SHEENA
"Oh! P'wede ka nang lumabas d'yan. Bakit kasi kailangan mo pang magtago? Ano naman ba ang masama, kung si sir Red man ang taong iyon?" Nanunulis ang nguso, habang tikwas ang kilay na tanong ni Kara kay Sheena, matapos na maka- alis ang lalaking akala niya ay ang boss nila.
"Nagsisiguro lang naman ako. Mahirap na, ano?" pairap rin niyang tugon. But deep inside, biglang tila nang hinayang rin s'ya na hindi nga ang g'wapong boss, ang taong iyon na lumapit.
"Ano raw ba ang hinahanap n'ya?" usisa ni Sheena kay Kara.
"Actually, may hinahanap s'yang tao. At dahil hindi naman ako talaga taga rito, ayun! Sorry na lang s'ya, hindi ko rin s'ya matulungan sa taong hinahanap n'ya." ani Kara na sinabayan pa nang pag kibit- balikat.
Muling bumalik sa sopang dating kina- uupuan niya si Sheena. Bahagya rin na matamlay ang kanyang
SHEENA Maaga pa lamang ay naka handa na ang mga gamit, na dadalahin ng dalaga, hapon ng sabado. Mabuti na lamang at naka pag hanap na rin s'ya ng kanyang matutuluyang bahay, sa tulong na rin ng internet. Malapit lamang ito sa kanyang papasukang esk'welahan bilang clerk muna. Saka na lamang s'ya babalik muli sa pag tuturo, kapag naka hanap s'ya ng pagkakataon na mayroong bakante. "Best! Sigurado ka na ba talaga rito? Wala na ba talagang atrasan?" ani Kara na naluluha. "Ano ka ba? Lilipat lang naman ako ng lugar, atleast Pilipinas pa rin, at hindi naman ako mangingibang bansa!" Bahagyang natawa pa si Sheena nang sabihin iyon. "Mag iingat ka sana doon anak, ha? Malayo na kami ng papa mo sa tabi mo, sana lagi mong ingatan ang sarili mo doon." bilin ng kanyang mama, habang panay ang singhot at punas ng luha nito. "Hind
RED Maagang pumasok si Red sa kanyang opisina ng araw ng lunes. Hindi rin niya maintindihan ang kanyang sarili, ngunit pakiramdam niya ay may isa s'yang kinasasabikang makita ng araw na iyon. Isang buong linggo siyang naging abala muna, dahil sa bagong ipinapatayong building ng kanilang kumpanya. Isa iyon sa mga bagong conduminium project. Sinugurado niyang itsinek muna ang lahat, maging ang lokasyon nito. Personal niyang ginawa iyon, para wala s'yang mamiss. Ayaw naman niya na magkaroon ng isyu, lalo na at ito ang kauna- unahan niyang inaprubahang business project, sa simula ng kanyang pag kakaupo bilang bagong CEO ng kumpanya. Alam niya na malaki ang tiwala sa kanya ng kanyang ama, kaya naman mas pinag bubuti pa niya, upang hindi s'ya mag failed sa mataas na expectation nito sa kanya. Siya ang personal na tumututok ngayon sa nasabing proyekto, lalo pa at isa iyon sa malaking unang project na nakuha niya.  
RED "What?" biglang tanong ni Red na naka kunot noo. Hindi ito makapaniwala sa resulta ng kanilang nakita sa CCTV footage ng eskwelahan. "How could it happen, na walang nakaka- alam kahit isa sa inyo, kung sino ang kumuha ng kopya? The other part's have, but the other side's are missing? And then, you would say to me, that you all didn't know who did this? What was that mean? That there was someone from outside stealling anything inside here and nobody know's? Napakasimple na lang na i- secured ang ating premisses, but what happened now? Some intruder steal it? Ganoon na ba ka poor ang security level ng ating campus? You all, failed me about my expectation when it comes to our privacy. I am expecting good result but nothing happened, just because it was gone? Mr. White, I wanna talk to you, privately." pormal ngunit halatang galit na saad ni Red, matapos ang pagkabigong makakuha ng kopya ng footage. He can't believe it was
SHEENA Maaga pa lamang ay sobrang abala na sa kanyang bagong trabaho ang dalaga. At dahil pagiging clerk sa eskwelahan ang kanyang bagong assignment, ay halos mapuno nang kaabalahan ang kanyang oras. Sumabay pa sa final exam ng mga estudyante, kaya marami tuloy siyang hinaharap na trabaho ngayon. Mula ng pumasok siya sa eskwelahan, ay mas pinili niyang maging busy upang hindi gaanong ma- okupa ang kanyang isip ng kanyang iniiwasang nakaraan. Halos mag- iisang buwan na rin buhat ng lumipat siya rito, at makipagsapalaran muli para sa kanyang sarili. Kanina alam niya na may message siya, ngunit hinayaan na muna niya iyon. Mamaya na lamang niya iyon titingnan. "Hindi ka ba lalabas muna diyan?" tanong ng isang guro sa kanya na naroon, at nakahanda na ito para lumabas, siguro para mag canteen.
SHEENA Habang kausap niya ang kanyang kaibigan na si Kara sa linya, ay hindi sinasadya na narinig niya ng isang tinig ng babae na nagtanong rito. "Who are you talking with?" tinig iyon ng babae. "Ah, ang kaibigan ko po, ma'am." magalang na sagot ni Kara rito. At dahil hindi nito tinakpan ang mouthpiece ng phone nito, ay malaya niyang naririnig ang pag-u- usap ng mga iato. "What is your friend's name?" tanong muli nito. Hindi maiwasan na bahagyang mapataas ang kilay ng nakikinig sa linya na si Sheena. At ano naman ang paki-alam nito, kung sino man ang kaibigan na kausap ni Kara? Bakit kailangan pa nito na magtanong ng kung sino man ang kausap? "Ah, Sheena, ma'am." "Okay!" Iyon lang at narinig na niyang nagpaalam ito kay Kara.&
SHEENA'S POV Tulala habang magkaharap sina Sheena at ang kanyang mga kaibigan na sina Kara at Andro sa isang resturant. Pare- pareho silang hindi makapaniwala na nagbunga ang nangyari kina Sheena at sa amo nilang si Red. Kahit anong pakalma sa kanya ni Kara ay hindi pa rin matapos- tapos ang kanyang impit na pagluha. May ilan pang kustomer ng kainan na napalingon sa gawi nila na tila mga nagtataka. Panay ang hagod ng kanyang kaibigang si Kara sa likod niya habang si Andro naman ay nanatiling walang imik at balisa. Makahulugang nagkatinginan naman sina Kara at Andro, na parehong nakakaramdam ng pagka-guilty sa sinapit ng dalaga. Kalalabas lang nila ng doctor's clinic at kinumpirma nga ng OB na nagdadalang tao nga ang dalaga ng may siyam na linggo na. Hindi sila makapaniwala na sa ganoon kabilis ng pangyayari ay nagbunga ang lahat. Bakas ang labis na lungkot at sakit sa mukha ng dalaga. "Bess, I'm sorry, hindi namin ito inasahan na mangyayari. Hinangad lang namin
RED Abala para sa kanya ang araw na iyon. Nakatambak ang mga paper works na kailangan niyang tapusin, dahil na rin sa hindi siya masyadong makapag concentrate dahil sa ilang araw ng may gumugulo sa kanyang isipan. Halos mahigit ng dalawang buwan mula ng bigla na lamang mawala, at hindi makita ang taong pinananabikan niyang makita, si Sheena. Magmula ng umalis ito ay nawalan na siya ng anumang balita rito. Sinubukan niyang pasundan ang kaibigan nito na si Kara at Andro, subalit wala siyang nakuha na magandang resulta. Sinubukan na rin niyang tingnan ang lugar kung saan naka- address noon ang dalaga, subalit wala ng tao roon, at walang nakakaalam sa mga taga roon kung saan lumipat ang pamilya, ang tanging nasabi na lamang ay biglaan ang pag alis ng mga ito na hindi alam ang dahilan. Wala rin makapagturo kung saan ito lumipat. Habang abala ang sarili, ng biglang tumunog ang intercom at tinig ng kanyang assistant na si Vida. "Sir, ms. Mendez was here, s
SHEENA POV Sumapit ang kabuwanan niya at pansamantala muna siyang naka- maternity leave ng tatlong buwan. Hindi na rin siya iniiwan ng kanyang ina na palaging naka alalay sa kanya, upang madali siyang makatawag ng tulong incase na kailanganin niya. Hindi naman kalayuan ang pinakamalapit na hospital kaya hindi sila gaanong mahihirapan. Madalas rin na dumadalaw sa kanya ang kanyang mga kaibigan na sina Kara at Andro. "Mabuti naman at walang ibang nakakapansin o sumusunod sa inyo tuwing madadalaw kayo rito." minsan ay nai- tanong niya noon sa dalawa. Napansin niya na nagkatinginan ang mga ito bago napakibit balikat. "Ang totoo, hindi lang minsan kami may napansin na nakabuntot sa amin, at dahil nga nag iingat kami ng husto sa tuwing pupunta rito, ayun, kahit pa- paano ay nagagawan naman ng paraan para matakasan." Kivit balikat na tugon ni Kara. "Salamat na lang at magaling mag-isip ang driver bodyguard ko." dagdag pa nito sabay hagikhik at ikinuwento kung ano
"Congratulations!" masayang bati ng mga beautician sa kanilang mga inaayusan na ikakasal. "Salamat!" Hindi mapapantayan ang saya na nararamdaman ni Divina nang mga sandaling iyon. Wala na siyang mahihiling pa sa Diyos kundi ang ipag pasalamat ang lahat nang magandang bagay na nangyari sa kanya. Nawalay man ang kanyang pamilya sa kanya ay nagawa pa rin naman niyang maibalik. Ngayon niya higit na napatunayan kung gaano kadakila ang panginoon na palaging nakatunghay sa atin. Matapos ang mahabang bangungot ay nalampasan rin niya ang lahat at muling nakita at nakasama ang kanyang pamilya. Ngayon ang takdang araw ng kanyang kasal. At dahil sa naka plano na rin noon ang pagpapakasal ng kaibigan niyang sina Kara at Andro ay nagpasya silang idaos ito nang magkasabay. Ang lahat ay masaya sa kanilang paghahanda. Kasalukuyang inaayusan sa isang hotel ang magkaibigan at hihintayin na lamang ng kani kanilang mga groom sa venue ng pagdarausan
Maaga kinabukasan na nagising ang lahat. Nagpasya sina Divina at Red na mag out of town sa Batangas at pormal na maipakilala ang kanilang triplets sa lolo at lola nito na magulang ni Sheena. Kasama nila sina Andro at Kara na ngayon ay magkasintahan na at kasalukuyan na rin na nasa ikatlong buwan ng kanyang pagbubuntis si Kara. Natuwa rin si Divina na talagang naghanda ang tatlong bata ng kani kanilang mga regalo para sa kanilang abwela. Maging siya man ay labis na kinakabahan. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito matapos niyang magpakilalang ibang tao rito noon. "Are you ready, ladies? Makikilala nyo na rin ang mga lolo at lola nyo. I'm sure na matutuwa ang mga iyon ng sobra kapag nakita kayo. To the point na maiiyak ang mga 'yon!" ani Kara. "Why naman po Tita Kara?" tanong ni Kylie. "Eh kasi, sa mukha n'yo pa lang maaalala na naman niya sigurado ang mommy n'yo? And syempre baka ma shock 'yun kasi ang alam nila matagal
Nakatali na magkakatabi ang lahat ng tao sa loob ng kanyang bahay. Ang lahat ng kanyang mga katulong at maging ang kanyang mama. Naipon ang mga ito sa pinakagitna ng sala. Inilibot niya ang tingin sa paligid at napansin na wala roon ang kanyang ama. Nakatayo sa magkabilang dulo nila ang dalawang bantay na may hawak na baril. Habang si Cynthia ay prenteng nakaupo naman sa sala. Bukod sa dalawang ito ay wala na siyang ibang nakita. Naisip niya na kaunting trick lang ay makukuha niya ang mga ito Naningkit ang mga mata ni Red ng makita ito. Naikuyom niya ng kanyang kamao at ilang beses na humugot ng malalim na hininga. "Anong ginagawa mo sa kanila?" matigas na sabi ni Red. "Wala silang kinalaman sa 'yo pero idinadamay mo!?" "Oppss! Sorry! Hindi ko kasi makita ang mga anak ko, eh! Ayaw naman nilang sabihin sa akin kung nasaan? Kaya 'yan, may parusa sila kasi mga nagsisinungaling sila?" Nakalabi na sabi nito na tila isip bata. Para itong batang
RED "Sigurado at nakahanda na ba ang lahat para sa operasyon? Siguraduhin lang na sana lahat ng pinakamamalaki at pinakamatataas sa kanila ay mahuli!" aniya. "Nakahanda na po lahat, Sir. At bukas ng gabi nakatakdang i- deploy ang lahat ng mga tao natin sa isla bago ang nakatakdang araw ng kanilang shipment. Kumpleto na rin ang lahat ng kasamang escort at back up. Hangga't maari hindi tayo gagamit ng anumang dahas maliban na lamang kung kinakailangan, lalo na at alam naman natin na wala silang sinasanto." Napatango si Red. Bagaman at may kaunting agam agam ay mas mabuti pa rin na magtiwala. Hindi biro ang mga grupong ito na tila nagsanib pwersa para lamang magpabagsak ang tao na alam nilang magiging balakid sa kanilang mga plano para sa hinaharap. Habang nasa gitna ng pag uusap ay nakatanggap ng tawag si Red mula sa hindi kilalang numero. Kunot noo na sinagot niya ito. "Hello?" "Hi! Do you missed me, honey?" sadyang pinalambing n
Pagbukas niya ng pinto ay sandali muna niyang pinakiramdaman kung may tao. At salamat dahil mukhang tahimik ang paligid. Tinungo niya ang kusina ngunit wala doon si Manang Esme. Palabas na siya nang pumasok ang matanda. "May bisita ka ba kagabi, iha?" nakangiting tanong nito. "Ah, opo Manang. Hindi po kasi nakauwi kagabi si Red nung hinatid ako dahil sa lakas ng ulan kaya pinatulog ko na muna sa guest room." "Ganun ba, mabuti na lang at nakapag luto na ako. Sabihan n'yo lang ako kapag gusto n'yo ng kumain." At tinungo nito ang lababo. "Sige po check ko lang po kung gising na si-" sandaling naputol ang kanyang sasabihin ng bumungad si Red sa harapan ng komedor. "Gising ka na pala!" Nakangiti habang ang lakas lakas nang kabog ng dibdib ni Divina na napalingon dito. "Gusto ko lang magpasalamat sa pagpapatulog dito, pasensya na sa naging abala. Anyway, kailangan ko na rin umalis kasi-" "Mukhang nagmamadali ka? May nangyari ba?" putol ni
Nakaramdam nang lamig sa kanyang likuran si Divina. Hindi niya namalayan na naibaba na pala ni Red ang zipper ng suot niyang gown. Saka lamang siya tila natauhan at nabalik sa kasalukuyan. Mabuti na lamang at tulog na ang lahat ng tao sa bahay at walang sino man na nakapansin sa kanila. Naramdaman ni Red ang pagluwag ng kanyang yakap dito kaya ito na rin ang nagkusang huminto sa ginagawa. "Oh, I'm almost lost!" anito at niyakap siya. Muli nitong isinara nang banayad ang zipper ng kanyang damit. "I'm sorry!" he whispered. "It's okay! Ako rin naman muntik nang nakalimot. Ang mabuti pa mauna na rin siguro ako, it's almost late and-" naputol ang iba pa sana nitong sasabihin ng tila maramdaman nila ang ugong sa labas ng bahay. Sandali siyang nanahimik upang pakinggan ito. "It's raining!" mabilis na sagot ni Divina. Tumayo siya at bahagyang sumilip sa bintana, at nakita nga niya ang malakas na buhos ng ulan na sinasabayan ng hindi kalakasan na hangin
DIVINA Bakas sa mukha ang saya ng tatlong bata habang papalapit sa kanya. Hindi rin naman mapigilan nang ibang panauhin ang pumalakpak sa maka antig damdamin na tagpong 'yon. Marami ang masaya para sa kanila, habang ang iba naman ay naghahanap lamang ng maaaring mapag usapan at may ilan na tila wala lang pakialam. Magka ganun pa man ay hindi matatawaran ang sayang pumupuno sa puso ni Divina. Ngayon alam niya na ganap nang mabubuo ang pangarap niyang pamilya na akala niya noon ay tuluyan ng nabaon sa hukay. "Hello, Mommy?" sabi ng nakangiting si Kate. Kahit mukhang hindi naman ito masyadong nagulat sa nalaman. Siguro dahil sa umpisa pa lang ay may ganito nang naglalaro sa kanyang imahinasyon. Samantalang si Kylie ay nanatiling tahimik at nakangiti. Malapad rin ang ngiti sa mga labi ni Tina. Marahil ay wala sa hinagap nito ang mga nagaganap. Matapos na malaman niya kung sino ang kanyang mga magulang at makalaya sa pamilyang umabuso sa kanya, ay heto s'ya ngayon at k
RED Matapos na maka alis ang mga pulis kasama si Cynthia ay kaagad na nilapitan ni donya Georgina sina Red at Divina. Hindi siya matahimik matapos ang mga nasaksihan niyang eksena. Ang paligid ay hindi matapos tapos sa kanilang pagbu bulungan tungkol sa mga nasaksihan, ang ilan pa ay nagsimula ng mag upload ng kung ano anong video ang nakuha ng mga ito. Hanggang ngayon ay tila gusto n'yang magalit ngunit may isang bagay pa siyang kinakailangan alamin sa mga ito. Una, ay ang pagiging magkamukha ng dalawang bata sa sinasabing anak ni Divina. Ikalawa, ay pag aakusa ng mga ito kay Cynthia na hindi niya alam kung paniniwalaan ba n'ya o hindi. lkatlo, ay ang pag aresto kay Cynthia at pagpaparatang ng mga ito sa babae. Nakatayo ang dalawa na malapit sa may bukana ng malapitan niya. May ilan na nakatingin pa rin sa kanila habang nagbubulungan. "Pwede bang paki paliwanag ang lahat ng ito?" Kunot ang noo niyang sabi kay Red na halatang seryoso ang mukha
DIVINA "O ano? Natahimik ka, di ba? Ngayon mo sabihin sa harap mismo ng maraming tao na anak mo nga sila! Na kailanman wala kang niloko at inosente ka!" kalmado ngunit mariin na sabi niya. Lahat ay natuon ang pansin sa kanila. Maging si Donya Georgina ay unti unting nagkaroon ng idea sa tinatakbo ng usapan ng dalawang babae. "Ikaw ang sinungaling! Nasasabi mo ang lahat nang iyan dahil alam kong malaki ang gusto mo sa ama ng mga bata. Na kaya pinipilit mong lumapit sa kanila para pati s'ya makuha mo! Ikaw ang mang aagaw at magnanakaw! Wala akong ninanakaw sa 'yo kaya wala kang karapatan na paratangan ako! Wala kang patunay para sabihin iyan! Bakit kaya hindi na lang ikaw ang kusang umamin sa harapan mismo ng mga taong ito? Nang sa ganun magkaalaman na!" gigil at galit na galit na sabi ni Cynthia. "Ah! Bilib din naman ako sa sarili mo, Ms. Cynthia. Ang lakas ng loob mo na hamunin ako kahit alam na alam o sa sarili mo na tama ako? O sige, tutal narito na rin naman