Capitulo Tres
TUMAKBO ako pabalik sa kuwarto at tiningnan sa salamin kung suot ko pa iyon. Wala na! “Nalagot na.” Hinarap ko siya. “May nakita ka bang kuwintas na suot ko kanina?” Kaagad siyang umiling. “Lagot na.” Tiningnan ko kaagad ang sahig. Baka nahulog sa sahig ang necklace. Wala. “Lagot na talaga.”
“Ano ba—"
“Kuya! Huwag mong akong ipakulong!”
“Ano?”
“Nawala ko ang necklace. H-Hindi ko sinasadya. Ang ganda kasi ng kuwintas na nakita ko d’yan.” Tinuro ko ang vanity mirror table. “Kaya sinuot ko. Hindi ko alam na mawawala ko siya.”
“Kuwintas?” Nagmadali siyang pumunta sa vanity mirror at may kinuha sa drawer. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang jewelry box. Bumalik kaagad siya sa harapan ko. May halong galit na ang mukha niya.
“W-Wala kaninang jewelry box doon ah. Paanong nagka—"
“May kinuha kang kuwintas dito?”
“Wala.”
Marahas niyang hinablot ang braso ko. “Magsabi ka ng totoo!”
“Wala talaga. Wala rin ‘yan doon kanina kaya wala akong kinuha d’yan. Nakita ko lang sa drawer ay mga ipit sa buhok at ang kuwintas na sinasabi ko sa iyo. May pendant na star ‘yon. Kumikintab kapag natatamaan ng liwanag kaya para siyang bituin galing langit.”
“Ang ibig mo bang sabihin ay kuwintas na may colgante na bituin?”
Kaagad akong tumango dahil tingin ko pendant ang ibig sabihin niya ng colgante. “Oo.” Inabot ko ang kamay niya. “Kuya, huwag mo ang isumbong kina President Navarroza at Ma’am Victoria. Promise, wala akong planong nakawin ‘yon.” Matamnan niya lang akong tinitigan. Naku! Ipapakulong talaga ako nito. “Kuya, magsalita ka naman.”
“Hindi ko kilala ang mga sinasabi mong tao.” Tinalikuran niya ako at lumabas na ng kuwarto.
Sumunod naman ako sa kaniya. “Sandali lang, Kuya!” Humarang ako sa dinadaanan niya. Tumama ang liwanag ng buwan sa mukha niya. Ngayon ko lang natitigan ng mabuti ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko. “What the fudge!” Muntik na akong matumba sa sahig. Nakikita ko sa harapan ko mismo ang real life version ni Manuel Saenz. Para akong hihimatayin. Sure akong hindi siya multo dahil kapag multo siya dapat hindi ko na siya nahawakan kasi ganoon ang napapanood ko sa mga horror movie. “P-Paano mo siya naging kamukha?”
Muling kumunot ang noo niya. “Sino?”
“S-Si Manuel Saenz. Ang dating nagmamay-ari ng bahay na ito.”
“Ako ba’y pinagloloko mo? Ako si Manuel Saenz at ako ang nagmamay-ari ng bahay na ito.”
Ano raw? Siya raw si Manuel Saenz? Tumawa ako ng malakas. “Laughtrip ka, pare. Ikaw? Si Manuel Saenz?”
“Anong nakakatawa sa katotohanang ako si Manuel Saenz?”
“Ikaw talaga, Kuya.” Nahampas ko siya sa balikat. “Joker ka ano? Manuel Saenz daw. Sa dami kong narinig na siya raw si ganito ganyan, ikaw lang ang nagpatawa sa akin ng ganito.” Tawa pa rin ako ng tawa hanggang sa tumigil na ako. Seryoso pa rin ang mukha niya na parang sinasabi niya sa akin na siya talaga si Manuel Saenz at hindi uso sa kaniya ang word na joke. “Ikaw talaga ‘yon?”
“Kakasabi ko lang kanina, hindi ba?”
“P-Pero matagal ka nang patay.”
“At saan mo naman nalaman ang balitang iyon?”
“Sure ako na vintage na ang picture na pinakita sa akin ni Professor Keira.”
“Keira? Ang iyo bang sinasabi ay si Señorita Keira Silvano?”
“Keira Silvano-Realonzo. Ginawa mo namang single ang taong may dalawa nang anak.”
“Kinasal na sila ni Señor Gabriel Realonzo?”
“Oo. Hindi ka aware? Nag-treding pa nga sila sa mga social media dahil long lost lovers pala sila ni Gabriel Realonzo. Siguro noong year 2018 pa sila kinasal.”
“Ano?”
Napakamot ako sa ulo ko. “Noong taong dalawang libo’t labing walo. ‘Yan, gets mo na? Bongga ka. Gusto pa pure tagalog sabihin sa iyo. Dahil unang araw ng Disyembre ngayon, taong dalawang libo’t dalawampu, two years and half na siguro silang kasal.”
“G-Galing ka sa hinaharap?”
“Oo—” Ilang beses akong kumurap kasi baka naha-hallucinate lang ako sa matinding pagkaka-headlock niya sa akin. “Teka! Totoong si Manuel Saenz ka talaga?”
“Sinabi ko na kaninang ako si Manuel Saenz.”
“Seryoso? For real talaga?”
“Seryoso ako sa aking sinabi.”
Totoo raw na siya si Manuel Saenz. “Hindi ba dalawang libo’t dalawampu ang taon ngayon.”
“Hindi dahil ngayon ay ika-isa ng Disyembre taong isang libo’t siyam na raan, siyamnapu’t apat.”
“Nagbibiro ka lang, ‘di ba?”
“Ako ay isang taong kailanman ay hindi ginawang biro ang aking pagkakakilanlan. Pati na rin sa pagsasabi kung anong taon na ngayon.”
Bigla akong napatili sa realization na nakapag-time travel ako ng hindi ko alam kung paano ‘yon nangyari. Para akong nagha-hyperventilate. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayon. “Langya! Paano nangyari ‘yon?”
“Tama ba ang aking sinabi kanina? Galing ka sa hinaharap?”
Napapaypay ako sa sarili ko. Hindi ko pinansin ang tanong niya sa akin. “Oh my gosh! Oh my gosh!” Humarap ako kay Manuel Saenz. “Paano ako napunta rito?”
“Hindi ko alam. Isang kaisipan ang pagpunta mo rito lalo na’t galing ka sa hinaharap.”
“Pero bakit kilala mo si Professor Keira at ang asawa niya?”
“Dahil namuhay sila rito noon bilang magkasintahan.”
“Ano? P-Paano?” Sure akong namuhay sa panahon ko si Professor Keira at ang husband niya. Dami kaya nilang info sa internet, lalo naman kay Professor Keira.
“Iyon din ang hindi ko alam. Sa kabilang bayan lumaki si Señor Realonzo at pinakilala naman ni Señora Irabon na pamangkin ng asawa niya si Señorita Silvano. Bigla na lamang ang pagkawala nila, iyon pala’y napunta na sila sa hinaharap.”
“Imposible ‘yan! Sikat si Professor Keira bilang vocalist ng isang banda noon tapos bilang archeologist ngayon kaya imposible talaga ang sinasabi mo.”
Kumibit balikat lang si Manuel Saenz. “Sinasabi ko lamang ang totoo.”
Napasapo ako sa ulo ko. Parang maloloka na ako sa kakaisip kung paano ako napunta rito. Ang isa pang nakakaloka, saan ako titira nito? Malay ko ba kung nasaang panahon ako ngayon. “Gosh! Mababaliw na talaga ako!” Biglang may pumasok sa isip ko at unti-unti umangat ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko. Dahan-dahan akong ngumiti kay Manuel Saenz.
Kumunot ang noo niya. “Bakit ganyan ka makangiti na tila ba’y sinapian ka ng masamang espiritu?”
Walang further notice, kumapit ako sa braso niya. “Kuya, beke nemen pwede akong mag-stay dito? Kahit isang araw lang. Wala kasi akong matitirhan sa lugar na ito.”
“Hindi ako maaaring magpatuloy rito sa aming bahay ng isang binibini na hindi ko naman kilala!” Kumalas sa akin si Manuel pero agad din akong kumapit sa kaniya. “Binibini, tigilan mo ang iyong ginagawa mo!”
Mas humigpit ang kapit ko sa braso niya. “Kahit isang gabi lang. Pagbigyan mo na ako. Super stranger ako rito. Hahayaan mo bang ang isang binibining tulad ko na magpalakad-lakad sa daan na walang kaalam-alam na maaari pala siyang mapahamak?” Pinagmukha ko pang kaawa-awa ang sarili ko which is talaga namang kaawa-awa naman ako rito. Mas kuwawa ako kapag pinaalis talaga ako ngayon ni Manuel Saenz dito.
Pinipilit pa rin niyang kumalas sa pagkakahawak ko sa kaniya. “Maaari bang bitawan mo na ako?”
“Bibitawan na kita kung hahayaan mong dumito muna ako.”
Huminga siya ng malalim. May sinabi siya na hindi ko naintindihan. Siguro Spanish language ang language na ginamit niya. “Sige, pagbibigyan kitang dumito muna ng kahit ilang araw lang. May magagawa pa ba ako?”
“Sigurado ka?”
“Oo.”
Ngumiti ako ng sobrang tamis. “Salamat!” Binitawan ko na siya. Baka kasi bawiin ni Manuel ang decision niya na mag-stay ako rito kung tatagal pa ang pagkakahawak ko sa braso niya.
“Ngunit ako’y may mga kondisyon.”
“Sige, ano ‘yon?”
“Una, hindi ka maaaring lumabas sa bahay na ito ng hindi ko sinasabi. Hindi ka maaaring makita ng ibang tao na pagala-gala rito sa hacienda na wala man lang kasama. Lalo na’t ikaw ay dayo lamang. Pangalawa’y walang kang papakialamang gamit dito na walang permiso ko. Pangatlo, hindi ka maaaring pumasok sa silid na ‘yon.” Tinuro niya ang kuwarto kung saan kami galing kanina. “Huwag na huwag kang papasok d’yan dahil sa oras na pumasok ka riyan, huwag mong asahan na pagbibigyan pa kitang manirahan dito.”
Sunod-sunod naman akong tumango sabay taas ng kamay.
“May katanungan ka?”
Kaagad akong tumango. “Bakit ako bawal na pumasok d’yan? Hindi ba pwedeng d’yan na lang ako mag-stay?” Ang ganda kasi talaga ng kuwartong ‘yon.
“Hindi maaari!”
“Okay, okay. Chill ka lang. Pwede namang sabihin in a nice way. Bakit kailangang manigaw?” I rolled my eyes. “Gwapo ka sana kaso masungit ka. Huwag ganoon. Baka pumangit ka. Ikaw rin, walang magkakagusto sa iyo. Tatandang binata ka.”
Napasapo sa noo si Manuel. “Iyon lang muna sa ngayon.” Pumasok siya forbidden room at kaagad ding lumabas. May binigay siya sa akin na mga nakatuping damit. “Ihahatid kita sa magiging silid mo sa ngayon.”
“Hindi ba talaga ako pwede sa room na iyon? Bet ko kasi ang design. Feeling rich kid ako roon.” Nagbabaka sakaling pumayag si Manuel na mag-stay ako sa forbidden room na iyon.
“Isa pang tanong mo tungkol sa silid na iyon, palalayasin na kita sa pamamahay ko!”
“Okay, okay. High blood ka naman eh. Chill ka lang.” Masyado namang masungit ang lalaking ito. Sumunod ako sa kaniya hanggang sa huminto kami sa isang pintuan.
Binuksan niya ang pintuan at naunang pumasok sa loob. “Ito muna ang magiging silid mo.”
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kuwarto. May pagka-manly ang ayos nito. Pumasok ako sa loob. “Wow, ang laki ng room. Alam mo bang first time kong matutulog sa isang malaking kuwarto na solo lang?” Wala akong narinig na response mula sa kaniya. “Thank you, Manuel.” sincere kong sabi. Pumunta ako sa gitna ng kuwarto. Hinubad ko ang suot kong turtleneck blouse dahil kanina pa ako init na init sa suot ko. May suot naman akong sando kaya hindi na big deal—
“Dios mio! Magkaroon ka naman ng kahihiyan para sa iyong sarili!”
Nilingon ko si Manuel. Nakatalikod siya sa akin. “Ano namang ginawa kong masama sa iyo kaya ka naninigaw?”
“Bakit ka naghuhubad sa harap ng isang lalaki?” tanong niya na parang anytime maghihisterikal na siya.
Tiningnan ko ang suot ko. Wala namang masama sa suot kong black sando. “Hindi naman ako n*******d ah.”
Lumingon sa akin panandalian si Manuel. “Ika’y n*******d na! Isuot mo nga muli ang iyong pangtaas.”
“Ayoko! Mainit kaya. Kung sana uso na aircon or electric fan dito, isusuot ko ulit itong turtleneck ko at saka, common na lang na magsuot ng ganitong damit sa amin. ‘Yong iba nga kita tiyan at pisngi ng cleavage eh.”
“P’wes hindi rito dahil kahit sinong makakita sa iyo ngayon, sa paningin nila’y ika’y n*******d na.”
Nanlaki ang mata ko nang ma-realized kong tama si Manuel. Dahil may pagka-consevative ang mga tao sa panahong ito, malamang sa paningin niya ay n*******d ako ngayon kahit na naka-black pants at sando ako. Kaagad kong tinakpan ang katawan ko. “H-Huwag kang tumingin sa akin. Talagang lulumpuhin kita.”
“S-Sige maiwan na kita.” Nagmamadali siyang lumabas at sinara ang pintuan.
“Gosh! Nakakaloka!” Humiga ako sa kama. Talagang nakakaloka! Bakit ba kasi ako napunta sa panahong ito?
Capitulo CuatroILANG beses na akong pabalik-balik ng lakad dito sa aking silid. Masyadong inookopahan ng binibini sa kabilang kuwarto ang aking isipan. Ako’y nagdadalawang isip kung tama bang dumito muna ito o hindi. Lalo na’t hindi ko naman ito kilala. Mamaya’y may gawing masama sa akin ang binibini. Baka rin ay hindi naman talaga ito galing sa hinaharap.Ngunit nagawa niyang patunayan na galing siya sa hinaharap sa pamamagitan ng makabagong teknolohiyang mayroon siya.“Oo, tama nga naman. Galing siya sa hinaharap.” Mainam talaga na maniwala ako sa sinasabi ng binibini. Ngunit paanong nakarating ito rito? Huminga ako ng malalim. Isang katanungan na mahirap sagutin.Bumalik na naman sa aking isipan ang pagpayag kong tumira rito ang binibining hindi ko man lang natanong kung anong pangalan. Hindi mainam na rito muna siya mamalagi lalo na’t isa siyang dalaga at ako
Capitulo Cinco “HADto take the time to cut 'em off, I need help. I know how to make the girls go crazy…” Hindi ko maintindihan kung anong inaawit ng binibining ito. Tila ba’y tuwang-tuwa siya sa kanyang inaawit habang nagwawalis. Mayamaya’y huminto si Seraphim sa pagwawalis at sumayaw ng pagkagaslaw. Ano bang mayroon sa hinaharap kaya ganito kumilos ang binibining ito? “When you treat her like-”Huminto si Seraphim sa pagkanta at pagsayaw nang napatingin siya sa gaw iko. “Oy, Manuel! Good morning-este magandang umaga sa iyo! Kanina ka pa ba d’yan?” Matamnam ko lamang siyang tinitigan at hindi sinagot ang kaniyang katanungan. Napapaisip talaga ako kung bakit ko ba hinayaang dumito ang binibining ito kahit pa alam kong sasakit lamang ang
Capitulo Sais SABAY kaming lumingon ni Tandang Manuel sa taong tumawag sa kaniya. Isang napakagandang babae ang nakita ko. Bigla tuloy nahiya ang beauty ko sa kagandahan nito. "Señorita Anastasia Realonzo?" Sumunod ako kay Manuel nang lapitan niya ang babaeng nagngangalang Anastasia. Nagtago ako sa likuran niya dahil nahihiya akong harapin ang babae. “Ikaw nga, señorita Realonzo. Magandang umaga, señorita Realonzo!” Marahang yumuko si señorita Realonzo. "Magandang umaga rin sa iyo, señor Saenz! Mabuti't ika'y aking naabutan." "Bakit ka nagawi rito, señorita Realonzo?" "Nais ko sanang pag-usapan natin ang tungkol sa lupain ni Tiya Lucita. Alam naman nating dalawa na hindi-" "Achoo! Gosh! Nasinghot ko yata ang maliit na feather ng ibon." Napakamot ako sa ilong ko at muli akong bumahing. “Excuse me.” "Hindi ko alam na may bisita ka pala, señor. Paumanhin dahil ako ay nakaabala sa inyo.” Matipid itong ngumiti sa akin. “Ako'y aalis na." "Huwag! Pag-usapan na natin ang tungkol d'yan.
Capitulo SietePANAY ang lingon ko kay Manuel sa malayuan habang siya naman ay busy sa pakikipag-usap sa mga tauhan niya. Mukhang may munting meeting sila sa gitna ng taniman. "Hindi ba nila naisip na pwede naman sa patag na lugar sila mag-meeting? Bakit sa gitna pa ng taniman na anytime baka may mambulabog na daga sa meeting nila? At saka, ang init kaya. Hindi ba sila naiinitan?" Naglakad-lakad ako habang sila ay abala pa rin sa pinag-uusapan nila. Nag-squat ako para magtanggal ng mga damong ligaw sa paanan ko.Bakit kaya naligaw ng tubo ang mga damong ligaw? Saan kaya sila dapat tutubo?Nakakatuwa naman magtanggal ng damong ligaw. Nakakatanggal ng stress ko kay Tandang Manuel na ninuno ng mga masusungit na tao sa mundo. "He-he, ninuno ng mga masusungit. Bagay sa kanya ah."Nagpatuloy lang ako sa pagbubunot ng mga damong ligaw. Tumayo ako at kinuha ko ang kalaykay malapit sa akin. Pagdidiskitahan ko na talaga ang mga pobreng damong ligaw. At least natulungan ko ang magsasaka ni Manue
Capitulo Ocho NAKAUPO lang ako rito sa sala habang hinihintay kong lumabas si Manuel. Hindi ko kasi siya na-inform na wala akong masusuot na damit para sa party ng friend niya. Sinuot ko na lang ang tingin ko pinakaangkop na suotin para sa isang party. Okay naman ang buhok ko. Pang-Ariana Grande hairstyle na ginawa ko. Ribbon ang pinang-ipit ko sa buhok ko. Bongga! Parang bumalik ako sa teenager days ko dahil sa ribbon sa buhok ko. Napatingin ako sa suot kong damit. Maganda naman ang damit at sa tingin ko damit rin ito ng ate ni Manuel. Infairness magkasingkatawan kaming dalawa. "Bakit hindi ka pa nakagayak?" Umangat ako ng tingin. "Wow! Ang gwapo mo naman!" Bumagay kay Manuel ang suot niyang white long sleeves polo, nakaibabaw rito ang black vest, at black slacks. P-in-artner niya sa black shoes ang damit niya. Para siyang si Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere. Lumapit siya sa akin habang inaayos niya ang sleeves ng polo niya. "Talaga?" "Oo. Pwede ka na ihanay sa mga oppa ng Ko
Capitulo NueveBAGOT na bagot ako habang nakatingin sa mga tao na mukhang nag-e-enjoy sa party na ito. May mga nagtutugtog ng musical instruments, mga taong busy sa pakikipagkwentuhan, at nagsasayawan ng waltz sa gitna ng venue hall. Si Tandang Manuel busy rin na nakikipagkwentuhan sa friends niya. Sana all may friends. Samantalang ako, nandito sa upuan katabi ang ibang girls na parang nag-aabang na may magyayang isayaw sila."Grabe, nakaka-boring naman dito." Gusto kong sumalumbaba kaso papagalitan ako ni Tandang Manuel. Ayoko magalit 'yon. Baka magka-wifi signal na naman ang noo niya. Umayos ako ng upo. "Boooring!" Tumayo ako at lumapit sa bintana. Kita rito sa pwesto ko si Manuel na seryosong nakikipag-usap sa isang matandang lalaki. Mukhang anytime magbu-burst na siya sa galit. "Ano kayang pinag-uusapan nila kaya may wifi signal na naman sa noo si Tandang Manuel?" Nginitian ko siya nang mapatingin siya sa gawi ko. Unti-unting gumaan kahit papaano ang expression ng mukha niya. Buma
Capitulo DiezNGAYON lamang nangyari sa akin na hindi ako mapalagay dahil sa isang kwento ng buhay ng tao . Hindi ko magawang magkatulog dahil patuloy na tumatakbo sa aking isipan ang tungkol sa naging buhay ni Seraphim sa kanyang panahon. Sa murang edad, naranasan na niya ang kalupitan ng mundo. Hindi naramdaman ang pagmamahal ng mga magulang at pisikal na sinasaktan ng mga nag-aalaga sa kanila sa ampunan. Hindi ko napigilan ang aking sarili na humigpit ang hawak ko sa kopita.“Ang bata pa niya noong mga panahong iyon. Hindi niya dapat naranasan iyon.”Noon, iniisip kong napakalupit na ng dinanas ko sa buhay dahil sa sunod-sunod na trahedyang dumating. Pero hindi ko inaasahan na mas naging malupit ang buhay para kay Seraphim. Ang taong akala ko’y masayahing tao ay tinatago lamang pala sa mga ngiti ang lungkot at sakit na dinanas. Na inakala kong taong sunod sa layaw ay kahit kailanman ay hindi naranasan makuha ang ninanais sa buhay. Masyado kong minaliit ang pagkatao ni Seraphim na t
Capitulo Once"MANUEL,""Hmn?""Hindi ka ba nababagot?""Nababagot saan?" Hindi man lang tumingin sa akin si Tandang Manuel. Patuloy lang siya sa pagkukumpuni ng nasirang upuan ng dining table."Dito sa bahay mo. Nakakabagot kaya rito lalo na kung mag-isa ka lang dito. Wala man lang mapagkakaabalahan tapos wala ring masyadong kausap."Huminto sa pagpukpok ng pako si Manuel. "Hindi. Marami naman akong mapagkakaabalahan dito.""Sigurado ka? Ang boring kaya rito. Kung sana may internet at koryente rito, sure talagang hindi ako mababagot. Syempre makakalaro ako ng mobile games sa cellphone ko.""Ang mga bagay na iyong sinasambit ay pawang mga luho lamang.""Hindi kaya.” Umupo ako sa kalapit na upuan. “Kung walang koryente at internet, mahihinto lahat. Walang trabaho, hindi kaagad makikita ang mga sagot sa takdang aralin at mahirap makipag-usap sa mga minamahal natin na malayo sa atin." Pinakita ko kay Tandang Manuel ang Messenger ko. "Idagdag mo pa na hindi ka makakalaro ng mga mobile gam
Capitulo Veinte-Tres"SERAPHIM?"Tulala lang ako sa kawalan. Hindi ako nagsasalita kahit pa ilang beses na akong niyugyog ni Manuel."Seraphim, anong nangyayari sa iyo?" bakas sa boses ni Manuel ang labis na pag-aalala.Dahan-dahan kong hinawakan ang labi ko at nilingon ko siya. Hinayaan kong nakawin ng lalaking ito ang first kiss ko! Tumili ako. Kaagad na tinakpan ni Manuel ang bibig ko na naging dahilan kung bakit nawalan ako ng balance kaya pareho kaming natumba. Naitungkod niya ang kanyang braso kaya hindi siya nasubsob sa akin. Pero hindi nakatulong iyon dahil ang lapit pa rin ng mukha niya sa akin. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong titigan ang mukha niya. Bakit ba kasi ang gwapo ng lalaking ito?Iba’t ibang emosyon ang nakikita kong dumadaan sa mga mata ni Manuel. Nahihirapan akong alamin kung ano bang nasa isipan niya ngayon. "Binibini, ako'y humihingi ng paumanhin sa aking ginawa at gagawin." Sa ikalawang pagkakataon, muli niya akong hinalikan sa labi. Heto naman ako, h
Capitulo Veinte-DosNAKATUON ang atensyon ko sa San Pablo lake habang si Manuel ay abala sa pagbabasa ng libro. Nakaupo kaming dalawa sa inilatag ni Manuel na kumot. Wala akong naririnig na ingay bukod sa nature sounds at talaga namang nakakakalma ng isipan. Hindi ko inaakala na may mas tatahimik pa bukod sa Saenz Mansion. Kaninang umaga ay niyaya ako ni Manuel na pumunta rito para raw makita ko ang ibang part ng San Pablo at makapasyal na rin. Sobrang saya ko dahil sa wakas naigala na rin ako ng matandang ito. Fifteen minutes away sa Hacienda Saenz ang San Pablo lake. Nilakad lang naming dalawa ang pagpunta rito. Huminga ako ng malalim bago umayos ng upo. "Alam mo? Dito lang ako muling nakaranas ng peace of mind."“Pis op maynd?”“Peace of mind ay napayapa ang isipan ng isang tao. Isa iyon sa mga magagandang bagay na gustong-gusto maranasan ng isang tao.”Marahang tumango si Manuel. "Bakit mo naman nasabi na rito ka lang nakaranas ng sinasabi mong pis op maynd? Hindi ka ba nakaranas
Capitulo Veinte-UnoNAKATUON ang atensyon ko kay Seraphim na abalang kumakain ng bibingka na binili ko kanina sa pamilihan. Mukhang nagustuhan niya ang pagkain dahil tila ba’y may sarili na siyang mundo ngayon.“Da best itong bibingkang binili mo, Manuel. Ang sarap!” Sumubo ulit si Seraphim. Hindi ko napigilan ang aking sarili na sumalumbaba dahil labis akong natutuwa sa aking nakikita. “Malasang-malasa at halatang hindi tinipid sa rekados. Worth it ang pagbili mo. Hindi tulad kay Aling Lumeng. Nakow! Tinipid na nga ang sangkap, ang liit pa ng bawat hiwang binebenta. Itong ganito kalaking bibingka.” Tinuro niya ang isang subong hiwa ng bibingka. “Sampung piso na ito sa kanya. Partida, ang tabang pa. Ang mahal ng benta pero hindi naman masarap.” Lumingon siya sa akin at nawala ang ngiti sa mga labi. “Alam mo bang tinataboy mo ang biyaya ni Lord dahil sa pagsalumbaba mo. Umayos ka nga ng upo.”Kaagad kong sinunod ang utos ni Seraphim. Kahit papaano ay naiintindihan ko na ang ibang salit
Capitulo VeinteINAMOY ko ang bungkos ng bulaklak na hawak-hawak ko. Napag-isipan ko na pumitas ng mga bulaklak para ilagay sa flower vase na nasa opisina ni Manuel. Para sa akin makakatulong sa kanya na may fresh flowers sa office niya para hindi siya masyadong ma-stress sa trabaho. Sinabihan naman ako ni Manuel na pwede akong pumitas ng bulaklak sa garden ng ate niya kaya hindi ako nag-alinlangang pumitas doon.Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ko si Manuel na lumabas sa opisina niya. Pero kaagad ding nabura iyon nang lumabas din si señorita Realonzo. Masaya silang nag-uusap at ang sweet nilang tingnan. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bungkos ng bulaklak na dahilan kung bakit may mga talulot na nahulog sa sahig. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon. Hindi ako natutuwang magkasama silang dalawa ngayon.Kaagad akong tumalikod sa kanila. Mamaya na lang siguro ako pupunta sa opisina ni Manuel kapag alam kong hindi ko sila makikita."Señorita Santiago!"Mariin ak
Capitulo Diecinueve NAHINTO ako sa pagpupunas ng coffee table nang makita ko si Manuel na nagmamadaling bumaba ng hagadan. Ako naman dahil dakilang chikadora, sumunod ako sa kanya. Bigla pa namang sumulpot na parang nakakita ng multo. Dumeretso si Manuel sa kusina. Parang may hinahanap siya. Mayamaya ay niya ang pitsel na naglalaman ng tubig at nagsalin sa baso para uminom. Sunod-sunod ang pag-inom niya ng tubig. Lumapit ako sa kanya. "Ayos ka lang ba?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong sa kanya. Mukha kasing hindi siya okay. Lumingon si Manuel sa akin at walang sabi-sabing niyakap niya ako ng mahigpit na parang mawawala ako sa mundo. Heto na naman ulit ang eratikong pagtibok ng puso ko na palagi kong nararamdaman sa tuwing kasama ko siya. Marahan kong tinapik ang likod niya. Binalewala ko ang pagtambol ng puso ko dahil mukhang kailangan ni Manuel ngayon ng comfort mula sa akin. "Nakatulog ka ba tapos ang pangit ng panaginip mo?" Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nagpa
Capitulo Dieciocho “MANUEL, mi hijo! Anong ginagawa mo riyan? Tulungan mo ako rito dahil natitiyak kong paparating na ang iyong mga kapatid galing sa Maynila.” Huminto ako sa pagbabasa at nagmadali akong pumunta sa kusina. Abala si Mama sa pagluluto ng mga paboritong putahe nina Kuya Matias at Ate Victoria. Gusto kasi ni Mama na ito ang magluto dahil sabik na raw ang aking mga kapatid sa luto nito. “Ano pong maitutulong ko?” “Ayusin mo na ang mesa sa komedor. Lagyan mo na ng mga pinggan, baso, at kubyertos upang maayos na ang lahat.” Kaagad kong sinunod ang utos ni Mama dahil maski ako ay sabik na ring makita ang aking mga nakakatandang kapatid. Matagal na rin ang huling pagkikita namin. Pinili kong ilagay sa mesa ang mga mamahaling kubyertos, pinggan, at baso na kalimitang ginagamit sa tuwing may mahalagang bisitang dumarating sa amin. Iyon kasi ang nais ipagamit ni Mama kapag uuwi ang aking mga kapatid galing Maynila o sa ibang bansa. Lumabas ng kusina si Mama. “Victoriano, nasa
Capitulo DiecisieteHUMINTO ako sa pagbuburda dahil dama kong nakatingin sa akin ngayon si Manuel. Umangat ako ng tingin para masiguro kong tama ang aking hinala. Nahuli kong nakatitig nga si Manuel sa akin pero kaagad niyang binaling ang tingin sa diyaryong hawak. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinititigan na para namang may ginawa akong napakalaking kasalanan sa mundo.Wala ba itong trabaho ngayon kaya rito tumatambay ang lalaking ito?Binalik ko ang aking atensyon sa binuburda ko. Muli ko na namang naramdaman ang titig niya kaya kaagad akong tumingin sa kanya. Katulad ng ginawa ni Manuel kanina ay binaling niya ang tingin sa diyaryo. Huminga ako ng malalim. "May problema ba tayo, Manuel?""Wala naman. Ano naman ang magiging problema nating dalawa?" Nasa diyaryo pa rin ang tingin ni Manuel. Naisip ko lang. Naiintindihan pa ba niya ang binabasa niya?"Ewan ko. Napansin kong kanina mo pa ako tinititigan." Nagpatuloy na ako sa ginagawa ko. "Hindi ko alam kung bakit panay ang tingin
Capitulo 16NAG-INAT ako ng katawan bago lumabas ng kwarto ko. Medyo tinanghali ako ng gising dahil alas dose na rin kaming nakauwi ni Manuel galing sa Manila. Hindi na nga kami nakapaghapunan dahil pareho kaming pagod. Hindi ko nga lang alam kung anong oras nakatulog si Manuel dahil bago ako pumasok ng kwarto ay abala pa siya sa pag-aayos ng mga pinamili niya. Baka nga tulog pa ‘yon ngayon.Dumeretso ako sa kusina para magluto ng almusal or brunch namin ni Manuel. Ipinusod ko ang aking buhok para naman hindi tumabing sa mukha ko habang nagluluto. Kumunot ang noo ko dahil sa nakita ko. Nagtataka ako kung bakit bukas ang backdoor sa kusina. Kumabog ang dibdib ko. Baka pinasukan na kami ng magnanakaw at hindi namin naramdaman na may ibang tao na pala rito dahil sa sobrang lalim ng tulog.Bumalik ako sa sala. Mukhang wala namang pinakialam doon. Sunod ko namang pinuntahan ang library at opisina ni Manuel. Wala ring bakas na pinasukan ito ng magnanakaw. Ang huli kong pinuntahan ay ang kwa
Capitulo Quince“AALIS na talaga tayo?”“Oo dahil marami pa akong trabahong naiwan sa hacienda. May inasikaso lamang ako sa ibang negosyo namin dito kaya tayo pumunta rito.” Isa-isa kong sinuri kung dala-dala ba namin ang mga gamit namin pati na rin ang ilang damit na binili ko para kay Seraphim. Hindi naman sa lahat ng oras ay gamitin niya ang kasuotan ni Ate Victoria. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya na binilhan ko siya ng damit. Saka na lamang kapag nakauwi na kami. Nasa estasyon kami ng tren papunta sa San Pablo. Hindi ganoon karami ang tao ngayon dahil na rin siguro sa oras ng siesta. Tulog ang karamihan ng tao sa mga oras na ito.“Ganoon?” bakas ang lungkot sa boses ni Seraphim. Marahil ay nabitin ito sa pamamalagi namin dito sa Intramuros. Maski ako ay nabitin din dahil labis akong nasiyahan na maglibot dito na kasama si Seraphim. Ngunit hindi maaaring tumagal kami rito dahil marami pa akong gagawin sa hacienda.“Ayos na ang lahat.” Humarap ako kay Seraphim. Wala sa akin ang aten