Savannah Aine Samson, living her life to the fullest. Not until one day, her world turns upside-down. Most of her memories are lost due to her treatment for her condition, Intermittent Explosive Disorder. In addition, her father was murdered. If her uncle didn't tell the truth, she would never know for the rest of her life. She got enraged as fire as hell. At the age 14, she entered the world of cruelty. Many years passed, she finally attained her desire to be a secret agent. Soon after, she was given a code name: Agent Stygian which symbolizes darkness, death, and valor. Anyone who blocks her way will have one foot buried in the pit. One day, a mission was given to her team that led her to return to a city where her dark world began, the Vinson City. As she returns, there is this one guy who immediately put her patience to a test. Emerson Gray Denovan, the mysterious and cold-hearted troublemaker she's ever met. Will the memories that were erased to be restored? Or will they be buried in oblivion? How about the person who has been waiting for her for more than ten years? Tagalog
View MoreSunday...Alas-otso na ng umaga, at ngayon ay malapit na si Savannah sa site. Makalipas ang ilang minuto, nang makarating sya ng site ay pinarada nya nang maayos ang kotse sa parking lot.Iba ang site na ito sa site ni Sir Marius. Ang site na ito ay pagmamay-ari ni Sir Michael Vascon, ang totoong boss nilang mga agent. Isa itong private property, nasa tagong lugar din nakadestino. May dalawang malalaking building dito kung saan ay may 4 floors. Bawat floor ay may tulay na nakakonekta sa dalawang building, nagsisilbi ang tulay bilang dugtong sa dalawang building. Ang site rin ay may open ground kung saan araw-araw sinasanay ang mga tauhan. May shooting range kung saan hinahasa ang skills sa pagbaril. May mini forest kung saan ay dito ginagawa ang lahat na kailangang hasain ng bawat tauhan. May dormatory rin, lahat libre maliban sa basic needs tulad ng pagkain, toiletries, atbp. Higit pa dyan ay may gym rin, at mini bar. Pwede rin lumabas ang ibang tauhan kung gugustohin nila pero 'y
Mas ibinaon ng lalaki ang kutsilyo sa balikat ni Savannah kaya napaluhod na lang si Savannah sa sariling mga tuhod sabay d***g nang malakas.Kinasa ng lalaki ang hawak nitong baril; rinig nya yun kaya tumingin sya sa lalaki. Nagdadalawa ang paningin niya ngayon, ramdam niya ang malagkit at mainit na likido na tumutulo sa kanyang likuran. Bago maputok ng lalaki ang baril ay mabilis niyang hinawi ang baril nito sabay tayo; nilabas nya ang sariling dagger sa likuran, at mas mabilis pa sa hangin'g hiniwa ang leeg nito. Dahan-dahang tumumba ang lalaki habang hinahabol ang huling hininga; pinanood nya lang itong nagdudusa habang mabibigat rin ang kanyang paghinga. Bitawan niya ang dagger, napahugot siya ng maraming hangin. Hinawakan nya ang kutsilyo na nasa bandang likuran ng balikat nya, at humugot ulit ng malalim na hininga.Pumikit sya, at diretsong binunot ang kutsilyo. Abot impyerno ang pagdaing niya at napabagsak sa sariling mga paa. Hindi sya nagtagumpay na hublotin ang kutsilyo at
WEDNESDAY...Nagising si Savannah alas-tres pa lang ng madaling araw. Kahit sobrang antok dahil sa mahigit tatlong oras lang ang tulog ay pinilit nya ang sarili na bumangon.Bumaba sya ng kusina, at pagkarating ay ikinagulat nyang nandito na pala si Vera, kasulukuyang nagluluto. Bumati ito kaya bumati rin sya pabalik."May nainit na bang tubig?" tanong nya kay Vera."Ay! Wala pa," dismayado nitong sagot, " mag-init ka na lang muna. Damihan mo na rin para kina Aron."Tumango sya sa kaibigan sabay lapit sa counter. Habang naglalagay ng maraming tubig sa heater ay paulit-ulit pa nga syang napapahikab sa sobrang antok.Wala talaga sya sa ganang bumangon ng napakaaga ngayon pero tinatatak nya na lang sa utak na kailangan nang masagawa ang paglalagay ng cctvs as soon as possible.Habang hindi pa naiinit ang tubig, nagpaalam muna sya kay Vera na aakyat muli. Pagkarating sa kwarto ng mga lalaki, kita ang tatlo na mahimbing na natutulog lalong-lalo na si Aron.Lumapit sya kay Aron at niyugyog
Dumaan ang anim na oras, ngayon ay Alas-syiete na ng gabi. Maaga natapos ang klase ni Savannah kaya ngayon naisipan niyang pagbigyan si Lianna sa kagustohan nito. Ngayon, kasalukuyan niyang hinihintay si Lianna habang nakaupo sa harap ng sariling sasakyan. Habang wala pa si Lianna ay naisipan niyang itext si Aron. "Aron, matapos ang klase mo, dumiretso ka sa Juicy Club. May gagawin pa 'ko kaya hindi muna kita masasamahan ngayon. Kung anong malalaman o makikita mo, sa bahay na lang natin pag-usapan." Walang reply agad si Aron pero naiintindihan nya dahil baka nasa klase pa ang binata. Luminga-linga muna siya sa paligid para libangin ang sarili. Pero tumigil ang mata niya sa isang grupo ng kalalakihan na nasa malayo. Nang magtama ang mga mata nila ni Jax ay mabilis namang nag-iwas ng tingin sa kaniya ang binata. Makaraan ang ilang minuto ay napatingin si Savannah sa tumawag ng pangalan nya. Si Lianna ito na mabilis ang lakad papalit sa kanyang direksyon. "Wow!" pagkamangha ni Lian
Kinabukasan...Pagkarating ni Savannah sa paaralan ay dumiretso sya sa likuran ng paaralan dahil malayo pa ang unang klase. Ang bahaging ito ng eskwelahan ay malawak; bedre ang lupa, maraming puno, may mga sementong upuan at mga bench. Magandang tambayan dahil sa masarap na simoy ng hangin. Dito na rin makikita ang nagtataasang pader ng eskwelahan o tinatawag na boader kung saan ay hanggang dito na lang ang sakop ng paaralang ito.Kanina, sa kanyang pagdating ay sya pa mag-isang tumatambay pero ngayon ay may magjowa nang naglalambingan sa may kalayuan. Habang nakaupo sa ilalim ng puno ay kasalukuyan nyang tinitingnan ang emails. Si Shane ay galing na sa paaralan kanina para e-hack ang cctvs ng eskwelahan , at ngayon ay pauwi na ito.Araw-araw, sinisimulan nya talaga ang araw sa pagche-check ng emails at iba pang kailangan ifollow up o suriin. At nang matapos na nga gawin lahat, sa inaasahan ay inaatake na naman sya ng pagkabagot. Ininat nya saglit ang sariling leeg at buong kalamna
Mapayapang namamahinga si Savannah sa taas ng puno nang may pumutol nito. Tumunog ang telepono nya, at pagtingin kung sino ang tumatawag ay napabuntong hininga sya. Maingat muna syang bumangon 'tsaka sinagot ang tawag. "Iha, can you come over here? At the Dean's office," sabi sa kabilang linya.Inilayo nya ang telepono saglit , at kumawala ng mabigat na hininga dulot ng pagkairita. Wala pa ngang isang oras syang tumatambay dito sa puno tapos may mangdidisturbo na naman."Okay coming," sagot na lang nya dito. Gusto nyang tumanggi pero wala syang magawa kun'di pumayag para ipakita ang kaniyang respeto.Nang makarating sa tapat ng office ay sya muna'y kumatok bago pumasok. Pagpasok ay bumungad sa kanya ang anim na lalaki kanina, at ang Dean."Ano ngayon?" Gusto nyang ipakita na naiinip sya pero pilit nya pa ring ikalma ang sarili."Boys, ano nga 'yong sasabihin nyo?" tanong ng Dean. Noo ni Sav ay kumunot. Tiningnan nya sina Emerson pero hindi ito makatingin sa kanya ng diretso.Tuming
Hinimas-himas ni Emerson ang sariling panga. Pakiramdam niya gumalaw ang ngipin niya sa loob sa napakalakas ng suntok. "That crazy woman," kanyang bulong. Napalingon naman si Jax, at Chase sa kaniya."Ayos ka lang, Pre? Parang malakas ang pagkakasuntok sa'yo ah, agad ka kasing sumalpok sa lupa," wika ni Jax. Pinukolan nya ito ng nakakamatay na tingin dahil as if may pake pero may halo namang pang-aasar ang pananalita. "You know what, she's cool," manghang usal ni Chase sabay tingin sa direksyon ng babae.Mahina namang sinuntok ni Jax ang dibdib ni Chase. "Ano ka ba, Pre. Nasuntok 'tong tropa natin pero pinupuri mo pa rin ang babaeng 'yon."Napabusangot ng mukha si Chase sabay haplos sa sariling dibdib.Lumingon naman silang tatlo kina Cendrick. Kahit wala silang sinasabi, kahit tinititigan lang nila sina Cendrick ay umalis ang mga ito nang kusa sa kanilang harapan .Nang makaalis sina Cendrick ay hinimas ulit ni Emerson ang sariling panga at minasahe. Nabigla naman siya nang bigl
Alastres ng hapon naisipan ni Savannah na lumabas ng bahay para puntahan ang isang lugar. Pagkarating ay huminto sya sa harapan ng isang bahay. Kasalukuyang nasa ibang housing subdivision sya ngayon.Tinatanaw nya lang ang bahay habang nakasandal sa labas ng sariling kotse. Sa maraming taong lumipas knayang nilisan ang lugar na ito ay mapapasabi na lamang syang marami na talagang nagbago, isa na ang bahay kung saan sya lumaki.Habang tinatanaw ang bahay nila noon ay bumabalik ang mga alaalang masasaya pero nagdudulot naman ng kirot sa dibdib. Isa lang naman syang masayahing bata noon pero isang araw ay bumaliktad ang lahat."Time flies so fast... Lahat ng memories ko dito na kasama ka ay bumabalik sa 'kin… I miss you so much Dad..." kanyang bulong sa loob ng isipan.Sa dinami-daming tao sa mundo, ang sariling ama ang pinakamalapit sa kanyang puso. Noon, hinihintay nya pa ito sa mismong gate para salubongin. May mga panahon pang kahit ang laki na nya ay walang niisang reklamo ang kany
"Tawagin nyo si Aron, papuntahin niyo dito," utos ni Sav. Lumabas naman agad ng silid si Shane para sundin ang utos. Habang naghihintay ay nagtitingin-tingin muna si Sav. Random nyang nabuksan ang isang kabinet dulot ng pagkabagot. Nagkasalubong ang mga kilay nya'ng makita ang isang malaking papel na nakarolyo. Tiningnan niya ito , sa hindi inaasahan ay isa itong blueprint. "Ano 'yan, Sav?" Napatingin siya kay Xavier. Sa halip na sumagot ay lumapit muna siya sa mahabang mesa, at inilatag ang malaking blueprint. Ayon sa nakasulat sa pinakataas ng papel, 'Vinson College Blueprint' ang nakalagay. Sa pangalawang blueprint naman ay patungkol sa bahay kung nasaan sila ngayon. "Bakit naman magkakaroon si Sir ng blueprint ng Vinson College?" pagtataka ni Vera habang hawak ang blueprint na tinutukoy. Kahit alam ni Savannah ang sagot ay nanatili siyang tahimik. Binitawan niya ang papel kaya lumukot ito ng mag-isa. Kinuha naman ni Xavier ang blueprint habang siya ay nagpatuloy sa pagtitin
"Damn you, f*cker." Sa isang napakadilim na eskinita, abot impyernong napasigaw ang lalaki nang dahan-dahang bumabaon ang kutsilyo sa sariling leeg. Mabilis tinakpan ni Savannah ang bibig nito para patahimikin. "AAAAAAAAAAHHH---" Ilang minuto bago ang huling hininga , walang humpas na d*******g ang lalaki. Wala nang mas sasakit pa na pinuputol ng babaeng ito ang kanyang ugat; walang bahid ng awa, hindi ito mahihilayo sa isang demonyo. Gumuhit ang ngisi sa labi ni Savannah; makikitang nagdudusa ang lalaki ay tila nakakakita sya ng isang palabas na mas maganda pa sa theatro. Amoy ng dugo na tila'y pabango, d***g ng lalaki na tila isang musika sa pandinig, ang mga mata nitong nagmamakaawa na tila isang magandang guhit. "Be a good girl, honey" Agad syang napalayo nang may bumulong sa kanyang isipan. Sa isang iglap, sya'y napabalik sa sarili. Nang lumandas muli sa lalaki ang kanyang paningin, ngayo'y nakaupo na ito sa sariling mga paa habang nakasandal sa pader, hawak ang kutsilyo n
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments