Share

REVENGEFUL HEART
REVENGEFUL HEART
Author: Ms.aries@17

PROLOGUE

Author: Ms.aries@17
last update Last Updated: 2021-12-09 22:42:50

"Congratulation's, mrs. you are nine week's pregnant!" Nakangiting sabi ng doktora kung saan  nagsadya siya upang mag pa- check- up. Lately kasi, palagi siyang nakakaramdam ng hilo at morning sickness. Hindi rin siya dinatnan ng halos dalawang buwan na kaya labis na rin siyang nag a- alala.

         At tama nga ang hinala niya, na baka buntis siya. Nag bunga ang minsang nangyari sa kanila ni Red ng gabing iyon, ang boss niya.

          "B- buntis ako?" hindi makapaniwala at tila wala sa sariling naibulong niya. Nagsimulang nag-init ang kanyang mga mata.

         Hiningi niya ang tulong ni Kara, upang samahan siya nito ngayong araw, upang maka pag pa- check- up at agad naman itong pumayag. Sandali muna itong um- absent sa pagtuturo nito. Hindi rin naman niya sinabi sa kanyang ina kung saan ang tungo niya ngayong araw, dahil ayaw naman niya na mag alala ito.

         Bakas ang pag ka- gulat sa mukha ni Sheena, gayundin si Kara. Hindi sila kapwa makapaniwala na nag da- dalang-tao sa ngayon si Sheena. 

          Kapwa sila tahimik at walang imik hanggang sa matapos ang doktora sa pag eksamin, at pagbibigay ng mga resetang vitamin's sa dalaga.

         Pinilit na pigilin ni Sheena ang nag babantang luha sa kanyang mga mata ng mga oras na iyon. Naka alalay naman ang kanyang kaibigan at panay ang hagod nito sa kanyang likuran. Ramdam nito ang nararamdaman ng kaibigan.

         Ng matapos ang kanyang check- up ay agad na silang lumabas ng clinic, at dito na hindi napigilang mailabas ni Sheena ang luhang kanina pa niya pinipigil.

          "Shh! Tahan na She!" alo sa kanya ni Kara. Batid nito ang sobrang paghihirap ng loob ng kanyang kaibigan.

          "Pero bakit naman? Isang beses lang naman na may nangyari sa amin pero nagbunga agad? Ano nang gagawin ko nito? Hindi ko na alam kong ano bang naging pag kakamali ko para maranasan ito. Baka magalit sina mama kapag nalaman na nag ka- ganito ako?" Nai- iyak na sabi niya.

          Hindi rin niya lubos na mapaniwalaang buntis nga siya, at dinadala niya ngayon ang minsang naging bunga ng pagkakamali niya, kung matatawag pa nga ba na pagkakamali iyon. 

         "I'm sorry, Sheena. Hindi naman namin alam na a- abot pala sa ganito, eh. Sorry talaga. Pwede naman itong maayos kung sasabihin mo lamang kay Red na nabuntis ka. Hindi natin alam, pero baka mapanagutan ka naman niya. Tutulungan ka namin ni Andro." giit ni Kara sa kanya.

         Pero umiling lang siya habang hilam pa rin sa luha ang kanyang mga mata.

         Matapos kasi na matuklasan niya sa kanyang sarili na naka siping niya ang kanyang boss ay agad na siyang nag resign sa pina- pasukang school at nag apply muli sa iba. Pakiramdam niya ay wala na siyang mukhang mai ha- harap pa sa mga tao roon matapos ang nangyari sa kanya. Nakakahiya dahil isa pa naman siyang guro na dapat ay maging isang huwaran, ngunit iba naman ang nangyari, dahil napariwara naman ang kanyang puri ng gano'n- gano'n lang.  Ayaw na niyang magkaroon pa muli ng anumang koneks'yon rito. Ngunit ang masaklap, ay ito naman ngayon ang inabot niya. 

       Kailangan na niyang panindigan sa kanyang sarili na kakarguhin niya na mag isa ang kanyang isisilang na sanggol, at haharapin kung ano man ang magiging kapalit nito. Mag sisimula na rin siyang mag apply ng kanyang bagong trabaho sa school na pagtuturuan, sa may Batangas, upang malayo siya sa s'yudad, na tiyak niyang maari rin siyang masundan ng dating boss na si Red.

         "P'wede ka naming tulungan kung gusto mong ipa- alam ito sa kanya. Pumayag ka lang at hindi ka mag- da- dalawang salita sa amin. Kung hindi ka namin siguro dinala sa kwartong iyon, hindi naman siguro mangyayari ito sa iyo." tila may paninisi pa sa sariling sabi ni Karen.

          Mapait siyang napangiti, at pinahid ang luhang tumulo sa kanyang pisngi, gamit ang likurang bahagi ng kanyang palad.

         "Hindi na! Kakayanin 'ko na itong mag- isa. Hindi malalaman ni Red ang tungkol sa amin ng anak niya. Makakaya ko rin naman na suportahan ito mag- isa, na hindi humihingi ng tulong sa kanya." saad niya.

         "Pero sigurado ka na ba d'yan? Hindi madali ang gusto mong gawin." may pag a- alala sa himig ng kaibigan.

         "Buo na ang pasya ko, Kara. Walang malalaman si Red na tungkol sa bata. Wala siyang obligasyon sa nangyaring ito sa amin, dahil una, hindi naman kami magkasintahan, at nangyari lang ito dahil sa kapabayaan ko sa sarili ko." sabi niya na dahan- dahang tumayo at nag simula na muling maglakad at sumakay ng sasakyan upang umuwi na sa kanila.

           "Paano sina tita?" nag aalalang tanong ni Kara na mabilis na sumunod sa kanya.

           "Siguro naman ay maiintindihan rin nila ang nangyari sa akin. At handa na akong tanggapin, kung sakali na hindi man nila matanggap ang sinapit 'kong ito." 

        Pagdating niya sa bahay, ay agad na napansin ng kanyang ina ang kanyang pananamlay.

          "May problema ka ba, anak?" tanong nito na bakas ang pag a- alala sa mukha nito.

           Sa halip na sumagot ay nayakap na lamang niya ito ng mahigpit at impit na napa- iyak sa balikat nito. 

           "Shh!" alo nito habang hina- hagod ang kanyang likod na para bang isang batang ina- alo. "Kung ano man ang problema mo, nakahandang makinig si mama para sa iyo." masuyong sabi nito.

          "I'm sorry, ma. Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko ngayon." at tuluyan na siyang napa hagulhol sa balikat nito.

          "Sabihin mo para maka luwag sa dibdib mo."

          "B- buntis po ako, ma!" amin niya rito sa pagitan ng kanyang pag- iyak.

          Sandaling nagulat ang kanyang ina at hindi naka- imik agad. Kaya mas lalo pa siyang napa- iyak, sa pag a- akalang baka galit ito sa kanya.

           Ilang sandali at mahigpit siya nitong niyakap.

          "Buntis ka, pero bakit ka naman umiiyak? Hindi ba dapat na masaya ka?" Naka ngiting sabi nito ngunit may luha na rin sa pisngi nito.

        Bahagya siyang tumingala rito na nagtataka, habang hilam sa luha ang mga mata.

        "H- hindi ka galit sa akin, ma?"

          "Bakit naman ako magagalit? Wala namang kasalanan ang batang nasa sinapupunan mo. Biyaya siya sa atin, anak, kaya dapat lang na ingatan. Ina pa rin naman ako at dumaan rin ako sa ganyan. Alam na ba ng ama niya ang tungkol sa inyo?" tanong nito sa kanya na nasa mukha rin ang labis na pag a- alala.

          Umiling siya, sabay pahid ng kanyang luha sa pisngi.

           "Hindi 'ho, eh. At wala 'ho akong balak na sabihin sa kanya. Ayaw kong baka mapilitan lang siya na ma- obliga sa amin dahil sa nangyaring ito. Alam 'ko 'ho na kakayanin 'ko ito." 

         "Iginagalang 'ko ang pasya mo, anak. Sana lang wala kang pagsisihan sa huli sa naging pasya mo." At niyakap siya nito. "Nandito lang kami ng papa mo, at naka suporta sa anumang ginagawa mo."

          "Salamat, ma!"

Nag pasyang lumipat sa Batangas sina Sheena, kasama ang kanyang mga magulang, at doon niya muling ipinag patuloy ang kanyang pagtuturo, habang hindi pa malaki ang kanyang tiyan. 

          At ng sumapit ang kanyang ika- siyam na buwan ng kanyang panganganak, halos mataranta ang lahat.

          Kasalukuyan siyang nag a- ayos ng mga gamit na pang baby niya, ng bigla na lamang siyang nakaramdam ng matinding kirot sa kanyang puson. At halos hindi niya kayanin ang sakit na iyon.

         "A- ahhh, ahhhh!" halos masira ang ayos ng kanyang hitsura, sa tindi ng kirot na kanyang nararamdaman.

          "M- ma...!" buong lakas na sigaw niya, kahit pa nga tila hindi na siya maka sigaw at makahinga dahil sa sobrang sakit. Pakiramdam niya ay hinihiwa siya at ramdam iyon ng kanyang buong katawan. Ganoon rin ang pamamanhid ng kanyang mga paa na hindi magawang makahakbang.

          Agad namang nakadalo ang kanyang ina at humingi agad nang tulong sa kanilang kapit- bahay, at agad siyang nai- sugod sa pinaka malapit na hospital.

           "Baby, sandali lang, ha? Huwag mo naman pahirapan si mama mo, kaunti pa at makakarating din tayo sa hospital." sabi ng mama niya, habang hinihimas ang ibabaw ng kanyang tiyan at kasalukuyan silang naka- sakay, sa sasakyan ng isa sa kanilang mabait na kapit- bahay.

         Tila naman naka- intindi ang nasa loob ng kanyang tiyan, at unti- unting humipa ang kanina ay sakit na nararamdaman ni Sheena. Hindi maiwasang mamangha ng dalaga sa nangyari. At patuloy pang hinimas nang kanyang ina ang kanyang tiyan, habang kina- kausap na akala mo ay kaharap ito.

        Hindi rin niya alam ang kasarian ng kanyang anak na nasa sinapupunan, dahil hindi siya nag pa- ultra sound sa kagustuhan niyang maging isang sorpresa ito paglabas ng bata. Excited siyang malaman kung babae ba ito o lalaki.

         Hindi naman siya iniwan ng kanyang mga magulang na nanatili lang sa kanyang tabi, at naka alalay sa kanila ng kanyang anak.

Maayos na nairaos ni Sheena ang kanyang panganganak. At labis silang namangha ng makitang may kasunod pa pala ang naunang bata na kanyang iniluwal, at makitang hindi lang basta kambal ang kanyang naging anak, kundi triplet's pa na puro mga babae. Iisa rin ang mga hugis ng mga mukha nito.

         "Naku! ke- gagandang bata naman ng mga ito. Pihado naman na mag ka- kamukha sila pag lumaki." natutuwang sabi ng kanyang mama habang kalong nito ang isa. Habang ang isa pa ay nasa kanyang ama at ang isa naman ay nasa kanyang tabi. 

          "Aalagaan natin sila at palalakihin ng maayos." saad ng kanyang ama.

          Bahagya na lang na napatango si Sheena, tanda ng pag sang- ayon rito.

Ang hindi nila alam, na ang masayang tagpo sa kanilang pamilya, ay agad rin palang mag lalaho sa naka takdang maganap. 

           Tatlong araw, matapos na maka panganak si Sheena, ay nagulat ang buong paligid ng biglang magkaroon ng sunog sa hospital, kung saan nanganak si Sheena.

        Nagkagulo at nataranta ang lahat ng mga nasa loob ng hospital, at nag kanya- kanya nang labas. Wala noon ang kanyang ina, na lumabas upang bumili ng kanilang makakain. Naiwan na mag- isa si Sheena sa kanyang silid, habang nasa nursery naman ang kanyang triplet's.

          "A- ang mga anak ko!" sabi niya at inot- inot na bumangon upang hanapin ang kanyang mga anak.

         Ngunit bago pa man siya maka rating sa nursery, ay malakas na ang apoy roon at napuno na rin ng usok ang buong paligid. Nakaramdam siya ng hapdi sa kanyang balat, at ang nalalanghap na usok ang tuluyang nag pahina sa kanya, hanggang sa unti- unti na siyang tila nau- upos na kandila.

          "A- ang mga a- anak ko. I- iligtas n'yo sila, p- paki- usap." tanging huling kataga na nasambit niya kasabay ng pagbagsak niya sa sahig. At tuluyang nilamon ng kadiliman ang kanyang diwa, sa gitna ng mga taong nag kakagulo at nag sisigawan sa paligid.

         

         

            

          

       

         

     

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Julie Antonio
intense simula plng nice story
goodnovel comment avatar
Dimple
omg ang intense simula pa lang......
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang ganda ng story na to
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 1

    SHEENA Maaga pa lamang, ay nakahanda na si Sheena sa kanyang mga dadalahin papasok ng eskwelahan. Kumpleto na ang kagabi pa niya ini- handang mga lesson plan, at maging ang kanyang baong pagkain para sa kanyang pananghalian. Naka- ugalian na niyang mag handa na lang ng baon, upang mas maka tipid siya sa gastos, kaysa bibili pa siya sa canteen ng eskwelahan, sapagkat may kamahalan doon ang mga pagkain, palibhasa ay isang pribadong school iyon. May kalayuan rin ang kaniyang pinag tu- turuang eskwelahan sa kanilang tahanan, kaya kailangan pa rin niya na sumakay ng tricycle. "Alis na 'ho ako, inay!" paalam niya sa kanyang ina. Bata pa rin naman ang kanyang ina, palibhasa ay maaga itong nag- asawa. Hindi rin sila mayaman, ngunit may pinag kukunan namang maliit na kabuhayan, may grocery store ang ina niya. Construction worker naman ang kaniyang ama, at nag i- isa lamang siyang anak ng mga ito, kaya kahit pa- paano ay nai- taguyod nila ang kanyang pag- aaral.

    Last Updated : 2021-12-09
  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 2

    SHEENA Nagulat ng husto si Sheena at natilihan, matapos makita ang napaka gwapong nilalang, na nakita niya sa balat ng lupa. Hindi niya agad nakuhang sumagot sa labis na pagka bigla. Wala pang nakaka kita sa kanilang bagong boss, at panigurado na siya na pag ka- kaguluhan ito, kung ito man siya, matapos na makita ang napa ka- gwapo nitong hitsura. Malinis at itim na itim ang maikli at bagsak nitong buhok. Medyo may kasing kitang mga mata na matiim kung maka titig, na akala mo ay hina- halukay ang sa nasa kaibuturan mo. Matangos na ilong at hindi kakapalan ang mamula- mula nitong mga labi. Malinis din ang mukha nito, at walang maba bakas na kahit ano mang balbas o bigote. Lihim siyang muling napalunok sa sarili. Parang pakiramdam niya ay nauhaw yata siya bigla at nanuyo ang lalamunan, habang walang anumang salitang gustong lumabas sa kanyang bibig. 'Baka alaga sa shave!' bulong niya dahil sa malinis nitong mukha, may kaputian rin ito, at katawan na tiyak s

    Last Updated : 2021-12-09
  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 3

    RED'S POV Tatlong araw pa lamang, mula ng dumating s'ya sa Pilipinas, ngunit trabaho agad ang sumalubong sa kanya. Nais nang mga magulang n'ya, na ipasa na ang lahat ng pamamahala sa kanya, tutal ay nasa tamang edad naman na raw s'ya. Sa edad n'yang beinte 'y otso, ay masasabi n'yang successful naman n'yang napamahalaan ang ibang negosyo nila sa states, habang naroon pa s'ya. Ilan sa mga iyon ay hotel and restaurant. Kasama na rin dito ang malaking companya ng car rental sa America, dahil iyon ang isa sa malakas na negosyo roon. Anang ama n'ya, dapat lang na magsimula na rin s'yang mag extend ng pamamahala, sa loob ng sarili nitong bansa, dahil wala naman daw ibang magiging tagapag- mana maliban sa kanya. Nag i- isa lang s'yang anak, kaya halos lahat ay sa kanya na rin mapupunta. Hindi s'ya 'yung tipo nang tao na mayabang, ngunit minsan rin ay may pag ka- suplado na

    Last Updated : 2021-12-18
  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 4

    Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan, nina Sheena at nang kanilang bagong boss na si Red. Wala ni isa man sa kanila ang nag tangkang mag labas nang salita. Tutok ang tingin ni Sheena sa sahig ng elevator, habang naka yuko ang ulo. Pinilit n'yang huwag lumingon sa kanyang katabi, kahit pa nga gustong- gusto n'yang mabistahan pa ang hitsura nito, kaya lang nahihiya naman s'ya na baka iba ang isipin nito sa kanya. Habang si Red naman, ay nakatitig sa kanya na tila ba amused na amused sa ikinikilos ng dalaga. Mag ka- salikop ang kanyang mga braso sa harapan ng kanyang dibdib, habang naka sandal naman sa dingding ng elevator. Ramdam ni Sheena ang ginagawang pag titig sa kanya ng kanyang katabi, kaya pinilit n'yang iwasan na mapa lingon sa gawi nito. Hindi maiwasan nang guro na kabahan ng sobra, dahil sa presens'ya nito sa tabi n'ya. Pinag salikop rin n'ya ang kanyang mga palad sa kanyang likuran, at dam

    Last Updated : 2021-12-19
  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 5

    Isang linggo pa ang lumipas at ginanap na ang intrams, sa eskwelahang pinag- tuturuan ni Sheena. Lahat ay abala at may kanya- kanyang gawain na naka toka. Tumagal ito ng limang araw, at ngayon ang huling araw ng kanilang pag pa- palaro. Sa loob ng limang araw na iyon, ay hindi pa muling nakita ni Sheena ang kanilang boss na si Red. Ang sabi ng ilang ka- guro n'ya, ay nasa ibang bansa ito, para asikasuhin ang iba pa nilang negosyo roon, at wala pang kasiguruhan, kung kailan ang balik nito ng bansa. Wala rin ang presensya nito, sa ga- ganaping induction ball bukas ng gabi. Hindi maintindihan ni Sheena ang kanyang sarili, na makaramdam s'ya ng matinding lungkot, sa isiping hindi niya makikita ang kanyang boss. Naiinis tuloy s'ya sa kanyang sarili, at sa kanyang nararamdaman. Hindi naman s'ya dapat nakakaramdam ng ganoon, dahil wala namang espesya

    Last Updated : 2021-12-19
  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 6

    RED POV Mabibilis ang mga hakbang ni Red, habang nag la- lakad palabas ng Airport, kasama ang kanyang assistant- secretary na si Vida. Hindi s'ya nag karoon ng pag ka- kataon na maabutan pa ang isina- sagawang intrams sa kanilang unibersidad, dahil sa hindi inaasahan na pag ka- adjust ng kanyang dinaluhang bussiness trip summit. Balak pa naman sana n'yang maka- abot sa nasabing programa. Ngunit alam n'yang mag ta- tapos na ngayong gabi sa pag sa- saya ang lahat, kasama na ang awarding. "Paki- diretso mo na lang sa opisina ko bukas ang lahat ng mga papeles na kailangan kong pirmahan." saad ni Red habang nag la- lakad palabas at bahagya na lang sumulyap sa kanyang secretary. "Sige, 'ho, sir, noted po." magalang namang saad ng kasama. "Sige, mag- iingat k

    Last Updated : 2021-12-22
  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 7

    RED "Get dress! And we will talk." pormal na utos ni Red kay Cynthia. Wala man lamang mababakas na emosyon sa mukha nito. At sobrang lamig ng boses, na alam mong pangingilagan mo. Matapos, ay sandaling natuon ang mga mata ng lalaki sa bahid ng dugo sa bedsheet. Muli nitong sinipat ang mukha ni Cynthia na naka higa, habang bakas ang pandidilim ng awra niya. Kasabay ang pag ngangalit nang kanyang bagang at bahagyang pag kuyom ng kamao. Ilang sandali lang at mabilis na itong tumalikod sa babae palabas ng silid. Ngunit bago pa man nito tuluyang isara ang dahon ng pinto, ay muli itong bumaling kay Cynthia. "Hurry up! I don't want to wait you too long." malamig na dagdag nito, saka tuluyang lumabas at isinara ang dahon ng pinto. Matapos maka labas si Red, ay nag ku- kumahog na bumangon mula sa k

    Last Updated : 2022-04-03
  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 8

    RED Gamit ang elevator sa basement parking nang Monteverde building, maayos at tahimik na naka pasok nang kanyang opisina si Red, na walang nakakapansin na kahit sinong press at media. Habang sa harapan naman ay nag kumpulan ang mga nag hi- hintay na reporter's sa kanyang pagdating. Walang kamalay malay ang mga ito na naka pasok na s'ya ng building. "Good morning, sir. Ang akala ko na baka hindi na kayo maka attend sa board meeting ninyo, dahil sa mga press na iyan. Masyado kasi silang mainit na makita at maka usap kayo" ani Vida na assistant niya. "Hayaan n'yo na sila. Sigurado naman na aalis rin ang mga iyan, kapag wala silang nakita na anino ko riyan. Anyway, sinubukan na ba ninyong sabibin na hindi ako makaka pasok, today?" aniya habang naka tanaw sa salamin ng opisina, at naka tingin sa mga taong nasa harapan ng gusali at nag kakagulo sa pag hihintay.

    Last Updated : 2022-04-04

Latest chapter

  • REVENGEFUL HEART   EPILOGUE

    "Congratulations!" masayang bati ng mga beautician sa kanilang mga inaayusan na ikakasal. "Salamat!" Hindi mapapantayan ang saya na nararamdaman ni Divina nang mga sandaling iyon. Wala na siyang mahihiling pa sa Diyos kundi ang ipag pasalamat ang lahat nang magandang bagay na nangyari sa kanya. Nawalay man ang kanyang pamilya sa kanya ay nagawa pa rin naman niyang maibalik. Ngayon niya higit na napatunayan kung gaano kadakila ang panginoon na palaging nakatunghay sa atin. Matapos ang mahabang bangungot ay nalampasan rin niya ang lahat at muling nakita at nakasama ang kanyang pamilya. Ngayon ang takdang araw ng kanyang kasal. At dahil sa naka plano na rin noon ang pagpapakasal ng kaibigan niyang sina Kara at Andro ay nagpasya silang idaos ito nang magkasabay. Ang lahat ay masaya sa kanilang paghahanda. Kasalukuyang inaayusan sa isang hotel ang magkaibigan at hihintayin na lamang ng kani kanilang mga groom sa venue ng pagdarausan

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 58

    Maaga kinabukasan na nagising ang lahat. Nagpasya sina Divina at Red na mag out of town sa Batangas at pormal na maipakilala ang kanilang triplets sa lolo at lola nito na magulang ni Sheena. Kasama nila sina Andro at Kara na ngayon ay magkasintahan na at kasalukuyan na rin na nasa ikatlong buwan ng kanyang pagbubuntis si Kara. Natuwa rin si Divina na talagang naghanda ang tatlong bata ng kani kanilang mga regalo para sa kanilang abwela. Maging siya man ay labis na kinakabahan. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito matapos niyang magpakilalang ibang tao rito noon. "Are you ready, ladies? Makikilala nyo na rin ang mga lolo at lola nyo. I'm sure na matutuwa ang mga iyon ng sobra kapag nakita kayo. To the point na maiiyak ang mga 'yon!" ani Kara. "Why naman po Tita Kara?" tanong ni Kylie. "Eh kasi, sa mukha n'yo pa lang maaalala na naman niya sigurado ang mommy n'yo? And syempre baka ma shock 'yun kasi ang alam nila matagal

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 57

    Nakatali na magkakatabi ang lahat ng tao sa loob ng kanyang bahay. Ang lahat ng kanyang mga katulong at maging ang kanyang mama. Naipon ang mga ito sa pinakagitna ng sala. Inilibot niya ang tingin sa paligid at napansin na wala roon ang kanyang ama. Nakatayo sa magkabilang dulo nila ang dalawang bantay na may hawak na baril. Habang si Cynthia ay prenteng nakaupo naman sa sala. Bukod sa dalawang ito ay wala na siyang ibang nakita. Naisip niya na kaunting trick lang ay makukuha niya ang mga ito Naningkit ang mga mata ni Red ng makita ito. Naikuyom niya ng kanyang kamao at ilang beses na humugot ng malalim na hininga. "Anong ginagawa mo sa kanila?" matigas na sabi ni Red. "Wala silang kinalaman sa 'yo pero idinadamay mo!?" "Oppss! Sorry! Hindi ko kasi makita ang mga anak ko, eh! Ayaw naman nilang sabihin sa akin kung nasaan? Kaya 'yan, may parusa sila kasi mga nagsisinungaling sila?" Nakalabi na sabi nito na tila isip bata. Para itong batang

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 56

    RED "Sigurado at nakahanda na ba ang lahat para sa operasyon? Siguraduhin lang na sana lahat ng pinakamamalaki at pinakamatataas sa kanila ay mahuli!" aniya. "Nakahanda na po lahat, Sir. At bukas ng gabi nakatakdang i- deploy ang lahat ng mga tao natin sa isla bago ang nakatakdang araw ng kanilang shipment. Kumpleto na rin ang lahat ng kasamang escort at back up. Hangga't maari hindi tayo gagamit ng anumang dahas maliban na lamang kung kinakailangan, lalo na at alam naman natin na wala silang sinasanto." Napatango si Red. Bagaman at may kaunting agam agam ay mas mabuti pa rin na magtiwala. Hindi biro ang mga grupong ito na tila nagsanib pwersa para lamang magpabagsak ang tao na alam nilang magiging balakid sa kanilang mga plano para sa hinaharap. Habang nasa gitna ng pag uusap ay nakatanggap ng tawag si Red mula sa hindi kilalang numero. Kunot noo na sinagot niya ito. "Hello?" "Hi! Do you missed me, honey?" sadyang pinalambing n

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 55

    Pagbukas niya ng pinto ay sandali muna niyang pinakiramdaman kung may tao. At salamat dahil mukhang tahimik ang paligid. Tinungo niya ang kusina ngunit wala doon si Manang Esme. Palabas na siya nang pumasok ang matanda. "May bisita ka ba kagabi, iha?" nakangiting tanong nito. "Ah, opo Manang. Hindi po kasi nakauwi kagabi si Red nung hinatid ako dahil sa lakas ng ulan kaya pinatulog ko na muna sa guest room." "Ganun ba, mabuti na lang at nakapag luto na ako. Sabihan n'yo lang ako kapag gusto n'yo ng kumain." At tinungo nito ang lababo. "Sige po check ko lang po kung gising na si-" sandaling naputol ang kanyang sasabihin ng bumungad si Red sa harapan ng komedor. "Gising ka na pala!" Nakangiti habang ang lakas lakas nang kabog ng dibdib ni Divina na napalingon dito. "Gusto ko lang magpasalamat sa pagpapatulog dito, pasensya na sa naging abala. Anyway, kailangan ko na rin umalis kasi-" "Mukhang nagmamadali ka? May nangyari ba?" putol ni

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 54

    Nakaramdam nang lamig sa kanyang likuran si Divina. Hindi niya namalayan na naibaba na pala ni Red ang zipper ng suot niyang gown. Saka lamang siya tila natauhan at nabalik sa kasalukuyan. Mabuti na lamang at tulog na ang lahat ng tao sa bahay at walang sino man na nakapansin sa kanila. Naramdaman ni Red ang pagluwag ng kanyang yakap dito kaya ito na rin ang nagkusang huminto sa ginagawa. "Oh, I'm almost lost!" anito at niyakap siya. Muli nitong isinara nang banayad ang zipper ng kanyang damit. "I'm sorry!" he whispered. "It's okay! Ako rin naman muntik nang nakalimot. Ang mabuti pa mauna na rin siguro ako, it's almost late and-" naputol ang iba pa sana nitong sasabihin ng tila maramdaman nila ang ugong sa labas ng bahay. Sandali siyang nanahimik upang pakinggan ito. "It's raining!" mabilis na sagot ni Divina. Tumayo siya at bahagyang sumilip sa bintana, at nakita nga niya ang malakas na buhos ng ulan na sinasabayan ng hindi kalakasan na hangin

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 53

    DIVINA Bakas sa mukha ang saya ng tatlong bata habang papalapit sa kanya. Hindi rin naman mapigilan nang ibang panauhin ang pumalakpak sa maka antig damdamin na tagpong 'yon. Marami ang masaya para sa kanila, habang ang iba naman ay naghahanap lamang ng maaaring mapag usapan at may ilan na tila wala lang pakialam. Magka ganun pa man ay hindi matatawaran ang sayang pumupuno sa puso ni Divina. Ngayon alam niya na ganap nang mabubuo ang pangarap niyang pamilya na akala niya noon ay tuluyan ng nabaon sa hukay. "Hello, Mommy?" sabi ng nakangiting si Kate. Kahit mukhang hindi naman ito masyadong nagulat sa nalaman. Siguro dahil sa umpisa pa lang ay may ganito nang naglalaro sa kanyang imahinasyon. Samantalang si Kylie ay nanatiling tahimik at nakangiti. Malapad rin ang ngiti sa mga labi ni Tina. Marahil ay wala sa hinagap nito ang mga nagaganap. Matapos na malaman niya kung sino ang kanyang mga magulang at makalaya sa pamilyang umabuso sa kanya, ay heto s'ya ngayon at k

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 52

    RED Matapos na maka alis ang mga pulis kasama si Cynthia ay kaagad na nilapitan ni donya Georgina sina Red at Divina. Hindi siya matahimik matapos ang mga nasaksihan niyang eksena. Ang paligid ay hindi matapos tapos sa kanilang pagbu bulungan tungkol sa mga nasaksihan, ang ilan pa ay nagsimula ng mag upload ng kung ano anong video ang nakuha ng mga ito. Hanggang ngayon ay tila gusto n'yang magalit ngunit may isang bagay pa siyang kinakailangan alamin sa mga ito. Una, ay ang pagiging magkamukha ng dalawang bata sa sinasabing anak ni Divina. Ikalawa, ay pag aakusa ng mga ito kay Cynthia na hindi niya alam kung paniniwalaan ba n'ya o hindi. lkatlo, ay ang pag aresto kay Cynthia at pagpaparatang ng mga ito sa babae. Nakatayo ang dalawa na malapit sa may bukana ng malapitan niya. May ilan na nakatingin pa rin sa kanila habang nagbubulungan. "Pwede bang paki paliwanag ang lahat ng ito?" Kunot ang noo niyang sabi kay Red na halatang seryoso ang mukha

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 51

    DIVINA "O ano? Natahimik ka, di ba? Ngayon mo sabihin sa harap mismo ng maraming tao na anak mo nga sila! Na kailanman wala kang niloko at inosente ka!" kalmado ngunit mariin na sabi niya. Lahat ay natuon ang pansin sa kanila. Maging si Donya Georgina ay unti unting nagkaroon ng idea sa tinatakbo ng usapan ng dalawang babae. "Ikaw ang sinungaling! Nasasabi mo ang lahat nang iyan dahil alam kong malaki ang gusto mo sa ama ng mga bata. Na kaya pinipilit mong lumapit sa kanila para pati s'ya makuha mo! Ikaw ang mang aagaw at magnanakaw! Wala akong ninanakaw sa 'yo kaya wala kang karapatan na paratangan ako! Wala kang patunay para sabihin iyan! Bakit kaya hindi na lang ikaw ang kusang umamin sa harapan mismo ng mga taong ito? Nang sa ganun magkaalaman na!" gigil at galit na galit na sabi ni Cynthia. "Ah! Bilib din naman ako sa sarili mo, Ms. Cynthia. Ang lakas ng loob mo na hamunin ako kahit alam na alam o sa sarili mo na tama ako? O sige, tutal narito na rin naman

DMCA.com Protection Status