Share

CHAPTER 02

Author: FAYEMEB
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Pagkalapag ni Savannah ng Pilipinas ay preskong hangin ang sumalubong sa kaniya pagkalabas ng eroplano. Dalawang buwan din bago sya nakabalik ng Pilipinas dahil binigyan niya ng oras ang kanyang ina na ngayo'y nasa amerika.

Habang naglalakad palabas ng airport, isa lang talaga ang masasabi niya sa kanyang pagbabalik; wala pa ring pinagbago, kahit saan man lumingon ay hindi nya ramdam ang kapayapaan.

 

Parang buong buhay nya na nga ito dadalhin; walang totoong kapayapaan, walang tigil ang utak sa pagiging alerto sa bawat oras dahil sa anumang panahon at kahit saan sa paligid ay nandyan at nandyan ang anumang uri ng panganib. 

 

Sanay na sya pero minsan ay nakakaramdam din sya ng pagod. 

Tuloy-tuloy lang ang lakad ni Savannah hanggang sa makalabas ng airport. Pagkalabas ng exit ay isang lalaki ang agad nakaagaw ng kanyang atensyon. Nakasandal ito sa harap ng kotse habang nagse-cellphone. 

 

Huminto sya sa kinatatayuan, hindi sya aalis dito hangga't hindi mag-aangat ng tingin ang binata. Ilang saglit pa bago luminga-linga ang lalaki sa paligid hanggang sa nakita sya nito. Mula sa pagkakasandal ay tumuwid ito ng tayo sabay ngiti. Sya naman ay itinaas ang isang sulok ng labi bilang tugon.

 

"Welcome to Vinson City," bati ni Shane na may halong biro, kasamahan niya sa grupo. Kahit kailan talaga ay puro na lang kabaliwan ang lalaking ito, parang may sira sa utak. 

 

 Nag-brohug sila ni Shane at malakas niyang tinapik ang likod nito bago kumalas. 

"Musta?" tanong ng binata. Makitang sobrang laki ng ngiti nito na abot tenga ay natatawa na lamang sya sa kinaloob-looban, pero labas ay tinugonan nya lang ng smirked .

 

Hinawakan ni Shane kanyang ulo sabay hila para sa yakap. Niyakap nya rin pabalik ang binata, at sa puntong ito ay nagyakapan na sila na tila nangungulila sa isa't-isa.

 

Ilang segundo lang ang yakapan, at kinuha na ni Shane ang mga maleta para ilagay sa sasakyan.

"Ayos ba ang bahay, Shane?" tanong niya habang naglalakad sila palapit sa itim na kotse.

"Well, ayos naman. Pagkarating namin kagabi, chineck namin ang buong bahay" — ipinasok ni Shane ang mga bagahe sa compartment — " kagaya ng sabi ni Sir, kompleto na lahat ng kakailanganin natin so wala na tayong dapat ipag-aalala pa." 

Binuksan ni Savannah ang shotgun seat, at sumakay na. Matapos masira ang trunk ng kotse ay sumakay na rin si Shane sa driver seat.

"Tungkol sa mga armas?"

 

"Nasa basement," maikling sagot ni Shane. Napatango siya.

Makalipas ang isang oras na byahe, nakarating na sila. Ang bahay ay nakadestino sa Villa, nasa eastern housing subdivision, VES-lot 46. Kaya mula Nepacin ay isang oras ang byahe nila bago makarating.

Nagbusina si Shane ng tatlong beses bago dahan-dahang bumukas ang gate nang mag-isa. Sa nakikita ni Sav, ang gate ay malaki at mataas, pati ang pader sa paligid ng bahay ay ang tataas din.

"Goods pala 'to, higit pa sa ini-expect ko," kanyang mahinang bulong pero narinig iyon ni Shane.

"Yup, matataas ang pader , 'di ba? Talagang mahihirapan ang mga kalaban na akyatin ang pader natin kung sakali. Tapos, distansya din ang bahay na 'to sa ibang bahay. Iba talaga magplano si Sir," wika ni Shane na may pagkamangha. Kamangha-mangha rin naman dahil labas pa lamang ng bahay ay iba na ang hatid nito.

Ang garahe ay nasa right side ng bahay. Nang nasa tapat na sila ng garahe ay bumukas ito kahit walang taong nagbubukas. Nang maipasok ni Shane ang kotse at maiparada ay lumabas na sila ng sasakyan. 

Tiningnan ni Savannah ang ibang apat na kotse na nakaparada rin sa loob ng garahe. Napatango-tango siya sa pagkamangha dahil nagkasya ang apat na sasakyan na may natitira pa ring space para makalabas.

 

"Talagang pinaghandaan ni Sir," bulong niya sa isip. Binaling niya ang tingin kay Shane,  ngayo'y nilalabas na nito ang mga maleta sa compartment.

 

"Nasa loob ba silang Vera?" tanong niya.

Sinirado muna ni Shane ang trunk bago sumagot, "Actually, naglilinis sila ngayon." 

"Nakabitan nyo na ba ng cctvs ang paligid?" dagdag na tanong niya habang naglalakad sila palabas ng garahe. 

"Iwan ko lang kina Xavier, baka," di-siguradong sagot nito sabay kibit-balikat.

Ilang saglit, nang makarating sila sa tapat ng front door ay may scanner sa gilid. Unang inilapat ni Shane ang sariling thumb sa scanner bago si Savannah, at ilang segundo lang ay nag-green na ang scanner, at bumukas na ang pinto.

Pagpasok ay automatic na sumirado ang pinto at na-double lock. Pagpasok din ay unang bumungad sa kanila ang sala.

"Savannah is in the house!" sigaw ng isa pang kasamahan nila sa team. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa floor polisher, hatalang nililinis ang puting sahig na tiles.

"Hindi kailangang sumigaw, Aron," malamig na awat ni Savannah. Ngumisi lang si Aron sabay bitaw sa floor polisher.

Habang papalapit si Aron kay Savannah ay tuloy-tuloy naman ang lakad ni Shane patungong hagdan para dalhin ang mga bagahe sa taas.

Nag-fistbump si Aron, at Savannah. "Kumusta ang byahe?" Hinalikan siya ni Aron sa gilid ng noo.

"Ayos naman," simpleng sagot niya.

 

"Oh nasaan ang pasalubong ko?" panunudyo nitong usal. 

Napairap sya kay Aron. "Nasa maleta, huwag kang mag-aalala." Tumawa naman ito. 

"Naksss bumait ka ngayon hah." Sinamaan nya ito ng tingin.

 "Nagkabit na ba kayo ng cctvs sa paligid?" balik seryoso nyang tanong sa binata.

Tumango si Aron. "Nagkabit kami maliban lang sa bedrooms, meeting room, at training room."

 

Napatango sya ,at ginulo ang buhok nito. "Good." 

Nilagpasan niya si Aron. Wala na syang alalahanin pa, talagang maasahan ang mga ito kahit hindi na pagsasabihan. Patungkol naman sa paghalik ni Aron sa kanyang noo ay sanay na sya. Mas matanda si Aron kaya't umaakto itong nakakakita ng nakakabatang kapatid, kahit si Shane ay hinahalikan din sya minsan sa ulo. Normal lang ito sa kanila kapag nasa labas ng trabaho.

 

Sinuklay ni Aron ang sariling buhok gamit ang kamay, at nagsalita, "Kung gusto mo makita silang Xavier, at Vera, nasa taas lang sila. Magpasama ka na lang kay Shane patungo 'don sa secret room." 

Hindi na nag-atubiling lumingon si Savannah sa likuran at tumango na agad. Tinahak ang daan patungong hagdanan. Ang hagdanan ay yari sa kahoy at napakakintab.

 

 Nang makaakyat ay napalingon sya sa kaliwa't-kanan ng hallway. Tama lang ang laki ng pasilyo at may flooring din na wood tiles, pagdating sa railings ay gawa ito sa glasses. Mula sa pangalawang palapag, pwede lang dungawin ang sala na nasa baba.

Sa tapat ng hagdan ay may isang pinto agad ang bubungad, kumunot ang noo nyang makitang nandirito lang sa labas ang mga bagahe. Sya'y napaisip na baka boy's room ito at nasa loob si Shane. 

"Shane?" tawag niya sa binata.

Napatingin siya muli sa kaliwa't kanan. Sa dulo ng right side ng hallway ay may master's bedroom, samantalang sa kaliwang bahagi ay may nakalagay na 'office'. Malapit naman sa hagdanan ay may dalawang silid. 

Biglang bumukas ang pintong nasa kanyang harapan kaya't napabaling sya ng tingin rito; lumabas si Shane.

"Diyan ang kwarto niyo?"

 

Tumango si Shane sabay sagot, "Oo."

Dulot ng kuryosidad , lumapit sya at pumasok. Pagkapasok, iginala nya ang paningin. Kusa namang napatango-tango ang sariling ulo dahil sa simplisidad ng silid; simple pero maganda at napakalinis.

May tatlong kama nakaharap sa direksyon ng pintuan. May dalawang bintana rin pero nakasirado dahil kasalukuyang nakabukas ang aircon. May sariling sofa rin ang silid, mesa, dalawang single couch, walk-in closet, at sariling banyo.  

 

Simple lang ang desinyo ng buong kwarto, may iisang painting na nakakabit sa pader para lang siguro hindi sobrang boring. Walang kahit anong appliances tulad ng TV o computer. 

"Yong kwarto sa kabila, 'yon ang kay Vera. Ang sa'yo naman ay 'don sa master's bedroom," wika ni Shane na nasa kanyang likuran. Tumango siya kay Shane. 

Hindi na rin sya nagtagal sa pagtitingin-tingin at lumabas na. Pagkasirado ni Shane sa pinto ay bahagyang nagsalubong kaunti ang kilay ni Sav.

"Lahat ng pinto ay may double locks; kapag isisirado ay automatic na mado-double lock ang pinto." Naaalala ni Sav ang sinabi ni Sir sa kanila.

Sinundan niya si Shane papuntang master's bedroom, dala pa rin nito ang kaniyang mga bagahe. Nang makalapit sila sa harap ng pintuan ay tumabi si Shane para bigyan sya ng daan. Kagaya ng main door, may scanner din sa gilid ng pinto. Ini-scan niya ang sariling fingerprint. Nang mag-green ang scanner ay ang pagbukas din ng pinto.

"Kung sino ang matutulog sa master's bedroom, siya lang ang makakabukas sa pintong iyon. Kung wala siya pero kailangan na kailangan niyong pumasok, ang sagot lang diyan ay computer," babala ni Sir Mike 'nong nagmeeting sila.

Pagpasok ni Savannah, iginala niya ang paningin sa buong silid. Napatango-tango siya; simple lang din ang silid. Medyo malaki nga lang pero sige na lang. Ayaw nya sanang sobrang laki na kwarto dahil nabobother sya sa malaking space pero wala syang magagawa; hindi na sya magrereklamo dahil baka may plano si Sir sa bahay na ito pagkatapos ng misyon.

Umupo sya sa kama. Kung ngayon ay nakaupo sya sa kama, ang sofa ay nasa left side ng pinto habang ang nasa kanang bahagi ay walk-in closet. Sa gilid ng kama ay may bedside table, at isang pinto na parang banyo.

 

Bukod sa sofa ay may Kawachi compact laptop desk din kung saan ay sa mesa na ito ay may apat na shelves storage at tatlong drawers, at may magandang kulay pa na beige. May aircon din ang silid, at pagdating sa kulay ng pader ay may kulay puti at may kulay blue na parte. 

Sa kanya namang likuran ay may pinto ng balkonahe, malapit lang din sa kama. Ang balkonahe na ito ay nakaharap sa gate.

Naglakad si Savannah papuntang walk-in closet. Pagkapasok ay napataas siya ng kilay. Sa liit ng mga damit na kanyang nadala,  mabuti't hindi rin sobrang laki ng closet.

Ilang minutong pagtitingin,   nagsalita si Savannah, "Tara, punta tayo sa meeting room. Kailangan nating magplano para bukas."

Iniwang nakabukas ang pinto ng master's bedroom, at tinahak na ang daan papuntang kabilang dulo ng pasilyo. Ang pintong may 'office' na nakalagay ay isang meeting room; bago pumasok ay nagsagawa muna sila ng fingerprint scan. 

Pagkabukas ng pinto, kita ni Sav na maraming furnitures sa silid na ito. May mahabang mesa, malaking bookshelf, iilang cabinets, may malaking glass screen pa kung saan magpre-present gamit ang projector. Wala ring bintana ang silid pero may aircon.

 

Nabaling ang tingin ni Savannah sa pader na kumalahati, parang lang itong sliding door kung bumukas; kapag nakasirado naman ay hindi halata na may pintuan. Pero hindi na sya magugulat pa dahil ganito rin ang secret room ni Sir Michael sa sariling opisina nito.

Habang naglalakad palapit sa pader ay una nyang nasisinagan sa loob ay si Vera. Nang makapasok silang dalawa ni Shane ay tumugma rin ang pagbukas ng puting ilaw sa buong silid. Nandito rin pala si Xavier, nakaupo sa katamtamang laki na swivel chair. 

"Musta ang byahe, Sav?" tanong ni Vera.

"Ayos naman," simpleng sagot niya. Wala rin naman syang maikwe-kwento dahil ayos lang naman talaga ang buong byahe.

Nakikita nya ngayon ang anim na monitors. Ang mesa ay nakapormang malaking semi-circle; ang sa baba nito ay ang napakaraming drawers. Sa bandang likuran ng monitors ay ang malaking glass screen, sa magkabilang gilid nito ay may dalawang maliliit na screens na nakapwesto. 

Sa ilalim ng mesa ay may blue lights na umiilaw, pati ang kisame ay may cove lights. Ang ilaw ng secret room ay may tatlong klase, yung puti lahat, blue na cove lights , at warm white na cove light.

"Parehas lang pala 'don sa site, mas maliit lang ang space dito," komento niya. Tumango naman silang Vera bilang sang-ayon.

"By the way, 'yong sinabi ni Sir na IT na mag-eemail sa inyo, nag-email na ba?" paalala niya, as usual, serious tone.

Tumango si Vera. "Yes Sav. Ang inimail ng IT ay marami. New cyber shortcuts, passwords, other hacking keywords, at marami pang iba. Sinend na rin kung pano buksan ang double locks ng bahay." Napatango siya kay Vera.

"Tungkol sa basement, gusto kong makita." 

Dahil sa hiling ni Savannah ay humarap si Xavier sa button control panel na nasa gilid ng computer at itinaas ang button ng basement. Nanlaki kaunti ang mata ni Sav sa pagkamangha. Hindi nya inasahang sa sahig ang magiging pinto ng basement; rectangle ang porma, at dahan-dahan itong bumubukas pataas.

Nang tuloyang bumukas ang basement ay bumaba siya gamit ang hagdan. Sobrang dilim pero buti na lang binuksan ni Shane ang switch para sa kaniya.

Pagbukas ng ilaw ay bumungad sa kanila ang maraming armas. May gun wall kung saan nakalagay ang iba't-ibang klase ng baril. May nakikita rin siyang daggers, mga bomba, knives, at iba pa.

May isang mesa rin kung saan ay dito i-aassemble ang baril. Sa sulok ay may mahaba na payat na closet, buod rito ay may isang malaking drawer din sa isang pang sulok.

 

"Kompleto na lahat, Sav. May devices na rin tayo nandiyan sa drawers," anunsyo ni Xavier. Tumango si Savannah at nilapitan ang closet.

Pagbukas sa closet ay bumungad sa kaniya ang gears, overall-black outfits, black bags, bulletproof vests, at marami pang iba. Sunod namang nilapitan ay ang drawers; ang nasa unang drawer ay iba't-ibang klase ng cctvs. Sa pangalawa ay tracking devices, tracers, atbp. Nandito na nga lahat kaya sunod nyang binalingan ng atensyon ay ang gun wall.

Kahit sniper ay nandirito na sa gun wall, iba't-ibang uri ng handgun, at iba pang armas. Talagang pinagkalooban sila ni Sir ng sapat na kagamitan. Ang unang nakaagaw ng kanyang atensyon ay ang isang dagger.

 

"Hindi namin akalain na may ganito pala si Sir. May secret room na nga, may basement pa. Tapos may training room pa tayo 'don sa baba," basag ni Shane sa katahimikan.

 

"Alam ko na kung pano mag-isip si Sir," isip ni Sav, "pero hindi ko na lang sasabihin dahil baka magiging unfair sa kanila kung sasabihin kong maraming beses nakong nakapasok sa bahay, at secret room ni Sir."

 

Tumingin siya muli sa gun wall, at binalik ang dagger. 

"Tara, akyat na tayo para mag-meeting," wika niya sa tatlo. Nagsiakyatan sila sa hagdan, siya ang huli kaya siya na ang nagpatay sa ilaw. Tiningnan niya ang sariling relo, malapit na pala tanghalian. 

 

Nang makalabas sila ay binaba na ni Vera ang button ng basement para maisirado ito. Si Shane naman ay pinindot ang open button na nasa gilid ng pinto ng secret room, kaya sabay na silang apat na lumabas.

 

"Tawagin nyo si Aron, papuntahin niyo dito," utos ni Sav. Lumabas naman agad ng silid si Shane para sundin ang utos.

FAYEMEB

I regret to inform you that I will be removing this story from GN for personal reasons. However, I have some good news for you! The story is already available with 99 chapters on Dreame and Yugto apps. You can continue reading it there. Thank you for your understanding and continued support! Lovelots!

| Like

Related chapters

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 03

    "Tawagin nyo si Aron, papuntahin niyo dito," utos ni Sav. Lumabas naman agad ng silid si Shane para sundin ang utos. Habang naghihintay ay nagtitingin-tingin muna si Sav. Random nyang nabuksan ang isang kabinet dulot ng pagkabagot. Nagkasalubong ang mga kilay nya'ng makita ang isang malaking papel na nakarolyo. Tiningnan niya ito , sa hindi inaasahan ay isa itong blueprint. "Ano 'yan, Sav?" Napatingin siya kay Xavier. Sa halip na sumagot ay lumapit muna siya sa mahabang mesa, at inilatag ang malaking blueprint. Ayon sa nakasulat sa pinakataas ng papel, 'Vinson College Blueprint' ang nakalagay. Sa pangalawang blueprint naman ay patungkol sa bahay kung nasaan sila ngayon. "Bakit naman magkakaroon si Sir ng blueprint ng Vinson College?" pagtataka ni Vera habang hawak ang blueprint na tinutukoy. Kahit alam ni Savannah ang sagot ay nanatili siyang tahimik. Binitawan niya ang papel kaya lumukot ito ng mag-isa. Kinuha naman ni Xavier ang blueprint habang siya ay nagpatuloy sa pagtitin

    Last Updated : 2024-10-29
  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 04

    Alastres ng hapon naisipan ni Savannah na lumabas ng bahay para puntahan ang isang lugar. Pagkarating ay huminto sya sa harapan ng isang bahay. Kasalukuyang nasa ibang housing subdivision sya ngayon.Tinatanaw nya lang ang bahay habang nakasandal sa labas ng sariling kotse. Sa maraming taong lumipas knayang nilisan ang lugar na ito ay mapapasabi na lamang syang marami na talagang nagbago, isa na ang bahay kung saan sya lumaki.Habang tinatanaw ang bahay nila noon ay bumabalik ang mga alaalang masasaya pero nagdudulot naman ng kirot sa dibdib. Isa lang naman syang masayahing bata noon pero isang araw ay bumaliktad ang lahat."Time flies so fast... Lahat ng memories ko dito na kasama ka ay bumabalik sa 'kin… I miss you so much Dad..." kanyang bulong sa loob ng isipan.Sa dinami-daming tao sa mundo, ang sariling ama ang pinakamalapit sa kanyang puso. Noon, hinihintay nya pa ito sa mismong gate para salubongin. May mga panahon pang kahit ang laki na nya ay walang niisang reklamo ang kany

    Last Updated : 2024-10-29
  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 05

    Hinimas-himas ni Emerson ang sariling panga. Pakiramdam niya gumalaw ang ngipin niya sa loob sa napakalakas ng suntok. "That crazy woman," kanyang bulong. Napalingon naman si Jax, at Chase sa kaniya."Ayos ka lang, Pre? Parang malakas ang pagkakasuntok sa'yo ah, agad ka kasing sumalpok sa lupa," wika ni Jax. Pinukolan nya ito ng nakakamatay na tingin dahil as if may pake pero may halo namang pang-aasar ang pananalita. "You know what, she's cool," manghang usal ni Chase sabay tingin sa direksyon ng babae.Mahina namang sinuntok ni Jax ang dibdib ni Chase. "Ano ka ba, Pre. Nasuntok 'tong tropa natin pero pinupuri mo pa rin ang babaeng 'yon."Napabusangot ng mukha si Chase sabay haplos sa sariling dibdib.Lumingon naman silang tatlo kina Cendrick. Kahit wala silang sinasabi, kahit tinititigan lang nila sina Cendrick ay umalis ang mga ito nang kusa sa kanilang harapan .Nang makaalis sina Cendrick ay hinimas ulit ni Emerson ang sariling panga at minasahe. Nabigla naman siya nang bigl

    Last Updated : 2024-10-29
  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 06

    Mapayapang namamahinga si Savannah sa taas ng puno nang may pumutol nito. Tumunog ang telepono nya, at pagtingin kung sino ang tumatawag ay napabuntong hininga sya. Maingat muna syang bumangon 'tsaka sinagot ang tawag. "Iha, can you come over here? At the Dean's office," sabi sa kabilang linya.Inilayo nya ang telepono saglit , at kumawala ng mabigat na hininga dulot ng pagkairita. Wala pa ngang isang oras syang tumatambay dito sa puno tapos may mangdidisturbo na naman."Okay coming," sagot na lang nya dito. Gusto nyang tumanggi pero wala syang magawa kun'di pumayag para ipakita ang kaniyang respeto.Nang makarating sa tapat ng office ay sya muna'y kumatok bago pumasok. Pagpasok ay bumungad sa kanya ang anim na lalaki kanina, at ang Dean."Ano ngayon?" Gusto nyang ipakita na naiinip sya pero pilit nya pa ring ikalma ang sarili."Boys, ano nga 'yong sasabihin nyo?" tanong ng Dean. Noo ni Sav ay kumunot. Tiningnan nya sina Emerson pero hindi ito makatingin sa kanya ng diretso.Tuming

    Last Updated : 2024-10-29
  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 07

    Kinabukasan...Pagkarating ni Savannah sa paaralan ay dumiretso sya sa likuran ng paaralan dahil malayo pa ang unang klase. Ang bahaging ito ng eskwelahan ay malawak; bedre ang lupa, maraming puno, may mga sementong upuan at mga bench. Magandang tambayan dahil sa masarap na simoy ng hangin. Dito na rin makikita ang nagtataasang pader ng eskwelahan o tinatawag na boader kung saan ay hanggang dito na lang ang sakop ng paaralang ito.Kanina, sa kanyang pagdating ay sya pa mag-isang tumatambay pero ngayon ay may magjowa nang naglalambingan sa may kalayuan. Habang nakaupo sa ilalim ng puno ay kasalukuyan nyang tinitingnan ang emails. Si Shane ay galing na sa paaralan kanina para e-hack ang cctvs ng eskwelahan , at ngayon ay pauwi na ito.Araw-araw, sinisimulan nya talaga ang araw sa pagche-check ng emails at iba pang kailangan ifollow up o suriin. At nang matapos na nga gawin lahat, sa inaasahan ay inaatake na naman sya ng pagkabagot. Ininat nya saglit ang sariling leeg at buong kalamna

    Last Updated : 2024-10-29
  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 08

    Dumaan ang anim na oras, ngayon ay Alas-syiete na ng gabi. Maaga natapos ang klase ni Savannah kaya ngayon naisipan niyang pagbigyan si Lianna sa kagustohan nito. Ngayon, kasalukuyan niyang hinihintay si Lianna habang nakaupo sa harap ng sariling sasakyan. Habang wala pa si Lianna ay naisipan niyang itext si Aron. "Aron, matapos ang klase mo, dumiretso ka sa Juicy Club. May gagawin pa 'ko kaya hindi muna kita masasamahan ngayon. Kung anong malalaman o makikita mo, sa bahay na lang natin pag-usapan." Walang reply agad si Aron pero naiintindihan nya dahil baka nasa klase pa ang binata. Luminga-linga muna siya sa paligid para libangin ang sarili. Pero tumigil ang mata niya sa isang grupo ng kalalakihan na nasa malayo. Nang magtama ang mga mata nila ni Jax ay mabilis namang nag-iwas ng tingin sa kaniya ang binata. Makaraan ang ilang minuto ay napatingin si Savannah sa tumawag ng pangalan nya. Si Lianna ito na mabilis ang lakad papalit sa kanyang direksyon. "Wow!" pagkamangha ni Lian

    Last Updated : 2024-10-29
  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 09

    WEDNESDAY...Nagising si Savannah alas-tres pa lang ng madaling araw. Kahit sobrang antok dahil sa mahigit tatlong oras lang ang tulog ay pinilit nya ang sarili na bumangon.Bumaba sya ng kusina, at pagkarating ay ikinagulat nyang nandito na pala si Vera, kasulukuyang nagluluto. Bumati ito kaya bumati rin sya pabalik."May nainit na bang tubig?" tanong nya kay Vera."Ay! Wala pa," dismayado nitong sagot, " mag-init ka na lang muna. Damihan mo na rin para kina Aron."Tumango sya sa kaibigan sabay lapit sa counter. Habang naglalagay ng maraming tubig sa heater ay paulit-ulit pa nga syang napapahikab sa sobrang antok.Wala talaga sya sa ganang bumangon ng napakaaga ngayon pero tinatatak nya na lang sa utak na kailangan nang masagawa ang paglalagay ng cctvs as soon as possible.Habang hindi pa naiinit ang tubig, nagpaalam muna sya kay Vera na aakyat muli. Pagkarating sa kwarto ng mga lalaki, kita ang tatlo na mahimbing na natutulog lalong-lalo na si Aron.Lumapit sya kay Aron at niyugyog

    Last Updated : 2024-10-29
  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 10

    Mas ibinaon ng lalaki ang kutsilyo sa balikat ni Savannah kaya napaluhod na lang si Savannah sa sariling mga tuhod sabay d***g nang malakas.Kinasa ng lalaki ang hawak nitong baril; rinig nya yun kaya tumingin sya sa lalaki. Nagdadalawa ang paningin niya ngayon, ramdam niya ang malagkit at mainit na likido na tumutulo sa kanyang likuran. Bago maputok ng lalaki ang baril ay mabilis niyang hinawi ang baril nito sabay tayo; nilabas nya ang sariling dagger sa likuran, at mas mabilis pa sa hangin'g hiniwa ang leeg nito. Dahan-dahang tumumba ang lalaki habang hinahabol ang huling hininga; pinanood nya lang itong nagdudusa habang mabibigat rin ang kanyang paghinga. Bitawan niya ang dagger, napahugot siya ng maraming hangin. Hinawakan nya ang kutsilyo na nasa bandang likuran ng balikat nya, at humugot ulit ng malalim na hininga.Pumikit sya, at diretsong binunot ang kutsilyo. Abot impyerno ang pagdaing niya at napabagsak sa sariling mga paa. Hindi sya nagtagumpay na hublotin ang kutsilyo at

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 11

    Sunday...Alas-otso na ng umaga, at ngayon ay malapit na si Savannah sa site. Makalipas ang ilang minuto, nang makarating sya ng site ay pinarada nya nang maayos ang kotse sa parking lot.Iba ang site na ito sa site ni Sir Marius. Ang site na ito ay pagmamay-ari ni Sir Michael Vascon, ang totoong boss nilang mga agent. Isa itong private property, nasa tagong lugar din nakadestino. May dalawang malalaking building dito kung saan ay may 4 floors. Bawat floor ay may tulay na nakakonekta sa dalawang building, nagsisilbi ang tulay bilang dugtong sa dalawang building. Ang site rin ay may open ground kung saan araw-araw sinasanay ang mga tauhan. May shooting range kung saan hinahasa ang skills sa pagbaril. May mini forest kung saan ay dito ginagawa ang lahat na kailangang hasain ng bawat tauhan. May dormatory rin, lahat libre maliban sa basic needs tulad ng pagkain, toiletries, atbp. Higit pa dyan ay may gym rin, at mini bar. Pwede rin lumabas ang ibang tauhan kung gugustohin nila pero 'y

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 10

    Mas ibinaon ng lalaki ang kutsilyo sa balikat ni Savannah kaya napaluhod na lang si Savannah sa sariling mga tuhod sabay d***g nang malakas.Kinasa ng lalaki ang hawak nitong baril; rinig nya yun kaya tumingin sya sa lalaki. Nagdadalawa ang paningin niya ngayon, ramdam niya ang malagkit at mainit na likido na tumutulo sa kanyang likuran. Bago maputok ng lalaki ang baril ay mabilis niyang hinawi ang baril nito sabay tayo; nilabas nya ang sariling dagger sa likuran, at mas mabilis pa sa hangin'g hiniwa ang leeg nito. Dahan-dahang tumumba ang lalaki habang hinahabol ang huling hininga; pinanood nya lang itong nagdudusa habang mabibigat rin ang kanyang paghinga. Bitawan niya ang dagger, napahugot siya ng maraming hangin. Hinawakan nya ang kutsilyo na nasa bandang likuran ng balikat nya, at humugot ulit ng malalim na hininga.Pumikit sya, at diretsong binunot ang kutsilyo. Abot impyerno ang pagdaing niya at napabagsak sa sariling mga paa. Hindi sya nagtagumpay na hublotin ang kutsilyo at

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 09

    WEDNESDAY...Nagising si Savannah alas-tres pa lang ng madaling araw. Kahit sobrang antok dahil sa mahigit tatlong oras lang ang tulog ay pinilit nya ang sarili na bumangon.Bumaba sya ng kusina, at pagkarating ay ikinagulat nyang nandito na pala si Vera, kasulukuyang nagluluto. Bumati ito kaya bumati rin sya pabalik."May nainit na bang tubig?" tanong nya kay Vera."Ay! Wala pa," dismayado nitong sagot, " mag-init ka na lang muna. Damihan mo na rin para kina Aron."Tumango sya sa kaibigan sabay lapit sa counter. Habang naglalagay ng maraming tubig sa heater ay paulit-ulit pa nga syang napapahikab sa sobrang antok.Wala talaga sya sa ganang bumangon ng napakaaga ngayon pero tinatatak nya na lang sa utak na kailangan nang masagawa ang paglalagay ng cctvs as soon as possible.Habang hindi pa naiinit ang tubig, nagpaalam muna sya kay Vera na aakyat muli. Pagkarating sa kwarto ng mga lalaki, kita ang tatlo na mahimbing na natutulog lalong-lalo na si Aron.Lumapit sya kay Aron at niyugyog

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 08

    Dumaan ang anim na oras, ngayon ay Alas-syiete na ng gabi. Maaga natapos ang klase ni Savannah kaya ngayon naisipan niyang pagbigyan si Lianna sa kagustohan nito. Ngayon, kasalukuyan niyang hinihintay si Lianna habang nakaupo sa harap ng sariling sasakyan. Habang wala pa si Lianna ay naisipan niyang itext si Aron. "Aron, matapos ang klase mo, dumiretso ka sa Juicy Club. May gagawin pa 'ko kaya hindi muna kita masasamahan ngayon. Kung anong malalaman o makikita mo, sa bahay na lang natin pag-usapan." Walang reply agad si Aron pero naiintindihan nya dahil baka nasa klase pa ang binata. Luminga-linga muna siya sa paligid para libangin ang sarili. Pero tumigil ang mata niya sa isang grupo ng kalalakihan na nasa malayo. Nang magtama ang mga mata nila ni Jax ay mabilis namang nag-iwas ng tingin sa kaniya ang binata. Makaraan ang ilang minuto ay napatingin si Savannah sa tumawag ng pangalan nya. Si Lianna ito na mabilis ang lakad papalit sa kanyang direksyon. "Wow!" pagkamangha ni Lian

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 07

    Kinabukasan...Pagkarating ni Savannah sa paaralan ay dumiretso sya sa likuran ng paaralan dahil malayo pa ang unang klase. Ang bahaging ito ng eskwelahan ay malawak; bedre ang lupa, maraming puno, may mga sementong upuan at mga bench. Magandang tambayan dahil sa masarap na simoy ng hangin. Dito na rin makikita ang nagtataasang pader ng eskwelahan o tinatawag na boader kung saan ay hanggang dito na lang ang sakop ng paaralang ito.Kanina, sa kanyang pagdating ay sya pa mag-isang tumatambay pero ngayon ay may magjowa nang naglalambingan sa may kalayuan. Habang nakaupo sa ilalim ng puno ay kasalukuyan nyang tinitingnan ang emails. Si Shane ay galing na sa paaralan kanina para e-hack ang cctvs ng eskwelahan , at ngayon ay pauwi na ito.Araw-araw, sinisimulan nya talaga ang araw sa pagche-check ng emails at iba pang kailangan ifollow up o suriin. At nang matapos na nga gawin lahat, sa inaasahan ay inaatake na naman sya ng pagkabagot. Ininat nya saglit ang sariling leeg at buong kalamna

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 06

    Mapayapang namamahinga si Savannah sa taas ng puno nang may pumutol nito. Tumunog ang telepono nya, at pagtingin kung sino ang tumatawag ay napabuntong hininga sya. Maingat muna syang bumangon 'tsaka sinagot ang tawag. "Iha, can you come over here? At the Dean's office," sabi sa kabilang linya.Inilayo nya ang telepono saglit , at kumawala ng mabigat na hininga dulot ng pagkairita. Wala pa ngang isang oras syang tumatambay dito sa puno tapos may mangdidisturbo na naman."Okay coming," sagot na lang nya dito. Gusto nyang tumanggi pero wala syang magawa kun'di pumayag para ipakita ang kaniyang respeto.Nang makarating sa tapat ng office ay sya muna'y kumatok bago pumasok. Pagpasok ay bumungad sa kanya ang anim na lalaki kanina, at ang Dean."Ano ngayon?" Gusto nyang ipakita na naiinip sya pero pilit nya pa ring ikalma ang sarili."Boys, ano nga 'yong sasabihin nyo?" tanong ng Dean. Noo ni Sav ay kumunot. Tiningnan nya sina Emerson pero hindi ito makatingin sa kanya ng diretso.Tuming

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 05

    Hinimas-himas ni Emerson ang sariling panga. Pakiramdam niya gumalaw ang ngipin niya sa loob sa napakalakas ng suntok. "That crazy woman," kanyang bulong. Napalingon naman si Jax, at Chase sa kaniya."Ayos ka lang, Pre? Parang malakas ang pagkakasuntok sa'yo ah, agad ka kasing sumalpok sa lupa," wika ni Jax. Pinukolan nya ito ng nakakamatay na tingin dahil as if may pake pero may halo namang pang-aasar ang pananalita. "You know what, she's cool," manghang usal ni Chase sabay tingin sa direksyon ng babae.Mahina namang sinuntok ni Jax ang dibdib ni Chase. "Ano ka ba, Pre. Nasuntok 'tong tropa natin pero pinupuri mo pa rin ang babaeng 'yon."Napabusangot ng mukha si Chase sabay haplos sa sariling dibdib.Lumingon naman silang tatlo kina Cendrick. Kahit wala silang sinasabi, kahit tinititigan lang nila sina Cendrick ay umalis ang mga ito nang kusa sa kanilang harapan .Nang makaalis sina Cendrick ay hinimas ulit ni Emerson ang sariling panga at minasahe. Nabigla naman siya nang bigl

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 04

    Alastres ng hapon naisipan ni Savannah na lumabas ng bahay para puntahan ang isang lugar. Pagkarating ay huminto sya sa harapan ng isang bahay. Kasalukuyang nasa ibang housing subdivision sya ngayon.Tinatanaw nya lang ang bahay habang nakasandal sa labas ng sariling kotse. Sa maraming taong lumipas knayang nilisan ang lugar na ito ay mapapasabi na lamang syang marami na talagang nagbago, isa na ang bahay kung saan sya lumaki.Habang tinatanaw ang bahay nila noon ay bumabalik ang mga alaalang masasaya pero nagdudulot naman ng kirot sa dibdib. Isa lang naman syang masayahing bata noon pero isang araw ay bumaliktad ang lahat."Time flies so fast... Lahat ng memories ko dito na kasama ka ay bumabalik sa 'kin… I miss you so much Dad..." kanyang bulong sa loob ng isipan.Sa dinami-daming tao sa mundo, ang sariling ama ang pinakamalapit sa kanyang puso. Noon, hinihintay nya pa ito sa mismong gate para salubongin. May mga panahon pang kahit ang laki na nya ay walang niisang reklamo ang kany

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 03

    "Tawagin nyo si Aron, papuntahin niyo dito," utos ni Sav. Lumabas naman agad ng silid si Shane para sundin ang utos. Habang naghihintay ay nagtitingin-tingin muna si Sav. Random nyang nabuksan ang isang kabinet dulot ng pagkabagot. Nagkasalubong ang mga kilay nya'ng makita ang isang malaking papel na nakarolyo. Tiningnan niya ito , sa hindi inaasahan ay isa itong blueprint. "Ano 'yan, Sav?" Napatingin siya kay Xavier. Sa halip na sumagot ay lumapit muna siya sa mahabang mesa, at inilatag ang malaking blueprint. Ayon sa nakasulat sa pinakataas ng papel, 'Vinson College Blueprint' ang nakalagay. Sa pangalawang blueprint naman ay patungkol sa bahay kung nasaan sila ngayon. "Bakit naman magkakaroon si Sir ng blueprint ng Vinson College?" pagtataka ni Vera habang hawak ang blueprint na tinutukoy. Kahit alam ni Savannah ang sagot ay nanatili siyang tahimik. Binitawan niya ang papel kaya lumukot ito ng mag-isa. Kinuha naman ni Xavier ang blueprint habang siya ay nagpatuloy sa pagtitin

DMCA.com Protection Status