author-banner
LightStarBlue
LightStarBlue
Author

Nobela ni LightStarBlue

Una Vez en Diciembre

Una Vez en Diciembre

Dahil sa maling bahay na pinasukan, biglang nagbago ang takbo ng buhay ni Seraphim. Hindi niya inaasahan na mapupunta siya sa panahon kung saan makikilala niya ang isang napakasungit na binatang nagngangalang Manuel Saenz. Okay naman kay Seraphim na makitira sa masungit na nilalang na ito. Kaso napapansin niya na kung dati naii-stress siya sa pagiging masungit nito pero ngayon ay hindi na. Mas naii-stress siya kapag may ibang babaeng kasama si Manuel. Gusto niya sa kanya lang ang atensyon nito. Ayos lang naman sa kanya na magsungit ito basta makasama lang niya ito palagi. Nalintikan na! Mukhang pati rin yata siya nagiging abnormal na dahil sa masungit na lalaking ito.
Basahin
Chapter: Capitulo Veinte-Tres
Capitulo Veinte-Tres"SERAPHIM?"Tulala lang ako sa kawalan. Hindi ako nagsasalita kahit pa ilang beses na akong niyugyog ni Manuel."Seraphim, anong nangyayari sa iyo?" bakas sa boses ni Manuel ang labis na pag-aalala.Dahan-dahan kong hinawakan ang labi ko at nilingon ko siya. Hinayaan kong nakawin ng lalaking ito ang first kiss ko! Tumili ako. Kaagad na tinakpan ni Manuel ang bibig ko na naging dahilan kung bakit nawalan ako ng balance kaya pareho kaming natumba. Naitungkod niya ang kanyang braso kaya hindi siya nasubsob sa akin. Pero hindi nakatulong iyon dahil ang lapit pa rin ng mukha niya sa akin. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong titigan ang mukha niya. Bakit ba kasi ang gwapo ng lalaking ito?Iba’t ibang emosyon ang nakikita kong dumadaan sa mga mata ni Manuel. Nahihirapan akong alamin kung ano bang nasa isipan niya ngayon. "Binibini, ako'y humihingi ng paumanhin sa aking ginawa at gagawin." Sa ikalawang pagkakataon, muli niya akong hinalikan sa labi. Heto naman ako, h
Huling Na-update: 2022-07-21
Chapter: Capitulo Veinte-Dos
Capitulo Veinte-DosNAKATUON ang atensyon ko sa San Pablo lake habang si Manuel ay abala sa pagbabasa ng libro. Nakaupo kaming dalawa sa inilatag ni Manuel na kumot. Wala akong naririnig na ingay bukod sa nature sounds at talaga namang nakakakalma ng isipan. Hindi ko inaakala na may mas tatahimik pa bukod sa Saenz Mansion. Kaninang umaga ay niyaya ako ni Manuel na pumunta rito para raw makita ko ang ibang part ng San Pablo at makapasyal na rin. Sobrang saya ko dahil sa wakas naigala na rin ako ng matandang ito. Fifteen minutes away sa Hacienda Saenz ang San Pablo lake. Nilakad lang naming dalawa ang pagpunta rito. Huminga ako ng malalim bago umayos ng upo. "Alam mo? Dito lang ako muling nakaranas ng peace of mind."“Pis op maynd?”“Peace of mind ay napayapa ang isipan ng isang tao. Isa iyon sa mga magagandang bagay na gustong-gusto maranasan ng isang tao.”Marahang tumango si Manuel. "Bakit mo naman nasabi na rito ka lang nakaranas ng sinasabi mong pis op maynd? Hindi ka ba nakaranas
Huling Na-update: 2022-07-05
Chapter: Capitulo Veinte-Uno
Capitulo Veinte-UnoNAKATUON ang atensyon ko kay Seraphim na abalang kumakain ng bibingka na binili ko kanina sa pamilihan. Mukhang nagustuhan niya ang pagkain dahil tila ba’y may sarili na siyang mundo ngayon.“Da best itong bibingkang binili mo, Manuel. Ang sarap!” Sumubo ulit si Seraphim. Hindi ko napigilan ang aking sarili na sumalumbaba dahil labis akong natutuwa sa aking nakikita. “Malasang-malasa at halatang hindi tinipid sa rekados. Worth it ang pagbili mo. Hindi tulad kay Aling Lumeng. Nakow! Tinipid na nga ang sangkap, ang liit pa ng bawat hiwang binebenta. Itong ganito kalaking bibingka.” Tinuro niya ang isang subong hiwa ng bibingka. “Sampung piso na ito sa kanya. Partida, ang tabang pa. Ang mahal ng benta pero hindi naman masarap.” Lumingon siya sa akin at nawala ang ngiti sa mga labi. “Alam mo bang tinataboy mo ang biyaya ni Lord dahil sa pagsalumbaba mo. Umayos ka nga ng upo.”Kaagad kong sinunod ang utos ni Seraphim. Kahit papaano ay naiintindihan ko na ang ibang salit
Huling Na-update: 2022-06-23
Chapter: Capitulo Veinte
Capitulo VeinteINAMOY ko ang bungkos ng bulaklak na hawak-hawak ko. Napag-isipan ko na pumitas ng mga bulaklak para ilagay sa flower vase na nasa opisina ni Manuel. Para sa akin makakatulong sa kanya na may fresh flowers sa office niya para hindi siya masyadong ma-stress sa trabaho. Sinabihan naman ako ni Manuel na pwede akong pumitas ng bulaklak sa garden ng ate niya kaya hindi ako nag-alinlangang pumitas doon.Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ko si Manuel na lumabas sa opisina niya. Pero kaagad ding nabura iyon nang lumabas din si señorita Realonzo. Masaya silang nag-uusap at ang sweet nilang tingnan. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bungkos ng bulaklak na dahilan kung bakit may mga talulot na nahulog sa sahig. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon. Hindi ako natutuwang magkasama silang dalawa ngayon.Kaagad akong tumalikod sa kanila. Mamaya na lang siguro ako pupunta sa opisina ni Manuel kapag alam kong hindi ko sila makikita."Señorita Santiago!"Mariin ak
Huling Na-update: 2022-06-03
Chapter: Capitulo Diecinueve
Capitulo Diecinueve NAHINTO ako sa pagpupunas ng coffee table nang makita ko si Manuel na nagmamadaling bumaba ng hagadan. Ako naman dahil dakilang chikadora, sumunod ako sa kanya. Bigla pa namang sumulpot na parang nakakita ng multo. Dumeretso si Manuel sa kusina. Parang may hinahanap siya. Mayamaya ay niya ang pitsel na naglalaman ng tubig at nagsalin sa baso para uminom. Sunod-sunod ang pag-inom niya ng tubig. Lumapit ako sa kanya. "Ayos ka lang ba?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong sa kanya. Mukha kasing hindi siya okay. Lumingon si Manuel sa akin at walang sabi-sabing niyakap niya ako ng mahigpit na parang mawawala ako sa mundo. Heto na naman ulit ang eratikong pagtibok ng puso ko na palagi kong nararamdaman sa tuwing kasama ko siya. Marahan kong tinapik ang likod niya. Binalewala ko ang pagtambol ng puso ko dahil mukhang kailangan ni Manuel ngayon ng comfort mula sa akin. "Nakatulog ka ba tapos ang pangit ng panaginip mo?" Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nagpa
Huling Na-update: 2022-05-25
Chapter: Capitulo Dieciocho
Capitulo Dieciocho “MANUEL, mi hijo! Anong ginagawa mo riyan? Tulungan mo ako rito dahil natitiyak kong paparating na ang iyong mga kapatid galing sa Maynila.” Huminto ako sa pagbabasa at nagmadali akong pumunta sa kusina. Abala si Mama sa pagluluto ng mga paboritong putahe nina Kuya Matias at Ate Victoria. Gusto kasi ni Mama na ito ang magluto dahil sabik na raw ang aking mga kapatid sa luto nito. “Ano pong maitutulong ko?” “Ayusin mo na ang mesa sa komedor. Lagyan mo na ng mga pinggan, baso, at kubyertos upang maayos na ang lahat.” Kaagad kong sinunod ang utos ni Mama dahil maski ako ay sabik na ring makita ang aking mga nakakatandang kapatid. Matagal na rin ang huling pagkikita namin. Pinili kong ilagay sa mesa ang mga mamahaling kubyertos, pinggan, at baso na kalimitang ginagamit sa tuwing may mahalagang bisitang dumarating sa amin. Iyon kasi ang nais ipagamit ni Mama kapag uuwi ang aking mga kapatid galing Maynila o sa ibang bansa. Lumabas ng kusina si Mama. “Victoriano, nasa
Huling Na-update: 2022-05-20
Maaari mong magustuhan
Ang Pulang Kuwintas
Ang Pulang Kuwintas
History · LightStarBlue
10.2K views
Aking Maria
Aking Maria
History · LightStarBlue
9.9K views
She Only Live Twice
She Only Live Twice
History · LightStarBlue
6.8K views
Yugto
Yugto
History · LightStarBlue
5.2K views
Memories of the Past [COMPLETED]
Memories of the Past [COMPLETED]
History · LightStarBlue
5.2K views
DMCA.com Protection Status