MALAYO pa lang sa kanilang bahay ay naririnig na ni Elainne ang boses ni Tiya Amy. Tinalo pa ni Tiya Amy si Gloc9 sa bilis ng pagsasalita nito. Kahit yata si Francis M. na tinaguriang master rapper ng Pilipinas ay walang sinabi sa kanyang tiyahin. As usual, nagdidiwara na naman si Tiya Amy. Hindi kailangang maging matalino ni Elainne para kumpirmahin ang bagay na iyon. Sa araw-araw na lang kasing ginawa ng Diyos ay wala yatang sandali na hindi nagbunganga ang tiyahin niya. Palibhasa ay matandang dalaga kaya palaging mainit ang ulo.
“Tiyang, kagagaling ko lang ho sa simbahan. Nabasbasan na ho ako ni padre kaya huwag n’yo na akong misahan,” pagpasaok sa pintuan ng kanilang bahay ay kaagad niyang sabi. Isa lang naman kasi ang dahilan ng regular na pagdidiwara ni Tiyang Amy –pera. At sa kasamaang palad, siya ang palaging napagbubuntunan ng galit nito tuwing walang pera dahil wala siyang trabaho. Tatlong buwan pa lang kasi ang nakakalipas buhat nang makapagtapos siya ng pag-aaral sa kursong nursing. Nakakuha na siya ng board exam at sa awa ng Diyos ay nakapasa siya. Hindi lang talaga niya sigurado kung dapat niya talagang ipagpasalamat ang bagay na iyon dahil nakakadagdag lamang iyon sa araw-araw na init ng ulo ni Tiya Amy. Ang katuwiran nito, tapos siya ng pag-aaral at pasado sa board exam pero hayun siya at nakatengga sa bahay.
Hindi ang katamaran ang dahilan kung bakit wala siyang trabaho. Sino ba naman ang ayaw maghanap-buhay at kumita ng pera ‘di ba? Ang kaso, iba ang plano ni Elainne sa buhay. She wants to become a nun. Ipinangako niya sa sariling magmamadre siya dahil bata pa lang ay ipinangako na niya kay Lord ang lahat-lahat sa kanya. Ang kaso, hindi sang-ayon si Tiya Amy sa bagay na iyon. Para saan pa raw at nag-nurse siya kung sa kumbento lang din ang bagsak niya. Ano raw ang mahuhuta niya sa pagmamadre?
“Mamamatay kang virgin, Elainne once na pumasok sa kumbento. Sa halip na gustuhin mong mag-alaga ng mga batang hindi mo naman kadugo sa bahay-ampunan bilang madre, bakit kaya hindi ka na lang mag-domestic helper sa Hong Kong at nang mapakinabangan natin ‘yang pinag-aralan mo. Isip-isip rin minsan, ija. ‘Yang katangahan puwede mong manahin sa amin ‘yan pero ‘wag mo naman sanang araw-arawin,” ito ang madalas na linya ni Tiya Amy. As if hindi ito katulad niyang single. And as if, nakatikim na ito ng luto ng Diyos. Duda niya ay ni hindi ito nadiligan kahit minsan kaya naging ganoon ito kadiwara. Sabagay, sino ba naman ang matinong lalaki na gugustuhing makipagtalik sa babaeng masahol pa sa armalite ang bibig hindi ba? Patatawarin siya ng Diyos pero hindi niya lang maiwasang makaramdam ng inis kay Tiya Amy lalo na sa tuwing tahasan nitong sasabihin ang disgusto nito sa mga pangarap niya sa buhay.
“Mamamatay kang virgin, Elainne once na pum…”
“Mas mabuti na pong mamatay nang virgin kaisa lokohin at iwanan ng mga lalaki tiyang,” putol niya sa pambansang litanya ni Tiya Amy. Kung hindi niya gagawin iyon ay siguradong aabutin ng kalahating araw ang ‘misa’ ni Tiya Amy. Siguradong aabot na naman iyon sa puntong isusumbat nito sa kanya ang lahat ng ginawa nito para sa kanya. “Saka mas maigi na ho na si Lord ang paglingkuran ko kaisa kung sino-sinong intsik sa Hong Kong gaya nang gusto n’yong mangyari. Hindi ho ba kayo masaya na magkaroon ng pamangkin na madre?”
“At sumasagot ka na ngayon?” eksaheradang napatingin sa kanya si Tiya Amy. “Hoy, baka nalilimutan mo na kung hindi dahil sa akin at sa mga kapatid ko ay hindi ka magiging tao ngayon. Kami ang bumuhay sa’yo, Elainne. Kami ang nagpaaral sa’yo. Binigyan ka namin ng bahay. Dinamitan at pinakain ka namin sa loob ng dalawang dekada kaya hindi naman siguro masamang umasa kami ng kapalit ngayong graduate ka na. At paano mo kami matutulungan kung magiging madre ka, aber?” summary na iyon ng lahat ng panunumbat nito, promise.
“Hindi naman ho sa ganoon, Tiyang. Ang gusto ko lang naman po ay suporta n’yo at…”
“At ano? Payagan ka namin na magmadre? Huwag ka namang makasarili, Elainne. Tulungan mo muna kaming magbayad ng utang namin bago ka magmadre. Tutal ay hindi naman kami mababaon sa utang kung hindi dahil sa’yo,” iyon lang at mabilis na siyang tinalikuran nito.
Walang nagawa si Elainne kung hindi ang mapakamot sa sariling batok. Sa totoo lang ay thankful siya kay Tiya Amy at sa mga kapatid nito dahil totoong ang mga ito ang umaruga sa kanya noong iwanan siya ng sariling ina dalawang dekada na ang nakakalipas. Lumipad sa Hong Kong ang nanay niya hindi lang para magtrabaho bilang DH kung hindi para na rin daw magmove-on. Walanghiya raw kasi ang tatay niya. Babaero, lasenggo at minamaltrato nito ang nanay niya kaya nakipaghiwalay ang huli matapos siyang isilang. Kaya lang, mukhang hindi lang ang tatay niya ang nalimutan ng nanay niya kung hindi pati na rin siya. Ni hindi man lang kasi siya naaalalang kumustahin nito kahit minsan. Mula pagkabata ay hindi niya ito nakausap. Para bang iniwasan na talaga nito na alalahanin pa siya.
Isang araw, nabalitaan niya na may sariling pamilya na ito sa Hong Kong at siya naman ay kuntento nang lumalaki sa piling ni Tiya Amy at ng dalawa pang tiyahin na katulad nito ay matanda ring dalaga. Noong bata siya, nakikita niyang may mga nanliligaw sa mga tiyahin niya. Si Tiya Amy na siyang panganay sa magkakapatid ay isang guro. Dahil abala sa trabaho at sa pagpapalaki sa kanya ay nalipasan na ito ng panahon. Idagdag pang naloko ito ng first boyfriend nito. Matapos umanong isuko ni Tiya Amy ang Bataan ay basta na lamang naglaho ang lalaki. Si Tiya Amanda naman na mas bata kay Tiya Amy ay ilang beses na nakipag-live in sa mga lalaki. Pero kagaya ng kanyang ina, palaging umuuwi si Tiya Amanda noon na puro pasa at sugat. Hanggang isang araw, napagod nang masakatan ang pobreng tiyahin at sukuan ang pag-asang makabuo ng sariling pamilya.
Si Tiya Aurora naman na bunso sa magkakapatid ay lihim na ginawang kabit ng isnag lalaki. Hindi nito alam na may asawa at anak na pala sa Cebu ang lalaking kinasama nito. Nang magdemmand si Tiya Aurora ng kasal, doon nito nalaman na kaya pala ayaw itong pakasalan ng buwist na kinakasama ay dahil hindi na ito single.
Sa murang isip, isa lang ang naging pananaw ni Elainne sa mga lalaki –manloloko at hindi dapat pagkatiwalaan. Nang dahil sa kasalanan ng kanyang ama at sa mga pinagdaanan ng mga tiyahin niya ay nagkaroon siya ng matinding galit sa mga lalaki at ng takot na rin sa salitang ‘pag-aasawa’. Naisip niya kasi na kung nangyari sa mama niya at sa mga tiyahin niya ay hindi malayong masaktan lang din siya dahil sa mga lalaki. Kaya naman bata pa lang, buo na sa isip ni Elainne na hindi magpapaloko sa mga anak ni Adan. Hindi niya susundan ang yapak ng mga tiyahin at ng sarili niyang ina.
Doon rin nabuo ang pangarap niya na maging madre. Bukod pa iyon sa katotohanang naging aktibo siya sa simbahan. Sa tuwing makakaramdam kasi siya ng sama ng loob at hinampo sa ina na basta na lamangs siyang pinabayaan ay sa simbahan siya tumatakbo. Naisip niya, kung si Lord ang pipiliin niyang makasama hanggang pagtanda niya, siguradong hindi siya masasaktan. Wala rin naman siyang balak magkaroon ng anak dahil duda siyang kaya niyang maging ina at bumuo ng sariling pamilya. Paano niya naman kasing gagamapanan ang role ng isang nanay kung siya mismo ay hindi nakaranas ng ganoon ‘di ba? Ang sabi nga ng marami, you can’t give what you don’t have. Kaya naman harangan man siya ng sibat ni Tiya Amy at sabihin man nito na wala siyang utang-na-loob ay itutuloy niya ang pangarap na maging madre. Buo na ang desisyon niya at walang sino man ang makakapigil sa kanya sa bagay na iyon.
Pagkaraan ng ilang sandali at ilan pang mga mura mula sa nagdadabog na si Tiyang Amy sa kusina ay pumasok na si Elainne sa kanyang kuwarto upang magbihis. Maliit lamang ang bahay nila –yon ay kung bahay nga bang maituturing ang pinagtagni-tagning lawanit at plywood na binubungan ng mga lumang yero mula sa noon ay binagbag na barangay hall ng barangay nila. Tandang-tanda niya kung paano nila pinagtulung-tulungang magtitiyahin na buuin ang bahay na iyon noon. Halos isang dekada ang lumipas at walang nagbago sa bahay nila. It was the same old and little house they built almost ten years ago.
Isa lang ang matatawag na kuwarto sa bahay. Doon sila tabi-tabing natutulog na magtitiyahin sa gabi. May maliit silang sala na ang mga gamit ay pawang mga pamana ng kanilang kapit-bahay. Wala silang sariling C.R. at kagaya ng halos lahat ng naninirahan sa squatter’s area na iyon kung saan sila nakatira ay nagbabayad lamang sila sa malapit na palikuran ni Mang Berting- limang piso ang ihi at sampung piso ang alam mo na.
Buong buhay ni Elainne ay puro hirap na ang nakikita niya. Ni minsan ay hindi niya naranasan ang maalwang buhay kaya naman talagang nauunawaan rin niya si Tiya Amy sa tuwing susumpungin ito ng inis at pagdiskitahan siya. Siya nga lang naman kasi ang inaasahan ng mga ito na mag-aahon sa kahirapan. Kaya lang, naipangako na rin kasi niya ang sarili sa Diyos. Mayroon siyang ‘calling’ at masyadong malakas ang tawag niyon para tanggihan niya.
Nasa aktong paghuhubad na si Elainne ng kanyang suot na pang-itaas nang marinig niya ang malakas na tinig ni Tiya Amy. “Elainne! This is it pancit! Yayaman na tayo! Yayaman na talaga tayo!” tila inaatake sa puso na tili ni Tiya Amy. Malawak ang ngiti nito at namimilog ang mga mata habang yakap-yakap nang mariin ang isang sandok.
“Ano ho, nabunot na ba ang mga lucky numbers n’yo sa lotto? Milyonaryo na ho ba tayo?” sinakyan niya ang trip ng tiyahin. Sa buhay, natutunan niya na para makasundo niya ang Tiyang Amy niya ay kailangan niyang sakyan ang trip nito paminsan-minsan, gaya na lamang ng pagtaya-taya nito sa lotto. Araw-araw ay hindi ito nagmimintis sa pagtaya at gabi-gabi naman ay ipinagdadasal niya ito dahil alam niyang labag sa turo ng simbahan ang pagkakaroon ng ganoong bisyo.
“Bilyon! Bilyun-bilyon ang nakaamba mong iakyat sa pamamahay na ito, Elainne,” eksaheradang hinawakan pa ni Tiya Amy ang kanyang kamay. Hindi alintana kung mahulog man ang sandok sa sahig nilang lupa na sinapinan lamang ng lumang linoleum. Napalunok siya at mariing napapikit nang ma-imagine niya na mamaya lang ay ipanghahalo na naman ni Tiya Amy ang kawawang sandok sa iniluluto nitong ulam.
“A-ako, ho?” kunot-noong tanong niya sa nagdedeliryo na yatang tiyahin. Paano naman siyang mag-aakyat ng limpak na salapi sa pamamahay nila? “Paano po?”
Iniabot nito sa kanya ang isang lukot na diyaryo. Literal na ipinambalot iyon ng tinapa na marahil ay kasalukuyang iniluluto ni Tiya Amy. “Basahin mo! Basahin mo ang pinakamalaking biyayang nabasa ko sa tanang buhay ko,” utos nito sa kanya habang dinudutdot ang diyaryo.
“Multi-billionaire and business magnate retired from her office,” malakas niyang pagbabasa sa headline ng balitang nakasulat sa diyaryong hawak niya. Nagtatakang napatingin siya kay Tiya Amy matapos basahin ang balitang iyon. “Ano naman po ang kinalaman nito sa limpak-limpak na salaping sinasbai n’yo? Huwag n’yong sabihing…Diyos ko po Tiyang! Kilabutan ho kayo sa inyong naiisip,” sunod-sunod na pagsa-sign of the cross ang ginawa niya dahil sa ideyang nasa isip. “Tiyang, masama po ang mang-kidnap, alam n’yo ‘yan.”
“Ay, gaga! Sino naman ang nagsabing kikidnappin natin si Maristella Imperial? Bago pa tayo makalapit diyan ay siguradong tapos na ang kahirapan sa Pilipinas. Ang balita ko ay sandamakmak raw ang bodygurads niyan kaya imposible ‘yang kabaliwang tumatakbo sa isip mo.”
Nakahinga siya nang maluwag. Noon niya napunatayang madiwara lang pala talaga si Tiya Amy pero busilak naman pala ang kalooban nito. “Eh, paano nga pong mangyayari ang…”
“Papakasalan mo ang isa sa mga apo ni Doña Maristella,” putol ng hindi pasisindak na tiyahin niya sa kanyang litanya.
Napatanga siya at napatulala nang ilang sandali sa kawalan. Mayamaya lang ay napuno ng malakas na tunog ng kanyang halakhak ang kabuuan ng kanilang bahay. “Tiyang naman, alam ko hong gandang-ganda kayo sa ‘kin pero hindi ho ako magugustuhan ng apo niyan. Isa pa, sadyang wala ho sa bokabolaryo ko ang mag-asawa. Buo na ho ang pasya ko, papasok ho ako sa kumbento.”
“Anim na buwan, Elainne,” sabi ni Tiya Amy, desidido ang anyo na para bang isang kandidatong nangangako na kung mananalo sa eleksiyon ay biglang uunlad ang kanilang barangay. “Kung sa loob ng anim na buwan ay hindi ka makakabingwit ng isang Imperial –kahit sino sa mga Imperial –ay tapos na ang usapang ito. Papayagan kitang magmadre at magpakatandang-dalaga sa piling ng mga musmos sa kung saang ampunan.”
Biglang sineryoso ni Elainne ang tiyahin. Iyon na ang pagkakataon niya. Siguradong-sigurado siyang walang Imperial na magkakagusto sa kanya. At paanong mangyayaring makakakilala siya ng isang Imperial gayong langit at lupa ang pagitan niya sa mga ito? Imposibleng ang isang bilyunaryong lalaki ay bababa sa pedestal para lamang makakilala ng isang hampas-lupang kagaya niya. Isa pa, sa sobrang yaman ng mga Imperial ay malamang na libo-libong mas mayayaman at higit na mas magagandang babae ang nakapila sa mga ito.
Napangiti siya nang lihim. Mukhang umaayon na sa kanya ang tadhana. Tila walang kahirap-hirap na makukumbinsi na niya si Tiya Amy na payagan siyang magmadre.
Purihin ang Panginoon!
“Ano? Deal?” si Tiya Amy na hindi alintana ang umaamoy na nasusunog na tinapa.
“Deal!” nagtatatalon sa tuwa ang inner self niya.
Iniwanan siya ni Tiya Amy at binalikan ang pinipritong tinapa. Habang nagluluto ay abot ang paglilitanya nito. “Goodbye squatter. Ilang buwan na lang at makakaalis na kami rito. Huwag kayong mag-alala mga mahal na kapit-bahay. Aambunan ko kayo ng kayamanan kapag nagpakasal na si Elainne at ang isa sa mga Imperial.”
Napapailing na ipinagpatuloy na lamang ni Elainne ang pagbibihis. Hindi niya lubos akalaing ganoon lang pala kadali na makumbinsi si Tiya Elainne.
HINDI pa man nasisiyahan sa paghalik sa magandang babaeng basta na lamang kumandong sa kanya ay may panibago na namang babae ang lumapit kay Lucas. The girl is as equally as beautiful as the one who just kissed him a while ago. “Hey, do I know you?” tanong niya sa babae pagkatapos na mabilis na binuhat ang babaeng nakakandong sa kanya at ibinaba sa katabi niyang upuan sa harapan ng counter ng bar na iyon. Pinakatitigan niya ang mukha ng babae at pilit na hinalungkat sa isip ang pangalan nito. The girl looked familiar, sadyang hindi lang niya maalala kung saan at kailan niya ito nakilala…or maybe, naikama. “Tagaytay, last week?” sabi ng babae na may hindi masupil na ngiti sa mga labi. Her eyes are sparkling. Tila may naaalala itong isang napakasayang experience. Suddenly, he felt so proud. Hindi na kailangang magpaliwanag pa ng babae. Based on her expressions, sigurado si Lucas na
IPINARADA ni Lucas ang kanyang bagong-bagong Nissan 3707 sa malawak na parking space ng The Billionaire’s Hub. Literal na billionaire’s hub ang five star coffee shop na iyon na matatagpuan sa Alabang dahil kung hindi milyonaro ay bilyonaryo ang lahat ng mga parokyano niyon. Dali-dali siyang umibis mula sa sasakyan. “Nice ride,” tinapik-tapik pa niya ang makinis na hood niyon pero nang maalalang wala pa palang pangalan ang nasabing sasakyan ay dagli siyang tumayo sa tabi niyon. Isinandal niya ang katawan sa mismong sasakyan at pinagkrus ang mga binti. Hinawakan niya ng kanyang kanang kamay ang kanyang baba habang ang kaliwang braso ay nakahalukipkip sa harapan.Kung ang halos lahat ng simpleng tao sa Pilipinas ay pinoproblema ang maraming bagay gaya ng pagkain, electric bills, at kung ano-ano pa, si Lucas naman ay palaging isa lang ang itinuturing na problema. Iyon ay kung ano ang magandang ipapangalan sa mga sasakyan niya. In total, he has alread
ELEVEN hours have passed but it seems that Elainne was still floating in the air. Sakay siya ng mga tanong na hindi mahanapan ng kasagutan. Tinatangay siya ng kaguluhang hindi alam kung paano nagsimula at kung paanong matatakasan.Nagring ang cellphone niya dahilan para matauhan siya. Hindi siya nakatulog ng nagdaang gabi kahit pa sabihing napakaganda ng condo unit na kinaroroonan niya. Para makarating doon ay naalala niyang kinailangan pa silang sunduin ng isang private helicopter. Sa helipad sa itaas ng building na iyon sila lumapag at dito nga humantong sa condo unit kung nasaan siya ngayon. Sinagot niya ang tawag niya tiyahin niya.“Elainne! Bongga ka. Masyado mo namang ginalingan anak,” ang nagdidiwang na tinig ni Tiya Amy ang bumungad sa kanya. Higit sa malamang ay may pa-fiesta ngayon sa barangay nila. Mula pa kasi kagabi ay sila na lang ni Lucas Imperial ang laman ng mga balita sa T.V. Parang panaginip pa rin ang lahat. Kung hindi lang niya nararamd
INAASAHAN na ni Elainne na maraming reporters ang naghihintay sa kanya sa labas ng building kung saan matatagpuan ang condo unit ni Lucas. Nang dahil sa napaka-estupidong pag-aannounce ni Lucas na fiancée siya nito ay naging instant celebrity siya. Patunay ng bagay na iyon ang kabi-kabilang balita tungkol sa kanya. Ang hindi niya inaasahan ay ang makikitang tagpo ngayon sa loob ng hotel, nagkakagulo ang mga reporters pero hindi makaporma ang mga ito sa dami ng mga bodyguards na pumipigil sa mga ito. Paglabas na paglabas niya sa kabubukas na elevator ay kaagad na may mga lumapit sa kanyang lalaki. Pinaligiran siya ng mga ito. Ang lahat ay nakasuot ng itim na suits, black pants at leather shoes. May hawak rin na two-way radio ang mga ito. Bigla siyang nilamon ng pagkamangha. Bakit ba kung makabuntot ang mga ito sa kanya ay parang doon nakasalalay ang buhay ng mga ito? “Good morning, Miss Manalo,&rdq
NAGISING si Elainne dahil sa kaguluhang nagaganap sa paligid. Kung kailan kailangang-kailangan niya ng pahinga ay saka naman yata bumisita si Mayor sa barangay nila. Nagkakagulo lang naman kasi ng ganoon sa Baranggay Maginhawa kapag magpapamigay ng ayuda si Mayor. Kaagad siyang bumaba mula sa kanyang higaan at lumabas ng bahay. Kailangan niyang makipag-agawan sa ayuda bago pa siya maubusan.Pero sa halip na ang mga pamilyar na bodyguards ni mayor ang bumungad sa kanya ay ang mga nakaunipormeng alalay ng mga Imperial ang nakita niya nang lumabas siya ng bahay. Kaagad niyang nasiguro ang bagay na iyon dahil nakita niya si Emmanuelle na abala sa pamumudmod ng groceries sa kanilang kapit-bahay. “Anong kaguluhan ito?” tanong niya kay Aling Marites na president ng mga tsismosa sa kanilang barangay.“Ano ka ba? Hindi mo pa ba nakikita ang fiancée mo? Siya ang may dala ng mga ‘yan. Bukod sa mga grocery bags ay may kasama pa siyang mga doctor para
“KUMUSTA ang panliligaw?”Iyon ang ibinungad ni Trevor kay Lucas nang pumasok siya sa regular spot nila sa loob ng The Billionaire Hub para sa kanilang usual Saturday hang out. Nakaugalian na nilang magpipinsan na magkita-kita tuwing sabado sa nasabing lugar para pag-usapan ang mga bagay-bagay. Sa ganoong pagkakataon nila pinag-uusapan ang tungkol sa kani-kanilang mga negosyo, lovelife, problema sa pag-ibig at kung ano-ano pa. People around them considered and treat them differently, pero ang hindi alam ng mga tao ay normal lang din sila. They tend to get their hearbroken. Minsan nga ay mas malala pa ang problema nila kaisa sa pangkaraniwang tao dala ng pagkalugi ng negosyo o mahigpit na kompetisyon sa business world. They have their personal issues, too such as family problems, lovelife and career. Masasabi lang na mas maginhawa ang kanilang buhay bilang Imperial pero hindi sila excempted sa problema.“It’s harder than I expected,” sabi n
TALAGA namang ginagalingan ni Lucas ang pagpapa-impress kay Elainne. Kahapon lang ay nagpunta ito sa kanila para kumpunihin ang gripo nila na sa bandang huli ay siya rin naman ang gumawa. Ngayon naman ay maaga siyang sinundo ng lalaki para sa kanilang first-ever date. Kung si Elainne ang tatanungin ay hinding-hindi siya sasama kay Lucas pero nakialam na naman si Tiya Amy. Ito ang nakipag-usap kay Lucas. Nang kausapin siya ng tiyahin tungkol sa date na iyon ay todo drama ito. Di umano ay kailangan niyang sumama sa lalaki dahil mag-iikot raw sila sa buong Maynila para magpamigay ng munting handog sa mga out of school youth. Palibhasa ay alam na alam ng tiyahin niya na hindi siya tatanggi sa ganoong gimmick kaya malakas ang loob nito na kumbinsihin siyang sumama kay Lucas.“Ano na namang drama ito, Imperial?” tanong niya sa lalaki pagdating na pagdating nito sa kanilang lugar. He’s wearing a blue denim pants and a simple shirt again. Pero ang kaguwapuhan ni Luc
SINO ba naman ang hindi mamamangha sa isang kagaya ni Elainne? Hayun ang babae at walang pag-aalinlangang nakikipagsayawan sa mga pulubing ngayon lang nito nakausap at nakilala. Walang kapaki-pakialam ang dalaga kung may mga nagdaraan man sa lugar na iyon na natatawa dahil sa ginagawa nito. Napansin niyang marami ang kumukha ng video sa babae na halatang natutuwa rin dito. She was a beautiful scene to watch for. Tinatangay ng hangin ang buhok nito habang matamis ang ngiting nakikiindak sa mga bata. Buhay na buhay ang aura ng babae na hindi alintana kung mapagkamalan mang baliw at may sayad. While looking at her, Lucas can’t help himself but smile.Bahagya siyang natigilan nang maisip na para siyang baliw na ngumingiting mag-isa. Kanina lang ay naiinis siya sa babae dahil sa masasakit na paratang nito sa kanya pero ngayon, dahil lang sa nakikita niyang masayang ngiti nito ay para bang handa na siyang patawarin ito. It’s really funny how she managed to make him feel
GANOON na lamang ang gulat ni Lucas nang biglang bumukas ang pintuan nang silid na iyon. Iyon ay pagkatapos na buksan iyon ng isang staff ng art gallery na hiningian niya ng tulong. Sumabit ang buhon ni Maricar sa strap ng DSLR nito at kinailangan nila ‘yong gupitin. Nasa akto siya na paggupit sa buhok ni Maricar nang biglang bumungad si Elainne sa pintuang iyon. “Elainne? What are you doing here? Do you need something?” magkasunod niyang tanong sa babae.Binalot ng alanganing emosyon at ngiti ang babae. Nakita niyang may nagdaang matinding hiya sa mga mata nito. She looks guilty, too. “Ah, w-wala. I- I’m actually looking for the…t-the…comfort room,”tila hirap na hirap na sabi nito.Napatango-tango siya sa harapan nito. “Ahhh, I see. Well the comfort room is at the end of the hallway,” aniya.Ni hindi nagpasalamat man lang ang babae. Nagkukumahog itong umalis sa lugar na iyon na hindi man lang makatin
“LUCAS, I want you to meet Lovella Salazar. Lovella this is Lucas Imperial,” pagpapakilala ni Elainne kay Lucas sa babaeng kasama nito.Infairness to Elainne, she’s consistent in introducing him such equally beautiful ladies. Sa halos isang linggo, apat na babae na ang naipakilala nito sa kanya. Una sa mga listahan ang most perfect and responsible na si Helga. Kinabukasan ay ipinakilala nito sa kanya si Sarah, an athlete and a member of Philippine Fencing team. Kung tutuusin ay good catch ang babae. Hindi ito mukhang perfect na kagaya ni Helga. She seems smart, too, pero hindi niya rin ito gusto. Masyadong mabait at disiplinado ang babae para sa kanya at ayaw niya nang ganoon. Gusto niya ng isang babae na hindi lang tatango at sasang-ayon sa lahat ng gusto niya. Isang babae na lakas-loob na sasabihin ang mga pagkakamali niya.The next day, he dated Danielle De Lara a promising singer. Pero dahil hindi niya kailangan ng isang celebrity sa buhay niya, h
“ANO pa bang hinihintay n’yo? Bakit hindi pa kayo nagpapakasal?” magkasunod na tanong ni Tiya Amy kay Elainne nang magising siya kinabukasan. Sa tingin niya ay sinadya siyang abangan nito sa paglabas ng kuwarto para itanong ang bagay na iyon.Dumiresto siya sa kanilang kusina at sandaling nagmumog. Ni hindi pa siya naghihilamos o nagsusuklay ay kasal kaagad ang ibinubungad ni Tiya Amy sa kanya. “Tiyang hindi ho ganoon kadali ‘yon. Ang kasal raw ho sabi ng matatanda ay hindi parang kanin na isusubo at iluluwa kung mainit,” sabi niya pagkatapos magmumog. Puyat na puyat siya dahil halos alas dose nan g umaga siya naihatid ni Lucas kagabi. Pagdating sa bahay ay hindi pa siya kaagad nakatulog dahil sa iba’t ibang emosyong naramdaman at sa dami ng alalahaning naisip niya.Hindi niya kasi maunawaan kung bakit tila bumabalimbing si Lucas at parang gusto na nitong magbago ng isip sa pag-ayon sa nauna na nilang mga plano. Kung magpalit n
“WHAT are we going to do now? Hindi na-turn-off si Lola,” tanong ni Elainne kay Lucas nang dalhin siya nito sa veranda ng second floor ng mansion ng mga Imperial. “Sa tingin mo pwede na tayong magproceed sa plan B?” “No,” mabilis na tugon ng lalaki. Nakatayo ito sa kanyang tabi patalikod sa magandang view sa likuran nito. Nakasandal ang likod nito sa baluster at nakahalukipkip ang mga kamay sa tapat dibdib nito habang nakatingin sa kanya. Sa hindi niya malamang dahilan, parang nakaramdam siya ng romantic vibe nang marealize ang kabuuan ng tagpong iyon. Hayun siya, isang squatter girl na napadpad doon sa mansion ng isang bilyunaryong lalaki. Nakatayo sa sila sa veranda sa kalagitnaan ng gabi. Sa kanilang harapan ay ang maliwanag na ilaw ng siyudad. Nakatanglawa sa kanila ang maliwanag na buwan sampu ng milyun-milyong mga tala sa kalangitan. It’s as if they are characters from another cliché-fairy tale story. But fairy tale don’t exist in real life especially i
KUNG NAKAKABULAG lang ang sobrang karangyaan, baka umuwi si Elainne ngayong gabi na walang paningin. Every corner of that mansion spells for power, wealth and extravagance. Pagpasok na pagpasok pa lamang niya pintuan ay bumalaga na sa kanya ang malawak na sala. Puti ang dominanteng kulay sa kabuuan ng bahay. Ang mga muwebles particular na ang baluster na nakapaligid sa ikalawang palapag niyon ay brown ang pintura.Maningning ang ceiling dahil sa dami ng mga ilaw na naroroon. Pakiramdam niya ay nanliliit siya habang minamasdan ang naglalakihan at naggagandahang chandelier na nakasabit sa kisame na may mabusising design. Malalaki ang portraits na nakasabit sa pader. Mayroon ring mga halatang mamahaling paintings na matatanaw doon.Ceramic pots are all around. Hinding-hindi siya didikit sa mga iyon dahil tiyak na kulang pa ang buhay niya bilang kabayaran kung mababasag niya ang mga iyon. Off-white ang kulay ng tiles. Sa gitna ng sala ay may malaking carpet. Bukod sa mga s
HINDI maiwasang makaramdam ng kaba ni Elainne habang lulan siya ng bagong-bago na namang kotse ni Lucas. It was a brand new red Ferrari GTC4Lusso T 3.9 L. Ingat na ingat siyang hawakan ang bawat bahagi niyon sa takot na magasgasan na naman niya iyon. Bigla niya lang naalala ang unang beses na nagkita sila ni Lucas. Who would ever wonder na mula sa pagkakamaling nagawa niya ilang buwan na ang nakakaraan ay magiging ganito sila kalapit ng lalaki. Parang kailan lang ay halos isuka niya ito dahil sa hindi magandang impresyon na una niyang nabuo tungkol sa lalaki. Ngayon ay heto sila at maituturing na matalik na kaibigan ang isa’t isa. Truly that first impression doesn’t lasts. And she was really glad that she was able to finally see the real Lucas Imperial –isang bagay na alam niyang hindi nito madaling ipinapakita sa ibang tao. “Sealtbelt,” sabi ng lalaki sa kanya. Nakaupo ito sa harap ng driver’s seat sa mismon
“WHY did you do that?” kaagad na tanong ni Lucas kay Elainne pag-alis na pag-alis ni Mamita. Halatang hindi makapaniwala ang lalaki sa kanyang ginawa. Siya rin, hanggang ngayon ay tinatanong ang sarili kung bakit siya nagpadalos-dalos sa kanyang desisyon. Masyado siyang nadala sa nakikitang lungkot sa mga mata ni Lucas kanina kaya ginusto niyang isalba ito. Pagkatapos na marinig ang mga pinagdaanan nito at malaman kung gaano kamiserable ang lalaki sa mga nakaraang taon ay malaking bahagi ng sarili niya ang nagsabing iyon na ang pagkakataon niya para ibalik ang pabor na ginawa nito sa kanya kahit na hindi naman talaga ito nanghihingi nang ano man kapalit sa ginawa nitong pagtulong sa kanya. “H-honestly, hindi ko rin alam. Siguro ay dahil sa katotohanang kailangan mo ako,” tugon niya. Masusi niyang iniisip kung paanong malulusutan ang sinuong na problemang iyon. Paano ba niya matutu
“Kailangan mo pang kumain para lumakas ka,” sabi ni Elainne kay Lucas nang tumanggi na itong isubo ang kutsara ng pagkain na isinusubo niya rito. Halos isang linggo na itong nasa hospital at nagpapagaling. Ganoon na rin kahaba ang panahong boluntaryo niya itong inaalagaan. Aminado si Elainne na nang dahil sa pagkakahospital ni Lucas ay tila pansamantalang tumigil ang buhay niya. Hindi na siya nakakapag-volunteer sa Baranggay Maginhawa at halos sa hospital na siya nakatira. Sa katunayan ay halos hindi na nga niya nakakasama ang mga tiyahin niya dahil umuuwi lang siya para maligo at pagkatapos ay bumabalik na rin kaagad sa hospital. Ganoonpaman, hindi siya nagrereklamo dahil gusto rin naman niya ang ginagawa niya. Gusto niyang ibalik kay Lucas ang kabutihang ginawa nito para sa kanya.Kung hindi dahil sa lalaki ay malamang na nakalibing na siya ngayon. Utang niya sa lalaki ang kaligtasan at ang buhay niya kaya tama lang na alagaan niya ito. It was the least thing that she c
SINO ba naman ang hindi mamamangha sa isang kagaya ni Elainne? Hayun ang babae at walang pag-aalinlangang nakikipagsayawan sa mga pulubing ngayon lang nito nakausap at nakilala. Walang kapaki-pakialam ang dalaga kung may mga nagdaraan man sa lugar na iyon na natatawa dahil sa ginagawa nito. Napansin niyang marami ang kumukha ng video sa babae na halatang natutuwa rin dito. She was a beautiful scene to watch for. Tinatangay ng hangin ang buhok nito habang matamis ang ngiting nakikiindak sa mga bata. Buhay na buhay ang aura ng babae na hindi alintana kung mapagkamalan mang baliw at may sayad. While looking at her, Lucas can’t help himself but smile.Bahagya siyang natigilan nang maisip na para siyang baliw na ngumingiting mag-isa. Kanina lang ay naiinis siya sa babae dahil sa masasakit na paratang nito sa kanya pero ngayon, dahil lang sa nakikita niyang masayang ngiti nito ay para bang handa na siyang patawarin ito. It’s really funny how she managed to make him feel