“WHAT the f*cking hell was that?!” galit na tanong ni Dylan kay Danica nang mapag-isa sila sa kwarto nito. Nanginginig ang mga kamay ng dalaga sa takot habang nakaupo sa kama. “S-sorry..,” napahikbing sagot ni Danica. Hindi siya makatingin ng diretso rito. “Sorry? May ideya ka ba sa kalalabasan ng ginawa mo?” may himig iritang tanong ni Dylan.“W-wala.” Panay ang punas ni Danica ng mga luha kasabay nang pagdaloy sa kaniyang isipan ang eksena kaninang umaga.Pasado alas Tres na no’ng palabas na siya ng bahay para mag-abang ng tricycle. Kinailangan niya pang tapusin ang mga gawain sa bahay para wala nang abala pag-kauwi nilang tatlo mamaya.Isang kulay itim na sasakyan ang huminto sa kaniyang harapan makaraan ang ilang sandali. Dahil sa hindi niya na makita ang paparating na mga sasakyan ay naglakad na lamang siya nang kaonti para pumara sa unahan. Pero laking gulat niya nang harangan siya ng apat na lalaki. Pamilyar sa kaniya ang mga suot nito. “B-bakit ho?” kinakabahang tano
MABILIS lumipas ang panahon. Isang taon na rin simula no’ng aksidenteng napagkamalan ni Danica si Dylan bilang si Andrie. At sa tinagal-tagal nga ng panahong muling nagkrus ang kanilang mga landas, sa simbahan rin ang tuloy. “Ma’am, baba na po.”Tumalima si Danica sa utos ng bantay. Ipinagbukas siya nito ng pinto. Nakakatawa, hanggang sa kasal niya ay nakaitim ang mga ito.Eksaktong pagtapak niya sa aisle ay pumainlang ang isang sikat na awitin. Lahat ng mga mata mula sa loob ay sa gawi niya nakatingin na tila hinintay ang kaniyang pagdating.[IkAW AT AKO by Moira Dela Torre]- Sabi nilaBalang araw daratingAng iyong tanging hinihiling..Tila slow motion ang ginawa niyang paglakad. Sobrang bigat ng kaniyang mga paa. Pangarap niyang maikasal.. pero sa taong mahal niya.Pasimple niyang hinanap ang kinaroroonan ng mga mahal niya at nakakatuwang mababakas sa mukha ng mga ito ang kaligayahang sa pag-aakalang ganoon rin ang nararamdaman niya.- At no’ng dumatingAng aking panalangin
LAKING pasalamat ni Danica nang makitang lumabas na ng gate ang kotse ni Dylan. Mula sa guest room kung nasaan ang kaibigang si Lily ay patago niyang sinilip sa malaking bintana ang pag-alis nito.“Sino ba sinisilip mo?”Agad na umalis si Danica mula sa bintana at umupo sa kama. Kalalabas lang ng banyo ng kaibigan niyang si Lily.“Si Ate Sheila?” bagkus ay tanong niya.“Nasa kabilang guest room. Tulog pa yata,” sagot ni Lily na nagpahid ng lotion sa katawan. “Talagang kinarer ‘yong five days leave namin.”“Tsk, buti pinayagan kayong sabay mag-leave, noh?” Ngumuso na sabi ni Danica na bahagyang humiga.“Ano ka ba. Si Ate She pa ba? Eh, malakas ‘yon sa manager. Kaya nga ako nakapasok nang walang kahirap-hirap ‘di ba?”“Opo,” usal ni Danica na tuluyan nang humiga.“Luh, dzai maiba ako. Okay naman pala ‘yong Asawa ni pinsan..!” kapagkuwan ay pag-iiba ni Lily. “Nakakatuwang kausap.”Tila bolang naglaho ang kanina’y magandang mood ni Danica. Napabangon ito at tila nanunumbat na tumingin kay
NAALIPUNGATANG nagmulat si Danica ng mga mata. Si Dylan ang una niyang nasilayan habang nakapangalumbabang nakatunghay sa kaniya, pangiti-ngiti.“Can I have my goodbye kiss?”Umirap siya. Kahit sa panaghinip nang-aasar si ATM boy. At bago pa man siya makasagot ay dumukwang na ito at mabilis siyang ginawaran ng halik. Asar na isinubsob niya ang mukha at pumikit ulit.“HOY, dzaiiii!”Ngiwing napabalikwas si Danica ng bangon dahil sa tili ni Lily. Pakiramdam niya nabasag ang kaniyang eardrums sa pagsigaw nito.“Arat sa baba. Pa-barbecue party si Mommy Cassandra mo bago kami gumora mamaya.” “H-ha?”“Dali na! Bihis na at nang makapag-almusal ka na. Tutulungan mo pa kaming mag-ihaw!”Nakapikit pa ang kabila niyang mata nang hilain siya pababa ng kama ni Lily. Wala siyang nagawa kundi ang magpatangay rito.SA likod ng mansyon kung saan naroon ang pool ay napili ni Danica na doon mag-almusal. Sina Lily at Sheila ay abala sa pag-iihaw. Ang Nanay at Mommy niya ay nasa pasemano ng pool at muk
ASAR na sumunod si Dylan kay Danica. Ramdam niya ang pag-iinit ng puson sa kabila nang malamig na tubig. D*mn! He cursed. He doesn’t know how it started but after that night he have got the feeling of wanting her again and again. He’s not saying he never slept with other women before, but Danica is different. There is somethin’ in her he think he’s obsessed with---and that is what he wanna figure out.Mabilis na ipinulupot ni Dylan ang mga braso sa beywang ng Asawa pagkarating sa likod nito. Bahagyang napa-igtad si Danica subalit mas lalo pa niya itong niyakap upang hindi na muli pang makatakas.“Ang cute niyong tingnan,” komento ni Fancine. Nakaupo ito sa pasemano ng pool habang nakapatong ang mga kamay sa balikat ni Andrie na noon ay nasa tubig. “Curious lang, isang taon na rin kayong kasal, wala pa rin ba kayong planong magka-baby?” He instead burst a question, looking at Danica’s EX. Funny, but seeing the guy’s face is kinda irritating to him.Hindi makatingin ng diretso si
DAPIT hapon na nang ihatid nina Danica at Dylan sa airport sila Lily at Sheila, kasama ang mag-Asawang Andrie at Francine. Hindi na sumama ang Ina ng dalaga gawa nang napagod ito kanina. May edad na rin ito kaya mabilis makaramdam nang ganoon.“Salamat nang marami. Nag-enjoy kami ni Lily,” ani Sheila .“Ingat kayo.” Si Dylan.“Sana magkaroon tayo ulit ng time magbonding,” nakangiting singit ni Francine. Ngumiti si Sheila bilang tugon. Tumingin ito kay Andrie pero hindi naman nagsalita. Simula noong dumating ang mga ito ay hindi pa ito nakipag-usap kay Andrie maliban kay Francine. Pakiramdam niya may problema ang tatlo, o hindi kaya ay may kinalaman ito sa kaniya.Umere ang isang tinig hudyat nang pag-alis na ng eroplanong sasakyan nina Lily at Sheila.“Oh dzai, mami-miss kita,” ani Lily na yumakap kay Danica. Ganoon din si Sheila. “Tawagan kita kapag nakarating na kami ng Pampanga.”Malungkot na ngumiti si Danica. Wala na naman siyang makakausap sa mansyon. Aalis na rin ang kaniyan
NAALIPUNGATAN si Danica sa sunod-sunod na katok mula sa pinto. Bago pa man siya makabangon ay sumungaw na ang ulo ni yaya Aida. “Ma’am, hinihintay na po kayo sa baba.” Papungas-pungas siyang tumango saka tuluyang bumangon. Ngayong araw nga pala ang uwi ng kaniyang Inay at Itay ng Leyte. Muntik niya nang makalimutan. “Sabihin ko bang baba po kayo, Ma’am? Mukhang napagod po yata kayo,” nanunudyo pang dagdag ni yaya Aida na ngumisi. Saka niya lang naintindihan ang katulong nang mapadako ang mga mata sa bagay na tinitingnan nito. “B-bababa ho,” nahihiya niyang sagot sabay hablot ng kaniyang undies sa kama. Pakiramdam niya umakyat lahat ng dugo niya sa mukha. “Sige po.” Kagat ang pang-ibabang labi na bumaba siya ng kama at tumuloy sa banyo. Wala na si Dylan na ipinagpasalamat niya. Matapos nang ginawa niya kagabi hindi niya alam kung ano’ng mukhang ihaharap uli rito. Agad siyang naligo at nagbihis pagkatapos. Isang kulay navy na bestida, may maikling manggas at hanggang tuhod ang
NAGISING si Danica sa sunod-sunod na tunog mula sa kaniyang messenger kinaumagahan. Kahit nakapikit pa ang kabilang mata ay sabik niyang inabot ang cellphone sa ibabaw ng drawer desk. Napangiti siyang binasa ang mensahe ng bagong kaibigang nakilala niya lamang kagabi. Si SpongeBob. Bigla itong nag-pop-up sa message request at nalaman niyang kababayan niya ito kaya ganoon na lamang ang kaniyang tuwa. Bukod kina Lily at Sheila, natutuwa siyang magkaroon ng kaibigang kababayan sa Facebook. Tuluyan na siyang napabangon at tumipa ng mensahe.Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon noon na ma-expose sa social media dahil sa wala siyang cellphone. Sapat lang ang kinikita ng mga magulang niya sa pagsasaka para sa pang-araw-araw nilang pangangailangan. Bukod pa roon, hindi siya nahilig sa mga ganoon, masaya na siyang gawin ang mga simpleng bagay kasama ng kaniyang mga kaibigan at ni Andrie. “Who’s that?”Awtomatikong lumipad ang mga mata ni Danica sa pinto ng banyo. “T-teka, hindi ba dapat kani
“CONGRATULATIONS, Mrs. Monteverde! You are 13 weeks pregnant!” kompirma ng ob-gyn na tumingin kay Danica isang umaga. Talagang hindi siya tinantanan ng kaniyang ama hangga’t hindi sila maihatid ng kaniyang Nanay Rosanna sa isang pribadong clinic sa lungsod ng Hilongos.Gamit ang isang modernong aparato ay kitang-kuta niya sa monitor ang maliit na pigura sa loob ng kaniyang sinapupunan. Bukod pa roon, rinig niya rin ang malakas na tibok ng puso ng kaniyang munting anghel.“Ay Diyos ko! Congrats, anak!” tuwang bulalas rin ng kaniyang ina na sinamahan siya sa kwarto para ma-ultrasound.Wala siyang makapang salita, at tanging mahinang paghikbi lamang ang nagawa niya sa mga oras na iyon. Hindi mapagsidlan sa tuwa ang puso niya dahil sa nakompirma. Magkaka-baby na sila ni Dylan. Magkakaroon na siya nang matatawag niyang kaniya mula sa katipan. Pero sa kabila no’n, may isang parte ng puso niya ang nalungkot. Alam niya kasi sa sarili na malabo nang magsama pa sila ni Dylan.MAS lalo pang sum
HINDI magkamayaw sa tuwa ang mga magulang ni Danica nang makita ang pagbaba niya mula sa tricycle. Mula sa maliit nilang tindahan ay napatakbo palabas ang kaniyang ina para salubungin siya, ganoon din ang kaniyang itay na nagwawalis sa kanilang bakoran.“Anak, bakit naman hindi mo sinabing uuwi ka?” ang masiglang tanong pa ng kaniyang Nanay Rosanna.“Oo nga naman, anak. Nakapagluto sana kami ng nanay mo ng mga paborito mong pagkain,” wika rin ng kaniyang Tatay Ernesto.“Eh, hindi na po sorpresa ‘yon.” Dunukot si Danica ng limang daan sa bag at ibinigay iyon sa tricycle driver. “Iyan na po ba ang bahay natin?” tukoy niya sa isang konkretong bungalow sa harapan. Dati sa bundok at maliit na kubo lamang sila nakatira, ngayon ay nakikita niyang mas maganda na ang kalagayan ng mga magulang niya sa baryo. “Oo, anak. Dalawa ang silid diyan. Pinasadya talaga ang isa para sayo,” tugon ng kaniyang ina na hindi na matanggal-tanggal ang ngiti sa mga labi. Alam niyang nasasabik din itong magkit
“HELLOOO?! Ang sabi ko, give Papa Dee a space, hindi ko sinabing mag-alsa-balutan ka!” Bahagyang nailayo ni Danica ang cellphone niya sa tenga dahil sa pagtaas ng boses ni Lily sa kabilang linya.“Por Diyos po santo naman, dzai! Anong sasabihin ko kapag hinanap ka sa ‘kin ng asawa at in-laws mo?”“Nagpaalam naman na ako kay Mommy,” tugon niya na muling ibinalik ang cellphone sa tenga. “Pinayagan ka?” “O-oo,” aniya na hinawi ang kurtina ng bintana para sumilip sa labas. Sakay siya ng isang bus pauwi ng Samar.Pinayagan naman talaga siya, basta’t magpaalam lang daw siya kay Dylan which was ‘di niya ginawa. Hindi niya rin sinabing uuwi siya ng Samar, ang paalam niya ay magbabakasyon siya panadalian kina Lily.Isa pa, para namang may pakialam si Dylan sa kaniya. Sa ngayaon ay lango na ito sa sarap sa piling ng iba.Hindi niya napigilan ang pagngilid ng mga luha sa mata nang maglaro sa isipan ang eksenang nadatnan niya kahapon.Limang araw na rin ang lumipas matapos ang launching ng DM.
PALIHIM na hinanap ni Dylan ang asawa. Hinayaan niya muna ito kay Lily kanina habang abala siya sa mga kausap niya. Matagal na hindi nagkita ang dalawa kung kaya’t gusto niyang sulitin ng mga ito ang oras na magkasama. Isa pa, alam niyang walang ka-amor-amor si Danica pagdating sa usaping negosyo. Baka mabagot lamang ito. Hindi siya nabigo. Nakita niya si Danica. Pero bukod kay Lily naroon din ang mag-asawang Francine at Andrie. At hindi niya nagustuhan ang ideyang iyon. Hindi pwedeng magsama ang dalawa, aniya. Nakaramdam siya ng pag-aalala nang mabanaag ang lungkot sa mukha ng asawa. At sa tingin niya ay si Andrie na naman ang dahilan niyon. Kaya nang tumayo si Danica at umalis ay hindi na siya nagtaka. Marahil ay magtatago na naman ito sa isang sulok para umiyak, at naiinis siyang isipin iyon. Pero ang hindi niya inasahan ay ang ginawa ring pagtayo ni Andrie. Lihim siyang napamura. No way! Agad siyang umalis sa kumpulan para sundan si Andrie. Ni hindi na siya nagpaalam pa sa
DUMATING na rin ang gabi ng grand event ng DM’s Apparel makalipas ang tatlong buwan, ang launching ng mga bagong designs nito with Venice. Naging matagumpay naman ang naturang event. Sa katunayan, mas dumami pa ang potential investors sa dalawang kompanya. “Hoy dzai, hinay-hinay lang, mukha kang dead hungry!” histerikal na saway ni Lily kay Danica. Nakadalawang plato na ito ng pagkain at mukhang magkakaroon pa ng pangatlo.Pero imbes na sumagot ay isang irap ang isinukli ni Danica kay Lily bago sumubo ng steak. Inimbitahan niya ito at si Sheila para hindi siya ma-out of place kung sakali pero hindi nakarating ang huli dahil sa may importante itong lakad.“Hay, Diyos ko naman! Hindi ka ba pinapakain ni Dylan?”“Hindi,” maikling sagot ni Danica para lang matigil ang kaibigan. Wala siya sa mood kanina pa at sa kinakain niya ibinubuhos ang sama ng loob.“Joke ba ‘yan? Hindi kasi halata.”Tumigil si Danica sa pagkain at napahalukipkip. Gusto niyang batukan ang kaibigan dahil sa kadaldl
MAY paghangang pinagmasdan ni Danica ang walong palapag ng DM’s Apparel. Tunay ngang napakaganda nito.Ang dahilan kung bakit siya napasugod ay sa kagustuhang sorpresahin si Dylan. Ipinagluto niya ito ng pagkain bago siya nagpunta ng salon kaninang umaga.Dahil sa kadal-dalan ni Aida kahapon ay napa-stalked tuloy siya sa I*******m ng ex-wife-to-be ni Dylan. Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng panliliit sa katotohanang wala siya ni sa kalingkingan nito.Jeanie Ferrer ang buong pangalan nito. Galing sa isang sikat, mayamang pamilya, at nag-iisang Anak. Nagtapos sa kursong nursing sa abroad. “Tatawagan ko lang po si Sir.”“Ay, huwag!” Naibulalas ni Danica na nilingon si Jenard.Nagtataka man ay tumango ang bodyguard at saka isnukbit sa bulsa ang cellphone.“M-maganda na po ba ako kuya Jenard?” Nahihiya pang tanong ni Danica sa bodyguard kapagkuwan.“Maganda naman po talaga kayo, Ma’am.”“Ibig kong sabihin, kumusta po hitsura ko?” giit niyang tanong. Tatlong oras ang ginugol niya
IHINATID muna ni Dylan at Danica sina Lily at Sheila sa kanilang trabaho kinabukasan bago sila bumyahe pabalik sa Manila.“Ahm, Dylan..,” untag ni Danica sa katipan. Wala itong imik kanina pa at sa manebila lamang nakatuon ang atensyon. “Bakit?”Pinagmasdan lang ni Danica si Dylan. Gusto niyang pag-usapan ang tungkol kagabi subalit nahihiya siyang itanong iyon. Baka kasi, iba lang iyong pagkakaintindi niya.Ang totoo, binabagabag siya sa tinuran nito. Magdamag siyang hindi nakatulog nang maayos. Gusto niyang isiping may nararamdaman ito sa kaniya, pero wala naman itong sinasabing ganoon. Sa kaso ni Dylan, hindi ito mahirap mahalin. Mabait ito at magalang, nakikita niya iyon sa kung paano nito tratuhin ang mga magulang niya noong nasa mansyon pa ang mga ito. Pinagawa rin sila ng bahay nito nang hindi niya alam. Suplado si Dylan kung minsan pero lagi naman nitong pinaparamdam na espesyal siya sa mga simpleng paghalik nito sa kaniyang noo at sa kung paano ito mag-alala. “W-wala..,” u
NAGISING si Dylan dahil sa tunog ng alarmed clock. Nakapikit niyang inabot iyon para i-off saka bumangon. Nakaramdam siya ng pagkahilo. Sinapo niya ang mukha gamit ang dalawang palad at nagpahinga. Kagabi pa mabigat ang pakiramdam niya at para siyang lalagnatin. Tuluyan na siyang bumaba ng kama makaraan matapos makapagpahinga. Tinungo niya ang banyo at dinusta ang sarili. “ARE you okay, Dylan?” puna ng kaniyang Daddy. Kasalukuyan siyang kumakain ng agahan kasama ang mga magulang at kaniyang Lolo. Tinaponan niya ito ng tingin at tipid na sumagot. “Yeah.” “No, you don’t look like one, baby. You looked pale. Are you sick?” puna rin ng kaniyang Mommy Cassandra na noon ay nakatingin sa kaniya maging ang kaniyang Lolo. Bakas sa mukha ng mga ito ang pag-aalala. “You’ve dealt with Venice successfully, Grandson. It’s okay to take a break. Si Enrico na muna ang bahala sa kompanya for the meantime,” anang kaniyang Lolo. Hindi siya nagsalita. Tahimik niyang nilalaro ang pagkaing nasa harapan
DAPIT hapon na nang magising si Danica. Eksakto ring naulingonan niya ang sunod-sunod na katok mula sa pinto. Tuluyan na siyang bumangon at tinungo ang pinto.“Bakit ho?” ang tanong niya nang pagbuksan ang landlady.“Baka kako di ka pa kumain. Dinalhan kita ng pinangat,” anito na tinutukoy ang laman ng dalang tupperware. Napangiti si Danica na kinuha iyon. Matagal na rin siyang hindi nakatikim niyon. Simula kasi no’ng tumira siya sa mansyon ng mga Monteverde hindi na niya nakakain ang mga pagkaing nakasanayan na niya. “Salamat po.”“Pwede kang mag-stay muna sa bahay habang wala pa ang dalawa,” pagmamagandang loob pa ng landlady.“Ay okay lang po, te. Darating na rin ho sina Lily at Ate Sheila maya-maya,” tangging wika ni Danica.“Ganoon ba. Osiya sige. Nasa bahay lang ako kapag may kailangan ka.”Muli ay ngumiti si Danica. Likas talagang mabait ang kausap kahit na noong dito pa siya nakatira.“Sige po. Salamat ulit.”INIHANDA ni Danica ang hapagkainan, ininit na rin niya ang mga pagk