Home / History / Memories of the Past [COMPLETED] / Kabanata I: Isang Pagtitipon

Share

Memories of the Past [COMPLETED]
Memories of the Past [COMPLETED]
Author: Demie

Kabanata I: Isang Pagtitipon

Author: Demie
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Nang huling araw ng Oktubre, ipinahayag ni Don Gregorio De Quintos na lalong kilala sa tawag na Gobernador Gregorio na nag-iimbita ng mga panauhin sa isang hapunan sa kaniyang bahay. Ang balitang ito ay tila apoy na kumalat sa buong panig ng San Lorenzo. Kakaiba ang pag-uugali ni Gobernador Gregorio kagaya ng pagiging mapagparaya at madaling lapitan sa panahon ng kagipitan, bagama't ayaw niya ang mga taong mapaghimagsik at nangangalakal. Ang mga tanod ay tiyak na dadalo kahit hindi naimbitahan ni Gobernador Gregorio. Ang lahat ay nagnanais makarating sa pagtitipon kaya't abalang-abala sa paghahanda ng sarili at sa mga sasabihing kadahilanan.

Matatagpuan ang malaki bagama't mababang bahay ni Gobernador Gregorio malapit sa pampang ng Ilog ng Pag-ibig ang bahay ni Gobernador Gregorio na di gaanong maayos ang pagkakagawa ng arkitekto at maaaring maapektuhan ng lindol, bagyo at iba pang kalamidad. Ang Ilog ng Pag-ibig ay nakahalintulad din ng iba pang ilog sa San Lorenzo na ginagamit bilang paliguan, labahan at igiban ng mga mangingisda upang may ikabuhay.

Ang mga maliliwanag na ilaw, mga magagandang palamuti at masisiglang tugtuging orkestra ay naglalarawan ng isang napaka sayang handaan sa tahanan ni Gobernador Gregorio. Ang mga kalansing ng mga kubyertos at pinggan ay nagpapahiwatig ng lubos na kasiyahan sa mga panauhin sa napakaraming pagkain sa mahabang hapag-kainan sa gitna ng bulwagan. Ang mga pangkat ng mga kalalakihan ay hiwalay sa mga kababaihan gaya ng nakagawian sa loob ng simbahang Katoliko na maaaring dulot din ng mga larawan ng mga birheng nagpapagunita ng wastong pagkilos bilang Kristiyano.

Si Tiya Flora ay ang pinsang babae nina Gobernador Gregorio at Amelia na may edad na subalit nababakas pa rin ang maamong mukhang dulot ng kagandahang angkin. Matiyaga itong sumasalubong sa mga panauhing babae at namamahagi ng mga sigarilyo sa mga dayuhang babae. Ang mga Pilipina ay humahalik sa kamay ni Tiya Flora tulad ng karaniwang ginagawa ng mga tao sa mga prayle bilang paggalang. 

"Mga walang ingat! Ano ba ang nangyari?" ang wika ni Tiya Flora habang patungo sa kusina upang alamin ang tunay na naganap. 

Mapupuna ang mga pangkat ng kadete na masayang nag-uusap na nakatingin sa iba pang bisita. Ang ilan sa mga bisitang nasisiyahan sa handaan ay ang mga prayle, mga sundalo at karaniwang mamamayan dahil sa ang mga nakalapag sa mesa ay mga alak.

Ang matandang tenyente ng guwardiya sibil ay matangkad at tuwirang mangusap sa kausap. Naroroon si Padre Martin, ang Dominicong prayle sa San Lorenzo. Pormal makitungo sa mga kahalubilo at maingat sa kaniyang pananalita, bagama't bata pa ay mahusay na sa pakikipagtalo na naging guro sa Kolehiyo sa San Juan de Letran. May isang matandang Franciscanong prayle na maliksi sa pagkilos at ito ay si Padre Ignacio. Kausap niya ang isang binatang bagong dating sa San Lorenzo na may madilaw na buhok. 

"Mababatid ninyo na kakaiba ang pamamahala rito sa San Lorenzo kung ihahambing sa ibang lugar dito sa Asya at sa Madrid," ang pahayag ni Padre Ignacio.

"Sa tatlumpu't pitong taon kong pamamalagi rito sa San Lorenzo nasanay na akong kumain ng patatas at kanin, punung-puno ng maraming karanasan kaya't lubusang pinaniwalaan ng maraming tao," ang pagpapatuloy ni Padre Ignacio.

"Kilala ko ang mga taga-rito sapagkat nakasama ko sila nang tatlumpu't pitong taon sa isang maliit na bayan ng San Lorenzo na may pitong libo na populasyon na pagsasaka at pangingisda lamang ang kanilang ikinabubuhay." dagdag na pahayag ni Padre Ignacio. "Nalungkot ang mga taga-rito nang lisanin ko ang lugar na nailipat sa isang mas malaking bayan."

"Ngunit, ano ang ibig ninyong patunayan?" ang wika ng binata. "Sandali! Patapusin ninyo muna ako, mas naibigan ng mga tao ang paring pumalit sa akin kaya't mas lalo silang nagpighati," ang pangangatwiran ng prayle. 

"Ano po ba ang kaugnayan niyan sa pag-aangkat ng mga produkto mula dito?" ang tanong ng binata.

"Ang repormang ginagawa ng ministro ay hindi tama," ang tugon ng prayle. 

Humingi ng paumanhin ang binata upang makibahagi ng kanyang paniniwala. 

"May katotohanan ba na ang mga taga-rito ay mangmang na walang pinag-aralan kaya't ito ang nagdulot ng mabagal na pag-unlad ng kanilang bayan?" ang sabi ng binata. 

"Hindi itinuturing na mangmang si Gobernador Gregorio katulad ng mga nakatira rito," anang binata. 

"Natitiyak kong mababago ang inyong paniniwala kapag nasanay na kayong magdadalo sa pista at makakain ng tinola."

"Ang tinola ay ginisang manok na may upo. Kailan pa ba kayo mamalagi rito sa bayan ng San Lorenzo?" ang sambit ni Padre Ignacio.

"Limang araw na ako rito sa San Lorenzo at sariling pera ko ang ginastos para makarating dito." sagot ng binata.

"Tanungin ninyo si Ginoong Carlito kung may tatalo pa sa kamangmangan ng mga taga San Lorenzo."

"Ibig mong sabihin nagbiyahe ka sa walang kwentang layunin samantalang maririnig mo naman sa mga usapan ng tao ang tungkol sa lupaing ito," ang nangungutyang sabi ni Padre Ignacio.

"Ayon sa inyong pahayag, tatlumpu't pitong taon kayo namalagi sa San Lorenzo. Hindi ba kayo nasiyahan ng pananatili rito?" ang tanong ni Padre Martin.

"Hindi," wika ni Padre Ignacio.

"Nalungkot ako ng lubusan nang umalis ako sa Sta. Clarita na ilang buwan ko lang pinanahan, samantalang kayo ay tatlumpu't pitong taon na tumigil sa San Lorenzo at halos kilalang-kilala na ninyo ang lahat ng tao roon tulad ng inyong abito na araw-araw suot. Ako ay lumipat ng ibang pamayanan para sa kabutihan ng lahat," ang salaysay ni Padre Martin kay Padre Ignacio na napasuntok sa lamesa.

"May relihiyon ba? May kalayaan ba ang mga prayle?" ang mariing sabi ni Padre Ignacio na ikinagulat ng apat na dayuhang naglalakad. 

"Ano ang ibig ninyong ipakahulugan?" pagtatanong ng Tenyente at Dominico. 

"Sinasang-ayunan ng pamahalaan ang mga kumakalaban sa Diyos kaya maraming sakunang nagaganap dito," ang tugon ng Franciscano.

"Kapag ang prayle ang nagpahukay ng nakalibing na bangkay ng isang kalaban ng Diyos, kahit hari ng España ay walang karapatang makialam rito," ang malakas na sigaw ni Padre Ignacio.

"Padre ang kanyang kamahalan, ang Kapitan Heneral ay siyang Vice-Real Patrono na pangalawang tagatangkilik ng Hari ng España," ang pagsigaw sa galit ng tenyente.

Tumindig ang Franciscano at sumagot, "Anong Vice-Real? Kung naganap ito noon, siguradong kinaladkad na sa hagdan tulad ng kay Gobernador Delos Reyes sapagkat may tunay na pananampalataya noon."

"Bawiin ninyo ang inyong sinabi at kundi ay makakarating ito sa kaniyang kamahalan," pananakot ng Tenyente kay Padre Ignacio.

Namagitan si Padre Martin sa away ng Tenyente at ni Padre Ignacio.

"Si Padre Ignacio ay wala sa San Lorenzo at ang katulong na paring Pilipino ay siyang nagpalibing sa bangkay ng isang marangal na ginoo. Ano ang masama kung hindi siya nangumpisal? Kahit ako hindi rin nangungumpisal sa pari. Hindi nagpakamatay ang ginoo sapagkat may isang anak siyang mahal na mahal na pinag-aral sa Paris. Inalipusta ang paring Pilipino na tumulong sa kura sa simbahan at nag-utos na ipatapon sa ibang lugar ang bangkay. Nang malaman ng Kapitan Heneral ay inilipat niya si Padre Ignacio sa ibang bayan," ang pagpapaliwanag ng militar kay Padre Martin at lumisan upang makiumpok sa ibang pangkat.

Dumating pa ang maraming panauhin, isa na rito si Don William na isang Kastila na sunud-sunuran sa asawa at si Doña Beatrice na isang Pilipina ngunit Europeo ang kasuotan. 

"Sino, G. Carlito, ang may-ari ng bahay na ito?" tanong ng binatang madilaw ang buhok. "Hindi pa ako naipapakilala sa kanya."

"Hindi na kailangan dito ang pagpapakilala," sagot ni Padre Ignacio.

Ang magandang pag-uugali sa pagtitipon ay kailangan sa lahat ng pagkakataon.

Kaugnay na kabanata

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabananata II: Si Francisco Alonzo y Montevallo

    Walang patid ang pag dating ng mga panauhin, mga naggagandahang kadalagahan na may magagarang kasuotan nang biglang matigilan si Padre Ignacio na parang nakakita ng multo hindi dahil sa mga magagandang dalaga kundi sa binatang luksang-luksa na kasama ni Gobernador Gregorio habang pumapasok sa bulwagan.Magalang na bumati si Gobernador Gregorio nang makita ang dalawang pari sabay halik ng kamay. "Magandang gabi po sa inyo, ginoo, ipinakikilala ko po sa inyo si Don Francisco Lorenzo, anak ng namayapa kong kaibigan. Kararating lamang niya mula sa Paris, at siya'y aking sinalubong."Dahil sa matinding pagkabigla nakalimutang basbasan ng pari si Gobernador Gregorio. Inalis ng paring dominico ang suot na salamin at masusing siniyasat ang kasama ni Gobernador Gregorio habang putlang-putla at nanlalaki ang mga mata ni Padre Ignacio.Hindi naitago ang paghanga ng mga panauhin nang marinig ang pangalan ng binata. Maging ang tenyente ng mga guwardiya sibil na si Teny

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata III: Sa Hapunan

    Ang mga panauhin ay nagsidulog nasa hapag-kainan. Walang tigil sa pagpuri sa handa samantalang hindi pa naman nila natitikman ang mga iyon.Parang nag-uunahang tinungo nina Padre Ignacio at Padre Martin ang kabisera ng hapag-kainan. Pero nang halos sabay na makarating doon ay parehong tumigil na para bang handang magbigay sa isa't-isa. Nagkaraoon ng bahagyang pagtatalo kung sino ang uupo sa kabisera."Sige, maupo na kayo, Padre Ignacio," itinuro ni Padre Martin ang upuang panguluhan sa hapag.Sa himig na nagbibigay, isinagot ni Padre Ignacio, "Kayo na, Padre Martin."Ngumiti ng alanganin si Padre Martin."Mas kilala kayo sa bahay na ito. Kayo pa yata ang kumpesor ng nasirang misis ni Gobernador Gregorio. At alang-alang na rin na kayo ay higit na nakakatanda.""Bakit natin dadaanin sa patandaan?" tanong ni Padre Ignacio."Kayo ang pari sa pook na ito, kaya kayo ang dapat na maupo sa kabisera.""Sa utos ninyo, ako'y h

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata IV: Mga Taksil

    Buwan ng Oktubre noon, malamig ang simoy ng hangin dahil nalalapit na ang kapaskuhan. Hindi ito alintana ni Francisco sa kanyang marahang paglalakad na waring walang tiyak na patutunguhan.Marami siyang sasakyang nasasalubong, mga paupahang kalesa, mga Pilipino at dayuhang naglalakad. Nakarating siya sa Sitio Tondo, inilibot ang paningin sa buong paligid, wala pa ring pinagbago. Naroon pa rin ang mga dating daan at mga bahay na may pintang puti at bughaw, iyon pa rin ang puting pader. Ang lumang orasan ay naroon pa rin sa kampanaryo ng simbahan."Anong bagal ng pag-unlad?" bulong sa sarili bago nagtuloy sa Kalye Clark."Sorbetes! Sorbetes!" sigaw ng mga sorbetero.Naiilawan pa rin ng huwepe o sulong yari sa sasa ang mga tindahan at tindera ng iba't ibang kakanin."Diyos ko!," naibulong niya. "Diyata't parang pangarap lamang ang pamamalagi ko sa Paris sa loob ng ilang taon. Wala pa ring pagbabago rito. Narito pa rin ang puwesto ng mga ti

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata V: Tala sa Karimlan

    Pagod na dumating si Francisco sa kanilang tahanan; agad na pumasok sa silid at namintana. Pinagala ang paningin sa kalawakan.Nasa tabi ng Ilog ng Pag-ibig ang silid ng kanyang tinutuluyan at tanaw na tanaw niya ang bahay na iyon at naririnig niya ang masaya at malambing na tugtugan. Ang bahay na iyon ay kay Gob. Gregorio, sa kanyang guniguni, sana'y naroon siya at kasama sa kasayahang iyon, dangan nga lamang at masyado siyang abala at may dapat asikasuhin.Nakita sana niya ang wari'y malikmatang kagandahan ng isang diwata sa gitna ng kaakit-akit na bulwagan.Ang diwatang iyon ay walang iba kundi si Felicidad de Quintos; ang diwa't buhay ang nag-iisang babaeng minamahal ni Francisco na kararating lamang mula sa kumbento.Subalit kay daling naparaan ang magandang gunita, humalili ang kalunus-lunos na tanawin na nakapanunuot ng sarili. Ang naglalaro sa kanyang gunita ay isang madilim na silid na napaliligiran ng pader. Sa napaka ruming se

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata VI: Si Gobernador Gregorio

    Si Gobernador Gregorio ay bata sa tingin sa tunay na gulang. Parang edad niya ay nasa pagatin ng trenta at trenta'y singko. Siya'y pandak na mataba at kanyang kulay ay kayumangging-kayumanggi.Sabi ng kanyang mga kaibigan: "Pinagpapala siya ng Panginoon kaya siya'y malusog."Sabi naman ng kanyang kaaway: "Tumataba siya dahil sa pagsipsip ng dugo ng mahihirap."Maliit na hugis-almond ang kanyang mga mata. Pango, bilugan na katamtaman ang laki ng kanyang ulo. Ayon sa iba ito raw ay punung-puno ng katalinuhan. Guwapo sana siya kaya lamang ang kanyang mga labi ay pinaitim ng kanyang paninigarilyo at pagnganga ng hitso na laging nakabukol sa kanyang pisngi. Mapuputi ang kanyang mga sungki-sungking ngipin na dalawa niyon ay pustiso.Si Gobernador Gregorio ay itinuturing na pinakamayaman sa Sta. Clarita isang lugar sa San Lorenzo. Ang pinanggalingan ng kanyang yaman ay ang kanyang mga lupain sa Pampanga at sa Nueva Ecija lalo na sa San Lorenzo. Madal

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata VII: Pag-uusap sa Balkonahe

    Umagang-umaga sina Tiya Flora at Felicidad ay nagtungo sa simbahan upang magsimba.Pagkatapos na pagkatapos ng misa, nagyaya na si Felicidad sa pag-uwi. Takang-taka si Tiya Flora kung bakit nagmamadali si Felicidad, galing ito sa kumbento kaya inaasahan ni Tiya Flora na dapat lamang matulad si Felicidad sa isang mongha.Habang may kasabay na lumalakad palabas ng simbahan, sinabi ni Tiya Flora na tila nangangaral, "Katatapos lang ng misa ay nagyaya ka na. Bakit ka naiinip sa loob ng simbahan?"Nasabi na lamang ni Felicidad sa sarili, "Patawarin ako ng Diyos, alam ng Diyos ang damdamin ng isang dalagang tulad ko. Anong malay ninyo sa niloloob ng isang dalagang tulad ko?"Pagkatapos mag-agahan, wari'y naiinip si Felicidad na may hinihintay. Abala ang kanyang isap sa kung anong bagay. Iniisip niya ang tahimik na buhay sa kumbento. Parang ibig niyang magalit kung dumaraan ang alin mang sasakyan ay makalagpas iyon nang hindi humihinto.Si Gobernador Greg

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata VIII: Mga Alaala ng Nakaraan

    Ang kalungkutang nadarama ni Francisco ay bahagyang naibsan habang ang karuwaheng kanyang sinasakyan ay naglalakbay sa isang bahagi ng magulong kalye ng San Lorenzo.Nakalilibang panoorin ang mga kalesang nagpaparoo't parito. Ang mga Pilipino, Europeo at iba pang dayuhan ay nakikilala lamang sa kanilang mga kasuotan. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin amg naglalako ng iba't ibang prutas at kakanin. Ang mga karitong hila ng mga kalabaw at ng hilera ng mga tindahan ay mga alaalang muling nagpapasariwa ng kahapon.Napansin ni Francisco na wala pa ring pagbabago sa mga dating lansangan. Hindi pa rin ito nalalatagan ng bato. Kapag tag-init ang kalye ay punong-puno ng alikabok na naninikit sa balat at kung humahangin ito ay nagiging libreng pulbos na nagpapaubo at humihilam sa mga mata ng mga naglalakad. Kung umuulan, ito ay nagmimistulang ilug-ilugan. Kaya kaawa-awa ang mga nagdaraan dahil nagtitilamsikan ng marumi at nagpuputik na tubig.Habang binabagta

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata IX: Iba't Ibang Pangyayari

    Si Francisco ay hindi nagkamali sa kanyang hinala na si Padre Ignacio, na sakay ng isang magarang sasakyang Victoria ay papunta kay Gobernador Gregorio. Pagbaba ni Padre Ignacio ay paalis naman sina Felicidad at Tiya Flora. "Mukhang may pupuntahan kayo," ang bati ni Padre Ignacio sa magtiya. "Kukunin po namin sa kumbento ang aking kagamitan," ang sagot ni Felicidad.Nabigla ang pari sa sagot ni Felicidad at pabulong sa sarili lamang sinabi, "Tingnan nating kung sino ang masusunod, kung sino ang higit na makapangyarihan!"Napansin ni Tiya Flora ang pabulong-bulong ni Padre Ignacio, kaya naisip niya."Siguro ay may sinasaulong sermon si Padre Ignacio," ang wika nito at inutusan si Felicidad."Sige sumakay ka na at tatanghaliin tayo."Tuluy-tuloy na pumanhik sa bahay ni Gobetnador Gregorio si Padre Ignacio. "Gregorio, may pag-uusapan tayong mahalaga sa iyong tanggapan," pasigaw at pagalit na sabi ni Padre Ignacio.Nang makita ang pari, ma

Pinakabagong kabanata

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Maikling Kabuuan Ng Mga Alaala Ng Nakaraan

    Si Francisco ay isang binatang Pilipino na nag-aral nang walong taon sa Paris at nagbalik sa San Lorenzo.Si Gobernador Gregorio ay naghandog ng isang hapunan sa pagdating ni Francisco Alonzo. Subalitay pangyayaring hindi inaasahan. Si Francisco makalawang beses na hinamak ni Padre Ignacio isang Franciscanong pari na naging kura ng San Lorenzo. Ang binata ay humingi ng paumanhin. Siya ay nagpaalam pagkat may mahalaga raw siyang pupuntahan.Si Francisco Alonzo ay katipan ni Felicidad de Quintos, isang kabigha-bighaning binibini, na sa kagandahan at mga katangian ay ginawang sagisag ng Inang Bayan. Si Felicidad ay anak sa turing ni Gobernador Gregorio, isa sa mayaman sa San Lorenzo maka-prayle at mapang-api sa mahihirap.Kinabukasan, panauhin ni Gobernador Gregorio sa kanyang tahanan si Francisco Alonzo. Sa pag-uusap ni Felicidad at Francisco ay muling nanariwa ang dalisay na pagmamahalang umusbong mula sa kanilang kamusmusan. Binasa noon ni Felicidad ang su

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Ang Huling Paalam: Francisco Alonzo y Montevallo

    Magkikita ulit tayo pagdating ng ika-dalawampung taon mula ngayon. -Francisco This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. AUTHOR'S NOTE: Maraming salamat sa pagbabasa at pagsuporta ng aking istorya hindi ko ito makalilimutan. Maraming salamat sa taong nagpasok sa akin dito natulungan mo ako ng malaki mabuhay ka pa sana ng matagal, maraming salamat.

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Ang Nawawalang Kabanata: Ang Huling Liham ni Felicidad

    San LorenzoKalye Pilipo, Santo RosarioIka-31 ng Disyembre 1945Felicidad de Quintos y FloresKalye Burgos, Santa ClaraSan LorenzoMinamahal kong Francisco, Lubos akong nagagalak ng mabalitaan kong ikaw ay nakaligtas ngunit labis ang aking hinagpis ng malaman kong ika'y hindi na muling babalik pa sa lugar kung saan ang ating pag-iibigan ay nagsimula. Naaalala mo pa ba noong tayo'y mga musmos pa lamang lagi tayong nasa pampang ng Ilog ng Pag-ibig nagkukwentuhan sa ilalim ng matandang puno kung saan nakaukit ang ating mga pangalan, kung saan doon nanumpa sa pagdating ng tamang panahon tayo ay maikakasal at magkakaroon ng malulusog na supling. Ngunit sadyang malupit ang tadhana ang minsang pag-iibigan ay naudlot ng dahil lamang sa pagkakagalit mo at ng aking tunay na ama na si Padre Ignacio, siguro'y hindi mo na nabalitaan ang nangyari sa aking

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Mga Alaala Ng Nakaraan: Wakas

    This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila.MGA TAUHANI. Angkan ni Francisco Alonzo y MontevalloFrancisco AlonzoDon Lorenzo AlonzoDon Arthuro AlonzoII. Angkan ni Felicidad De Quintos y FloresFelicidad De QuintosGob. Gregorio De QuintosAmelia FloresTiya FloraIII. Mga

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LXIV: Katapusan

    Pumasok sa kumbento si Felicidad. Iniwan na ni Padre Ignacio ang bayang kinaroroonan niya upang sa Maynila na manirahan. Si Padre Pedro ay nasa Maynila na rin. Samantalang naghihintay siyang maging obispo ay manakanakang nagsesermon sa simbahan ng Santa Clara at sa kumbento naman niti ay may mahalagang tungkulin. Di nagtagal si Padre Ignacio ay tumanggap ng isang kautusan ng Padre Provincial upang maging kura sa isang napakalayong lalawigan. Napabalitang dinamdam niya nang gayon kaya't kinabukasan ay natagpuan ang paring ito na patay na sa kanyang hihigan. May mga nagsasabi na namatay sa sakit na apoplegia, ang iba nama'y sa bangungot, ngunit ayon sa medikong tumingin, biglaan ang pagkamatay ng pari.Walang sinuman sa mga mambabasa ang ngayon ay nakakakilala kay Gobernador Gregorio. Ilang linggo bago suutan ng abiti si Felicidad para magmongha ay nakaramdam ng isang panlulumo na pinagmulan ng unti-unti niyang pamamayat. Siya ay naging malungkutin at mapag-isip. Noon ay katata

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LXIII: Noche Buena

    Sa itaas ng bundok sa tabi mg isang ilug-ilugan ay may nakakubli sa kakahuyan. Ito ay may isang dampa na yari sa mga balu-baluktot na punongkahoy. Dito ay may naninirahan na isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy. Sa ilalim ng puno ang nunong lalaki ay nagtitistis ng dahon ng niyog na gagawing walis. Isang dalaga naman ang naglagay ng isang bakol ng mga itlog ng manok, dayap at mga gulay. Dalawang batang lalaki at babae ang magkasamang naglalaro sa tabi ng isang batang maputla, malungkot at may malalaking mga mata.Si Manuel na may sugat sa paa ay hirap na hirap na tumindig at lumapit sa matanda. "Ingkong, mahigit isang buwan na po ba akong maysakit?" "Mula ng matagpuan ka naming walang malay ay dalawang beses nang bumilog ang buwan. Ang akala nga namin noon ay patay ka na.""Gantihan nawa kayo ng Diyos!" Kami po ay mahirap lamang," ang naisagot ni Manuel. "Subalit ngayon po ay Pasko, ibig ko po sanang umuwi sa bayan upang

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LXII: Nagpaliwanag si Padre Ignacio

    Ang mga nakikitang regalo ni Felicidad ay walang halaga't kabuluhan, maging ang mga brilyante at mga burdadong pinya at sutla. Nakatingin sa pahayagan ang dalaga ngunit walang makita ni mabasa kaya. Bagama't may mga nagbabalita ng pagkamatay ni Francisco na nalunod sa lawa.Nang biglang nakaramdam siya noong na may dalawang palad na tumakip sa kanyang mga mata. Isang masayang tinig ang kanyang narinig, "Sino ako, sino ako? Natakot ka, ano? Dahil ba sa hindi mo inaasahan ng aking pagdating? Ako ay galing sa lalawigan upang makita ka at ang kasal mo," ang sabi ni Padre Ignacio. Nilapitan niya ang dalaga at iniabot ang kamay upang hagkan. Yumuko si Felicidad at nanginginig na hinagkan ang kamay ng pari. "Bakit ka nanlalamig, namumutla --- may sakit ka ba, anak?" Magiliw niyang kinabig ang dalaga at hinawakan ang dalawang kamay nito. "Wala ka na bang tiwala sa iyong inaama?" ang tanong ni Padre Ignacio. "Sige, maupo ka at sabihin mo sa akin ang problema mo tulad noong ginagawa mo

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LXI: Putukan sa Lawa

    "Ginoo, pakinggan po ninyo ang panukalang naisip ko," ang sabi ni Claudio samantalang sila'y magtutungo sa San Gabriel. "Kayo'y aking itatago sa aking kaibigan. Dadalhin ko sa inyo ang lahat ng inyong kuwalta na aking iniligtas at itinago sa puno ng balite sa libingan ng inyong Inkong at tumungo na kayo sa inyong lupain." "Ako, patutungo sa ibang lupain?" ang sagot ni Francisco."Upang kayo'y makapamuhay nang tahimik sa panahong natitira sa inyong buhay. Kayo'y may mga kaibigan sa España, mayaman at maaari ninyong lakarin na kayo'y mapatawad sa pagkabilanggo. Ang ibang lupain, sa ganang akin, ay lalong mabuti kaysa ating sarili bayan."Tumahimik si Francisco,waring nag-iisip. Sila ay dumarating sa Ilog ng Pag-ibig at ang bangka ay nagsisimulang sumalunga sa agos. Sa tulay ng España ay may kabayuhang nagpapatakbo samantalang naririnig noon ang mahahaba ay matutunog na paswit."Claudio ang inyong kasawian ay nagbuhat sa aking kaanak. Ang buhay

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LX: Magpapakasal na si Felicidad

    Tuwang-tuwa si Gobernador Gregorio. Pagkat wala ni sino mang nakialam sa kanya sa buong maghapong kakila-kilabot. Hindi siya dinakip at hindi rin siya ikinulong. Ngunit nang bumalik si Kapitan Tinong sa kanyang bahay ay may sakit, namumutla at namamanas. Hindi nakabuti sa kanya ang paglalakbay. Hindi siya kumikibo di bumabati sa kanyang pamilyang umiiyak, tumatawa, nagsasalita at nababaliw sa kagalakan. Ngunit ni ang pinsang si Primitivo at ang lahat ng karunungan nito ay walang magawa para siya'y mapakibo. "Crede prime" ang sabi sa kanya. "Kung hindi ko nasunog ang lahat ng kasulatan ay nabitay ka na sana."Ang sinapit ni Kapitan Tinong ay kabaligtaran naman sa sinapit ni Gobernador Gregorio. Ayon kay Gobernador Gregorio, ito ay maaaring himala ng Mahal na Birhen ng Antipolo. "Ito marahil ay sa tulong na rin ng aking nga magulang at ng aking magiging manugang na si Lucas de España."Ang bulung-bulungan si Francisco ay bibitayin na. Bagamat may mga katibayan upa

DMCA.com Protection Status