MAKAILANG ulit naghilamos si Danica bago lumabas ng comfort room. Ayaw niyang mahalata ng Mommy Cassandra niya at ni Francine ang lihim niyang pag-iyak. Baka kung ano pa ang isipin ng mga ito. Pero taliwas sa inaasahang makakahinga na siya nang maluwag dahil sa pag-alis ng dating nobyo ay nagkamali siya. Naabotan niya ito sa labas ng comfort room. Hindi pa pala ito tuluyang umalis.“Dan,” sambit nitong aktong lalagpasan niya. “please don’t act as if you don’t know me.”Huminga siya nang malalim bago ito hinarap.“Ano gusto mo gawin ko? Sabihin sa kanila na EX mo ‘ko?” aniya na natawa nang mapakla.“No it’s not that.”Muli siyang huminga nang malalim at mapait na ngumiti. Hindi niya na napigilan ang pagngilid ng mga luha niya sa mata. “Eh, ano? Gusto mo umarte ako ng normal kahit alam mong nasasaktan ako?” “Dan..!”“Huwag kang lalapit!” asik niya. Bahagya rin siyang napaatras dahil sa pghakbang ni Andrie.“I still love you, Dan. Alam kong ganoon ka rin,” wika ni Andrie makaraan. “Pw
ALIW na pinagmasdan ni Danica ang mga kuhang litrato mula sa kaniyang cellphone habang nakahiga sa mahabang sopa. Kanina pa umalis si Dylan kaya’t nililibang na lamang niya ang sarili sa pagkuha ng mga litrato mula sa babasaging dingding kung saan kita ang matatayog na gusali at kumikinang na ilaw ng siyudad.Subalit naudlot sa ginagawa si Danica nang tumunog ang kaniyang messenger. Napangiti siya nang lumitaw ang icon avatar ni Spongebob. Dahil sa naka-activate naman ang kaniyang International roaming kung kaya’t malaya siyang makapag-online. Ang totoo, kanina pa siya nababagot. Hindi niya mahagilap si Lily at Sheila kung kailan kailangan niya nang makakausap. At laking pasasalamat nga niya na nagparamdam ang bagong kaibigan.Magaan ang loob ni Danica kay Spongebob. Pakiramdam niya ay matagal na niya itong kakilala kaya madali niya itong nakapalagayan ng loob. Sa katunayan, nagawa niyang sabihin rito ang lahat ng sama ng loob, maging ang pag-uusap nila ng dating nobyo no'ng isang
“BABE, come on, it’s past 7 in the morning may appointment pa ako.”Inis na isinubsob ni Danica ang mukha sa unan dahil sa pangungulit ni Dylan. Kanina pa siya nito binubulahaw at ayaw siyang tigilan.Gusto niyang humilata at matulog buong araw dahil sa pagod at puyat. Hindi siya nito pinatulog kaninang madaling araw. Ni hindi niya na nga nagawang magbihis dala ng pamimigat ng mga mata.Maya-maya ay narinig niya ang mga yabag ni Dylan papunta sa kaniya.“Babe..”“Hemm.”Naramdaman niya ang paghalik ni Dylan sa buhok niya bago nagsalita.“Okay, I’ll let you rest. But you have to eat your breakfast first, nag-oder na ako.”Muli siyang umungol bilang tugon. Pati pagsasalita ay ayaw niyang gawin.“I’ll be out for awhile, pagbalik ko lalabas tayo.”Noon siya nag-angat ng mukha at nilingon si Dylan. Gumuhit ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi sa sinabi nito. Kahapon pa niya gustong mamasyal at magliwaliw pero wala siyang kasama.“Talaga? Promise ‘yan, ah!” bigla ay na-fully charged ni
EKSAKTONG alas Dos ng hapon dumating ng Pilipinas ang mag-Asawa. Si Danica ay sinalubong agad ng biyanang babae pagkatuntong pa lamang sa bungad ng pinto. Mas nauna pa siya nitong kamustahin kaysa kay Dylan. Kesyo na-miss raw siya nito at marami silang pag-uusapan. Agad siya nitong inakay papuntang harden at ipinagmalaki ang bago nitong kinahuhumalingan, mga bagong collection ng iba’t-ibang klase ng bulaklak. Si Dylan naman ay naiwan sa sala kasama ng Lolo at Ama nito at mukhang seryuso ang pag-uusapan. “Here, sweetheart. But you have to promise me na iingatan mo ‘yan, huh,” ani Cassandra na inabot ang isang photo album kay Danica nang ayain siya nito sa kwarto pagkaraan. Naiintrigang binuksan agad iyon ni Danica. “Si Dylan po ito?” nangingitting tanong niya sa biyanan na tinutukoy ang nasa larawan. Ito ‘yong hinihingi niya bago sila lumipad papuntang England ni Dylan. Kuha iyon ng Katipan na nakabihis pambabae mula edad dalawa hanggang anim na taong gulang. “Yeah, since Anak naman
DAPIT hapon na nang magising si Danica. Eksakto ring naulingonan niya ang sunod-sunod na katok mula sa pinto. Tuluyan na siyang bumangon at tinungo ang pinto.“Bakit ho?” ang tanong niya nang pagbuksan ang landlady.“Baka kako di ka pa kumain. Dinalhan kita ng pinangat,” anito na tinutukoy ang laman ng dalang tupperware. Napangiti si Danica na kinuha iyon. Matagal na rin siyang hindi nakatikim niyon. Simula kasi no’ng tumira siya sa mansyon ng mga Monteverde hindi na niya nakakain ang mga pagkaing nakasanayan na niya. “Salamat po.”“Pwede kang mag-stay muna sa bahay habang wala pa ang dalawa,” pagmamagandang loob pa ng landlady.“Ay okay lang po, te. Darating na rin ho sina Lily at Ate Sheila maya-maya,” tangging wika ni Danica.“Ganoon ba. Osiya sige. Nasa bahay lang ako kapag may kailangan ka.”Muli ay ngumiti si Danica. Likas talagang mabait ang kausap kahit na noong dito pa siya nakatira.“Sige po. Salamat ulit.”INIHANDA ni Danica ang hapagkainan, ininit na rin niya ang mga pagk
NAGISING si Dylan dahil sa tunog ng alarmed clock. Nakapikit niyang inabot iyon para i-off saka bumangon. Nakaramdam siya ng pagkahilo. Sinapo niya ang mukha gamit ang dalawang palad at nagpahinga. Kagabi pa mabigat ang pakiramdam niya at para siyang lalagnatin. Tuluyan na siyang bumaba ng kama makaraan matapos makapagpahinga. Tinungo niya ang banyo at dinusta ang sarili. “ARE you okay, Dylan?” puna ng kaniyang Daddy. Kasalukuyan siyang kumakain ng agahan kasama ang mga magulang at kaniyang Lolo. Tinaponan niya ito ng tingin at tipid na sumagot. “Yeah.” “No, you don’t look like one, baby. You looked pale. Are you sick?” puna rin ng kaniyang Mommy Cassandra na noon ay nakatingin sa kaniya maging ang kaniyang Lolo. Bakas sa mukha ng mga ito ang pag-aalala. “You’ve dealt with Venice successfully, Grandson. It’s okay to take a break. Si Enrico na muna ang bahala sa kompanya for the meantime,” anang kaniyang Lolo. Hindi siya nagsalita. Tahimik niyang nilalaro ang pagkaing nasa harapan
IHINATID muna ni Dylan at Danica sina Lily at Sheila sa kanilang trabaho kinabukasan bago sila bumyahe pabalik sa Manila.“Ahm, Dylan..,” untag ni Danica sa katipan. Wala itong imik kanina pa at sa manebila lamang nakatuon ang atensyon. “Bakit?”Pinagmasdan lang ni Danica si Dylan. Gusto niyang pag-usapan ang tungkol kagabi subalit nahihiya siyang itanong iyon. Baka kasi, iba lang iyong pagkakaintindi niya.Ang totoo, binabagabag siya sa tinuran nito. Magdamag siyang hindi nakatulog nang maayos. Gusto niyang isiping may nararamdaman ito sa kaniya, pero wala naman itong sinasabing ganoon. Sa kaso ni Dylan, hindi ito mahirap mahalin. Mabait ito at magalang, nakikita niya iyon sa kung paano nito tratuhin ang mga magulang niya noong nasa mansyon pa ang mga ito. Pinagawa rin sila ng bahay nito nang hindi niya alam. Suplado si Dylan kung minsan pero lagi naman nitong pinaparamdam na espesyal siya sa mga simpleng paghalik nito sa kaniyang noo at sa kung paano ito mag-alala. “W-wala..,” u
MAY paghangang pinagmasdan ni Danica ang walong palapag ng DM’s Apparel. Tunay ngang napakaganda nito.Ang dahilan kung bakit siya napasugod ay sa kagustuhang sorpresahin si Dylan. Ipinagluto niya ito ng pagkain bago siya nagpunta ng salon kaninang umaga.Dahil sa kadal-dalan ni Aida kahapon ay napa-stalked tuloy siya sa I*******m ng ex-wife-to-be ni Dylan. Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng panliliit sa katotohanang wala siya ni sa kalingkingan nito.Jeanie Ferrer ang buong pangalan nito. Galing sa isang sikat, mayamang pamilya, at nag-iisang Anak. Nagtapos sa kursong nursing sa abroad. “Tatawagan ko lang po si Sir.”“Ay, huwag!” Naibulalas ni Danica na nilingon si Jenard.Nagtataka man ay tumango ang bodyguard at saka isnukbit sa bulsa ang cellphone.“M-maganda na po ba ako kuya Jenard?” Nahihiya pang tanong ni Danica sa bodyguard kapagkuwan.“Maganda naman po talaga kayo, Ma’am.”“Ibig kong sabihin, kumusta po hitsura ko?” giit niyang tanong. Tatlong oras ang ginugol niya
“CONGRATULATIONS, Mrs. Monteverde! You are 13 weeks pregnant!” kompirma ng ob-gyn na tumingin kay Danica isang umaga. Talagang hindi siya tinantanan ng kaniyang ama hangga’t hindi sila maihatid ng kaniyang Nanay Rosanna sa isang pribadong clinic sa lungsod ng Hilongos.Gamit ang isang modernong aparato ay kitang-kuta niya sa monitor ang maliit na pigura sa loob ng kaniyang sinapupunan. Bukod pa roon, rinig niya rin ang malakas na tibok ng puso ng kaniyang munting anghel.“Ay Diyos ko! Congrats, anak!” tuwang bulalas rin ng kaniyang ina na sinamahan siya sa kwarto para ma-ultrasound.Wala siyang makapang salita, at tanging mahinang paghikbi lamang ang nagawa niya sa mga oras na iyon. Hindi mapagsidlan sa tuwa ang puso niya dahil sa nakompirma. Magkaka-baby na sila ni Dylan. Magkakaroon na siya nang matatawag niyang kaniya mula sa katipan. Pero sa kabila no’n, may isang parte ng puso niya ang nalungkot. Alam niya kasi sa sarili na malabo nang magsama pa sila ni Dylan.MAS lalo pang sum
HINDI magkamayaw sa tuwa ang mga magulang ni Danica nang makita ang pagbaba niya mula sa tricycle. Mula sa maliit nilang tindahan ay napatakbo palabas ang kaniyang ina para salubungin siya, ganoon din ang kaniyang itay na nagwawalis sa kanilang bakoran.“Anak, bakit naman hindi mo sinabing uuwi ka?” ang masiglang tanong pa ng kaniyang Nanay Rosanna.“Oo nga naman, anak. Nakapagluto sana kami ng nanay mo ng mga paborito mong pagkain,” wika rin ng kaniyang Tatay Ernesto.“Eh, hindi na po sorpresa ‘yon.” Dunukot si Danica ng limang daan sa bag at ibinigay iyon sa tricycle driver. “Iyan na po ba ang bahay natin?” tukoy niya sa isang konkretong bungalow sa harapan. Dati sa bundok at maliit na kubo lamang sila nakatira, ngayon ay nakikita niyang mas maganda na ang kalagayan ng mga magulang niya sa baryo. “Oo, anak. Dalawa ang silid diyan. Pinasadya talaga ang isa para sayo,” tugon ng kaniyang ina na hindi na matanggal-tanggal ang ngiti sa mga labi. Alam niyang nasasabik din itong magkit
“HELLOOO?! Ang sabi ko, give Papa Dee a space, hindi ko sinabing mag-alsa-balutan ka!” Bahagyang nailayo ni Danica ang cellphone niya sa tenga dahil sa pagtaas ng boses ni Lily sa kabilang linya.“Por Diyos po santo naman, dzai! Anong sasabihin ko kapag hinanap ka sa ‘kin ng asawa at in-laws mo?”“Nagpaalam naman na ako kay Mommy,” tugon niya na muling ibinalik ang cellphone sa tenga. “Pinayagan ka?” “O-oo,” aniya na hinawi ang kurtina ng bintana para sumilip sa labas. Sakay siya ng isang bus pauwi ng Samar.Pinayagan naman talaga siya, basta’t magpaalam lang daw siya kay Dylan which was ‘di niya ginawa. Hindi niya rin sinabing uuwi siya ng Samar, ang paalam niya ay magbabakasyon siya panadalian kina Lily.Isa pa, para namang may pakialam si Dylan sa kaniya. Sa ngayaon ay lango na ito sa sarap sa piling ng iba.Hindi niya napigilan ang pagngilid ng mga luha sa mata nang maglaro sa isipan ang eksenang nadatnan niya kahapon.Limang araw na rin ang lumipas matapos ang launching ng DM.
PALIHIM na hinanap ni Dylan ang asawa. Hinayaan niya muna ito kay Lily kanina habang abala siya sa mga kausap niya. Matagal na hindi nagkita ang dalawa kung kaya’t gusto niyang sulitin ng mga ito ang oras na magkasama. Isa pa, alam niyang walang ka-amor-amor si Danica pagdating sa usaping negosyo. Baka mabagot lamang ito. Hindi siya nabigo. Nakita niya si Danica. Pero bukod kay Lily naroon din ang mag-asawang Francine at Andrie. At hindi niya nagustuhan ang ideyang iyon. Hindi pwedeng magsama ang dalawa, aniya. Nakaramdam siya ng pag-aalala nang mabanaag ang lungkot sa mukha ng asawa. At sa tingin niya ay si Andrie na naman ang dahilan niyon. Kaya nang tumayo si Danica at umalis ay hindi na siya nagtaka. Marahil ay magtatago na naman ito sa isang sulok para umiyak, at naiinis siyang isipin iyon. Pero ang hindi niya inasahan ay ang ginawa ring pagtayo ni Andrie. Lihim siyang napamura. No way! Agad siyang umalis sa kumpulan para sundan si Andrie. Ni hindi na siya nagpaalam pa sa
DUMATING na rin ang gabi ng grand event ng DM’s Apparel makalipas ang tatlong buwan, ang launching ng mga bagong designs nito with Venice. Naging matagumpay naman ang naturang event. Sa katunayan, mas dumami pa ang potential investors sa dalawang kompanya. “Hoy dzai, hinay-hinay lang, mukha kang dead hungry!” histerikal na saway ni Lily kay Danica. Nakadalawang plato na ito ng pagkain at mukhang magkakaroon pa ng pangatlo.Pero imbes na sumagot ay isang irap ang isinukli ni Danica kay Lily bago sumubo ng steak. Inimbitahan niya ito at si Sheila para hindi siya ma-out of place kung sakali pero hindi nakarating ang huli dahil sa may importante itong lakad.“Hay, Diyos ko naman! Hindi ka ba pinapakain ni Dylan?”“Hindi,” maikling sagot ni Danica para lang matigil ang kaibigan. Wala siya sa mood kanina pa at sa kinakain niya ibinubuhos ang sama ng loob.“Joke ba ‘yan? Hindi kasi halata.”Tumigil si Danica sa pagkain at napahalukipkip. Gusto niyang batukan ang kaibigan dahil sa kadaldl