REVENGEFUL HEART

REVENGEFUL HEART

last updateLast Updated : 2022-07-09
By:  Ms.aries@17  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
19 ratings. 19 reviews
60Chapters
20.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Sheena Santillian, isang simpleng guro na mula sa mahirap na pamilya. Hindi sinasadyang nalasing sya sa isang kasiyahan na naganap sa kanilang eskwelahan kasama ang ibang guro at kaibigan. Dinala sya ng mga ito sa isang pribadong opisina ng kanilang boss, upang mahimasmasan dahil sa pag aakalang out of the country ito. Ngunit bigla itong sumulpot at nakita ang dalagang natutulog sa kanyang opisina. Dahilan upang di sinasadyang may mangyari sa kanila at nag bunga ang minsan nilang pag sasama ng triplets na babae. Matapos maka panganak si Sheena ay nasunog naman ang hospital at sinabing kasama ang kanyang triplets sa mga nasawi. Masuwerteng naka ligtas sya, ngunit sunog naman ang kanyang kalahati ng mukha at katawan. Halos mawalan na sya ng pag asa ng may isang taong nag alok sa kanya ng tulong. Makalipas ang ilang taon ay muli syang nag balik upang maningil sa mga taong dapat pag bayarin sa nangyari sa kanyang anak. Ngunit natuklasan nyang buhay ang mga ito. Mabawi pa kaya nya ang kanyang triplets? Paano sya lalapit sa mga ito kung hindi naman sya kilala ng kanyang mga anak? At malaman pa kaya ng ama ng kanyang mga anak ang tungkol sa kanya kung may isang tao na palaging hadlang sa mga plano nya?

View More

Latest chapter

Free Preview

PROLOGUE

"Congratulation's, mrs. you are nine week's pregnant!" Nakangiting sabi ng doktora kung saan nagsadya siya upang mag pa- check- up. Lately kasi, palagi siyang nakakaramdam ng hilo at morning sickness. Hindi rin siya dinatnan ng halos dalawang buwan na kaya labis na rin siyang nag a- alala. At tama nga ang hinala niya, na baka buntis siya. Nag bunga ang minsang nangyari sa kanila ni Red ng gabing iyon, ang boss niya. "B- buntis ako?" hindi makapaniwala at tila wala sa sariling naibulong niya. Nagsimulang nag-init ang kanyang mga mata. Hiningi niya ang tulong ni Kara, upang samahan siya nito ngayong araw, upang maka pag pa- check- up at agad naman itong pumayag. Sandali muna itong um- absent sa pagtuturo nito. Hindi rin naman niya sinabi sa kanyang ina kung saan ang tungo niya ngayong araw, dahil ayaw naman niya na mag alala ito. Bakas ang pag ka- gulat sa mukha ni Sheena, gayundin si Kara. Hindi sila kapwa makapaniwala na nag da- dalang-tao sa n

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
dolly Colance
interesting ...
2023-04-08 22:27:46
1
user avatar
nanay ng lahat
recommended story...
2023-03-25 16:41:31
0
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful atory
2023-01-17 04:56:00
1
user avatar
Ms.aries@17
Thank you po sa inyong lahat..........
2023-01-13 07:27:56
0
default avatar
drei
I'm starting to like your works. goodluck, author and more stories to make.
2022-09-22 20:01:31
0
default avatar
drei
one of my fav. genre. revenge.
2022-09-22 20:00:04
0
user avatar
Juvy Pem
My favorite, revenge ... Thanks author ...️
2022-08-05 05:50:52
0
user avatar
Alia soriano
ganda po...
2022-08-04 03:48:40
0
user avatar
wildscent
nice and good story
2022-07-30 21:13:50
0
user avatar
bakekang
love it, revenge...
2022-07-30 04:43:36
0
user avatar
Ms.aries@17
hello everyone, thanks po sa lahat nang nagbabasa nito. completed na rin po ito. thank you!
2022-07-14 03:06:58
0
user avatar
adriana v.
... love it, got my interest
2022-06-27 05:40:52
0
user avatar
Sum Smith
currently reading and all i can say is, worth it to read. good luck, author.
2022-05-12 06:16:16
0
user avatar
Amie Montefalco
update po, please...
2022-05-12 05:30:29
0
user avatar
nanay ng lahat
another masterpiece from u author, worth to read. sana ma complete agad.
2022-05-11 17:05:55
0
  • 1
  • 2
60 Chapters

PROLOGUE

"Congratulation's, mrs. you are nine week's pregnant!" Nakangiting sabi ng doktora kung saan nagsadya siya upang mag pa- check- up. Lately kasi, palagi siyang nakakaramdam ng hilo at morning sickness. Hindi rin siya dinatnan ng halos dalawang buwan na kaya labis na rin siyang nag a- alala. At tama nga ang hinala niya, na baka buntis siya. Nag bunga ang minsang nangyari sa kanila ni Red ng gabing iyon, ang boss niya. "B- buntis ako?" hindi makapaniwala at tila wala sa sariling naibulong niya. Nagsimulang nag-init ang kanyang mga mata. Hiningi niya ang tulong ni Kara, upang samahan siya nito ngayong araw, upang maka pag pa- check- up at agad naman itong pumayag. Sandali muna itong um- absent sa pagtuturo nito. Hindi rin naman niya sinabi sa kanyang ina kung saan ang tungo niya ngayong araw, dahil ayaw naman niya na mag alala ito. Bakas ang pag ka- gulat sa mukha ni Sheena, gayundin si Kara. Hindi sila kapwa makapaniwala na nag da- dalang-tao sa n
Read more

CHAPTER 1

SHEENA Maaga pa lamang, ay nakahanda na si Sheena sa kanyang mga dadalahin papasok ng eskwelahan. Kumpleto na ang kagabi pa niya ini- handang mga lesson plan, at maging ang kanyang baong pagkain para sa kanyang pananghalian. Naka- ugalian na niyang mag handa na lang ng baon, upang mas maka tipid siya sa gastos, kaysa bibili pa siya sa canteen ng eskwelahan, sapagkat may kamahalan doon ang mga pagkain, palibhasa ay isang pribadong school iyon. May kalayuan rin ang kaniyang pinag tu- turuang eskwelahan sa kanilang tahanan, kaya kailangan pa rin niya na sumakay ng tricycle. "Alis na 'ho ako, inay!" paalam niya sa kanyang ina. Bata pa rin naman ang kanyang ina, palibhasa ay maaga itong nag- asawa. Hindi rin sila mayaman, ngunit may pinag kukunan namang maliit na kabuhayan, may grocery store ang ina niya. Construction worker naman ang kaniyang ama, at nag i- isa lamang siyang anak ng mga ito, kaya kahit pa- paano ay nai- taguyod nila ang kanyang pag- aaral.
Read more

CHAPTER 2

SHEENA Nagulat ng husto si Sheena at natilihan, matapos makita ang napaka gwapong nilalang, na nakita niya sa balat ng lupa. Hindi niya agad nakuhang sumagot sa labis na pagka bigla. Wala pang nakaka kita sa kanilang bagong boss, at panigurado na siya na pag ka- kaguluhan ito, kung ito man siya, matapos na makita ang napa ka- gwapo nitong hitsura. Malinis at itim na itim ang maikli at bagsak nitong buhok. Medyo may kasing kitang mga mata na matiim kung maka titig, na akala mo ay hina- halukay ang sa nasa kaibuturan mo. Matangos na ilong at hindi kakapalan ang mamula- mula nitong mga labi. Malinis din ang mukha nito, at walang maba bakas na kahit ano mang balbas o bigote. Lihim siyang muling napalunok sa sarili. Parang pakiramdam niya ay nauhaw yata siya bigla at nanuyo ang lalamunan, habang walang anumang salitang gustong lumabas sa kanyang bibig. 'Baka alaga sa shave!' bulong niya dahil sa malinis nitong mukha, may kaputian rin ito, at katawan na tiyak s
Read more

CHAPTER 3

RED'S POV   Tatlong araw pa lamang, mula ng dumating s'ya sa Pilipinas, ngunit trabaho agad ang sumalubong sa kanya. Nais nang mga magulang n'ya, na ipasa na ang lahat ng pamamahala sa kanya, tutal ay nasa tamang edad naman na raw s'ya. Sa edad n'yang beinte 'y otso, ay masasabi n'yang successful naman n'yang napamahalaan ang ibang negosyo nila sa states, habang naroon pa s'ya. Ilan sa mga iyon ay hotel and restaurant. Kasama na rin dito ang malaking companya ng car rental sa America, dahil iyon ang isa sa malakas na negosyo roon.          Anang ama n'ya, dapat lang na magsimula na rin s'yang mag extend ng pamamahala, sa loob  ng sarili nitong bansa, dahil wala naman daw ibang magiging tagapag- mana maliban sa kanya. Nag i- isa lang s'yang anak, kaya halos lahat ay sa kanya na rin mapupunta.           Hindi s'ya 'yung tipo nang tao na mayabang, ngunit minsan rin ay may pag ka- suplado na
Read more

CHAPTER 4

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan, nina Sheena at nang kanilang bagong boss na si Red. Wala ni isa man sa kanila ang nag tangkang mag labas nang salita. Tutok ang tingin ni Sheena sa sahig ng elevator, habang naka yuko ang ulo. Pinilit n'yang huwag lumingon sa kanyang katabi, kahit pa nga gustong- gusto n'yang mabistahan pa ang hitsura nito, kaya lang nahihiya naman s'ya na baka iba ang isipin nito sa kanya.         Habang si Red naman, ay nakatitig sa kanya na tila ba amused na amused sa ikinikilos ng dalaga. Mag ka- salikop ang kanyang mga braso sa harapan ng kanyang dibdib, habang naka sandal naman sa dingding ng elevator.          Ramdam ni Sheena ang ginagawang pag titig sa kanya ng kanyang katabi, kaya pinilit n'yang iwasan na mapa lingon sa gawi nito. Hindi maiwasan nang guro na kabahan ng sobra, dahil sa presens'ya nito sa tabi n'ya. Pinag salikop rin n'ya ang kanyang mga palad sa kanyang likuran, at dam
Read more

CHAPTER 5

Isang linggo pa ang lumipas at ginanap na ang intrams, sa eskwelahang pinag- tuturuan ni Sheena. Lahat ay abala at may kanya- kanyang gawain na naka toka.         Tumagal ito ng limang araw, at ngayon ang huling araw ng kanilang pag pa- palaro.         Sa loob ng limang araw na iyon, ay hindi pa muling nakita ni Sheena ang kanilang boss na si Red. Ang sabi ng ilang ka- guro n'ya, ay nasa ibang bansa ito, para asikasuhin ang iba pa nilang negosyo roon, at wala pang kasiguruhan, kung kailan ang balik nito ng bansa. Wala rin ang presensya nito, sa ga- ganaping induction ball bukas ng gabi.        Hindi maintindihan ni Sheena ang kanyang sarili, na makaramdam s'ya ng matinding lungkot, sa isiping hindi niya makikita ang kanyang boss.        Naiinis tuloy s'ya sa kanyang sarili, at sa kanyang nararamdaman. Hindi naman s'ya dapat nakakaramdam ng ganoon, dahil wala namang espesya
Read more

CHAPTER 6

RED POV   Mabibilis ang mga hakbang ni Red, habang nag la- lakad palabas ng Airport, kasama ang kanyang assistant- secretary na si Vida.           Hindi s'ya nag karoon ng pag ka- kataon na maabutan pa ang isina- sagawang intrams sa kanilang unibersidad, dahil sa hindi inaasahan na pag ka- adjust ng kanyang dinaluhang bussiness trip summit.          Balak pa naman sana n'yang maka- abot sa nasabing programa. Ngunit alam n'yang mag ta- tapos na ngayong gabi sa pag sa- saya ang lahat, kasama na ang awarding.           "Paki- diretso mo na lang sa opisina ko bukas ang lahat ng mga papeles na kailangan kong pirmahan." saad ni Red habang nag la- lakad palabas at bahagya na lang sumulyap sa kanyang secretary.          "Sige, 'ho, sir, noted po." magalang namang saad ng kasama.          "Sige, mag- iingat k
Read more

CHAPTER 7

RED            "Get dress! And we will talk." pormal na utos ni Red kay Cynthia. Wala man lamang mababakas na emosyon sa mukha nito. At sobrang lamig ng boses, na alam mong pangingilagan mo.         Matapos, ay sandaling natuon ang mga mata ng lalaki sa bahid ng dugo sa bedsheet. Muli nitong sinipat ang mukha ni Cynthia na naka higa, habang bakas ang pandidilim ng awra niya. Kasabay ang pag ngangalit nang kanyang bagang at bahagyang pag kuyom ng kamao.        Ilang sandali lang at mabilis na itong tumalikod sa babae palabas ng silid. Ngunit bago pa man nito tuluyang isara ang dahon ng pinto, ay muli itong bumaling kay Cynthia.        "Hurry up! I don't want to wait you too long." malamig na dagdag nito, saka tuluyang lumabas at isinara ang dahon ng pinto.       Matapos maka labas si Red, ay nag ku- kumahog na bumangon mula sa k
Read more

CHAPTER 8

RED           Gamit ang elevator sa basement parking nang Monteverde building, maayos at tahimik na naka pasok nang kanyang opisina si Red, na walang nakakapansin na kahit sinong press at media. Habang sa harapan naman ay nag kumpulan ang mga nag hi- hintay na reporter's sa kanyang pagdating. Walang kamalay malay ang mga ito na naka pasok na s'ya ng building.        "Good morning, sir. Ang akala ko na baka hindi na kayo maka attend sa board meeting ninyo, dahil sa mga press na iyan. Masyado kasi silang mainit na makita at maka usap kayo" ani Vida na assistant niya.         "Hayaan n'yo na sila. Sigurado naman na aalis rin ang mga iyan, kapag wala silang nakita na anino ko riyan. Anyway, sinubukan na ba ninyong sabibin na hindi ako makaka pasok, today?" aniya habang naka tanaw sa salamin ng opisina, at naka tingin sa mga taong nasa harapan ng gusali at nag kakagulo sa pag hihintay.
Read more

CHAPTER 9

RED           Lahat ng tingin ay napokus sa lalaking naka tayo sa harapan ng lahat. Biglang nagkaroon ng tens'yon sa loob. Bahagyang tumukod ang dalawa niyang braso sa conference table, at matapang na sinalubong ang tingin ni mr. Mendez, habang naka ngisi ito.       "Actually, I don't need to approach them. Para ano naman? Para makipag plastikan? Hindi ko ugali iyon, lalo na ang gumamit ng media to catch attention." pormal na sabi ni Red at muling tumayo ng tuwid saka inilagay ang palad sa bulsa ng suot na pants.      "So, ano ang gusto mong palabasin? Sa pag ka- kaalam ko, wala naman siguro sa kahit na sino na narito, ang tumawag sa mga iyan para mag kumahog lumapit rito,  at maka kuha lang ng malaking scoop? Isa pa, related sa inyo ng anak ko ang usapan. Sa ngayon, wala pa akong nalalaman mula sa anak ko, o kahit sa iyo na rin. Pero siguro naman, masasabi mo kung bakit ano an
Read more
DMCA.com Protection Status