Way back to 1500's

Way back to 1500's

last updateLast Updated : 2022-05-31
By:   Arcapediaa  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
36Chapters
2.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Isang misteryosong at kakaibang matanda ang biglang sumulpot sa harapan ni Amira, at pagkatapos niyang tulungan ito ay may inilagay na lamang ito sa kanyang palad. Isang singsing na tila pinaglumaan na ang panahon, hindi alam ni Amira kung ano ang dapat gawin sa naturang singsing kung kaya wala siyang magawa kundi ang tanggapin iyon. Sa hindi niya mabatid na kadahilanan ay tila malakas ang kanyang koneksyon sa singsing at tila hindi ito ang unang beses na kanya itong nakita. Sa paglipas ng araw, naging ordinaryo lamang ang kanyang araw ngunit hindi niya akalain na gigising siya pagkatapos ng mahimbing na pagkakatulog sa hindi pamilyar na mundo at panahon. Ang mas nakaka gulat pa ay isa siyang masamang maharlika at walang iba kundi ang asawa na susunod na magiging rajah. At mukhang numero uno pa siya na kontra bida sa love story ng ginoo. Editing...

View More

Latest chapter

Free Preview

Way back to 1500's

First of all daghang salamat sa pag babasa ng istoryang ito. Sana ay may matutunan kayo at masiyahan. Hindi po ako sure sa ibang impormasyon na inilagay ko. Kasi nga fiction lang naman po ito kaya naman po, sana kung may nakikita kayong pag kakamali o mga impormasyon sa tingin niyo ay hindi naman nangyayari sa taong 1500s ay sana po isipin niyo na lamang na dinagdag ko na lamang iyon at gawa gawa ng aking imahinasyon.At pag may nakita kayong mali, please correct me in the nice way!Nice!Nag susulat po ako ng mabait kaya sana po mag basa pa kayo din ng mabait.Ang akda na ito ay gawa gawa ko lamang. Wala po itong katotohanan, hindi naka saad sa kasaysayan sa pilipinas. This work of fiction was inpired of AMAYA at ang ibang mga impormasyon ay nagagaling dito,Ang mga pangalan, pangyayari, tauhan, lugar at...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
black_velvitrome17
Bat walang nag Rate sa Aklat na to' eh ang ganda kaya! favorite ko basahin ang mga ganitong kwento about sa pag babalik ng kasaysayan. I love your Work Author ...️ keep it up po... Sana maka gawa kapa ng ibang story kapag tapos na to.
2022-04-27 19:30:47
1
36 Chapters
Way back to 1500's
First of all daghang salamat sa pag babasa ng istoryang ito. Sana ay may matutunan kayo at masiyahan. Hindi po ako sure sa ibang impormasyon na inilagay ko. Kasi nga fiction lang naman po ito kaya naman po, sana kung may nakikita kayong pag kakamali o mga impormasyon sa tingin niyo ay hindi naman nangyayari sa taong 1500s ay sana po isipin niyo na lamang na dinagdag ko na lamang iyon at gawa gawa ng aking imahinasyon.At pag may nakita kayong mali, please correct me in the nice way! Nice! Nag susulat po ako ng mabait kaya sana po mag basa pa kayo din ng mabait.Ang akda na ito ay gawa gawa ko lamang. Wala po itong katotohanan, hindi naka saad sa kasaysayan sa pilipinas. This work of fiction was inpired of AMAYA at ang ibang mga impormasyon ay nagagaling dito, Ang mga pangalan, pangyayari, tauhan, lugar at
last updateLast Updated : 2021-12-29
Read more
Kabanata:I Singsing
Naririnig ko ang malakas na sigawan ng arena, naramdaman ko ang sakit sa aking buong katawan habang patuloy na tinatanggap ang suntok at sipa na galing sa aking kalaban. Nang nagkaroon ako ng pagkakataon ay malakas kong sinipa ang tiyan nito kung kaya napa talsik ito papunta sa kabilang dulo ng ring. Tumayo ako ng matuwid at mas ikinuyom ang aking mga kamao ng mahigpit. Hinintay ko siyang maka tayo at atakihin ako muli, pinagmasdan ko ang bawat galaw na kanyang gagawin, binabasa ko ang susunod niyang magiging atake sa akin. Masyado na akong nag tatagal sa loob ng ring, kailangan ko na itong tapusin ayon sa pinag usapang oras. Sinuntok niya ako ngunit na ilagan ko kaagad iyon, pag ilag ko ay kaagad kong hinawakan ang kanyang kamay bago niya pa tuluyan mabawi iyon. Nilagay ko ang aking lakas sa aking buong paa, at buong lakas na binuhat sabay binalibag ang aking kalaban sa sahig at s
last updateLast Updated : 2021-12-29
Read more
Kabanata:II Pagkakautang
May mga utang na kahit anong takbo at pag tago natin ay kailangan pag bayaran, malaki ang utang na loob ko sa taong nag aruga at tumanggap sa akin ng buo. Hindi siya nagkulang sa pag paparamdam sa akin kung ano nga ba ang pagmamahal, kung ano nga ba ang pag papahalaga. Ang mundo kong walang buhay ay binigyan niya ng kulay at binigyan niya ako ng bagong pag asa. Naging sandigan ko siya sa masalimuot 'kong mundo, at hindi ako nagsisisi na makilala ang isang katulad niya. Mahigit apat na taon na ang nakalipas simula nung mawala ang taong iyon, apat na taon na ang lumipas nang makarating sa akin ang masamang balita na tuluyan na siyang inagaw ng mundo sa akin at kahit sa huling pagkakataon ay hindi ko siya makikita pa. Kasabay ng kanyang pagkawala, ay naiwan sa akin ang malaking halaga na kanyang pagkakautang at hanggang ngayon sa kasalukuyan ay aking binag babayaran. May kumatok na la
last updateLast Updated : 2021-12-29
Read more
Kabanata:III Asawa
            Unti unti kong inimulat ang aking mga mata at napa upo galing sa pagkakahiga. Ang sakit ng buong katawan ko, marahil sa pag bagsak ko ito sa bisikleta, tuluyan ko nang minulat ang aking mga mata. Pakiramdam ko galing sa ako mahabang pagtulog, sa tuluyang pagmulat ng aking mata unang bumungad sa akin ay ang kakaibang silid. Napa kurap ako ng ilang beses, hindi ba nasa tulay lang ako kanina? May tumulong ba sa akin upang dalhin ako sa hospital? Klarong klaro sa isipan ko ang huling nangyari sa akin. Hindi ko alam kung nasaan ako, ngunit masasabi 'kong wala ako sa isang ospital dahil gawa sa nipa ang aking nakikitang bubong ng silid at ang kama na hinihigaan ko gawa sa kawayan, sino naman kaya ang mag dadala sa akin rito? Mayroon pa bang ganitong uri ng tahanan sa kasalukuyang panahon? Bakit ganito? Napatingin ako sa paligid ko, purong gawa sa
last updateLast Updated : 2021-12-29
Read more
Kabanata:IV From me to you
"Sabihin mo nga sa akin. Bakit ko naging asawa ang lalaking iyon? "Naka kunot nuong tanong ko, bakit naman kasi nila ako bibigyan ng asawa na tulad ng isang iyon? Mataas ang tingin sa sarili at tila walang paki alam sa iba."Hindi ko po kayo maintindihan, hindi po pa ba batid?" Anas ni Andula,bumalik kami sa loob ng kubo kung saan ako nagising kanina at ngayon ay pabalik balik ako sa aking pag lalakad at pilit na ina analyze ang pangyayari. Talaga bang naanod ako papunta rito? Bakit tila wala na ako sa kasalukuyan? Lahat ng nakikita ko ay pang nakaraan, tulad ng kinatatayuan ko na lang ngayon."Magtatanong ba ako sayo Andula 'kong alam ko?" Napa ngiwi si Andula sa pag susungit ko."Masama pa rin ba ang inyong loob sa inyong nasagap na balita kung kaya nagawa niyong baliwalain ang ginoo
last updateLast Updated : 2021-12-29
Read more
Kabanata:V Kasiyahan
Lumabas na kami ni Andula, suot suot ang napili niyang kasuotan para sa akin. I am wearing a skirt made of silk for my upper body na tinatawag ni Andula na baro at sa pang ibaba na gawa sa makukulay na tela na naka tapis sa aking bewang na tinatawag na sarong o patadyong. Wika ni andula mahalaga ang iyong kasuotan lalo pa sa mga maharlika. Gamit kasi ng kasuotan ay nalalaman mo kung ano ang antas ng isang tao sa kanilang banwa, kung isa ba itong alipin o maharlika. Masaya ako at sinasagot ni Andula lahat ng aking mga katanungan kahit nag tataka ito, at hindi niya maintindihan kung ano ang aking intensyon."Malapit na ba tayo Andula?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sabay tinuro niya ang isang bahay na gawa sa kawayan ang mga dingding at nipa naman ang bobong. Mas malaki ang bahay na iyon kesa sa aking tinutuluyan ko ngayon. Hindi na ako nagtataka dahil isang rajah ang na nakatira
last updateLast Updated : 2021-12-30
Read more
Kabanata:VI Hamon
Kahit anong pag pupumiglas ko ay hindi ko kayang makawala sa kanyang pag kakahawak at sa isang iglap lang ay narating na namin ang silid at padabog niya akong ibinagsak sa kama. Naramdaman ko ang sakit sa aking likod kung kaya napangiwi ako, ano bang problema ng lalaking ito? Umupo ako sa pag kakahiga at masamang tinignan si Makisig, bakit ba iniibig ito ni Arami?"Hindi mo naman ako kailangan ihatid ginoo, kaya ko namang maglakad pauwi at maglakad ng maayos papunta rito sa balay." Sarkasmong saad ko sa kanya. Nakatayo siya sa gilid ng kama at pinag mamasdan ak, napa taas kilay naman ako at ini inda pa rin ang sakit na aking nararamdaman."Anong tinitingin tingin mo dyan?" Maangas na asik ko sa kanya, sabay umirap."Akala koba nag usap na tayo? Na hindi mo ako ilalaglag kila iloy 
last updateLast Updated : 2022-01-05
Read more
Kabanata:VII Tawad
Binantayan ko ang kanyang bawat galaw, nakita ko ang kanyang pag bunot ng sandata. Naka tingin sa akin si Andula na may pag aalala."Bae Arami hindi niyo naman kailangan gawin ito, maayos lamang ang aking kalagayan." Anas niya sa akin, ngunit napa iling iling ako. Kahit ano pa ang kasalanan niya ay hindi siya dapat pag buhatan ng kamay, napa kuyom ako sa aking kamao."Ngunit magaling na mandirigma ang timawa ni Ginoo Makisig." Napa tingin ako kay makisig, kaya naman pala mayabang."Wala ka ng panahon upang umatras bae Arami kung kaya naman ay bibigyan kita ng tyansa, isang kamay lamang ang aking gagamitin." Anas sa akin ng timawa, tinaasan ko siya ng kilay ngunit ano pa ba ang aking magagawa?"Kung gayon tinatanggap ko ang iyong kabut
last updateLast Updated : 2022-01-05
Read more
Kabanata:VIII Hara
Pinilit ko ang sarili ko na matutong maghabi ng tela dahil sa boryong boryo ako, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Dalawang araw ang nakaraan matapos ang hamunan na pangyayari, at dalawang araw na rin hindi ko nakikita si Makisig pero wala naman akong paki alam sa kanya. Sa loob ng dalawang araw ginugol ko ang sarili ko sa paghahanap ng naturang matanda na nagbigay sa akin ng singsing ngunit hindi ko siya makita, malakas ang loob ko na siya ang nag dala sa akin sa taong ito. Ngunit bakit? Sa anong dahilan? Napa buntong hininga na lamang ako, at dumapa sa sahig sabay nag simulang mag push up pampalipas oras."10, 12, 13, 14, 15, 16, 17, 18, 19, 2---""Bae!" Biglang sumulpot sa aking harapan si Andula at sa aking gulat ay napa igting ako at sa isang iglap ay napa subsub ang baba ko sa sahig na gawa sa kawayan.
last updateLast Updated : 2022-01-05
Read more
Kabanata:IX Balay
Pagod kong ibinagsak ang aking katawan sa aking kama sabay dumapa, sa wakas ay tuluyan ng bumaba ang lagnat ng hara kung kaya naman maaari na akong makapag pahinga. Lumabas si Andula upang kumuha ng pagkain, alas singko na ng hapon at ramdam ko ang gutom at pagod sa buong araw na kakatayo. Talagang seryoso ang rajah sa pag pugot sa aking ulo kapag hindi gumaling ang hara, hayst! Wala naman akong magawa dahil ako mismo ang nag presenta sa aking sarili na tulungan ang hara, ayoko ng magka utang na loob sa iba lalo na sa hindi ko kilala. May masama akong karanasan sa utang na iyan, kung kaya naman ay ayoko ng magka utang pa kahit kailan.Lumabas ako sa silid ng hara upang handaan siya ng lugaw kanina at palitan na rin ang tubig at tela na aking ginamit para ipunas sa kanya. Nag kasalubong kami ni Makisig ngunit hindi ko na lamang siya pinansin, at nag patuloy sa pag lalakad. Nabalitaan niya
last updateLast Updated : 2022-01-05
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status