Narating ni Manuel ang kanilang dampa. Laking gulat ni Catalina nang makita ang anak. May sugat sa noo si Manuel at hindi kasama si Miguel.
"Nasaan ang kapatid mo?" tanong ni Catalina.
"Naiwan po sa kumbento si Miguel," sagot ni Manuel.
"Naiwan? Bakit? Buhay ba siya? Buhay ba si Miguel?" ulit-ulit na tanong ni Catalina. Tumango lang si Manuel.
"Bakit ka may sugat sa ulo? Nahulog kaba?" Niyakap at hinagkan-hagkan ni Catalina si Manuel.
Nagpaliwang si Manuel. "Kinuha ng sakristan mayor si Miguel. Sinabihan ako na hindi ako puwedeng umuwi kundi alas-diyes ng gabi. Dahil natatakot akong masyadong gabihin, tumakas ako sa kampanaryo sa pamamagitan ng lubid. Sinigawan ako ng guwardiya sibil ngunit hindi ako lunapit sa halip tumakbo ako upang makatakas. Binaril ako at nadaplisan sa noo."
"Diyos ko," naibulong ni Catalina padasal, "Salamat at iniligtas ninyo ang anak ko."
Kumuha siya ng tubig, suka at basahan upang maga
Tatlo ang misang karaniwang iniaalay sa mga kaluluwa ng mga yumao. Mag-iikapito ng umaga nang si Padre Pedro ay makatapos ng kanyanv huling misa. Kapansin-pansin ang kanyang pananamlay."Ang kura ay maysakit," ang puna ng mga manang. "Siya'y walang sigla di-tulad ng dati."Naghubad siya ng kanyang damit pangmisa nang walang imik. Lumabas ng sakristiya at saka umakyat sa kumbento. Naraan niya bago umakyat ng kumbento ang pito o walang babae at isang lalaki na nangakupo sa bangko. Ang mga manang at manong na ito ay naghihintay sa kanya para humalik ngunit hindi niya pinansin.May mahalagang sadya ang mga taong naghihintay na ito sa kanya. Gusto nilang ipaalam kay Padre Pedro kung sino ang nais nilang magsermon sa araw ng kapistahan ng San Lorenzo. Tatlo ang pinagpipilian nila: Sina Padre Ignacio, Padre Victor o si Padre Pedro.Nagpaparamihan sila ng mga nakamit na indulgencia. Nagpapaligsahan kung sino ang may mabisang paraan para makamit ito. Para sa
Si Francisco at ang guro ay nasa ibabaw ng isang talampas sa lawa nang sila ay magkita at mapag-usapan ang mga problema ng isang guro sa bayan ng San Lorenzo."Diyan po sa lawang iyan itinapon ang bangkay ng inyong ama na inanod ng tubig sa lakas ng ulan! Kami ni Tenyente Angeles ay dinala rito ng sepulturero.""Marami pong salamat," kinamayan ni Francisco ang guro."Wala po kayong dapat ipasalamat sa akin," sabi ng guro. "Ang nagawa ko lamang po ay makipaglibing samantalang napakalaki ng utang na loob ko sa inyonv ama," dugtong pa ng guro."Napakabait po ng inyong ama, napakalaki ng naitulong niya para sa ikasusulong ng edukasyon. Bukod sa mga gamit sa paaralan, binibigyan pa niya ng pera ang mahihirap na mag-aaral.Nag-alis ng sambalilo si Francisco, bahagyang tumingala sa pormang nagdarasal. "Sabi po ninyo tumutulong ang aking ama sa mga mag aaral ngayon po paano na ang mga bata?""Ginagawa po ng mga bata ang kanilang ma
Ang mga may kapangyarihan sa bayan at nayon ay nagkatipun tipon sa bulwagang pulungan ng tribunal. Mahaba at maluwang ang pulungan. May mga larawang nakasabit sa dingding. Ang bulwagan ay nakadekorasyon ang larawan ng Hari ng España na nakasabit sa pader. Sa ilalim ng larawan naroon ang isang upuang parang trono ng hari. Sa harap ng naturang upuan ay may isang mahabang mesa na sa magkabilang panig nakahanay ang mga upuan at bangko. Sa paligid ng hapag ay nakaupo na at nag uusap usap ang mga miyembro ng dalawang partido ng bayan. Ang dalawang partidong ito sa anumang pagpupulong ay hindi na nagkasundo. Ang partido Conservado na binubuo ng mga matatanda, at ang partido Liberal na kinabibilangan ng mga kabataan. Dahil sa kalakarang iyon, syempre magkahiwalay ang dalawang grupo maging sa pag-uusap. "Nakapagdududa at nakakawala ng tiwala ang ikinikilos ng kapitan" sabi ni Don Vito sa kanyang mga kaibigan, si Don Vito ang tenyente mayor at leader ng lapiang Liberal. "Tila gusto ng
Nang malaman ni Catalina mula sa kusinero ng kura na wala si Miguel sa kumbento agad-agad na umalis siya. Patakbo siyang umuwi, gulo ang isip at hindi alam kung ano ang gagawin upang mailigtas ang kanyang mga anak.Kinausap niya ang sarili, "Hinuli na kaya si Manuel? Nasaan ang kaawaawa kong si Miguel?"Sa hindi kalayuan, natanaw ni Catalina ang mga guwardiya sibil na tila galing na sa kanyang bahay, hindi kasama ang ainuman sa kanyang dalawang anak."O, kay buti nila!" naibulong ni Catalina sa sarili. Alam ni Catalina kung gaano kabagsik at kawalang-puso ang guwardiya sibil. Hindi iginagalang ng mga iyon ang mga mayayaman, sila pa kayang pulubi? Bumalik ang kanyang tiwala sa mga ito, sinalubong niya, bakit hindi yata siya pinansin at tila hindi siya nakita.Ngunit hindi pa siya naka lalayo ay narinig niya ang tinatawag siya. Hindi niya pinansin kunwari wala siyang narinig. Muli siyang tinanong at may kasama nang pagmumura."Wag kang ma
Tatlong araw ang lumipas, tatlong araw at tatlong gabing iniukol ng San Lorenzo sa paghahanda sa nalalapit na kapistahan ng bayan.Samantalang kinapansinan naman si Padre Pedro ng pagbabago sa mga inuugali nito na kanilang labis na pinagtatakhan. Sabi nga ng kanyang mga kinukumpisal, "Ang pari ay madalas natitigilan kapag nagmimisa, di na nakikipagkuwentuhan sa kanila pagkatapos ng misa di tulad nang dati at siya ay nangangayayat at tila namamanglaw." Pero ang lalong nag palala sa sabi-sabi ng mga tao ay ang kapansin-pansin na pagliliwanag ng kumbento sa mga gabing si Padre Pedro ay dumadalaw sa bahay nila Felicidad.Lalong lumala ang alingasngas ng kaguluhan nang dumating si Francisco pagkaraan ng ikatlong araw mula sa kabisera ng lalawigan. Ang binata ay lulan ng isang karwaheng tumigil sa tapat ng bahay ng kanyang kasintahan. Nagkita at nagbatian sina Francisco at Padre Pedro na noon ay patungo rin sa tahanan ng dalaga.Ilang sandali pa ay nag-uusap na ang ma
Maagang-maaga pa ay naglalakad na patungo sa lawa ang grupo ng mga kadalagahan kasama ang kani-kanilang ina at tiyuhin. Sinusundan sila ng ilang katulong na mga babae rin na may dalang pagkain, pinggan at iba pang kagamitan. Masasaya silang naghaharutan at nagtatawanan. "Hoy magsitigil nga kayo! Baka nabubulabog ninyo ang mga natutulog pa." Saway ni Tiya Flora. "Noong panahon namin hindi ganyan ka ingay ang mga dalaga." "Kasi'y hindi kayo gumigising ng kasing aga namin at hindi rin palatulog ang mga matatanda ngayon di tulad noon," sagot naman ni Luningning. Hindi nagtagal ay kusa silang tumahimik sapagkat natanaw nilang dumarating ang pangkat ng kabinataan, na ang isa ay tumutugtog pa ng gitara. "Parang gitara ng namamalimos," hindi nakapagpigil ang sadyang pilyang si Luningning. Tumahimik at pormal ang mga dalaga nang kaharap na nila ang mga binata. Binati sila ng mga binata at nagbigay-galang sa mga ina. "Huwag po kayong mag-a
Maagang-maaga nakapag misa noon si Padre Pedro. Pagkatapos ng misa, binasa ang ilang sulat na dinatnan sa kumbento. Pero nang matapos mabasa ang sulat tila nawalan ng gana. Ni hindi napag-ukulang inumin ang nakahandang tsokolate hanggang tuluyang lumamig.Hindi mapakali, nagpalakad-lakad sa maluwag na bulwagan na waring nag iisip ng malalim habang hawak ang nilamukos na sulat.Sa di kawasa'y ipinahanda ang kanyang karwahe. Sumakay at pinag-utos sa kanyang kutsero na ihatid siya sa gubat na pinagdadausan ng piknik. Pagdating ni Padre Pedro sa lugar na hindi kayang pasukin ng karwahe ay inutos na lamang sa kanyang kutsero na ibalik ang kanyang sinasakyan at siya'y maglalakad na lamang.Malayu-layo na rin ang nalakad no Padre Pedro sa looh ng madilim at mabaging na gubat nang makarinig siya ng masayang halakhakan ng mga kababaihan na nagmula sa dakong batis."Kung makakatagpo ako ng pugad ng gansa. . ." anang isang kaakit-akit at matamis na tinig
Kinabukasan pagkatapos ng papiknik ni Francisco, pinasyalan niya ang kanyang lupain at nagtuloy sa bahay ni Don Julio. Dahil sa walang makitang tao, tuloy-tuloy na pumanhik sa bahay. Napansin niyang abalang-abala ang Don kaya nagpasya ng umalis, ngunit noon naman siya napuna ng matanda. "Aba! Nariyan pala kayo," sabi ng matanda. "Aalis na nga sana ako, dahil napuna kong masyado kayong abala," ang sabi ni Francisco. "Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo? May konti lang akong isinusulat, ihihinto ko na nga sana at makapag pahinga," sabi ng matanda. "Mayroon po sana akong isasangguni sa inyo," sinasabi ni Francisco habang tinitingnan ang isinusulat ni Don Julio. "Ano po itong isinusulat ninyo?" "Ito'y isang jeroglifico." KAALAMAN TIME! Ang jeroglifico ay isang uri ng pagsulat na pasagisag ang paglalarawan ng mga bagay upang hindi agad
Si Francisco ay isang binatang Pilipino na nag-aral nang walong taon sa Paris at nagbalik sa San Lorenzo.Si Gobernador Gregorio ay naghandog ng isang hapunan sa pagdating ni Francisco Alonzo. Subalitay pangyayaring hindi inaasahan. Si Francisco makalawang beses na hinamak ni Padre Ignacio isang Franciscanong pari na naging kura ng San Lorenzo. Ang binata ay humingi ng paumanhin. Siya ay nagpaalam pagkat may mahalaga raw siyang pupuntahan.Si Francisco Alonzo ay katipan ni Felicidad de Quintos, isang kabigha-bighaning binibini, na sa kagandahan at mga katangian ay ginawang sagisag ng Inang Bayan. Si Felicidad ay anak sa turing ni Gobernador Gregorio, isa sa mayaman sa San Lorenzo maka-prayle at mapang-api sa mahihirap.Kinabukasan, panauhin ni Gobernador Gregorio sa kanyang tahanan si Francisco Alonzo. Sa pag-uusap ni Felicidad at Francisco ay muling nanariwa ang dalisay na pagmamahalang umusbong mula sa kanilang kamusmusan. Binasa noon ni Felicidad ang su
Magkikita ulit tayo pagdating ng ika-dalawampung taon mula ngayon. -Francisco This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. AUTHOR'S NOTE: Maraming salamat sa pagbabasa at pagsuporta ng aking istorya hindi ko ito makalilimutan. Maraming salamat sa taong nagpasok sa akin dito natulungan mo ako ng malaki mabuhay ka pa sana ng matagal, maraming salamat.
San LorenzoKalye Pilipo, Santo RosarioIka-31 ng Disyembre 1945Felicidad de Quintos y FloresKalye Burgos, Santa ClaraSan LorenzoMinamahal kong Francisco, Lubos akong nagagalak ng mabalitaan kong ikaw ay nakaligtas ngunit labis ang aking hinagpis ng malaman kong ika'y hindi na muling babalik pa sa lugar kung saan ang ating pag-iibigan ay nagsimula. Naaalala mo pa ba noong tayo'y mga musmos pa lamang lagi tayong nasa pampang ng Ilog ng Pag-ibig nagkukwentuhan sa ilalim ng matandang puno kung saan nakaukit ang ating mga pangalan, kung saan doon nanumpa sa pagdating ng tamang panahon tayo ay maikakasal at magkakaroon ng malulusog na supling. Ngunit sadyang malupit ang tadhana ang minsang pag-iibigan ay naudlot ng dahil lamang sa pagkakagalit mo at ng aking tunay na ama na si Padre Ignacio, siguro'y hindi mo na nabalitaan ang nangyari sa aking
This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila.MGA TAUHANI. Angkan ni Francisco Alonzo y MontevalloFrancisco AlonzoDon Lorenzo AlonzoDon Arthuro AlonzoII. Angkan ni Felicidad De Quintos y FloresFelicidad De QuintosGob. Gregorio De QuintosAmelia FloresTiya FloraIII. Mga
Pumasok sa kumbento si Felicidad. Iniwan na ni Padre Ignacio ang bayang kinaroroonan niya upang sa Maynila na manirahan. Si Padre Pedro ay nasa Maynila na rin. Samantalang naghihintay siyang maging obispo ay manakanakang nagsesermon sa simbahan ng Santa Clara at sa kumbento naman niti ay may mahalagang tungkulin. Di nagtagal si Padre Ignacio ay tumanggap ng isang kautusan ng Padre Provincial upang maging kura sa isang napakalayong lalawigan. Napabalitang dinamdam niya nang gayon kaya't kinabukasan ay natagpuan ang paring ito na patay na sa kanyang hihigan. May mga nagsasabi na namatay sa sakit na apoplegia, ang iba nama'y sa bangungot, ngunit ayon sa medikong tumingin, biglaan ang pagkamatay ng pari.Walang sinuman sa mga mambabasa ang ngayon ay nakakakilala kay Gobernador Gregorio. Ilang linggo bago suutan ng abiti si Felicidad para magmongha ay nakaramdam ng isang panlulumo na pinagmulan ng unti-unti niyang pamamayat. Siya ay naging malungkutin at mapag-isip. Noon ay katata
Sa itaas ng bundok sa tabi mg isang ilug-ilugan ay may nakakubli sa kakahuyan. Ito ay may isang dampa na yari sa mga balu-baluktot na punongkahoy. Dito ay may naninirahan na isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy. Sa ilalim ng puno ang nunong lalaki ay nagtitistis ng dahon ng niyog na gagawing walis. Isang dalaga naman ang naglagay ng isang bakol ng mga itlog ng manok, dayap at mga gulay. Dalawang batang lalaki at babae ang magkasamang naglalaro sa tabi ng isang batang maputla, malungkot at may malalaking mga mata.Si Manuel na may sugat sa paa ay hirap na hirap na tumindig at lumapit sa matanda. "Ingkong, mahigit isang buwan na po ba akong maysakit?" "Mula ng matagpuan ka naming walang malay ay dalawang beses nang bumilog ang buwan. Ang akala nga namin noon ay patay ka na.""Gantihan nawa kayo ng Diyos!" Kami po ay mahirap lamang," ang naisagot ni Manuel. "Subalit ngayon po ay Pasko, ibig ko po sanang umuwi sa bayan upang
Ang mga nakikitang regalo ni Felicidad ay walang halaga't kabuluhan, maging ang mga brilyante at mga burdadong pinya at sutla. Nakatingin sa pahayagan ang dalaga ngunit walang makita ni mabasa kaya. Bagama't may mga nagbabalita ng pagkamatay ni Francisco na nalunod sa lawa.Nang biglang nakaramdam siya noong na may dalawang palad na tumakip sa kanyang mga mata. Isang masayang tinig ang kanyang narinig, "Sino ako, sino ako? Natakot ka, ano? Dahil ba sa hindi mo inaasahan ng aking pagdating? Ako ay galing sa lalawigan upang makita ka at ang kasal mo," ang sabi ni Padre Ignacio. Nilapitan niya ang dalaga at iniabot ang kamay upang hagkan. Yumuko si Felicidad at nanginginig na hinagkan ang kamay ng pari. "Bakit ka nanlalamig, namumutla --- may sakit ka ba, anak?" Magiliw niyang kinabig ang dalaga at hinawakan ang dalawang kamay nito. "Wala ka na bang tiwala sa iyong inaama?" ang tanong ni Padre Ignacio. "Sige, maupo ka at sabihin mo sa akin ang problema mo tulad noong ginagawa mo
"Ginoo, pakinggan po ninyo ang panukalang naisip ko," ang sabi ni Claudio samantalang sila'y magtutungo sa San Gabriel. "Kayo'y aking itatago sa aking kaibigan. Dadalhin ko sa inyo ang lahat ng inyong kuwalta na aking iniligtas at itinago sa puno ng balite sa libingan ng inyong Inkong at tumungo na kayo sa inyong lupain." "Ako, patutungo sa ibang lupain?" ang sagot ni Francisco."Upang kayo'y makapamuhay nang tahimik sa panahong natitira sa inyong buhay. Kayo'y may mga kaibigan sa España, mayaman at maaari ninyong lakarin na kayo'y mapatawad sa pagkabilanggo. Ang ibang lupain, sa ganang akin, ay lalong mabuti kaysa ating sarili bayan."Tumahimik si Francisco,waring nag-iisip. Sila ay dumarating sa Ilog ng Pag-ibig at ang bangka ay nagsisimulang sumalunga sa agos. Sa tulay ng España ay may kabayuhang nagpapatakbo samantalang naririnig noon ang mahahaba ay matutunog na paswit."Claudio ang inyong kasawian ay nagbuhat sa aking kaanak. Ang buhay
Tuwang-tuwa si Gobernador Gregorio. Pagkat wala ni sino mang nakialam sa kanya sa buong maghapong kakila-kilabot. Hindi siya dinakip at hindi rin siya ikinulong. Ngunit nang bumalik si Kapitan Tinong sa kanyang bahay ay may sakit, namumutla at namamanas. Hindi nakabuti sa kanya ang paglalakbay. Hindi siya kumikibo di bumabati sa kanyang pamilyang umiiyak, tumatawa, nagsasalita at nababaliw sa kagalakan. Ngunit ni ang pinsang si Primitivo at ang lahat ng karunungan nito ay walang magawa para siya'y mapakibo. "Crede prime" ang sabi sa kanya. "Kung hindi ko nasunog ang lahat ng kasulatan ay nabitay ka na sana."Ang sinapit ni Kapitan Tinong ay kabaligtaran naman sa sinapit ni Gobernador Gregorio. Ayon kay Gobernador Gregorio, ito ay maaaring himala ng Mahal na Birhen ng Antipolo. "Ito marahil ay sa tulong na rin ng aking nga magulang at ng aking magiging manugang na si Lucas de España."Ang bulung-bulungan si Francisco ay bibitayin na. Bagamat may mga katibayan upa