Home / History / Memories of the Past [COMPLETED] / Kabanata XXII: Liwanag at Dilim

Share

Kabanata XXII: Liwanag at Dilim

Author: Demie
last update Huling Na-update: 2021-07-27 18:39:54

Tatlong araw ang lumipas, tatlong araw at tatlong gabing iniukol ng San Lorenzo sa paghahanda sa nalalapit na kapistahan ng bayan.

Samantalang kinapansinan naman si Padre Pedro ng pagbabago sa mga inuugali nito na kanilang labis na pinagtatakhan. Sabi nga ng kanyang mga kinukumpisal, "Ang pari ay madalas natitigilan kapag nagmimisa, di na nakikipagkuwentuhan sa kanila pagkatapos ng misa di tulad nang dati at siya ay nangangayayat at tila namamanglaw." Pero ang lalong nag palala sa sabi-sabi ng mga tao ay ang kapansin-pansin na pagliliwanag ng kumbento sa mga gabing si Padre Pedro ay dumadalaw sa bahay nila Felicidad.

Lalong lumala ang alingasngas ng kaguluhan nang dumating si Francisco pagkaraan ng ikatlong araw mula sa kabisera ng lalawigan. Ang binata ay lulan ng isang karwaheng tumigil sa tapat ng bahay ng kanyang kasintahan. Nagkita at nagbatian sina Francisco at Padre Pedro na noon ay patungo rin sa tahanan ng dalaga.

Ilang sandali pa ay nag-uusap na ang ma

Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata XXIII: Pangingisda

    Maagang-maaga pa ay naglalakad na patungo sa lawa ang grupo ng mga kadalagahan kasama ang kani-kanilang ina at tiyuhin. Sinusundan sila ng ilang katulong na mga babae rin na may dalang pagkain, pinggan at iba pang kagamitan. Masasaya silang naghaharutan at nagtatawanan. "Hoy magsitigil nga kayo! Baka nabubulabog ninyo ang mga natutulog pa." Saway ni Tiya Flora. "Noong panahon namin hindi ganyan ka ingay ang mga dalaga." "Kasi'y hindi kayo gumigising ng kasing aga namin at hindi rin palatulog ang mga matatanda ngayon di tulad noon," sagot naman ni Luningning. Hindi nagtagal ay kusa silang tumahimik sapagkat natanaw nilang dumarating ang pangkat ng kabinataan, na ang isa ay tumutugtog pa ng gitara. "Parang gitara ng namamalimos," hindi nakapagpigil ang sadyang pilyang si Luningning. Tumahimik at pormal ang mga dalaga nang kaharap na nila ang mga binata. Binati sila ng mga binata at nagbigay-galang sa mga ina. "Huwag po kayong mag-a

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata XXIV: Sa Gubat

    Maagang-maaga nakapag misa noon si Padre Pedro. Pagkatapos ng misa, binasa ang ilang sulat na dinatnan sa kumbento. Pero nang matapos mabasa ang sulat tila nawalan ng gana. Ni hindi napag-ukulang inumin ang nakahandang tsokolate hanggang tuluyang lumamig.Hindi mapakali, nagpalakad-lakad sa maluwag na bulwagan na waring nag iisip ng malalim habang hawak ang nilamukos na sulat.Sa di kawasa'y ipinahanda ang kanyang karwahe. Sumakay at pinag-utos sa kanyang kutsero na ihatid siya sa gubat na pinagdadausan ng piknik. Pagdating ni Padre Pedro sa lugar na hindi kayang pasukin ng karwahe ay inutos na lamang sa kanyang kutsero na ibalik ang kanyang sinasakyan at siya'y maglalakad na lamang.Malayu-layo na rin ang nalakad no Padre Pedro sa looh ng madilim at mabaging na gubat nang makarinig siya ng masayang halakhakan ng mga kababaihan na nagmula sa dakong batis."Kung makakatagpo ako ng pugad ng gansa. . ." anang isang kaakit-akit at matamis na tinig

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata XXV: Tahanan ng Pantas

    Kinabukasan pagkatapos ng papiknik ni Francisco, pinasyalan niya ang kanyang lupain at nagtuloy sa bahay ni Don Julio. Dahil sa walang makitang tao, tuloy-tuloy na pumanhik sa bahay. Napansin niyang abalang-abala ang Don kaya nagpasya ng umalis, ngunit noon naman siya napuna ng matanda. "Aba! Nariyan pala kayo," sabi ng matanda. "Aalis na nga sana ako, dahil napuna kong masyado kayong abala," ang sabi ni Francisco. "Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo? May konti lang akong isinusulat, ihihinto ko na nga sana at makapag pahinga," sabi ng matanda. "Mayroon po sana akong isasangguni sa inyo," sinasabi ni Francisco habang tinitingnan ang isinusulat ni Don Julio. "Ano po itong isinusulat ninyo?" "Ito'y isang jeroglifico." KAALAMAN TIME! Ang jeroglifico ay isang uri ng pagsulat na pasagisag ang paglalarawan ng mga bagay upang hindi agad

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata XXVI: Ang Bisperas ng Pista

    Ika-10 ng Nobyembre ang bisperas ng pista ng bayang San Lorenzo sa lahat ng dako, makikita ang pagiging abala ng lahat sa napipintong kasayahan. Sa bukid, sa simbahan, sa mga lansangan ay naghahari ang isang di pangkaraniwang kasayahan. Ang mga bintana ng bawat bahay ay na dedekorasyonan ng makukulay na mga banderang tela. Walang tigil ang putok ng mga kuwitis at tugtog ng banda ng musiko na nagpaparoo't parito.Higit na kapansin-pansin ang namumukod-tangi ng paghahanda sa bahay ng mga mayayaman. Ang mga dalaga ng tahanan ay abalang abala sa pag aayos ng hapagkainan na punong puno ng mga minatamis na bungang kahoy na nakasilid sa mga lalagyan ng kristal. Ang mga katulong ay akyat manaog na may dalang mga mamahaling plato, tasa, baso at mga kubyertos na pilak. Samantalang, namamayani ang matinis na halakhakan at tawanan sa iba't ibang panig ng kabahayan.Ang masiglang paghahanda ay para sa lahat ng darating na panauhin. Sa mga kababayan, sa mga dayuhan, sa mga mah

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata XXVII: Dapithapon

    Dumating sina Felicidad at Tiya Flora sa kanilang bahay dala nila ang napakaraming kahon ng pagkain, sari-saring inuming nakakalasing na buhat pa sa Europa, mga naglalakihang salamin, mga kuwadro at isang piyano. Isang napakalaking handaang isinasagawa sa bahay ni Gobernador Gregorio.Nakarating na rin si Gobernador Gregorio, may pasalubong siyang isang relikaryong ginto kay Felicidad. Ito ay napapalamutian ng brilyante at esmeralda.Si Francisco ay pinapurihan sa isa sa pinakasikat na dyaryo. Ang katangi-tanging Pilipinong-Kastila!Ang dakilang pilantropo! Ang henyo! at mayamang negosyante! Ang hindi maaaring tularan! Ang namumukod tanging binata! at marami pang iba.Nagkita sina Gobernador Gregorio at Francisco. Kanilang napag-usapan ang tungkol sa paaralan na ipinatayo ni Francisco. Iminungkahi ni Gobernador Gregorio, "Para sa akin, napakaganda at napakabanal kung tatawagin ninyong Paaralan ni San Francisco ang inyong proyekto. Hindi maganda kung tatawagin lam

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata XXVIII: Mga Sulat

    Cada uno habla de la Feria como le va en ella. KAALAMAN TIME!Ang Cada uno habla de la Feria como le va en ella ay may nagsasabing ang bawat dumalo sa pista ay nagbabalita nang ayon sa kanyang kapakanan. ----------Ang alin mang bayan o lugar sa Pilipinas ay nagdiriwang ng kanilang kapistahan sa loob ng tatlong araw tulad ng bayan sa San Lorenzo. Ang karangyaan ng pagdiriwang ng San Lorenzo ay napalathala sa isang sikat na diyaryong Kastila sa buong San Lorenzo. Humigit kumulang narito ang buod ng lathalain ng unang dalawang oras na kapistahan.Maituturing na isang tagumpay ang pagdaraos ng kapistahan ng San Lorenzo sa pamamahala ng mga paring Franciscano. Ang pista ay walang makatulad sa karingalan at kaningningan.Di mabilang ang dami ng mga nagsidalo

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata XXIX: Ang Umaga

    Madaling araw pa lamang ay binulahaw na ang mga mamamayan ng tugtog ng mga musiko sa lansangan. Ngayon ang ikatlo at huling araw ng kapistahan. Ang mga tao ay nagsimula nang magbihis ng mga magagara nilang mga damit, maliban kay Don Julio na hindi nagbago ng pananamit. Iyon pa rin ang kanyang suot, ang ordinaryong damit, lumang sapatos at sombrero. Nagkita sina Don Vito, Tenyente Mayor at Don Julio. Binati ni Don Vito si Don Julio, "Mukhang higit kayong malungkot ngayon kaysa noong nakaraang araw. Ayaw ba ninyong magsaya kahit paminsan-minsan bagamat marami tayong dapat ikalungkot." Nangatuwiran ang pilosopo, "Ang pagsasaya ay hindi ang paggawa ng mga kabaliwan! Bakit dapat maglustay ng malaking halaga sa paghahanda taun-taon? Kayrami nang naghihikahos. Napakasamang tingnan ang nagpapakaluho samantalang ang iba ay naghihirap." Sumagot si Don Vito, "Ano ang magagawa ko sa kagustuhan ng Kura at ng Gobernador?" Mariing tumugon si Don Julio, "Magb

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata XXX: Araw ng Pista ng San Lorenzo

    Hindi mahulugang-karayom ang loob ng simbahan dahil sa dami ng tao. Nagsisiksikan, nagtutulakan, naggigitgitan, nagkakatapakan ang kaunting lumalabas at maraming pumapasok na tao. Lalo na sa lugar ng agua bendita o sa benditadong tubig. Malayo pa ay nakaunat na ang mga bisig ng mga nagnanais na makasawsaw ang kamay sa kinaroroonan ng agua bendita, pero natatabig pa at napapalayo. Isang babaeng paangil nang sumigaw nang siya'y nayapakan at nasaktan pero patuloy ang pagtutulakan at halos walang pumansin sa kanya. Halos hindi makahinga sa loob ng simbahan. Napaka init at umaalingasaw ang iba't ibang amoy ng mga tao. Pero hindi pwedeng hindi marinig ang sermon sapagkat ito ay ginastusan ng ₱250. "Dalawang daan at limampung piso para sa isang sermon?" parang hindi makapaniwala si Don Julio. "Ano? Para sa isang sermon at para pakinggan ang isang tao! Sobra naman e, isipin mo ang halagang ito ay ikatlong bahagi lamang ng kabuuang halagang ibabayad sa mga komedyanteng magtat

    Huling Na-update : 2021-07-28

Pinakabagong kabanata

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Maikling Kabuuan Ng Mga Alaala Ng Nakaraan

    Si Francisco ay isang binatang Pilipino na nag-aral nang walong taon sa Paris at nagbalik sa San Lorenzo.Si Gobernador Gregorio ay naghandog ng isang hapunan sa pagdating ni Francisco Alonzo. Subalitay pangyayaring hindi inaasahan. Si Francisco makalawang beses na hinamak ni Padre Ignacio isang Franciscanong pari na naging kura ng San Lorenzo. Ang binata ay humingi ng paumanhin. Siya ay nagpaalam pagkat may mahalaga raw siyang pupuntahan.Si Francisco Alonzo ay katipan ni Felicidad de Quintos, isang kabigha-bighaning binibini, na sa kagandahan at mga katangian ay ginawang sagisag ng Inang Bayan. Si Felicidad ay anak sa turing ni Gobernador Gregorio, isa sa mayaman sa San Lorenzo maka-prayle at mapang-api sa mahihirap.Kinabukasan, panauhin ni Gobernador Gregorio sa kanyang tahanan si Francisco Alonzo. Sa pag-uusap ni Felicidad at Francisco ay muling nanariwa ang dalisay na pagmamahalang umusbong mula sa kanilang kamusmusan. Binasa noon ni Felicidad ang su

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Ang Huling Paalam: Francisco Alonzo y Montevallo

    Magkikita ulit tayo pagdating ng ika-dalawampung taon mula ngayon. -Francisco This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. AUTHOR'S NOTE: Maraming salamat sa pagbabasa at pagsuporta ng aking istorya hindi ko ito makalilimutan. Maraming salamat sa taong nagpasok sa akin dito natulungan mo ako ng malaki mabuhay ka pa sana ng matagal, maraming salamat.

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Ang Nawawalang Kabanata: Ang Huling Liham ni Felicidad

    San LorenzoKalye Pilipo, Santo RosarioIka-31 ng Disyembre 1945Felicidad de Quintos y FloresKalye Burgos, Santa ClaraSan LorenzoMinamahal kong Francisco, Lubos akong nagagalak ng mabalitaan kong ikaw ay nakaligtas ngunit labis ang aking hinagpis ng malaman kong ika'y hindi na muling babalik pa sa lugar kung saan ang ating pag-iibigan ay nagsimula. Naaalala mo pa ba noong tayo'y mga musmos pa lamang lagi tayong nasa pampang ng Ilog ng Pag-ibig nagkukwentuhan sa ilalim ng matandang puno kung saan nakaukit ang ating mga pangalan, kung saan doon nanumpa sa pagdating ng tamang panahon tayo ay maikakasal at magkakaroon ng malulusog na supling. Ngunit sadyang malupit ang tadhana ang minsang pag-iibigan ay naudlot ng dahil lamang sa pagkakagalit mo at ng aking tunay na ama na si Padre Ignacio, siguro'y hindi mo na nabalitaan ang nangyari sa aking

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Mga Alaala Ng Nakaraan: Wakas

    This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila.MGA TAUHANI. Angkan ni Francisco Alonzo y MontevalloFrancisco AlonzoDon Lorenzo AlonzoDon Arthuro AlonzoII. Angkan ni Felicidad De Quintos y FloresFelicidad De QuintosGob. Gregorio De QuintosAmelia FloresTiya FloraIII. Mga

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LXIV: Katapusan

    Pumasok sa kumbento si Felicidad. Iniwan na ni Padre Ignacio ang bayang kinaroroonan niya upang sa Maynila na manirahan. Si Padre Pedro ay nasa Maynila na rin. Samantalang naghihintay siyang maging obispo ay manakanakang nagsesermon sa simbahan ng Santa Clara at sa kumbento naman niti ay may mahalagang tungkulin. Di nagtagal si Padre Ignacio ay tumanggap ng isang kautusan ng Padre Provincial upang maging kura sa isang napakalayong lalawigan. Napabalitang dinamdam niya nang gayon kaya't kinabukasan ay natagpuan ang paring ito na patay na sa kanyang hihigan. May mga nagsasabi na namatay sa sakit na apoplegia, ang iba nama'y sa bangungot, ngunit ayon sa medikong tumingin, biglaan ang pagkamatay ng pari.Walang sinuman sa mga mambabasa ang ngayon ay nakakakilala kay Gobernador Gregorio. Ilang linggo bago suutan ng abiti si Felicidad para magmongha ay nakaramdam ng isang panlulumo na pinagmulan ng unti-unti niyang pamamayat. Siya ay naging malungkutin at mapag-isip. Noon ay katata

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LXIII: Noche Buena

    Sa itaas ng bundok sa tabi mg isang ilug-ilugan ay may nakakubli sa kakahuyan. Ito ay may isang dampa na yari sa mga balu-baluktot na punongkahoy. Dito ay may naninirahan na isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy. Sa ilalim ng puno ang nunong lalaki ay nagtitistis ng dahon ng niyog na gagawing walis. Isang dalaga naman ang naglagay ng isang bakol ng mga itlog ng manok, dayap at mga gulay. Dalawang batang lalaki at babae ang magkasamang naglalaro sa tabi ng isang batang maputla, malungkot at may malalaking mga mata.Si Manuel na may sugat sa paa ay hirap na hirap na tumindig at lumapit sa matanda. "Ingkong, mahigit isang buwan na po ba akong maysakit?" "Mula ng matagpuan ka naming walang malay ay dalawang beses nang bumilog ang buwan. Ang akala nga namin noon ay patay ka na.""Gantihan nawa kayo ng Diyos!" Kami po ay mahirap lamang," ang naisagot ni Manuel. "Subalit ngayon po ay Pasko, ibig ko po sanang umuwi sa bayan upang

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LXII: Nagpaliwanag si Padre Ignacio

    Ang mga nakikitang regalo ni Felicidad ay walang halaga't kabuluhan, maging ang mga brilyante at mga burdadong pinya at sutla. Nakatingin sa pahayagan ang dalaga ngunit walang makita ni mabasa kaya. Bagama't may mga nagbabalita ng pagkamatay ni Francisco na nalunod sa lawa.Nang biglang nakaramdam siya noong na may dalawang palad na tumakip sa kanyang mga mata. Isang masayang tinig ang kanyang narinig, "Sino ako, sino ako? Natakot ka, ano? Dahil ba sa hindi mo inaasahan ng aking pagdating? Ako ay galing sa lalawigan upang makita ka at ang kasal mo," ang sabi ni Padre Ignacio. Nilapitan niya ang dalaga at iniabot ang kamay upang hagkan. Yumuko si Felicidad at nanginginig na hinagkan ang kamay ng pari. "Bakit ka nanlalamig, namumutla --- may sakit ka ba, anak?" Magiliw niyang kinabig ang dalaga at hinawakan ang dalawang kamay nito. "Wala ka na bang tiwala sa iyong inaama?" ang tanong ni Padre Ignacio. "Sige, maupo ka at sabihin mo sa akin ang problema mo tulad noong ginagawa mo

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LXI: Putukan sa Lawa

    "Ginoo, pakinggan po ninyo ang panukalang naisip ko," ang sabi ni Claudio samantalang sila'y magtutungo sa San Gabriel. "Kayo'y aking itatago sa aking kaibigan. Dadalhin ko sa inyo ang lahat ng inyong kuwalta na aking iniligtas at itinago sa puno ng balite sa libingan ng inyong Inkong at tumungo na kayo sa inyong lupain." "Ako, patutungo sa ibang lupain?" ang sagot ni Francisco."Upang kayo'y makapamuhay nang tahimik sa panahong natitira sa inyong buhay. Kayo'y may mga kaibigan sa España, mayaman at maaari ninyong lakarin na kayo'y mapatawad sa pagkabilanggo. Ang ibang lupain, sa ganang akin, ay lalong mabuti kaysa ating sarili bayan."Tumahimik si Francisco,waring nag-iisip. Sila ay dumarating sa Ilog ng Pag-ibig at ang bangka ay nagsisimulang sumalunga sa agos. Sa tulay ng España ay may kabayuhang nagpapatakbo samantalang naririnig noon ang mahahaba ay matutunog na paswit."Claudio ang inyong kasawian ay nagbuhat sa aking kaanak. Ang buhay

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LX: Magpapakasal na si Felicidad

    Tuwang-tuwa si Gobernador Gregorio. Pagkat wala ni sino mang nakialam sa kanya sa buong maghapong kakila-kilabot. Hindi siya dinakip at hindi rin siya ikinulong. Ngunit nang bumalik si Kapitan Tinong sa kanyang bahay ay may sakit, namumutla at namamanas. Hindi nakabuti sa kanya ang paglalakbay. Hindi siya kumikibo di bumabati sa kanyang pamilyang umiiyak, tumatawa, nagsasalita at nababaliw sa kagalakan. Ngunit ni ang pinsang si Primitivo at ang lahat ng karunungan nito ay walang magawa para siya'y mapakibo. "Crede prime" ang sabi sa kanya. "Kung hindi ko nasunog ang lahat ng kasulatan ay nabitay ka na sana."Ang sinapit ni Kapitan Tinong ay kabaligtaran naman sa sinapit ni Gobernador Gregorio. Ayon kay Gobernador Gregorio, ito ay maaaring himala ng Mahal na Birhen ng Antipolo. "Ito marahil ay sa tulong na rin ng aking nga magulang at ng aking magiging manugang na si Lucas de España."Ang bulung-bulungan si Francisco ay bibitayin na. Bagamat may mga katibayan upa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status