Share

Kabanata 2

Author: Hope
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Yngrid

"Magkano ang makukuhang sahod?" Nanlalaking mga mata kong tanong kaya inulit niya muli ang paliwanag sa akin.

"25, 000 Pesos sa isang buwan." Pag-uulit niya pa kaya hindi ko maiwasang mapahawak sa bibig ko dahil sobrang laki ng makukuha ko. Shet! Talaga bang maid ang gagawin ko? Baka mamaya ay sindikato na pala ito na nagbebenta ng katawan. Jusko!

"Sobrang laki naman, parang nag-trabaho ka na rin sa isang kumpanya. Sigurado ka bang isang buwang sahod 'yan? Ganiyan ba kayaman ang naging amo mo?" Kaya sa tinanong kong 'yon ay muli na namang natawa si Lara at malakas akong hinampas sa braso kaya napangiwi ako. Bakit kailangan may paghampas? Nagtatanong lang naman ako, ah.

Ang brutal talaga ng babaeng 'to.

"Oo nga. Kaya nga makakapunta na ako ng abroad dahil nakapag-ipon ako sa trabahong 'yon. At saka 'di lang siya basta mayaman, sobrang gwapo pa." Parang bulateng inasinan siya ng sabihin niya kaya napaismid na lang ako.

Hindi na importante sa akin kung gwapo ang magiging Amo ko. Ang importante ngayon ay ang sahod na makukuha ko. Grabe, pwede ko na rin ipangbayad 'yon sa natitirang upa ko. At kapag napag-ipunan ko 'yon ay pwede na ulit akong magaral at matupad ang mga pangarap ko.

"Baka scam 'yan?" Pag-uulit ko pa kaya napasimangot na siya at napairap na dahil sa sobrang kakulitan ko.

"Anong scam. Jusko, Yngrid kapag nakita mo talaga ang Amo natin ay talagang hindi ka na aalis sa trabaho mo." Malanding saad niya kaya napailing na lamang ako.

"Hindi gwapong Amo ang pupuntahan ko doon, Lara. 'Yung sahod. 'Yung sahod kasi malaki talaga ang maitutulong sa akin." Paliwanag ko kaya napatango naman siya at tuluyan ng ibinigay sa akin ang address na papasukan ko.

"Ano? Payag ka na ba talaga, Yngrid? Wala ng atrasan ito." Pagtatanong niyang muli kaya 'di na ako nagdalawang isip na tumango.

Baka ito na ang way para umangat ang buhay ko. Wala namang masama kung magta-try ako.

"Sige, sayang din eh. Opportunity na ang lumalapit sa akin, iiwasan ko pa ba?" Sagot ko naman kaya lumawak ang pagkakangiti niya sa akin.

"Dahil pumayag ka na ay bukas ka na agad magsisimula."

"Ano? Bukas agad?! Eh, wala pa akong naaayos sa gamit ko. Ganyan ba talaga ang magiging Amo ko, biglaang desisyon?!" Histerikal kong sigaw kaya malakas niyang hinampas ang braso ko dahil pinagtitinginan na kami.

"Kumalma ka nga pwede ba?" Nakikiusap nyang saad kaya nag-inhale at exhale ako para pakalmahin ang sarili. Nanggugulat naman kasi 'tong kausap ko.

"Oo, bukas ka na magsisimula. Ganoon kasi ang patakaran sa pinapasukan ko. Sa oras na umalis ka ay siguraduhin mong may kapalit ka ng nakuha para hindi hassle. So, since pumayag ka na ay bukas na agad ang pagpunta mo doon. 'Wag kang mag-alala, mababait ang makakasama mo." Mahabang litanya at bakas sa boses niyang kinukumbinsi na ako.

Kaya wala na akong magawa kundi ang magtiwala sa kaniya. Since bukas na rin pala ang pagpunta ko doon ay kailangan ko ng kumilos pag-uwi ko. Malalim na rin ang gabi kaya kailangan ko na talagang ayusin ang gamit ko.

Nagsimula na kaming maglakad ni Lara dahil magkapit-bahay lang naman kami. Habang naglalakad ako, ang katabi ko naman ay daldal lang ng daldal. Hindi ko alam kung nangangalay ba minsan ang bunganga niya o hindi, eh.

"At saka, Yngrid. Kapag nakita mo talaga ang hacienda niya talagang mapapa-wow ka. Sobrang yaman niya talaga tapos sobrang gwapo pa kaso seryoso nga lang." Ramdam ko ang panghihinayang sa boses ni Lara kaya tumawa na lang ako.

"Sigurado kang hindi scam 'to, ha? Nako, kapag talaga scam 'to talagang hindi na kita papansinin." Pananakot ko kaya tumalim ang tingin niya sa akin at pabirong hinigit ang mahabang buhok ko.

"Loka! Edi sana hindi talaga ako makakapunta sa ibang bansa kung scam 'to. Kagaya mo noong una kong nalaman 'yan ay natatakot ako. Paano kung illegal pala 'yan? Paano na ang kagandahan ko?" Madrama niyang saad kaya palihim na lang akong umirap sa pinagsasabi niya.

Alam kong maganda siya pero walang makakatalo sa ganda kong 'to. Ako lang naman si Yngrid Dela Fuente, ang future model ng Victoria Secret.

Kaya ng nakarating na ako sa tapat Ng apartment ko ay hindi na ako nakapagpaalam kay Lara at bigla na lamang pumasok. Pagpasok ko ay naramdaman ko kaagad ang matinding pagod kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong bumagsak sa sofa.

Huminga na lamang ako ng malalim at natulala sa kisame. Hindi ko alam kung anong magiging kapalaran ko sa oras na pumasok akong katulong sa Montecillo na 'yon. Basta ang importante ay lagi kong dala ang determinasyon at tiyaga na ipinamana sa akin ni Papa.

Kahit hindi yaman o pera man ang pamana sa akin ni Papa ay natutuwa pa rin ako dahil nakuha ko naman ang determinasyon at tiyaga para hindi ako sumuko sa buhay. Nang maalala kong mag-aayos ako ng mga gamit ko ay mabilis akong bumangon at basta-basta na lamang hinigit ang maleta para doon ilagay ang mga damit na dadalhin ko.

Nang matapos na ako ay nag-unat ako ng mga braso at tumalon sa kama ko. Napangiti na lamang ako dahil magsisimula na ako bukas pero nandoon pa rin ang kaba sa dibdib ko. Kaya pumikit ako at bumulong sa sarili ko.

"Kaya mo 'yan, Yngrid. Para sa pangarap mo! Fighting!"

"Wow!! Hindi ko mapigilang bulalas ko ng tuluyan ko ng makita ang loob ng hacienda na pinagta-trabahuhan ko. Napatingin naman sa akin ang matandang babaeng sumundo sa akin dahil sa ingay ko kaya nahihiya akong ngumiti sa kaniya.

Totoo nga ang sabi ni Lara, talagang mayaman ang magiging Amo ko. May fountain pa sa gitna tapos puro halaman at bulaklak ang makikita mo sa paligid mo. Mas lalo pa akong namangha ng makita kong nakapalibot ang mga body guard sa buong hacienda. Ang iba sa kanila ay napapatingin pa sa akin kaya nginingitian ko sila.

Pero napatigil ako sa paglalakad ng may dalawang body guard ang humarang sa akin bago pa ako tuluyang makapasok sa mansion.

"For security po, Miss." Saad niya ng mahalata niya ang pagtataka sa mukha ko. Tinapat niya ang detector sa akin at maingat niya itong inilibot sa katawan ko. Nang ayos na ay tuluyan na akong nakapasok sa mansiyon.

Pero halos tumulo ang laway ko at lumuwa ang mata ko sa nakikita ko ngayon. Hari ba ang nakatira dito? Grabe sa labas ay simple lamang pero pagpasok mo sa loob ay kumikinang ang lahat ng kagamitan. Kulang na yata ay masilaw ako dahil ang kikintab ng mga ito. Buti hindi siya nananakawan?

"Manang Lordes ang pangalan ko." Nawala ang atensyon ko ng magpakilala ang matandang babae sa harapan ko. Nakangiti na siya sa akin kaya hindi ko na mapigilan ang ngumiti. Mabait naman pala.

"Yngrid Dela Fuente po, Manang." Pagpapakilala ko naman at nakita kong natigilan siya. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya at malalim akong tinignan sa mata kaya nailang ako.

"Kaya ka pala pamilyar." Kahit bulong 'yon ay narinig ko naman na lalong ikinataka ko. Hala, baka mamaya ay nagkita na pala kami ng hindi ko alam.

"Ahm… nagkita na po ba tayo?" Kamot-ulo kong tanong at nakita ko naman na parang nagulat siya at muling bumalik ang ngiti sa labi niya.

"Halika na, ipapakita ko na sa'yo ang kuwarto mo." Anyaya niya at wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Sa second floor kami napadpad. Akala ko ay sa hagdanan kami aakyat pero nagulat na lang ako ng makita kong sa elevator ang pasok namin. Mukhang araw-araw yata akong magugulat sa makikita ko.

Tumigil ang elevator sa ikalawang palapag kaya tuluyan ko ng hinigit ang maleta ko palabas. Nakita ko ang napakaraming kwarto at sa dulong bahagi ako hinatid kung saan ay baka ito ang dating kwarto ni Lara. Binuksan ni Manang Lordes ang pintuan at mas lalo pa akong namangha.

Bakit parang hindi naman yata katulong ang ipinasok ko dito? Kumpleto sa lahat ng kagamitan. May aircon, may walk in the closet. May cr pa na malaki at mas malambot na kama.

"Grabe, hindi ako makapaniwala. Talagang nakakamangha." Hindi ko na mapigilan ang lumabas sa bibig ko kaya narinig ko ang pagtawa ni Manang Lordes.

"Ito na ang kwarto mo, Yngrid. Sa oras na naayos mo na ang mga damit mo ay naka-hanger na ang damit mong susuutin sa trabaho." Paalala niya at muling nagpatuloy.

"Bago ka magsimula ay may iilan akong ibinilin sa'yo. Una, huwag kang mala-late. Pangalawa ay señorito ang itatawag mo sa ating Amo. Maliwanag ba?" Bumalik sa pagiging seryoso ang boses niya kaya napalunok muna ako bago sumagot.

"Opo, Manang Lordes."

Kaya tinitigan niya muna ako pero bago siya tuluyang makalabas sa kwarto ko ay tumayo ako at muli siyang tinawag. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin alam kung ano ang pangalan ng sinasabi nilang Señorito.

"Ano po bang pangalan ni Señorito?"

"Devron Heiz Montecillo."

Kaugnay na kabanata

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 3

    Yngrid "Devron Heize Montecillo." Muli kong sambit sa pangalan niya ng makaalis na si Manang Lordes sa kwarto. Napatango pa ako at inayos ko muna ang mga gamit ko. Infairness mabango at maganda ang pangalan. Sa pangalan pa lang ay gwapo na paano kaya kapag nakita ko na ng personal? I mean, nacurious tuloy ako sa mukha ng Amo ko. Totoo kayang gwapo o baka naman sa pangalan lang? Imbis na problemahin kung ano ang mukha ng magiging Amo ko ay pinokus ko na lamang muna ang sarili ko sa pag-aayos ng mga damitan ko. Nang masiguro kong ayos na ay nilagay ko na sa ilalim ng kama ang maleta ko at tumayo. Sinuyod ko pa ang kabuuan ng kwarto ko at natigilan ako ng makita kong may cctv pa lang nakakabit at nakatutok ito sa direksyon ko. Ibig sabihin ay nakikita nila kung ano ang ginagawa ko sa loob at labas ng kwarto. Grabe parang nasa palasyo talaga kami. Miski ang uniform ng mga maid ay talagang elegante. Ang iba kasi ay parang basta-basta na lang. Pero itong uniform ko ay talagang may kumik

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 4

    Yngrid NASA LANGIT NA BA AKO? Bakit mukhang anghel itong kaharap ko ngayon. Matapos ko kasing alisin ang pagkakahawak niya sa braso ko ay nagkaroon ako ng pagkakataong malayang tingnan ang mukha niya ng malapitan. Ang kulay brown niyang mga mata, ang mapulang labi niya. Ang makinis at maputi niyang mukha. Ang aliwalas niya pa ring tingnan kahit nakakunot na ang noo niya sa harapan ko. Ito na ba ang Amo namin? Bakit kabaligtaran yata ng nai-imagine ko. Akala ko ay mas matanda siya sa akin pero nagkamali ako. Parang magkasing edad lang kami. Hanggang ngayon ay nakatitig lang ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Base pa lamang sa titig na ibinigay niya ay pakiramdam ko ay hinihigop niya ang buong kaluluwa ko. "Sino ka?" Baritonong tanong niya dahilan para makabalik ako sa huwisyo at mabilisang yumuko dahil naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko at pagkapahiya sa ginawa ko. Bakit naman kasi nakipag-titigan ka pa sa kaniya, Yngrid. Amo mo 'yan kaya umayos ka. Baka gusto mong mawa

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 5

    Yngrid SABOG AKONG GUMISING NGAYONG UMAGA. Nakatulala lamang ako sa kisame ng kwarto dahil hindi ko makalimutan ang nangyari kahapon. Hanggang ngayon ay amoy na amoy ko pa rin ang pabango ni Señorito. Masyadong nakakaadik ang amoy niya. Mabilis ko namang sinampal ang sarili ko dahil kung ano-ano ang naiisip ko kay Señorito. Nang tingnan ko ang oras ay napabangon na ako dahil malapit nang magalas-otso, baka malate ako. Kaya malakas kong pinilig ang ulo ko para mawala ang mga iniisip ko. Kailangan kong mag-focus sa trabaho lalo na at nandito na ang Amo ko. Nang maligo na ako ay mabilis naman akong nagbihis ng uniform ko. Kinuha ko naman ang blower na nakalagay sa drawer ko para patuyuin ang buhok ko. Sosyal din pala kaming mga katulong dito. Lahat kami ay kumpleto sa gamit. Parang hotel na nga itong kwarto namin dahil sa laki at linis nito. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit nagtatagal ang mga kasamahan ko dito. Nang makita kong tuyo na ang buhok ko ay pinuyod ko na ito at na

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 6

    Yngrid PALIHIM NAMAN AKONG NAPALUNOK ng marinig ko ang baritonong boses niya. Saglit ko lang ulit siyang tinapunan ng tingin at napalingon kay Señorito ng marinig ko ang boses niya. Bakit ba napapalibutan ako ng mga gwapo ngayon? Itong isa may asawa at anak na, 'yung isa naman ay Amo ko. Nakakainis na. Lord, talaga po bang sinusubukan mo po ako kung gaano po katatag ang pagiging marupok ko? "Yngrid, dalhin mo muna sa kusina 'yang dala mo. Mag-uusap lang kami ni Sebastian sa opisina. Kapag may kailangan ka, puntahan mo lang ako doon." Habilin niya kaya tumango na lamang ako at unang umalis sa sala. Pagdating ko sa kusina ay nakita ko si Manang na nagkakape. Nang makita niya ako ay biglang nagliwanag ang mukha niya. At tinulungan ako sa mga dala ko. "Kumusta naman ang lakad niyong dalawa ni Señorito, Yngrid?" Pang-uusisa ni Manang kaya umupo muna ako bago sumagot. "Ayos lang naman po, Manang. Palangiti at mabait naman po pala ang Señorito. Akala ko po kasi ay forever na siyang mas

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 7

    Yngrid MALAKAS AKONG NAPAUBO ng maramdaman ko ang paglabas ng napakaraming tubig na nainom ko ng mahulog ako sa pool. Ang kaninang naninikip kong dibdib na nawalan ng hangin ngayon ay naging maluwag na. Miski ang tibok ng puso ko ay bumalik na sa normal. Akala ko ay mamamatay na ako. Mabuti naman at hindi pa. May pangarap pa ako sa buhay. Naririnig ko na rin ang mga nagkakagulong boses pero mas nangingibabaw ang boses ni Señorito. Ramdam ko rin ang mahihina niyang pagtapik sa pisngi ko pero hindi ko magawang maimulat ang mga mata ko dahil muli na namang bumibigat ang talukap ng mata ko. "Wake up, Yngrid. Wake up. You're safe now." 'Yun na lamang ang huli kong narinig bago nandilim ang lahat. Ramdam ko na rin ang malambot na bagay na pumalibot sa katawan ko pati na rin ang pag-angat ko. "You're safe now." Dugo. Puro dugo ang pumapalibot sa amin ng bumagsak kami sa malamig na tubig ni Papa. Ang kanyang katawan na puro tama ng baril ngayon ay unti-unti ng hinuhugasan ng tubig na lu

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 8

    Yngrid NATIGILAN AKO sa nakita ko at kumunot ang noo ko. Bakit siya may picture ko? Ma nagawa ba akong mali dito sa mansion? Alam kong sa sarili ko na maayos at responsable ang pagtatrabaho ko dito kahit na minsan ay hindi maganda ang pakikisama sa akin ng mga katrabaho ko. Kaya dahan-dahan akong lumapit sa pwesto niya at saka nagsalita. “Senorito, ang gandang babae naman po ng tinitingnan niyo,” pagbibiro ko pa kaya gulat siyang napatingin sa akin at mabilis niyang nailapag ang litrato ko sa laptop niya. Kitang-kita ko rin ang pagkataranta niya ng mahuli ko siya sa ginagawa. “What are you doing here? Kanina ka pa ba diyan?” Pagtatanong niya kaya pumunta muna ako sa harapan niya para ilagay ang kape sa tabi ng laptop at sumagot. “Kararating ko lang po,” tipid kong sagot at nginuso ko naman ang picture ko kaya muli siyang napatingin dito. “Bakit mo po pala may litrato ko, Senorito?” Kaya umayos muna siya ng pagkakaupo at humigop ng kape bago sagutin ang katanungan ko. “Ah, ayan. I

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 9

    Yngrid "TUMIGIL KA NGA DIYAN, GELENE." Bakas sa boses ko ang inis kaya nakasimangot na naman siya. Inirapan niya muna ako bago siya magpatuloy. “Anong tigilan? Iyon talaga ang nakikita ko sa inyong dalawa ni Senyorito. Para talagang may spark,” kinikilig niyang saad kaya napailing na lamang ako. “Nasobrahan ka lang sa lamig ng aircon, Gelene, At saka anong spark? Ano? Kuryente ba kaming dalawa para magkaroon ng spark?” Nakuha ko pang magbiro kaya napasigaw na lamang ako ng kurutin niya ako sa tagiliran. “Yngrid hindi ako nakikipag-biruan sa iyo. Kahit maid ka dito ay bagay na bagay kayo ng Senyorito. Siguro mayaman ka lang talaga pero nagkaroon ka ng amnesia kaya akala mo ay mahirap ka at napadpad dito para magkapera. Pero ang hindi mo alam ay ang Amo mo pala ang tutulong sa iyo na maalala ang lahat dahil mahal niyo pala dati ang isa’t-isa bago ka magka-amnesia.” Malakas akong napatawa dahil sa sinabi niya. Kulang na lamang ay mabitawan ko ang pinggan na hawak ko dahil nanghihina

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 10

    Yngrid “PARTY? Seryoso ka diyan? Ano namang gagawin ko doon?” Gulat kong tanong kaya kumunot lamang ang noo niya na akala mo ay may nasabi akong mali. “Be my date, Yngrid.” Walang gatol niyang saad kaya umawang naman ang labi ko sa gulat. Date? Sigurado ba ‘tong si Devron? Katulong niya ako. Paano kapag nalaman nilang isa pala akong katulong ibig sabihin masisira ang pangalan niya ng dahil lang sa akin. Hindi yata nag-iisip ‘tong Amo ko. "Nag-iisip ka ba talaga?" Hindi ko na mapigilang tanong kaya gulat naman siyang napatingin sa akin. "Of course, nag-iisip ako. Anong akala mo sa akin walang utak?" Bakas ang iritasyon sa boses niya kaya napatango naman ako. "Eh 'yun naman pala, eh. Sana bago mo ako tanungin para maging date mo dyan sa party, naisip mo sana na katulong mo ako at Amo kita. Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nila na isang katulong ang sinama mo? Sa tingin mo natutuwa sila? Hindi, Devron." Saad ko kaya ngumisi lang siya at pinagkrus na rin ang dalawang bras

Pinakabagong kabanata

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 20

    YngridMALAKAS AKONG napaungol ng magising ako sa sikat ng araw. Nang matamaan ang mata ko ay nakasimangot akong napabangon at kinusot ko ang mga mata ko. Napahawak ulit ako sa ulo ko dahil muli na naman itong sumakit. Ngayon ko lang napansin na hindi ko pala ito kwarto kaya dali-dali akong tumayo at tiningnan ang sarili ko. Napahinga na lang ako ng maluwag ng makita kong kumpleto ang suot ko, kaya muli akong umupo sa kama at muling inalala ang nangyari kagabi. Pumunta ako bahay at uminom ng wine, dumating si Devron at umamin sa kanya ng ‘di oras. Umamin na ako kay Devron! Shet na malupet, iba talaga nagagawa kapag lasing saka lang nasasabi ang totoo. Salamat sa wine na ininom ko, mapaparamdam ko na rin kay Devron ang pagmamahal ko sa kanya. Dahil sa sobrang excited ko ngayong araw ay dali-dali akong naligo at inayos ang sarili ko. Hindi ko man alam kung nasaan man kaming lupalop ni Devron ngayon ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa at kami lang muna sa ngayon. Nang makita kong

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 19

    YngridWALA NA AKONG nagawa kundi sabihin ang lahat kay Gelene. Minsan ay napapatigil pa nga ako dahil tili siya ng tili at nahahampas ko pa ang braso. Hindi ko namalayang mag-iisang oras na pala kaming nagke-kwentuhan dito sa loob ng opisina ni Devron kaya naisipan na naming lumabas. Habang hinihintay namin ang pagbukas ng elevator ay muli na naman akong kinausap ni Gelene kaya wala na akong nagawa kundi ang sagutin ito dahil hindi siya titigil hangga’t hindi ko talaga sinasagot ang lahat ng katanungan niya. “Kailan ka aamin, be? Eh pareho lang naman pala kayong naghihintayan no boss eh. Parehong pakipot,” pang-aasar niya sa huli kaya inirapan ko siya at inismiran. “Palibhasa kasi ay nagde-date na sila ni Storm,” balik ko sa kaniya kaya pinanlakihan niya ako ng mata na akala mo ay may makakarinig sa usapan namin dalawa kaya nginisian ko lang siya at nagpatuloy. “Ay be, huwag mong iiba ang usapan.”“Handa naman akong umamin, eh. Hindi nga lang ngayon,” sagot ko pa at napakrus nam

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 18

    YngridPAREHO kaming natigilan ni Devron sa naging tanong ko. Nakita ko ang takot sa mga mata niya sa kauna-unahang pagkakataon. Nanginginig niyang hinawakan ang pisngi ko at mas hinapit pa ang bewang ko para mapalapit sa kanya. “Devron,” paos kong wika pero pinagdikit niya ang noo naming dalawa at marahang hinaplos ang sugat ko sa balikat kung saan ako nadaplisan ng bala kaya lumamlam ang mata ko sa ginawa niya. "Sino ka ba talaga?" Muli kong pagtatanong kaya mariin siyang pumikit. Pakiramdam ko ay natatakot siyang marinig ko ang tunay niyang pagkatao pero hindi ko muna siya huhusgahan. Kailangan kong malaman kung sino ba ang lalaking nagugustuhan. "Dev," malambing kong pagtawag at sa wakas ay binuksan niya na ang mata niya na ngayon ay matapang ng nakatingin sa akin. "Hindi mo magugustuhan kung sino ako, Yngrid," aniya kaya tumango ako at marahang hinaplos ang pisngi niya dahilan para mas lalo pang humigpit ang pagkakakapit niya sa bewang ko. "Handa akong makinig, Devron. Handa

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 17

    YngridNANLALAMIG na ang katawan simula ng magising ako, ramdam na ramdam ko ang mahigpit na pagkakatali ng kamay ko dahil ramdam ko ang hapdi nito kapag sinusubukan kong kalagin. Ang mata ko ay nababalot ng kadiliman dahil tinakpan ito, nagsimula na ring manginig ang labi ko sa takot.Nasaan ba ako? Saan ba ako dinala? Anong kailangan nila sa akin?“Pre, gising na yata ‘tong babae ni Devron. Nagalaw na eh!” Sigaw ng kung sino at naramdaman ko ang mabilisang paglapit nila sa akin at basta na lamang tinanggal ang pagkakatakip ng mata ko at nag-adjust ako sa liwanag. Nang matanggal na ito ay nangilabot ako ng makita ko ang mga mata nila. Mapupula ito na akala mo ay nakahithit sila ng mga ipinagbabawal na gamot. Kayo na ang bahala sa akin, gusto ko pang mabuhay.“Gising na pala ang babae ni Devron, ano kayang magiging reaksyon niya ng malaman niyang kinuha ka namin?” Natatawang saad niya at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko kaya mas lalo akong sumiksik sa kinauupuan kahit feeli

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 16

    YngridPUNISHMENT? Teka anong punishment na naman ang matatanggap ko ngayon. Iniwasan at inasar ko na lang siya. Papaalisin niya na ba ako dito? Sisibakin niya na ba ako sa pwesto? Omg, sana pala nag-isip muna ako bago ko gawin ‘yon.“S-sinabi ko na sa’yo kanina ang rason ko,” matapang kong saad kaya nanlaki ang mata ko ng mabilis siyang umalis sa pwesto niya at binuhat ako at inupo sa ibabaw ng mesa niya. Kahit gusto kong magpumiglas ay hinapit niya ang bewang ko at pinagdikit ang katawan naming dalawa. Pucha! Ramdam na ramdam ko tuloy ang mainit niyang katawan dahil magkadikit na kami at amoy na amoy ko na ang pabango niya, ano ba tong ginagawa ni Devron? Nahihibang na ba siya? Paano kung may pumasok sa opisina niya ay abutan kami ng ganito, paniguradong may iba silang iisipin. "Teka, teka kalma Devron. Pwede bang ihiwalay mo ng kaunti itong katawan mo sa akin," natatawang saad ko pero ang totoo ay grabe na ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Imbis na sundin niya ang si

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 15

    YngridMAKALIPAS ang dalawang araw na marinig ko 'yon ay umiwas muna ako kay Devron. Ayokong mas mapalapit sa kanya dahil may magiging asawa na pala siya, ngayon alam ko na kung bakit mainit ang dugo sa akin ni Kalista. Ayaw niyang may babaeng umaaligid sa mapapangasawa niya. At sa dalawang araw na nakalipas ay hindi naman ako pinapatawag ni Devron kahit na halata niyang iniiwasan ko siya, kapag kasi magsasalubong ang landas naming dalawa ay ako na agad ang umiiwas na pinagtataka na nila Manang lalo na si Gelene. "Yngrid, be. Hindi naman sa nanghihimasok ako, ha. Pansin ko lang nitong nakaraang araw na hindi kayo nagpapansinan ni Señorito, 'diba Personal Maid ka niya? Anyare?" Panguusisa ni Gelene ng minsang nagtagpo ang landas naming dalawa sa kusina. Ako ay naghuhugas ng pinggan habang siya naman ay pinupunasan ang mga ito. "Ah, nagpaalam naman ako na dito naman para matulungan ko kayo at saka hindi ko naman iniiwasan si Señorito, hindi lang talaga nagtatagpo ang landas naming da

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 14

    YNGRID“Kaya ba tuwang-tuwa kanina ang amo ko na yon dahil sa akin? Dahil pinapanood niya akong nahihirapan mag-ayos ng mga papeles niya?!” Hindi ko na mapigil ang bulalas dahil sa inis na nararamdaman ko. Hindi niya ba alam na masakit sa likod, nakakangalay ng batok, at masakit sa ulo ang pinapagawa niya sa akin? Pero sa isang banda ng utak ko naman ay deserve ko ito dahil personal maid naman niya ako. “Pero kahit na personal maid niya ako ay dapat ay tinulungan niya pa rin ako! Paano kapag nagkamali ako? Sa akin siya magagalit, eh siya naman ‘tong hindi man lang ako tulungan kahit saglit. Ang sarap tirisin!” Padabog akong umupo matapos kong ilabas ang hinanakit ko sa kanya. Imbis na intindihin ang nakita ko sa laptop niya ay nagpatuloy ako sa inuutos niya sa akin, binabasa ko ang iilan na papeles dito pero hindi ko maintindihan ang iba dahil magkaiba sila ng lenggwahe. Basta ang palagi kong nababasa ay puro mga transactions. Habang busy ako sa ginagawa ko ay narinig ko ang pagbu

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 13

    YngridMALAKAS kong binaklas ang kamay niya na nakahawak sa bewang ko. Kinuha ko rin ang pagkakataon na lumayo ng makita kong nagulat si Devron sa ginawa ko."Pwede ba, Devron. Kung pinaglalaruan mo ako, tigilan mo. Hindi ako natutuwa." Hindi ko na mapigilang bulalas kaya nagbago naman ang expression ng mukha niya at ngumisi. "Sa tingin mo naglalaro ako?" Malamig niyang tanong dahilan para matigilan ako at malakas na bumuntong hininga. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ni Devron. May pagkakataon na seryoso, may pagkakataon naman na hindi. "Bakit mo nga 'to ginagawa? Kung ito ang kapalit sa pagligtas ko sa'yo, sige payag ako. Pero kung paglalaruan mo lang ako, mas mabuting umalis na lang ako dito." Diretsahang saad ko at kitang-kita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi niya. Sumandal siya sa lamesa at tumitig sa mga mata ko na akala mo ay hinahalungkat nito maigi ang buong pagkatao ko. Dahil doon ay hindi ko maiwasang kilabutan. "Sa tingin mo hahayaan kitang u

  • Maid for You (Hiding Series #2)   Kabanata 12

    Yngrid"Papa, bakit po tayo tatakas?" Puno ng pangamba ang boses ko kaya lumuhod si Papa at ilang beses na lumunok bago magpaliwanag.“Yngrid, napagbintangan kasi si Papa sa hindi naman niya nagawa. Huwag kang mag-alala, may tutulong sa atin. Hindi nila tayo papabayaan.”Pagpapalakas niya ng loob ko dahil sa murang edad ay naranasan ko na ang mga ganitong karahasan. Kahit ipakita ni Papa na matapang siya ay mas nanaig pa rin ang takot sa mga mata niya.Bigla naman niya akong niyakap at mabilis na binuhat ng marinig namin ang sunod-sunod na putok ng baril sa baba. Dahil doon ay nagsimula na akong manginig sa takot, buong lakas inihagis ni Papa pababa ang lubid at mabilis na bumaba habang buhat ako. Pero bago pa kami makaapak sa lupa ay napasigaw na lang ako ng nadaplisan kaming dalawa ni Papa sa balikat ng bala. Dahil isang bata na walang alam ay nagsimula na akong matakot ng makita kong puno ng dugo ang damit ni Papa. Dahil doon ay mabilis niya akong binaba at malakas na itinulak. Si

DMCA.com Protection Status