Anim na buwan. Iyon lang ang ibinigay na panahon ng tiyahin ni Elainne para makapag-asawa siya ng isang Imperial -ang pinakamayamang angkan sa Pilipinas. Pumayag siya dahil alam niyang suntok sa buwan na mangyari iyon dahil isa lamang siyang hawak na squatter girl. Kung mabibigo raw kasi siyang makapangasawa ng isang Imperial ay papayagan na siya ng tiyahin na pumasok sa kumbento at magmadre. Ang lahat ay umaayon sa plano ni Elainne not until Lucas Imperial enter the picture. Disaster ang unang pagkikita nila dahil aksidente niyang natapunan ng pintura ang bago at magarang sports car nito. Kahit isangla niya ang buhay niya ay hindi niya mababayaran ang halagang hinihingi nitong kabayaran sa “perwisyong” idinulot niya sa kotse nito. Tinakot pa siya nito na ipapapulis kung hindi niya magagawang bayaran ang kalahating milyong hinihingi nito sa kanya. “Be my wife, then,” kaswal na tanong ng kumag ng aminin niyang hindi niya mababayaran ang halagang hinihingi nito. “Be my wife, your face!” tigas na tanggi niya. Hinding-hindi siya papayag sa alok ng lalaki dahil una, wala siyang balak na maging asawa ng isang hambog, playboy at walang-direksiyong lalaki. Ikalawa, paano na lang ang pangarap niyang madre? Pero hinalikan siya ng kumag sa harapan ng kumbento at ipinagsigawan sa buong universe na asawa siya nito. Ang ending, itinakda ang kasal nila. Desidido si Elainne na gawin ang lahat para mapawalang-bisa ang kasal nila pero mas desidido yata si Lucas na gawin ang lahat para mapaibig siya. Hanggang nangyari ang kinatatakutan ni Elainne, nahulog siya sa lalaki...ng very hard. At kung kailan handa na siyang gampanan ang pagiging ulirang asawa sa lalaki ay saka naman ito naghamon ng hiwalayan...
View MoreGANOON na lamang ang gulat ni Lucas nang biglang bumukas ang pintuan nang silid na iyon. Iyon ay pagkatapos na buksan iyon ng isang staff ng art gallery na hiningian niya ng tulong. Sumabit ang buhon ni Maricar sa strap ng DSLR nito at kinailangan nila ‘yong gupitin. Nasa akto siya na paggupit sa buhok ni Maricar nang biglang bumungad si Elainne sa pintuang iyon. “Elainne? What are you doing here? Do you need something?” magkasunod niyang tanong sa babae.Binalot ng alanganing emosyon at ngiti ang babae. Nakita niyang may nagdaang matinding hiya sa mga mata nito. She looks guilty, too. “Ah, w-wala. I- I’m actually looking for the…t-the…comfort room,”tila hirap na hirap na sabi nito.Napatango-tango siya sa harapan nito. “Ahhh, I see. Well the comfort room is at the end of the hallway,” aniya.Ni hindi nagpasalamat man lang ang babae. Nagkukumahog itong umalis sa lugar na iyon na hindi man lang makatin
“LUCAS, I want you to meet Lovella Salazar. Lovella this is Lucas Imperial,” pagpapakilala ni Elainne kay Lucas sa babaeng kasama nito.Infairness to Elainne, she’s consistent in introducing him such equally beautiful ladies. Sa halos isang linggo, apat na babae na ang naipakilala nito sa kanya. Una sa mga listahan ang most perfect and responsible na si Helga. Kinabukasan ay ipinakilala nito sa kanya si Sarah, an athlete and a member of Philippine Fencing team. Kung tutuusin ay good catch ang babae. Hindi ito mukhang perfect na kagaya ni Helga. She seems smart, too, pero hindi niya rin ito gusto. Masyadong mabait at disiplinado ang babae para sa kanya at ayaw niya nang ganoon. Gusto niya ng isang babae na hindi lang tatango at sasang-ayon sa lahat ng gusto niya. Isang babae na lakas-loob na sasabihin ang mga pagkakamali niya.The next day, he dated Danielle De Lara a promising singer. Pero dahil hindi niya kailangan ng isang celebrity sa buhay niya, h
“ANO pa bang hinihintay n’yo? Bakit hindi pa kayo nagpapakasal?” magkasunod na tanong ni Tiya Amy kay Elainne nang magising siya kinabukasan. Sa tingin niya ay sinadya siyang abangan nito sa paglabas ng kuwarto para itanong ang bagay na iyon.Dumiresto siya sa kanilang kusina at sandaling nagmumog. Ni hindi pa siya naghihilamos o nagsusuklay ay kasal kaagad ang ibinubungad ni Tiya Amy sa kanya. “Tiyang hindi ho ganoon kadali ‘yon. Ang kasal raw ho sabi ng matatanda ay hindi parang kanin na isusubo at iluluwa kung mainit,” sabi niya pagkatapos magmumog. Puyat na puyat siya dahil halos alas dose nan g umaga siya naihatid ni Lucas kagabi. Pagdating sa bahay ay hindi pa siya kaagad nakatulog dahil sa iba’t ibang emosyong naramdaman at sa dami ng alalahaning naisip niya.Hindi niya kasi maunawaan kung bakit tila bumabalimbing si Lucas at parang gusto na nitong magbago ng isip sa pag-ayon sa nauna na nilang mga plano. Kung magpalit n
“WHAT are we going to do now? Hindi na-turn-off si Lola,” tanong ni Elainne kay Lucas nang dalhin siya nito sa veranda ng second floor ng mansion ng mga Imperial. “Sa tingin mo pwede na tayong magproceed sa plan B?” “No,” mabilis na tugon ng lalaki. Nakatayo ito sa kanyang tabi patalikod sa magandang view sa likuran nito. Nakasandal ang likod nito sa baluster at nakahalukipkip ang mga kamay sa tapat dibdib nito habang nakatingin sa kanya. Sa hindi niya malamang dahilan, parang nakaramdam siya ng romantic vibe nang marealize ang kabuuan ng tagpong iyon. Hayun siya, isang squatter girl na napadpad doon sa mansion ng isang bilyunaryong lalaki. Nakatayo sa sila sa veranda sa kalagitnaan ng gabi. Sa kanilang harapan ay ang maliwanag na ilaw ng siyudad. Nakatanglawa sa kanila ang maliwanag na buwan sampu ng milyun-milyong mga tala sa kalangitan. It’s as if they are characters from another cliché-fairy tale story. But fairy tale don’t exist in real life especially i
KUNG NAKAKABULAG lang ang sobrang karangyaan, baka umuwi si Elainne ngayong gabi na walang paningin. Every corner of that mansion spells for power, wealth and extravagance. Pagpasok na pagpasok pa lamang niya pintuan ay bumalaga na sa kanya ang malawak na sala. Puti ang dominanteng kulay sa kabuuan ng bahay. Ang mga muwebles particular na ang baluster na nakapaligid sa ikalawang palapag niyon ay brown ang pintura.Maningning ang ceiling dahil sa dami ng mga ilaw na naroroon. Pakiramdam niya ay nanliliit siya habang minamasdan ang naglalakihan at naggagandahang chandelier na nakasabit sa kisame na may mabusising design. Malalaki ang portraits na nakasabit sa pader. Mayroon ring mga halatang mamahaling paintings na matatanaw doon.Ceramic pots are all around. Hinding-hindi siya didikit sa mga iyon dahil tiyak na kulang pa ang buhay niya bilang kabayaran kung mababasag niya ang mga iyon. Off-white ang kulay ng tiles. Sa gitna ng sala ay may malaking carpet. Bukod sa mga s
HINDI maiwasang makaramdam ng kaba ni Elainne habang lulan siya ng bagong-bago na namang kotse ni Lucas. It was a brand new red Ferrari GTC4Lusso T 3.9 L. Ingat na ingat siyang hawakan ang bawat bahagi niyon sa takot na magasgasan na naman niya iyon. Bigla niya lang naalala ang unang beses na nagkita sila ni Lucas. Who would ever wonder na mula sa pagkakamaling nagawa niya ilang buwan na ang nakakaraan ay magiging ganito sila kalapit ng lalaki. Parang kailan lang ay halos isuka niya ito dahil sa hindi magandang impresyon na una niyang nabuo tungkol sa lalaki. Ngayon ay heto sila at maituturing na matalik na kaibigan ang isa’t isa. Truly that first impression doesn’t lasts. And she was really glad that she was able to finally see the real Lucas Imperial –isang bagay na alam niyang hindi nito madaling ipinapakita sa ibang tao. “Sealtbelt,” sabi ng lalaki sa kanya. Nakaupo ito sa harap ng driver’s seat sa mismon
“WHY did you do that?” kaagad na tanong ni Lucas kay Elainne pag-alis na pag-alis ni Mamita. Halatang hindi makapaniwala ang lalaki sa kanyang ginawa. Siya rin, hanggang ngayon ay tinatanong ang sarili kung bakit siya nagpadalos-dalos sa kanyang desisyon. Masyado siyang nadala sa nakikitang lungkot sa mga mata ni Lucas kanina kaya ginusto niyang isalba ito. Pagkatapos na marinig ang mga pinagdaanan nito at malaman kung gaano kamiserable ang lalaki sa mga nakaraang taon ay malaking bahagi ng sarili niya ang nagsabing iyon na ang pagkakataon niya para ibalik ang pabor na ginawa nito sa kanya kahit na hindi naman talaga ito nanghihingi nang ano man kapalit sa ginawa nitong pagtulong sa kanya. “H-honestly, hindi ko rin alam. Siguro ay dahil sa katotohanang kailangan mo ako,” tugon niya. Masusi niyang iniisip kung paanong malulusutan ang sinuong na problemang iyon. Paano ba niya matutu
“Kailangan mo pang kumain para lumakas ka,” sabi ni Elainne kay Lucas nang tumanggi na itong isubo ang kutsara ng pagkain na isinusubo niya rito. Halos isang linggo na itong nasa hospital at nagpapagaling. Ganoon na rin kahaba ang panahong boluntaryo niya itong inaalagaan. Aminado si Elainne na nang dahil sa pagkakahospital ni Lucas ay tila pansamantalang tumigil ang buhay niya. Hindi na siya nakakapag-volunteer sa Baranggay Maginhawa at halos sa hospital na siya nakatira. Sa katunayan ay halos hindi na nga niya nakakasama ang mga tiyahin niya dahil umuuwi lang siya para maligo at pagkatapos ay bumabalik na rin kaagad sa hospital. Ganoonpaman, hindi siya nagrereklamo dahil gusto rin naman niya ang ginagawa niya. Gusto niyang ibalik kay Lucas ang kabutihang ginawa nito para sa kanya.Kung hindi dahil sa lalaki ay malamang na nakalibing na siya ngayon. Utang niya sa lalaki ang kaligtasan at ang buhay niya kaya tama lang na alagaan niya ito. It was the least thing that she c
SINO ba naman ang hindi mamamangha sa isang kagaya ni Elainne? Hayun ang babae at walang pag-aalinlangang nakikipagsayawan sa mga pulubing ngayon lang nito nakausap at nakilala. Walang kapaki-pakialam ang dalaga kung may mga nagdaraan man sa lugar na iyon na natatawa dahil sa ginagawa nito. Napansin niyang marami ang kumukha ng video sa babae na halatang natutuwa rin dito. She was a beautiful scene to watch for. Tinatangay ng hangin ang buhok nito habang matamis ang ngiting nakikiindak sa mga bata. Buhay na buhay ang aura ng babae na hindi alintana kung mapagkamalan mang baliw at may sayad. While looking at her, Lucas can’t help himself but smile.Bahagya siyang natigilan nang maisip na para siyang baliw na ngumingiting mag-isa. Kanina lang ay naiinis siya sa babae dahil sa masasakit na paratang nito sa kanya pero ngayon, dahil lang sa nakikita niyang masayang ngiti nito ay para bang handa na siyang patawarin ito. It’s really funny how she managed to make him feel
MALAYO pa lang sa kanilang bahay ay naririnig na ni Elainne ang boses ni Tiya Amy. Tinalo pa ni Tiya Amy si Gloc9 sa bilis ng pagsasalita nito. Kahit yata si Francis M. na tinaguriang master rapper ng Pilipinas ay walang sinabi sa kanyang tiyahin. As usual, nagdidiwara na naman si Tiya Amy. Hindi kailangang maging matalino ni Elainne para kumpirmahin ang bagay na iyon. Sa araw-araw na lang kasing ginawa ng Diyos ay wala yatang sandali na hindi nagbunganga ang tiyahin niya. Palibhasa ay matandang dalaga kaya palaging mainit ang ulo. “Tiyang, kagagaling ko lang ho sa simbahan. Nabasbasan na ho ako ni padre kaya huwag n’yo na akong misahan,” pagpasaok sa pintuan ng kanilang bahay ay kaagad niyang sabi. Isa lang naman kasi ang dahilan ng regular na pagdidiwara ni Tiyang Amy –pera. At sa kasamaang palad, siya ang palaging napagbubuntunan ng galit nito tuwing walang pera dahil wala siya...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments