Naglalakad si Amayah papunta sa kuwarto ni Emperor Chen Yi nang makasalubong niya ang nakangiting mukha ng kanang kamay nang kanyang ama na si Limo. Napakunot siya ng noo. Ano naman kaya ang dahilan at ganoon ang pagkakangiti nito? Tila ngiting tagumpay. Naisip niya na siguro ay nagsipsip ito sa emperor kaya mukhang masaya ito. Ganoon naman ang mga tauhan sa palasyo. Nagsisipsip sa mga nakakataas sa kanila para tumaas ang kanilang ranggo at tumaas din ang kanilang sahod. Napailing na lamang siya. Kahit kailan ay hindi siya gagaya sa kanila. Hindi siya sisipsip sa mga nakakataas sa kanya para lamang magkaroon ng mataas na kapangyarihan.
"Kamahalan!" narinig ni Amayah na sigaw ni Baihe, ang personal na alalay ng emperor. Napatakbo siya nang marinig ang nag-aalalang sigaw nito."Kamahalan!" sigaw rin niya nang makita si Chen Yi sa sahig na hinang-hinang. Sa harapan nito ay nagkalat ang maraming dugo. Kahit walang magsabi sa kanya ay nahuhulaan niya galing ang dugong iyon kay Chen Yi dahil may dugo pa ang bibig nito. Agad siyang napalapit dito para pulsuhan ang kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman na sobrang gulo ng pulso at nasa panganib ang buhay nito. Isa lang ang ibig sabihin kapag ganoon kagulo ang pulso ng isang tao. Nalason ito. At matinding lason ang ginamit dito. "Nalason ang kamahalan!"Wala na siyang inaksayang sandali. Agad niyang kinuha ang lagayan niya ng kanyang mga gamot at kumuha ng isang maliit na tableta. Akmang isusubo na niya ito sa bibig ng emperor ngunit bigla na lamang may pumigil sa kanya na isang matalim na espada."Anong ginagawa mo? Tuluyan mo bang papatayin ang emperor?" mapanganib ang tono na tanong sa kanya ng isang lalaking nakasuot ng itim na damit at may itim na telang nakatali sa itaas ng ulo nito. Nahuhulaan niya na personal na tagabantay ito ni Chen Yi o di kaya ay lihim nitong tagabantay."Hindi mo ba nakikita ang ginagawa ko? Sinusubukan ko siyang iligtas," kalmado ang boses na sagot niya. Isa sa mga natutunan niya mula pagkabata ang hindi magpanic sa kapag nasa harapan ng panganib o di kaya kapag may nakatutok na s*****a sa'yo. Hindi siya nagpakita ng takot dito."Paano kung sa gagawin mo ay mas lumala ang kalagayan ng kamahalan?" nagdududang tanong nito sa kanya. Hindi pa rin inaalis ang espada nitong nakatutok sa kanyang leeg."Mas lalo lamang siyang lalala kung ipagpapatuloy mo ang ginagawa mong pang-aabala sa akin. Mas inilalagay mo sa panganib ang buhay ng kamahalan," inis niyang sagot dito. Kapag hindi pa siya nito hinayaan ay hindi siya sigurado kung maililigtas pa niya ang buhay ni Chen Yi.Magsasalita pa sana ang lalaki ngunit maagap itong nahawakan ni Chen Yi sa kamay. Umiling ang emperor para patigilin ang tagabantay nito at alisin ang espadang nakatutok sa kanyang leeg. Tila napipilitan namang sumunod dito ang lalaki ngunit matalim pa rin ng tingin sa kanya.Nang tuluyang alisin ng lalaki ang espada nito sa kanyang leeg ay itinuloy na niya ang naantalang pagsubo sa bibig ni Chen Yi ng tabletang panlunas sa lason na nasa katawan nito. Ilang minuto ang lumipas matapos inumin ni Chen Yi ang panlunas niya ay naging maayos na ang hitsura nito. Muling bumalik sa normal ang kulay ng mukha nito na kanina ay namumutla."Kumusta na ang pakiramdam mo, Kamahalan?" hindi pa rin nawawala ang pag-aalala da boses ni Baihe nang magtanong ito. Tumigil na rin ito sanoag-iyak. Nilapitan nito si Chen Yi at tinulungang makatayo pagkatapos ay tinulungang makahiga sa kama nito."Maayos na ang pakiramdam ko. Epektibo ang gamot na ipinainom sa akin ni Amayah," mahina ang boses na sagot ni Chen Yi. Inayos ni Baihe ang pagkakalagay ng kumot sa katawan ng emperor bago siya hinarap muli."Maraming salamat sa pagliligtas mo sa buhay ng aking kamahalan. Amayah," pasasalamat sa kanya ni Baihe. "Bakit marunong ka sa paggamot ng taong nalason?""Walang anuman. Baihe. Tungkulin ko ang iligtas ang buhay ng kamahalan. At saka kasalanan ko rin dahil hindi ko nagawa ng maayos ang aking trabaho. Nakapasok tuloy ang taong lumason sa kamahalan, "Ang tungkol naman sa kung bakit ako marunong gumamot sa taong nalason ay dahil bata pa lamang ako ay nag-aaral na akong manggamot. Ngunit palihim lamang dahil ayaw ni ama na manggamot ako. Gusto niya na mga s*****a lamang ang pag-aralan kong gamitin," nakayuko at mahaba niyang paliwanag. Hindi tuloy niya nakita ang makahulugang pagpapalitan ng mga sulyap nina Chen Yi, Baihe, at nang lalaking nakaitim.Noong prinsesa pa siya ng kaharian nang Lancayan ay may guro na nagtuturo sa kanya. Nang malaman ng kanyang amain na nag-aaral siya ng panggagamot ay pinagbawalan na siya. Ngunit dahil talagang gusto niyang matutong manggamot kaya palihim lamang siyang nag-aral sa tulong ng isang matandang manggagamot na eksperto sa panggagamot ng mga taong nalason."Iniligtas mo ako kaya patas lamang tayo," wika ni Chen Yi sa kanya."Maraming salamat sa kabutihan mo, Kamahalan. Aalis na po ako. Siguradong hindi pa ngayon nakakalabas ng palasyo ang tang lumason sa'yo. Kailangan ko siyang mahuli para malaman natin kung sino ang may pakana sa panglalason sa'yo, Kamahalan.""Hindi mo alam? Hindi ba't ang iyo—""Aheng, tama na," biglang saway ni Chen Yi sa lalaking nakaitim na Aheng pala ang pangalan. "Huwag ka ng mag-abala pa, Amayah. Sa mga oras na ito ay tiyak na nakalabas na ang taong iyon," baling naman nito sa kanya."Masusunod po, Kamahalan," mabilis niyang sagot. Lumapit siya sa kinahihigaan nito at muling dinama ang pulsuhan nito. Hindi pa rin normal ang pagtibok ng pulso nito ngunit wala na sa panganib ang buhay nito sa ngayon. Ngunit kapag biglang umatake ang natitirang lason sa katawan nito ay muli ns namang malalagay sa panganib ng buhay ni Chen Yi.Masyadong matindi ang lason na nasa katawan ng emperor kaya hindi kinaya ng kanyang panlunas ang isahang pag-inom. Dapat ay makausap niya ang kanyang guro para maitanong niya rito ang tungkol sa lason na ito. Kakaiba kasi ang lasong ito at sa buong buhay niya ay ngayon pa lamang siya naka-engkuwentro ng ganitong klaseng lason. At maliban do'n ay mukhang matagal na itong umiinom ng lason kaya pumasok na sa kaibuturan ng katawan nito ang lason. Alam kaya ni Chen Yi na matagal nang may lason ang katawan niya?"Sa ngayon ay wala na sa panganib ang buhay ng kamahalan. Ngunit may natitira pa ring lason sa katawan niya na sanhi ng matagalang pag-inom niya ng lason. Kailangan ko pang makausap ang aking guro para itanong ang tungkol sa lason na ito," pagbabalita niya sa kanila tungkol sa kalagayan ng emperor. Tumango lamang si Chen Yi habang nakatingin ng matiim sa kanyang mukha na natatakpan ng pulang belo. Nakaramdam siya ng pagkailang sa titig nito kaya mabilis siyang nagpaalam dito na aalis ng palasyo para puntahan ang kanyang guro. Kailangan niyang makagawa ng panlunas na mas matapang kaysa sa lason na nasa katawan ni Chen Yi.***Papasok pa lamang si Limo sa loob ng malawak na bulwagan ng kanyang manor ay nakangiti na agad si Yuno Ding. Sa klase ng ngiti ni Limo ay mahuhulaan niyang nagtagumpay ito sa ipinag-utos niya rito."Kumusta ang aking ipinag-utos? Nagawa mo ba ng maayos?" tanong niya sa matapat niyang yuno. Hindi lamang ang emperor ang may yuno kundi siya rin. Dahil siya ay mas makapangyarihan pa kaysa sa emperor."Tagumpay po tayo, Panginoon. Ininom niya sa harapan ko mismo ang lason kaya umasa kayo na ilang araw lamang ay magluluksa ang buong kaharian," nakangisi ang mukha na sagot ni Limo.Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Yuno Ding. "Maghanda kayo dahil sa papasok tayo sa palasyo sa mga susunod na araw. Kailangan may mailuklok tayo na bagong emperor bago pa tuluyang pumanaw si Chen Yi.""Masusunod po, Panginoon," mabilis na sagot ni Baihe bago tumalikod."Kawawang Chen Yi. Kung hindi lamang lumaki ang ulo mo at naging matigas ay hahayaan sana kitang mamuno pa ng matagal. Ngunit ngayong masyado nang malaki ang sungay mo ay kailangan ko ng baliin. Dahil balang-araw, ang sungay mo ang susuwag sa akin," kausap ni Yuno Ding sa kanyang sarili pagkatapos ay humalakhak ng malakas. Isang halakhak ng tagumpay.***"Chen Yi!" nag-aalalang tawag ni Shannon sa kanya pagkapasok nito sa kanyang kuwarto. Pagkaalis ni Amayah ay ipinatawag niya kay Baihe ang kaibigan niyang doktor. Mabilis itong lumapit sa kanya at agad siyang pinulsuhan. "Magaling ang taong gumamot sa iyo, Chen Yi. Sa tindi ng lason na nasa katawan mo ay tiyak na patay ka na sa mga oras na ito. Ngunit dahil sa ininom mong panlunas ay napigilan nito ang tuluyang pagkalat ng lason sa katawan mo bagama't nananatili pa rin ito sa loob ng katawan mo. At kahit ako ay hindi ko kayang kontrahin ang ganito katinding lason. Napakagaling ng bago mong tagabantay, Chen Yi," hindi napigilan ni Shannon ang humanga kay Amayah."Anak siya ni Yuno Ding kaya hindi natin siya dapat na pagkatiwalaan," seryoso ang anyo na sagot ni Chen Yi. Kahit iniligtas siya ni Amayah ay wala pa rin siyang tiwala rito. Sa sitwasyon niya ay hindi siya basta-basta magtitiwala sa kahit na sino man. Apat na tao lamang ang tanging pinagkakatiwalaan niya sa mundo. Ang kanyang yuno na si Baihe, ang lihim niyang tagabantay na si Aheng, ang matalik niyang kaibigan na si Shannon na isang doktor ngunit nagpapanggap na isang lalaking walang alam kundi ang mambabae lamang para hindi paghinalaan ni Chen Yi na lihim na gumagamot sa kanya kapag pinapainom siya ng gamot na may halong lason ng mga tauhan nang ministro sa utos nito at ang pinuno ng kanyang lihim na hukbo na si Heneral Lee Shin. Na naghihintay lamang sa kanyang senyales kung kailan ito sasalakay sa hukbo naman ni Ministro Ding."Pero ang sabi sa akin ni Baihe ay tila walang alam si Amayah sa masamang ginagawa ng kanyang ama. Kaya ka nga niya iniligtas ay dahil hindi niya alam na ang ama niya ang nag-utos na painumin ka ng gamot na may lason," giit ni Shannon. Kinuha nito sa lagayan ng mga gamot nito ang isang tableta at ibinigay sa kanya. "Walang problema sa tabletang iyan. Talagang panlunas sa lason ang gamot na iyan."Ang gamot na ibinigay sa kanya ni Shannon ay ang gamot na palihim niyang kinuha mula sa lagayan ng mga gamot ni Amayah. Ibinigay niya iyon kay Baihe para ibigay naman kay Shannon upang masuri. Wala pa rin kasi siyang tiwala kay Amayah."Ano ngayon ang binabalak mong gawin?" mayamaya ay tanong sa kanya ng kaibigan niya."Inaasahan ni Yuno Ding na mamamatay na ako kaya siguradong ipagpipilitan niya na bumaba ako sa trono at magluklok ng tagapagmana ng korona. Susurpresahin ko siya. Dahil hindi ang inaasahan niya ang kanyang makikita."Pagkalabas ni Amayah sa palasyo ay agad siyang sumakay sa kanyan kabayong si "ulap." Kaya ito ang ipinangalan niya sa kabayo sa kanyang kabayo ay dahil kasing-puti ito ng ulap sa kalangitan. Regalo sa kanya ng kaibigan niyang si Xiaohe ang kanyang kabayo noong mag-labinlimang taong gulang siya kaya tatlong taon pa lamang ito sa kanya hanggang ngayon. Tutol ang kaibigan niyang si Xioahe na umalis siya at magbalik sa poder ng kanyang amain ngunit wala itong magawa dahil katulad niya ay isa lamang din itong ampon ni Yuno Ding noong maliit pa ito. Magkasama silang lumaki kaya itinuturing na rin niya ito na parang isang nakatatandang kapatid na lalaki.Bago siya umalis sa palasyo ay nagpadala muna siya ng memsahe sa kalapating mensahero para itanong kay Xiaohe kung naroon ba sa bahay nito ang kanyang guro. Madalas kasi ay nagta-travel sa iba't ibang bahagi ng bansa ang kanyang guro para manggamot kaya madalas itong wala sa bahay nito. Mabilis namang
"Habulin mo pa ako, Ama!"Tumatakbong sigaw ng walong taong gulang na si Prinsesa Amayah ng kaharian nang Lancayan. Nasa hardin sila ng palasyo at masayang naglalaro. Hinahabol siya ng kanyang ama hari na si Haring Kendra habang tumatawa. Kasama rin nila ang nakatatanda niyang kapatid na si Prinsesa Aloha at ang kanilang ina na si Reyna Aruha. Larawan sila ng isang masayang pamilya.Ang mga yuno nila ay may ngiti sa mga labi habang nakamasid lamang sa paglalaro nilang mag-anak. At kung nadadapa siya ay agad siyang nilalapitan ng mga ito para tulungang makatayo. Alalang-alala ang mga ito sa kanya. Kahit na magasgasan siya ng konti ay agad nang nagpapatawag ng doktor para gamutin siya ang pinuno ng mga yuno.Napaka-suwerte niya dahil maraming mga tao ang nagmamahal sa kanya at higit sa lahat ay mayro'n siyang mapagmahal na amang hari at inang reyna. Hindi sila katulad ng ibang kaharian na walang oras para makipaglaro s
10 years later..."Mga inutil! Mga walang silbi!"Nasa bungad pa nga lang si Amayah ng pintuan ng manor nang kanyang amain na si Ding Qinn ay dinig na dinig na niya ang malakas na boses nito habang pinapagalitan ang mga tauhan nito. Hindi niya alam kung ano ang nagawang kasalanan o kapalpakan ng mga tauhan nito para magalit ito ng ganoon."Nakabalik ka na pala, Amayah. Masaya ako't nandito ka na muli."Naudlot ang gagawing pagpasok ni Amayah sa loob ng pintuan nang marinig niya ang tinig na iyon ng nakatatanda niyang kapatid na si Suli. Ang tunay at nag-iisang anak ng kanyang amain. Nakangiting bumaling siya rito."Suli, ikaw pala. Matagal na tayong hindi nagkikita at nagkakausap. Masaya akong makita kang muli." Nakangiting sinalubong niya ng yakap ang kapatid."Kung makayakap akala mo'y tunay silang magkapatid," mahinang parunggit ni Ada, ang personal na alala
Abala si Emperor Chen Yi sa pagpupunas ng kanyang bugso at palaso na gagamitin niya mamaya para sa kanyang praktis nang lapitan siya ni Baihe, ang kanyang personal na alalay at taga-silbi."Kamahalan, nais iparating sa inyo ni Yuno Ding na nakahanap na siya ng bagong tao na magiging tagabantay mo," pagbabalita nito sa kanya. Saglit siyang napahinto sa kanyang ginagawa at tumingin dito ng ilang segundo bago ibinalik ang kanyang atensiyon sa kanyang ginagawa."At sino naman kaya ngayon ang kukuhanin niya para mag-espiya sa mga kilos ko?" habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay dumidiin ang pagkakahawak niya sa malinis na basahan. Talagang gagawin ni Yuno Ding ang lahat para lamang mabantayan ang kanyang mga kilos. Kakatapos pa nga lang nilang mai-dispatsa ang huling taga-bantay niya na espiya rin nito ay mayroon naman kapalit."Ang dinig ko ay anak daw niyang babae ang magiging bago mong taga-bantay, Kamahalan."
Gustong ipikit ni Amayah ang kanyang mga mata para hindi niya makita ang paglipad ng palaso papunta sa kanya ngunit nag-aalala naman siya na kapag ginawa niya iyon ay hindi siya makakailag sakaling sumablay ang tira ni Emperor Chen Yi. Tinitigan niya ito habang seryosong nakatingin sa mansanas na nakapatong sa knayang ulo. Ang sama naman nito para ipagawa sa kanya ang bagay na ito at sa unang araw pa niya bilang taga-bantay nito. Paano kung sumablay nga ang tira nito? Puwede ba siyang umilag? Paano kung magalit naman ito kapag umilag siya?Anong klaseng emperor ba siya at kaya niyang ipagawa sa akin ang ganito? Hindi ba siya nagpapahalaga sa buhay ng ibang tao? sa isiping iyon ay hindi napigilan ni Amayah ang mapairap. Nakalimutan niyang nakatingin pala ito sa kanya kaya huling-huli nito ang ginawa niyang pag-irap dito. Saglit itong tumigil at biglang naningkit ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Mayamaya ay walang paghahanda na bigla na lamang pinakawalan nito an
Pagkalabas ni Amayah sa palasyo ay agad siyang sumakay sa kanyan kabayong si "ulap." Kaya ito ang ipinangalan niya sa kabayo sa kanyang kabayo ay dahil kasing-puti ito ng ulap sa kalangitan. Regalo sa kanya ng kaibigan niyang si Xiaohe ang kanyang kabayo noong mag-labinlimang taong gulang siya kaya tatlong taon pa lamang ito sa kanya hanggang ngayon. Tutol ang kaibigan niyang si Xioahe na umalis siya at magbalik sa poder ng kanyang amain ngunit wala itong magawa dahil katulad niya ay isa lamang din itong ampon ni Yuno Ding noong maliit pa ito. Magkasama silang lumaki kaya itinuturing na rin niya ito na parang isang nakatatandang kapatid na lalaki.Bago siya umalis sa palasyo ay nagpadala muna siya ng memsahe sa kalapating mensahero para itanong kay Xiaohe kung naroon ba sa bahay nito ang kanyang guro. Madalas kasi ay nagta-travel sa iba't ibang bahagi ng bansa ang kanyang guro para manggamot kaya madalas itong wala sa bahay nito. Mabilis namang
Naglalakad si Amayah papunta sa kuwarto ni Emperor Chen Yi nang makasalubong niya ang nakangiting mukha ng kanang kamay nang kanyang ama na si Limo. Napakunot siya ng noo. Ano naman kaya ang dahilan at ganoon ang pagkakangiti nito? Tila ngiting tagumpay. Naisip niya na siguro ay nagsipsip ito sa emperor kaya mukhang masaya ito. Ganoon naman ang mga tauhan sa palasyo. Nagsisipsip sa mga nakakataas sa kanila para tumaas ang kanilang ranggo at tumaas din ang kanilang sahod. Napailing na lamang siya. Kahit kailan ay hindi siya gagaya sa kanila. Hindi siya sisipsip sa mga nakakataas sa kanya para lamang magkaroon ng mataas na kapangyarihan."Kamahalan!" narinig ni Amayah na sigaw ni Baihe, ang personal na alalay ng emperor. Napatakbo siya nang marinig ang nag-aalalang sigaw nito."Kamahalan!" sigaw rin niya nang makita si Chen Yi sa sahig na hinang-hinang. Sa harapan nito ay nagkalat ang maraming dugo. Kahit walang magsabi sa kanya ay nahu