilip sa pinto si Skye. Nang makita siya nito, napangiti ito at agad siyang niyakap."Kailan ka pa dumating?" tanong ni Skye, halatang sabik siyang makita."Kagabi lang. Sinundo kami ni Calvin," nakangiting sagot ni Chantal.Lumapit si Skye sa bata at ngumiti. "Oh, ito na ba ang inaanak ko?"Pinilit niyang makuha ang atensyon ni Gab. "Hi, Gab! Ako ang ninang Skye mo..."Ngunit walang tugon mula sa bata. Ni hindi siya tinapunan ng tingin.Napakunot-noo si Skye. "Bakit ganyan siya? May sakit ba siya bukod sa pneumonia?" tanong niya k
"Ikakasal na nga pala ulit ako," pagbabalita ni Skye kay Chantal."Oh? Congrats! Buti ikakasal ka habang nandito na ako!" Masayang niyakap ni Chantal ang kanyang kaibigan."Kaya nga... Malaki na kasi ang anak ko, kaya kailangan niya ng tatay," nakangiting sabi ni Skye.Natigilan si Chantal. Nauunawaan niya ang hangarin ni Skye—gusto nitong magkaroon ng buong pamilya ang anak nito. Pero siya? Hindi niya kayang ibigay iyon sa anak niya."Kung maaayos mo pa ang sa inyo ni Calvin… ayusin mo. Ang bata kasi ang mahihirapan sa huli," nakangiting payo ni Skye sa kanya.Nahulog siya sa malalim na pag-iisip.Magiging masaya ba talaga ang kaibigan niya? O nagpapakasal lang ito para bigyan ng buong pamilya ang anak nito?Tama ba ang desisyon nito?"Bakit ka magpapakasal?" Iyon na lang ang tanging tanong na naibigay niya."Dahil sa pag-ibig," maiksi ngunit makabuluhang sagot ni Skye. "Magpapakasal kami dahil nagmamahalan kami. Iyon ang dahilan niyon."Bigla siyang nalungkot.Siya at si Calvin… nag
Noon pa man, napapansin na ni Chantal na tuwing may hindi sila pagkakasunduan ni Calvin, mas pinipili nitong umalis at umiwas. Subalit, ayaw niya ng ganoong paraan ng pakikitungo sa problema.Kapag nagtampo ito, hindi na nito papansinin ang kanyang mga tawag at mensahe. At kapag umuuwi naman, nagiging malamig ito sa kanya—parang hindi siya nakikita. Matapos ang isang linggong panlalamig, bigla na lamang siyang lalapitan nito na parang walang nangyari.Ayaw ni Calvin na pag-usapan ang mga bagay-bagay. Wala rin itong ipinapakitang emosyon.Noong magkasakit ang kanilang anak, ilang beses niyang sinubukang tawagan si Calvin. Pakiramdam niya, hindi niya kakayanin mag-isa. Malayo ang kanyang ina, at napakabata pa niya para harapin ito nang mag-isa.Ngunit ni minsan, hindi sinagot ng lalaki ang kanyang mga tawag—marahil dahil naiinis ito sa kanya. Kaya sa sobrang panghihinayang at sama ng loob, binlock na lang niya ito."Nais mo bang tawagan ko ang asawa mo?" tanong ni Enzo, ang pinsan ni Ca
Masaya ang naging kasal nina Skye at Reynold—maraming bisita, masaganang handaan, at walang tigil na kasiyahan.Dahil sa sunod-sunod na tagay ng alak, nalasing si Chantal. Halos wala na siyang maalala. Ang buong gabi ay tila isang malabong panaginip, at hindi niya alam kung ano ang tunay na nangyari.Kinabukasan...Dahan-dahang iminulat ni Chantal ang kanyang malalaking mga mata. Iginala niya ang paningin sa paligid. Ang kisame, ang bintana, pati na ang kulay ng dingding—lahat ay pamilyar.Nakauwi ako sa sarili kong bahay?Kung ganoon, hindi totoo ang nangyari kagabi? Panaginip lang ba na may kahalikan siyang isang lalaki?Bahagyang lumuwag ang kanyang pagkakangiti nang maisip iyon.Ngunit…Bakit parang totoong-totoo ang lahat?Ramdam pa rin niya ang mainit na yakap ni Calvin, ang malambot nitong mga kamay na dumadama sa kanyang balat, at ang maiinit nitong halik sa kanyang punong tainga. Napapikit siya sa matinding pagkailang.Napabalikwas siya ng bangon—agad niyang naramdaman ang pa
HABANG nasa sasakyan....Unti-unting kumakalat sa katawan ni Chantal ang gamot na nainom niya, at ramdam na niya ang epekto nito.Nasa kandungan siya ni Calvin, at sa mga sandaling iyon, pilit niyang pinipigil ang init na bumabalot sa kanyang katawan. Ang kanyang malikot na kilos ay unti-unting gumigising sa ‘demon side’ ni Calvin.Sa harapan, si Globe, ang assistant ni Calvin, ang nagmamaneho. Napatingin siya sa rearview mirror at halos lumuwa ang mata nang makita ang kaakit-akit na babaeng nasa kandungan ng kanyang boss—halos hubad na ito!Agad itong napansin ni Calvin. Mahigpit niyang niyakap si Chantal bago madilim na tumingin kay Globe."Itataas mo ang divider," malamig niyang utos.Agad namang sumunod si Globe.Samantala, hindi makapaniwala si Calvin sa nangyayari kay Chantal. Nanunuyo na ang kanyang lalamunan dahil sa kalikutang ginagawa nito."Ano bang nangyayari sa’yo, Chantal?" tanong niya, paos ang tinig.Naiiyak na si Chantal, tila nagsusumbong. "Mainit… napakainit! Ayoko
"Sorry anak, napasarap ang tulog ni mommy," nilapitan niya si Gab saka hinalikan sa noo."Tara na po at kumain," masiglang bati ng bata."Maliligo muna si mommy, okay?" hinimas niya ang pisngi ng kanyang anak."Daddy, saan ka natulog kagabi? bakit ka nga ba narito?" tanong ng bata."Diayn ako natulog--" magsasalita na sana si Calvin subalit mabilis niya itong tinapos."Diyan sa sofa! diyan natulog ang daddy mo!" nanginginig ang kanyang mga labi, habang sinasabi iyon. Pinandilatan niya ng mata ang lalaki na tila ba sinasabi niya, 'wag kang magkakamaling umamin'."Oo, anak, dito ako nakatulog," nakangising sagot nito, "ang sarap matulog dito, ang lambot." saka nakangising tumingin kay Chantal.Inirapan naman niya ang lalaki."Ha? kawawa naman si daddy kung dito lang natulog?" lumapit ang bata kay Caleb."Sanay na naman si daddy anak," saka nito kinindatan ang bata.Napalingon si Gab kay Chantal, at agad na naningkit ang mga mata at nagmamadaling lumapit sa ina."Mommy, ano pong nangyari
Napalunok si Chantal. Ang init ng hininga ni Calvin ay dumampi sa kanyang pisngi, at ang paraan ng paghawak nito sa kanya ay nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kanyang dibdib. Pilit niyang itinulak ang lalaki, ngunit tila ba mas lalo lamang nitong hinihigpitan ang hawak sa kanyang baywang. Parang ayaw ng lumayo ng lalaki sa kanya."Calvin, lumayo ka!" madiin niyang sabi, ngunit sa halip na lumayo, ay mas lalo pa itong yumuko at inilapit ang labi nito sa kanyang tenga."Sabihin mo muna, Chantal," bulong nito sa isang mapang-akit na tinig, "bakit ka galit sa akin? Bakit mo ako tinutulak palayo?"Hindi siya makasagot. Dahil ba sa mga nangyari kagabi? Dahil ba sa mga damdaming pilit niyang tinatago? O dahil natatakot siyang mahulog muli sa lalaking ilang beses nang sinaktan ang kanyang puso?Nakabawi siya ng kaunting lakas ng loob at itinulak siya ni Chantal nang may puwersa. "Dahil hindi kita kailangan sa buhay ko, Calvin! Hindi mo ba naiintindihan? Tapos na tayo!"Napakurap ang lalaki,
Tahimik si Calvin sa kinatatayuan niya. Hindi niya makuhang umalis. Hindi niya mawari, kung bakit nasisikil siya ng babae sa kabila ng kanyang mga ginagawa para dito. Taos puso ang kanyang pagtulong subalit para kay Chantal, isa lamang iyong 'tamang gawain'.Hindi niya nais magmahal ng iba.. dahil si Chantal lang ang nag iisang babae para sa kanya.SA loob ng kwarto, habang tahimik na pinapalitan ni Chantal ang malamig na bimpo sa noo ni Roberto, hindi rin niya maiwasang maguluhan. Totoo, malaki ang utang na loob niya sa lalaki. Kung hindi ito dumating, baka ibang-iba ang kinalabasan ng gabing iyon. Pero sa puso niya, may bumabagabag—hindi lang kung bakit ito nandoon sa mismong oras ng insidente, kundi kung bakit tila may bumabalik sa kanya mula sa mga panahong nakalipas na."Hindi mo ako kailangang bantayan , Chantal," mahinang sabi ni Roberto. "Okay na ako. Magpahinga ka na.""Sinuong mo ang panganib para sa akin. Hayaan mong ako naman ang magbantay ngayon," sagot ni Chantal, pinipi
Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas si Chantal mula sa silid ni Roberto. Maputla pa rin siya, pero may bahagyang ngiti sa kanyang labi. Napansin ni Calvin iyon, at bagaman gusto niyang matahimik para sa babae, may kurot pa ring hatid sa dibdib niya ang eksenang iyon."Kamusta siya?" tanong ni Calvin habang tumayo mula sa pagkakaupo sa bench ng hallway."Mayos na siya. Matigas ang ulo, pero okay na naman," sagot ni Chantal, pilit ang ngiti. "Sabi niya, babawi raw siya sa mga sinayang na oras."Napakunot ang noo ni Calvin. "Anong ibig sabihin niyon?"Umiling si Chantal. "Wala. Huwag mo nang palalimin pa. Hindi ko rin sigurado kung ano ang gusto niyang sabihin." Yumuko siya."Ano ba ang ginagawa niya sa lugar na iyon kagabi?" hindi maiwasang tanong ni Calvin sa babae."Pupuntahan niya daw sana ako. Narinig niya lang na may kumosyon sa parking kaya siya napatigil.. at iyon nga ako ang kanyang nakita.""Pero-- napaka co- incidence, di ba?" parang napaisip bigla si Enzo, "sa mismong araw na
Nanginginig pa rin si Chantal habang mahigpit ang pagkakahawak sa sugatang si Roberto. Namumugto ang kanyang mga mata sa takot at pagod, at nanginginig ang kanyang katawan sa malamig na semento ng parking area. Nakatayo naman si Calvin, ilang hakbang lamang mula sa kanila, ngunit tila ba hindi makalapit."Calvin…" mahinang usal ni Chantal, ngunit hindi ito narinig ng lalaki. Ang mga tauhan niya ang unang lumapit, sinuri ang kalagayan ni Roberto at tinawagan ang ambulansya.“May pumutok na ugat sa kaliwang braso, pero buhay. Mukhang nasaksak siya sir,” sabi ng isa sa mga tauhan ni Calvin.Hindi pa rin makakibo si Calvin. Nanlalaki ang kanyang mga mata, pilit inuunawa ang nasasaksihang tagpo. Bakit si Roberto? Ano'ng kinalaman niya rito? At bakit nasa ganoong ayos si Chantal—takot na takot, at nakayakap sa lalaking ito?“Chantal, ano’ng nangyari?” sa wakas ay naitanong ni Calvin, lumapit siya sa dalawa, ngunit halatang pinipigil ang galit at pagkalito sa kanyang tinig.Napatingin si Cha
Basta binuksan ni Chantal ang kanyang call button ng hindi na tinitingnan kung sino ang kanyang tinatawagan. Masyado na siyang natatakot.. ayaw man niyang mag isip ng masama, subalit kinakabahan talaga siya.Hindi niya alam kung sino ang maglalakas loob na gumawa ng ganitong kalokohan sa kanya.Nagmamadali siyang naghanap ng maaaring takbuhan. Biglang nahubad ang isa niyang sapatos, ngunit hindi na niya iyon mabalikan.."Diyos ko.. iligtas mo po ako.. pakiusap.." dasal niya, "magpapakabait na ako.. hindi na ako---" nanlaki ang kanyang mga mata, ng may biglang tumakip sa kanyang bibig, saka siya hinila nito sa gilid..***********Nagulat si Enzo sa biglaang pagkilos ni Calvin. Hindi na ito nag-aksaya ng oras at agad ring tumayo, kinuha ang tablet at phone niya, at tinawagan ang isa sa kanilang bodyguard. "Magpadala ng mga tao sa parking area ng condo ni Chantal. I-check niyo agad ang paligid. Posibleng may banta sa buhay ni Chantal ngayon," utos niya. Sa likod ng kanyang tinig ay may n
"Doon ako curious sa sinasabi mong yumaman.. paano siya magiging ganoo kayaman, kung legal ang kanyang mga ginagawa?" napahawak sa baba si Calvin."Tama.. yan din ang iniisip ko eh. Isa pa, walang masyadong may alam tungkol sa kanyang negosyo.." tugon ni Enzo, "alam mo, pakiramdam ko, magpapalit na ako ng career.. magiging imbestigador na lang ako.. palagay ko, mas kikita ako ng malaki dito.""Maging doctor ka na lang. Gusto mo lang mambabae sa labas," saway ni Calvin sa pinsan."Alam mo, masama ang ugali mo.." nakangusong sabi ni Enzo na may himig pagtatampo, "lahat ng ginagawa ko para sayo ay wala man lang kapalit, tapos parang iniinsulto mo pa ko.. Ganyan ka ba tumanaw ng utang na loob, Calvin?"Binigyan lang ng walang emosyong tingin ni Calvin si Enzo at tila hindi apektado ng pagdadrama nito."Mag artista ka kaya.. masyado kang madrama.." naiiling niyang sabi, sabay tinging muli sa hawak na larawan. "Sa palagay mo na, makkakuha ka agad ng impormasyon tungkol dito?""Hindi. Mang g
Masakit ang ulo ni Calvin, matapos niyang maalimpungatan ng may magbukas ng kurtina ng bintana at sumilip sa siwang ang liwanag ng araw."Ano ba? natutulog pa yung tao.." nakasimangot siyang nagtalukbong ng kumot at walang balak tumayo. Ang araw na ito ay gagawin niyang pahinga. Madalang siyang mag rest day kahit weekends, pero dahil burn out, pinili niyang wag magtrabaho ng dalawang araw."Kamahalan, kung hindi niyo natatandaan, ang silid na ito ay sa akin. Sa kabilang silid ako natulog, dahil ungol ka ng ungol kagabi. Paano kung bigla mo akong bembangin, eh magpinsan tayo?" may pangungonsensiya ang tinig ni Enzo.Bigla siyang nagtanggal ng talukbong, saka sinilip ang lalaking nakatayo sa harapan niya, "inuna mo pang inisip ang pagiging magpinsa natin, kesa parehas tayong lalaki? wag mong sabihing kung hinidi tayo magpinsa, papayag kang makipagbembangan sakin?""Lumipad na naman ang isip mo, attorney! hindi ako bakla no." pagtatanggol ni Enzo sa sarili."Ano bang oras na?" tanong niy
"IKAW ba, mahal mo ba si Chantal?" naiiling na tanong ni Enzo sa kanya."Ina siya ng anak ko, at pinakasalan ko siya," sagot ni Calvin sa pinsan niya na biglang napatitig sa kanya."Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit yung simpleng tanong lang naman sayo, parang nahihirapan kang sagutin," naiiling na sabi ni Enzo sa kanya."Sinagot ko na ang tanong mo, hindi ba?" uminom ng beer si Calvin, nilagok lang iyon ng limang lagok, saka napangiwi matapos iyon dahil sa pait."Ano naman ang isinagot mo, aber? ano? tinatanong kita kung mahal mo siya, pero ang sagot mo, parang tanga! sa bagay, ganyan talaga ang mga abogado.." humigop din ng beer si Enzo, saka napatingin sa madilim na kapaligiran sa labas."Sino nga yung sinasabi mong bagong kaharutan ni Chantal?" nakakunot ang noo ng lalaki ng maalala ang sinabi ni Calvin."Ewan ko.. hindi ko na nga natanong ng maayos, sinampal nga ako, hindi ba?""Baka naman kasi ang klase ng pagtatanong mo ay parang nag iinterrogate? minsan, abnormal ka ri
Matagal ng nakaalis si Roberto, subalit nakangiti pa rin si Chantal. Ang baklang iyon, napakaraming kalokohan sa buhay.Kung nanatili siguro silang magkaibigan, hindi sana siya naloko ni Joaquin, at hindi sana siya nadisgrasya ni Calvin.Bumuntung hininga siya, malalim.. Na para bang nalulunod. May mga bagay talagang kailangan ng palampasin dahil parte na iyon ng nakaraan nila. Subalit nagtataka pa rin siya, kung sino ang makating dila ang sumira sa sekreto ni Roberto.Tiningnan niya ang kanilang selfies. Siguradong maiinggit si Skye kapag nalaman nitong nagkita silang muli ni Roberto.Habang nakaplaster ang ngiti sa kanyang mga labi, bumukas ang pinto ng kanyang op[isina. Hindi na niya iyon nilingon pa. Nagsalita na lang siya basta."I-print mo yung gustong design nung huling kliyente para magawan na agad ng drafts.." sabi niya.Matapos hindi kumilos ang taong kausap niya, nag angat na siya ng kanyang paningin.Ang ngiting asa kanyang labi, ay unti unting nabura at napalitan ng pagka
NAGMUMUNI muni si Chantal, habang iniiikot ang kanyang upuan sa opisina, ng pumasok ang kanyang sekretarya."Engineer, may nag iinquire po sa page. Kinausap ko na po siya, subalit ang nais daw niyang makausap ay kayo.." sabi nito sa kanya.Bigla siyang nag change ng mood at inutusan itong itransfer ang tawag sa kanyang telepono."Hi, this is Engineer Meneses.." sabi niya sa kabilang linya."Hi, magpapa draft sana ako sa architect niyo at magpapagawa ng plano. Hindi kasi maayos magpaliwanag ang iyong secretary, tinatamad lang akong makipag usap sa kanya, kaya ikaw na lang ang mag explain sa akin," sabi ng lalaki sa kabilang linya."May I know who's on the line sir?" magalang niyang tanong."Roberto.. Roberto Fontanilla."Nag isip siya bigla.. Sino nga ba ang Fontanilla na naririnig niya?Famiiliar ito, subalit hindi niya matandaan kung sino.Nagpatuloy sa pag-ikot ng upuan si Chantal habang pinipilit balikan sa kanyang alaala kung saan niya narinig ang pangalang Fontanilla. Hindi ito