Si Gobernador Gregorio ay bata sa tingin sa tunay na gulang. Parang edad niya ay nasa pagatin ng trenta at trenta'y singko. Siya'y pandak na mataba at kanyang kulay ay kayumangging-kayumanggi.
Sabi ng kanyang mga kaibigan: "Pinagpapala siya ng Panginoon kaya siya'y malusog."
Sabi naman ng kanyang kaaway: "Tumataba siya dahil sa pagsipsip ng dugo ng mahihirap."
Maliit na hugis-almond ang kanyang mga mata. Pango, bilugan na katamtaman ang laki ng kanyang ulo. Ayon sa iba ito raw ay punung-puno ng katalinuhan. Guwapo sana siya kaya lamang ang kanyang mga labi ay pinaitim ng kanyang paninigarilyo at pagnganga ng hitso na laging nakabukol sa kanyang pisngi. Mapuputi ang kanyang mga sungki-sungking ngipin na dalawa niyon ay pustiso.
Si Gobernador Gregorio ay itinuturing na pinakamayaman sa Sta. Clarita isang lugar sa San Lorenzo. Ang pinanggalingan ng kanyang yaman ay ang kanyang mga lupain sa Pampanga at sa Nueva Ecija lalo na sa San Lorenzo. Madalas siya sa San Lorenzo dahil sa magagandang tanawin dito, masarap na paliguan at higit sa lahat malalaking sabungan.
Sa Maynila, mayroon siyang mga lupain at mga paupahang bahay sa Sto. Cristo, sa kalye Rosario. Ngunit ang nagsasampa sa kanya ng limpak-limpak na salapi ay ang kanyang ilegal na gawain, ang pagtutulak ng opyo o apyan, kasosyo ng isang Intsik.
Ganito ang madalas wikain ni Gobernador Gregorio: "Masaya ang buhay ko. Pinagpala ako ng Diyos. Marami akong mga kaibigan. Kasundo ko ang pamahalaan."
May katwiran siya na sabihing pinaboran siya ng Diyos dahil ubod siya ng yaman. Nariyan ang mga pari para ipagmisa siya sapagkat bukas-palad siyang tumulong sa simbahan. Pati ang pagdarasal ay puwede niyang iupa sa mga mahihirap. Sa halagang piso ay magdarasal sila patungkol sa kaluluwa ng mayayaman ng labing-lima na misteryo at ipagbabasa ng lahat ng aklat dasalan. Sa kaunting dagdag sa bayad kahit bibliya ay babasahin.
Walang duda na siya'y kasundo ng pamahalaan dahil hindi siya lumabag sa batas. Maging ang pinakamababang pinuno ng anumang pamahalaan ay kanyang sinusunod. Mahilig siyang magregalo ng mga pagkain tulad ng hamon, baboy, pabo at mga imported na prutas mula sa ibang bansa. Dahil sa palagay niya sa kanyang sarili ay hindi siya Pilipino kaya ganoon na lamang kung pintasan niya ang kanyang kapwa Pilipino. Kapag naman sinisiraan ang isang Kastila siya ang tumutuligsa sa mga mapanirang-puri dahil ang palagay niya sa kanyang sarili ay isa ring Kastila. Siya ang unang-una na pumupuri sa mga mataas magpataw ng buwis lalo na kung naiisip niya ang tulong na nahihingi niya sa kanyang pinag-uukulan ng papuri.
Naging gobernadorsilyo si Gregorio De Quintos sa bayan ng San Lorenzo sa kabila ng pagtutol ng marami dahil sa isang Kastilang hindi marunong magbasa at magsulat. Sa loob ng tatlong taong panunungkulan bilang gobernadorsilyo, siya ay nakasira ng sampung prak, walong sombrero de copa at siyam na baston de borlas.
Ang prak at sombrero de copa ay suot niya kahit saan siya magpunta; sa ayutamiento o bahay pulungan, sa kwartel, sa sabungan, sa palengke, sa prusisyon at maging sa paglalakad lamang sa tapat ng kanilang bahay ay suot-suot niya ito.
Para sa mga Kastilang nakikinabang kay Gobernador Gregorio, siya'y isang taong masunurin, mabait at tahimik. Hindi siya nagbabasa ng mga babasahin galing sa España pero ang husay niyang mangastila. Anupa't kung tignan daw si Gobernador Gregorio ng mga makapangyarihang Kastila ay tulad sa pagtingin ng isang mahirap na estudyante sa kanyang sira at walang saysay na sapatos.
Pero iba naman ang pagtingin kay Gobernador Gregorio ng mga taong may galit sa kanya. Siya ay isa ring Pilipino, masama ang ugali, walang awa na nakatira sa San Lorenzo. Mapagsamantala sa mga taong nagigipit. Walang pakialam si Gobernador Gregorio kung ano man ang palagay nila sa kanya.
Si Gobernador Gregorio ay nag-iisang anak ng isang nakaririwasang pamilya na nagmamay-ari ng mga tubuhan sa Malabon. Ngunit maramot ang kanyang magulang kaya ni hindi siya pinag-aral. Napilitan siyang mamasukan bilang katulong sa isang mabait na paring Dominico na nagturo sa kanya ng mga karunungang dapat niyang matutuhan.
Sinuwerte si Gobernador Gregorio sa kanyang pag-aasawa. Ang kanyang napangasawa ay si Amelia Dela Cruz na taga-Sta. Cristo sa may Kalye Rosario sa bayan din ng San Lorenzo. Maganda ito. Balingkinitan ang pangangatawan, kabigha-bighani ang tindig. Magkatulong sila sa paghahanapbuhay hanggang sila'y yumaman at magkapangalan sa lipunan. Nakabili sila ng malawak na lupain sa San Lorenzo. Nakilala at naka-daop palad nila sa San Lorenzo si Padre Ignacio, hanggang sa ito ay naging matalik na kaibigan ng mag-asawa. Naging kaibigan din nila si Don Alonzo Lorenzo na itinuturing na pinakamayamang negosyante sa San Lorenzo noon.
Sa loob ng anim na taong pagsasama nina Gobernador Gregorio at Amelia Dela Cruz ay hindi sila nagkaanak. Ito marahil ang kanyang kamalasan. Si Amelia ay nagnonobena at namamanata sa mga Birhen. Hindi niya inalintana ang init ng araw sa pagsasayaw kung buwan ng Mayo sa harap ng mga Birhen. Ganon pa man wala pa ring buhay na pumipintig sa kanyang sinapupunan.
Minsan pinayuhan siya ni Padre Ignacio, "Kung mamanata ka kaya sa Obando, Amelia?" May himig na pag-uutos kaysa pagpapayo, "Magsasayaw ka sa kapistahan ni San Pascual Bailon para magkaanak ka."
May tatlong pintakasi ang bayan ng Obando - Nuestra Señora de Salambaw, Santa Clara at San Pascual Bailon para magkaanak. Amg mga pintakasing ito ay kilalang-kilala sa pagbibigay ng anak, malalake o mababae.
Si Amelia ay dagling naglihi. Ngunit naging maselan ang kanyang kalagayan sa panahon ng kanyang paglilihi. Naging malungkutin din siya. Ni ngiti ay hindi masilayan sa kanyang mga labi. Nawala din ang pagiging masiyahan hanggang sa siya'y mamayat at mahulog ang pangangatawan. Nang siya'y manganak na, dinapuan siya ng matinding lagnat hanggang siya'y mamatay, matapos maisilang ang isang pagkaganda-gandang sanggol na babae.
Ang sanggol ay inaanak ni Padre Ignacio sa binyag at pinangalanang Felicidad De Quintos bilang parangal sa Birhen ng Salambaw at Santa Clara.
Lumaki si Felicidad sa pangangalaga ni Tiya Flora. Maliit pa lamang siya ay kinapansinan na siya ng pambihirang kagandahan. Mamula-mula ang kanyang kulot ma buhok, kay gandang pagmasdan ang kanyang mga mata na itim na itim. Mga matang may kislap ng sigla at waring nangangarap kung siya'y masiya pero malungkot at namumungay kung siya'y may dalamhati. Malago at malantik ang kanyang mga pilik-mata. Katamtaman ang tangos ng ilong. Minana niya ang makipot na bibig sa kanyang ina at maging ang dalawang biloy sa kanyang magkabilang pisngi. Ang kanyang kutis na malasibuyas ay parang bulak sa kaputian.
Ayon kay Tiya Flora, "Ang kanyang pagiging mestisa ay dahil ipinaglihi ni Amelia ang batang iyan kay San Antonio. Sa buong panahon ng kanyang paglilihi lagi na'y nakikita siyang lumuluha sa harap ng imahen ni San Antonio."
Si Felicidad ay lumaking sagana sa pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa kanya. Maging ang mga pari ay natataranta kung sumasama si Felicidad sa mga prusisyon. Sila ang nag-aayos sa kanya. Binibihisan siya ng puti. Pinalalamutian ng mga bulaklak ng sampaguita at asuzena, ang malago at kulot na buhok. Nilalagyan siya ng dalawang maliit na pakpak sa likod na yari sa pilak at ginto. Sa kanyang mga kamay pinahahawakan ang dalawang puti na may lasong kulay asul. Halos mabaliw si Gobernador Gregorio dahil sa malaking katuwaan sa bata. Madalas tuloy purihin niya at handugan ng kanyang makakayanan ang naturang simbahan bilang pasasalamat.
Maagang namukadkad kumbaga sa bulaklak si Felicidad. Maituturing na siya ng dalaga sa gulang na wala pang labing-apat na taon. Sa payo ng kura sa Kalye Rosario, siya ipinasok sa kumbento ng Sta. Cristo. Batbat ng kalungkutan ang pagpapaalam nina Felicidad at ang kanyang matalik na kaibigan at kababata na si Francisco Lorenzo na hindi nagtagal ay naglakabay naman patungo sa Paris, ganoon din sa kanyang inaama na si Padre Ignacio.
Walong taon nanatili si Felicidad sa loob ng kumbento. Alam ni Felicidad nasa loob ng kumbento lilimutin niya ang buhay malaya. Alam din niya na kung siya'y makikipag-usap sa kanyang dalaw ay siwang lamang ng mahihigpit na madre.
Naramdaman din nina Gobernador Gregorio at Don Alonzo na mayroon nang pagkakaunawaan sina Francisco at Felicidad at ito'y hindi nila tinutulan. Sa halip, napagkasunduan nilang ipakasal at suportahan ang pagiibigan ng kanilang mga anak. Ikakasal sila pagkalipas ng tatlong taon pagkatapos maglakbay ng binata. Ang pagkakasundo na ito ay nagdala ng kagalakan sa magkasintahan na hindi nakakalimot kahit magkalayo silang dalawa.
-kung ano ang sinabi mo, babalik sa'yo. Kung ano ang iyong ibinigay, tatanggapin mo.
Umagang-umaga sina Tiya Flora at Felicidad ay nagtungo sa simbahan upang magsimba.Pagkatapos na pagkatapos ng misa, nagyaya na si Felicidad sa pag-uwi. Takang-taka si Tiya Flora kung bakit nagmamadali si Felicidad, galing ito sa kumbento kaya inaasahan ni Tiya Flora na dapat lamang matulad si Felicidad sa isang mongha.Habang may kasabay na lumalakad palabas ng simbahan, sinabi ni Tiya Flora na tila nangangaral, "Katatapos lang ng misa ay nagyaya ka na. Bakit ka naiinip sa loob ng simbahan?"Nasabi na lamang ni Felicidad sa sarili, "Patawarin ako ng Diyos, alam ng Diyos ang damdamin ng isang dalagang tulad ko. Anong malay ninyo sa niloloob ng isang dalagang tulad ko?"Pagkatapos mag-agahan, wari'y naiinip si Felicidad na may hinihintay. Abala ang kanyang isap sa kung anong bagay. Iniisip niya ang tahimik na buhay sa kumbento. Parang ibig niyang magalit kung dumaraan ang alin mang sasakyan ay makalagpas iyon nang hindi humihinto.Si Gobernador Greg
Ang kalungkutang nadarama ni Francisco ay bahagyang naibsan habang ang karuwaheng kanyang sinasakyan ay naglalakbay sa isang bahagi ng magulong kalye ng San Lorenzo.Nakalilibang panoorin ang mga kalesang nagpaparoo't parito. Ang mga Pilipino, Europeo at iba pang dayuhan ay nakikilala lamang sa kanilang mga kasuotan. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin amg naglalako ng iba't ibang prutas at kakanin. Ang mga karitong hila ng mga kalabaw at ng hilera ng mga tindahan ay mga alaalang muling nagpapasariwa ng kahapon.Napansin ni Francisco na wala pa ring pagbabago sa mga dating lansangan. Hindi pa rin ito nalalatagan ng bato. Kapag tag-init ang kalye ay punong-puno ng alikabok na naninikit sa balat at kung humahangin ito ay nagiging libreng pulbos na nagpapaubo at humihilam sa mga mata ng mga naglalakad. Kung umuulan, ito ay nagmimistulang ilug-ilugan. Kaya kaawa-awa ang mga nagdaraan dahil nagtitilamsikan ng marumi at nagpuputik na tubig.Habang binabagta
Si Francisco ay hindi nagkamali sa kanyang hinala na si Padre Ignacio, na sakay ng isang magarang sasakyang Victoria ay papunta kay Gobernador Gregorio. Pagbaba ni Padre Ignacio ay paalis naman sina Felicidad at Tiya Flora. "Mukhang may pupuntahan kayo," ang bati ni Padre Ignacio sa magtiya. "Kukunin po namin sa kumbento ang aking kagamitan," ang sagot ni Felicidad.Nabigla ang pari sa sagot ni Felicidad at pabulong sa sarili lamang sinabi, "Tingnan nating kung sino ang masusunod, kung sino ang higit na makapangyarihan!"Napansin ni Tiya Flora ang pabulong-bulong ni Padre Ignacio, kaya naisip niya."Siguro ay may sinasaulong sermon si Padre Ignacio," ang wika nito at inutusan si Felicidad."Sige sumakay ka na at tatanghaliin tayo."Tuluy-tuloy na pumanhik sa bahay ni Gobetnador Gregorio si Padre Ignacio. "Gregorio, may pag-uusapan tayong mahalaga sa iyong tanggapan," pasigaw at pagalit na sabi ni Padre Ignacio.Nang makita ang pari, ma
Ang bayan ng San Lorenzo ay saganang-sagana sa biyaya ng lupa, tulad ng tubo na ginagawang asukal, palay, kape, mga gulay at bungang-kahoy na ipinagbibili sa iba't-ibang bayan lalo na sa mga mapagsamantalang Instik. Ang bayan ay nasa baybay lawa na napapaikutan ng malawak na bukirin.Ang buong kabayanan ay tanaw sa simboryo ng simbahan ng San Lorenzo. Ang mga kabahayan ay nakatumpok sa pinakagitna ng malawak na kabukiran. Ang mga bahay ay karaniwang may pawid na bubong na sinalitan ng mga kabunegro, yero at tisa. Mula pa rin sa tuktok ng simbahan ay kitang-kita rin ang mala ahas na ilog sa gitna ng bukid na kumikinang sa tama ng sikat ng araw. Sa di kalayuan ay may isang dampa na nakatayo sa gilid ng isang talampas na nakabukod sa karamihan.Ang gubat sa gitna ng sakahang lupa ay kapansin-pansin para sa lahat. Ang mga puno rito ay masisinsin na malalaki at maliliit, kayat kahut ang sikat ng araw ay maramot na palaganapin ang liwanag sa loob ng gubat. Ang lugar ay pinan
Sa patuloy na pagsulong at paglaki ng bayan ng San Lorenzo, hindi kataka-takang lumitaw ang mga taong maghahari-harian at hahawak ng renda ng kapangyarihan.Sinu-sino ba ang mga ito?Si Don Lorenzo, masasabing pinakamayaman sa San Lorenzo. Kanya ang pinakamalawak na lupain. Siya ang takbuhan ng mga taong nagigipit. May mababang-loob at hindi mahilig sa kapangyarihan. Siya ay iginagalang at hindi naman kinatatakutan. Sa kabila nito, siya ay hindi kabilang sa makapangyarihan ng San Lorenzo.Si Gobernador Gregorio ay mayaman din. Nagkukusa nang sumasalubong sa kanya ang mga may utang at sila ay nagreregalo ng kung anu-ano sa hangad na magpalakas kay Goberanador Gregorio. Pinakamasarap na prutas ang inihahandog sa kanya. Kapag may nagustuhan si Gobernador Gregorio kahit ang magilas na kabayo, siya ay hindi nagdadalawang salita, tiyak na maipagkakaloob sa kanya. Sa kabila ng lahat, kung siya'y nakatalikod, siya ay pinagtatawanan at kung tawagin ay Sakrist
Tuwing unang araw ng Nobyembre, ipinagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang Araw ng mga Patay o Todo Los Santos sa Espanyol. Ang kaugaliang paggalang at pagalala sa mga yumao ay atin nang nakagisnan.Sa gawing kanluran ng bayan ng San Lorenzo matatagpuan ang sementeryo. Ito ay nababakuran ng bato at kawayan. Ang landas patungo rito ay maalikabok kung tag-araw at matubig kung tag-ulan. Malaki ang loob ng sementeryo na may panandang isang malaking krus na kahoy na makikita sa pinakagitna ng libingan. Nakasulat ang hindi na halos mabasang INRI sa isang yerong niyupi ng bagyo sa pinakatuktok ng krus.Ang loob ng libingan ay nagsisilbing galaan ng mga alagang hayop tulad ng manok, bibe, baboy o kalabawa. Pero nang araw na iyon ang mga galang hayop ay binulabog ng dalawang lalaki. Ang isa sa mga lalaki ay hindi mapalagay. Tumatagaktak ang kanyang pawis, walang tigil ang paghithit sa kangang sigarilyo habang dura nang dura. Binabantayan niya ang kanyang kasama na k
Huminto ang isang karwahe sa tapat ng libingan, bumaba si Francisco kasama ang kanyang utusan. Lumakas sila patungi sa loob ng libingan. "Nagkasakit po ako, hindi ko masyadong nagpapasyalan ang libing. Ang sabi po ni Gobernador Gregorio, ipagpapagawa niya ng isang nitso. Pero bago ako nagkasakit, natamnan ko ang libing ng mga bulaklaking halaman. Nilagyan ko rin ng krus na ako mismo ang gumawa." Hindi sumagot si Francisco sa mga sinabi ng utusan. Muling nagsalita ang utusan, "Naroon po ang krus sa dakong iyon," may itinuturong sulok ang utusan. Maingat sa paglalakad si Francisco at ang utusan, iningatan at iniiwasan na matapakan ang mga puntod. Hinahanap nila ang puntod ng mga magulang ni Francisco. Natanaw nila ang sepulturero bilang pagbibigay galang. "Saan po, ginoong sepulturero, ang libing na may isang krus doon?" "Isang krus po bang malaki?" tanong ng bantay ng libingan. "Opo, malaki nga po," parang nabuhayan ng loob an
Si Don Julio ay kinikilalang siyang pinakamatalino sa San Lorenzo. Siya ay dating mag-aaral ng pilosopiya. Pero, hindi siya nakatapos. Pinahinto siya sa pag-aaral ng kanyang ina hindi sa dahilang wala silang gagastusin. Sa katunayan ay mayaman amg kanyang ina. Ang kayamanang iyon ang isang dahilan ng kanyang angking katalinuhan.Dahil nga matalino, pinangambahan ng kanyang ina ang anak ay makalimot sa Diyos. Kaya isang araw sinabi ng ina sa anak, "Mamili ka anak, magpapari ka o hihinto ka sa pag-aaral sa Kolehiyo de San Jose?" Mas pinili ng anak ang tumigil sa pag-aaral.Hindi nagtagal, ang lalaki ay nag-asawa. Pero, malas yata sa pag-aasawa dahil pagkaraan ng isang taon, siya ay nabalo.Kailangan niyang maglibang upang makalimot sa kanyang pangungulila. Nahilig siya sa pagbabasa ng aklat hanggang napabayaan niya ang kanyang kayamanan at unti-unting naghirap.Nang hapong iyon ay nagbabadya ang pagkakaroon ng masamang panahon. May m
Si Francisco ay isang binatang Pilipino na nag-aral nang walong taon sa Paris at nagbalik sa San Lorenzo.Si Gobernador Gregorio ay naghandog ng isang hapunan sa pagdating ni Francisco Alonzo. Subalitay pangyayaring hindi inaasahan. Si Francisco makalawang beses na hinamak ni Padre Ignacio isang Franciscanong pari na naging kura ng San Lorenzo. Ang binata ay humingi ng paumanhin. Siya ay nagpaalam pagkat may mahalaga raw siyang pupuntahan.Si Francisco Alonzo ay katipan ni Felicidad de Quintos, isang kabigha-bighaning binibini, na sa kagandahan at mga katangian ay ginawang sagisag ng Inang Bayan. Si Felicidad ay anak sa turing ni Gobernador Gregorio, isa sa mayaman sa San Lorenzo maka-prayle at mapang-api sa mahihirap.Kinabukasan, panauhin ni Gobernador Gregorio sa kanyang tahanan si Francisco Alonzo. Sa pag-uusap ni Felicidad at Francisco ay muling nanariwa ang dalisay na pagmamahalang umusbong mula sa kanilang kamusmusan. Binasa noon ni Felicidad ang su
Magkikita ulit tayo pagdating ng ika-dalawampung taon mula ngayon. -Francisco This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. AUTHOR'S NOTE: Maraming salamat sa pagbabasa at pagsuporta ng aking istorya hindi ko ito makalilimutan. Maraming salamat sa taong nagpasok sa akin dito natulungan mo ako ng malaki mabuhay ka pa sana ng matagal, maraming salamat.
San LorenzoKalye Pilipo, Santo RosarioIka-31 ng Disyembre 1945Felicidad de Quintos y FloresKalye Burgos, Santa ClaraSan LorenzoMinamahal kong Francisco, Lubos akong nagagalak ng mabalitaan kong ikaw ay nakaligtas ngunit labis ang aking hinagpis ng malaman kong ika'y hindi na muling babalik pa sa lugar kung saan ang ating pag-iibigan ay nagsimula. Naaalala mo pa ba noong tayo'y mga musmos pa lamang lagi tayong nasa pampang ng Ilog ng Pag-ibig nagkukwentuhan sa ilalim ng matandang puno kung saan nakaukit ang ating mga pangalan, kung saan doon nanumpa sa pagdating ng tamang panahon tayo ay maikakasal at magkakaroon ng malulusog na supling. Ngunit sadyang malupit ang tadhana ang minsang pag-iibigan ay naudlot ng dahil lamang sa pagkakagalit mo at ng aking tunay na ama na si Padre Ignacio, siguro'y hindi mo na nabalitaan ang nangyari sa aking
This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila.MGA TAUHANI. Angkan ni Francisco Alonzo y MontevalloFrancisco AlonzoDon Lorenzo AlonzoDon Arthuro AlonzoII. Angkan ni Felicidad De Quintos y FloresFelicidad De QuintosGob. Gregorio De QuintosAmelia FloresTiya FloraIII. Mga
Pumasok sa kumbento si Felicidad. Iniwan na ni Padre Ignacio ang bayang kinaroroonan niya upang sa Maynila na manirahan. Si Padre Pedro ay nasa Maynila na rin. Samantalang naghihintay siyang maging obispo ay manakanakang nagsesermon sa simbahan ng Santa Clara at sa kumbento naman niti ay may mahalagang tungkulin. Di nagtagal si Padre Ignacio ay tumanggap ng isang kautusan ng Padre Provincial upang maging kura sa isang napakalayong lalawigan. Napabalitang dinamdam niya nang gayon kaya't kinabukasan ay natagpuan ang paring ito na patay na sa kanyang hihigan. May mga nagsasabi na namatay sa sakit na apoplegia, ang iba nama'y sa bangungot, ngunit ayon sa medikong tumingin, biglaan ang pagkamatay ng pari.Walang sinuman sa mga mambabasa ang ngayon ay nakakakilala kay Gobernador Gregorio. Ilang linggo bago suutan ng abiti si Felicidad para magmongha ay nakaramdam ng isang panlulumo na pinagmulan ng unti-unti niyang pamamayat. Siya ay naging malungkutin at mapag-isip. Noon ay katata
Sa itaas ng bundok sa tabi mg isang ilug-ilugan ay may nakakubli sa kakahuyan. Ito ay may isang dampa na yari sa mga balu-baluktot na punongkahoy. Dito ay may naninirahan na isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy. Sa ilalim ng puno ang nunong lalaki ay nagtitistis ng dahon ng niyog na gagawing walis. Isang dalaga naman ang naglagay ng isang bakol ng mga itlog ng manok, dayap at mga gulay. Dalawang batang lalaki at babae ang magkasamang naglalaro sa tabi ng isang batang maputla, malungkot at may malalaking mga mata.Si Manuel na may sugat sa paa ay hirap na hirap na tumindig at lumapit sa matanda. "Ingkong, mahigit isang buwan na po ba akong maysakit?" "Mula ng matagpuan ka naming walang malay ay dalawang beses nang bumilog ang buwan. Ang akala nga namin noon ay patay ka na.""Gantihan nawa kayo ng Diyos!" Kami po ay mahirap lamang," ang naisagot ni Manuel. "Subalit ngayon po ay Pasko, ibig ko po sanang umuwi sa bayan upang
Ang mga nakikitang regalo ni Felicidad ay walang halaga't kabuluhan, maging ang mga brilyante at mga burdadong pinya at sutla. Nakatingin sa pahayagan ang dalaga ngunit walang makita ni mabasa kaya. Bagama't may mga nagbabalita ng pagkamatay ni Francisco na nalunod sa lawa.Nang biglang nakaramdam siya noong na may dalawang palad na tumakip sa kanyang mga mata. Isang masayang tinig ang kanyang narinig, "Sino ako, sino ako? Natakot ka, ano? Dahil ba sa hindi mo inaasahan ng aking pagdating? Ako ay galing sa lalawigan upang makita ka at ang kasal mo," ang sabi ni Padre Ignacio. Nilapitan niya ang dalaga at iniabot ang kamay upang hagkan. Yumuko si Felicidad at nanginginig na hinagkan ang kamay ng pari. "Bakit ka nanlalamig, namumutla --- may sakit ka ba, anak?" Magiliw niyang kinabig ang dalaga at hinawakan ang dalawang kamay nito. "Wala ka na bang tiwala sa iyong inaama?" ang tanong ni Padre Ignacio. "Sige, maupo ka at sabihin mo sa akin ang problema mo tulad noong ginagawa mo
"Ginoo, pakinggan po ninyo ang panukalang naisip ko," ang sabi ni Claudio samantalang sila'y magtutungo sa San Gabriel. "Kayo'y aking itatago sa aking kaibigan. Dadalhin ko sa inyo ang lahat ng inyong kuwalta na aking iniligtas at itinago sa puno ng balite sa libingan ng inyong Inkong at tumungo na kayo sa inyong lupain." "Ako, patutungo sa ibang lupain?" ang sagot ni Francisco."Upang kayo'y makapamuhay nang tahimik sa panahong natitira sa inyong buhay. Kayo'y may mga kaibigan sa España, mayaman at maaari ninyong lakarin na kayo'y mapatawad sa pagkabilanggo. Ang ibang lupain, sa ganang akin, ay lalong mabuti kaysa ating sarili bayan."Tumahimik si Francisco,waring nag-iisip. Sila ay dumarating sa Ilog ng Pag-ibig at ang bangka ay nagsisimulang sumalunga sa agos. Sa tulay ng España ay may kabayuhang nagpapatakbo samantalang naririnig noon ang mahahaba ay matutunog na paswit."Claudio ang inyong kasawian ay nagbuhat sa aking kaanak. Ang buhay
Tuwang-tuwa si Gobernador Gregorio. Pagkat wala ni sino mang nakialam sa kanya sa buong maghapong kakila-kilabot. Hindi siya dinakip at hindi rin siya ikinulong. Ngunit nang bumalik si Kapitan Tinong sa kanyang bahay ay may sakit, namumutla at namamanas. Hindi nakabuti sa kanya ang paglalakbay. Hindi siya kumikibo di bumabati sa kanyang pamilyang umiiyak, tumatawa, nagsasalita at nababaliw sa kagalakan. Ngunit ni ang pinsang si Primitivo at ang lahat ng karunungan nito ay walang magawa para siya'y mapakibo. "Crede prime" ang sabi sa kanya. "Kung hindi ko nasunog ang lahat ng kasulatan ay nabitay ka na sana."Ang sinapit ni Kapitan Tinong ay kabaligtaran naman sa sinapit ni Gobernador Gregorio. Ayon kay Gobernador Gregorio, ito ay maaaring himala ng Mahal na Birhen ng Antipolo. "Ito marahil ay sa tulong na rin ng aking nga magulang at ng aking magiging manugang na si Lucas de España."Ang bulung-bulungan si Francisco ay bibitayin na. Bagamat may mga katibayan upa