Una Vez en Diciembre

Una Vez en Diciembre

last updateHuling Na-update : 2022-07-21
By:   LightStarBlue  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
24Mga Kabanata
2.7Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

Dahil sa maling bahay na pinasukan, biglang nagbago ang takbo ng buhay ni Seraphim. Hindi niya inaasahan na mapupunta siya sa panahon kung saan makikilala niya ang isang napakasungit na binatang nagngangalang Manuel Saenz. Okay naman kay Seraphim na makitira sa masungit na nilalang na ito. Kaso napapansin niya na kung dati naii-stress siya sa pagiging masungit nito pero ngayon ay hindi na. Mas naii-stress siya kapag may ibang babaeng kasama si Manuel. Gusto niya sa kanya lang ang atensyon nito. Ayos lang naman sa kanya na magsungit ito basta makasama lang niya ito palagi. Nalintikan na! Mukhang pati rin yata siya nagiging abnormal na dahil sa masungit na lalaking ito.

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Prologo

Prologo"MASAYAako dahil maayos na ang iyong lagay ngayon, Victoria."Nginitian ko si Keira bago ihiga sa kuna ang aking unica hija katabi ang anak niyang lalaki. Tatlong buwan na ang nakalipas nang ako'y magising sa pagka-coma. Maayos na ang lahat. Wala ng nagbabanta sa buhay ko dahil matagal nang pumanaw si Mira. Nitong mga nakaraang buwan, sa San Pablo ako nagpagaling at nakabalik na ako kahapon dito sa Palacio ng Malacañang. Tahimik na ang buhay namin. Walang gulo sa ngayon at nasisiguro kong hindi na ako malalayo sa pamilya ko. Umupo ako sa tabi ni Keira. "Buti't ika'y nakapunta rito, Keira. Ang sabi kasi ng iyong sekretarya ay may mahalaga ka raw na pupunta ngayon kaya baka hindi ka makapunta rito.""Siyempre malakas ka sa akin kaya mas pipiliin kong puntahan ka kaysa sa seminar na 'yon. May importante ka raw na sasabihin sa akin. What is it?"Hinubad ko ang suot kong kuwintas at binigay k...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
24 Kabanata
Prologo
Prologo "MASAYA ako dahil maayos na ang iyong lagay ngayon, Victoria."Nginitian ko si Keira bago ihiga sa kuna ang aking unica hija katabi ang anak niyang lalaki. Tatlong buwan na ang nakalipas nang ako'y magising sa pagka-coma. Maayos na ang lahat. Wala ng nagbabanta sa buhay ko dahil matagal nang pumanaw si Mira. Nitong mga nakaraang buwan, sa San Pablo ako nagpagaling at nakabalik na ako kahapon dito sa Palacio ng Malacañang. Tahimik na ang buhay namin. Walang gulo sa ngayon at nasisiguro kong hindi na ako malalayo sa pamilya ko. Umupo ako sa tabi ni Keira. "Buti't ika'y nakapunta rito, Keira. Ang sabi kasi ng iyong sekretarya ay may mahalaga ka raw na pupunta ngayon kaya baka hindi ka makapunta rito.""Siyempre malakas ka sa akin kaya mas pipiliin kong puntahan ka kaysa sa seminar na 'yon. May importante ka raw na sasabihin sa akin. What is it?"Hinubad ko ang suot kong kuwintas at binigay k
last updateHuling Na-update : 2022-04-22
Magbasa pa
Capitulo Uno
Capitulo Uno SABI NILA, maswerte ka raw na pinanganak ka sa mundong ito dahil makikita mo ang kangandahan nito. Para naman sa akin, hindi naman lahat ay maswerte. Hindi naman lahat ng tao ay pinanganak na may gintong kutsara. May mga malas lang katulad ko. Kung sila, nakikita nila ang kagandahan ng buhay, p’wes hindi sa akin. Hindi lahat ay may mapagmahal na magulang dahil may mga tulad ko na pagkapanganak pa lang ay iniwan na sa tapat ng isang ampunan o simbahan. Ang worst is iwanan sa tabi ng basurahan.Maswerte raw ang mga batang napunta sa ampunan dahil may mga mag-aaruga sa kanila at hindi ito napunta sa mga masasamang tao. P’wes hindi lahat ng ampunan ay may mabuting tagapag-alaga. Nagkataon siguro na napunta ako sa ampunan na may mapanakit na tagapangalaga kaya mas pinili kong umalis na lang doon sa edad na disisais at tustusan ko na lang ang sarili ko habang nag
last updateHuling Na-update : 2022-04-22
Magbasa pa
Capitulo Dos
Capitulo Dos  “NASA loob na ako ng bahay, Tony.” Dahan-dahan kong sinara ang pintuan sa backdoor ng bahay. Isang ancestral house ang nanakawan namin ngayong gabi. Walang tao rito ngayon according kay Tony. Inilawan ko paligid ko gamit ang flashlight ng made in China kong cellphone na anytime nasa-shutdown. Kasalanan ni Tony kung bakit nagloloko ito. Naglalaro kasi siya ng Mobile Legends sa cellphone ko tapos bigla niya itong nabagsak sa sobrang inis dahil natalo siya. Alam na nga’ng pipitsugi ang cellphone, hindi pa iningatan ng mabuti. Kainis lang!Nilibot ko ang paningin ko. In fairness, kahit luma na ang bahay mukha pa ring bago. Umakyat ako para makapunta na ako sa sala. May nakita akong tatlong glass box sa gitna ng sala. Bawat glass box may laman na isang kuwintas.“Tony, may mga antique na necklace dito. Hindi ba natin
last updateHuling Na-update : 2022-04-22
Magbasa pa
Capitulo Tres
Capitulo Tres TUMAKBO ako pabalik sa kuwarto at tiningnan sa salamin kung suot ko pa iyon. Wala na! “Nalagot na.” Hinarap ko siya. “May nakita ka bang kuwintas na suot ko kanina?” Kaagad siyang umiling. “Lagot na.” Tiningnan ko kaagad ang sahig. Baka nahulog sa sahig ang necklace. Wala. “Lagot na talaga.” “Ano ba—" “Kuya! Huwag mong akong ipakulong!” “Ano?” “Nawala ko ang necklace. H-Hindi ko sinasadya. Ang ganda kasi ng kuwintas na nakita ko d’yan.” Tinuro ko ang vanity mirror table. “Kaya sinuot ko. Hindi ko alam na mawawala ko siya.” “Kuwintas?” Nagmadali siyang pumunta sa vanity mirror at may kinuha sa drawer. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang jewelry box. Bumalik kaagad siya sa harapan ko. May halong galit na ang mukha niya. “W-Wala kaninang jewelry box doon ah. Paanong nagka—" “May kinuha kang kuwintas dito?” “Wala.” Marahas niyang hinablot ang braso ko. “Magsabi ka ng totoo!” “Wala talaga. Wala rin ‘yan doon kanina kaya wala akong kinuha d’yan. Nakita ko la
last updateHuling Na-update : 2022-04-22
Magbasa pa
Capitulo Cuatro
Capitulo Cuatro ILANG beses na akong pabalik-balik ng lakad dito sa aking silid. Masyadong inookopahan ng binibini sa kabilang kuwarto ang aking isipan. Ako’y nagdadalawang isip kung tama bang dumito muna ito o hindi. Lalo na’t hindi ko naman ito kilala. Mamaya’y may gawing masama sa akin ang binibini. Baka rin ay hindi naman talaga ito galing sa hinaharap.Ngunit nagawa niyang patunayan na galing siya sa hinaharap sa pamamagitan ng makabagong teknolohiyang mayroon siya.“Oo, tama nga naman. Galing siya sa hinaharap.” Mainam talaga na maniwala ako sa sinasabi ng binibini. Ngunit paanong nakarating ito rito? Huminga ako ng malalim. Isang katanungan na mahirap sagutin.Bumalik na naman sa aking isipan ang pagpayag kong tumira rito ang binibining hindi ko man lang natanong kung anong pangalan. Hindi mainam na rito muna siya mamalagi lalo na’t isa siyang dalaga at ako
last updateHuling Na-update : 2022-04-28
Magbasa pa
Capitulo Cinco
Capitulo Cinco   “HAD to take the time to cut 'em off, I need help. I know how to make the girls go crazy…” Hindi ko maintindihan kung anong inaawit ng binibining ito. Tila ba’y tuwang-tuwa siya sa kanyang inaawit habang nagwawalis. Mayamaya’y huminto si Seraphim sa pagwawalis at sumayaw ng pagkagaslaw. Ano bang mayroon sa hinaharap kaya ganito kumilos ang binibining ito? “When you treat her like-” Huminto si Seraphim sa pagkanta at pagsayaw nang napatingin siya sa gaw iko. “Oy, Manuel! Good morning-este magandang umaga sa iyo! Kanina ka pa ba d’yan?” Matamnam ko lamang siyang tinitigan at hindi sinagot ang kaniyang katanungan. Napapaisip talaga ako kung bakit ko ba hinayaang dumito ang binibining ito kahit pa alam kong sasakit lamang ang
last updateHuling Na-update : 2022-04-28
Magbasa pa
Capitulo Sais
Capitulo Sais SABAY kaming lumingon ni Tandang Manuel sa taong tumawag sa kaniya. Isang napakagandang babae ang nakita ko. Bigla tuloy nahiya ang beauty ko sa kagandahan nito. "Señorita Anastasia Realonzo?" Sumunod ako kay Manuel nang lapitan niya ang babaeng nagngangalang Anastasia. Nagtago ako sa likuran niya dahil nahihiya akong harapin ang babae. “Ikaw nga, señorita Realonzo. Magandang umaga, señorita Realonzo!” Marahang yumuko si señorita Realonzo. "Magandang umaga rin sa iyo, señor Saenz! Mabuti't ika'y aking naabutan." "Bakit ka nagawi rito, señorita Realonzo?" "Nais ko sanang pag-usapan natin ang tungkol sa lupain ni Tiya Lucita. Alam naman nating dalawa na hindi-" "Achoo! Gosh! Nasinghot ko yata ang maliit na feather ng ibon." Napakamot ako sa ilong ko at muli akong bumahing. “Excuse me.” "Hindi ko alam na may bisita ka pala, señor. Paumanhin dahil ako ay nakaabala sa inyo.” Matipid itong ngumiti sa akin. “Ako'y aalis na." "Huwag! Pag-usapan na natin ang tungkol d'yan.
last updateHuling Na-update : 2022-04-29
Magbasa pa
Capitulo Siete
Capitulo SietePANAY ang lingon ko kay Manuel sa malayuan habang siya naman ay busy sa pakikipag-usap sa mga tauhan niya. Mukhang may munting meeting sila sa gitna ng taniman. "Hindi ba nila naisip na pwede naman sa patag na lugar sila mag-meeting? Bakit sa gitna pa ng taniman na anytime baka may mambulabog na daga sa meeting nila? At saka, ang init kaya. Hindi ba sila naiinitan?" Naglakad-lakad ako habang sila ay abala pa rin sa pinag-uusapan nila. Nag-squat ako para magtanggal ng mga damong ligaw sa paanan ko.Bakit kaya naligaw ng tubo ang mga damong ligaw? Saan kaya sila dapat tutubo?Nakakatuwa naman magtanggal ng damong ligaw. Nakakatanggal ng stress ko kay Tandang Manuel na ninuno ng mga masusungit na tao sa mundo. "He-he, ninuno ng mga masusungit. Bagay sa kanya ah."Nagpatuloy lang ako sa pagbubunot ng mga damong ligaw. Tumayo ako at kinuha ko ang kalaykay malapit sa akin. Pagdidiskitahan ko na talaga ang mga pobreng damong ligaw. At least natulungan ko ang magsasaka ni Manue
last updateHuling Na-update : 2022-04-30
Magbasa pa
Capitulo Ocho
Capitulo Ocho NAKAUPO lang ako rito sa sala habang hinihintay kong lumabas si Manuel. Hindi ko kasi siya na-inform na wala akong masusuot na damit para sa party ng friend niya. Sinuot ko na lang ang tingin ko pinakaangkop na suotin para sa isang party. Okay naman ang buhok ko. Pang-Ariana Grande hairstyle na ginawa ko. Ribbon ang pinang-ipit ko sa buhok ko. Bongga! Parang bumalik ako sa teenager days ko dahil sa ribbon sa buhok ko. Napatingin ako sa suot kong damit. Maganda naman ang damit at sa tingin ko damit rin ito ng ate ni Manuel. Infairness magkasingkatawan kaming dalawa. "Bakit hindi ka pa nakagayak?" Umangat ako ng tingin. "Wow! Ang gwapo mo naman!" Bumagay kay Manuel ang suot niyang white long sleeves polo, nakaibabaw rito ang black vest, at black slacks. P-in-artner niya sa black shoes ang damit niya. Para siyang si Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere. Lumapit siya sa akin habang inaayos niya ang sleeves ng polo niya. "Talaga?" "Oo. Pwede ka na ihanay sa mga oppa ng Ko
last updateHuling Na-update : 2022-05-01
Magbasa pa
Capitulo Nueve
Capitulo NueveBAGOT na bagot ako habang nakatingin sa mga tao na mukhang nag-e-enjoy sa party na ito. May mga nagtutugtog ng musical instruments, mga taong busy sa pakikipagkwentuhan, at nagsasayawan ng waltz sa gitna ng venue hall. Si Tandang Manuel busy rin na nakikipagkwentuhan sa friends niya. Sana all may friends. Samantalang ako, nandito sa upuan katabi ang ibang girls na parang nag-aabang na may magyayang isayaw sila."Grabe, nakaka-boring naman dito." Gusto kong sumalumbaba kaso papagalitan ako ni Tandang Manuel. Ayoko magalit 'yon. Baka magka-wifi signal na naman ang noo niya. Umayos ako ng upo. "Boooring!" Tumayo ako at lumapit sa bintana. Kita rito sa pwesto ko si Manuel na seryosong nakikipag-usap sa isang matandang lalaki. Mukhang anytime magbu-burst na siya sa galit. "Ano kayang pinag-uusapan nila kaya may wifi signal na naman sa noo si Tandang Manuel?" Nginitian ko siya nang mapatingin siya sa gawi ko. Unti-unting gumaan kahit papaano ang expression ng mukha niya. Buma
last updateHuling Na-update : 2022-05-02
Magbasa pa
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status