Aking Maria

Aking Maria

last updateHuling Na-update : 2021-12-28
By:   Liesta  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
4 Mga Ratings. 4 Rebyu
92Mga Kabanata
9.9Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Naniniwala si Pelipe na muli niyang makakapiling ang kaniyang minamahal, ang kaniyang nobya na si Maria pagkatapos nitong mamatay. Ngunit paano kung sa kanilang muling pagkikita ay hinde na sila magka-kilala at ang babaeng minahal niya sa nakaraan ay nag-iba na sa kasalukuyan. Sa nakaraan kung saan ang ala-ala ni Pelipe at ang mundo nila na nasa kasalukuyan. Paano nga ba nila haharapin ang katotohanan? muli nga ba nilang pagbibigyan ang pagmamahalan na naiwan sa nakaraan, o iiwasan nila na maulit ang masakit na kapalaran? Tunghayan ang kwento ng dalawang tao na pinaghiwalay ng nakaraan at muling pinagtagpo ng kasalukuyan.

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Panimula

Humahangos na lumapit ang isang kasambahay kay Pelipe habang mangiyak-ngiyak ito."Ginoo! Aking Ginoo! Ang inyong nobya!" Natatarantang sabi nito, agad naibaba ni Pelipe ang hawak na libro at panulat. Tumayo siya at lumapit sa kasambahay."Bakit, anong nangyari? Teresa! Sabihin mo?" Natatarantang tanong ni Pelipe.Nakaramdam ng kakaibang kaba ang binata dahil sa iniaasta ng kanilang kasambahay, mangiyak-ngiyak ito na nanginginig.Hindi ito nagsalita ngunit agad-agad na tumakbo palabas sa kaniyang silid kaya agad din na sumunod si Pelipe dito.Paglabas niya ng kanilang bahay ay bigla siyang nanghina sa nasaksihan ang sitwasyon ng kaniyang nobya."Maria! O aking Maria!" Agad-agad na sinubukang tumakbo papalapit ng binata sa kaniyang nobyang nakahandusay sa lupa at duguan."Mahal ko! O mahal ko! Anong ginawa niyo sa nob...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Jana Nicole
Literally amazing.It's a unique storyline that I'm absolutely addicted to.♡
2021-07-20 12:08:30
7
user avatar
Jana Nicole
perfect story! nice genre dear😘
2021-07-15 20:11:16
7
user avatar
Danica
wow it's very unique story. i love it!
2021-07-15 08:18:31
7
user avatar
Danica
wow it's very unique story. i love it❤
2021-07-15 08:17:48
5
92 Kabanata
Panimula
Humahangos na lumapit ang isang kasambahay kay Pelipe habang mangiyak-ngiyak ito."Ginoo! Aking Ginoo! Ang inyong nobya!" Natatarantang sabi nito, agad naibaba ni Pelipe ang hawak na libro at panulat. Tumayo siya at lumapit sa kasambahay."Bakit, anong nangyari? Teresa! Sabihin mo?" Natatarantang tanong ni Pelipe.Nakaramdam ng kakaibang kaba ang binata dahil sa iniaasta ng kanilang kasambahay, mangiyak-ngiyak ito na nanginginig.Hindi ito nagsalita ngunit agad-agad na tumakbo palabas sa kaniyang silid kaya agad din na sumunod si Pelipe dito.Paglabas niya ng kanilang bahay ay bigla siyang nanghina sa nasaksihan ang sitwasyon ng kaniyang nobya."Maria! O aking Maria!" Agad-agad na sinubukang tumakbo papalapit ng binata sa kaniyang nobyang nakahandusay sa lupa at duguan."Mahal ko! O mahal ko! Anong ginawa niyo sa nob
last updateHuling Na-update : 2021-06-15
Magbasa pa
Kabanata 1
 "Kuya? Anong ginagawa mo bakit tulala ka diyan?" natatawang tanong ng kapatid na babae ni Philip ng naabutan niya ang kaniyang kuya na tulala habang hawak ang pisngi na namumula. Napakunot ang noo ng babae at tiningnan ang pisngi ng kapatid."May nakita ka bang ex-girlfriend mo at sinampal ka? Grabe kahit pasyente ka na walang patawad, sinapak ka talaga?" pang-aasar pa nito sa kaniyang kuya, agad naman itong tiningnan nang masama ni Philip at ginulo ang buhok na ikinabusangot ng dalaga."Alam mo ikaw, wala ka nang ginawa kung hindi ang asarin ako. Palibhasa kasi wala ka pang naging jowa kaya grabe ang pang-aasar mo sa akin sa tuwing maghihiwalay kami ng mga naging girlfriend ko." Naiiling-iling na sabi ni Philip, ngumuso naman ang dalaga at namewang."Aba! Aba! Hindi mo ba alam na maraming nagkakagusto sa mukha na ‘to," sabay turo niya sa sariling mukha "Ang ganda-ganda ko nga raw, isang
last updateHuling Na-update : 2021-06-16
Magbasa pa
Kabanata 2
Umagang-umaga nang bumalik sila Philip sa kanilang bahay, doon siya pinagpahinga ng mga magulang niya. Napabuntong hininga na lang siya dahil kasi-simula pa ang ng klase ay may absent na agad siya, alam niyang pinaalam ng mga magulang niya sa school ang nangyari pero iba pa rin pag hindi nakasabay sa pagpasok tulad ng ibang estudyante. Agad siyang bumangon at isa-isang inayos ang mga gamit niya para sa school ng wala siyang makalimutan bukas. Papasok siya sa ayaw at gusto ng mga magulang niya.Isa-isa niyang pinasok ang mga libro na dapat niyang dalhin bukas ng may napansin siyang pamilyar na libro kaya agad-agad niya itong kinuha at binuklat. Ito ang libro nila sa History, pilit niyang inaalala kung saan niya ito nakita bukod sa gamit niya ng biglang pumasok sa isip niya ang nangyari kahapon ng makita niya sa Hospital ang babae sa panaginip niya. Nakita niya ang libro sa gamit ng babae ng tumapon ang laman ng bag nito.Hindi siya makapaniwala sa nalaman, kaya agad niy
last updateHuling Na-update : 2021-06-21
Magbasa pa
Kabanata 3
"Ah!" gulat na napasigawi ni Philip ng tapakan ni Vince ang paa niya sa ilalim ng lamesa kaya napalingon siya dito."Pag pasensyahan niyo na itong kaibigan namin, kagagaling lang kasi niya sa hospital wala pa yata sa ayos yung utak at natutulala pa!" birong sabi nito at tumawa naman si Therese."So,tama nga ako siya yung paharang harang sa daan ng hospital!" seryosong sabi ng babae.Muli na naman silang na tahimik pero sumagot din agad si Philip at humingi ng tawad. Pilit na tumawa si Therese at nag kwento tungkol basketball."So, kayo Greg kailan ang una niyong laban? Next month ay may ka-practice game kami sa kanilang University,” pasimula nito kaya naman nagkwentuhan muli ang tatlo at naiwang tahimik si Philip at Isabel. Nang matapos silang kumain ay naunang umalis ang dalawang babae at na pahinga naman ng maluwag si Vince."Grabe ang awkward ng atmosphere guys. At ikaw nama
last updateHuling Na-update : 2021-06-21
Magbasa pa
Kabanata 4
Natahimik ang lahat dahil sa mabigat na atmosphere dahil sa nangyari. Agad sinisi ng iba ang dalawang member dahil sa pag-uusap nila ng ganoon."Tumigil na kayo, kahit mag turuan kayo kung sino ang mali wala nang magbabago. So sino ang pwede pang gumanap sa main role?" Tanong ng President. Agad namang tumayo si Philip."Sandali lang, susubukan ko s’yang kumbinsihin para sa role, mag botohan na kayo sa iba pang role na bakante," Biglaang singit ni Philip sa usapan at agad lumabas sa kwarto para sundan si Isabel.Pag labas niya ng pinto ay natanaw niya ang babae na medyo malayo na ang nilakad kaya agad-agad s’yang tumakbo para maabutan ito, ganoon na lang ang gulat ng babae nang sinubukan niyang hawakan ito sa braso para pigilan."Sorry," pagbibigay paumanhin ni Philip " Gusto ko lang naman sabihin na hindi nila gusto na laitin ka." pagpapaliwanag ni Philip."So spokesperso
last updateHuling Na-update : 2021-06-21
Magbasa pa
Kabanata 5
Tahimik lang habang kumakain si Pelipe, ngayon lang sila nag sabay-sabay kumain ng buong pamilya. Higit pa rito ay ang prisensya ng dalaga na lalong nagbibigay ng hindi komportableng pakiramdam kay Pelipe.Nabasag lamang ang katahimikan ng magtanong ang kaniyang ina sa dalaga. "Iha, nasaan ngayon ang iyong Ama at Ina?" Agad namang binaba ng dalaga ang kubyertos na hawak bago nagsalita."Si Ama ho ay nasa trabaho habang ang aking Ina ay nasa isang pagpupulong sa may bayan patungkol sa mga kababaihan," magalang na sagot ng dalaga. Tumango naman ang Ginang kaya't tumuloy muli sa pagkain ang dalaga. Nang matapos silang kumain ay napagpasiyahan ng magulang ni Pelipe na ipasyal ang dalaga sa kanilang Hardin at sa pagbibiro nga naman ng pagkakataon ay siya pa ang napiling maging kasama nito. Tahimik lamang silang naglalakad habang sinusundan ang mga dilaw na bulaklak patu
last updateHuling Na-update : 2021-07-08
Magbasa pa
Kabanata 6
Natapos ang pang sabado na klase ni Philip at Vince kaya agad dumiretso ang dalawa sa Gym kung saan naroon ang kanilang kaibigan na si Greg. Pag pasok pa lamang ni Philip ay agad na niyang natanaw si Isabel na hinihintay din ang kaibigan. Agad-agad niyang hinila si Vince papunta sa gawi nito at naupo sa tabi ng dalaga. Mabilis pa sa paglaho ng bula ang pagkawala ng ngiti sa labi ni Isabel ng lingunin niya ang tao na naupo sa tabi.“Oh! Ikaw pala iyan Isabel,” Kunwaring gulat na sabi ni Philip pero halata sa tono nito ang pang-aasar. Tumaas naman ang kilay ng dalaga at agad kinuha ang mga gamit at tumayo para umalis ng sa paghakbang niya ay may natapakan siyang madulas, ipinikit nalang niya ang sarili at handa ng masaktan ang likod ng maramdaman niya ang dalawang braso na sumalo sa kaniya. “Masyado ka naman yatang clumsy Ms.Torres, pero huwag kang mag-alaala andito ako at handa kang saluhin ng paulit-ulit.” bulong ni Philip sa tenga ng dala
last updateHuling Na-update : 2021-07-08
Magbasa pa
Kabanata 7
Nang hilain si Isabel ng taong sumusunod sa kaniya ay agad niya itong hinampas ng malakas gamit ang libro na hawak, siguro ay hindi nito inaasahan ang aksyon na ginawa ni Isabel kaya nakawala agad ang dalaga. Sinamantala naman ni Isabel ang pagkakataon at hinampas pa ng hinampas ng malalakas ito."Aray! Teka! Aray!" Sabi nito kaya agad napahinto si Isabel ng marinig niya ang boses."P-philip?" Nauutal na tanong nito at agad inilawan ang mukha ng lalake, ganoon nalang ang gulat at hiya niya ng ang binata nga ang hinampas hampas niya."B-bakit andito ka? Anong ginagawa mo at sinusundan mo ako," hindi alam ni Isabel ang gagawin."Hindi ko kasi magawa na hayaan ka na mag-isa na umuwi, kaya naisipan ko na sundan ka at siguraduhin na ligtas kang makakauwi. Hindi ko naman akalain na matatakot ka," pag papaliwanag ng binata sa dalaga." Sana tinawag mo nalang ako o nagpakilala ka agad, tignan mo a
last updateHuling Na-update : 2021-07-10
Magbasa pa
Kabanata 8
Tumayo si Philip at pinagpagan ang pantalon na nadumihan, lumingon ito  kay Isabel at ngumiti."Ok ka lang ba?" Tanong nito na may pag-aalala. Tumango naman si Isabel at inayos ang mga gamit."Pasensya ka na at nadamay ka, nasaktan ka na naman."Sabi ng dalaga at kinuha ang panyo at lumapit kay Philip. Tumingkad ito at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ng binata.Sa mga oras na iyon ay mas napagmasdan ng binata ang mukha ng dalaga, ang magaganda nitong mata, ang maliit at hindi katangusan na ilong, at ang mapulang labi nito na may nunal sa gilid. Hindi mapigilan ni Philip na hawakan ito, ramdam niya ang pagkabigla ni Isabel pero hindi ito nagreklamo at hinayaan ang daliri niyang hawakan ang nunal. At sa pangalawang pagkakataon, muli ay nais ni Philip na madampian ng kaniyang labi ang mapupulang labi ng dalaga.Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng dalaga at unti-unti niyang nilapit ang mukha ngunit bigla siyang tinulak ni Isabel dahilan para buma
last updateHuling Na-update : 2021-07-13
Magbasa pa
Kabanata 9
Pagkatapos nilang kumain ay agad na nag paalam sila Greg at Vince, dahil alam naman na nila na magpapaiwan pa ang kaibigan.Agad nag-dial ng numero ang binata at sumagot naman agad ang nasa kabilang linya."Oh, napatawag ang paborito kong pamangkin? Gaano ba kahalaga iyan at hindi mo na ako nahintay makauwi sa pilipinas?" Birong tanong ng lalake kay Philip."Wala naman, Tito gusto ko lang sanang tanungin kung pwede ba akong mag part-time sa Resto mo?" Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ito pero nagbabaka-sakali siya na pumayag ang Tito niya. "Pwede naman, pero bakit?" May pag dududang tanong ng kaniyang tito."May pinag-iipunan lang po, ayaw ko namang kuhanin lahat sa pera na binibigay nila Mama at Papa," paliwanag niya.  Kalahati dito ay totoo naman, ayaw niya na puro pera ng magulang niya ang gastusin niya at ang kalahati dito ay para mapalapit kay Isabel. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay dapat gawin niya ang
last updateHuling Na-update : 2021-07-14
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status