Tuwing unang araw ng Nobyembre, ipinagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang Araw ng mga Patay o Todo Los Santos sa Espanyol. Ang kaugaliang paggalang at pagalala sa mga yumao ay atin nang nakagisnan.
Sa gawing kanluran ng bayan ng San Lorenzo matatagpuan ang sementeryo. Ito ay nababakuran ng bato at kawayan. Ang landas patungo rito ay maalikabok kung tag-araw at matubig kung tag-ulan. Malaki ang loob ng sementeryo na may panandang isang malaking krus na kahoy na makikita sa pinakagitna ng libingan. Nakasulat ang hindi na halos mabasang INRI sa isang yerong niyupi ng bagyo sa pinakatuktok ng krus.
Ang loob ng libingan ay nagsisilbing galaan ng mga alagang hayop tulad ng manok, bibe, baboy o kalabawa. Pero nang araw na iyon ang mga galang hayop ay binulabog ng dalawang lalaki. Ang isa sa mga lalaki ay hindi mapalagay. Tumatagaktak ang kanyang pawis, walang tigil ang paghithit sa kangang sigarilyo habang dura nang dura. Binabantayan niya ang kanyang kasama na kasalukuyang naghuhukay.
"Pwede bang sa ibang lugar ka na maghukay?" sabi ng nakabantay.
"Kalilibing pa lang nitong hinuhukay natin!"
"Ganitong lahat ang mga hinuhukay dito."
"Ibig mong sabihin, kalilibing pa lang ng mga nakabaon dito? Kaya pala iba ang amoy at ang baho. Hindi ko yata matatagalan sumasama ang aking sikmura. Ang butong hinukay mo may dugo pa yata! Saka 'yan buhok na 'yan parang buhok ng taong buhay."
"Ang selan mo naman!" sabi ng sepulturerong kausap, "Para kang taga-tribunal. Minsan nga. . . may bangkay na pinahukay sa akin, siguro mga dalawampung araw pa lang nalilibing e... bali ba'y ang lakas-lakas ng ulan at biglang namatay ang dala kong ilawan."
Kakila-kilabot naman ang sinasabi mo," anang naninigarilyo.
"Bali ba natanggal ang pako ng takip ng ataul, e, ang kalahati ng katawan ng bangkay ay lumabas sa kabaong, Naku po! talaga namang ang baho! Pinasan ko pa rin ang bangkay, bali ba bumubuhos ang malakas na ulan!"
Lalong nagtaka ang nandidilat na naninigarilyo, "Bakit! Bakit mo naman hinukay ang bangkay na iyon?"
"Ewan ko ba!" sabang kibit-balikat ng sepulturero. "Malay ko, sumusunod lang ako sa utos"
"Sino naman nag-utos sa inyo?"
"Naku po! Para kang Kastilang nakausap ko pagkatapos kong mahukay ang bangkay."
"Sus! Sino nga ba ang nag-utos sa iyo?" tanong muli ng kausap.
"E sino pa kundi ang kurang malaki."
"Ano ang ginawa mo sa bangkay pagkatapos mong hukayin?"
"Daig mo pa ang Kastilang sibil kung magtanong, a! Ang sabi ng kurang malaki ay ibao ko raw ang bangkay na iyin sa libingan ng mga taksil. Pero malakas ang ulan at napakabigat ng kabaong at saka masyadong malayo ang libingan ng mga taksil."
Noon pa man ay unti-unti nang napupuno ang libingan dahil Araw ng mga Patay. May naghahanap sa libing ng kanulang mga mahal sa buhay. May nagtatalo at nag-aagawan sa pag-angkin sa isang libing. Ang iba naman kung hindi makita ang kanilang hinahanap na libing ay basta na lang lumuluhod kahit saan at nagdarasal patungkol sa kaluluwa ng kanilang mga namatay.
Ang nagkapalad na makapagpagawa ng nitso ay nagsipagtirik ng kandila sa ibabaw ng nitso ng kanilang mga yumao at taimtim na nananalangin habang mayroon ding umiiyak.
Malalim na rin ang nahukay ng sepulturero halos patapos na ang kanyang ginagawa. Kinuha niya ang isang nakabilot na papel mula sa kanyang salakot at saka binuksan. Isinubo niya ang hitso at nganga mula sa nakabilot na papel ay saka nginuya.
-ang paggalang sa mga patay ay pag-alala sa minamahal.
Huminto ang isang karwahe sa tapat ng libingan, bumaba si Francisco kasama ang kanyang utusan. Lumakas sila patungi sa loob ng libingan. "Nagkasakit po ako, hindi ko masyadong nagpapasyalan ang libing. Ang sabi po ni Gobernador Gregorio, ipagpapagawa niya ng isang nitso. Pero bago ako nagkasakit, natamnan ko ang libing ng mga bulaklaking halaman. Nilagyan ko rin ng krus na ako mismo ang gumawa." Hindi sumagot si Francisco sa mga sinabi ng utusan. Muling nagsalita ang utusan, "Naroon po ang krus sa dakong iyon," may itinuturong sulok ang utusan. Maingat sa paglalakad si Francisco at ang utusan, iningatan at iniiwasan na matapakan ang mga puntod. Hinahanap nila ang puntod ng mga magulang ni Francisco. Natanaw nila ang sepulturero bilang pagbibigay galang. "Saan po, ginoong sepulturero, ang libing na may isang krus doon?" "Isang krus po bang malaki?" tanong ng bantay ng libingan. "Opo, malaki nga po," parang nabuhayan ng loob an
Si Don Julio ay kinikilalang siyang pinakamatalino sa San Lorenzo. Siya ay dating mag-aaral ng pilosopiya. Pero, hindi siya nakatapos. Pinahinto siya sa pag-aaral ng kanyang ina hindi sa dahilang wala silang gagastusin. Sa katunayan ay mayaman amg kanyang ina. Ang kayamanang iyon ang isang dahilan ng kanyang angking katalinuhan.Dahil nga matalino, pinangambahan ng kanyang ina ang anak ay makalimot sa Diyos. Kaya isang araw sinabi ng ina sa anak, "Mamili ka anak, magpapari ka o hihinto ka sa pag-aaral sa Kolehiyo de San Jose?" Mas pinili ng anak ang tumigil sa pag-aaral.Hindi nagtagal, ang lalaki ay nag-asawa. Pero, malas yata sa pag-aasawa dahil pagkaraan ng isang taon, siya ay nabalo.Kailangan niyang maglibang upang makalimot sa kanyang pangungulila. Nahilig siya sa pagbabasa ng aklat hanggang napabayaan niya ang kanyang kayamanan at unti-unting naghirap.Nang hapong iyon ay nagbabadya ang pagkakaroon ng masamang panahon. May m
Patuloy ang pagsungit ng panahon, bubuhos ang malakas na ulan at sinasabayan ng matinding kulog at kidlat. Sa kabila nito, patuloy ang tunog ng batingaw, parang dumaraing ang tunog ng kampanaryo. Ang dalawang batang nakasalubong ni Don Julio ay nasa ikalawang palapag ng kampanaryo. Magkatabing nakaupo at kapwa hawak ang lubid na ang dulo ay nakatali sa batingaw na nasa ikatlong palapag. Gulanit ang kanilang damit, larawan ng karalitaan. Ang matanda ay si Manuel at ang nakababata ay si Miguel. "Batakin mo ang lubid mo, Miguel," utos ni Manuel. "Natatakot ako kuya. Kung nasa bahay tayo hindi ako matatakot," sinabi ni Miguel. "Sa atin, hindi ako mapagbibintangang magnanakaw. Hindi papayag ang nanay, kung malalamang ako'y pinalo nila!" Dugtong pa ni Miguel, "Sana magkasakit ako para maalagaan ako ng nanay at hindi na makabalik sa kumbento at hindi nila ako mapalo, sana pati ikaw kuya, sabay na tayong magkasakit." "Wag, Mi
Madilim ang gabi. Himbing na himbing na at di masalimuot nang natutulog ang mga mag-anak na nag-ukol ng paggunita sa kanilang mga yumao. Ang ina nina Manuel at Miguel ay naninirahan sa labas ng bayan na may isang oras lakarin. Ang asawa ni Catalina na si Frederick ay isang lalaking walang puso at gahaman. Wala itonh inatupag kundi amg kanyang bisyo at pagsasabaong. Si Catalina naman ay nagmamalasakit buhayin ang kanilang mga anak. Bihira lang kung ito'y umuwi at kung magkita man ang mag-asawa lalong sakit ng kalooban ang dinaranas ni Catalina. Nang may maitustos sa masamang bisyo ng asawa, ibinenta nito ang kaunting alahas. Nang si Catalina ay wala nang maibigay siya ay pinagbuhatan na nito ng kamay. Dala ng malaking pagmamahal ay kahinaan ng loob, walang nagawa si Catalina kundi umiyak ay magtiis. Para sa kanya, ang lalaking ito ay ang kanyang Diyos at ang kanyang mga anak ay ang kanyang mga anghel. Lalo namang naghari-harian ang lalaki nang kanyang matalos ang malaki
Narating ni Manuel ang kanilang dampa. Laking gulat ni Catalina nang makita ang anak. May sugat sa noo si Manuel at hindi kasama si Miguel."Nasaan ang kapatid mo?" tanong ni Catalina."Naiwan po sa kumbento si Miguel," sagot ni Manuel."Naiwan? Bakit? Buhay ba siya? Buhay ba si Miguel?" ulit-ulit na tanong ni Catalina. Tumango lang si Manuel."Bakit ka may sugat sa ulo? Nahulog kaba?" Niyakap at hinagkan-hagkan ni Catalina si Manuel.Nagpaliwang si Manuel. "Kinuha ng sakristan mayor si Miguel. Sinabihan ako na hindi ako puwedeng umuwi kundi alas-diyes ng gabi. Dahil natatakot akong masyadong gabihin, tumakas ako sa kampanaryo sa pamamagitan ng lubid. Sinigawan ako ng guwardiya sibil ngunit hindi ako lunapit sa halip tumakbo ako upang makatakas. Binaril ako at nadaplisan sa noo.""Diyos ko," naibulong ni Catalina padasal, "Salamat at iniligtas ninyo ang anak ko."Kumuha siya ng tubig, suka at basahan upang maga
Tatlo ang misang karaniwang iniaalay sa mga kaluluwa ng mga yumao. Mag-iikapito ng umaga nang si Padre Pedro ay makatapos ng kanyanv huling misa. Kapansin-pansin ang kanyang pananamlay."Ang kura ay maysakit," ang puna ng mga manang. "Siya'y walang sigla di-tulad ng dati."Naghubad siya ng kanyang damit pangmisa nang walang imik. Lumabas ng sakristiya at saka umakyat sa kumbento. Naraan niya bago umakyat ng kumbento ang pito o walang babae at isang lalaki na nangakupo sa bangko. Ang mga manang at manong na ito ay naghihintay sa kanya para humalik ngunit hindi niya pinansin.May mahalagang sadya ang mga taong naghihintay na ito sa kanya. Gusto nilang ipaalam kay Padre Pedro kung sino ang nais nilang magsermon sa araw ng kapistahan ng San Lorenzo. Tatlo ang pinagpipilian nila: Sina Padre Ignacio, Padre Victor o si Padre Pedro.Nagpaparamihan sila ng mga nakamit na indulgencia. Nagpapaligsahan kung sino ang may mabisang paraan para makamit ito. Para sa
Si Francisco at ang guro ay nasa ibabaw ng isang talampas sa lawa nang sila ay magkita at mapag-usapan ang mga problema ng isang guro sa bayan ng San Lorenzo."Diyan po sa lawang iyan itinapon ang bangkay ng inyong ama na inanod ng tubig sa lakas ng ulan! Kami ni Tenyente Angeles ay dinala rito ng sepulturero.""Marami pong salamat," kinamayan ni Francisco ang guro."Wala po kayong dapat ipasalamat sa akin," sabi ng guro. "Ang nagawa ko lamang po ay makipaglibing samantalang napakalaki ng utang na loob ko sa inyonv ama," dugtong pa ng guro."Napakabait po ng inyong ama, napakalaki ng naitulong niya para sa ikasusulong ng edukasyon. Bukod sa mga gamit sa paaralan, binibigyan pa niya ng pera ang mahihirap na mag-aaral.Nag-alis ng sambalilo si Francisco, bahagyang tumingala sa pormang nagdarasal. "Sabi po ninyo tumutulong ang aking ama sa mga mag aaral ngayon po paano na ang mga bata?""Ginagawa po ng mga bata ang kanilang ma
Ang mga may kapangyarihan sa bayan at nayon ay nagkatipun tipon sa bulwagang pulungan ng tribunal. Mahaba at maluwang ang pulungan. May mga larawang nakasabit sa dingding. Ang bulwagan ay nakadekorasyon ang larawan ng Hari ng España na nakasabit sa pader. Sa ilalim ng larawan naroon ang isang upuang parang trono ng hari. Sa harap ng naturang upuan ay may isang mahabang mesa na sa magkabilang panig nakahanay ang mga upuan at bangko. Sa paligid ng hapag ay nakaupo na at nag uusap usap ang mga miyembro ng dalawang partido ng bayan. Ang dalawang partidong ito sa anumang pagpupulong ay hindi na nagkasundo. Ang partido Conservado na binubuo ng mga matatanda, at ang partido Liberal na kinabibilangan ng mga kabataan. Dahil sa kalakarang iyon, syempre magkahiwalay ang dalawang grupo maging sa pag-uusap. "Nakapagdududa at nakakawala ng tiwala ang ikinikilos ng kapitan" sabi ni Don Vito sa kanyang mga kaibigan, si Don Vito ang tenyente mayor at leader ng lapiang Liberal. "Tila gusto ng
Si Francisco ay isang binatang Pilipino na nag-aral nang walong taon sa Paris at nagbalik sa San Lorenzo.Si Gobernador Gregorio ay naghandog ng isang hapunan sa pagdating ni Francisco Alonzo. Subalitay pangyayaring hindi inaasahan. Si Francisco makalawang beses na hinamak ni Padre Ignacio isang Franciscanong pari na naging kura ng San Lorenzo. Ang binata ay humingi ng paumanhin. Siya ay nagpaalam pagkat may mahalaga raw siyang pupuntahan.Si Francisco Alonzo ay katipan ni Felicidad de Quintos, isang kabigha-bighaning binibini, na sa kagandahan at mga katangian ay ginawang sagisag ng Inang Bayan. Si Felicidad ay anak sa turing ni Gobernador Gregorio, isa sa mayaman sa San Lorenzo maka-prayle at mapang-api sa mahihirap.Kinabukasan, panauhin ni Gobernador Gregorio sa kanyang tahanan si Francisco Alonzo. Sa pag-uusap ni Felicidad at Francisco ay muling nanariwa ang dalisay na pagmamahalang umusbong mula sa kanilang kamusmusan. Binasa noon ni Felicidad ang su
Magkikita ulit tayo pagdating ng ika-dalawampung taon mula ngayon. -Francisco This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. AUTHOR'S NOTE: Maraming salamat sa pagbabasa at pagsuporta ng aking istorya hindi ko ito makalilimutan. Maraming salamat sa taong nagpasok sa akin dito natulungan mo ako ng malaki mabuhay ka pa sana ng matagal, maraming salamat.
San LorenzoKalye Pilipo, Santo RosarioIka-31 ng Disyembre 1945Felicidad de Quintos y FloresKalye Burgos, Santa ClaraSan LorenzoMinamahal kong Francisco, Lubos akong nagagalak ng mabalitaan kong ikaw ay nakaligtas ngunit labis ang aking hinagpis ng malaman kong ika'y hindi na muling babalik pa sa lugar kung saan ang ating pag-iibigan ay nagsimula. Naaalala mo pa ba noong tayo'y mga musmos pa lamang lagi tayong nasa pampang ng Ilog ng Pag-ibig nagkukwentuhan sa ilalim ng matandang puno kung saan nakaukit ang ating mga pangalan, kung saan doon nanumpa sa pagdating ng tamang panahon tayo ay maikakasal at magkakaroon ng malulusog na supling. Ngunit sadyang malupit ang tadhana ang minsang pag-iibigan ay naudlot ng dahil lamang sa pagkakagalit mo at ng aking tunay na ama na si Padre Ignacio, siguro'y hindi mo na nabalitaan ang nangyari sa aking
This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila.MGA TAUHANI. Angkan ni Francisco Alonzo y MontevalloFrancisco AlonzoDon Lorenzo AlonzoDon Arthuro AlonzoII. Angkan ni Felicidad De Quintos y FloresFelicidad De QuintosGob. Gregorio De QuintosAmelia FloresTiya FloraIII. Mga
Pumasok sa kumbento si Felicidad. Iniwan na ni Padre Ignacio ang bayang kinaroroonan niya upang sa Maynila na manirahan. Si Padre Pedro ay nasa Maynila na rin. Samantalang naghihintay siyang maging obispo ay manakanakang nagsesermon sa simbahan ng Santa Clara at sa kumbento naman niti ay may mahalagang tungkulin. Di nagtagal si Padre Ignacio ay tumanggap ng isang kautusan ng Padre Provincial upang maging kura sa isang napakalayong lalawigan. Napabalitang dinamdam niya nang gayon kaya't kinabukasan ay natagpuan ang paring ito na patay na sa kanyang hihigan. May mga nagsasabi na namatay sa sakit na apoplegia, ang iba nama'y sa bangungot, ngunit ayon sa medikong tumingin, biglaan ang pagkamatay ng pari.Walang sinuman sa mga mambabasa ang ngayon ay nakakakilala kay Gobernador Gregorio. Ilang linggo bago suutan ng abiti si Felicidad para magmongha ay nakaramdam ng isang panlulumo na pinagmulan ng unti-unti niyang pamamayat. Siya ay naging malungkutin at mapag-isip. Noon ay katata
Sa itaas ng bundok sa tabi mg isang ilug-ilugan ay may nakakubli sa kakahuyan. Ito ay may isang dampa na yari sa mga balu-baluktot na punongkahoy. Dito ay may naninirahan na isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy. Sa ilalim ng puno ang nunong lalaki ay nagtitistis ng dahon ng niyog na gagawing walis. Isang dalaga naman ang naglagay ng isang bakol ng mga itlog ng manok, dayap at mga gulay. Dalawang batang lalaki at babae ang magkasamang naglalaro sa tabi ng isang batang maputla, malungkot at may malalaking mga mata.Si Manuel na may sugat sa paa ay hirap na hirap na tumindig at lumapit sa matanda. "Ingkong, mahigit isang buwan na po ba akong maysakit?" "Mula ng matagpuan ka naming walang malay ay dalawang beses nang bumilog ang buwan. Ang akala nga namin noon ay patay ka na.""Gantihan nawa kayo ng Diyos!" Kami po ay mahirap lamang," ang naisagot ni Manuel. "Subalit ngayon po ay Pasko, ibig ko po sanang umuwi sa bayan upang
Ang mga nakikitang regalo ni Felicidad ay walang halaga't kabuluhan, maging ang mga brilyante at mga burdadong pinya at sutla. Nakatingin sa pahayagan ang dalaga ngunit walang makita ni mabasa kaya. Bagama't may mga nagbabalita ng pagkamatay ni Francisco na nalunod sa lawa.Nang biglang nakaramdam siya noong na may dalawang palad na tumakip sa kanyang mga mata. Isang masayang tinig ang kanyang narinig, "Sino ako, sino ako? Natakot ka, ano? Dahil ba sa hindi mo inaasahan ng aking pagdating? Ako ay galing sa lalawigan upang makita ka at ang kasal mo," ang sabi ni Padre Ignacio. Nilapitan niya ang dalaga at iniabot ang kamay upang hagkan. Yumuko si Felicidad at nanginginig na hinagkan ang kamay ng pari. "Bakit ka nanlalamig, namumutla --- may sakit ka ba, anak?" Magiliw niyang kinabig ang dalaga at hinawakan ang dalawang kamay nito. "Wala ka na bang tiwala sa iyong inaama?" ang tanong ni Padre Ignacio. "Sige, maupo ka at sabihin mo sa akin ang problema mo tulad noong ginagawa mo
"Ginoo, pakinggan po ninyo ang panukalang naisip ko," ang sabi ni Claudio samantalang sila'y magtutungo sa San Gabriel. "Kayo'y aking itatago sa aking kaibigan. Dadalhin ko sa inyo ang lahat ng inyong kuwalta na aking iniligtas at itinago sa puno ng balite sa libingan ng inyong Inkong at tumungo na kayo sa inyong lupain." "Ako, patutungo sa ibang lupain?" ang sagot ni Francisco."Upang kayo'y makapamuhay nang tahimik sa panahong natitira sa inyong buhay. Kayo'y may mga kaibigan sa España, mayaman at maaari ninyong lakarin na kayo'y mapatawad sa pagkabilanggo. Ang ibang lupain, sa ganang akin, ay lalong mabuti kaysa ating sarili bayan."Tumahimik si Francisco,waring nag-iisip. Sila ay dumarating sa Ilog ng Pag-ibig at ang bangka ay nagsisimulang sumalunga sa agos. Sa tulay ng España ay may kabayuhang nagpapatakbo samantalang naririnig noon ang mahahaba ay matutunog na paswit."Claudio ang inyong kasawian ay nagbuhat sa aking kaanak. Ang buhay
Tuwang-tuwa si Gobernador Gregorio. Pagkat wala ni sino mang nakialam sa kanya sa buong maghapong kakila-kilabot. Hindi siya dinakip at hindi rin siya ikinulong. Ngunit nang bumalik si Kapitan Tinong sa kanyang bahay ay may sakit, namumutla at namamanas. Hindi nakabuti sa kanya ang paglalakbay. Hindi siya kumikibo di bumabati sa kanyang pamilyang umiiyak, tumatawa, nagsasalita at nababaliw sa kagalakan. Ngunit ni ang pinsang si Primitivo at ang lahat ng karunungan nito ay walang magawa para siya'y mapakibo. "Crede prime" ang sabi sa kanya. "Kung hindi ko nasunog ang lahat ng kasulatan ay nabitay ka na sana."Ang sinapit ni Kapitan Tinong ay kabaligtaran naman sa sinapit ni Gobernador Gregorio. Ayon kay Gobernador Gregorio, ito ay maaaring himala ng Mahal na Birhen ng Antipolo. "Ito marahil ay sa tulong na rin ng aking nga magulang at ng aking magiging manugang na si Lucas de España."Ang bulung-bulungan si Francisco ay bibitayin na. Bagamat may mga katibayan upa