DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)

DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)

last updateLast Updated : 2024-02-04
By:   hnjkdi   Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
27Chapters
6.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Tubong Leyte si Danica, naive at may pagka-ignorante---sa madaling salita, probinsiyana. Walang pangarap at kontinto na lamang mamuhay sa bukirin kasama ng mga magulang. Tanging ang kaibigang si Lily at kasintahang si Andrie ang nakakasalamuha niya simula pa pagkabata. At nang dumating sa puntong kinailangang umalis ni Andrie para magtrabaho sa Maynila ay naging mahirap para kay Danica. Sobrang ma-mi-miss niya ito. Pero dahil sa may tiwala naman siya sa huli ay nagawa niya ring pumayag hawak ang pangakong babalikan siya nito. Pero paano kung mabalitaan niya na lamang na ikakasal na ito? Magagawa niya kayang ipaglaban ang kasintahan at isama pabalik ng Leyte O ibang groom ang kaniyang mabingwit?

View More

Latest chapter

Free Preview

PROLOGUE

Title: DYLAN’S OBSESSION Author: hnjkdi Genre: Romance DISCLAIMER: This is a work of fiction; Names, characters, businesses, places, events and incidents are only product of the author’s imagination. ___S I M U L A BITBIT ang sama ng loob at hinanakit ay buong tapang na binuksan ni Danica ang malaking pinto. Hindi siya makahinga dala nang paninikip ng kaniyang dibdib. At anumang oras ay maaari siyang himatayin. “Teka sandali!” ubod lakas na sigaw ng dalaga dahilan upang matuon sa kaniya ang lahat ng atensyon maliban sa groom. Muli ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Hindi niya mapigilan ang mga iyon at halos wala na siyang makita dahil sa panlalabo ng mga mata. “Pangga bakit naman? Akala ko ba ako ang gusto mong makasama habang buhay? Pero bakit ganito? Bakit ka magpapakasal sa iba?” Walang pakialam si Danica kahit pinagtitinginan na siya ng mga tao na animo’y kontrabida. Kahit pa tila tawang-tawa ang mga ito sa hitsura niya. Ano naman kung mukha siyang taga bundok, eh sa doon ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
peterrpopper
Omg! Highly Recommended ...️...️...️...️
2023-09-25 11:02:42
0
27 Chapters
PROLOGUE
Title: DYLAN’S OBSESSION Author: hnjkdi Genre: Romance DISCLAIMER: This is a work of fiction; Names, characters, businesses, places, events and incidents are only product of the author’s imagination. ___S I M U L A BITBIT ang sama ng loob at hinanakit ay buong tapang na binuksan ni Danica ang malaking pinto. Hindi siya makahinga dala nang paninikip ng kaniyang dibdib. At anumang oras ay maaari siyang himatayin. “Teka sandali!” ubod lakas na sigaw ng dalaga dahilan upang matuon sa kaniya ang lahat ng atensyon maliban sa groom. Muli ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Hindi niya mapigilan ang mga iyon at halos wala na siyang makita dahil sa panlalabo ng mga mata. “Pangga bakit naman? Akala ko ba ako ang gusto mong makasama habang buhay? Pero bakit ganito? Bakit ka magpapakasal sa iba?” Walang pakialam si Danica kahit pinagtitinginan na siya ng mga tao na animo’y kontrabida. Kahit pa tila tawang-tawa ang mga ito sa hitsura niya. Ano naman kung mukha siyang taga bundok, eh sa doon
last updateLast Updated : 2023-05-23
Read more
KABANATA 1
“HEY, Miss!”Mula sa pagpapaypay ng inihaw ay natuon ang atensyon ni Danica sa tinig na iyon. Kung kailan nag-day-off ang kasama niya at siya lang mag-isa, saka naman dumagsa ang mga kustomer. Sobrang wrong timing. Isa pang hindi niya maintindihan ay ‘yong kaya namang magpasweldo ng sandamakmak na trabahador ng kaniyang amo pero dala-dalawa lang silang waitress ng Café. Saglit na iniwan ni Danica ang ginagawa at lumapit sa bagong dating, isang foreigner at Filipina na sa tingin niya ay magkasintahan. Tuwing alas Kuwatro ng hapon hanggang hating gabi nagbubukas ang Isla Café. Nakahelira ito sa mga naglalakihang club sa Angeles kaya hindi nakapagtatakang karamihan sa pumapasok na kustomer ay mga banyaga. Sa labas nakapuwesto ang mga mesa na may tag-aapat na upuan, may malalaking payong rin ang bawat isa niyon na tila ipinasadya upang silungan. Napapalibotan rin ang espayo ng mga bulaklak na mas lalong nagpaganda sa lugar.Isang taon na rin ang lumipas simula noong ikasal ang noby
last updateLast Updated : 2023-05-24
Read more
KABANATA 2
ALAS Kwatro ymedya na ng hapon, araw ng sabado. Gaya ng mga naunang araw ay dagsa na naman ang kustomers sa Café. Pero hindi katulad kahapon pumasok na ang katrabaho ni Danica. Ang dalaga ang nakatoka sa pag-iihaw habang ang kasama niyang si Ellen ay kumukuha ng orders.“Danica, oh,” ani Ellen kay Danica sabay lapag ng maliit na papel sa bar. May sariling mini-bar sa labas kung saan nag-iihaw ang dalaga. Dito nakalagay ang kitchen utensils at ibang ladies’ drink maliban sa hard liqueurs kung saan siya ang naghahanda.T-3. 20 sticks of barbecue/hot spicy sauce.T-6. 35 sticks naman sa table 6.Iyon ang nakasulat sa papel.Ngunit hindi pa man nakapasok sa loob si Ellen ay napabalik na ito kasama ang kanilang amo na hawak-hawak ang ilong. “Oh my Gosh! Beh, samahan mo ako!” baling kay Danica ni Jean. Nagtataka man ay lumabas ng bar ang dalaga at napasunod sa amo.“Ellen ikaw na bahala rito!”“Yes, Ma’am!”KASALUKUYANG nasa isang surgeon clinic sila Danica. Mas pinili ng dalaga na ma
last updateLast Updated : 2023-05-24
Read more
KABANATA 3 (A)
DYLAN’S OBSESSIONKABANATA 3 (A)NASA harap ng kwartong may numerong 204 si Dylan sa isang private hospital sa Pampanga. He doesn’t know why his Grandfather wanted him to come all the way from Manila. Gamit ang isang private jet ng kanilang pamilya ay ipinasundo siya nito kanina para lang makita ang taong nasa loob. Napaka-importante naman nito at kailangan pang kanselahin lahat ng appointments niya para bukas.Sa edad na 27 isa na siyang CEO ng DM’s apparel, isa sa kilalang clothing line sa loob at labas ng Pilipinas. DM initials stand for Dylan Monteverde. Dahil sa nag-iisa siyang apo kaya isinunod ito sa pangalan niya.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago binuksan ang pinto. “Ma’am Jean..!” ang masiglang sambit ng isang babae. Nakangiti ito na kalaunan ay tila naging pilit.No way! Is this for real? Naguguluhang tanong sa isipan ng binata.Hindi niya alam kung paano magreact. That was a year ago. Sino ang mag-aakalang magkokrus uli ang mga landas nila?Sa i
last updateLast Updated : 2023-05-24
Read more
KABANATA 3 (B)
“DZAI. Sure kang ipapadala mo lahat ‘to sa Nanay mo?” ang tanong ni Lily kay Danica isang hapon. Nasa isang remittance ang dalawa para magpadala ng pera sa mga magulang ng huli.“Syempre nagtira rin ako para sa sarili ko.” “Oy baka kung saan ‘to galing, huh.”“Bigay nga ‘yan no’ng apo na muntik na makabangga sa akin.““Sila ba ‘yong naghatid sayo kanina?”“Oo. Nakita mo?” “Hindi. Ikaw lang naman ‘yong nakita ko.”Kaninang umaga lang nakalabas ng hospital si Danica. Inihatid pa siya ng mag-Lolo sa tinitirhan niya para raw alam ni Dylan kung saan siya pupuntahan. Maging sa kung saan siya nagtatrabaho ay inalam rin ng binata bago ito bumalik ng Manila. Binigyan si Danica ng bunos na day-off ng amo para makapagpahinga. Eksakto namang rest day rin ni Lily kaya nagpasama siyang lumabas.“Oh, ayan tapos na. I-vc natin si Mama,” pagkaraan ay wika ni Lily na kinuha ang cellphone. Ilang sandali pa ay may kausap na ito sa harap ng kamera. “Hi ‘Ma! Nagapadala po ako para kay Nanay Rosanna. P
last updateLast Updated : 2023-05-24
Read more
KABANATA 4
“MY parents are kind, whatever I say, that’s what they believe. Except for Grandpa, he is not that easy to convince,” lecture ni Dylan kay Danica habang papalabas sila ng elavator. Noong una ay medyo lumabas pa ‘yong pagka-ignorante ng dalaga na hindi na lamang ipinahalata. “Ganoon. Eh, paano mo napaniwala ‘yong Lolo mo?” “Magaling ako, kaya galingan mo.”Huminto sila sa harap ng isang malaking pinto kapagkuwan. At tila sasabog na ang dib-dib ni Danica sa kaba. Parang ang hirap ng gagawin niya. Okay lang para sa kaniya na alam ng pamilya ni Dylan na may nakaraan sila---pero ang makita ang mga ito ng personal, ibang usapan ‘yon.“Good evening, Sir,” pormal na bati ng dalawang naka-men in black sa kanila na noon ay nakabantay. Binuksan ng mga ito ang pinto. Daig pa nila ang mga politiko sa dami ng bantay. Sila na sikat. Sila na importante. Sa isip ni Danica.“Ready?” ang tanong sa kaniya ni Dylan na inalok ang kaliwang braso. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago ipinu
last updateLast Updated : 2023-06-16
Read more
KABANATA 5
“WHAT the f*cking hell was that?!” galit na tanong ni Dylan kay Danica nang mapag-isa sila sa kwarto nito. Nanginginig ang mga kamay ng dalaga sa takot habang nakaupo sa kama. “S-sorry..,” napahikbing sagot ni Danica. Hindi siya makatingin ng diretso rito. “Sorry? May ideya ka ba sa kalalabasan ng ginawa mo?” may himig iritang tanong ni Dylan.“W-wala.” Panay ang punas ni Danica ng mga luha kasabay nang pagdaloy sa kaniyang isipan ang eksena kaninang umaga.Pasado alas Tres na no’ng palabas na siya ng bahay para mag-abang ng tricycle. Kinailangan niya pang tapusin ang mga gawain sa bahay para wala nang abala pag-kauwi nilang tatlo mamaya.Isang kulay itim na sasakyan ang huminto sa kaniyang harapan makaraan ang ilang sandali. Dahil sa hindi niya na makita ang paparating na mga sasakyan ay naglakad na lamang siya nang kaonti para pumara sa unahan. Pero laking gulat niya nang harangan siya ng apat na lalaki. Pamilyar sa kaniya ang mga suot nito. “B-bakit ho?” kinakabahang tano
last updateLast Updated : 2023-06-16
Read more
KABANATA 6
MABILIS lumipas ang panahon. Isang taon na rin simula no’ng aksidenteng napagkamalan ni Danica si Dylan bilang si Andrie. At sa tinagal-tagal nga ng panahong muling nagkrus ang kanilang mga landas, sa simbahan rin ang tuloy. “Ma’am, baba na po.”Tumalima si Danica sa utos ng bantay. Ipinagbukas siya nito ng pinto. Nakakatawa, hanggang sa kasal niya ay nakaitim ang mga ito.Eksaktong pagtapak niya sa aisle ay pumainlang ang isang sikat na awitin. Lahat ng mga mata mula sa loob ay sa gawi niya nakatingin na tila hinintay ang kaniyang pagdating.[IkAW AT AKO by Moira Dela Torre]- Sabi nilaBalang araw daratingAng iyong tanging hinihiling..Tila slow motion ang ginawa niyang paglakad. Sobrang bigat ng kaniyang mga paa. Pangarap niyang maikasal.. pero sa taong mahal niya.Pasimple niyang hinanap ang kinaroroonan ng mga mahal niya at nakakatuwang mababakas sa mukha ng mga ito ang kaligayahang sa pag-aakalang ganoon rin ang nararamdaman niya.- At no’ng dumatingAng aking panalangin
last updateLast Updated : 2023-06-16
Read more
KABANATA 7
LAKING pasalamat ni Danica nang makitang lumabas na ng gate ang kotse ni Dylan. Mula sa guest room kung nasaan ang kaibigang si Lily ay patago niyang sinilip sa malaking bintana ang pag-alis nito.“Sino ba sinisilip mo?”Agad na umalis si Danica mula sa bintana at umupo sa kama. Kalalabas lang ng banyo ng kaibigan niyang si Lily.“Si Ate Sheila?” bagkus ay tanong niya.“Nasa kabilang guest room. Tulog pa yata,” sagot ni Lily na nagpahid ng lotion sa katawan. “Talagang kinarer ‘yong five days leave namin.”“Tsk, buti pinayagan kayong sabay mag-leave, noh?” Ngumuso na sabi ni Danica na bahagyang humiga.“Ano ka ba. Si Ate She pa ba? Eh, malakas ‘yon sa manager. Kaya nga ako nakapasok nang walang kahirap-hirap ‘di ba?”“Opo,” usal ni Danica na tuluyan nang humiga.“Luh, dzai maiba ako. Okay naman pala ‘yong Asawa ni pinsan..!” kapagkuwan ay pag-iiba ni Lily. “Nakakatuwang kausap.”Tila bolang naglaho ang kanina’y magandang mood ni Danica. Napabangon ito at tila nanunumbat na tumingin kay
last updateLast Updated : 2023-06-16
Read more
KABANATA 8 (A)
NAALIPUNGATANG nagmulat si Danica ng mga mata. Si Dylan ang una niyang nasilayan habang nakapangalumbabang nakatunghay sa kaniya, pangiti-ngiti.“Can I have my goodbye kiss?”Umirap siya. Kahit sa panaghinip nang-aasar si ATM boy. At bago pa man siya makasagot ay dumukwang na ito at mabilis siyang ginawaran ng halik. Asar na isinubsob niya ang mukha at pumikit ulit.“HOY, dzaiiii!”Ngiwing napabalikwas si Danica ng bangon dahil sa tili ni Lily. Pakiramdam niya nabasag ang kaniyang eardrums sa pagsigaw nito.“Arat sa baba. Pa-barbecue party si Mommy Cassandra mo bago kami gumora mamaya.” “H-ha?”“Dali na! Bihis na at nang makapag-almusal ka na. Tutulungan mo pa kaming mag-ihaw!”Nakapikit pa ang kabila niyang mata nang hilain siya pababa ng kama ni Lily. Wala siyang nagawa kundi ang magpatangay rito.SA likod ng mansyon kung saan naroon ang pool ay napili ni Danica na doon mag-almusal. Sina Lily at Sheila ay abala sa pag-iihaw. Ang Nanay at Mommy niya ay nasa pasemano ng pool at muk
last updateLast Updated : 2023-06-16
Read more
DMCA.com Protection Status