Share

CHAPTER 04

Author: FAYEMEB
last update Last Updated: 2023-06-19 01:32:08

Alastres ng hapon naisipan ni Savannah na lumabas ng bahay para puntahan ang isang lugar. Pagkarating ay huminto sya sa harapan ng isang bahay. Kasalukuyang nasa ibang housing subdivision sya ngayon.

Tinatanaw nya lang ang bahay habang nakasandal sa labas ng sariling kotse. Sa maraming taong lumipas knayang nilisan ang lugar na ito ay mapapasabi na lamang syang marami na talagang nagbago, isa na ang bahay kung saan sya lumaki.

Habang tinatanaw ang bahay nila noon ay bumabalik ang mga alaalang masasaya pero nagdudulot naman ng kirot sa dibdib. Isa lang naman syang masayahing bata noon pero isang araw ay bumaliktad ang lahat.

"Time flies so fast... Lahat ng memories ko dito na kasama ka ay bumabalik sa 'kin… I miss you so much Dad..." kanyang bulong sa loob ng isipan.

Sa dinami-daming tao sa mundo, ang sariling ama ang pinakamalapit sa kanyang puso. Noon, hinihintay nya pa ito sa mismong gate para salubongin.

May mga panahon pang kahit ang laki na nya ay walang niisang reklamo ang kanyang narinig sa ama habang inaakay sya nito hanggang sya'y makatulog.

Kahit napakabusy nito sa trabaho ay nagawa pa rin syang pagkwentohan ng fairytales, dalhin at samahan sa mga paboritong lugar, samahan maglaro ng soccer, atbp. Sa lahat ng kanyang school events ay palagi itong present; sa pagtatalumpati sa harapan ng napakaraming tao, pagtugtog ng violin sa theater kasama ang ibang orchestra members, training sessions sa iba't-ibang musical instruments hanggang sa mini tournaments ay hindi talaga sya binigo ng Daddy nya.

Sa madaling salita sya ay daddy's girl. Malapit naman ang loob nya sa mommy nya pero iba talaga pagdating sa kanyang ama; umabot sa puntong tinatak nya talaga sa bato na tanging ang ama lang ang lalaking kanyang mamahalin panghabang buhay.

Noon, sa twuing naaalala ang yumaong ama ay umiinit ang gilid ng mga mata nya pero ngayon wala na. Wala na ring lumalabas na mga luha. Naubos na. Pagod na syang umiyak muli.

"Hintay ka muna, Dad. Huwag kang mag-alala, tuloy pa rin ang plano. Hindi kita bibiguin. Hintay-hintay muna tayo dahil wala pang misyon ang ibinigay sakin tungkol don sa pumatay sa'yo," nagliliyab sa galit na bulong ng sariling isipan. 

"Hey woman. Can you leave? You are not allowed to park here." Napatingin siya sa nagsalita sa likuran.

Isa itong binata na nakatayo sa gate.  Pinasadahan nya ang lalaki ng tingin mula ulo hanggang paa, kumukulo ang kanyang dugo kung paano ito magsalita eh wala namang sasakyan na ilalabas.

"Do you enjoy looking at my body?" nanunudyong usal ng lalaki as if pinapantasyahan nya ang hubad nitong katawan na nakabandera. 

Pinukolan nya ito ng masamang tingin, ang kakapal ng mukha nitong sumobra sa pag-iisip.

Ngayon siya na naman ang pinasadahan ng tingin ng lalaki.

"Nice car. Whose daughter are you?" puri nito sa kanyang sasakyan. 

Hindi sya sumagot sa lalaki, at umikot na sa kabila para sumakay na ng sasakyan. Walang kahit anong salita ay umalis na sya.

Ang lalaki naman ay napasmirk nalang sa asal ng babae. Ngayon pa sya nakakakita ng napakagandang babae pero napakaangas kumilos. Kahit nga may nakakamatay na tingin ay napakaganda pa rin ng mga mata nito; kung nagkaroon lang sya ng pagkakataon ay tititigan nya talaga ang dalaga ng matagal.

Ngayo'y umalis ang dalaga nang walang paalam ay hihilingin na lang nyang sana makita pa nya ito ulit para magkaroon sya ng pagkakataon na makipagkaibigan.

_______

Dumaan ang mga oras, ngayon ay gabi na. Ngayon ay nasa backyard silang lahat. Hindi naman madilim dahil may ilaw. Nasa gitna nila ang mesa kung nasaan ang mga alak at pulutan nakalagay.

Plano ito ng nga lalaki, nandito lang si Savannah, at Vera para tumambay.

Lumipas ang apat na oras, hindi pa nalasing sina Shane. Si Vera ay inaabala pa rin sa cellphone, habang si Savannah ay tamang gunner lang. Hindi pa nakuntento silang Aron kaya ngayon kinukuha ni Shane sa kusina ang isa pang alak, silver-type ng alak na naubos nila.

Hindi nagtagal ay namaalam na rin si Vera na matutulog na. Hindi umiinom si Vera kaya hindi nila ito pinipilit.

Makalipas ang isang oras na pag-iinoman, si Savannah na lang ang natira habang ang tatlong lalaki ay nakatulog na sa kalasingan. Napabuntong hininga si Savannah, at napakamot ng noo.

Si Xavier ay n*******d na ng tshirt at nakahiga na sa lupa. Samantalang si Aron ay nakayuko na sa sariling mga tuhod. Si Shane ay nakaupo pa sa upuan pero ang ulo ay nakabitay na patalikod, n*******d na rin ito ng tshirt.

"Urgh, kapag inoman talaga, ako talaga palaging kargador ng tatlong 'to," inis na wika ni Sav sabay kamot sa ulo. 

Lumingon sya sa loob ng bahay, inisip kung gising pa ba si Vera. "Urgh, panigurado tulog na 'yon. Tang*na. Tch!"

Nilabas nya ang phone sa bulsa, at chineck ang weather sa cellphone.

"Hindi naman uulan. Diyan na kayo."

Iniwan nya ang tatlong lalaki, at pumasok na ng bahay. Wala na syang pake kung giginawin ang tatlo. Naiinis na sya na palagi na lang sya ang kargador ng tatlo kapag nalalasing.

May isang beses pa na sinundo nya si Xavier sa isang bar pero sa minalas-malas nga naman ay sa kanyang mismong damit pa ito sumuka. Sya na nga nagpakahirap gumising ng madaling araw para sunduin ito ay ginawa pa talaga sya nitong toilet bowl.

Ngayon, sumuka si Xavier sa damo pero humiga rin sa mismong tinaponan ng sariling suka. Si Aron naman ay sumayaw na parang may sira sa ulo, samantalang si Shane ay bigla na lang umiyak. 

Buti na lang sa bahay lang sila uminom dahil hindi na sasakit ang ulo nya kung anong gagawin sa tatlo.

Kumawala na naman syang hikab. "Ugh sobrang inaantok nako. Alas-dos na ng madaling araw."

Dalawang shot lang ang nainom nya sa pangalawang alak kaya hindi sya masyadong nalasing. Habang silang Shane ay nakalimang shot plus uminom pa ang mga ito ng maraming beer kaya sobra talaga nalasing ang mga 'to. 

____________

Kinabukasan..

Nagising si Savannah sa tunog ng alarm clock. Pagdilat ng mga mata ay napakadilim. Pagtingin naman sa oras na nasa bedside table ay alasais na ng umaga. Ngayon nya lang napansin na ganito pala kakapal ang tela ng kurtina ng balkonahe kaya't walang lumulusot na sinag ng araw.

Lunes ngayon, kahit sobra pa syang inaantok ay pinilit nya ang sarili na umalis ng kama dahil ito ang unang araw ng trabaho.

Nang matapos maghot bath ay nagpatuyo na rin sya ng buhok gamit ang hair-dryer. Hindi talaga sya lumalabas ng banyo na hindi pa natutuyo ang buhok. Sumasakit ang ulo nya kapag hindi natutuyo agad.

Nang matapos sa banyo ay pumunta lang sya ng walk-in closet. Usually na sinusuot niya araw-araw ay pantalon, kahit anong tshirt, 'tsaka combat boots. Minsan nagla-layer pa ng jacket, minsan hindi. 

Ngayon, mag-iiba sya kaunti. Kahapon bumili sya ng iilang gamit na magmumukha syang ordinaryong tao. Nagpatulong din sya kay Vera kung anong uso ngayon na ootds. 

Nilabas nya ang itim na pantalon, white tank top, black-white checkered na button-down shirt. Matapos magbihis, isinuot nya puting sapatos. Lumabas sya ng closet at nilapitan ang mesa.

Sa loob ng limang minuto, mabilisan nyang isinagawa ang pagskincare. Sya'y naglagay muna ng lip serum bago naglagay ng serum sa buong mukha, 'tsaka nag- moisturizer, panghuli ay tinted sunscreen. May kaalaman sya sa pagmemakeup pero 'tsaka nya lang yun ginagawa kung may importanteng event.

Matapos sa sunscreen ay hindi nya na pinunasan ang lip serum dahil may tint na rin naman ito kung saan ay nagbibigay ng kulay sa kanyang labi. Sa kilay naman ay natural nang makapal, pati na rin ang sariling pilik-mata.

Sinuklay nya muli ang straight at itim nyang buhok na may haba hanggang kili-kili. Pina-trim nya ito kahapon at pinalagyan ng kaunting bangs sa gilid. Gusto nya din sanang magpakulay pero hindi na lang.

Sinuot nya na ang relo at nilapitan ang bag. Che-check nya muna ang laman kung nandito na ba lahat. Ang importante lang naman ay extra tshirt at laptop. Nagdala lang din sya ng isang binder notebook, glass water bottle, yellow pad, wipes, payong, syempre ballpen at earpods.

Kinuha nya na ang car keys, at ang baril na nasa mesa, at lumabas na ng kwarto.

Pagkarating ng kusina ay biglang umiba ang pinta ng mukha nya. Kinagat ang loob ng sariling pisngi at bumuntong hininga.

"Unang araw ng trabaho pero walang niisa ang kumikilos?" Isa sa kinaiinisan nya ay hindi gumising ng maaga si Vera, ito pa naman ang tigaluto.

Uminom na lang sya ng tubig, at nilisan na ng kusina. Umakyat siya pabalik sa taas. Nang makarating sa secret room ay tinaas niya ang button ng garahe sa control panel. Lumabas sya muli at tinuloy-tuloy na ang lakad patungong baba.

Nang makarating sa garahe ay sumakay sya sa sariling kotse. Pagkarating sa tapat ng gate ay bumaba muna sya para pumunta sa gilid ng gate. May fingerprint scanner ang nakadikit sa pader; inilapat ang thumb rito at ilang segundo ay  dahan-dahan nang bumakas ang gate.

Sumakay sya muli ng kotse at lumabas na.  Nang makalabas ay huminto na naman sya. Gamit ang cellphone ay sinirado nya ang gate. Ilang saglit bago may lumabas na kulay green na 'closed' sa cellphone. Hinintay nya muna na tuloyang masirado ang gate bago umalis. Ang garahe ay wala na syang magagawa para don.

Pagkaalis ni Savannah ay ang paggising din ni Vera. Pagmulat pa lang ni Vera ng mga mata ay agad nanlaki ang kanyang mga mata. Agad syang napabangon sabay bilis tingin sa oras.

Nang makitang mag-aalasyiete na ay napakuripas sya ng takbo patungong banyo; dali-daling nagsipilyo pagkatapos ay kumiripas na ng takbo papuntang kwarto ni Sav. 

Kumatok siya nang kumatok pero nakailang katok na sya ay wala pa ring nagbubukas ng pinto. Nag-scanner sya pero invalid.

Kanya namang naaalala na iba pala ang kwarto ni Savannah sa kanila; tanging si Savannah lang ang makakabukas ng master's bedroom kaya't mabilis na naman syang tumakbo patungong meeting room. 

Pagkalapit sa pader ng secret room, inilapat nya ang palad sa gilid ng pader para sa scanning. Pagkalapat ay lumabas ang green na grid lines na tila iniiscan ang fingerprints nya.

"Ang secret room ay may invisible fingerprint scanner sa pader. Meron ding button sa ilalim ng bookshelf," sabi ni Sir sa meeting.

Ilang segundo,  bumukas na ang pader kaya pumasok na sya. Dali-dali niyang nipower-on ang computer.

Napasabunot siya ng sariling buhok sa pagkakataranta.

"Sorry talaga, Sav. Urgh bakit ba kasi nakalimutan kong magpa-alarm kagabi?"

Habang naghihintay na umandar ang computer ay hindi napapakaling nagtitipa ang mga daliri niya sa mesa.

Nang bumukas na ang computer ay diretso niyang binuksan ang cctvs ng buong bahay. Ilang saglit, nakikita nya sa cctv na lumabas na si Savannah ng bahay 10 minutes ago. Tiningnan nya ang control panel at nakataas ang button ng garahe.

Dali-daling syang lumabas, at patakbong pumunta sa boy's room. Nag-scanner muna sya bago nya nabuksan ang pinto. Pero pagkabukas ay agad syang napagusot ng mukha sa pagtataka dahil walang tao.

"Asan ang mga 'yon?" Tumalikod sya ulit pero bigla namang tumama ang maliit na daliri ng kanyang paa sa pinto. "Agh sh*t!"

"Huwag nilang sabihin na sa backyard lang sila natulog buong gabi?" tanong nya sa sarili habang paika-ikang tumatakbo pababa. Mahina na lang siyang d*******g sa sakit; kung tao lang ang pinto ay baka nasuntok nya na ito.

Pagkarating niya ng backyard ay nakita niya ang tatlo na nakahiga na sa lupa. Si Shane ay nakatagilid ng higa, gano'n rin si Aron. Si Xavier naman ay nakayakap sa paanan ng silya. Ang tatlo ay pare-parehang n*******d ng pang-itaas.

"Anak ng-- Bakit dito lang sila natulog?! Pambihira! BOYS! GISING!" sigaw niya sa mga 'to pero walang niisang nagising.

Nilapitan nya si Aron pero pagkalapit ay agad syang napaiwas ng mukha sa sobrang baho nito. Gayon pa man, malakas nya pa rin itong niyugyog.

"Aron! Gising!"

"Hmm...." antok na usal nito, at tumagilid lang sa kabilang side.

"ARON! ANO BA?! GISING! GALIT NA GALIT NA SI SAV OH!" 

Agad namang inimulat ni Aron ang namumugay na mga mata pagkarinig ng 'Sav'.

"Huh? Asan sya?" usal ng binata sabay bangon, luminga-linga din ito 'tsaka tumingin ulit sa kaniya.

"Kayo kasi eh! Naglasing- lasing pa kayo tapos ngayon hindi kayo gumigising ng maaga!"

Dahang-dahang tumayo si Aron, at nagtanong, "Asan siya? Teka, anong oras na ba? Sorry" —sinuot muna ni Aron ang t-shirt— "napasarap lang talaga tulog ko. Ang sarap kasi ng simoy ng hangin dito."  

"Huwag ka nang daldal d'yan. Bilisan mo na!" Sinampal din ni Vera ang likod ni Aron kasabay ng bulyaw.

"Huwag namang manampal. Natagalan lang ng gising eh."

Dahil sa narinig, napatupi ng mga labi si Vera para pigilang hindi matawa at panatilihin ang matalim na tingin kay Aron.

Hinaplos naman ni Aron ang likuran para maibsan ang hapdi. "Teka, hindi kumain si Sav 'no? Pag-umiiba talaga ang emosyon 'non ay isa sa nangyayari 'non ay nawawalan ng gana sa bagay-bagay." 

"Oo. Uminom lang sya ng tubig 'tsaka pumunta sa meeting room at umalis na," sagot ni Vera, at akmang sasampalin na naman ang binata kaya't agad lumayo si Aron.

"Oh, oh, oh ayan na naman ang kamay mong kasing gaan ng bondpaper. Ba't ba palagi ka nalang nanampal hah?? Hindi naman ako punching bag."

Hindi na nakayanan ni Vera at tuloyan na talagang natawa. "Binilisan mo na kase!" bulyaw na nya naman sabay sabunot sa buhok nito.

"A-aray hah?! Umagang-umaga parang naghahanap ka na ng mato-torture," sarkasmo nito. 

Pinupukolan nya pa rin ng galit na tingin si Aron pero hindi nya maiwasan na hindi matawa sa boses nito.

"Tama na ang daldal, hindi mo ba naamoy ang sarili mo? Parang kang natulog sa dump site sa sobrang baho mo--" Hindi pa sya tapos sa pagsasalita ay pinisil na nito ang pisngi nya na may halong panggigigil tsaka kumiripas ng takbo papasok ng bahay. 

"Arooooonnnn!!!!!!" Rinig nya lang ang tawa ng binata. Kapag magkataon talaga ay bubunotin nya talaga ang buhok nito sa binti.  Wagas makapisil , parang pumipisil ng matigas na clay, nanggigigil.

Kumukulo man ang dugo pero nilapitan na lang nya sina Shane. Kapag ito sina Shane hindi susunod agad ay dito nya talaga ibubuntong ang galit nya kay Aron, pare-parehas lang naman ang tatlo na palagi syang pinaglalaruan.

Sa kabilang banda, makalipas ang ilang minuto ay nakarating na si Savannah ng paaralan. Paglabas nya ng kotse ay sinulyapan nya muna ang relo.

"Mabuti dahil marami pa 'kong oras." Iginala nya ang paningin sa buong parking lot, sobrang laki ng ispasyo nito. Sa hula nya ay parang may pangalawang parking lot ang paaralang ito.

Hindi nya nabigyan ng pokus ang blueprint na nasa bahay kaya't pagkatapos sa Admin's Office ay maglilibot-libot muna sya para mapauntahan ang iba't-ibang bahagi ng paaralan. Wala pa syang ideya kung anong nasa loob ng paaralan pero sa kanyang nakikita kaliwa't kanan ay isa lang ang kanyang masasabi; sobrang napakalaki ng paaralang ito na parang kayang umasikaso ng 25,000 students.

Sa kanyang pagsasaliksik patungkol sa Vinson College, isa ito sa mga top-rated schools dahil sa pagiging advance nito. Paaralan din ito ng mga mayayaman, at meron din namang libreng scholarships para sa maliit lang ang kaya. Kahit ibang lahi ay meron din ang paaralang ito.

Habang tinatahak ni Savannah ang daan patungong Admin's Office ay may ibang studyanteng napapatingin sa kanya; may iba na may pagtatakang tingin, mayroon ding ibang tila nabibighani sa kanyang ganda.

Ilang minutong lumipas pagkarating nya sa Admin's office ay napabuga sya ng mabigat na hininga; may medyo kalayuan ang Admin's Office sa parking lot. Malapit pa syang maligaw pero buti na lang naalala nya ang nasa blueprint. 

Ngayon nasa tapat na sya ng Dean's office. Humugot muna sya ng mabigat na hininga bago kumatok. Hindi na sya nag-antay pa ng hudyat sa loob at diretso nang binuksan ang pintuan.

Pagkapasok, isang ginang ang nakaupo sa swivel chair ang bumungad sa kanya at nakatingin na rin ito sa kanyang direksyon.

Tinanggal ng ginang ang suot na salamin, at tumayo sabay salita, "Oh Iha, nandito ka na pala."

Tumango lang sya sa Dean, at lumapit na sa upuan na nasa tapat ng mesa nito. 

"Lamig mo talaga kahit ang Tita mo na ang kaharap mo," nakangiting wika ni Mrs. Dean sa kanya pero hindi sya umimik, at niyuko lang kaunti ang ulo.

"Asan na ang kasama mo?" magalang pa rin na salita ng Dean.

"Hindi ko alam kung anong oras sya dadating pero sa tingin ko papasok 'yon ngayon," tanging sagot nya lang sabay labas sa sariling cellphone.

"Parang first day of school badtrip ka na hah--" wika ng Dean pero naputol din nang biglang may nagsalita sa intercom.

"Good morning Ma'am, may rambulan na naman pong nagaganap sa Gym." Rinig nilang sabi ng isang babae sa intercom.

"Okay, papunta nako," sagot ng Dean pagkatapos ay tumingin ito sa kanya.

"D'yan ka muna, Sav hah. 'Pag darating na ang isang transfer student, hintayin niyo lang ako." Tumango lang sya rito bilang tugon, at sinundan na ito ng tingin palabas.

Nang sya na lang mag-isa ay napalinga-linga sya sa paligid; pasimple nya lang iginagala ang paningin sa buong silid. Pasimple lang din syang tumingin sa cctv na nasa sulok; iniisip nya kung nasa security room naba si Shane o wala pa.

Ilang minutong lumipas, bumukas ang pinto, at inuluwa rito ang anim na lalaki, at si Mrs. Dean. Magulo ang buhok ng mga lalaki, may pasa ang dalawa, at may dumi na rin ang mga damit;  halata sa itsura na galing talaga sa rambulan.

Tumayo si Savannah, at lumapit sa bookshelf na nasa bandang kaliwa ng opisina. Ang anim na lalaki naman ay umupo sa mga upuan na nasa harapan ng mesa ni Mrs. Dean. Sumandal si Savannah sa bookshelf, at pinagkrus ang mga braso.

"Ano na naman 'tong walang-kwentang nyong rambulan hah?" maowtoridad na bulyaw ni Mrs. Dean. Unang salita ay parang lalabas na ang ugat nito sa noo at leeg sa sobrang galit.

"Imbes na kami ang tanungin nyo Ma'am, 'yang tang*nang Emerson ang tanungin nyo! Siya naman ang pasimuno eh!" reklamo ni Guy One.

"Oo nga. Hindi naman namin sinadiyang mabangga ang kotse nya kahapon eh. Tapos ngayong bigla-bigla na lang kami susugurin. Wala ngang kahit gasgas na nakuha ang kotse nya!" sabi ng kasamahan ni Guy One.

"Ano na naman 'to Mr. Denovan? Kailan ka pa magtitino?!" nauubusang pasensya na wika ng Dean,  "tuwing may rambulan, palagi ikaw ang tinuturo na pasimuno!"

 "It's not my f*cking fault! " irita na sagot ng lalaking nagngangalang Denovan sabay tayo pero agad sumingit si Mrs. Dean.

"WATCH YOUR MOUTH EMERSON OR ELSE I'LL CALL YOUR FATHER! Know who you are talking to." Dinuduro ng Dean ang daliri nito kay Emerson, namumula na ito sa galit.

Matamang nakikinig lamang si Savannah sa kanila.

"Mr. Denovan, pwede ilugar mo 'yang pagiging gangster mo" — malakas hinampas ng Dean ang isang libro sa mesa—  "Or else hindi mo makukuha ang diploma mo in the end of this school year!"

"I don't have f*cking care," tugon pa rin ng binata habang matapang na tinititigan sa mata si Mrs. Dean.

Hindi na nakapagpigil si Mrs. Dean at sinampal na si Emerson nang malakas sa pisngi. Matinis na tunog ang umalingawngaw sa buong opisina. 

Nanatiling nakaharap sa gilid ang mukha ng binata. Ilang segundo ay umangat ang mga mata nito kay Savannah. Nagtitigan si Savannah at Emerson, at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay may nararamdaman si Savannah na koneksyon. Ang titig ng binata ay parang may binibigay na mensahe pero hindi nya mawari.

"Dapat matuto kang sumunod sa patakaran ng paaralan na ito!" bulyaw ng dean. 

Ilang segundo ng pagtitigan nila ay bumalik muli ang galit sa mga mata ni Emerson at tumingin ito ulit sa Dean. 

"For your info Mrs. Dean, hindi ko pinangarap na mapunta sa paaralang 'to. Wala akong paki sa patakaran dito," tiim-bagang usal nito habang nangungugat na ang mga kamaong nakakuyom. 

"Ang akin lang dapat walang haharang sa dinadaanan ko kun'di sa hospital na ang bangon nila." Sa huli ay matalim itong tumingin sa tatlong lalaki.

Nagtatagisan na rin ang panga ni Mrs. Dean habang nakakuyom ang kamao sa mesa. "Sav, come here."

Kumunot ang noo ni Sav, at pinagtaasan ng isang kilay ang Dean. Hindi nya rin nagustohan ang pagbanggit nito sa kanyang totoong pangalan, at sa harapan pa talaga ng anim na tao. 

Lumingon ang anim na lalaki sa kanya kasali si Emerson.

"I said come here," ulit ni Mrs. Dean habang nagliliyab pa rin sa galit. Napilitang maglakad palapit si Savannah, at huminto sa gitna ng mga lalaki.

"Ikaw na bahala magturo ng leksyon sa mga 'to dahil sumasakit ang ulo ko." 

Nagliyab ang paningin ni Savannah sa narinig. "Bakit ako? Hindi ko naman 'yan trabaho," malamig na tanggi niya.

Pinagpatong ni Mrs. Dean ang folders, at kinuha ang ballpen. "Ikaw na bahala sa mga d'yan. Ikaw na bahala kung ano ipaparusa mo. Sige na dahil may importante pa 'kong meeting." 

Gumusot ang mukha nya sa pagkairita. Nandito sya para sa misyon, hindi para maging guidance councilor. Pero naglakad na palabas ng opisina si Mrs. Dean. Akmang magpro-protesta sya ulit pero hindi na sya pinakinggan ng dean at tuloyan na itong nakalabas ng pinto. 

Napakagat sya sa loob ng sariling pingi, sa diraming-dami pwede utosan ay sya talaga.

Tumingin sya sa anim na lalaki. Matignan lang ang pagmumukha ng mga 'to ay parang gusto nya na lang itapon isa-isa sa basurahan para wala na syang pro-problemahin.

"P*ta, sakit sa ulo," isip niya, at bumuntong hininga. 

Bumuntong sya muli ng hininga. 

"Tara, labas," walang ganang utos nya sa anim. Lumapit sya ng pintuan at binuksan ang pinto pero pagtingin sa mga lalaki ay hindi pa rin kumikilos ang mga 'to.

"Anong titingin ninyo? Susunod kayo o hindi?" maowtoridad nyang sabi sa mga 'to. Kapag ang pasensya nya'y mauubos ay pasensya na lang talaga.

Isa-isa nang nagsitayuan ang anim at sumunod. Isa-isa itong nagsilabasan, at ang panghuli ay si Emerson. Ipinagtataka nya kung bakit kanina pa titig ng titig si Emerson sa kanya. Iba-iba ang pinapakita ng mga mata nito, may pagtataka, gulat, parang may naaalala, galit, hindi mawari.

Nang makalabas ang anim ay sinirado nya na ang opisina, at nauna nang maglakad. "Sumunod kayo sa 'kin."

"Damn bro, ang ganda nya," mahinang usal ng kaibigan ni Mr. Denovan.

"Pre, late na tayo sa klase. Tara takas na tayo," mahinang sabi naman ni guy 1 sa kaibigan.

"Huwag nyo 'kong subukan. Akala nyo ba hindi ko naririnig ang mga bulongan ninyo?" malamig na wika ni Savannah dahilan para magtaka  at kabahan ang anim.

Ilang minutong paglalakad, pagdating nila sa field ay humarap si Sav sa mga lalaki, at isa-isang tinignan.

"Anong pangalan nyo?" tanong nya. Ang pangalan ng una nyang tinuro ay Cendric, sunod ay Halter,  at panghuli ay Adam. 

Tumingin si Sav sa katabi ni Adam pero tinititigan lang sya din ng lalaki na parang sinusuri ang kabuuan nya; nakakunot ang mga noo at masama ang tingin.

"Pre, sabihin mong pangalan mo," sabi ng nasa right side nito.

Umirap naman si Mr. Denovan kay Sav. "Emerson," sagot ni Mr. Denovan.

"Hi Miss, ako si Jax," pakilala ng katabi ni Emerson. Umirap lang si Sav sa kay Jax. Ang pangalan naman ng panghuling lalaki ay Chase.

"Okay. Give me 300 push-ups," utos niya sa anim na ikinagulat ng mga 'to. 

"Huh?! Ba't ang dami yata?" reklamo ni Halter.

"Nagrereklamo ka?" tugon ni Sav sa seryosong boses. Natakot si Halter sa tono ng babae kaya mabilis na lang syang umiling.

"300 push-ups! I'll give you 5 minutes only para gawin nyo 'yan."

"Iwan ko lang hah," mahinang wika ni Chase. Napakamot naman ng ulo silang Cendrick. Si Emerson, at Jax naman ay napa-'tsk' na lang.

Nakaobserba lang si Sav sa mga lalaki habang nagpupush-ups. Nasa 100 push-ups pa nga lang ay hinihingal na ang anim, ngayon may naiisip na syang ideya.

Makalipas ang limang minuto…

"Hah! Sobrang nakakapagod," hingal na hingal na usal ng mga 'to.

"Another 200 push-ups. May 2 minutes kayo para gawin 'to. Kapag hindi nyo magawa, may another 50 push-ups kayo," utos nya ulit. Nanlaki ang mata ng mga lalaki. 

"What the--f*ck," mura ni Adam.

"Pwede bang pahinga muna?" usal ni Cendrick habang hinahabol ang sariling hininga.

"Palibhasa taga-utos lang. Hindi naman alam kung gaano nakakahingal," bulong na wika ni Halter pero rinig na rinig iyon ni Sav.

"Sana sa detention ko na lang din kayo dinala para hindi na masayang ang oras ko sa inyo," seryosong tugon ni Sav dito. Naiinis pa rin ang tatlo pero hindi nila kayang salubongin ang tingin ng babae.

Tiningnan ni Sav ang sariling relo. "1 minute left," wika ni Sav pero hindi pa rin kumikilos ang mga lalaki.

Napabuntong hininga na lamang sya sabay harap sa ibang direksyon. Kanina pa sya naiinip at naiinis pero kailangan nyang magpigil sa sarili. 

"Kunti nalang talaga, kunti na lang," bulong nya sa sarili. Minasahe nya ang sariling leeg nang magsalita si Emerson.

"I think 300 push-ups is enough. Pwede na siguro tayong umalis?" 

Hinawakan ni Savannah ang damit ni Emerson, at walang kahit anong salitang idinapo ang kamao niya pagmumukha nito. 

Bumagsak sa sahig si Emerson sa malakas na suntok. Nagulat naman ang ibang lalaki sa nasaksihan.

"What the f*ck!" Mas nagliyab si Sav sa minura ni Emerson kaya lumapit sya ulit rito, pero bago pa sya makasuntok ay hinawakan sya ng dalawang kaibigan ni Emerson at inilayo.

Tumayo si Emerson , pinahid ang hinlalaki sa sariling labi para tingnan kung may dugo ba. Nang makita may dugo ay napakagat siya ng pisngi sabay tango-tango sa ulo. 

Nag-angat sya ng tingin, matalim na pinukolan ang babae sabay smirk. Pero ang smirk ay napalitan ng nakakamatay na titig. 

"What's wrong with you, woman?!" 

Dahan-dahang naglakad palapit si Emerson pero biglang kumawala si Sav sa hawak nilang Chase. Akmang susuntokin nya ulit ang pagmumukha nito pero bago pa yan mangyari , tinulak na sya ni Jax ng malakas dahilan para sumalpok ang pwetan nya sa lupa.

"Sav! Sav! Sky!" Napatingin ang mga lalaki sa sumisigaw; tumatakbo ito palapit sa knailang direksyon.

Lumingon si Sav sa sumigaw, at nakikita nya si Aron na papalapit. Nang tuloyang makalapit si Aron ay inalalayan siya nitong makatayo.  "Ayos ka lang?" 

Sa halip na sumagot , dinapoan nya lang ng suntok ang pagmumukha ni Aron. Nagulat si Aron sa natamo. Nahulog din ang panga nilang Cendrick sa gulat.

"Damn this f*cking life," mahinang mura ni Sav, at naglakad na paalis.

Tumuwid ng tayo si Aron, at tiningnan ang anim na lalaki. Hindi niya nakikilala ang anim kaya nag-iwas na lang sya ng tingin sa mga 'to.

Lumingon siya sa direksyon ni Savannah, medyo nakakalayo na ang dalaga kaya tumakbo na sya para sundan ito.

Related chapters

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 05

    Hinimas-himas ni Emerson ang sariling panga. Pakiramdam niya gumalaw ang ngipin niya sa loob sa napakalakas ng suntok. "That crazy woman," kanyang bulong. Napalingon naman si Jax, at Chase sa kaniya."Ayos ka lang, Pre? Parang malakas ang pagkakasuntok sa'yo ah, agad ka kasing sumalpok sa lupa," wika ni Jax. Pinukolan nya ito ng nakakamatay na tingin dahil as if may pake pero may halo namang pang-aasar ang pananalita. "You know what, she's cool," manghang usal ni Chase sabay tingin sa direksyon ng babae.Mahina namang sinuntok ni Jax ang dibdib ni Chase. "Ano ka ba, Pre. Nasuntok 'tong tropa natin pero pinupuri mo pa rin ang babaeng 'yon."Napabusangot ng mukha si Chase sabay haplos sa sariling dibdib.Lumingon naman silang tatlo kina Cendrick. Kahit wala silang sinasabi, kahit tinititigan lang nila sina Cendrick ay umalis ang mga ito nang kusa sa kanilang harapan .Nang makaalis sina Cendrick ay hinimas ulit ni Emerson ang sariling panga at minasahe. Nabigla naman siya nang bigl

    Last Updated : 2023-06-19
  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 06

    Mapayapang namamahinga si Savannah sa taas ng puno nang may pumutol nito. Tumunog ang telepono nya, at pagtingin kung sino ang tumatawag ay napabuntong hininga sya. Maingat muna syang bumangon 'tsaka sinagot ang tawag. "Iha, can you come over here? At the Dean's office," sabi sa kabilang linya.Inilayo nya ang telepono saglit , at kumawala ng mabigat na hininga dulot ng pagkairita. Wala pa ngang isang oras syang tumatambay dito sa puno tapos may mangdidisturbo na naman."Okay coming," sagot na lang nya dito. Gusto nyang tumanggi pero wala syang magawa kun'di pumayag para ipakita ang kaniyang respeto.Nang makarating sa tapat ng office ay sya muna'y kumatok bago pumasok. Pagpasok ay bumungad sa kanya ang anim na lalaki kanina, at ang Dean."Ano ngayon?" Gusto nyang ipakita na naiinip sya pero pilit nya pa ring ikalma ang sarili."Boys, ano nga 'yong sasabihin nyo?" tanong ng Dean. Noo ni Sav ay kumunot. Tiningnan nya sina Emerson pero hindi ito makatingin sa kanya ng diretso.Tuming

    Last Updated : 2023-06-20
  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 07

    Kinabukasan...Pagkarating ni Savannah sa paaralan ay dumiretso sya sa likuran ng paaralan dahil malayo pa ang unang klase. Ang bahaging ito ng eskwelahan ay malawak; bedre ang lupa, maraming puno, may mga sementong upuan at mga bench. Magandang tambayan dahil sa masarap na simoy ng hangin. Dito na rin makikita ang nagtataasang pader ng eskwelahan o tinatawag na boader kung saan ay hanggang dito na lang ang sakop ng paaralang ito.Kanina, sa kanyang pagdating ay sya pa mag-isang tumatambay pero ngayon ay may magjowa nang naglalambingan sa may kalayuan. Habang nakaupo sa ilalim ng puno ay kasalukuyan nyang tinitingnan ang emails. Si Shane ay galing na sa paaralan kanina para e-hack ang cctvs ng eskwelahan , at ngayon ay pauwi na ito.Araw-araw, sinisimulan nya talaga ang araw sa pagche-check ng emails at iba pang kailangan ifollow up o suriin. At nang matapos na nga gawin lahat, sa inaasahan ay inaatake na naman sya ng pagkabagot. Ininat nya saglit ang sariling leeg at buong kalamna

    Last Updated : 2023-06-25
  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 08

    Dumaan ang anim na oras, ngayon ay Alas-syiete na ng gabi. Maaga natapos ang klase ni Savannah kaya ngayon naisipan niyang pagbigyan si Lianna sa kagustohan nito. Ngayon, kasalukuyan niyang hinihintay si Lianna habang nakaupo sa harap ng sariling sasakyan. Habang wala pa si Lianna ay naisipan niyang itext si Aron. "Aron, matapos ang klase mo, dumiretso ka sa Juicy Club. May gagawin pa 'ko kaya hindi muna kita masasamahan ngayon. Kung anong malalaman o makikita mo, sa bahay na lang natin pag-usapan." Walang reply agad si Aron pero naiintindihan nya dahil baka nasa klase pa ang binata. Luminga-linga muna siya sa paligid para libangin ang sarili. Pero tumigil ang mata niya sa isang grupo ng kalalakihan na nasa malayo. Nang magtama ang mga mata nila ni Jax ay mabilis namang nag-iwas ng tingin sa kaniya ang binata. Makaraan ang ilang minuto ay napatingin si Savannah sa tumawag ng pangalan nya. Si Lianna ito na mabilis ang lakad papalit sa kanyang direksyon. "Wow!" pagkamangha ni Lian

    Last Updated : 2023-07-03
  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 09

    WEDNESDAY...Nagising si Savannah alas-tres pa lang ng madaling araw. Kahit sobrang antok dahil sa mahigit tatlong oras lang ang tulog ay pinilit nya ang sarili na bumangon.Bumaba sya ng kusina, at pagkarating ay ikinagulat nyang nandito na pala si Vera, kasulukuyang nagluluto. Bumati ito kaya bumati rin sya pabalik."May nainit na bang tubig?" tanong nya kay Vera."Ay! Wala pa," dismayado nitong sagot, " mag-init ka na lang muna. Damihan mo na rin para kina Aron."Tumango sya sa kaibigan sabay lapit sa counter. Habang naglalagay ng maraming tubig sa heater ay paulit-ulit pa nga syang napapahikab sa sobrang antok.Wala talaga sya sa ganang bumangon ng napakaaga ngayon pero tinatatak nya na lang sa utak na kailangan nang masagawa ang paglalagay ng cctvs as soon as possible.Habang hindi pa naiinit ang tubig, nagpaalam muna sya kay Vera na aakyat muli. Pagkarating sa kwarto ng mga lalaki, kita ang tatlo na mahimbing na natutulog lalong-lalo na si Aron.Lumapit sya kay Aron at niyugyog

    Last Updated : 2023-07-18
  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 10

    Mas ibinaon ng lalaki ang kutsilyo sa balikat ni Savannah kaya napaluhod na lang si Savannah sa sariling mga tuhod sabay d***g nang malakas.Kinasa ng lalaki ang hawak nitong baril; rinig nya yun kaya tumingin sya sa lalaki. Nagdadalawa ang paningin niya ngayon, ramdam niya ang malagkit at mainit na likido na tumutulo sa kanyang likuran. Bago maputok ng lalaki ang baril ay mabilis niyang hinawi ang baril nito sabay tayo; nilabas nya ang sariling dagger sa likuran, at mas mabilis pa sa hangin'g hiniwa ang leeg nito. Dahan-dahang tumumba ang lalaki habang hinahabol ang huling hininga; pinanood nya lang itong nagdudusa habang mabibigat rin ang kanyang paghinga. Bitawan niya ang dagger, napahugot siya ng maraming hangin. Hinawakan nya ang kutsilyo na nasa bandang likuran ng balikat nya, at humugot ulit ng malalim na hininga.Pumikit sya, at diretsong binunot ang kutsilyo. Abot impyerno ang pagdaing niya at napabagsak sa sariling mga paa. Hindi sya nagtagumpay na hublotin ang kutsilyo at

    Last Updated : 2023-07-19
  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 11

    Sunday...Alas-otso na ng umaga, at ngayon ay malapit na si Savannah sa site. Makalipas ang ilang minuto, nang makarating sya ng site ay pinarada nya nang maayos ang kotse sa parking lot.Iba ang site na ito sa site ni Sir Marius. Ang site na ito ay pagmamay-ari ni Sir Michael Vascon, ang totoong boss nilang mga agent. Isa itong private property, nasa tagong lugar din nakadestino. May dalawang malalaking building dito kung saan ay may 4 floors. Bawat floor ay may tulay na nakakonekta sa dalawang building, nagsisilbi ang tulay bilang dugtong sa dalawang building. Ang site rin ay may open ground kung saan araw-araw sinasanay ang mga tauhan. May shooting range kung saan hinahasa ang skills sa pagbaril. May mini forest kung saan ay dito ginagawa ang lahat na kailangang hasain ng bawat tauhan. May dormatory rin, lahat libre maliban sa basic needs tulad ng pagkain, toiletries, atbp. Higit pa dyan ay may gym rin, at mini bar. Pwede rin lumabas ang ibang tauhan kung gugustohin nila pero 'y

    Last Updated : 2023-07-20
  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 01

    "Damn you, f*cker." Sa isang napakadilim na eskinita, abot impyernong napasigaw ang lalaki nang dahan-dahang bumabaon ang kutsilyo sa sariling leeg. Mabilis tinakpan ni Savannah ang bibig nito para patahimikin. "AAAAAAAAAAHHH---" Ilang minuto bago ang huling hininga , walang humpas na d*******g ang lalaki. Wala nang mas sasakit pa na pinuputol ng babaeng ito ang kanyang ugat; walang bahid ng awa, hindi ito mahihilayo sa isang demonyo. Gumuhit ang ngisi sa labi ni Savannah; makikitang nagdudusa ang lalaki ay tila nakakakita sya ng isang palabas na mas maganda pa sa theatro. Amoy ng dugo na tila'y pabango, d***g ng lalaki na tila isang musika sa pandinig, ang mga mata nitong nagmamakaawa na tila isang magandang guhit. "Be a good girl, honey" Agad syang napalayo nang may bumulong sa kanyang isipan. Sa isang iglap, sya'y napabalik sa sarili. Nang lumandas muli sa lalaki ang kanyang paningin, ngayo'y nakaupo na ito sa sariling mga paa habang nakasandal sa pader, hawak ang kutsilyo n

    Last Updated : 2023-06-07

Latest chapter

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 11

    Sunday...Alas-otso na ng umaga, at ngayon ay malapit na si Savannah sa site. Makalipas ang ilang minuto, nang makarating sya ng site ay pinarada nya nang maayos ang kotse sa parking lot.Iba ang site na ito sa site ni Sir Marius. Ang site na ito ay pagmamay-ari ni Sir Michael Vascon, ang totoong boss nilang mga agent. Isa itong private property, nasa tagong lugar din nakadestino. May dalawang malalaking building dito kung saan ay may 4 floors. Bawat floor ay may tulay na nakakonekta sa dalawang building, nagsisilbi ang tulay bilang dugtong sa dalawang building. Ang site rin ay may open ground kung saan araw-araw sinasanay ang mga tauhan. May shooting range kung saan hinahasa ang skills sa pagbaril. May mini forest kung saan ay dito ginagawa ang lahat na kailangang hasain ng bawat tauhan. May dormatory rin, lahat libre maliban sa basic needs tulad ng pagkain, toiletries, atbp. Higit pa dyan ay may gym rin, at mini bar. Pwede rin lumabas ang ibang tauhan kung gugustohin nila pero 'y

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 10

    Mas ibinaon ng lalaki ang kutsilyo sa balikat ni Savannah kaya napaluhod na lang si Savannah sa sariling mga tuhod sabay d***g nang malakas.Kinasa ng lalaki ang hawak nitong baril; rinig nya yun kaya tumingin sya sa lalaki. Nagdadalawa ang paningin niya ngayon, ramdam niya ang malagkit at mainit na likido na tumutulo sa kanyang likuran. Bago maputok ng lalaki ang baril ay mabilis niyang hinawi ang baril nito sabay tayo; nilabas nya ang sariling dagger sa likuran, at mas mabilis pa sa hangin'g hiniwa ang leeg nito. Dahan-dahang tumumba ang lalaki habang hinahabol ang huling hininga; pinanood nya lang itong nagdudusa habang mabibigat rin ang kanyang paghinga. Bitawan niya ang dagger, napahugot siya ng maraming hangin. Hinawakan nya ang kutsilyo na nasa bandang likuran ng balikat nya, at humugot ulit ng malalim na hininga.Pumikit sya, at diretsong binunot ang kutsilyo. Abot impyerno ang pagdaing niya at napabagsak sa sariling mga paa. Hindi sya nagtagumpay na hublotin ang kutsilyo at

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 09

    WEDNESDAY...Nagising si Savannah alas-tres pa lang ng madaling araw. Kahit sobrang antok dahil sa mahigit tatlong oras lang ang tulog ay pinilit nya ang sarili na bumangon.Bumaba sya ng kusina, at pagkarating ay ikinagulat nyang nandito na pala si Vera, kasulukuyang nagluluto. Bumati ito kaya bumati rin sya pabalik."May nainit na bang tubig?" tanong nya kay Vera."Ay! Wala pa," dismayado nitong sagot, " mag-init ka na lang muna. Damihan mo na rin para kina Aron."Tumango sya sa kaibigan sabay lapit sa counter. Habang naglalagay ng maraming tubig sa heater ay paulit-ulit pa nga syang napapahikab sa sobrang antok.Wala talaga sya sa ganang bumangon ng napakaaga ngayon pero tinatatak nya na lang sa utak na kailangan nang masagawa ang paglalagay ng cctvs as soon as possible.Habang hindi pa naiinit ang tubig, nagpaalam muna sya kay Vera na aakyat muli. Pagkarating sa kwarto ng mga lalaki, kita ang tatlo na mahimbing na natutulog lalong-lalo na si Aron.Lumapit sya kay Aron at niyugyog

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 08

    Dumaan ang anim na oras, ngayon ay Alas-syiete na ng gabi. Maaga natapos ang klase ni Savannah kaya ngayon naisipan niyang pagbigyan si Lianna sa kagustohan nito. Ngayon, kasalukuyan niyang hinihintay si Lianna habang nakaupo sa harap ng sariling sasakyan. Habang wala pa si Lianna ay naisipan niyang itext si Aron. "Aron, matapos ang klase mo, dumiretso ka sa Juicy Club. May gagawin pa 'ko kaya hindi muna kita masasamahan ngayon. Kung anong malalaman o makikita mo, sa bahay na lang natin pag-usapan." Walang reply agad si Aron pero naiintindihan nya dahil baka nasa klase pa ang binata. Luminga-linga muna siya sa paligid para libangin ang sarili. Pero tumigil ang mata niya sa isang grupo ng kalalakihan na nasa malayo. Nang magtama ang mga mata nila ni Jax ay mabilis namang nag-iwas ng tingin sa kaniya ang binata. Makaraan ang ilang minuto ay napatingin si Savannah sa tumawag ng pangalan nya. Si Lianna ito na mabilis ang lakad papalit sa kanyang direksyon. "Wow!" pagkamangha ni Lian

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 07

    Kinabukasan...Pagkarating ni Savannah sa paaralan ay dumiretso sya sa likuran ng paaralan dahil malayo pa ang unang klase. Ang bahaging ito ng eskwelahan ay malawak; bedre ang lupa, maraming puno, may mga sementong upuan at mga bench. Magandang tambayan dahil sa masarap na simoy ng hangin. Dito na rin makikita ang nagtataasang pader ng eskwelahan o tinatawag na boader kung saan ay hanggang dito na lang ang sakop ng paaralang ito.Kanina, sa kanyang pagdating ay sya pa mag-isang tumatambay pero ngayon ay may magjowa nang naglalambingan sa may kalayuan. Habang nakaupo sa ilalim ng puno ay kasalukuyan nyang tinitingnan ang emails. Si Shane ay galing na sa paaralan kanina para e-hack ang cctvs ng eskwelahan , at ngayon ay pauwi na ito.Araw-araw, sinisimulan nya talaga ang araw sa pagche-check ng emails at iba pang kailangan ifollow up o suriin. At nang matapos na nga gawin lahat, sa inaasahan ay inaatake na naman sya ng pagkabagot. Ininat nya saglit ang sariling leeg at buong kalamna

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 06

    Mapayapang namamahinga si Savannah sa taas ng puno nang may pumutol nito. Tumunog ang telepono nya, at pagtingin kung sino ang tumatawag ay napabuntong hininga sya. Maingat muna syang bumangon 'tsaka sinagot ang tawag. "Iha, can you come over here? At the Dean's office," sabi sa kabilang linya.Inilayo nya ang telepono saglit , at kumawala ng mabigat na hininga dulot ng pagkairita. Wala pa ngang isang oras syang tumatambay dito sa puno tapos may mangdidisturbo na naman."Okay coming," sagot na lang nya dito. Gusto nyang tumanggi pero wala syang magawa kun'di pumayag para ipakita ang kaniyang respeto.Nang makarating sa tapat ng office ay sya muna'y kumatok bago pumasok. Pagpasok ay bumungad sa kanya ang anim na lalaki kanina, at ang Dean."Ano ngayon?" Gusto nyang ipakita na naiinip sya pero pilit nya pa ring ikalma ang sarili."Boys, ano nga 'yong sasabihin nyo?" tanong ng Dean. Noo ni Sav ay kumunot. Tiningnan nya sina Emerson pero hindi ito makatingin sa kanya ng diretso.Tuming

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 05

    Hinimas-himas ni Emerson ang sariling panga. Pakiramdam niya gumalaw ang ngipin niya sa loob sa napakalakas ng suntok. "That crazy woman," kanyang bulong. Napalingon naman si Jax, at Chase sa kaniya."Ayos ka lang, Pre? Parang malakas ang pagkakasuntok sa'yo ah, agad ka kasing sumalpok sa lupa," wika ni Jax. Pinukolan nya ito ng nakakamatay na tingin dahil as if may pake pero may halo namang pang-aasar ang pananalita. "You know what, she's cool," manghang usal ni Chase sabay tingin sa direksyon ng babae.Mahina namang sinuntok ni Jax ang dibdib ni Chase. "Ano ka ba, Pre. Nasuntok 'tong tropa natin pero pinupuri mo pa rin ang babaeng 'yon."Napabusangot ng mukha si Chase sabay haplos sa sariling dibdib.Lumingon naman silang tatlo kina Cendrick. Kahit wala silang sinasabi, kahit tinititigan lang nila sina Cendrick ay umalis ang mga ito nang kusa sa kanilang harapan .Nang makaalis sina Cendrick ay hinimas ulit ni Emerson ang sariling panga at minasahe. Nabigla naman siya nang bigl

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 04

    Alastres ng hapon naisipan ni Savannah na lumabas ng bahay para puntahan ang isang lugar. Pagkarating ay huminto sya sa harapan ng isang bahay. Kasalukuyang nasa ibang housing subdivision sya ngayon.Tinatanaw nya lang ang bahay habang nakasandal sa labas ng sariling kotse. Sa maraming taong lumipas knayang nilisan ang lugar na ito ay mapapasabi na lamang syang marami na talagang nagbago, isa na ang bahay kung saan sya lumaki.Habang tinatanaw ang bahay nila noon ay bumabalik ang mga alaalang masasaya pero nagdudulot naman ng kirot sa dibdib. Isa lang naman syang masayahing bata noon pero isang araw ay bumaliktad ang lahat."Time flies so fast... Lahat ng memories ko dito na kasama ka ay bumabalik sa 'kin… I miss you so much Dad..." kanyang bulong sa loob ng isipan.Sa dinami-daming tao sa mundo, ang sariling ama ang pinakamalapit sa kanyang puso. Noon, hinihintay nya pa ito sa mismong gate para salubongin. May mga panahon pang kahit ang laki na nya ay walang niisang reklamo ang kany

  • COLD SHOT OF BULLET   CHAPTER 03

    "Tawagin nyo si Aron, papuntahin niyo dito," utos ni Sav. Lumabas naman agad ng silid si Shane para sundin ang utos. Habang naghihintay ay nagtitingin-tingin muna si Sav. Random nyang nabuksan ang isang kabinet dulot ng pagkabagot. Nagkasalubong ang mga kilay nya'ng makita ang isang malaking papel na nakarolyo. Tiningnan niya ito , sa hindi inaasahan ay isa itong blueprint. "Ano 'yan, Sav?" Napatingin siya kay Xavier. Sa halip na sumagot ay lumapit muna siya sa mahabang mesa, at inilatag ang malaking blueprint. Ayon sa nakasulat sa pinakataas ng papel, 'Vinson College Blueprint' ang nakalagay. Sa pangalawang blueprint naman ay patungkol sa bahay kung nasaan sila ngayon. "Bakit naman magkakaroon si Sir ng blueprint ng Vinson College?" pagtataka ni Vera habang hawak ang blueprint na tinutukoy. Kahit alam ni Savannah ang sagot ay nanatili siyang tahimik. Binitawan niya ang papel kaya lumukot ito ng mag-isa. Kinuha naman ni Xavier ang blueprint habang siya ay nagpatuloy sa pagtitin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status