Memories of the Past [COMPLETED]

Memories of the Past [COMPLETED]

last updateLast Updated : 2021-09-25
By:   Demie  Completed
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Not enough ratings
67Chapters
5.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila. Date Written: March 5, 2021 Date Finished: September 25, 2021

View More

Latest chapter

Free Preview

Kabanata I: Isang Pagtitipon

Nang huling araw ng Oktubre, ipinahayag ni Don Gregorio De Quintos na lalong kilala sa tawag na Gobernador Gregorio na nag-iimbita ng mga panauhin sa isang hapunan sa kaniyang bahay. Ang balitang ito ay tila apoy na kumalat sa buong panig ng San Lorenzo. Kakaiba ang pag-uugali ni Gobernador Gregorio kagaya ng pagiging mapagparaya at madaling lapitan sa panahon ng kagipitan, bagama't ayaw niya ang mga taong mapaghimagsik at nangangalakal. Ang mga tanod ay tiyak na dadalo kahit hindi naimbitahan ni Gobernador Gregorio. Ang lahat ay nagnanais makarating sa pagtitipon kaya't abalang-abala sa paghahanda ng sarili at sa mga sasabihing kadahilanan.Matatagpuan ang malaki bagama't mababang bahay ni Gobernador Gregorio malapit sa pampang ng Ilog ng Pag-ibig ang bahay ni Gobernador Gregorio na di gaanong maayos ang pagkakagawa ng arkitekto at maaaring maapektuhan ng lindol, bagyo at iba pang kalamidad. Ang Ilog ng Pag-ibig ay nakahalintulad din ng iba pang ilog sa San Lorenzo na ginaga...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
67 Chapters
Kabanata I: Isang Pagtitipon
Nang huling araw ng Oktubre, ipinahayag ni Don Gregorio De Quintos na lalong kilala sa tawag na Gobernador Gregorio na nag-iimbita ng mga panauhin sa isang hapunan sa kaniyang bahay. Ang balitang ito ay tila apoy na kumalat sa buong panig ng San Lorenzo. Kakaiba ang pag-uugali ni Gobernador Gregorio kagaya ng pagiging mapagparaya at madaling lapitan sa panahon ng kagipitan, bagama't ayaw niya ang mga taong mapaghimagsik at nangangalakal. Ang mga tanod ay tiyak na dadalo kahit hindi naimbitahan ni Gobernador Gregorio. Ang lahat ay nagnanais makarating sa pagtitipon kaya't abalang-abala sa paghahanda ng sarili at sa mga sasabihing kadahilanan.Matatagpuan ang malaki bagama't mababang bahay ni Gobernador Gregorio malapit sa pampang ng Ilog ng Pag-ibig ang bahay ni Gobernador Gregorio na di gaanong maayos ang pagkakagawa ng arkitekto at maaaring maapektuhan ng lindol, bagyo at iba pang kalamidad. Ang Ilog ng Pag-ibig ay nakahalintulad din ng iba pang ilog sa San Lorenzo na ginaga
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more
Kabananata II: Si Francisco Alonzo y Montevallo
Walang patid ang pag dating ng mga panauhin, mga naggagandahang kadalagahan na may magagarang kasuotan nang biglang matigilan si Padre Ignacio na parang nakakita ng multo hindi dahil sa mga magagandang dalaga kundi sa binatang luksang-luksa na kasama ni Gobernador Gregorio habang pumapasok sa bulwagan. Magalang na bumati si Gobernador Gregorio nang makita ang dalawang pari sabay halik ng kamay. "Magandang gabi po sa inyo, ginoo, ipinakikilala ko po sa inyo si Don Francisco Lorenzo, anak ng namayapa kong kaibigan. Kararating lamang niya mula sa Paris, at siya'y aking sinalubong."Dahil sa matinding pagkabigla nakalimutang basbasan ng pari si Gobernador Gregorio. Inalis ng paring dominico ang suot na salamin at masusing siniyasat ang kasama ni Gobernador Gregorio habang putlang-putla at nanlalaki ang mga mata ni Padre Ignacio.Hindi naitago ang paghanga ng mga panauhin nang marinig ang pangalan ng binata. Maging ang tenyente ng mga guwardiya sibil na si Teny
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more
Kabanata III: Sa Hapunan
Ang mga panauhin ay nagsidulog nasa hapag-kainan. Walang tigil sa pagpuri sa handa samantalang hindi pa naman nila natitikman ang mga iyon. Parang nag-uunahang tinungo nina Padre Ignacio at Padre Martin ang kabisera ng hapag-kainan. Pero nang halos sabay na makarating doon ay parehong tumigil na para bang handang magbigay sa isa't-isa. Nagkaraoon ng bahagyang pagtatalo kung sino ang uupo sa kabisera. "Sige, maupo na kayo, Padre Ignacio," itinuro ni Padre Martin ang upuang panguluhan sa hapag.Sa himig na nagbibigay, isinagot ni Padre Ignacio, "Kayo na, Padre Martin."Ngumiti ng alanganin si Padre Martin."Mas kilala kayo sa bahay na ito. Kayo pa yata ang kumpesor ng nasirang misis ni Gobernador Gregorio. At alang-alang na rin na kayo ay higit na nakakatanda.""Bakit natin dadaanin sa patandaan?" tanong ni Padre Ignacio."Kayo ang pari sa pook na ito, kaya kayo ang dapat na maupo sa kabisera.""Sa utos ninyo, ako'y h
last updateLast Updated : 2021-07-27
Read more
Kabanata IV: Mga Taksil
Buwan ng Oktubre noon, malamig ang simoy ng hangin dahil nalalapit na ang kapaskuhan. Hindi ito alintana ni Francisco sa kanyang marahang paglalakad na waring walang tiyak na patutunguhan. Marami siyang sasakyang nasasalubong, mga paupahang kalesa, mga Pilipino at dayuhang naglalakad. Nakarating siya sa Sitio Tondo, inilibot ang paningin sa buong paligid, wala pa ring pinagbago. Naroon pa rin ang mga dating daan at mga bahay na may pintang puti at bughaw, iyon pa rin ang puting pader. Ang lumang orasan ay naroon pa rin sa kampanaryo ng simbahan."Anong bagal ng pag-unlad?" bulong sa sarili bago nagtuloy sa Kalye Clark."Sorbetes! Sorbetes!" sigaw ng mga sorbetero.Naiilawan pa rin ng huwepe o sulong yari sa sasa ang mga tindahan at tindera ng iba't ibang kakanin. "Diyos ko!," naibulong niya. "Diyata't parang pangarap lamang ang pamamalagi ko sa Paris sa loob ng ilang taon. Wala pa ring pagbabago rito. Narito pa rin ang puwesto ng mga ti
last updateLast Updated : 2021-07-27
Read more
Kabanata V: Tala sa Karimlan
Pagod na dumating si Francisco sa kanilang tahanan; agad na pumasok sa silid at namintana. Pinagala ang paningin sa kalawakan. Nasa tabi ng Ilog ng Pag-ibig ang silid ng kanyang tinutuluyan at tanaw na tanaw niya ang bahay na iyon at naririnig niya ang masaya at malambing na tugtugan. Ang bahay na iyon ay kay Gob. Gregorio, sa kanyang guniguni, sana'y naroon siya at kasama sa kasayahang iyon, dangan nga lamang at masyado siyang abala at may dapat asikasuhin. Nakita sana niya ang wari'y malikmatang kagandahan ng isang diwata sa gitna ng kaakit-akit na bulwagan.Ang diwatang iyon ay walang iba kundi si Felicidad de Quintos; ang diwa't buhay ang nag-iisang babaeng minamahal ni Francisco na kararating lamang mula sa kumbento. Subalit kay daling naparaan ang magandang gunita, humalili ang kalunus-lunos na tanawin na nakapanunuot ng sarili. Ang naglalaro sa kanyang gunita ay isang madilim na silid na napaliligiran ng pader. Sa napaka ruming se
last updateLast Updated : 2021-07-27
Read more
Kabanata VI: Si Gobernador Gregorio
Si Gobernador Gregorio ay bata sa tingin sa tunay na gulang. Parang edad niya ay nasa pagatin ng trenta at trenta'y singko. Siya'y pandak na mataba at kanyang kulay ay kayumangging-kayumanggi. Sabi ng kanyang mga kaibigan: "Pinagpapala siya ng Panginoon kaya siya'y malusog."Sabi naman ng kanyang kaaway: "Tumataba siya dahil sa pagsipsip ng dugo ng mahihirap."Maliit na hugis-almond ang kanyang mga mata. Pango, bilugan na katamtaman ang laki ng kanyang ulo. Ayon sa iba ito raw ay punung-puno ng katalinuhan. Guwapo sana siya kaya lamang ang kanyang mga labi ay pinaitim ng kanyang paninigarilyo at pagnganga ng hitso na laging nakabukol sa kanyang pisngi. Mapuputi ang kanyang mga sungki-sungking ngipin na dalawa niyon ay pustiso. Si Gobernador Gregorio ay itinuturing na pinakamayaman sa Sta. Clarita isang lugar sa San Lorenzo. Ang pinanggalingan ng kanyang yaman ay ang kanyang mga lupain sa Pampanga at sa Nueva Ecija lalo na sa San Lorenzo. Madal
last updateLast Updated : 2021-07-27
Read more
Kabanata VII: Pag-uusap sa Balkonahe
Umagang-umaga sina Tiya Flora at Felicidad ay nagtungo sa simbahan upang magsimba.Pagkatapos na pagkatapos ng misa, nagyaya na si Felicidad sa pag-uwi. Takang-taka si Tiya Flora kung bakit nagmamadali si Felicidad, galing ito sa kumbento kaya inaasahan ni Tiya Flora na dapat lamang matulad si Felicidad sa isang mongha.Habang may kasabay na lumalakad palabas ng simbahan, sinabi ni Tiya Flora na tila nangangaral, "Katatapos lang ng misa ay nagyaya ka na. Bakit ka naiinip sa loob ng simbahan?"Nasabi na lamang ni Felicidad sa sarili, "Patawarin ako ng Diyos, alam ng Diyos ang damdamin ng isang dalagang tulad ko. Anong malay ninyo sa niloloob ng isang dalagang tulad ko?"Pagkatapos mag-agahan, wari'y naiinip si Felicidad na may hinihintay. Abala ang kanyang isap sa kung anong bagay. Iniisip niya ang tahimik na buhay sa kumbento. Parang ibig niyang magalit kung dumaraan ang alin mang sasakyan ay makalagpas iyon nang hindi humihinto.Si Gobernador Greg
last updateLast Updated : 2021-07-27
Read more
Kabanata VIII: Mga Alaala ng Nakaraan
Ang kalungkutang nadarama ni Francisco ay bahagyang naibsan habang ang karuwaheng kanyang sinasakyan ay naglalakbay sa isang bahagi ng magulong kalye ng San Lorenzo.Nakalilibang panoorin ang mga kalesang nagpaparoo't parito. Ang mga Pilipino, Europeo at iba pang dayuhan ay nakikilala lamang sa kanilang mga kasuotan. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin amg naglalako ng iba't ibang prutas at kakanin. Ang mga karitong hila ng mga kalabaw at ng hilera ng mga tindahan ay mga alaalang muling nagpapasariwa ng kahapon. Napansin ni Francisco na wala pa ring pagbabago sa mga dating lansangan. Hindi pa rin ito nalalatagan ng bato. Kapag tag-init ang kalye ay punong-puno ng alikabok na naninikit sa balat at kung humahangin ito ay nagiging libreng pulbos na nagpapaubo at humihilam sa mga mata ng mga naglalakad. Kung umuulan, ito ay nagmimistulang ilug-ilugan. Kaya kaawa-awa ang mga nagdaraan dahil nagtitilamsikan ng marumi at nagpuputik na tubig.Habang binabagta
last updateLast Updated : 2021-07-27
Read more
Kabanata IX: Iba't Ibang Pangyayari
Si Francisco ay hindi nagkamali sa kanyang hinala na si Padre Ignacio, na sakay ng isang magarang sasakyang Victoria ay papunta kay Gobernador Gregorio. Pagbaba ni Padre Ignacio ay paalis naman sina Felicidad at Tiya Flora. "Mukhang may pupuntahan kayo," ang bati ni Padre Ignacio sa magtiya. "Kukunin po namin sa kumbento ang aking kagamitan," ang sagot ni Felicidad.Nabigla ang pari sa sagot ni Felicidad at pabulong sa sarili lamang sinabi, "Tingnan nating kung sino ang masusunod, kung sino ang higit na makapangyarihan!"Napansin ni Tiya Flora ang pabulong-bulong ni Padre Ignacio, kaya naisip niya. "Siguro ay may sinasaulong sermon si Padre Ignacio," ang wika nito at inutusan si Felicidad."Sige sumakay ka na at tatanghaliin tayo."Tuluy-tuloy na pumanhik sa bahay ni Gobetnador Gregorio si Padre Ignacio. "Gregorio, may pag-uusapan tayong mahalaga sa iyong tanggapan," pasigaw at pagalit na sabi ni Padre Ignacio.Nang makita ang pari, ma
last updateLast Updated : 2021-07-27
Read more
Kabanata X: San Lorenzo
Ang bayan ng San Lorenzo ay saganang-sagana sa biyaya ng lupa, tulad ng tubo na ginagawang asukal, palay, kape, mga gulay at bungang-kahoy na ipinagbibili sa iba't-ibang bayan lalo na sa mga mapagsamantalang Instik. Ang bayan ay nasa baybay lawa na napapaikutan ng malawak na bukirin.Ang buong kabayanan ay tanaw sa simboryo ng simbahan ng San Lorenzo. Ang mga kabahayan ay nakatumpok sa pinakagitna ng malawak na kabukiran. Ang mga bahay ay karaniwang may pawid na bubong na sinalitan ng mga kabunegro, yero at tisa. Mula pa rin sa tuktok ng simbahan ay kitang-kita rin ang mala ahas na ilog sa gitna ng bukid na kumikinang sa tama ng sikat ng araw. Sa di kalayuan ay may isang dampa na nakatayo sa gilid ng isang talampas na nakabukod sa karamihan.Ang gubat sa gitna ng sakahang lupa ay kapansin-pansin para sa lahat. Ang mga puno rito ay masisinsin na malalaki at maliliit, kayat kahut ang sikat ng araw ay maramot na palaganapin ang liwanag sa loob ng gubat. Ang lugar ay pinan
last updateLast Updated : 2021-07-27
Read more
DMCA.com Protection Status