Chen Yi, a young emperor who's under the control of a powerful eunuch, Eunuch Ding. It was predicted by a priestess that a person will help the emperor to be free from the eunuch control. Amayah, a princess from a fallen kingdom. Her whole family was killed and she was the only one that survive. She was saved by Eunuch Ding and adopts her as his daughter. Ten years later, Eunuch Ding assigned Amayah to be the emperor's bodyguard. Being grateful to her adopted father and not knowing his real intention, she agrees to be the emperor's bodyguard and protected him with her life. Amayah never thought that she will fall in love with the young emperor so she was torn between her love for Chen Yi and her loyalty to her adopted father. But later on, she discovers that Eunuch Ding was the one behind the incident ten years ago that caused her whole family's death. Together with Chen Yi, they plan to take down the ruthless eunuch. Is Amayah the person that the emperor is waiting for? But how can a princess from a fallen kingdom and now is only an emperor's bodyguard can help the emperor to regain his freedom?
view morePagkalabas ni Amayah sa palasyo ay agad siyang sumakay sa kanyan kabayong si "ulap." Kaya ito ang ipinangalan niya sa kabayo sa kanyang kabayo ay dahil kasing-puti ito ng ulap sa kalangitan. Regalo sa kanya ng kaibigan niyang si Xiaohe ang kanyang kabayo noong mag-labinlimang taong gulang siya kaya tatlong taon pa lamang ito sa kanya hanggang ngayon. Tutol ang kaibigan niyang si Xioahe na umalis siya at magbalik sa poder ng kanyang amain ngunit wala itong magawa dahil katulad niya ay isa lamang din itong ampon ni Yuno Ding noong maliit pa ito. Magkasama silang lumaki kaya itinuturing na rin niya ito na parang isang nakatatandang kapatid na lalaki.Bago siya umalis sa palasyo ay nagpadala muna siya ng memsahe sa kalapating mensahero para itanong kay Xiaohe kung naroon ba sa bahay nito ang kanyang guro. Madalas kasi ay nagta-travel sa iba't ibang bahagi ng bansa ang kanyang guro para manggamot kaya madalas itong wala sa bahay nito. Mabilis namang
Naglalakad si Amayah papunta sa kuwarto ni Emperor Chen Yi nang makasalubong niya ang nakangiting mukha ng kanang kamay nang kanyang ama na si Limo. Napakunot siya ng noo. Ano naman kaya ang dahilan at ganoon ang pagkakangiti nito? Tila ngiting tagumpay. Naisip niya na siguro ay nagsipsip ito sa emperor kaya mukhang masaya ito. Ganoon naman ang mga tauhan sa palasyo. Nagsisipsip sa mga nakakataas sa kanila para tumaas ang kanilang ranggo at tumaas din ang kanilang sahod. Napailing na lamang siya. Kahit kailan ay hindi siya gagaya sa kanila. Hindi siya sisipsip sa mga nakakataas sa kanya para lamang magkaroon ng mataas na kapangyarihan."Kamahalan!" narinig ni Amayah na sigaw ni Baihe, ang personal na alalay ng emperor. Napatakbo siya nang marinig ang nag-aalalang sigaw nito."Kamahalan!" sigaw rin niya nang makita si Chen Yi sa sahig na hinang-hinang. Sa harapan nito ay nagkalat ang maraming dugo. Kahit walang magsabi sa kanya ay nahu
Gustong ipikit ni Amayah ang kanyang mga mata para hindi niya makita ang paglipad ng palaso papunta sa kanya ngunit nag-aalala naman siya na kapag ginawa niya iyon ay hindi siya makakailag sakaling sumablay ang tira ni Emperor Chen Yi. Tinitigan niya ito habang seryosong nakatingin sa mansanas na nakapatong sa knayang ulo. Ang sama naman nito para ipagawa sa kanya ang bagay na ito at sa unang araw pa niya bilang taga-bantay nito. Paano kung sumablay nga ang tira nito? Puwede ba siyang umilag? Paano kung magalit naman ito kapag umilag siya?Anong klaseng emperor ba siya at kaya niyang ipagawa sa akin ang ganito? Hindi ba siya nagpapahalaga sa buhay ng ibang tao? sa isiping iyon ay hindi napigilan ni Amayah ang mapairap. Nakalimutan niyang nakatingin pala ito sa kanya kaya huling-huli nito ang ginawa niyang pag-irap dito. Saglit itong tumigil at biglang naningkit ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Mayamaya ay walang paghahanda na bigla na lamang pinakawalan nito an
Abala si Emperor Chen Yi sa pagpupunas ng kanyang bugso at palaso na gagamitin niya mamaya para sa kanyang praktis nang lapitan siya ni Baihe, ang kanyang personal na alalay at taga-silbi."Kamahalan, nais iparating sa inyo ni Yuno Ding na nakahanap na siya ng bagong tao na magiging tagabantay mo," pagbabalita nito sa kanya. Saglit siyang napahinto sa kanyang ginagawa at tumingin dito ng ilang segundo bago ibinalik ang kanyang atensiyon sa kanyang ginagawa."At sino naman kaya ngayon ang kukuhanin niya para mag-espiya sa mga kilos ko?" habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay dumidiin ang pagkakahawak niya sa malinis na basahan. Talagang gagawin ni Yuno Ding ang lahat para lamang mabantayan ang kanyang mga kilos. Kakatapos pa nga lang nilang mai-dispatsa ang huling taga-bantay niya na espiya rin nito ay mayroon naman kapalit."Ang dinig ko ay anak daw niyang babae ang magiging bago mong taga-bantay, Kamahalan."
10 years later..."Mga inutil! Mga walang silbi!"Nasa bungad pa nga lang si Amayah ng pintuan ng manor nang kanyang amain na si Ding Qinn ay dinig na dinig na niya ang malakas na boses nito habang pinapagalitan ang mga tauhan nito. Hindi niya alam kung ano ang nagawang kasalanan o kapalpakan ng mga tauhan nito para magalit ito ng ganoon."Nakabalik ka na pala, Amayah. Masaya ako't nandito ka na muli."Naudlot ang gagawing pagpasok ni Amayah sa loob ng pintuan nang marinig niya ang tinig na iyon ng nakatatanda niyang kapatid na si Suli. Ang tunay at nag-iisang anak ng kanyang amain. Nakangiting bumaling siya rito."Suli, ikaw pala. Matagal na tayong hindi nagkikita at nagkakausap. Masaya akong makita kang muli." Nakangiting sinalubong niya ng yakap ang kapatid."Kung makayakap akala mo'y tunay silang magkapatid," mahinang parunggit ni Ada, ang personal na alala
"Habulin mo pa ako, Ama!"Tumatakbong sigaw ng walong taong gulang na si Prinsesa Amayah ng kaharian nang Lancayan. Nasa hardin sila ng palasyo at masayang naglalaro. Hinahabol siya ng kanyang ama hari na si Haring Kendra habang tumatawa. Kasama rin nila ang nakatatanda niyang kapatid na si Prinsesa Aloha at ang kanilang ina na si Reyna Aruha. Larawan sila ng isang masayang pamilya.Ang mga yuno nila ay may ngiti sa mga labi habang nakamasid lamang sa paglalaro nilang mag-anak. At kung nadadapa siya ay agad siyang nilalapitan ng mga ito para tulungang makatayo. Alalang-alala ang mga ito sa kanya. Kahit na magasgasan siya ng konti ay agad nang nagpapatawag ng doktor para gamutin siya ang pinuno ng mga yuno.Napaka-suwerte niya dahil maraming mga tao ang nagmamahal sa kanya at higit sa lahat ay mayro'n siyang mapagmahal na amang hari at inang reyna. Hindi sila katulad ng ibang kaharian na walang oras para makipaglaro s
"Habulin mo pa ako, Ama!"Tumatakbong sigaw ng walong taong gulang na si Prinsesa Amayah ng kaharian nang Lancayan. Nasa hardin sila ng palasyo at masayang naglalaro. Hinahabol siya ng kanyang ama hari na si Haring Kendra habang tumatawa. Kasama rin nila ang nakatatanda niyang kapatid na si Prinsesa Aloha at ang kanilang ina na si Reyna Aruha. Larawan sila ng isang masayang pamilya.Ang mga yuno nila ay may ngiti sa mga labi habang nakamasid lamang sa paglalaro nilang mag-anak. At kung nadadapa siya ay agad siyang nilalapitan ng mga ito para tulungang makatayo. Alalang-alala ang mga ito sa kanya. Kahit na magasgasan siya ng konti ay agad nang nagpapatawag ng doktor para gamutin siya ang pinuno ng mga yuno.Napaka-suwerte niya dahil maraming mga tao ang nagmamahal sa kanya at higit sa lahat ay mayro'n siyang mapagmahal na amang hari at inang reyna. Hindi sila katulad ng ibang kaharian na walang oras para makipaglaro s...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments