Hirap sa buhay si Yngrid Dela Fuente naiwang mag-isa at siya na lamang ang bumubuhay sa sarili niya. Ganunpaman, nagsumikap siyang maghanap ng trabaho at hindi niya aakalaing matatagpuan niya ang sarili niyang maging personal maid ng isang kinatatakutang tao ng lahat, si Devron Montecillo, isang Mafia Boss. Ngayong isa siya naging personal maid ng taong ito, ano ang mangyayari sa buhay ni Yngrid? Magiging tahimik ba ito o magiging magulo dahil sa taong kasama niya?
view moreYngridMALAKAS AKONG napaungol ng magising ako sa sikat ng araw. Nang matamaan ang mata ko ay nakasimangot akong napabangon at kinusot ko ang mga mata ko. Napahawak ulit ako sa ulo ko dahil muli na naman itong sumakit. Ngayon ko lang napansin na hindi ko pala ito kwarto kaya dali-dali akong tumayo at tiningnan ang sarili ko. Napahinga na lang ako ng maluwag ng makita kong kumpleto ang suot ko, kaya muli akong umupo sa kama at muling inalala ang nangyari kagabi. Pumunta ako bahay at uminom ng wine, dumating si Devron at umamin sa kanya ng ‘di oras. Umamin na ako kay Devron! Shet na malupet, iba talaga nagagawa kapag lasing saka lang nasasabi ang totoo. Salamat sa wine na ininom ko, mapaparamdam ko na rin kay Devron ang pagmamahal ko sa kanya. Dahil sa sobrang excited ko ngayong araw ay dali-dali akong naligo at inayos ang sarili ko. Hindi ko man alam kung nasaan man kaming lupalop ni Devron ngayon ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa at kami lang muna sa ngayon. Nang makita kong
YngridWALA NA AKONG nagawa kundi sabihin ang lahat kay Gelene. Minsan ay napapatigil pa nga ako dahil tili siya ng tili at nahahampas ko pa ang braso. Hindi ko namalayang mag-iisang oras na pala kaming nagke-kwentuhan dito sa loob ng opisina ni Devron kaya naisipan na naming lumabas. Habang hinihintay namin ang pagbukas ng elevator ay muli na naman akong kinausap ni Gelene kaya wala na akong nagawa kundi ang sagutin ito dahil hindi siya titigil hangga’t hindi ko talaga sinasagot ang lahat ng katanungan niya. “Kailan ka aamin, be? Eh pareho lang naman pala kayong naghihintayan no boss eh. Parehong pakipot,” pang-aasar niya sa huli kaya inirapan ko siya at inismiran. “Palibhasa kasi ay nagde-date na sila ni Storm,” balik ko sa kaniya kaya pinanlakihan niya ako ng mata na akala mo ay may makakarinig sa usapan namin dalawa kaya nginisian ko lang siya at nagpatuloy. “Ay be, huwag mong iiba ang usapan.”“Handa naman akong umamin, eh. Hindi nga lang ngayon,” sagot ko pa at napakrus nam
YngridPAREHO kaming natigilan ni Devron sa naging tanong ko. Nakita ko ang takot sa mga mata niya sa kauna-unahang pagkakataon. Nanginginig niyang hinawakan ang pisngi ko at mas hinapit pa ang bewang ko para mapalapit sa kanya. “Devron,” paos kong wika pero pinagdikit niya ang noo naming dalawa at marahang hinaplos ang sugat ko sa balikat kung saan ako nadaplisan ng bala kaya lumamlam ang mata ko sa ginawa niya. "Sino ka ba talaga?" Muli kong pagtatanong kaya mariin siyang pumikit. Pakiramdam ko ay natatakot siyang marinig ko ang tunay niyang pagkatao pero hindi ko muna siya huhusgahan. Kailangan kong malaman kung sino ba ang lalaking nagugustuhan. "Dev," malambing kong pagtawag at sa wakas ay binuksan niya na ang mata niya na ngayon ay matapang ng nakatingin sa akin. "Hindi mo magugustuhan kung sino ako, Yngrid," aniya kaya tumango ako at marahang hinaplos ang pisngi niya dahilan para mas lalo pang humigpit ang pagkakakapit niya sa bewang ko. "Handa akong makinig, Devron. Handa
YngridNANLALAMIG na ang katawan simula ng magising ako, ramdam na ramdam ko ang mahigpit na pagkakatali ng kamay ko dahil ramdam ko ang hapdi nito kapag sinusubukan kong kalagin. Ang mata ko ay nababalot ng kadiliman dahil tinakpan ito, nagsimula na ring manginig ang labi ko sa takot.Nasaan ba ako? Saan ba ako dinala? Anong kailangan nila sa akin?“Pre, gising na yata ‘tong babae ni Devron. Nagalaw na eh!” Sigaw ng kung sino at naramdaman ko ang mabilisang paglapit nila sa akin at basta na lamang tinanggal ang pagkakatakip ng mata ko at nag-adjust ako sa liwanag. Nang matanggal na ito ay nangilabot ako ng makita ko ang mga mata nila. Mapupula ito na akala mo ay nakahithit sila ng mga ipinagbabawal na gamot. Kayo na ang bahala sa akin, gusto ko pang mabuhay.“Gising na pala ang babae ni Devron, ano kayang magiging reaksyon niya ng malaman niyang kinuha ka namin?” Natatawang saad niya at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko kaya mas lalo akong sumiksik sa kinauupuan kahit feeli
YngridPUNISHMENT? Teka anong punishment na naman ang matatanggap ko ngayon. Iniwasan at inasar ko na lang siya. Papaalisin niya na ba ako dito? Sisibakin niya na ba ako sa pwesto? Omg, sana pala nag-isip muna ako bago ko gawin ‘yon.“S-sinabi ko na sa’yo kanina ang rason ko,” matapang kong saad kaya nanlaki ang mata ko ng mabilis siyang umalis sa pwesto niya at binuhat ako at inupo sa ibabaw ng mesa niya. Kahit gusto kong magpumiglas ay hinapit niya ang bewang ko at pinagdikit ang katawan naming dalawa. Pucha! Ramdam na ramdam ko tuloy ang mainit niyang katawan dahil magkadikit na kami at amoy na amoy ko na ang pabango niya, ano ba tong ginagawa ni Devron? Nahihibang na ba siya? Paano kung may pumasok sa opisina niya ay abutan kami ng ganito, paniguradong may iba silang iisipin. "Teka, teka kalma Devron. Pwede bang ihiwalay mo ng kaunti itong katawan mo sa akin," natatawang saad ko pero ang totoo ay grabe na ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Imbis na sundin niya ang si
YngridMAKALIPAS ang dalawang araw na marinig ko 'yon ay umiwas muna ako kay Devron. Ayokong mas mapalapit sa kanya dahil may magiging asawa na pala siya, ngayon alam ko na kung bakit mainit ang dugo sa akin ni Kalista. Ayaw niyang may babaeng umaaligid sa mapapangasawa niya. At sa dalawang araw na nakalipas ay hindi naman ako pinapatawag ni Devron kahit na halata niyang iniiwasan ko siya, kapag kasi magsasalubong ang landas naming dalawa ay ako na agad ang umiiwas na pinagtataka na nila Manang lalo na si Gelene. "Yngrid, be. Hindi naman sa nanghihimasok ako, ha. Pansin ko lang nitong nakaraang araw na hindi kayo nagpapansinan ni Señorito, 'diba Personal Maid ka niya? Anyare?" Panguusisa ni Gelene ng minsang nagtagpo ang landas naming dalawa sa kusina. Ako ay naghuhugas ng pinggan habang siya naman ay pinupunasan ang mga ito. "Ah, nagpaalam naman ako na dito naman para matulungan ko kayo at saka hindi ko naman iniiwasan si Señorito, hindi lang talaga nagtatagpo ang landas naming da
YNGRID“Kaya ba tuwang-tuwa kanina ang amo ko na yon dahil sa akin? Dahil pinapanood niya akong nahihirapan mag-ayos ng mga papeles niya?!” Hindi ko na mapigil ang bulalas dahil sa inis na nararamdaman ko. Hindi niya ba alam na masakit sa likod, nakakangalay ng batok, at masakit sa ulo ang pinapagawa niya sa akin? Pero sa isang banda ng utak ko naman ay deserve ko ito dahil personal maid naman niya ako. “Pero kahit na personal maid niya ako ay dapat ay tinulungan niya pa rin ako! Paano kapag nagkamali ako? Sa akin siya magagalit, eh siya naman ‘tong hindi man lang ako tulungan kahit saglit. Ang sarap tirisin!” Padabog akong umupo matapos kong ilabas ang hinanakit ko sa kanya. Imbis na intindihin ang nakita ko sa laptop niya ay nagpatuloy ako sa inuutos niya sa akin, binabasa ko ang iilan na papeles dito pero hindi ko maintindihan ang iba dahil magkaiba sila ng lenggwahe. Basta ang palagi kong nababasa ay puro mga transactions. Habang busy ako sa ginagawa ko ay narinig ko ang pagbu
YngridMALAKAS kong binaklas ang kamay niya na nakahawak sa bewang ko. Kinuha ko rin ang pagkakataon na lumayo ng makita kong nagulat si Devron sa ginawa ko."Pwede ba, Devron. Kung pinaglalaruan mo ako, tigilan mo. Hindi ako natutuwa." Hindi ko na mapigilang bulalas kaya nagbago naman ang expression ng mukha niya at ngumisi. "Sa tingin mo naglalaro ako?" Malamig niyang tanong dahilan para matigilan ako at malakas na bumuntong hininga. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ni Devron. May pagkakataon na seryoso, may pagkakataon naman na hindi. "Bakit mo nga 'to ginagawa? Kung ito ang kapalit sa pagligtas ko sa'yo, sige payag ako. Pero kung paglalaruan mo lang ako, mas mabuting umalis na lang ako dito." Diretsahang saad ko at kitang-kita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi niya. Sumandal siya sa lamesa at tumitig sa mga mata ko na akala mo ay hinahalungkat nito maigi ang buong pagkatao ko. Dahil doon ay hindi ko maiwasang kilabutan. "Sa tingin mo hahayaan kitang u
Yngrid"Papa, bakit po tayo tatakas?" Puno ng pangamba ang boses ko kaya lumuhod si Papa at ilang beses na lumunok bago magpaliwanag.“Yngrid, napagbintangan kasi si Papa sa hindi naman niya nagawa. Huwag kang mag-alala, may tutulong sa atin. Hindi nila tayo papabayaan.”Pagpapalakas niya ng loob ko dahil sa murang edad ay naranasan ko na ang mga ganitong karahasan. Kahit ipakita ni Papa na matapang siya ay mas nanaig pa rin ang takot sa mga mata niya.Bigla naman niya akong niyakap at mabilis na binuhat ng marinig namin ang sunod-sunod na putok ng baril sa baba. Dahil doon ay nagsimula na akong manginig sa takot, buong lakas inihagis ni Papa pababa ang lubid at mabilis na bumaba habang buhat ako. Pero bago pa kami makaapak sa lupa ay napasigaw na lang ako ng nadaplisan kaming dalawa ni Papa sa balikat ng bala. Dahil isang bata na walang alam ay nagsimula na akong matakot ng makita kong puno ng dugo ang damit ni Papa. Dahil doon ay mabilis niya akong binaba at malakas na itinulak. Si
Yngrid "Yngrid, takbo!" Rinig kong sigaw ni Papa at basta na lamang hiniklat ang braso ko para makaalis sa lugar na tinatakasan namin ngayon. Kahit puno ng luha ang mga mata ko. Kahit nahihirapan na akong makasagap ng hangin ay pinilit ko pa rin ang sarili kong makasabay sa pagtakbo. Miski ako ay ramdam na ramdam ko na ang pagod ni Papa pero hindi kami puwedeng sumuko. Papatayin nila kami. Ang mga damit namin ay sira-sira na dahil sa mga sumasabit na mga sanga ng puno. Ang paa namin ay puro sugat at putik dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan. Ang itsura namin ay napupuno na ng dugo dahil nadaplisan kami ng bala ng baril. Sampung taon pa lamang ako ay ngayon ko lamang nararanasan ang makipaghabulan kay Kamatayan. Hindi ko alam kung ano ang pakay nila sa amin at hindi masabi sa akin ni Papa dahil bata pa raw ako at hindi ko pa naiintindihan ang nangyayari sa paligid ko. Nabigla na lamang ako ng bumagsak ang maliit kong katawan sa lupa. Napatingin ako kay Papa na ngayon ay impit na ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments