ELEVEN hours have passed but it seems that Elainne was still floating in the air. Sakay siya ng mga tanong na hindi mahanapan ng kasagutan. Tinatangay siya ng kaguluhang hindi alam kung paano nagsimula at kung paanong matatakasan.
Nagring ang cellphone niya dahilan para matauhan siya. Hindi siya nakatulog ng nagdaang gabi kahit pa sabihing napakaganda ng condo unit na kinaroroonan niya. Para makarating doon ay naalala niyang kinailangan pa silang sunduin ng isang private helicopter. Sa helipad sa itaas ng building na iyon sila lumapag at dito nga humantong sa condo unit kung nasaan siya ngayon. Sinagot niya ang tawag niya tiyahin niya.
“Elainne! Bongga ka. Masyado mo namang ginalingan anak,” ang nagdidiwang na tinig ni Tiya Amy ang bumungad sa kanya. Higit sa malamang ay may pa-fiesta ngayon sa barangay nila. Mula pa kasi kagabi ay sila na lang ni Lucas Imperial ang laman ng mga balita sa T.V. Parang panaginip pa rin ang lahat. Kung hindi lang niya nararamdaman ang lamig na ibinubuga ng aircon sa kabuuan ng unit na iyon ay iisipin niyang hindi totoo ang lahat ng iyon. What’s happening to her life right now is a proof that miracle can really happen. Iyon ay kung miracle ngang matatawag ang sumpang kinasasadlakan niya ngayon.
“Tiyang, sunduin n’yo na ho ako rito. Isang-isang oras na lang po at isang balita pa sa t.v. at siguradong sa mental hospital ako pupulutin,” tulala pa ring sabi niya sa tiyahin. Masyadong marangya ang lugar na iyon para sa kanya. Nahihilo siya sa amoy ng aircon. Nalulula siya sa televisiong naroon na halos sinakop na ang isang pader. Napakalambot ng kama, nilalamon siya niyon tuwing tatangkain niyang mahiga. Nasisilaw siya sa mga ilaw na naroon. Hindi iyon ang lugar niya sa mundo. Alam niyang hindi siya nababagay sa lugar na iyon dahil sa isang hamak na kumbento sa labas ng unit na iyon ang lugar na itinakda sa kanya ng Diyos.
“What is you talking about, Elainne? You rich now, very, very much,” kastig ng Tiyahin niyang bakas na bakas sa tinig ang kasiyahan. “Nagsasanay na akong mag-english para naman kapag nagkita kami ng mga Imperial ay hindi ako pulutin sa kangkungan.”
Basta na lamang niyang pinutol ang tawag na iyon. Mukhang hindi si Tiya Amy ang tamang tao na makakatulong sa kanya. Sinubukan niyang tawagan ang kaibigang si Elle pero hindi rin ito sumasagot. Mukhang wala na siyang ibang taong malalapitang kung hindi ang lalaking dahilan kung bakit siya naroon ngayon.
As if on cue, pumasok sa silid na iyon ang huling taong gugustuhin niyang makita sa tanang buhay niya. Kakatwa lang din na alam na alam niyang ayaw niya itong makita pero hindi naman niya maiwasang mamangha ngayong nasa harapan na niya ito. “Mag-oorder ako ng breakfast, ano’ng gusto mo?” cool na cool na tanong ni Lucas.
Inirapan niya ang lalaki, para lamang mapatili sa kabiglaan ng marealize kung ano ang suot nito. He’s only wearing a boxer! Isang itim at hamak na boxer. “Ano ba? Magbihis ka nga!”singhal niya sa lalaki.
Napuno ang silid na iyon ng tunog ng tawa nito sa isnag iglap. Mukhang pati ang pandinig niya ay umaanib na sa pag-aaklas katulad ng kanyang mga mata. Dahil sa kabila ng nararamdamang inis, sa pandinig niya ay parang musika ang tunog ng tawa nito.
“Anong nakakatawa?” tanong niya rito. Hinarap niya ang lalaki at tinapunan ng matalim na tingin.
“Relax, ako lang ‘to,” preskong sabi nito.
At ang walang pakikisamang mata ni Elainne bigla na lang naglakbay sa katawang nakahain sa kanyang harapan. Magiging unfair siya kung sasabihin niyang pangit ang katawan ng damuhong lalaki. Dahil ang bawat muscles nito ay nasa tamang puwesto. Hindi nakakaasiwang tingnan ang biceps at triceps nito. His chest was obviously strong. Umaga na nga yatang talaga dahil hayun at available na ang mga pandesal na nagpapanggap na abs sa sikmura nito. And his…his…
Juicecolored! Patawarin po ang kuwebang papasukin ng nagmamalaking alaga nitong ‘yon. Kaya naman pala napakataas ng confidence level ng kumag ay dahil may ipagmamalaki talaga!
“I-oorder pa ba kita ng almusal o busog ka na?” may nang-iinis na ngiti sa mga labing tanong nito sa kanya. Halatang tinutukso siya ng kumag at ipinagkakanulo siya ng kanyang mga pisngi. Ramdam na ramdam niya kasi ang pag-iinit ng mga iyon. He was the very first naked man she have ever seen at hindi niya alam kung ituturing niyang biyaya iyon.
“Paano mong nagagawang magbiro pa ng ganyan? Ni hindi ako nakatulog magdamag. Hindi ako dinalaw ng antok kaya puwede ba, iwanan mo ako at bigyan ng katahimikan,” singhal niya sa lalaki.
Nang kindatan siya nito ay tumalon ang puso niya at dahil doon ay hindi siya nakapagpigil at binato niya ito ng unan. Naiwan siyang lihim na kinakastigo ang kanyang sarili.
THAT girl inside Lucas’ room was wrong thinking that he had a good sleep last night. Dahil ni isang minuto ay hindi rin siya nakatulog. It was the very first time that he took a girl on his unit. Kahit kailan ay hindi siya pumayag na may isang babae ang makapasok sa unit niya…sa bahay niya. Ayaw niyang maramdaman ang pakiramdam na may isang babae ang mabubungaran niyang nakahiga o nakaupo sa ibabaw ng kama niya. Pero hindi niya inakala na ang bagay na iyon ay talaga naman palang bubuo ng araw niya.
Natigilan si Lucas. Nababaliw na yata siyang talaga. Bakit ba kung ano-ano ang naiisip niya? Kagabi lang ay hindi siya pinatahimik ng sariling isip. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang gunita ang h***k na pinagsaluhan nila ni Elainne. Isa pa ang bagay na iyon, bakit ba napakadali para sa kanya na alalahanin at tandaan ang pangalan nito? Like it was suddenly engraved in his memory.
Magdamag niyang inalala kung gaano kalambot ang mga labi nito. Sa daan-daang babaeng n*******n niya ay hindi niya matutukoy kung sino ang pinakamagaling pagdating sa bagay na iyon. Pero hindi niya kailangang mag-isip para alamin kung sino ang nagmamay-ari ng pinakamatamis na labing n*******n niya sa tanang buhay niya dahil kagabi lang niya natikman iyon. Kahit anong biling at pagtatakip ng unan ang gawin niya kagabi, the memories of that girl’s lips linger on his mind. Ito ang kauna-unahang babaeng nagparamdam sa kanya ng ganoon. Na para bang ang h***k na pinagsaluhan nila ay isang bagay na hinding-hindi na niya makakalimutan pa.
For the first time in his life, someone make him feel different. Kung ang halos lahat ng babaeng naikama niya ay gagawin ang lahat para lang manatili siya sa tabi nito pagsapit ng umaga, si Elainne ay irap ang ibinungad sa kanya. Women used to talk to him with flowery words. They are willing to make him flatter. Pero ang babang nasa kuwarto niya ngayon? Parang walang pakialam kung ikatutuwa niya ang mga salitang bibitiwan nito. Ni hindi ito nagpacute man lang sa kanya. Hindi nagpakita ng pagkaaliw dahil lang magkasama sila. Lahat ng iyon ay sapat nang dahilan para maramdaman niyang tao siya. That more than being an Imperial, he’s still a human. Isang tao na hindi ligtas sa kung ano man ang mga katotohanang ibinibigay ng mundo.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang makarinig siya ng katok mula sa pintuan ng kanyang unit. Sinilip niya sa built-in monitor na konektado sa built-in camera sa labas ng pintuan iyon kung sino ang nasa labas. It was no other than Mamita.
Nagmamadaling inapuhap niya ang mga damit niya at isinuot iyon. Pagkatapos ay tumakbo siya papasok sa kanyang kuwarto kung saan naroon si Elainne. “My grandmother is here, okay? I want you to be the best that you can.”
“At kung hindi ko gawin?” balewalang tanong nito.
“Maghanap ka na ng isang milyong piso at ideposito sa bank account ko,” relaxed na sabi niya.
Biglang bumalikwas ng bangon ang babae. Kamuntik na siyang matawa kung hindi lang niya napigilan ang sarili niya. Wala lang kasi talaga itong pakialam ano man ang maging hitsura nito. Napakanatural lang na babae nitong kasama niya. And in his world that is full of pretentious women, this girl was really a breath of fresh air.
“Nasaan ba ‘yang si Lola? I’m so excited to meet her!” eksaheradang sabi nito at hindi niya napigilan ang pagtakas ng malawak na ngiti sa kanyang mga labi dahil sa sinabi at inakto nitong ‘yon.
Iniwanan niya si Elainne at pinagbuksan si Mamita. “Where’s the girl?” bungad nito sa kanya nang pagbuksan niya ito ng pinto. Nilampasan siya nito at nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa unit niya.
“Good morning, Lola!” masiglang bati ng babae kay Mamita.
Napapikit nang mariin si Lucas kasabay ng mariing pagkagat sa kanyang labi. Kung may isang bagay man na hindi gugustuhing marinig ni Mamita, ‘yon ay ang tawagin itong ‘Lola’. “So she’s real,” nakalabing kumento nito. Halatang nawala sa mood ang matanda.
“Ahh, Mamita, I want you to meet my fiancée, Elainne,” to the rescue si Lucas. Mabilis siyang lumapit at inakbayan si Elainne. Pinisil niya ang balikat ng babae bilang babala. “Elainne, sweetheart, this is Mamita,” ipinagdiinan pa niya ang huling salitang sinabi para magkaroon ng ideya si Elainne.
“So, tell me about yourself, ija,” si Mamita na halatang hindi paiisa.Tumingin ito sa kanya at ewan ba niya kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba nang mga sandaling iyon. “Let me talk to her, alone,” sabi nito.
Napalunok siya. Hindi yata at hindi pa man nagsisimula ang planong nasa isip niya para mapaniwala si Mamita na totoong fiancée niya si Elainne ay mabubuking na siya.
“No, Mamita. I want to stay,” sabi niya, umaasang makakalusot sa abuela. “She’s a shy type of girl kaya baka hindi siya makapagsalita kapag iniwa…”
“Lola, I’m Elainne Manalo and believe me, hindi po ako sanay matalo…”
Pakiramdam ni Lucas ay aatakihin siya ano mang sandali. Kapag hindi umayos si Elainne, malamang na pareho silang ibitin ng patiwarik ng abuela. Iyon na yata ang katapusan ng pagiging Imperial niya.
“I am a nurse by profession but unfortunately I don’t feel like pursuing that job because I realized that I have so much more to offer. I spend my life looking for my purpose and luckily, I was able to realize that what I want to do is to serve the humanity. My ultimate goal is not just about helping people as a nurse. I want to be in service for those people who are losing their hope and for those who are thinking that they are not good enough for their dreams.”
Pareho silang napatingin ni Mamita sa babae. Manghang-mangha sila sa mga sinabi nito. Ito ang unang pagkakataon na nagharap siya ng babae kay Mamita at sa tingin niya ay nabigyan naman ni Elainne ng justice ang bagay na iyon. She’s very fluent at talagang puno ng substance. Malayong-malayo ito sa mga babaeng nakilala niya na puro pagpapaganda ang alam.
“Charot lang, Lola!” biglang kastig nito with matching tapik pa sa hangin.
“Charot? What is that mean?” biglang naguluhan si Mamita.
Siya naman ay hindi alam kung maiihi sa harapan ng matanda. Kung kailang paniwalang-paniwala na siya sa babae ay saka naman ito babanat ng ganoon. Nakikilala ba nito ang babaeng kaharap nito ngayon? Si Mamita lang naman ang tinaguriang richest woman in Asia. Tinitingala ito sa buong bansa. Lahat ng negosyante ay handang gawin ang lahat para lang makuha ang approval nito pagkatapos ay chacharotin lang ni Elainne?
“Joke lang, Lola,” confident pa ang tinamaan ng magaling. Mukhang nagkamali siya ng pagkakakilala sa babaeng ito. Ano’t ito pa yata ang sisira sa mga plano niya.
“Ang totoo po, graduate ako ng nursing. Hindi ako nagtrabo kahit pa nakapasa na ako sa board exam dahil gusto ko pong maging madre.”
Naloko na! butil-butil na ang pawis sa noo ni Lucas. Kung hindi pa mananahimik ang babaeng ito, malamang na mamaya lang ay sa lansangan na siya pulutin.
“I was only nine years old when my father left us. Noon po nagpasyang mag-abroad ang nanay ko para magtrabaho bilang domestic helper sa Hongkong. Doon na rin siya nakapag-asawa ng bago at nakabuo ng pamilya. Naiwan po akong mag-isa kasama ng mga tiyahin ko na pare-pareho pong matatandang dalaga. Wala po sa bukabolaryo ko ang mag-asawa, Lola dahil nakita ko kung paanong nasaktan at paulit-ulit na nadurog ang puso ng mga tiyahin ko dahil sa mga lalaki,” sandali itong tumigil sa pagsasalita para siguro humugot ng lakas ng loob para magpatuloy.
“At a very young age, I realized that no woman deserves to get hurt. Hindi po kailangang masaktan ang isang babae dahil lang nagmamahal siya. Dahil lang gusto niyang ibigay lahat. We all deserve to be loved. We are all entitled of having a dream, and we need someone who could help us turn those dreams into reality. At gusto ko pong maging ako ang taong ‘yon para sa mga kabataang ang pakiramdam ay tinalikuran na sila ng mundo. Ayaw ko pong may isang batang katulad ko ang umamot ng atenisyon mula sa iba. Kaya,” tumigil ulit sa pagsasalita si Elainne at pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Mamita. “Kaya pasensiya na po kung hindi ko mapapakasalan ang apo n’yo, Lola,” iyon lang at mabilis na itong tumayo at nagmarcha palabas ng unit niya. Naiwan siyang nakatulala lang sa harapan ng abuela.
Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa sinabi ni Elainne at napatulala siya nang ganoon. Posible bang maging ganoon ang epekto ng pambabasted at pagtanggi sa kanya ng isang babae? Never pa kasi niyang naranasan na tanggihan, ngayon pa lang.
“What do you think are you doing?” untag sa kanya ni Mamita.
“Mamita?” he asked.
“Follow the girl and do what it takes to convince her to marry you,” utos ni Mamita.
“Yes, Mamita,” mabilis na tugon niya bago sinundan ang babaeng unang-una sa listahan ng mga babaeng umayaw sa kanya.
INAASAHAN na ni Elainne na maraming reporters ang naghihintay sa kanya sa labas ng building kung saan matatagpuan ang condo unit ni Lucas. Nang dahil sa napaka-estupidong pag-aannounce ni Lucas na fiancée siya nito ay naging instant celebrity siya. Patunay ng bagay na iyon ang kabi-kabilang balita tungkol sa kanya. Ang hindi niya inaasahan ay ang makikitang tagpo ngayon sa loob ng hotel, nagkakagulo ang mga reporters pero hindi makaporma ang mga ito sa dami ng mga bodyguards na pumipigil sa mga ito. Paglabas na paglabas niya sa kabubukas na elevator ay kaagad na may mga lumapit sa kanyang lalaki. Pinaligiran siya ng mga ito. Ang lahat ay nakasuot ng itim na suits, black pants at leather shoes. May hawak rin na two-way radio ang mga ito. Bigla siyang nilamon ng pagkamangha. Bakit ba kung makabuntot ang mga ito sa kanya ay parang doon nakasalalay ang buhay ng mga ito? “Good morning, Miss Manalo,&rdq
NAGISING si Elainne dahil sa kaguluhang nagaganap sa paligid. Kung kailan kailangang-kailangan niya ng pahinga ay saka naman yata bumisita si Mayor sa barangay nila. Nagkakagulo lang naman kasi ng ganoon sa Baranggay Maginhawa kapag magpapamigay ng ayuda si Mayor. Kaagad siyang bumaba mula sa kanyang higaan at lumabas ng bahay. Kailangan niyang makipag-agawan sa ayuda bago pa siya maubusan.Pero sa halip na ang mga pamilyar na bodyguards ni mayor ang bumungad sa kanya ay ang mga nakaunipormeng alalay ng mga Imperial ang nakita niya nang lumabas siya ng bahay. Kaagad niyang nasiguro ang bagay na iyon dahil nakita niya si Emmanuelle na abala sa pamumudmod ng groceries sa kanilang kapit-bahay. “Anong kaguluhan ito?” tanong niya kay Aling Marites na president ng mga tsismosa sa kanilang barangay.“Ano ka ba? Hindi mo pa ba nakikita ang fiancée mo? Siya ang may dala ng mga ‘yan. Bukod sa mga grocery bags ay may kasama pa siyang mga doctor para
“KUMUSTA ang panliligaw?”Iyon ang ibinungad ni Trevor kay Lucas nang pumasok siya sa regular spot nila sa loob ng The Billionaire Hub para sa kanilang usual Saturday hang out. Nakaugalian na nilang magpipinsan na magkita-kita tuwing sabado sa nasabing lugar para pag-usapan ang mga bagay-bagay. Sa ganoong pagkakataon nila pinag-uusapan ang tungkol sa kani-kanilang mga negosyo, lovelife, problema sa pag-ibig at kung ano-ano pa. People around them considered and treat them differently, pero ang hindi alam ng mga tao ay normal lang din sila. They tend to get their hearbroken. Minsan nga ay mas malala pa ang problema nila kaisa sa pangkaraniwang tao dala ng pagkalugi ng negosyo o mahigpit na kompetisyon sa business world. They have their personal issues, too such as family problems, lovelife and career. Masasabi lang na mas maginhawa ang kanilang buhay bilang Imperial pero hindi sila excempted sa problema.“It’s harder than I expected,” sabi n
TALAGA namang ginagalingan ni Lucas ang pagpapa-impress kay Elainne. Kahapon lang ay nagpunta ito sa kanila para kumpunihin ang gripo nila na sa bandang huli ay siya rin naman ang gumawa. Ngayon naman ay maaga siyang sinundo ng lalaki para sa kanilang first-ever date. Kung si Elainne ang tatanungin ay hinding-hindi siya sasama kay Lucas pero nakialam na naman si Tiya Amy. Ito ang nakipag-usap kay Lucas. Nang kausapin siya ng tiyahin tungkol sa date na iyon ay todo drama ito. Di umano ay kailangan niyang sumama sa lalaki dahil mag-iikot raw sila sa buong Maynila para magpamigay ng munting handog sa mga out of school youth. Palibhasa ay alam na alam ng tiyahin niya na hindi siya tatanggi sa ganoong gimmick kaya malakas ang loob nito na kumbinsihin siyang sumama kay Lucas.“Ano na namang drama ito, Imperial?” tanong niya sa lalaki pagdating na pagdating nito sa kanilang lugar. He’s wearing a blue denim pants and a simple shirt again. Pero ang kaguwapuhan ni Luc
SINO ba naman ang hindi mamamangha sa isang kagaya ni Elainne? Hayun ang babae at walang pag-aalinlangang nakikipagsayawan sa mga pulubing ngayon lang nito nakausap at nakilala. Walang kapaki-pakialam ang dalaga kung may mga nagdaraan man sa lugar na iyon na natatawa dahil sa ginagawa nito. Napansin niyang marami ang kumukha ng video sa babae na halatang natutuwa rin dito. She was a beautiful scene to watch for. Tinatangay ng hangin ang buhok nito habang matamis ang ngiting nakikiindak sa mga bata. Buhay na buhay ang aura ng babae na hindi alintana kung mapagkamalan mang baliw at may sayad. While looking at her, Lucas can’t help himself but smile.Bahagya siyang natigilan nang maisip na para siyang baliw na ngumingiting mag-isa. Kanina lang ay naiinis siya sa babae dahil sa masasakit na paratang nito sa kanya pero ngayon, dahil lang sa nakikita niyang masayang ngiti nito ay para bang handa na siyang patawarin ito. It’s really funny how she managed to make him feel
“Kailangan mo pang kumain para lumakas ka,” sabi ni Elainne kay Lucas nang tumanggi na itong isubo ang kutsara ng pagkain na isinusubo niya rito. Halos isang linggo na itong nasa hospital at nagpapagaling. Ganoon na rin kahaba ang panahong boluntaryo niya itong inaalagaan. Aminado si Elainne na nang dahil sa pagkakahospital ni Lucas ay tila pansamantalang tumigil ang buhay niya. Hindi na siya nakakapag-volunteer sa Baranggay Maginhawa at halos sa hospital na siya nakatira. Sa katunayan ay halos hindi na nga niya nakakasama ang mga tiyahin niya dahil umuuwi lang siya para maligo at pagkatapos ay bumabalik na rin kaagad sa hospital. Ganoonpaman, hindi siya nagrereklamo dahil gusto rin naman niya ang ginagawa niya. Gusto niyang ibalik kay Lucas ang kabutihang ginawa nito para sa kanya.Kung hindi dahil sa lalaki ay malamang na nakalibing na siya ngayon. Utang niya sa lalaki ang kaligtasan at ang buhay niya kaya tama lang na alagaan niya ito. It was the least thing that she c
“WHY did you do that?” kaagad na tanong ni Lucas kay Elainne pag-alis na pag-alis ni Mamita. Halatang hindi makapaniwala ang lalaki sa kanyang ginawa. Siya rin, hanggang ngayon ay tinatanong ang sarili kung bakit siya nagpadalos-dalos sa kanyang desisyon. Masyado siyang nadala sa nakikitang lungkot sa mga mata ni Lucas kanina kaya ginusto niyang isalba ito. Pagkatapos na marinig ang mga pinagdaanan nito at malaman kung gaano kamiserable ang lalaki sa mga nakaraang taon ay malaking bahagi ng sarili niya ang nagsabing iyon na ang pagkakataon niya para ibalik ang pabor na ginawa nito sa kanya kahit na hindi naman talaga ito nanghihingi nang ano man kapalit sa ginawa nitong pagtulong sa kanya. “H-honestly, hindi ko rin alam. Siguro ay dahil sa katotohanang kailangan mo ako,” tugon niya. Masusi niyang iniisip kung paanong malulusutan ang sinuong na problemang iyon. Paano ba niya matutu
HINDI maiwasang makaramdam ng kaba ni Elainne habang lulan siya ng bagong-bago na namang kotse ni Lucas. It was a brand new red Ferrari GTC4Lusso T 3.9 L. Ingat na ingat siyang hawakan ang bawat bahagi niyon sa takot na magasgasan na naman niya iyon. Bigla niya lang naalala ang unang beses na nagkita sila ni Lucas. Who would ever wonder na mula sa pagkakamaling nagawa niya ilang buwan na ang nakakaraan ay magiging ganito sila kalapit ng lalaki. Parang kailan lang ay halos isuka niya ito dahil sa hindi magandang impresyon na una niyang nabuo tungkol sa lalaki. Ngayon ay heto sila at maituturing na matalik na kaibigan ang isa’t isa. Truly that first impression doesn’t lasts. And she was really glad that she was able to finally see the real Lucas Imperial –isang bagay na alam niyang hindi nito madaling ipinapakita sa ibang tao. “Sealtbelt,” sabi ng lalaki sa kanya. Nakaupo ito sa harap ng driver’s seat sa mismon
GANOON na lamang ang gulat ni Lucas nang biglang bumukas ang pintuan nang silid na iyon. Iyon ay pagkatapos na buksan iyon ng isang staff ng art gallery na hiningian niya ng tulong. Sumabit ang buhon ni Maricar sa strap ng DSLR nito at kinailangan nila ‘yong gupitin. Nasa akto siya na paggupit sa buhok ni Maricar nang biglang bumungad si Elainne sa pintuang iyon. “Elainne? What are you doing here? Do you need something?” magkasunod niyang tanong sa babae.Binalot ng alanganing emosyon at ngiti ang babae. Nakita niyang may nagdaang matinding hiya sa mga mata nito. She looks guilty, too. “Ah, w-wala. I- I’m actually looking for the…t-the…comfort room,”tila hirap na hirap na sabi nito.Napatango-tango siya sa harapan nito. “Ahhh, I see. Well the comfort room is at the end of the hallway,” aniya.Ni hindi nagpasalamat man lang ang babae. Nagkukumahog itong umalis sa lugar na iyon na hindi man lang makatin
“LUCAS, I want you to meet Lovella Salazar. Lovella this is Lucas Imperial,” pagpapakilala ni Elainne kay Lucas sa babaeng kasama nito.Infairness to Elainne, she’s consistent in introducing him such equally beautiful ladies. Sa halos isang linggo, apat na babae na ang naipakilala nito sa kanya. Una sa mga listahan ang most perfect and responsible na si Helga. Kinabukasan ay ipinakilala nito sa kanya si Sarah, an athlete and a member of Philippine Fencing team. Kung tutuusin ay good catch ang babae. Hindi ito mukhang perfect na kagaya ni Helga. She seems smart, too, pero hindi niya rin ito gusto. Masyadong mabait at disiplinado ang babae para sa kanya at ayaw niya nang ganoon. Gusto niya ng isang babae na hindi lang tatango at sasang-ayon sa lahat ng gusto niya. Isang babae na lakas-loob na sasabihin ang mga pagkakamali niya.The next day, he dated Danielle De Lara a promising singer. Pero dahil hindi niya kailangan ng isang celebrity sa buhay niya, h
“ANO pa bang hinihintay n’yo? Bakit hindi pa kayo nagpapakasal?” magkasunod na tanong ni Tiya Amy kay Elainne nang magising siya kinabukasan. Sa tingin niya ay sinadya siyang abangan nito sa paglabas ng kuwarto para itanong ang bagay na iyon.Dumiresto siya sa kanilang kusina at sandaling nagmumog. Ni hindi pa siya naghihilamos o nagsusuklay ay kasal kaagad ang ibinubungad ni Tiya Amy sa kanya. “Tiyang hindi ho ganoon kadali ‘yon. Ang kasal raw ho sabi ng matatanda ay hindi parang kanin na isusubo at iluluwa kung mainit,” sabi niya pagkatapos magmumog. Puyat na puyat siya dahil halos alas dose nan g umaga siya naihatid ni Lucas kagabi. Pagdating sa bahay ay hindi pa siya kaagad nakatulog dahil sa iba’t ibang emosyong naramdaman at sa dami ng alalahaning naisip niya.Hindi niya kasi maunawaan kung bakit tila bumabalimbing si Lucas at parang gusto na nitong magbago ng isip sa pag-ayon sa nauna na nilang mga plano. Kung magpalit n
“WHAT are we going to do now? Hindi na-turn-off si Lola,” tanong ni Elainne kay Lucas nang dalhin siya nito sa veranda ng second floor ng mansion ng mga Imperial. “Sa tingin mo pwede na tayong magproceed sa plan B?” “No,” mabilis na tugon ng lalaki. Nakatayo ito sa kanyang tabi patalikod sa magandang view sa likuran nito. Nakasandal ang likod nito sa baluster at nakahalukipkip ang mga kamay sa tapat dibdib nito habang nakatingin sa kanya. Sa hindi niya malamang dahilan, parang nakaramdam siya ng romantic vibe nang marealize ang kabuuan ng tagpong iyon. Hayun siya, isang squatter girl na napadpad doon sa mansion ng isang bilyunaryong lalaki. Nakatayo sa sila sa veranda sa kalagitnaan ng gabi. Sa kanilang harapan ay ang maliwanag na ilaw ng siyudad. Nakatanglawa sa kanila ang maliwanag na buwan sampu ng milyun-milyong mga tala sa kalangitan. It’s as if they are characters from another cliché-fairy tale story. But fairy tale don’t exist in real life especially i
KUNG NAKAKABULAG lang ang sobrang karangyaan, baka umuwi si Elainne ngayong gabi na walang paningin. Every corner of that mansion spells for power, wealth and extravagance. Pagpasok na pagpasok pa lamang niya pintuan ay bumalaga na sa kanya ang malawak na sala. Puti ang dominanteng kulay sa kabuuan ng bahay. Ang mga muwebles particular na ang baluster na nakapaligid sa ikalawang palapag niyon ay brown ang pintura.Maningning ang ceiling dahil sa dami ng mga ilaw na naroroon. Pakiramdam niya ay nanliliit siya habang minamasdan ang naglalakihan at naggagandahang chandelier na nakasabit sa kisame na may mabusising design. Malalaki ang portraits na nakasabit sa pader. Mayroon ring mga halatang mamahaling paintings na matatanaw doon.Ceramic pots are all around. Hinding-hindi siya didikit sa mga iyon dahil tiyak na kulang pa ang buhay niya bilang kabayaran kung mababasag niya ang mga iyon. Off-white ang kulay ng tiles. Sa gitna ng sala ay may malaking carpet. Bukod sa mga s
HINDI maiwasang makaramdam ng kaba ni Elainne habang lulan siya ng bagong-bago na namang kotse ni Lucas. It was a brand new red Ferrari GTC4Lusso T 3.9 L. Ingat na ingat siyang hawakan ang bawat bahagi niyon sa takot na magasgasan na naman niya iyon. Bigla niya lang naalala ang unang beses na nagkita sila ni Lucas. Who would ever wonder na mula sa pagkakamaling nagawa niya ilang buwan na ang nakakaraan ay magiging ganito sila kalapit ng lalaki. Parang kailan lang ay halos isuka niya ito dahil sa hindi magandang impresyon na una niyang nabuo tungkol sa lalaki. Ngayon ay heto sila at maituturing na matalik na kaibigan ang isa’t isa. Truly that first impression doesn’t lasts. And she was really glad that she was able to finally see the real Lucas Imperial –isang bagay na alam niyang hindi nito madaling ipinapakita sa ibang tao. “Sealtbelt,” sabi ng lalaki sa kanya. Nakaupo ito sa harap ng driver’s seat sa mismon
“WHY did you do that?” kaagad na tanong ni Lucas kay Elainne pag-alis na pag-alis ni Mamita. Halatang hindi makapaniwala ang lalaki sa kanyang ginawa. Siya rin, hanggang ngayon ay tinatanong ang sarili kung bakit siya nagpadalos-dalos sa kanyang desisyon. Masyado siyang nadala sa nakikitang lungkot sa mga mata ni Lucas kanina kaya ginusto niyang isalba ito. Pagkatapos na marinig ang mga pinagdaanan nito at malaman kung gaano kamiserable ang lalaki sa mga nakaraang taon ay malaking bahagi ng sarili niya ang nagsabing iyon na ang pagkakataon niya para ibalik ang pabor na ginawa nito sa kanya kahit na hindi naman talaga ito nanghihingi nang ano man kapalit sa ginawa nitong pagtulong sa kanya. “H-honestly, hindi ko rin alam. Siguro ay dahil sa katotohanang kailangan mo ako,” tugon niya. Masusi niyang iniisip kung paanong malulusutan ang sinuong na problemang iyon. Paano ba niya matutu
“Kailangan mo pang kumain para lumakas ka,” sabi ni Elainne kay Lucas nang tumanggi na itong isubo ang kutsara ng pagkain na isinusubo niya rito. Halos isang linggo na itong nasa hospital at nagpapagaling. Ganoon na rin kahaba ang panahong boluntaryo niya itong inaalagaan. Aminado si Elainne na nang dahil sa pagkakahospital ni Lucas ay tila pansamantalang tumigil ang buhay niya. Hindi na siya nakakapag-volunteer sa Baranggay Maginhawa at halos sa hospital na siya nakatira. Sa katunayan ay halos hindi na nga niya nakakasama ang mga tiyahin niya dahil umuuwi lang siya para maligo at pagkatapos ay bumabalik na rin kaagad sa hospital. Ganoonpaman, hindi siya nagrereklamo dahil gusto rin naman niya ang ginagawa niya. Gusto niyang ibalik kay Lucas ang kabutihang ginawa nito para sa kanya.Kung hindi dahil sa lalaki ay malamang na nakalibing na siya ngayon. Utang niya sa lalaki ang kaligtasan at ang buhay niya kaya tama lang na alagaan niya ito. It was the least thing that she c
SINO ba naman ang hindi mamamangha sa isang kagaya ni Elainne? Hayun ang babae at walang pag-aalinlangang nakikipagsayawan sa mga pulubing ngayon lang nito nakausap at nakilala. Walang kapaki-pakialam ang dalaga kung may mga nagdaraan man sa lugar na iyon na natatawa dahil sa ginagawa nito. Napansin niyang marami ang kumukha ng video sa babae na halatang natutuwa rin dito. She was a beautiful scene to watch for. Tinatangay ng hangin ang buhok nito habang matamis ang ngiting nakikiindak sa mga bata. Buhay na buhay ang aura ng babae na hindi alintana kung mapagkamalan mang baliw at may sayad. While looking at her, Lucas can’t help himself but smile.Bahagya siyang natigilan nang maisip na para siyang baliw na ngumingiting mag-isa. Kanina lang ay naiinis siya sa babae dahil sa masasakit na paratang nito sa kanya pero ngayon, dahil lang sa nakikita niyang masayang ngiti nito ay para bang handa na siyang patawarin ito. It’s really funny how she managed to make him feel