Isang linggo pa ang lumipas at ginanap na ang intrams, sa eskwelahang pinag- tuturuan ni Sheena. Lahat ay abala at may kanya- kanyang gawain na naka toka.
Tumagal ito ng limang araw, at ngayon ang huling araw ng kanilang pag pa- palaro.
Sa loob ng limang araw na iyon, ay hindi pa muling nakita ni Sheena ang kanilang boss na si Red. Ang sabi ng ilang ka- guro n'ya, ay nasa ibang bansa ito, para asikasuhin ang iba pa nilang negosyo roon, at wala pang kasiguruhan, kung kailan ang balik nito ng bansa. Wala rin ang presensya nito, sa ga- ganaping induction ball bukas ng gabi.
Hindi maintindihan ni Sheena ang kanyang sarili, na makaramdam s'ya ng matinding lungkot, sa isiping hindi niya makikita ang kanyang boss.
Naiinis tuloy s'ya sa kanyang sarili, at sa kanyang nararamdaman. Hindi naman s'ya dapat nakakaramdam ng ganoon, dahil wala namang espesyal na namamagitan sa kanila ng kanyang boss. Pero hindi n'ya maiwasan ang sarili na isipin ito.
"Namimiss mo s'ya, ano?" minsan ay tudyo sa kanya ng kanyang kaibigan na si Kara, ng lapitan s'ya nito. Kasalukuyan s'yang nasa school canteen noon, para sa kanilang break, nang biglang dumating ang kaibigan. Ang alam n'ya ay busy ito sa pag pa- palaro ng table tennis.
"Ha? Sino na naman?" kunot ang noong tanong n'ya rito. Kahit pa nga alam na n'ya kung sino na naman ang tinutukoy nito.
"Uy! Deny pa more!" sabi nito, sabay irap sa kanya. Kumuha muna ito ng order bago muling bumalik sa pwesto n'ya. "Halata ka naman kaya. Miss mo na si sir." at naupo ito sa tapat n'yang silya.
"Uy, hindi, ah. Baka mamaya n'yan may maka rinig sa iyo, at makarating pa kay sir. Nakaka hiya kaya kapag nagkataon." saway n'ya rito.
"So, totoo nga na nami miss mo s'ya?" kulit pa rin nito.
"Hindi nga sabi eh! Tumahimik ka na nga lang d'yan." at pinandilatan n'ya ito ng mga mata. Napa- tawa naman ito at napa- iling.
"Best of friend's tayo, noh, kaya wala kang maitatago sa akin."
"Bakit may itinatago ba ako? Wala naman kasi talaga, praning ka lang talaga mag isip." todo deny n'ya rito, at umiwas ng tingin kay Kara.
"Humarap ka nga sa akin, at tumingin ng diretso, saka sabihin mo nang diretso sa akin, baka sakali na mapaniwala mo pa ako." hamon nito.
"Ikaw ha! Kung maka ganyan ka sa akin, parang hindi mo ako kaibigan, ah." kunway tampo n'ya na sabi rito.
"Kaya nga, kaibigan mo ako, kaya nga ina- alam ko 'yung totoo, eh. Malay mo naman may maitulong ako sa'yo, 'di ba?"
Napangiti s'ya rito at ganoon rin ito sa kanya, hanggang sa nauwi sa kanilang tawanan, para na tuloy silang mga sira, na ikina- lingon pa ng ibang naroon na kumakain.
"S'ya nga pala, bukas na ang induction ball natin. Oh, ano? Prepared ka na ba?" nakangiting tanong nito sa kanya.
"Hmn, hindi pa nga. Hindi pa rin ako nakabili ng ga- gamitin ko para bukas." sabi n'ya na halatang medyo nadismaya.
"Naku, ikaw talaga. Ang hilig mo sa last minute talaga. Mamaya maaga tayong lalabas, at mamimili tayo ng damit na su- suotin mo. Kailangan maganda ka tommorow night. S'yempre, panigurado naman na hakot award ka na naman roon, kaya kailangan magandang- maganda ka. Kahit wala si boss rito, dapat maganda ka pa rin, para sa mga shot's, hindi ka pahuhuli, 'di ba?" sabi nito sabay pa kindat pa sa kanya na tila nanunudyo.
"Hindi naman kailangan na sobrang biste, eh, okay na 'yung maayos ang suot mo, at malinis kang tingnan, 'yung presentable ba."
"Ah, basta! Akong pipili ng isusuot mo, baka mamaya n'yan parang manang ka na naman d'yan sa look mo. Mag try ka rin naman ng ibang new look mo." paingos na sabi ni Kara.
Napa iling na lang s'ya sa kaibigan.
"Sayang ano? Wala si sir dito, sana naroon rin s'ya sa event bukas, kaso mukhang malabo." sabi ni Kara.
"Sinong sir?" tanong n'ya, kunwari ay hindi n'ya alam kung sino ang tinutukoy nito, bagama't kilala n'ya kung sinong sir ang sinasabi nito.
"E, sino pa ba? Kundi si sir Red. As if hindi mo naman namimiss, noh!"
"Ai, naku Kara! Ewan ko na sa'yo, ang kulit mo kaya, sinabi na ngang walang espesyal sa amin, eh!" at mabilis s'yang umiwas ng tingin rito.
"At sino'ng niloloko mo? Kilala kaya kita, noh, alam ko na crush na crush mo si sir d'yan,"
Napa- iling na lang s'ya, at hindi na umimik pa, tiyak naman na mangungulit, at mangungulit pa rin ito sa kanya, at mas lalo lang silang mag pa- pang haba kung walang patatalo na isa sa kanila.
"Oh, 'di ba hindi ka naka- imik, kasi nga tama naman ako?" sabay sundot nito sa beywang n'ya.
"Hay naku! ewan ko sayo, Kara, bahala ka kung anong nasa isip mo, basta ako walang alam d'yan sa kung anong ideya mo." paiwas n'yang sagot habang umiiling.
Kinabukasan, handa na ang lahat para sa party, puno ng pagkain at mga inumin para sa lahat. Para ito sa lahat ng mga estudyante, guro at mga staff, at kasama na ang awarding sa seremonya.
Plain cut na kulay black, ang tube gown na suot ni Sheena. Puno ito ng white bead's na s'yang nag bibigay ng ganda at kinang rito, sa tuwing mag re- reflect sa liwanag na dala ng mga ilaw, sa buong paligid ng hall.
Abot hanggang sa may bukong- bukong ang haba nito, at may mahabang slit sa kabilang side, kung saan lumalabas ang kabilang binti at hita n'ya, sa tuwing humahakbang s'ya.
Na emphasize rin nito ang maganda, at perpektong hugis ng kanyang katawan. Nakadagdag rin sa kanyang taas, ang may dalawang pulgadang taas nang sandal's na kulay brown.
Naka pusod ang kanyang mahabang buhok, sa may bandang gitna, at may ilang hibla na naiwan sa magkabilang side, na bahagyang in- curl pa ni Kara.
Manipis at natural na make- up lang ang in- apply n'ya sa kanyang mukha. At jewelry set na naka pag dagdag sa kanya ng magandang awra.
Wala s'yang ibang dala, maliban sa maliit na purse, na nag lalaman ng kanyang wallet at cellphone.
"Wow! Bigla ka naman yatang nag transform ngayon, ms. Santillian?" gulat na sabi sa kanya ni mrs. Santos ng bumungad sila.
Tipid lang s'yang napa- ngiti rito.
"S'yempre, mrs. Santos, sa ganda ba namang ito ng kaibigan ko, sayang lang kung hindi naman n'ya ilalabas at buburuhin lang, 'di ba? Paminsan- minsan lang naman ito mangyari, kaya dapat sulitin naman na n'ya, para ilabas 'yung mga itinatago n'ya."
"Oo nga naman, Sheena, ngayon lang tuloy namin napansin, na kaya mo palang pumantay sa mga beauty queen, kapag naka- ayos ka nang ganyan." hindi maka paniwalang sabi ni mrs. Santos. "Sana naman ay palagi ka'ng ganyan." pahabol sabi pa nito.
"Don't worry, mrs. Santos, mula ngayon, makikita mo nang ganyan lagi si Sheena, este ma'am Sheena pala." sabi ni Karen sabay kindat sa kanya. "Di ba, friend?" sabay harap sa kanya.
Napa iling na lang s'ya na wala ng masabi pa.
Nasa kalagitnaan na ang kanilang pag sasaya, natapos na ang awarding, at kanya- kanya na ang mga grupo, habang abala sa pag- sasayaw, pagkain at pag- iinuman.
Naipon naman sa isang mesa ang grupo nina Sheena, kasama ang kanyang kaibigang sina Kara at Andro, at iba pa.
"Shot mo, Sheena, oh." sabi ni Kara sabay abot sa kanya ng isang kopita na may laman na red wine.
"Kara, alam mo naman na hindi ako umiinom n'yan, 'di ba? Kayo na lang." tanggi n'ya sa basong ibinibigay nito.
"Ano ba naman, Sheena, dapat simulan mo na kahit pa- paano paminsan- minsan. Hindi mo naman bi- biglain, eh, hinay- hinay lang. I'm sure, sa katagalan ay masasanay ka rin. Come on, try this one." pilit ni Kara sa kanya.
"Hindi na nga eh, Ayaw ko talaga." sabi n'ya. "Baka tamaan ako n'yan, hindi na ako maka- uwi sa amin." dagdag na sabi pa n'ya.
"Kami ang bahala sa iyo. Hindi ka naman namin dito iiwan, eh. Sige na, just try this one, then saka mo sabihin na ayaw mo nga. Mild lang naman pati ito."
"Come on, you can do it!" engganyo rin ni Andro sa kanya. Kaibigan rin n'ya ito at isa sa mga security personel ng school.
Walang nagawa si Sheeena kundi ang pagbigyan ito.
Diretso n'yang ininom ang lamang alak, ng basong ini- abot sa kanya. Ramdam n'ya ang pait at init na gumuhit sa kanyang lalamunan. So far, okay naman sa kanya, at mukhang tama nga ang kaibigan n'ya. Hindi naman matapang at mukhang kaya naman n'ya ang lasa.
"See?" tila nasisiyahang sabi pa ni Kara. At muli nitong sinalinan si Sheena. Kahit tumanggi man ay wala rin s'yang nagawa, hanggang sa s'ya na rin ang nag kusang kumuha ng para sa sarili n'ya.
Nalibang sila at hindi namalayan ang oras. Mag a- ala- una na ng makaramdam ng matinding hilo si Sheena dala ng kalasingan n'ya.
"I- I think, h- hindi ko na yata kaya, K- Kara. I n- need a rest. I-I feel sleepy." halos kanda utal na n'yang saad. Sobrang hilo na s'ya, at bahagya pa s'yang bumuway ng tangkain n'yang tumayo sa kanyang ina- uupuan. Mabuti na lang at maagap na nasalo naman s'ya ni Andro, kaya hindi s'ya bumagsak sa lupa.
"M- mukhang napa- rami y- yata ang inom ko. H- hindi ko na kaya. S- sorry." hinging paumanhin n'ya.
"Ang mabuti pa ay mag pahimasmas ka na muna." at nilapitan s'ya nito upang alalayan. "Sa tingin mo, saan muna s'ya p'wede? Maya- maya na lang s'ya umuwi, kapag medyo nahimasmasan na s'ya." baling na tanong ni Kara kay Andro.
Sandali itong nag- isip. Maya- maya ay may naalala.
"Alam ko na. Tutal wala naman si boss, siguro mas magiging komportable s'ya kung doon na muna s'ya sa penthouse." suhestiyon nito.
"Ha? E, 'di ba, private office iyon ni boss? Mahirap pumasok roon kung wala kang access. Saka baka mapagalitan tayo roon." nag- aalalang sabi ni Kara. "Baka may iba pang pu- p'wede. Mag- isip ka pa"
"Doon lang talaga s'ya alam kong safe. Babalikan na lang natin s'ya, kapag medyo nahimasmasan na s'ya. Saka may access naman ako roon, remember? sa security ako. Saka, wala pa rin naman si boss, dahil nasa labas pa ng bansa. So walang magagalit, at lalong walang magiging istorbo sa kanya roon para maka pahinga s'ya." mahabang litanya ni Andro.
"S'ya, sige na nga, kawawa naman si Sheena, nalasing tuloy, sana hindi na lang natin s'ya pina- inom, eh." si Kara muli na nilingon ang kaibigan, na halatang kaunti na lang at bibigay na.
"Ayos lang iyan, hindi naman natin s'ya pababayaan, eh." sabi ni Andro at lumapit sa tabi ni Sheena. "Ang mabuti pa tulungan mo na lang akong alalayan s'ya, para mai- akyat natin s'ya sa taas." sabi nito kay Kara.
At nag simula na silang ilayo si Sheena sa kasiyahan. Dumiretso sila sa elevator, at umakyat patungo sa pribadong opisina ng kanilang boss.
"Wow, ang ganda pala rito?" hindi napigilang bulalas ni Kara, ng mabistahan ang paligid. Hindi pa rin naman s'ya masyadong lasing, dahil sanay na sanay na rin naman s'ya sa pag inom, na hindi tulad ni Sheena na first time pa lang. "Ito ang office ni boss rito? Ang gara naman! At ang bango- bango pa"
Mas lalo pa itong namangha, ng buksan ni Andro ang isa pang pinto, at bumungad sa kanila ang malaking k'warto.
"Oh, at may sarili pa palang kwarto? Ang galing naman. Eh, kahit pala dito na tumira si boss, eh, okay lang." sabi ulit ni Kara na sinabayan pa ng hagikhik.
"Kaya nga sabi ko na naman sa iyo, eh, safe si Sheena rito, kahit abutin pa s'ya ng bukas rito." si Andro muli.
Inayos nila sa pag ka- kahiga sa kama si Sheena. Hinubad rin ni Kara ang suot nito'ng sandal's, at nang may makita s'yang kumot sa isang kabinet roon ng buksan n'ya, ay kinuha na muna at ipinatong n'ya sa katawan ng kaibigan.
"Pasensya na sir, pero pahiram muna ng kwarto at kumot mo, para sa kaibigan ko, kay Sheena." tila pamamaalam pa n'ya kahit wala naman s'yang pinag sasabihan roon. Natawa naman si Andro sa ginawa nito.
"May nakakatawa na ba sa sinabi ko?" angal ni Kara sa lalaki.
"Wala naman, kaso wala namang ibang tao rito, kundi tayo lang tatlo, kanino ka ba nag pa- paalam?"
"Ano bang malay ko, kung may camera pala rito. Atleast makikita pa rin ni sir, na nanghiram tayo ng silid at gamit, para kay Sheena." palusot nito na muling ikina halakhak ni Andro.
"Oh, ayan, mag relax ka muna d'yan, friend. At babalikan ka na lang namin mamaya, kapag nahimasmasan ka na. Mag e- enjoy muna kami sa labas. At enjoy mo rin ang beauty rest mo rito." sabi ni Kara at muling inaya palabas ng silid si Andro.
At naiwan na mag- isa si Sheena, sa pribadong opisina ni Red na kanilang bagong boss. Habang nag papatuloy pa rin ang kasiyahan sa ibaba ng campus.
RED POV Mabibilis ang mga hakbang ni Red, habang nag la- lakad palabas ng Airport, kasama ang kanyang assistant- secretary na si Vida. Hindi s'ya nag karoon ng pag ka- kataon na maabutan pa ang isina- sagawang intrams sa kanilang unibersidad, dahil sa hindi inaasahan na pag ka- adjust ng kanyang dinaluhang bussiness trip summit. Balak pa naman sana n'yang maka- abot sa nasabing programa. Ngunit alam n'yang mag ta- tapos na ngayong gabi sa pag sa- saya ang lahat, kasama na ang awarding. "Paki- diretso mo na lang sa opisina ko bukas ang lahat ng mga papeles na kailangan kong pirmahan." saad ni Red habang nag la- lakad palabas at bahagya na lang sumulyap sa kanyang secretary. "Sige, 'ho, sir, noted po." magalang namang saad ng kasama. "Sige, mag- iingat k
RED "Get dress! And we will talk." pormal na utos ni Red kay Cynthia. Wala man lamang mababakas na emosyon sa mukha nito. At sobrang lamig ng boses, na alam mong pangingilagan mo. Matapos, ay sandaling natuon ang mga mata ng lalaki sa bahid ng dugo sa bedsheet. Muli nitong sinipat ang mukha ni Cynthia na naka higa, habang bakas ang pandidilim ng awra niya. Kasabay ang pag ngangalit nang kanyang bagang at bahagyang pag kuyom ng kamao. Ilang sandali lang at mabilis na itong tumalikod sa babae palabas ng silid. Ngunit bago pa man nito tuluyang isara ang dahon ng pinto, ay muli itong bumaling kay Cynthia. "Hurry up! I don't want to wait you too long." malamig na dagdag nito, saka tuluyang lumabas at isinara ang dahon ng pinto. Matapos maka labas si Red, ay nag ku- kumahog na bumangon mula sa k
RED Gamit ang elevator sa basement parking nang Monteverde building, maayos at tahimik na naka pasok nang kanyang opisina si Red, na walang nakakapansin na kahit sinong press at media. Habang sa harapan naman ay nag kumpulan ang mga nag hi- hintay na reporter's sa kanyang pagdating. Walang kamalay malay ang mga ito na naka pasok na s'ya ng building. "Good morning, sir. Ang akala ko na baka hindi na kayo maka attend sa board meeting ninyo, dahil sa mga press na iyan. Masyado kasi silang mainit na makita at maka usap kayo" ani Vida na assistant niya. "Hayaan n'yo na sila. Sigurado naman na aalis rin ang mga iyan, kapag wala silang nakita na anino ko riyan. Anyway, sinubukan na ba ninyong sabibin na hindi ako makaka pasok, today?" aniya habang naka tanaw sa salamin ng opisina, at naka tingin sa mga taong nasa harapan ng gusali at nag kakagulo sa pag hihintay.
RED Lahat ng tingin ay napokus sa lalaking naka tayo sa harapan ng lahat. Biglang nagkaroon ng tens'yon sa loob. Bahagyang tumukod ang dalawa niyang braso sa conference table, at matapang na sinalubong ang tingin ni mr. Mendez, habang naka ngisi ito. "Actually, I don't need to approach them. Para ano naman? Para makipag plastikan? Hindi ko ugali iyon, lalo na ang gumamit ng media to catch attention." pormal na sabi ni Red at muling tumayo ng tuwid saka inilagay ang palad sa bulsa ng suot na pants. "So, ano ang gusto mong palabasin? Sa pag ka- kaalam ko, wala naman siguro sa kahit na sino na narito, ang tumawag sa mga iyan para mag kumahog lumapit rito, at maka kuha lang ng malaking scoop? Isa pa, related sa inyo ng anak ko ang usapan. Sa ngayon, wala pa akong nalalaman mula sa anak ko, o kahit sa iyo na rin. Pero siguro naman, masasabi mo kung bakit ano an
SHEENA Hindi niya agad nakilala ang taong pumasok, dahil sa red cap na suot nito at sa black shade. Hanggang sa unti- unting lumapit ito sa kanila, at tuluyang alisin nito ang suot na shades. Si Andro lang naman ang bagong dating. Wala silang inimikan ni Kara, hanggang sa maka lapit si Andro sa gawi nila. "Kumusta ka na, Sheena?" biglang bungad nito sa kanya. Napa- awang tuloy ang kanyang bibig sa pagtataka. Mag kakasama lang sila kagabi, pero mga mukhang nag aalala ang mga ito ngayon. 'May alam ba sila sa nangyari sa amin ni Red?' lihim niyang tanong sa sarili. "Umnn, okay lang naman ako. Saka para saan naman yung sorry?" baling niya kay Kara, na hindi nag pahalatang balisa. Nag ka- tinginan ang dalawa, sina Kara at Andr
SHEENA "Napansin mo ba iyon?" bulong ni Kara sa kanya, na bahagya pa nitong inilapit ang bibig sa kanyang tenga upang marinig niya. Naguguluhang napa lingon s'ya rito, na hindi agad nakuha ang ibig nitong tukuyin. May bahid ng pag tataka siyang napatitig sa mukha nang kaibigan. At nakita niya itong nakapokus pa rin ang mga mata sa babae na bagong pasok at pinag kakaguluhan ng mga tao, lalo na ang mga reporter's. "Ang alin?" balik tanong niya kay Kara na nag tataka. "Iyong babaeng kapapasok, bakit parang ang sama ng tingin niya sa iyo? Nagkita na ba kayo?" tanong ni Kara na napansin rin pala ang bagay na iyon. Alam ni Kara na ito ang babaeng pumasok sa opisina ng boss nila. Ngunit dahil sa sinabi ng kaibigan niya na hindi niya ito nakita roon, nakakapagtaka na ganoong klase ng tingin ang ipinupukol nito kay Sheena. Maging s'ya ay naguluhan r
SHEENA "WHAT!?" biglang bulalas na sabi ni Kara, matapos ang kanyang rebelasyon. Maging ito ay hindi naiwasan na mapalakas ang boses sa sobrang pag kagulat. Matapos noon, ay mabilis rin na napatakip ng kanyang bibig, nang ma- realize na maari silang marinig ng mama ni Sheena. Habang si Sheena naman, ay nanatiling nakasubsob ang mukha sa palad nito, at impit na pinipigil ang mapalakas ang pag- iyak. "Oh my God! I am sorry, She! I didn't-" hindi na magawa pang ituloy pa ni Kara ang nais sanang sabihin matapos na magulat. Maging ito man ay tila sising- sisi sa natuklasang pangyayari, at napa subsob ang mukha sa sariling palad. May ilang minuto rin silang nasa ganoong kalayaganMatapos noon, ay napayakap ng mahigpit si Kara kay Sheena, habang panay ang bulong at tumutulo rin ang luha. "I'm sorry, She! I'm sorry!, Wala akong ideya na gano
SHEENA "Oh! P'wede ka nang lumabas d'yan. Bakit kasi kailangan mo pang magtago? Ano naman ba ang masama, kung si sir Red man ang taong iyon?" Nanunulis ang nguso, habang tikwas ang kilay na tanong ni Kara kay Sheena, matapos na maka- alis ang lalaking akala niya ay ang boss nila. "Nagsisiguro lang naman ako. Mahirap na, ano?" pairap rin niyang tugon. But deep inside, biglang tila nang hinayang rin s'ya na hindi nga ang g'wapong boss, ang taong iyon na lumapit. "Ano raw ba ang hinahanap n'ya?" usisa ni Sheena kay Kara. "Actually, may hinahanap s'yang tao. At dahil hindi naman ako talaga taga rito, ayun! Sorry na lang s'ya, hindi ko rin s'ya matulungan sa taong hinahanap n'ya." ani Kara na sinabayan pa nang pag kibit- balikat. Muling bumalik sa sopang dating kina- uupuan niya si Sheena. Bahagya rin na matamlay ang kanyang
"Congratulations!" masayang bati ng mga beautician sa kanilang mga inaayusan na ikakasal. "Salamat!" Hindi mapapantayan ang saya na nararamdaman ni Divina nang mga sandaling iyon. Wala na siyang mahihiling pa sa Diyos kundi ang ipag pasalamat ang lahat nang magandang bagay na nangyari sa kanya. Nawalay man ang kanyang pamilya sa kanya ay nagawa pa rin naman niyang maibalik. Ngayon niya higit na napatunayan kung gaano kadakila ang panginoon na palaging nakatunghay sa atin. Matapos ang mahabang bangungot ay nalampasan rin niya ang lahat at muling nakita at nakasama ang kanyang pamilya. Ngayon ang takdang araw ng kanyang kasal. At dahil sa naka plano na rin noon ang pagpapakasal ng kaibigan niyang sina Kara at Andro ay nagpasya silang idaos ito nang magkasabay. Ang lahat ay masaya sa kanilang paghahanda. Kasalukuyang inaayusan sa isang hotel ang magkaibigan at hihintayin na lamang ng kani kanilang mga groom sa venue ng pagdarausan
Maaga kinabukasan na nagising ang lahat. Nagpasya sina Divina at Red na mag out of town sa Batangas at pormal na maipakilala ang kanilang triplets sa lolo at lola nito na magulang ni Sheena. Kasama nila sina Andro at Kara na ngayon ay magkasintahan na at kasalukuyan na rin na nasa ikatlong buwan ng kanyang pagbubuntis si Kara. Natuwa rin si Divina na talagang naghanda ang tatlong bata ng kani kanilang mga regalo para sa kanilang abwela. Maging siya man ay labis na kinakabahan. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito matapos niyang magpakilalang ibang tao rito noon. "Are you ready, ladies? Makikilala nyo na rin ang mga lolo at lola nyo. I'm sure na matutuwa ang mga iyon ng sobra kapag nakita kayo. To the point na maiiyak ang mga 'yon!" ani Kara. "Why naman po Tita Kara?" tanong ni Kylie. "Eh kasi, sa mukha n'yo pa lang maaalala na naman niya sigurado ang mommy n'yo? And syempre baka ma shock 'yun kasi ang alam nila matagal
Nakatali na magkakatabi ang lahat ng tao sa loob ng kanyang bahay. Ang lahat ng kanyang mga katulong at maging ang kanyang mama. Naipon ang mga ito sa pinakagitna ng sala. Inilibot niya ang tingin sa paligid at napansin na wala roon ang kanyang ama. Nakatayo sa magkabilang dulo nila ang dalawang bantay na may hawak na baril. Habang si Cynthia ay prenteng nakaupo naman sa sala. Bukod sa dalawang ito ay wala na siyang ibang nakita. Naisip niya na kaunting trick lang ay makukuha niya ang mga ito Naningkit ang mga mata ni Red ng makita ito. Naikuyom niya ng kanyang kamao at ilang beses na humugot ng malalim na hininga. "Anong ginagawa mo sa kanila?" matigas na sabi ni Red. "Wala silang kinalaman sa 'yo pero idinadamay mo!?" "Oppss! Sorry! Hindi ko kasi makita ang mga anak ko, eh! Ayaw naman nilang sabihin sa akin kung nasaan? Kaya 'yan, may parusa sila kasi mga nagsisinungaling sila?" Nakalabi na sabi nito na tila isip bata. Para itong batang
RED "Sigurado at nakahanda na ba ang lahat para sa operasyon? Siguraduhin lang na sana lahat ng pinakamamalaki at pinakamatataas sa kanila ay mahuli!" aniya. "Nakahanda na po lahat, Sir. At bukas ng gabi nakatakdang i- deploy ang lahat ng mga tao natin sa isla bago ang nakatakdang araw ng kanilang shipment. Kumpleto na rin ang lahat ng kasamang escort at back up. Hangga't maari hindi tayo gagamit ng anumang dahas maliban na lamang kung kinakailangan, lalo na at alam naman natin na wala silang sinasanto." Napatango si Red. Bagaman at may kaunting agam agam ay mas mabuti pa rin na magtiwala. Hindi biro ang mga grupong ito na tila nagsanib pwersa para lamang magpabagsak ang tao na alam nilang magiging balakid sa kanilang mga plano para sa hinaharap. Habang nasa gitna ng pag uusap ay nakatanggap ng tawag si Red mula sa hindi kilalang numero. Kunot noo na sinagot niya ito. "Hello?" "Hi! Do you missed me, honey?" sadyang pinalambing n
Pagbukas niya ng pinto ay sandali muna niyang pinakiramdaman kung may tao. At salamat dahil mukhang tahimik ang paligid. Tinungo niya ang kusina ngunit wala doon si Manang Esme. Palabas na siya nang pumasok ang matanda. "May bisita ka ba kagabi, iha?" nakangiting tanong nito. "Ah, opo Manang. Hindi po kasi nakauwi kagabi si Red nung hinatid ako dahil sa lakas ng ulan kaya pinatulog ko na muna sa guest room." "Ganun ba, mabuti na lang at nakapag luto na ako. Sabihan n'yo lang ako kapag gusto n'yo ng kumain." At tinungo nito ang lababo. "Sige po check ko lang po kung gising na si-" sandaling naputol ang kanyang sasabihin ng bumungad si Red sa harapan ng komedor. "Gising ka na pala!" Nakangiti habang ang lakas lakas nang kabog ng dibdib ni Divina na napalingon dito. "Gusto ko lang magpasalamat sa pagpapatulog dito, pasensya na sa naging abala. Anyway, kailangan ko na rin umalis kasi-" "Mukhang nagmamadali ka? May nangyari ba?" putol ni
Nakaramdam nang lamig sa kanyang likuran si Divina. Hindi niya namalayan na naibaba na pala ni Red ang zipper ng suot niyang gown. Saka lamang siya tila natauhan at nabalik sa kasalukuyan. Mabuti na lamang at tulog na ang lahat ng tao sa bahay at walang sino man na nakapansin sa kanila. Naramdaman ni Red ang pagluwag ng kanyang yakap dito kaya ito na rin ang nagkusang huminto sa ginagawa. "Oh, I'm almost lost!" anito at niyakap siya. Muli nitong isinara nang banayad ang zipper ng kanyang damit. "I'm sorry!" he whispered. "It's okay! Ako rin naman muntik nang nakalimot. Ang mabuti pa mauna na rin siguro ako, it's almost late and-" naputol ang iba pa sana nitong sasabihin ng tila maramdaman nila ang ugong sa labas ng bahay. Sandali siyang nanahimik upang pakinggan ito. "It's raining!" mabilis na sagot ni Divina. Tumayo siya at bahagyang sumilip sa bintana, at nakita nga niya ang malakas na buhos ng ulan na sinasabayan ng hindi kalakasan na hangin
DIVINA Bakas sa mukha ang saya ng tatlong bata habang papalapit sa kanya. Hindi rin naman mapigilan nang ibang panauhin ang pumalakpak sa maka antig damdamin na tagpong 'yon. Marami ang masaya para sa kanila, habang ang iba naman ay naghahanap lamang ng maaaring mapag usapan at may ilan na tila wala lang pakialam. Magka ganun pa man ay hindi matatawaran ang sayang pumupuno sa puso ni Divina. Ngayon alam niya na ganap nang mabubuo ang pangarap niyang pamilya na akala niya noon ay tuluyan ng nabaon sa hukay. "Hello, Mommy?" sabi ng nakangiting si Kate. Kahit mukhang hindi naman ito masyadong nagulat sa nalaman. Siguro dahil sa umpisa pa lang ay may ganito nang naglalaro sa kanyang imahinasyon. Samantalang si Kylie ay nanatiling tahimik at nakangiti. Malapad rin ang ngiti sa mga labi ni Tina. Marahil ay wala sa hinagap nito ang mga nagaganap. Matapos na malaman niya kung sino ang kanyang mga magulang at makalaya sa pamilyang umabuso sa kanya, ay heto s'ya ngayon at k
RED Matapos na maka alis ang mga pulis kasama si Cynthia ay kaagad na nilapitan ni donya Georgina sina Red at Divina. Hindi siya matahimik matapos ang mga nasaksihan niyang eksena. Ang paligid ay hindi matapos tapos sa kanilang pagbu bulungan tungkol sa mga nasaksihan, ang ilan pa ay nagsimula ng mag upload ng kung ano anong video ang nakuha ng mga ito. Hanggang ngayon ay tila gusto n'yang magalit ngunit may isang bagay pa siyang kinakailangan alamin sa mga ito. Una, ay ang pagiging magkamukha ng dalawang bata sa sinasabing anak ni Divina. Ikalawa, ay pag aakusa ng mga ito kay Cynthia na hindi niya alam kung paniniwalaan ba n'ya o hindi. lkatlo, ay ang pag aresto kay Cynthia at pagpaparatang ng mga ito sa babae. Nakatayo ang dalawa na malapit sa may bukana ng malapitan niya. May ilan na nakatingin pa rin sa kanila habang nagbubulungan. "Pwede bang paki paliwanag ang lahat ng ito?" Kunot ang noo niyang sabi kay Red na halatang seryoso ang mukha
DIVINA "O ano? Natahimik ka, di ba? Ngayon mo sabihin sa harap mismo ng maraming tao na anak mo nga sila! Na kailanman wala kang niloko at inosente ka!" kalmado ngunit mariin na sabi niya. Lahat ay natuon ang pansin sa kanila. Maging si Donya Georgina ay unti unting nagkaroon ng idea sa tinatakbo ng usapan ng dalawang babae. "Ikaw ang sinungaling! Nasasabi mo ang lahat nang iyan dahil alam kong malaki ang gusto mo sa ama ng mga bata. Na kaya pinipilit mong lumapit sa kanila para pati s'ya makuha mo! Ikaw ang mang aagaw at magnanakaw! Wala akong ninanakaw sa 'yo kaya wala kang karapatan na paratangan ako! Wala kang patunay para sabihin iyan! Bakit kaya hindi na lang ikaw ang kusang umamin sa harapan mismo ng mga taong ito? Nang sa ganun magkaalaman na!" gigil at galit na galit na sabi ni Cynthia. "Ah! Bilib din naman ako sa sarili mo, Ms. Cynthia. Ang lakas ng loob mo na hamunin ako kahit alam na alam o sa sarili mo na tama ako? O sige, tutal narito na rin naman