Share

Kabanata 5

Tahimik lang habang kumakain si Pelipe, ngayon lang sila nag sabay-sabay kumain ng buong pamilya. Higit pa rito ay ang prisensya ng dalaga na lalong nagbibigay ng hindi komportableng pakiramdam kay Pelipe.Nabasag lamang ang katahimikan ng magtanong ang kaniyang ina sa dalaga.

"Iha, nasaan ngayon ang iyong Ama at Ina?" Agad namang binaba ng dalaga ang kubyertos na hawak bago nagsalita.

"Si Ama ho ay nasa trabaho habang ang aking Ina ay nasa isang pagpupulong sa may bayan patungkol sa mga kababaihan," magalang na sagot ng dalaga. Tumango naman ang Ginang kaya't tumuloy muli sa pagkain ang dalaga.

Nang matapos silang kumain ay napagpasiyahan ng magulang ni Pelipe na ipasyal ang dalaga sa kanilang Hardin at sa pagbibiro nga naman ng pagkakataon ay siya pa ang napiling maging kasama nito.

Tahimik lamang silang naglalakad habang sinusundan ang mga dilaw na bulaklak patungo sa hardin, hindi maipaliwanag ni Pelipe ang kaba na nararamdaman niya sa mga oras na iyon ng biglang natalisod ang dalaga sa isang bato at agad naman siyang nasalo ni Pelipe dahilan ng pagdikit ng kanilang katawan.

Hindi alam ni Pelipe ngunit parang hininila siya ng mga labi nito papalapit, unti-unting lumapit ang mukha ng binata..

~

"KUYA!" Napabalikwas ng bangon si Philip dahil sa malakas ba sigaw ng kapatid.

"Ano ba ang problema mo ha?!" Naiinis na bulyaw niya sa kapatid, onti nalang ay mag didikit na ang kanila mga labi ngunit na udlot pa dahil sa bruha niyang kapatid.

"Ay, ang init ng ulo. Pinapatawag kalang naman ni Mama para kumain, tse!" Pagtata ray naman ng kapatid at lumabas na sa kwarto niya.

Napahilamos nalang siya sa sarili dala ng hindi malamang dahilan. Kahit panaginip lamang ay nais niyang malaman ang pakiramdam na madampian ang mapupulang labi ng dalaga.

Pagbaba niya sa kusina ay napansin niyang wala dito ang papa nya, naupo siya at nagtanong.

"Nasaan si Papa?" Lumingon naman ang mama niya.

"May naging problema sa trabaho kaya maaga s'yang umalis para asikasuhin iyon." pagpapaliwanag nito.

Tahimik na kumain sila Philip at pumasok sa school. Nang makarating si Philip sa University ay agad itong nagpunta sa office ng drama club para kuhanin ang script nito sa gagawin nilang play. Pagpasok niya sa loob ay agad niyang nakita si Isabel na nakaupo kaya lumapit siya dito at nakangiting bumati.

“Good morning,Isabel.” sabi nito, lumingon lang saglit ang babae at tinuloy ang ginagawa. Ilang beses na siyang napapahiya dito pero hindi niya magawang magreklamo noong mga nakaraan kaya naisip niya na asarin ito bilang ganti. Hinila niya ang malapit na upuan at naupo sa harapan ng babae.

“Ano iyang ginagawa mo?” pagtatanong ni Philip dito. Napairap naman ang dalaga dahil sa pagpapapansin ng binata sa kaniya. Seryoso niya itong tinignan.

“Hindi pa ba halata, pinag-aaralan ko iyong part ko para sa play.”Pag susungit nito at bumalik sa pagbabasa ng bigla naman  na inagaw ni Philip ang hawak ng dalaga na papel at tumayo,napatayo rin ang babae dahil sa ginawa ng binata.

“Ano ba! Akin na nga iyan.” Pilit inaabot ng dalaga ang papel ngunit masyadong malayo ang agwat ng height niya at ng lalake. Mabilis siyang tumapak sa isang upuan para maabot ito pero sa pag-aagawan nila ay bigla nalang gumewang ang upuan, sa sobrang taranta naman Philip ay wala sa sariling kinabig at niyakap niya agad ang babae sa bewang dahilan para magdikit ang kanilang mga katawan.

Nang bigla namang naalala ni Philip ang panaginip niya at napatitig sa mapupulang labi ni Isabel, unti-unti niyang nilalapit ang mukha sa dalaga hanggang magdikit ang mga noo nila,  dahan-dahan namang pinikit ng dalaga ang mga mata at hinayaang magdikit ang kanilang mga labi. Hindi alam ni Isabel bakit ganoon nalang ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon, pakiramdam na parang muli niyang nakasama ang tao na matagal na niyang hinihintay.

“Maria,” bulong ni Philip nang maglayo ang labi nila, naitulak naman siya ni Isabel dahil dito.

“Hindi ako ang girlfriend mo,” Saad ni Isabel at inagaw ang papel sa binata, naglakad siya paalis at iniwang tulala si Philip na naguguluhan. Habang sa kabilang banda naman ay inis na napasabunot sa sarili ang dalaga sa katangahan na ginawa. Ngayon ay nagsisisi siya kung bakit nagpadala siya sa sensasyon na naramdam ng oras na iyon at hinayaang magdikit ang mga labi nila. Hindi niya akalain na bukod sa kapangalan ay kahawig pa niya ang girlfriend ng binata para isipin na siya ang kahalikan nito, inis na inis itong naglakad ng masalubong niya si Ken, ang President ng drama club.

"Oh, Isabel, saan ka pupunta? Bakit Hindi ka tumuloy sa loob?" Tanong ng lalake at napairap naman sa hangin ang dalaga.

"May baluga kasi na ng gugulo sa akin doon," Sabi nito na naiinis pa ang tono. Natawa naman si Ken sa narinig at umakbay kay Isabel.

"Pag pasensyahan mo na muna iyong baluga na tinutukoy mo, dahil makakasama mo sya ng ilang linggo. Partner kayo remember?" Hindi alam ni Isabel pero pansin na pansin niya ang pang-aasar sa tono nito, agad niyang tinapik ng malakas ang braso na nakaakbay sa kaniya.

"Ayaw ko na, aalis na ako sa role," Sabi ng dalaga at maglalakad na sana palayo ng yakapin siya ni Ken sa leeg.

"Not so fast, Ms.Isabel. Bawal kanang umalis dahil na ipasa ko na ang mga pangalan natin sa teacher office." Sabi nito dahilan para mas mainis ang dalaga.

Bigla namang bumukas ang pinto ng drama club at lumabas doon si Philip, pero napahinto ng makitang nakayakap ang mga braso ni Ken sa dalaga. Napansin naman agad ito ni Ken, kaya agad niyang inalis ang sariling braso.

"Ehem, tara na sa loob at doon na natin hintayin ang iba." Sabi ni Ken at  mabilis na iniwan ang dalawa at pumasok sa drama club room. Umirap naman si Isabel kay Philip at mabilis na sumunod kay Ken.

Hindi maintindihan ni Philip ang nararamdaman sa nasaksihan, naiinis siya kay Ken pero alam niya na wala siyang karapatan para awayin ito. Hindi niya akalain na makakaramdam siya ng pagkaselos dahil lamang sa ganoon.

Selos? Agad napaisip si Philip dahil dito, bakit nga ba siya nag seselos? Kamukha lamang ni Isabel ang babae sa panaginip niya at wala siyang pagtingin para sa dalaga.  Higit pa rito ay kakikilala lamang nila para masabi na may gusto siya kay Isabel. Nais lamang niya na mapalapit sa dalaga para malaman kung pareho silang may napapanaginipan at Hindi dahil may nararamdaman siya dito.

Napailing-iling siya dahil sa naisip. Hndi niya akalain na magugulo ang takbo ng isip niya dahil lamang isang panaginip na hindi naman niya alam kung bakit o anong dahilan at paulit-ulit itong nangyayari.

Pumasok na rin siya sa loob ng may ibang myembro ng dumating, lumingon siya sa gawi kung saan nakaupo ang dalaga at seryoso nitong binasa ang papel na hawak na parang walang nangyari kani-kanina lamang.

Napag desisyunan nalang din ni Philip na huwag gawing big deal ang nagyari, kung sa dalaga nga ay parang wala lang iyon.

"Okay guys, kompleto naman na tayo so simulan na natin yung meeting," nag lingunan naman and lahat kay Ken ng magsalita siya.

"So ayun nga, nakagawa na kami ng script and napamigay na rin sa inyo. Ang problema naman natin ngayon ay yung time natin para mag practice, sa ngayon naman madami pa tayong oras pero maganda na rin kung mag practice tayo agad and for Isabel and Philip, I suggest na mag-usap kayo para ma-manage nyo yung time nyo and makapag practice kayo na mag kasama." Nakangiting Sabi ni Ken.

Tinignan naman ni Isabel ng masama si Philip ng Makita niya itong ngingiti-ngiti din habang tumataas baba pa ang kilay na nakatingin sa kaniya.

"Manyak," Sabi nito pero walang boses na kasama dahilan para manlaki ang mata ni Philip.

Manyak?! Anong kamanyakan ang ginawa niya para sabihin iyon ng dalaga, masaya lang naman siya dahil sa wakas ay talagang magkakaroon na siya ng pagkakataon para mapa-lapit sa dalaga.

"So, Philip? Isabel? Anong masasabi n'yo, siguro naman magagawaan ninyo ng paraan hano?" Tanong ni Ken sa dalawa. Masaya namang tumango si Philip habang walang ganang tumango ang dalaga.

Natapos ang meeting ng wala namang naging problema o nagreklamo. Agad nag silabasan ang lahat para maka abot sa kani-kanilang klase. Mabilis na hinarang ni Philip si Isabel ng tangkain nito na umalis.

"Hep! Hep!" Sabi nito habang naka dipa ang mga kamay, kumunot naman ang noo ng dalaga.

"Pwede ba, tumabi ka diyan sa dadaanan ko kung ayaw mong masaktan," mataray na sabi nito pero hindi naman nag patinag ang binata.

"Masyado ka namang mapanakit, gusto ko lang naman na malaman ang schedule mo." Sabi ni Philip.

"At bakit ko naman sayo ibibigay ang schedule ko?" Mataray parin na sagot nito. Napabuntong hininga nalang si Philip.

"Para lang maayos at malaman natin kung kailan tayo parehong may free time, huwag kang mag-alala." Pag papaliwanag ni Philip.

Tinitigan muna ni Isabel si Philip bago kinuha ang cellphone at inutusan ang binata na buksan ang Bluetooth. Dali-dali namang sumunod ang binata at natanggap nga niya ang kopya ng schedule nito.

Noong akma ng itatago ng dalaga ang kaniyang cellphone ay inagaw ito ng binata at ti-type at ini-dial ang sariling number. Agad lumabas sa screen ng cellphone ng binata ang isang numero na hindi naka-save, nang makita niya ito ay mabilis niyang pinatay ang tawag at ngumiti sa dalaga habang binabalik ang cellphone.

"Maraming salamat sa schedule at number mo," nnakangiting sabi ng binata, pahablot namang binawi ng dalaga ang kaniyang cellphone at inirapan si Philip bago padabog na lumabas ng pinto.

Napapikit nalang si Philip sa lakas ng pagkakasara ng dalaga sa pintuan na wari'y nais na nitong sirain ito sa inis sa kaniya. Agad pinangalanan ni Philip ang numero ng dalaga at ini-save sa kaniyang phonebook.

Ngiting-ngiti siya habang nag lalakad palabas ng drama club room ng makita niya ang kaibigan na iiling-iling habang nakatingin sa kaniya na parang may ginawang siyang kalokohan.

"Ano na naman ba? Kinuha ko lang ang schedule niya para makapag-practice kami ng maayos, huwag mo akong tignan na parang may ginawang krimen," pag papaliwanag niya dito, napahagalpak naman ng tawa si Vince.

"Oh, kaibigan. Masyado ka naman yatang defensive sa lagay na yan," ang maliit na mata ni Vince ay halos nakapikit na dahil sa pagtawa.

"Tumigil ka na nga diyan sa kakatawa, halika na bago tayo ma-late." Napipikon na sabi ni Philip sa kaibigan at hinila ito sa damit.

Pagkarating nila sa classroom ay nagsisimula na ang klase, buti nalang ay mabait ang professor nila at hinayaan pa rin sila na pumasok at making sa discussion.

"Okay class, dismissed!" Saad ng kanilang professor pagkatapos ng higit 2 at kalahating oras.

Agad nag-inat ng braso si Philip ng tawagin siya ng kanilang professor para mag patulong buhatin ang ibang mga gamit nito papunta sa office, hindi naman siya makatanggi sa mga ganitong bagay dahil isa siyang University President.

Habang naglalakad si Philip dala ang mga gamit ng kaniyang professor papunta sa office ay kinukwentuhan at kinakamusta rin ng kaniyang professor ang mga program na dapat niyang asikasuhin.

Hindi naman talaga mahirap pakisamahan ang mga professors niya, may mga mababait naman dito at handang magbigay opinion at tulong, pero kailangan ng mataas na pag unawa kung may isang nagmamagaling sa mga ito at higit sa lahat ay kulang nalang na gawin siyang alalay.

"Maraming salamat, Philip." Sabi ni Mrs.Jose pagka-lapag niya ng mga gamit nito sa table, agad naman ngumiti si Philip. Isa si Mrs.Jose sa mga mababait at tumutulong sa mga program kahit napaka dami nitong sariling trabaho, kaya Hindi rin niya magawang tangihan ito.

"Naku! Walang ano man po Mrs.Jose, kayo paba e malakas po kayo sa akin." Pabirong sagot ni Philip kaya natawa naman ang Ginang. Sumabat naman ang isang professor.

"Aysus, may favoritism ka pala Mr.Cruz, so kailan ako magiging malakas sayo?" Pag bibiro nito kaya tumawa si Philip bago sumagot.

"Mr.Guzman matagal na rin kayong malakas sa akin, basta huwag ninyong kakalimutan ang libreng pamiryenda para sa drama club." Pabiro muling saad ni Philip kaya nag tawanan ang mga tao sa teacher office.

Isang dahilan kung bakit madami ang nagkakagusto sa kanila ay mabait siya at matalino pero ang pinaka dahilan dito ay ang galing niya sa pakikisama, sa isang tao nga lang siya pumalpak ngunit hindi niya ito susukuan hanggang magkalapit silang dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status